Love that Last Until Eternity

By Keeperies

579 242 5

Ashley Von is a bread winner of their family and also a woman of strength and eternity but grown up without h... More

Love that Last Until Eternity
Prologue
Prologue: Part 2
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 1

31 18 2
By Keeperies

Kabanata 1: Kenneth Velasco

Ring* ring* ring*

Kinapa ko ang cellphone ko habang nakabaon parin ang ulo sa unan.

I answer the phone without looking who's calling.

“hello?” tanong ko habang nakapikit parin ang mga mata.

Tumagilid ako para maka-usap ng maayos ang nasa kabilang linya.

“ate, bibisita kaba dito kina lola bukas?” tanong ng nasa kabilang linya. Si Hedy pala.

“oo, sabi ko naman sa'yo 'di ba na uuwi ako riyan sa bahay nina lola kung sabado't linggo? Hindi ba't sinabi ko 'yon?” sambit ko dito gamit ang inaantok kong boses.

“sabi ko nga. Ay siya nga pala ate, kumain kana? Nasa paaralan kana ba?” she uttered from the other line.

“h-ha? Anong oras naba?” nagtatakang tanong ko habang nakapikit pa rin pero ngayon ay nakaharap na ako habang nakahiga pa rin.

“alas sais pa naman ng umaga ate” kampanteng sagot nito pero aaminin ko kinabahan ako n'on dahil baka late na'ko.

“ahhh, sige paalam muna hedy. I'll fix my self na para maka-pasok na ako, ikaw rin” sambit ko habang kinukusot kusot na ang aking mga mata.

“sige ate, paalam po. I love you! Muah!” sambit nito at pinatunog pa talaga ang labi niya ipinapahiwatig na hinalikan niya talaga ako. Ang sweet niya talaga pero kabaliktaran 'yon sa trato niya sa iba.

“sige, sige, I love you too” pinatunog ko rin ang labi ko para mukhang hinalikan ko rin siya.

Ako na ang nagpatay sa tawag nahiya naman ako sa kapatid ko.

Tumayo na'ko at inayos ang sarili bago lumabas sa kwarto at pumunta sa kusina.

Nagluto ako ng sunny side up na itlog na pinarisan ko ng bacon at kaunting kanin dahil hindi ko naman ugali ang magkanin sa umaga.

Pagkatapos kung kumain ay bumalik na ako sa kwarto para linisin ang kalat ko at para narin maligo, pagkatapos.

Kailan ko ba talagang sabihin ang gagawin ko? Ang hirap nito. Huwag na nga lang.

Tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Yung salamin na kita buong katawan mo ba.

Plain lang ang katawan ko na may maliit na kurba hindi katulad ng mga kaklase ko na kahit natatabunan ng kanilang suot na mga uniporme ang katawan nila ay mapapansin mo rin talaga na may kurba ito pero hindi naman 'yon hadlang para ma-insecur ako. Iyong mukha ko naman ay nasa saktong guhit lang na bumagay naman sa hugis ng katawan ko, 'yong kilay ko ay hindi masyadong manipis at hindi rin makapal kumbaga sakto lang, 'yong mga mata ko ay singkit na namana ko sa mata ni lolo na isang hapon, 'yong labi ko ay mapula kahit wala akong ginagamit. Naalala ko n'on tinanong ko si mama kung bakit ganito ang labi ko tapos ang sagot niya lamang ay normal lang daw kaya ipinagsawalang bahala ko nalang. At ang ilong ko naman ay hindi masyadong matangos pero bumagay naman ito sa buong mukha ko, ang kulay naman ng balat ko ay hindi kayumanggi pero hindi rin lubusang maputi, kumbaga sakto lang rin at pantay.

Kinuha ko na ang aking bag at isinukbit ito sa'king balikat bago muling sinulyapan ang sarili sa salamin. Napangiti ako nang makitang nasa ayos na ako.

Napatingin ako sa relong suot ng kanang pulso-pulsohan ko at napagtanto ko na ang bilis pala ng mga kilos ko dahil kaka-alas syete lang pala.

Pinatay ko na ang mga ilaw at air conditioner sa loob ng kwarto ko pero bago ako lumabas sa silid ay  sinigurado ko munang nakasarado lahat ng bintana at tinabunan ito ng kurtina.

Ni-lock ng maigi ang pintuan ng silid bago bumaba para makaalis na.

Ni-lock ko rin ng maigi ang main door at inilagay ang susi nito sa ilalim ng paso sa gilid at ang isang susi ay inilagay ko sa bag ko, nagpaduplicate kasi ako. Incase na may mangyari.

“para po!” pagpara ko sa mamang nagmamaneho ng tricycle.

“oh, magandang umaga ash. Papasok kana?” tanong ni manong berting, siya pala ang nagmananeho nitong tricycle.

