AMONG US I

By exoleyxion

355 143 0

The killer... Is Among Us. More

AMONG US
CHAPTER 1: ABOUT TO BEGIN
CHAPTER 2: SIGNS
CHAPTER 3: AS RED AS BLOOD
CHAPTER 4: FAME SCANDAL
CHAPTER 6: CUTS
CHAPTER 7: THE FORENSIC
CHAPTER 8: TRUST
CHAPTER 9: WHO COULD IT BE?
CHAPTER 10: D IS FOR?
CHAPTER 11: ENDEAVOR
CHAPTER 12: THE DISAPPEARANCE
CHAPTER 13: CONNECTED BY BLOOD
CHAPTER 14: ABDUCTED
CHAPTER 15: FAMILY LOVE
CHAPTER 16: MIX AND MATCH (SELECTION PART)
CHAPTER 17: MIX AND MATCH (MIXING PART)
CHAPTER 18: THE SECRET RELATIVE
CHAPTER 19: GOODBYE KISS
CHAPTER 20: HER DEADLY ADMIRER
CHAPTER 21: THE STRANGE FALL I
CHAPTER 22: THE STRANGE FALL II
CHAPTER 23: NO SECRETS
CHAPTER 24: THE TREACHERY

CHAPTER 5: FLAMES CANDLE

19 11 0
By exoleyxion

“HALA gagi, pinanood ng pinsan kong si Belle ‘yung scandal ni Bridgette!” bulalas ni Donna nang makalabas siya sa gate nila. Lunes na naman kaya balik aral kami. “Ang wild daw niya!”

“Mamsh, ang aga-aga pa para diyan,” nababagot na tugon ni Hazel. “Tiyaka, kailangan mo ba talagang isigaw ‘yan, mamsh?”

“Share ko lang,” sagot ni Donna. “Bilisan niyo na nga! Magre-review pa ako para sa quiz mamaya. Hindi kasi ako nakapag-review kagabi eh.”

“Same,” segunda naman ni Hazel.

“Hindi naman talaga kayo nagre-review eh. Akala niyo ha,” pambabara ni Shaun.

“Bakit? Ikaw rin naman ah,” rebat ni Hazel.

“Nagre-review kaya ako,” depensa ni Shaun. “Palagi akong perfect sa quiz!”

“Share mo lang?”

Nadaanan namin si Tobias kaya sumabay na rin ito sa amin. Sa parehong Barangay lang kasi kami nakatira eh kaso magkaibang kanto lang.

Pagkarating namin sa school ay puro bulong-bulungan lang ang narinig namin sa mga estudyante habang may pinapanood sa kanilang cellphone.

I sighed. Malamang ay pinapanood nila ‘yung kay Bridgette.

“Ang wild naman ni ate Bridgette,” komento ng isang Grade 9. “Akala ko pa naman mabait siya.”

“What are you saying?” tanong ni Bridgette at lumapit sa babae.

“Viral ka raw po ngayon ate,” innosenteng sagot ng isa pang estudyante. “Sikat ka na po.”

Tiningnan ni Bridgette ang pinapanood nila at bigla nalang itong nanlumo.

“ANO “TO?!” sigaw niya. Unti-unting umagos ang luha mula sa mga mata nito. “S-SINO’NG NAGPOST NITO?!”

Dali-dali siyang tumakbo papunta sa classroom habang pinupunasan ang mga luha niya. Nakabangga pa siya ng iilang estudyante ngunit patuloy lamang ito sa pagtakbo.

Naabutan namin silang nagkakagulo sa classroom. Naroon na rin ang halos kalahati sa mga kaklase namin na tahimik lamang na nanonood sa kanila. May ilang estudyante ring nanonood sa labas ng classroom.

“Hindi ako ang nagpakalat ng scandal mo, Bridgette!” depensa ni Hillary. “Huwag mo akong pagbintangan lalo na’t wala kang pruweba!”

“Eh sino pa ba’ng pwedeng gumawa no’n maliban sa’yo?” Bridgette asked angrily.

“Aba ewan ko,” sagot ni Hillary. “Hindi naman ako scandal lover.”

“Tigilan niyo na ‘yan!” sigaw ni Sir. Villejo at nilapag ang mga gamit nito sa teacher’s table.

