Hunter Online

By Penguin20

1.8M 181K 114K

Online Game# 2: MILAN X DION More

Hunter Online
Prologue
Chapter 1: The Popular Game
Chapter 2: Unexpected Talent
Chapter 3: Welcome to the Game!
Chapter 4: First Quest
Chapter 5: New Record
Chapter 6: The Kings Arrival
Chapter 7: Richard's Request
Chapter 8: Game Plan
Chapter 9: Ogre Raid
Chapter 10: Eyes on Her
Chapter 11: What the Cat?!
Chapter 12: No Peeking
Chapter 13: Scout her
Chapter 14: The Girl with Potential
Chapter 15: The Three Faction
Chapter 16: Still a No
Chapter 17: Booth Camp
Chapter 18: Observe the Pro
Chapter 19: Facetime
Chapter 20: The Executioner
Chapter 21: This is E-Sport
Chapter 22: My Decision
Chapter 23: Official Member
Chapter 24: Terms and Policies
Chapter 25: Pressure is On
Chapter 26: First Live
Chapter 27: Battle Lineups
Chapter 28: Sacrifices
Chapter 29: Meeting the Dragon
Chapter 30: Professional Match
Chapter 31: Match Result
Chapter 32: Striker Class
Chapter 33: Preparation
Chapter 34: Summer Cup Players
Chapter 35: Getting Comfortable
Chapter 36: Announcement
Chapter 37: Interview
Chapter 38: Start of Tournament
Summer Cup Match Schedule
Chapter 39: Battle Cry Vs. Sparks Again
Chapter 40: Mini Celebration
Chapter 41: Battle Cry VS. Laxus Familia
Chapter 42: Bond of Three Sides
Chapter 43: Battle Cry VS. Rising Hunters
Chapter 44: Battle Cry VS. Optimal Ace
Chapter 45: Teams who Overcome
Chapter 46: Battle Cry VS ALTERNATE
Chapter 47: Smile and Tears.
Chapter 48: Sorry
Chapter 49: Departures
Chapter 50: Sweet Goodbye
Chapter 51: Selection
Chapter 52: Part ways
Chapter 53: Homely
Chapter 54: Plan for Event
Chapter 55: Temple of Cuatal
Chapter 56: Connection
Chapter 57: Platonic
Chapter 58: Chimera
Chapter 59: Typhoon
Chapter 60: Stream for a Cause
Special: Stream for A Cause
Chapter 61: Start of Class
Chapter 62: Charity Event
Chapter 63: Invitation
Chapter 64: Orient Crown
Chapter 65: Chocolates
Chapter 66: Captain
Chapter 67: Beer and Talk
Chapter 68: Scouting Ways
Chapter 69: Recruitment
Chapter 70: Night Drive
Chapter 71: Monster Rookie
Chapter 72: Rookie Tournament
Chapter 73: Comfort Person
Chapter 74: Online Class
Chapter 75: Knightmare
Chapter 76: Reconciliation
Chapter 77: Admit and Realize
Chapter 78: Crossing the Line
Chapter 79: Be Bold, Gold!
Chapter 80: Orient Crown VS. Laxus Familia
Chapter 81: Feel the pressure
Chapter 82: Birthday Gift
Chapter 83: The Promise
Chapter 84: Being Comfortable
Chapter 85: Zero Chance
Chapter 86: Interview
Chapter 87: Home
Chapter 88: Hectic Schedule
Chapter 89: Holy Trinity
Chapter 90: Orient Crown VS. Dark Sonata
Chapter 91: Date Night
Chapter 92: Asset of the Team
Chapter 93: Little Crown
Chapter 94: Error and Luck
Chapter 95: More Intact
Chapter 96: Love Language
Chapter 97: Sparkle
Chapter 98: Public Opinion
Chapter 99: Girl Friends
Chapter 100: Rhythm of Game
Chapter 101: Home
Chapter 102: Tainted Image
Chapter 103: Practice Game
Chapter 104: Game Adjustment
Chapter 105: Orient Crown Vs. Devil Lions