“ahh, hahaha ikaw pala 'yan mang berting. Hindi po kita nakilala” natatawang ani ko, “opo, papasok na po ako.” dagdag ko.

“oh siya, sige neng pasok kana at ihahatid na kita” malumanay na sambit nito kaya kaagad akong pumasok sa loob ng tricycle.

Sa loob ng halos limang taon akong nakatira dito ay halos kilala ko na ang mga nakatira dito at nakakahalubilo ko rin sila at tinutulangan ako kapag mayroon akong problema, mapa pera mo o kahit ano. At higit sa lahat ay itinuring nila akong pamilya.

At isa na si mang berting roon, si mang berting ang naging silbing tagapaghatid ko papunta sa paaralan at kung uuwi naman ako ay hindi na niya ako responsable dahil kailangan niya rin naman kumayod.

“narito na tayo sa harap ng paaralan mo neng” pag-agaw nito sa aking pansin. Ang tagal ko palang nag-iisip? Di ko alintana.

Akmang i-aabot ko na ang aking pambayad pero agad naman itong tinanggihan ni mang berting at ibinalik sa'kin, “huwag na ash. Oh siya, aalis na ako. Mag-ingat ka neng” sambit nito at pinaharurut na ang kanyang tricycle.

Napangiti na lamang ako sa kawalan at nag-umpisa ng maglakad papasok sa loob ng paaralan.

Itinaas ko ang suot kong I.D nang nasa gate na ako.

“magandang umaga, neng” bati ni manong guard kaya tinanguan ko siya na may malawak na ngiting nakaguhit sa mga labi ko.

“ang laki ng ngiti mo ah?” tanong ni manong guard. “oo nga po e, hindi ko naman po alam kung bakit” sambit ko at sinuklian niya lamang ako ng matamis na ngiti kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.

Pagtapak ko sa silid aralan namin ay maririnig mo kaagad ang ingay na likha ng aking mga kaklase.

“hoy, ashley mahal ko. Yanigin mo naman ang aking mundo!” bungad na bati ni roger, kaklase kong panot. Hindi naman sa sinasaway  ko si roger pero totoo naman kasi.

Hindi ko na lamang siya pinansin at umupo na lamang sa upuan ko.

Ang ingay ng mga kaklase ko para bang hindi mga college students.

I am now in my 2nd year being a college student, hindi ko inaasahan na makakatung-tung ako ng college. Akala ko hanggang senior lang ako pero tignan tingnan natin ngayon, magti-3rd year na ako. Ang bilis ng panahon.

I am already 20 years old while hedy is 17. She's also studying, sa probinsiya nga lang. Senior high school pa lang si hedy at mag c-college na next year kaya triple na ang gastos ko dahil ako rin kasi ang nagbibigay ng pang-grocery at pangbayad ng kahit anong bayarin kina lola.

Haysst, ang hirap ng buhay. Pero okay lang kaya pa naman e.

Tring* tring* tring*

Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ang tunog ng kampana.

Napangiwi ako dahil hindi ko inakalang ganoon ako katagal na nagdidileryo. Wala man lang akong natutunan sa morning class.

Bawi nalang siguro ako sa hapon.

“psst.. sumabay kana sa'kin ashley ng buhay ko. Ililibre kita.” ani ni robert nang makalapit ito sa puwesto ko at sumabay ng lakad sa'kin.

“ahh paumanhin robert at hindi kita masasabayan.” pagpapa-umanhin ko sa lalake, “may pupuntahan kasi ako e” dagdag na sambit ko at ginawaran siya ng maliit na ngiti.

“oh sige pero may tanong ako sa'yo” sambit ng lalake, “ano 'yon? Baka masagutan ko” nakangiting ani ko, “may pag-asa ba ako sa'yo, ash? Promise magiging matino ako bilang boyfriend mo. Legal ka naman na ash e” sambit nito at hinawakan pa ang kamay ko habang sinasayaw sa hangin.

“paumanhin robert, pero hindi ko masasabi sa'yo ang sagot ng iyong tanong dahil kahit ako ay naguguluhan rin sa aking sarili” natatawang ani ko.

“bakit ng lalim mo magsalita ng tagalog?” naguguluhang tanong nito, “hindi ko rin alam e” nakangiting ani ko.

“HAHAHA” halakhak ng kung sino sa likod namin kaya sabay kaming lumingon ni robert sa likod.

“ano ngayon, bert? Hindi ka nakadali 'no? Sabi ko naman sayo mahirap pilitin si ashley! Naku brad out kana.” natatawang ani ni roger.

“maghintay kalang!” palabang sambit ni robert.

