Their Long Lost Sister

Da lialabspurple

46.9K 1.6K 284

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... Altro

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

CHAPTER 21

782 39 6
Da lialabspurple

Nang lumabas na ang doctor at sinabi sa kanila na wala na si Dhianne ay nagalit si Shawn.

Nagkagulo sila doon. Galit na galit ang mukha ni Shawn habang inaawat pa rin siya ni Jazley. Hindi niya matuloy-tuloy ang pagsapak sa doctor dahil kay Jazley.

"Kuya! Stop!" umiiyak nang sigaw ni Felix. Sa kanilang apat na lalaking magkakapatid, si Felix ang softie.

"How dare you na sabihin 'yan sa 'min?! She's not dead! Our sister is not dead, you fucker!" gigil na sigaw ni Shawn. May umaawat na ring mga nurses.

"Are you really a doctor? Are you really doing your job, ha?!" Shawn said while gritting his teeth. Hawak pa rin ang kwelyo ng doctor.

Sa gigil na rin ni Jazley dahil ayaw magpaawat ni Shawn ay sinapak na niya si Shawn dahilan para tumalsik si Shawn sa lakas no'n. Napasinghap naman sila Vaxton at ang mga nakakita no'n.

'Yun lang kasi ang naiisip na paraan ni Jazley para maawat ang kapatid. Ayaw niya man itong saktan ay no choice siya.

Nakakaagaw na rin sila ng atensyon kaya kailangan na nitong huminto. Masakit sa kaniya ang narinig pero hindi dapat maging ganito.

"I'm sorry pero hindi ka titigil hangga't hindi kita nasasapak. Don't–" hindi pa natatapos ni Jazley ang sasabihin nang may bigla na lang sumingit na nurse. Hinihingal pa ito.

"D-doc, buhay po ang pasyente. N-nabuhay po siya." sabi nito at mabilis pa sa alas kwatrong umalis doon ang doctor para muling balikan ang kapatid nila.

Natigilan naman sila dahil sa narinig. Para bang nabunutan sila ng tinik dahil sa narinig.

"Apologize to the doctor, Shawn." seryosong sabi ni Jazley kay Shawn na nasa sahig pa rin. May dugo ang gilid ng labi dahil sa lakas ng sapak sa kaniya ni Jazley.

Nag-iwas lang naman ng tingin si Shawn kay Jazley. Jazley sighed at napailing na lang bago nilingon ang dalawang kapatid na natahimik.

Nang kay Felix na siya napatingin ay nakita niya itong tahimik na nahikbi. Nilapitan niya ito para yakapin na yumakap rin naman sa kaniya at umiyak sa dibdib niya. Tinapik-tapik niya pa ang likod nito para pakalmahin.

Masakit para sa kaniya na makitang umiiyak ang kapatid. Kailangan niyang maging matatag para sa mga kapatid. Hindi siya pwedeng maging mahina sa oras na 'to dahil siya ang kakapitan ng mga kapatid niya.

"Kumalma ka na, magiging ayos din ang kapatid natin, Felix." bulong niya dito at tumango-tango naman si Felix.

Nagtaka siya no'ng una dahil kapatid natin ang sinabi ni Jazley pero napatango rin dahil tinuturing na nga rin pala ni Jazley na kapatid ang kapatid nila.

'Yun ang alam niya pero hindi niya alam na magkakapatid talaga silang lima.

Maya-maya ay nilapitan ni Vaxton ang kuya niyang si Shawn na nanatiling nakaupo sa sahig. Naupo siya sa tabi nito pero hindi siya nilingon ng kapatid.

"K-kung maaga lang sana tayong nakarating. Hindi... Hindi sana naging ganito ang kapatid natin. Kung hindi lang sana tayo nahuli. Kung naligtas lang sana natin siya nang maaga, edi sana wala siya dito sa hospital. She's not... Hindi sana siya nag-aagaw buhay ngayon." Shawn whispered and napakuyom ang kamao. Vaxton just bit his lower lip to stopped himself from crying.

Hindi sila iyakin pero pagdating sa kapatid nila napakaiyakin nila. Their princess and their parents is their weakness.

Ilang minuto rin siguro silang nakatanga lang doon at walang imikan nang dumating ang magulang nila. Agad na tumakbo palapit si Felix sa mga magulang at niyakap ang Mommy nila.