Chapter 106: Breakup
Chapter 107: Unexpected News
Chapter 108: Plan and Escape
Chapter 109: Preparation for the Match
Chapter 110: Royals Against Wolves I
Chapter 111: Royals Against Wolves II
Chapter 112: Victorious Moment
Chapter 113: Meeting the Wolves
Chapter 114: Busy Day
Chapter 115: Start of Break
Chapter 116: Her Birthday I
Chapter 117: Her Birthday II
Chapter 118: Her Birthday III
Chapter 119: Back to Normal Life
Chapter 120: Hunter Online World
Chapter 121: Connection
Chapter 122: Under the Night Sky
Chapter 124: Mall show
Chapter 125: Double Date
Chapter 126: Double Date II
Chapter 127: Start of the Tournament
Chapter 128: Dream Stage
Chapter 129: Before the Rain
Chapter 130: Key holder
Chapter 131: Orient Crown VS. ALTERNATE I
Chapter 132: Orient Crown VS. ALTERNATE II
Chapter 133: The Next Opponent
Chapter 134: Our Card
Chapter 135: Trouble and Savior
Chapter 136: Orient Crown VS. Daredevils
Chapter 137: Orient Crown VS. Daredevils II
Chapter 138: The Culprit
Chapter 139: Room Inspection
Chapter 140: Ungrateful Son
Chapter 141: Orient Crown VS. Rising Hunter
Chapter 142: The Trouble and Issues
Chapter 143: One Community
Chapter 144: Semi-finalist
Chapter 145: The Plan
Chapter 146: Orient Crown VS. Daredevils III
Chapter 147 Orient Crown VS. Daredevils IV
Chapter 148: Orient Crown VS. Daredevils V
Chapter 149: Fruit of Hardwork
Chapter 150: Before the War
Chapter 151: Orient Crown VS. Phantom Knights
Chapter 152: Encouraging Words
Chapter 153: Royals VS. Dragon I
Chapter 154: Royals Vs Dragon II
Chapter 155: Royals Vs. Dragon III
Chapter 156: Royals Vs. Dragon IV
Chapter 157: Celebration
Chapter 158: Going Home
Chapter 159: Surprise
Chapter 160: Offended?
Chapter 161: Update and Invitation
Chapter 162: Consider the Proposal
Chapter 163: Boss Raid Planning
Chapter 164: Medussa's Lair
Chapter 165: Christmas Vacation
Chapter 166: Baguio Trip
Chapter 167: Baguio Trip II
Chapter 168: Baguio Trip III
Chapter 169: Meeting her
Chapter 170: Girl from Past
Chapter 171: Yugto Pilipinas
Chapter 172: The Team and Coaches
Chapter 173: New Boothcamp
Chapter 174: Import Players
Chapter 175: Battle of the Best
Chapter 176: Clash of Best Players
Chapter 177: Change Role
Chapter 178: Appointed Captain
Chapter 179: Boss Dungeon Planning
Chapter 180: Underpass of Lost Hope
Chapter 181: The Brothers and Offer
Chapter 182: Pressure of New Role
Chapter 183: Gunslinger
Chapter 184: Another Rumor
Chapter 185: Team Vacation
Chapter 186: Cause of Confession
Chapter 187: The Issue and Outcome
Chapter 188: Embracing Solemn
Chapter 189: Solid as Diamond
Chapter 190: Against the Pioneer
Chapter 191: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH I
Chapter 192: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH II
Chapter 193: Catastrophizing
Chapter 194: Withdrawal of the Dragon
Chapter 195: Offer for Dion
Chapter 196: Reconnect with Friend
Chapter 197: The Missing Piece
Hunter Online Book 1 (Book version)
Chapter 198: The Opening
Chapter 199: The First Plan