“hey, ash my labs. Halika na kakain na tayo” sambit ni roger at hinawakan ang braso ko at akmang hihigitin na ako nang hawakan rin ni robert ang kaliwang braso ko. Ano bang problema ng dalawang 'to? May plano ba silang hatiin ako sa dalawa?

“maari bang bitawan niyo ang braso ko?” agaw ko sa atensiyon nila pero wala man lang isa sa kanila ang pumansin sa'kin.

“hi, hello? May naririnig ba kayo?” sambit ko ulit pero nakatitig parin sila ng masama sa isa't isa na nagbibigay ng mainit na tensyon sa paligid.

Nagpupumiglas na ako pero mahigpit talaga ang pagkakahawak nila.

Gusto ko ng sumabog. Gustong-gusto ko na talaga pero pilit kong pinipigilan ang sarili kahit nasasaktan na ako. Ako kasi iyong klase ng tao na mataas ang pasensya pero ngayon ay hindi ko na kayang magpigil pa.

Hindi kami hinahayaan ng mga magulang naming masaktan kahit man lang ng sariling kamay nila at lalong lalo nang hindi nila kami hahayaan na masaktan ng ibang tao kaya bakit ko hahayaan 'tong dalawang walang modong mga lalakeng 'to na hawakan ako ng marahas?

“ano baa! Bitawan niyo na ang braso ko, paki-usap!” sigaw ko sa kanilang dalawa. Sisubukan nila ang aking pasensya.

Sabay binitawan ng dalawa lalake ang braso kaya hinimas-himas ko muna ito. Ang sakit talaga, pakiramdam ko ay lumakra ang kamay nila doon.

Nakita ko ang gulat sa mukha ni robert at walang emosyon naman ang mukha ni roger.

Pilit kong kinalma ang loob ko baka kasi anong magawa ko sa dalawang 'to, siguradong hindi nila magugustuhan ang maari kong magawa dahil miski ako ay hindi gusto ang nagagawa ko kapag galit ako.

“sorry ash, sorry talaga hindi ko sinasadya” aligagang ani ni robert at sinubukan pang hawakan ang markang ginawa nila sa braso ko pero agad kong hinarang ang kamay niya.

“huwag na, okay lang ako. Aalis na'ko” sambit ko at tumakbong umalis sa lugar na'yon.

Napatingin ako sa mga praso kong ngayon ay namumula at ramdam ko rin na namamanhid ang mga 'to.

“aalis kana ash?” tanong ni manong guard. Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa destinasyon ko.

“opo, manong. Paniguradong hinihintay na niya ako sa paborito naming karenderya” nakangiting tugon ko, “wala ata kayong pera dalawa at sa karenderya lang kayo kakain ngayon?” pagbibiro ni manong, “parang ganoon na nga po manong” natatawang ani ko.

“oh siya, sige maari ka ng lumabas basta bumalik ka sa tamang oras ash.” tugon nito sa'kin kaya tinanguan ko lang ito at lalabas na sana nang bigla niyang hinarang ang braso sa dadaanan ko.

“b-bakit po?” kinakabahang ani ko, “anong nangyari riyan sa braso mo?” nagtatakang tanong nito na may bahid ring pag-alala ang boses nito.

“a-ahh... Wala po, nabunggo lang po ako sa gilid-gilid.” kinakabahang sagot ko at nagmamaka-awang tumingin sa mga mata niya na para bang sinasabi kong —maniwala ka please—

“oh siya sige, makaka-alis kana” sambit nito at napabuntong hininga na lamang bago binawi ng kamay niyang nakaharang sa dadaanan ko, halatang hindi siya naniwala sa dahilan ko pero hahayaan niya parin ako.

Ngumiti ako kay manong at tumakbo na palabas at nagpara ng jeep na masasakyan papuntang karenderya na sinabi niya kagabi.

“dito lang po, manong” sambit ko at bumaba na sa jeep bago patakbong pumunta sa entrance ng karenderya.

Tahimik akong pumasok sa loob ng karenderya at agad na bumungad ang samot-saring amoy ng iba't ibang mga putahe ng pagkain sa ilong ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang taong sadya ko sa pagpunta dito.

Napadako ang tingin ko sa isang lalakeng presentableng naka-upo sa isang silya habang hawak nito ang kanya cellphone at nakalagay naman sa kaharap na bangko ang kanyang bag, halatang galing rin ito sa kanyang paaralan.

Ting*

Hindi ko tinuonan ng pansin ang tunog ng cellphone ko at naglakad na lamang sa papunta sa direksiyon ng lalake.

Nakita ko ang pagkunot ng noo nito at ang bahagya nitong pagkamot sa kilay nito dahilan para mahina akong matawa sa isipan ko.

Napansin kong gumalaw ang matataas na daliri nito na para bang may tinipa sa cellphone niya kaya natawa nanaman ako ulit.