"M-mommy." Felix cried on his mother's chest. His mother just combed his hair with a small smile on her lips.

"Shawn, what happened to your lips?" kunot noong tanong ni Alfred sa pangalawang anak na lalaki nang makitang may dugo ang gilid ng labi nito nang tumayo na ito sa pagkakaupo nito sa sahig.

"It's nothing, Dad. Don't mind it." Shawn just said and looked at Jazley who just looked away. Sumipol pa siya na ikinailing ni Shawn.

Hindi naman siya nagalit sa ginawa ni Jazley sa kaniya. Pabor pa nga siya do'n. Kasalanan niya rin naman kung bakit siya nasapak kaya tanggap niya.

"By the way, how's your sister? Okay na ba siya?" Their Mom asked after a while.

Hindi pa man nakakasagot ang isa sa kanila nang lumabas ng muli ang doctor at nilapitan sila.

"She's fine now. Pero hindi pa tayo makakasiguro kung kailan siya tuluyang magigising. She's lucky dahil muli siyang nabuhay matapos nang malalang nangyare sa kaniya. In her case, pwede talaga siyang bawian ng buhay, but hindi pa siguro niya oras. She's strong, lumalaban siya." The doctor said.

"But she's on comatose. And kung magising na siya, maaari siyang magka-amnesia. Malala ang naging tama niya sa ulo kaya posible talagang magkaroon siya ng amnesia. Asahan niyo na 'yon and mag-usap na lang po tayo ulit bukas para sa iba pang test na isinagawa at isasagawa pa lang namin sa kaniya. Thank you." dugtong muli ng doctor.

Si Jazley na ang kumausap dito dahil hindi naman ito makausap ng maayos ng pamilya niya. Nagpasalamat siya sa doctor bago ito tuluyang umalis.

Tinanong din ni Jazley kung pwede ba nilang mabisita ang kapatid at pwede naman daw sabi ng doctor pero paisa-isa lang daw dapat. Hindi pwede ang maramihan.

Sinabi pa ng doctor na malala talaga ang naging tama ng pagkakahulog nito mula sa bangin. May bali rin ang iba't ibang parte ng katawan nito. Talagang malala na hindi na nila kaya pang marinig.

"M-my daughter... My poor princess. She don't deserve this, love. Ang baby natin." umiiyak na sabi ni Dianna maya-maya. Niyakap lang naman siya ng asawa.

Nagpipigil rin na h'wag umiyak dahil kailangan niyang maging matatag para sa asawa't mga anak niya.

Galit na sinuntok ni Shawn ang pader na ikinasinghap nila Vaxton. Nakita pa nilang tumulo ang luha nito. Vaxton walked towards his brother and tinapik-tapik ang likod nito.

"K-kuya." Vaxton said and bit his lower lip when his voice broke when he spoke.

Durog na durog ang pamilyang Fernandez sa mga oras na 'yon. Hindi sila makausap ng maayos. Hindi matanggap ang nangyare sa kapatid.

Masaya silang buhay ito pero masakit pa rin sa kanila ang nangyare dito at ang pag-asang pwede itong magka-amnesia. Kapag nangyare nga 'yon ay hindi nila alam ang gagawin.

* * *

"Hello, princess? How are you?" Shawn asked with a smile on his lips. Pinupunasan niya ang mukha ng kapatid na mahimbing ang tulog.

Aakalain mong natutulog lang siya. Anim na buwan na rin ang lumipas simula ng nangyare ang nangyare dito. Anim na buwan na rin itong nakahiga lang sa kama.

Hindi naman sila nawawalan ng pag-asa na muli itong magigising. Okay na sa kanilang magkaroon ito ng amnesia basta ba ay buhay h'wag lang patay.

Sa anim na buwan na comatose ito ay lagi nila itong nililinisan. Lagi nilang pinupunasan ang mukha at katawan nito. Inaalagaan nila ang kapatid nila kahit na comatose ito.

Miss na miss na nila ang malambing nitong boses. Gusto na nila ulit marinig ang boses nito at ang tawa nitong nakakahawa.

Wala silang ibang ginawa sa anim na buwan kung hindi ang asikasuhin lang ang kapatid. Salitan naman silang apat. Kinakausap rin nila ito palagi.

"Gising ka na, princess. Ang haba na ng tulog mo, oh. Hindi ba masakit sa mata?" sabi naman ni Jazley at mahinang natawa. Kumpleto silang apat ngayon sa private room ni Dhianne.