Chapter 123: Back to Boothcamp

5.9K 581 317
By Penguin20

Gentle reminder that this story is in slow update. Please do understand.

You can freely read other writers work while waiting. :)

"WITH this phone, your power will be shown." Napairap ako sa ere sa ginawang panggagaya sa akin ni Trace sa commercial na ginawa namin. Grabe ilang weeks pa lang ang nakakalipas ay ipinalabas na agad siya sa iba't ibang TV Network.

Of course, noong una ay proud na proud naman talaga ako kasi, hello! Sinong hindi pinangarap na makita ang mukha nila sa TV kahit once? In-IG story ko pa nga ito at My day, eh. Kaso, every gap yata ng isang drama ay ipinapalabas ang commercial na iyon.

Ang mas nakakahiya pa, ads siya sa Youtube! Alam ninyo 'yong mga ads na ini-i-skip every 5 seconds na nakakairita? Iyon 'yon.

Well, I am really proud of it pero nakakahiya kasi na parang "artista" level na ako sa paningin ng iba.

"Alam mo epal ka, kaya ka 'di nagkakajowa." reklamo ko kay Trace na ikinatawa niya lang. "Tawa-tawa ka pa diyan, may assignment ka na ba sa Art app?"

"May assignment?!" Nawala ang nguti niya at mabilis na nagbuklat ng libro. "Tangina, kailan 'to binigay?!"

"Last week, pinaalala ko pa sa 'yo kagabi na gawin mo." Kinuha ko ang libro ko at iniabot sa kaniya. "Kuha ka na lang idea sa sagot ko. Huwag mo kokopyahin ng buo, sasampalin talaga kita." Banta ko sa kaniya.

"Thanks, Milan, 'di ko na pagtatawanan 'yong commercial mo." Natahimik si Trace at nagsimulang kumopya.

Habang hinihintay namin sina Shannah at Tomy ay napatingin ako kay Clyde na kanina pa may sinusulat sa notebook niya. Umusog ako papalapit sa kaniya. "Ano 'yan?" I curiously asked. Napatingin ako sa notebook niya at ang daming game concept ideas ang naka-bullet.

"Nag-iisip ako ng bagong gaming idea," isinara ni Clyde ang notebook niya at seryosong tumingin sa akin. My brows scrunched. "Milan, bobo ba 'ko?" Gusto kong matawa sa tanong niya at mabuti na lang at napigilan ko dahil seryoso siya sa tanong niya.

"I mean, pumapasa naman ako sa lahat ng math subjects natin, 'yong programming languages na subject natin kaya ko naman lahat. Minsan lang din ako mangopya ng assignment," Ramdam ko ang frustration sa mga salita ni Clyde and trust me, ilang beses ko lang siya nakita na na-frustrate sa tanang-buhay ko.

Una, noong bininyagan (tinapakan) ni Trace ang Nike Airmax niyang sapatos na bagong bili, trust me, tatlong araw siyang hindi pinansin ni Clyde noon. Pangalawa, kapag hindi niya talaga naso-solve ang isang math equation kahit ilang oras niya nang inaaral, at eto ang pangatlo.

"No, you are not dumb." I assured him.

"Then bakit ni-reject ni Eleanora lahat ng gaming concept ko for our baby thesis?!" Reklamo niya at ramdam ko ang gigil sa kaniyang salita. "Alam kong siya ang pinakamagaling na programmer sa IT department, pero bakit ang arte-arte niya sa gaming concept. Nauubos ang araw namin! Hindi ako makapag-start mag-code kasi problema pa rin namin ang concept namin."

"Ano bang sinasabi niya?"

"Ano raw ang ambag sa society ng concept na sina-suggest ko. Wala raw dating. Like the fuck! Games are created to entertain people!" Dugtong niya pa. "Nag-effort pa ako na magsuot ng neon green, orange, yellow na damit para lang makikala niya. Mukha na akong traffic light na naglalakad tapos sasabihan niya lang na basura ang ideas ko."

Napangiti ako, mukhang nakahanap ng katapat ang well compose naming kaibigan. "Why don't you create a game that will raise awareness to a specific topic? 'Yong hindi lang basta laro, baka ganoon ang hinahanap ni Elea... El—"

"Eleanora. Maarte siya pagdating sa pag-pronounce ng pangalan niya, better say it right." He corrected my pronunciation at napangiti ako. "Paanong raise awareness?"

"Related to issues nowadays. Depression, mental health awareness, environment situation, or subtle attack on how fuck up our Government is. Baka ganoong klaseng laro ang gustong gawin ni Eleanora." Natahimik si Clyde at tila malalim na nag-isip. "Yes, gaming are supposed to be fun. Pero iba 'yong larong nakaka-enjoy tapos may message png gustong iparating."

"Mga baklaaa!" Malakas na sumigaw si Shannah at ipinatong ang Paper bag ng mcdo sa table. "Ano naman 'yang pinag-uusapan ninyo? Seryoso naman. Clyde baka agawin mo pa si Milan kay Dion, ah. Awat na friend."