“Ikaw ba, Camille?” tanong ni Bridgette. Mukhang hindi yata nila narinig o nakita si Sir.

“Ano’ng ako?” naguguluhang tanong ni Camille. “Ano’ng meron?”

“’Yung s*x video ko!” naluluhang sambit nito. “Ikaw ba ang may gawa no’n?!”

“Bakit mo ako inaakusahan? Ni hindi ko nga alam ang tungkol do’n!”

“Grade 10!” sigaw ko ngunit hindi pa rin sila natinag.

“D-dahil sa videong iyon, pinagpi-piyestahan na ako ng mga tao! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ng mga magulang ko kapag nakita nila iyon!”

“Hindi ako ang nag-upload ng videong sinasabi mo pero sa tingin ko ay karma mo na ‘yon,” walang emosyong saad ni Camille na ikinagulat ni Bridgette.

“I don’t think that’s what you call it, Camille.” Lumapit sa kanila si Hillary. “She wants fame, and so she received fame. Famous ka na Bridgette, diba ito naman ang gusto mo?”

“EVERYONE! GO BACK TO YOUR SEATS!!” This time ay napalingon na sila sa amin dahil sa pagsigaw ni Sir. Nagmadaling umalis ang mga estudyante na nasa labas at nagsiupo naman ang mga kaklase namin. Naiwang nakatayo sa likod sina Camille at Bridgette. Kami naman ni Wave ay nakatayo rin sa harap kasama si Sir.

“Kanina pa ako nandito. Hindi niyo ba ako narinig o nakita?” he asked calmly. “What happened? Camille? Bridgette? Hillary?”

“Ano’ng scandal ang pinag-aawayan niyo?” dagdag pa nito. “Let’s talk about this in my office. Zivienne and Wave, please come with us. Tobias and Paris are in charge.”

Naunang lumabas sina Sir. Villejo, Bridgette, Camille at Hillary. Tumango naman sa’min si Tobias bago kami lumabas ni Wave.

“So base on what I heard from you a while ago, you have a viral video, Bridgette. Is it true?”

Magkatabi kaming umupo ni Wave sa gilid habang ang tatlo naman ay magkakatabi sa harap ni Sir. Nakayuko sina Bridgette at Camille samantalang prenteng nakaupo lang si Hillary.

“Y-yes Sir.”

“First of all, bakit ka may gano’n?” kalmadong tanong nito. “At kailan niyo ginawa iyon?”

“N-Noong Friday lang po,” nakayukong sagot ni Bridgette. “Nagkaroon po kami ng alitan ni Camille at na stress ako kaya ko nagawa ‘yon.”

“I understand, but what you did is wrong, dear.” Bumuntong-hininga si Sir at malamyang tiningnan si Bridgette. “You can do other things to remove stress. You can read books or do things that give you comfort. Does doing ‘that thing’ gives you comfort?”

Nanlaki ang mata ni Bridgette at mabilis na umiling. “N-no, Sir. It... It was actually my first,” Sagot nito. “Nawala na po ako sa katinuan dahil nga stressed ako. Natauhan lang po ako nang tapos na kami.”

Bumuntong-hininga si Sir. “Okay, bakit mo naisip na either si Hillary or si Camille ang may gawa no’n?”

“S-sila lang naman po kasi ang naka-alitan ko noong araw na iyon,” she replied.

“Zivienne told me about that commotion,” wika ni Sir. “But Bridgette, hindi sapat na dahilan iyon para gawin nila sa’yo ‘to.”

“Hillary, Camille, hindi ba talaga kayo ang may gawa nito?” Bridgette suddenly asked.

“Paulit-ulit ka? Sabing hindi nga,” naiinis na sagot ni Hillary. “Hindi ako gano’n ka sama, ‘noh!”

“Kahit ako naman,” sagot naman ni Camille. “Kung hindi niyo pa nga sinabing scandal ‘yun, eh hindi ko pa malalaman kung ba’t ako napagbintangan.”

“I-I’m sorry,” halos pabulong na saad ni Bridgette at napayuko.

Inalo siya ni Camille samantalang napairap naman si Hillary.