Ting*

Psh. Sabi na e.

“boom!” panggugulat ko sa kanya.

Natawa ako ng bahagya siyang napatalon sa kina-uupuan.

Tinignan niya ako ng masama at tsaka tumayo bago lumipat sa upuan kung saan nakalagay ang bag niya.

“ikaw pa 'yong may ganang manggulat e hindi mo nga sinasagot ang text ko” seryosong sambit niya pero may mababahid kang pagtatampo sa boses niya.

”ehhhh! Pasensya naman. Narito na kasi ako nung nagtext ka” sambit ko at umupo na.

“oo na, ang lakas mo talaga sakin.” sambit nito at nilagay na ang cellphone niya sa lamesa bago itinaas ang kamay. Tinatawag niya ang isang lalakeng trabahante dito.

“paki-serve na po ang inorder ko” magalang na ani nito sa lalake.

“sige po, sir” sambit ng lalake at umalis na.

“anong inorder mo?” kuryosong tanong ko, “basta! Siguradong magugstohan mo ang pagkain” he proudly said.

“sige, sabi mo e” nakangiting ani ko at tahimik na naghihintay sa pagkain.

Nakita ko sa peripheral vision ko ang biglaang pagkunot ng noo ni Ken habang nakatingin sa'kin. Our boy best friend's name.

“bakit ganyan ka makatingin, ha?” nagtatakang tanong ko sa kanya, “what happened to your arms?” nakakunot noong tanong pa rin nito.

Ang seryoso ng boses niya habang binabanggit ang mga katagang na'yon dahilan para mamawis ang mga kamay ko, ramdam ko rin ang paglamig ng mga pawis sa noo ko. Iba talaga ang karisma ni Kenneth dahil talagang nakakatakot siya pag seryoso o kaya naman kung galit.

“this is nothing. Huwag mo na lamang pansinin” sambit ko at pilit na iniiwasan ang seryosong tingin niya sa'kin.

Napalunok na lamang ako ng wala sa oras dahil sa matinding kaba, nakakatakot talaga si Ken.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito at umayos na ulit ng upo.

“eto na po ang pagkain niyo” saad nung lalake habang dala-dala ang tray ng pagkain.

Agad na pumalibot sa ilong ko ang amoy ng pagkain na dala ng lalake dahilan para mapatayo ako at ako na ang kumuha n'on sa lalagyan nito.

“h-hala maam, a-ako na po” aligagang sambit ng lalake at pilit akong tinutulungan kaya palagi ko ring binubugaw ang kamay niya.

“let her, walang makakapigil sa kanya kapag pagkain na ang pag-uusapan” natatawang sambit ni ken sa lalake at sa wakas ay tumigil na rin ito sa pagtulong sa'kin.

“sige po, sir. Aalis na po ako” sambit nung lalake at narinig ko nalang ang yapak ng paa niya paalis.

“hindi ka nagkamali sa pagpili ng pagkain, ken!” buong galak na ani ko sa kanya, “sabi ko naman sa'yo e magugustohan mo” natatawang ani nito.

“paano ko naman di gugustohin ang adobo, ken? E paborito ko kaya 'to!” masayang ani ko habang nakatayo parin.

“kaya nga 'yan ang pinili ko dahil alam kong paborito mo 'yan” sagot nito, “naku ken, marami ka ng alam dapat sayo ay pinapatahimik na!” pagbibiro ko dito na nagpatawa sa kanya.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit habang tumatawa pa rin siya. Bigla siyang napatigil sa pagtawa kaya mas niyakap ko pa siya.

“salamat ken. Salamat ng marami!” bulong ko sa kanya at mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap sa kanya.

Naramdaman kong pumulupot rin ang kamay niya sa likod ko at ang paghagod niya sa likod ko.

“walang anuman, ashley” bulong nito pabalik.

Ang swerte ko dahil nakatagpo ako ng mga kaibigan na katulad nila ken at vey. Kahit bilang lang sila sa daliri ay okay na ako at least ay mayroon akong kaibigan, mayaman nga lang ang isa.

P.S

Expect a grammatical errors and a lot of errors. This story isn't perfect as what you've imagine<3

Continue Reading

You'll Also Like

389K 14.3K 92
"Leave, you're free. Don't ever come back here again." She said, hoping he wouldn't return and she'll get to live Hael was shocked, "Are you abandon...
420K 46.9K 22
في وسط دهليز معتم يولد شخصًا قاتم قوي جبارً بارد يوجد بداخل قلبهُ شرارةًُ مُنيرة هل ستصبح الشرارة نارًا تحرق الجميع أم ستبرد وتنطفئ ماذا لو تلون الأ...
254K 22.1K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...
3.3M 138K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...