Napailing lang si Clyde sa sinabi ni Shannah. "Ang tagal ninyo. Akala mo naman ang layo ng Mcdo sa BulSU." Sabi ni Trace na napatigil sa paggawa ng assignment at kumuha sa fries na dala nila Shannah.

"Lumandi pa kami." Honest na sagot ni Shannah. "Para saan pa ang pagiging malandi ko kung hindi ko ima-maximize?" She flipped her hair.

"Gumaganyan ka pa," reklamo ni Tomy. "Nasaan 'yong bayad mo sa fries?"

"Ito naman!" Reklamo ni Shannah. "Hindi ko alam kung jowa kita o Bumbay na laging naniningil." Binuksan ni Shannah ang wallet niya at iniabot kay Tomy ang bayad.

"Hindi mo nililibre si Shannah, dapat every date sagot mo dre, hina mo!" sabi ni Trace kay Tomy.

"Sino may sabing dapat ganoon?" Tanong ni Shannah. "It is my choice na laging maghati kami ni Tomy sa gastusin kapag may date. Ako sa foods, siya sa sine or vice versa. Dates should not be a burden to a man. Kung wala kang pera, 'wag kang lumandi. As simple as that, 'di naman kayo bangko."

And that's period.

Naputol ang kuwentuhan namin noong may grupo ng kalalakihan from College of Tourism ang lumapit sa amin. "Sorry, Milan, puwede bang magp-picture?" Tanong nila sa akin.

"Sure," I answered at tumayo ako.

Tuluyan ko na yatang tinanggap na hindi na ako normal na estudyante ng University namin. May mga tao na talagang nakakakilala sa akin at mula noong naging Professional Player ako ay isa na akong Public figure. Si Shannah ang kumuha ng picture sa amin.

"Inaabangan namin ang magiging laro ninyo sa Season 4 tournament." sabi noong lalaki na ang pangalan ay Steven (That's how his friends addressed him earlier). "Orient Crown ang sinusuportahan namin this season."

"Recorded 'yang sinabi mo, ah." Biro ko na ikinatawa nila. "We will not disappoint you. Sino ba pinaka-ina-idolize mong player? Try natin tawagan para ma-video greet ka." I suggested at hinawakan ang phone ko.

Napasigaw sa tuwa ang magbabarkada na ikinatawa ko. "Fan kami ni Callie!" They answered.

I tried to call Callie, luckily at hindi busy ang mokong. Of course, saksakan pa rin ng yabang pero ano ang bago? Iniabot ko kay Steven ang phone ko at hinayaan ko muna sila na makakuwentuhan si Callie ng ilang minutes.

Napatingin sa akin si Shannah. "Bakla ka, kaya ka nasasabihan ng pa-fall, ang accomodating mo sa lahat. Hotel staff ka ba?"

"They are fans." sagot ko. "Ipagkakait ko ba sa kanila 'yong short moment kagaya ng picture? Siguro for me, balewala lang siya pero para sa kagaya nila ay malaking impact iyon at mas ma-motivate pa sila na pasukin ang Esports."

Umalis na sila Steven at tuwang-tuwa silang nakausap si Callie. Sinigurado nilang manonood sila ng live kung sakali man magkaroon kami ng laro sa future.

After ilang minutes ay pumasok na rin kami sa next class namin.

***

HINDI ko in-expect na ganoon lang kabilis lilipad ang mga araw. Nag-e-empake na ako ng gamit pabalik sa boothcamp, our training for Season 4 tournament will start tomorrow. Happy na rin naman ako sa time na naibigay sa amin ng management, I had time for my family, friends, and to focus on my studies at makahabol sa lessons.

"For the alis na naman ang ferson." Nakasandal pala si Kuya London sa pinto ng kuwarto ko habang karga-karga niya si Forest. "Tenant ka dito?"

"Epal mo, ikaw nga araw-araw ka lang nasa bahay, palamunin ka rito?" Ganti ko.

"For the record, ako ang nagbabayad ng grocery." He corrected me.

"Using Kuya Brooklyn's ATM?" Pagbabalik ko.