“P-pero Sir, paano na po ‘yung video ko? A-ayaw ko pong makaabot iyon sa mga magulang ko,” nanginginig na sambit ni Bridgette.

“Wala na tayong magagawa tungkol doon, Bridgette,” sabat ni Hillary. “I’m sure na napanood na ‘yun ng mga magulang mo. Kalat na kalat  na iyon eh. Tiyaka, nakabalandra ang mukha mo sa video, klarong-klaro na ikaw ‘yun.”

“We can say that it’s edited,” Wave suggested. Nagliwanag naman ang mukha ni Bridgette sa narinig.

“But many students already know that it’s you since you get too defensive kanina,” kontra ni Hillary. “Kung hindi ka ba naman sana nag-burst out agad, pwede pa nating palabasin na edited lang ‘yung video para siraan ka.”

“Nag-panic na kasi ako!” Tumayo si Bridgette at napahawak sa ulo niya. “Ano nang gagawin ko ngayon? Masisiraan na ako ng bait. Sino ba kasi ang walang hiyang kumuha at nag-upload ng videong iyon?!”

“Calm down, Bridgette. Malalaman rin natin kung sino iyon.” Tumayo na si Sir. “Bumalik na tayo sa classroom.”

Nasa hulihan pa rin kaming dalawa ni Wave habang naglalakad kami pabalik sa room.

“I recorded their conversations,” Wave said in a low voice. I just nodded at him.

Nang makapasok kami sa room ay nagsitahimik lahat. Pero hindi naman maingay pagdating namin. Pabulong kasi silang nag-uusap.

“Grade 10,” Sir. Villejo called. “Next time na may mangyaring ganito, please call me immediately. Huwag kayong mag-away o magsakitan bigla.”

“I am your adviser.” He looked at us sincerely. “Kung may hindi kayo pagkaka-unawaan sa mga kaklase niyo o kaibigan, talk to me. We will fix it.”

“You understand?”

“Yes, Sir.”

“Ayaw ko nang maulit ‘to. Goodbye, class,” he said before leaving us.

Pagsapit ng lunch ay hindi na muna ako kumain. Hindi pa naman kasi ako gutom eh kaya nagpaiwan nalang ako sa classroom. Tatlo nalang kami nina Wave at Caryl ang nandito sa loob. Nasa tabi ko si Wave dahil sinusulat namin ngayon ang mga impormasyong nakuha namin kanina.

“Caryl, hindi ka magla-lunch?” I asked. Ngayon ko lang kasi siyang nakitang hindi nag-lunch.

“Kinuha kasi ng grupo nina Emil ‘yung lunch ko eh,” sagot niya at nag pout. Napailing naman ako. I’ll just tell Miguel about this. Kaklase naman niya si Emil.

Kinuha ko ang lunchbox ko sa bag at lumapit sa kanya. “Here, take this,” I said and handed it to her.

Nagliwanag ang mukha nito. “Talaga?” Kinuha niya ito. “Thank you, pretty Zivienne!”

“Take mine, too.” Inabot naman ni Wave ang kanya kay Caryl.

“T-thank you! Hehe,” nahihiya niyang saad at nagsimula nang kumain. Bumalik naman kami ni Wave sa pwesto namin.

“Paris also mentioned that Alyana and Hillary once had a fight,” I whispered to him. Kinuha ko ang notebook sa kanya at ako na mismo ang nagsulat no’n. Doon ko isinulat sa may label na ‘Alyana’.

“Ano’ng ginagawa niyo?” Caryl asked while eating.

“Nagre-review kami,” I answered and smiled at her. Alam kong mapagkakatiwalaan naman si Caryl pero hindi ko na gustong madamay ang ka-inosentehan niya. “Huwag mo nalang kaming pansinin.”

“Okay!”

Humahangos na pumasok si Bridgette at umupo sa upuan niya. Pumasok na rin si Tobias kasama si Hillary.

“Bridgette, do you wanna play flames candle?” Caryl asked playfully.

“Sorry Caryl, but I have no time to play,” Bridgette replied.

“How about you, Hillary?” Nakangiting lumapit si Caryl kay Hillary.

“Sure, umupo ka dito.”