Lumabas lang ang mga magulang nila para bumili ng pagkain nila. Ito na kasi ang nagpasya na bumili ng makakain nila.

"I miss you, princess." Felix said and kissed his little sister's hand na hawak niya.

"Pupunta pala dito si Josephine at Flawrence bukas." Jazley said.

Dinadalaw din ng dalawa ang kaibigan. Agad din naman kasing ibinalita nila Shawn sa pinsan at sa kaibigan ng mga ito ang nangyare sa kaibigan nilang si Dhianne.

Grabe na nga lang ang iyak ni Josephine dahil sa nalaman. Sinisi pa ang sarili dahil sa nangyare. Ngayon naman ay okay na ito pero hindi pa rin tanggap ang nangyare sa kaibigan.

"Okay." sagot lang ni Shawn at natahimik na sila ulit.

Gano'n sila madalas. Wala silang mapag-usapan na maayos. Madalas lang silang tahimik dahil wala sila sa mood.

Simula ng ma-comatose ang kapatid nila ay nawala ang mga ngiti sa labi nila at ang sigla nila. Para bang nawalan sila ng kulay.

"Kuya Jazy." napatingin si Jazley kay Felix nang tawagin siya nito.

"Hmm?" nakangiti niya namang tugon sa kapatid.

Hanggang ngayon ay hindi pa alam ng mga ito na kapatid siya ng mga ito.

"We've been together for a long time, but we still don't know your full name." Jazley froze at what Felix said.

Hindi naman kasi niya sinasabi dahil nga malalaman ng mga ito ang tunay niyang pagkatao. Hindi naman sa natatakot siyang malaman ng mga ito na siya ang kuya nila. Sadyang wala pa ang tamang oras.

"Soon, sasabihin ko." sabi niya na lang at tumawa nang mahina. Tumango na lang si Felix at hindi na muling nagtanong pa.

Ayaw naman ni Felix na pilitin itong sabihin ang pangalan nito. Hihintayin na lang niya na magsabi ito.

Maya-maya lang din ay dumating na ang magulang nila na may dalang pagkain at prutas.

"Hey, boys. Here's our foods na. Let's eat." nakangiting sabi ni Dianna. Ngumiti naman sa kaniya ang mga anak at nag-ayos na sila para kumain.

"Princess, wake up na. Hindi ka pa ba gutom? Hindi ba nasakit ang tiyan mo?" Dianna said at hinaplos ang mukha ng anak. Tapos na silang kumain kaya nakausap na niya ang anak.

Maya-maya lang ay napaiyak na siya. Ang sakit-sakit sa kaniyang makita ang nag-iisa nilang prinsesa na maraming aparato ang nakakabit sa katawan nito.

"It's been six months, anak. Gising ka na, oh. Mommy's crying na, miss ka na." She said and cried again.

Nakatingin lang sa kaniya ang pamilya niya. Hinahayaan lang siya para malabas nito ang hinanakit. Masakit rin naman sa kanilang makitang nasa gano'ng sitwasyon ang ina.

Maya-maya ay napagdesisyunan ni Jazley ang lumabas ng room ni Dhianne. Hindi na kasi niya kinakaya ang nakikita kaya lumabas na siya.

Agad niyang pinunasan ang mukha nang maramdaman niyang tumulo ang luha niya. He sighed then took his phone on his pocket nang marinig niyang tumutunog 'yon, may natawag.

"Yes, Marcelo?" He asked nang sagutin ang tawag ng kaibigan.

"Ayos ka lang, pre?" tanong naman nito. Halata sa boses ang pag-aalala. Alam din nito ang problema niya.

"Ayos naman." sagot niya at natawa pa na ikinairap naman ni Marcelo sa kabilang linya.

"Hindi man kita nakikita, alam kong umirap ka dahil sa sinabi ko." sabi pang muli ni Jazley kaya minura siya ni Marcelo. Tumawa lang naman siya.

"By the way, napatawag ako kasi wala lang." nawala ang ngiti ni Jazley dahil sa sinabi ng kaibigan. Tumawa pa nga ang kaibigan niya.

"Tangina mo talaga kahit kailan, Marcelo." asar na sabi ni Jazley na ikinahalakhak lang ng kaibigan niya. Napailing-iling na lang siya at hinayaan ang kabaliwan ng kaibigan.