He pressed his lips. "Ang usapan kung sino ang nagbabayad, hindi kaninong ATM ang ginagamit." Ibinaba niya si Forest at tumakbo naman ito pababa ng bahay. "Tagal na naman mababakante ng kuwarto mo, ah."

I smiled and looked at him. "Mami-miss mo 'ko 'no?" Pang-aasat ko.

"Ha?"

"Aminin mo n–"

"Hanapin mo pake ko." Pangbabara niya at siya lang mag-isa ang natawa sa joke niya. "Siyempre mami-miss kita, siraulo ka ba, kapatid kita eh."

Isinarado ko ang duffle bag at umupo si Kuya London sa gilid ng kama ko. "Siyempre nakakapanibago dito sa bahay, madalas na kayong wala ni Kuya. I mean, masaya naman ako kasi nagbi-build na kayo ng kaniya-kaniya ninyong path. Pero kasi... nakaka-miss din 'yong maingay lang tahong nagbabangayan sa bahay."

"Tampo yarn?" I asked and laughed.

"Mama mo tampo." sagot niya

"But kidding aside, Kuya London, you are still the best Kuya I have. Lagi kong nilu-look forward na makita ka kapag umuuwi ako sa bahay."

"Ha! Ako pala best Kuya, ah. Sumbong kita kay Kuya Brooklyn, tanggal angas mo doon kapag iyon ang nagtampo." Pang-aasar niya.

"Duh, of course, Kuya Brooklyn will always be the best. Pinaplastik lang kita ngayon para lang masabayan 'yong senti moment mo." Pagbibiro ko.

"Gago." He answered.

Well, it sound like a nonsense conversation pero we really mean it. My Kuya's are still the best.

Bumaba na ako dala ang duffle bag at maleta ko. Nabigla pa ako noong makita si Dion na karga-karga si Forest at kinikiliti ang belly nito.

"Aga mo naman dito, Dmitri." Pagtawag ko sa kaniya. He is wearing a blue polo shirt na naka-tuck in sa dirty white niyang slacks. Bagong gupit din si Dion kasi nga tinatamad 'yan magpagupit kapag nag-i-stay na sa Boothcamp.

Binaba niya si Forest at pinagpag ang polo shirt niya para mawala ang kumapit na balahibo ni Forest. He is well aware na allergic ako doon. Nagmamadaling lumapit si Dion at siya ang nagbuhat ng gamit ko pababa ng hagdan. "Buti na lang talaga at nag-improve na ang fashion taste mo. Naalala mo noong first time mo akong sinundo sa bahay? You are wearing a Fly emirate–"

"Huwag mo nang ipaalala!" Mabilis niyang pagputol na ikinatawa ko. "Feeling ko kasi cool ako no'n. Ikaw nga sa loob ka pa ng sasakyan nag-ayos, eh."

"Walang mali doon." Depensa ko.

"Nag-text sa akin sina Coach Russel, bwfore 2 daw dapat nasa Boothcamp na tayong lahat." I checked my phone and it's already 10:23AM, Sa BGC pa kami pupunta kung kaya't ipagdadasal ko na lang talaga na hindi traffic sa EDSA. (But I doubt that ngayon pa lang)

Ako ang nagdala ng duffle bag at si Dion ang may dala ng maleta ko, may backpack din kasi siyang suot kung kaya't ayoko naman iasa sa kanya lahat.

"Ganda mo." Out of nowhere ay bigla niya na lang sinabi iyon habang nilalagay namin ang gamit namin sa likod ng kotse ni Kuya Brooklyn. Buti na lang at may business meeting si Kuya sa Uptown kung kaya't isadabay niya na kami papunta.

"Ang korni mo." Sabi ko sa kaniya.

"Legit, ang ganda mo nga." Pag-ulit niya. "Kapag sa akin galing 'yong papuri 'di mo tinatanggap tapos kapag galing sa fans sinasabi mo pa thank you po. Salamat sa support." He mimicked fans voice na ikinatawa ko.

"Out of the blue kasi 'yong pagsabi mo. Nakakagulat." sabi ko at sumakay na kaming dalawa ni Dion sa kotse. Sa shotgun seat ako umupo kasi ayaw na ayaw ni Kuya na walang umuupo sa Shotgun seat dahil nagmumukha daw siyang personal driver.