Akala ko magmamaldita na naman si Hillary pero mukhang magkasundo sila ni Caryl dahil panay tawa nila sa likod.

***


Naunang umuwi ang mga kaibigan ko kasama si Tobias dahil may pinagawa pa sa’kin si Sir. Villejo. Pasado alas sais na kami nakatapos at medyo madilim na rin sa labas. Pero okay lang kasi marami pa namang estudyante dito sa campus. May night class kasi ang iba at ang iba naman ay patambay-tambay lang dito. Ayaw pa sana akong iwan ni Shaun pero pinauwi ko na siya.

“Umuwi ka na, Zivienne. Ako na ang magsasara ng classroom. Thank you for helping,” ani Sir kaya nagpaalam na ako sa kanya.

Papalabas na ako sa gate nang makita ko si Wave na nakaupo sa isang bench. Bakit kaya nandito pa ‘to? Kaninang alas tres pa ang uwian namin.

“Why are you still here?” tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Tiningala ako nito at nagpokerface.

“Hinihintay kita.” Napakunot ang noo ko.

“Bakit? May nakalimutan ka bang sabihin sa’kin?” I asked.

“Yeah,” tipid niyang sagot. “Pag-usapan nalang natin sa daan.”

Hindi pa rin ako komportable tuwing nagtatagalog si Wave. Nasanay kasi akong English lang ang gamit niyang lingwahe tuwing kinakausap kami. Pero in fairness, parang Pinoy talaga siya kung makapagsalita ng Tagalog. Minsan nga lang ay may Korean accent HAHAHA.

Lumabas na kami sa gate at sabay naglakad pauwi. Ito rin ang unang beses na nakasama ko siya pauwi. Malapit-lapit lang ang bahay nina Wave sa amin kaya lang ay hindi namin siya nakakasabay pumasok sa school kasi mailap siya.

“I was thinking,” pagbasag ko sa katahimikan. “Paano kung ipaalam natin kay Sir. Villejo ang mga ginagawa natin?”

“I was thinking the same thing,” sagot niya. “Among all the teachers, he’s the only one who got my trust. He’s been with us since we’re grade 1 and we know him very well. He is worthy of our trust, so why wouldn’t we trust him?”

Napatingin ako kay Wave nang sabihin niya iyon. He’s so sincere. It’s so not him. Or maybe ito talaga ang totoong siya. A soft man hiding behind a cold mask. Baka hindi lang talaga siya marunong magpakita no’n.

“Why telling me this all of a sudden?” I asked and chuckled. “Ngayon ka lang nagkaganyan.”

“I don’t know too.” Mahina siyang natawa. “I just felt comfortable around you that’s why I’m telling you these things.”

Tumango-tango ako. “Hindi kasi ako komportable sa mga ginagawa mo nitong mga nakaraan eh. You’re being friendly to me now, which you don’t really do before.”

“As I said, I felt comfortable around you,” pag-ulit nito. “You should be used to it now. We will be together from now on.”

I felt my heart beats faster. Biglang uminit ang pisnge ko kaya umiwas ako ng tingin. Mabuti nalang at madilim. Gagi, kinikilig ako!

“So, let’s tell him tomorrow?” I asked. He just nodded at me.

Nang makarating sa bahay ay nagpaalam na ito. Tinanaw ko lang ang papalayo niyang pigura at pumasok na sa loob. Nadatnan ko naman si mom na nag-aabang sa main door. Mapanukso niya akong nginitian.

“Mom, what’s wrong with you?” I asked.

“Nililigawan ka ba ni Wave, dear?” she asked.

“Of course not!” I replied. “Let’s get inside, Mom.”

Matapos mag-mano ay nauna na akong pumasok pero narinig ko pa ang pabulong niyang kantiyaw. “Ship! Ship! Ship!” Hindi ko na lamang siya pinansin at nagtungo na sa kwarto ko.

I hope Bridgette is doing fine.

THIRD PERSON

I texted her to meet me in the Chem Lab tomorrow, 3 in the morning. She replied ‘okay’ without second thought. She’s a bitch, a whore.

Pagsapit nang alas tres ng umaga ay pumunta na ako sa school at hinanda ko na ang lahat ng gagamitin ko at hinintay siyang dumating. Maya-maya pa ay narinig ko na ang pagbukas ng pinto ng lab. It’s her. She’s here.