Matapos no'n ay nagkumustahan lang silang dalawa hanggang sa napunta ang topic nila sa pamilya niya.

"Tagal na, pre, ah! Wala ka pa ring balak sabihin sa kanila na ikaw 'yung anak nilang akala nilang patay na?" sabi ni Marcelo na ikinatahimik niya.

"Hindi pa nga pwede. Kita mong may problema pa nga kami, eh." He said and Marcelo chuckled.

"Okay, okay. Chill ka lang. Galit ka agad, eh." sabi nito na ikinairap niya.

"Pero sa totoo lang, gusto ko na talagang sabihin sa kanila na ako 'to, si Jazley. 'Yung panganay nilang akala nilang patay na. Na ako 'to, si Jazley Kieth Fernandez, 'yung kuya no'ng apat. Na heto pa ako at buhay na buhay. Miss na sila. Gusto kong makilala na nila ako. Pagod na akong magpanggap na hindi sila kilala." sabi niya at bumuntong hininga.

"What did you say?" agad naibaba ni Jazley ang cellphone nang makarinig siya ng nagsalita sa likuran niya.

Napalunok siya nang malamang ang kapatid niyang si Shawn ang nasa likuran niya pagharap niya sa likuran niya.

"Shawn. Kanina ka pa diyan?" tanong niya.

Hindi naman siya kinakabahan, nagulat lang siya dahil sa biglaang pagsulpot nito.

"Yes. I heard everything you said." Shawn said at napatango-tango naman si Jazley at napakamot pa sa batok.

"Ah." nasabi lang niya dahil para bang naubusan siya ng salita. Binaba na rin niya ang tawag ng kaibigan at mamaya na lang ito kakausapin ulit.

Masyado ata silang nalibang sa pag-uusap ng kaibigan niya kaya hindi niya namalayan na may tao na sa likuran niya.

"Is that true?" Shawn asked.

"'Yung alin?" maang-maangan pang tanong niya na ikinataas ng kilay ni Shawn.

"Don't lie to me. I heard you. Sinabi mong ikaw si... Na ikaw si k-kuya Jazley? Is that true? That you are our kuya Jazley? Tell me the truth, please?" Jazley bit his lower lip.

"Shawn–" hindi natapos ni Jazley ang sasabihin niya nang agad na nagsalita si Shawn.

"Just answer my fucking question. Ikaw ba si kuya Jazley?" umaasang tanong ni Shawn at nang dahan-dahang tumango si Jazley ay doon na tuluyang napaluha si Shawn.

"Damn!" mariing bulong nito at napahilamos pa ng mukha. Si Jazley naman ay pigil ang emotion.

"Shawn, let me explain. H'wag mo munang sabihin sa kanila ang nalaman mo." agad na sabi ni Jazley but Shawn shook his head.

"No, I'll tell this to our parents." napamura si Jazley dahil doon at bumuntong hininga na lang.

Sa tingin niya ay ito na ang tamang oras para malaman ng lahat ang totoo.

"Are you mad at me?" tanong na lang ni Jazley sa kapatid.

Nang hindi sumagot si Shawn ay napatango-tango siya at ngumiti nang maliit.

"Tama ako na magagalit kayo sa 'kin. It's okay, it's normal." He said and Shawn immediately frowned.

"You're wron–" hindi na natapos ni Shawn ang gusto niyang sabihin sa kuya niya nang marinig nila ang boses ni Vaxton.

"Guys, gising na si Dhianne!" Vaxton said kaya agad silang napatakbo pabalik sa room ni Dhianne. Nalimutan ang pinag-uusapan.

Pagdating sa room ay sinusuri na ng doctor si Dhianne at hikbi ng Mommy nila ang naririnig nila. Maya-maya lang ay napatingin sa gawi nila si Dhianne at agad na kumunot ang noo nito.

Paggising na paggising nito ay nakatulala lang siya. Tahimik at hindi nagsasalita. Sobra ang tuwa nila nang malamang nagising na ito pero natigilan nang magsalita ito.

"S-sino po kayo? Nasaan po ako?"



Lia

Continua a leggere

Ti piacerΓ  anche

17.5K 358 9
"Family is supposed to be our safe heaven. Very often. It's the place where we found the deepest heartache" Highest Rank rank obtained as of (12-20...
13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
1.1M 61K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
988K 22.3K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...