Wala pa si Kuya Brooklyn at may kausap pa sa phone sa garden area. Seems like kausap niya ang co-workers niya and all about business na hindi rin naman kami makaka-relate.

"Siyempre ayoko naman sinasabi iyon kapag may okasyon lang. Gusto ko kapag kasama mo ako, pakiramdam mo maganda ka." Paliwanag niya.

"Ewan ko sa 'yo." Buti na lang talaga at nasa shotgun seat ako kaya hindi niya kita ang ngiti ko.

Sumakay na si Kuya Brooklyn. Si Kuya London ang nagbukas ng gate at pinakyu pa kami pagkalabas ng sasakyan. "Kuya Brooklyn, mag-uwi ka nang Cheesecake!" Pahabol niyang sigaw at tumakbo palabas ng bahay si Forest. "Ay putangina!" Hinabol niya si Firest at nag-ikot sila sa village.

"Para talagang bata." Naiiling na sabi ni Kuya Brooklyn.

"I will be the one who is in charge of music." Pagprisinta ko. Kasi aminin na natin, maganda talaga ang music taste ko

I connected my phone sa kotse.

I played Languyin by Autotelic.

"Bagong artist sa playlist mo 'yan, ah." Dion stated.

"I discovered them." I proudly said. Hello! Ang sarap kaya sa feeling na ikaw ang nakaka-discover sa mga hidden gems ng pinoy music.

Habang nagsa-soundtrip kami ay nanood na rin ako ng match ng mga teams na makakalaban namin sa Season four tournament like Black Dragon, ALTERNATE, etc. And trust me, ang hirap basahin ng mga moves nila dahil parang kada-match ay iba-ibang playstyle ang ipinapakita nila. They are not sticking with their usual tactics.

Ganito nga siguro kapag mga malalakas na team, kaya nilang mag-adjust in any situations.

Sa mismong boothcamp na kami hinatid ni Kuya Brooklyn at mabilis din naman siyang umalis dahil naghahabol nga siya ng oras because of his meeting. Pagdating namin sa Boothcamp ay pinagmasdan namin ni Dion ang kabuuan ng Boothcamp ng Orient Crown.

"We are back." Dion stated.

"Eto na tayo sa pinakamalaking laban natin." sabi ko naman sa kaniya. Ngumiti kami sa isa't isa at pumasok na sa boothcamp.

Pagkabukas pa lang ng pinto ay agad na sumalubong sa amin si Noah. "Nandito na si Captain!" sigaw niya at para bang langgam na nagkumpulan ang ibang members.

"Ano na namang trip 'yan?" Natatawa kong tanong.

It's nice to see them personally again. Ilang weeks din kaming hindi nagkita-kita l. Nagkuwentuhan kami at nagkumustahan kung kumusta ang naging bakasyon namin.

Tawang-tawa pa rin talaga kami sa Wowowin experience nila Noah, grabeng kakapalan ng mukha nila. Ikakahiya ko talaga sila kapag nagsama-sama sila ulit nila Oli, nagkakasundo sa ka-abnuyan ang mga batang ito.

Lumabas na si Sir Theo mula sa office niya kasunod niya si Coach Russel at napatayo kaming lahat. "Welcome back, Orient Crown!" He shouted at napasigaw din kaming lahat. "Be bold,"

"Gold!" We answered in unison.

"Ito na ang simula ng training sa pinakamalaking laban ng gaming career ninyo." Anunsiyo ni Sir Theo at seryoso kaming nakinig lahat.

"Our training for season four tournament will start now."

And with that, alam kong malapit na kami sa inaasam-asam naming trophy at championship. Kailangan lang namin na mag-ensayo maigi para matalo ang ibang team na parte ng Tournament.

Continue Reading

You'll Also Like

13.8K 742 19
Kupas na ang kulay ng watawat. Inaagnas na sistema ng bansa. Ang mga tao ay mamatay-matay sa paghahanap-buhay. Sa panahong hindi na dayuhan ang tunay...
6.7K 594 26
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...
15.6K 2.9K 185
Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm A Carrot is a little book about carrots, loneliness, religion, political stance, love, and affirmations.
7.3M 434K 114
Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga kabataang may talento pagdating sa akademi...