“Hello!” I greeted with a wide grin.

“Bakit ka nandito?” she casualy asked.

“To kill you.”

Malakas siyang tumawa na para bang may sinabi akong nakakatawa. Sige, tumawa ka lang. Mamaya-maya lang ay may paglalamayan na naman kami at iiyakan HAHAHAHAHAHAHAHA.

“Nakakatawa ka talaga,” aniya matapos tumawa. “You can’t kill me. Tsk.”

“Let see,” I said and shrugged. “But before I kill you, I’ll let someone punish you.”

Bago pa siya makapagsalita ay hinampas na ni Kuya ng kahoy ang likod niya kaya nawalan ito ng ulirat at napasubsob sa sahig. He removed her clothes and started doing things to her body. Nang matapos siya sa ginagawa ay tinulungan niya ako sa paglagay ng mga kandila sa paligid ng nakahandusay at pagod na katawan ng babae. Nagkalat rin kami ng korodo sa buong lab.

“B-bakit niyo g-ginagawa ‘to? A-anong kasalanan k-ko sa inyo?!” walang lakas niyang tanong. “S-S…”

“Malaki. Sobrang laki,” sagot ko bago sindihan ang mga kandila na nakapalibot sa kanya. “At ngayon, ROT IN HELL!!!”

Tuwang-tuwa kaming dalawa ni Kuya habang pinagmamasdan ang babae na sumisigaw ng tulong habang unti-unting nilalamon ng apoy ang paligid niya. At dahil nasa Chem Lab siya, sumabog ang ilang chemical at mas lalong lumaki ang apoy. Pati ang hubad niyang katawan ay nasusunog na rin.

“TULONG!!! PARANG AWA NIYO NA!!! AHHH!!!!”

Hinintay lang naming mawalan siya ng buhay bago kami umalis. Iniwan rin namin ang mga gamit niya sa labas ng lab para makilala siya. 2 down, more to go…

***

ZIVIENNE

Kinabukasan ay maaga ulit akong nagising at hinintay sina Shaun at Hazel sa labas. Ilang minuto lang ay nakita ko na sila na nag-uunahan papunta sa akin. Mga ‘to talaga parang mga bata kung umasta.

“Ako nauna!” sigaw ni Shaun at tinapik ako sa balikat. “Morning, pretty Zi ko!”

I smiled. “Morning Shaunie!”

“Nauna ka kasi madaya ka!” sigaw ni Hazel at binatukan si Shaun. “Halika na nga, Zivienne. Iwan na natin ang damuhong ‘yan!”

Bago pa ako mahila ni Hazel ay may tumawag sa amin sa likod. Lumingon kami at nakita si Wave na papunta sa amin.

“Good morning,” he greeted.

“Morning, Wave!” masiglang bati ni Hazel. “Sasabay ka sa’min?”

“Uh, yeah. If that’s okay with you,” sagot nito.

“Okay na okay!” Pasimple akong nilingon ni Hazel. “Tara na nga, Shaun!” Hinila nito si Shaun at nauna nang maglakad kaya naiwan kami ni Wave. Yawa ka, Hazel.

Nagsimula na akong maglakad at sumabay naman sa’kin si Wave. Nadaanan namin si Tobias kaya sumabay na rin ito sa’min.

“Bilisan niyo! May nasunog daw na babae sa Chem Lab!” sigaw ng isang estudyante habang papasok kami sa school gate. Nagtinginan naman kaming pito at sabay-sabay na tumakbo papunta sa Chemistry Lab.

Nadatnan namin ang iilang estudyante na nagbubulung-bulungan sa labas ng nasunog na lab. May mga gamit rin sa labas ng pinto.

“Don’t touch anything!” saway ko kay Hazel nang hahawakan sana niya ang ID na nasa sahig.

“Kawawa naman si Bridgette, ‘noh?” a girl mumbled which made me froze for a second.

“Sino kamo?” Shaun asked.

“Si Bridgette,” sagot nung babae. “Yung kaklase niyo po na may scandal. Siya po ‘yung nasunog.”

Maya-maya lang ay dumating na ang ambulansya at mga police. Kinuha nila ang katawan ni Bridgette at pinasok sa cadaver pouch o body bag kaya hindi na namin nasilayan ang kalagayan nito.

I held my head and leaned on the wall for support. Hindi ako naniniwala na si Bridgette ‘yun noong una, but they’ve confirmed the victim’s identity; and it was Bridgette. At nakilala rin na siya ‘yon dahil kanya ang mga gamit na nandito sa labas ng lab.

Sabi ng mga pulis kay Sir. Villejo ay mga kandila raw ang pinagmulan ng sunog at amoy korodo rin ang lab. They clarified that it is arson (burning properties) and immolation (burning a person alive). Wala silang clue kung sino ang may gawa nito pero malamang ay iisa lang sila ng killer ni Alyana.

Pinauwi na naman ang mga estudyante dahil sa nangyari kay Bridgette. Wala pang isang linggo nang mamatay si Alyana ay sumunod naman ito.

Nagpaiwan kami ni Wave dahil gusto naming kausapin si Sir Villejo. Nasa meeting pa siya kasama ang ibang teachers kaya hinintay muna namin siya sa classroom. Hindi naman nagtagal ay dumating na siya.

“Zivienne, Wave, what is it that you want to talk about?” tanong niya at umupo sa teacher’s seat.

Wave locked all the doors and windows so that no one will hear our conversations.

“It’s about the recent killings, Sir,” sagot ko. Kinuha ko sa bag ang papel na nakita sa bangkay ni Alyana at inabot ‘yon sa kanya.

Kinuha niya ito at binasa. “What’s this? The beginning of what?” he asked with his brows furrowed. “Guys, care to explain?”

“Nakita po ‘yan nina Winona sa kamay ni Alyana noong pinatay siya.”

May kinuha rin si Sir Villejo na papel sa bulsa niya at inabot ‘yon sa’kin.

2 down, more to go…

‘Yan ang nakasulat sa papel.

Wait, 2 down? Is it referring to Alyana and Bridgette? But how about Angeline? Who killed her?

“Two down, more to go…” Napakunot ang noo ko. “Kung ito ang pumatay kina Alyana at Bridgette, eh sino naman ang pumatay kay Angeline?”

“Eh diba, sabi ni Sir Cavalor na hindi raw taga roon ang pumatay sa kanya?” dagdag ko.

Naguguluhan namang tumingin sa’min si Sir Villejo. “You guys know something about this?”

Tumang-tango naman kami ni Wave.

“Sir Cavalor told us that Angeline’s killer is one of us,” sagot niya. “He even said that it might be Miguel from Class B.”

“May hawak po kaming cctv footage noong araw na pinatay si Alyana. May mga notes rin po kami na isinulat.”

Inabot ko sa kanya  ang flashdrive at notebook. Binuksan niya ang kanyang laptop at sinaksak ang flashdrive. Pinanood niya ang cctv footage at kinunutan kami ng noo.

“Where did you get this?” he asked. “Are you doing an investigation? Why didn’t you tell me?”

“Kay Tobias po galing ‘yan,” sagot ko. “We forgot to tell you, Sir. And you were busy these past few days kaya hindi rin namin masabi sa inyo.”

“This is a serious matter, Zivienne, Wave.”

“Our apologies, Sir,” Wave apologized.

“Simula ngayon, kasama niyo na ako sa paglutas nito. Sabihin niyo sa’kin lahat,” he said. “We’re on this now.”

Sinabi namin kay Sir Villejo lahat ng alam namin at kung sino-sino ang mga kasama namin. May mga alam pa kasi kami na hindi namin isinulat sa notebook.

“Okay, let’s not talk about this around anyone in this school. The killer might just be here,” Sir Villejo reminded. “Huwag rin tayong magpahalata na ginagawa natin ‘to. We should just act normal.”

“Ang kailangan nating gawin ngayon ay mag-ingat.”

|•|end of chapter 5|•|
◍exoleyxion◍

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
9.5K 22 1
Selfless (Scott Siblings Series #2): Mathematics Ken Scott (Unedited Version. So many typographical and grammatical errors. Bear with me.) TAMAD MAG...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]