Once Upon A Book

By phoeberryah

118 0 0

They first met at the library. Will this place also be their last moments together? More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48

Part 9

8 0 0
By phoeberryah

"Mukhang dalawa ang manliligaw ng kapatid ko ah." Sabi ni kuya pero hindi ko naintindihan ito kasi pabulong ang sabi niya at umalis na ang kotse ni Hikaru.

"Anong sinabi mo kuya?" Tanong ko sa kanya.

"Wala wala. Tara na pumasok." Sabi ni kuya at pumasok na kami sa bahay.

Nagulat naman si mama kasi biglang umuwi si kuya eh every Friday siya umuuwi galing dorm.

"Oh napauwi ka anak?" Tanong ni mama kay kuya.

"May naiwan kasi ako na gamit ma." Sabi niya at pumasok sa kwarto niya.

Naalala ko naman na may tinago ako na brownies na binake ko last time.

"Kuya?" Tawag ko sa kanya pagkatapos kumatok sa pinto ng kwarto niya.

"Ano?" Tanong niya pagkapasok ko ng kwarto.

"May binake ako na brownies at ito iyong tinago ko para sa iyo. Dalhin mo 'pag papasok ka na para may snack ka." Sabi ko.

"Salamat kapatid." Sabi niya.

Aalis na sana ako ng tinawag ako ni kuya.

"Celeste." Sabi niya.

"Bakit kuya?" Tanong ko.

"Nanliligaw ba sa iyo iyong Hikaru na iyon?" Diretsahang tanong niya. Umiling ako.

"Hindi kuya. Bakit mo naman naitanong iyan?" Sabi ko.

"Hinatid ka niya sa bahay natin katulad ni Dusk. Iba ang tingin ng lalaki sa babae kapag hinatid sila nito sa bahay nila." Sabi ni kuya.

"Ano ka ba kuya! Hinatid niya kasi ako kanina sa school kaya sabi niya ay siya na rin ang maghatid sa akin pauwi. Wala na akong magawa kaya pumayag na lang ako." Sabi ko.

Tumango naman si kuya. "Basta sabihin mo lang sa akin kung manliligaw ka na ha. Kikilatisin namin ni mama." Sabi niya. Napangiti naman ako.

"Salamat kuya!" Sabi ko sabay yakap kay kuya.

"Ano ba!" Sabi niya at tinaboy ako. Napasimangot naman ako.

Napadaan si mama sa kwarto ni kuya at nakita niya kami na yakap yakap ko si kuya.

"Parang ang tagal ko na nakita na ganyan kayo kalapit sa isa't isa." Saad ni mama.

"Dati rati magkahawak pa kayo ng kamay papasok sa school noong mga bata pa kayo pero noong tumanda na kayo, hindi ko na kayo masyadong nakikitang naglalambingan magkapatid." Sabi pa ni mama.

Napalayo naman si kuya sa akin pero hinug ko ulit siya. Natawa si mama sa amin.

"Oh siya maiwan ko na kayo dyan." Sabi ni mama at umalis na.

Umalis na rin ako pagkatapos.

Kinabukasan ay maaga ang pasok ko kaya maaga akong gumising.

"Kapatid ihatid na kita sa school ninyo." Sabi ni kuya.

"Akala ko maaga ka pupunta sa dorm mo kuya?" Tanong ko.

"Ihahatid na kita. Ang tagal na simula noong hinatid kita." Sabi niya.

Tumango na lang ako.

Nang makarating na kami sa school ay sumama pa siya papasok sa university ko.

"May gagawin ka ba sa school namin kuya?" Tanong ko sa kanya.

"May gagawin lang ako." Sabi niya at pumunta sa isang window.

"Mauna ka na. May aasikasuhin lang ako." Sabi niya kaya naglakad na ako papunta sa room ko.

Nang makapasok ako sa room ay hindi ko makita si Colette.

Dumating na ang prof namin at nagsimula na ang klase.

Pagkatapos ng dismissal namin ay wala na akong gagawin kaya uuwi na ako. Wala akong ganang pumunta sa library ngayon.

"Celeste!" Tawag sa akin ni Kayden nang magkita kami.

"Oh?" Sabi ko.

"Nasaan si Colette?" Tanong niya.

"Absent siya. Masakit daw ang puson niya." Sabi ko.

"Ah ganoon ba?" Sabi niya at kinuha ang phone niya.

"Sige una na ako. Kita na lang bukas." Sabi niya at umalis na.

Pauwi na ako ng maalala ko na natanggap akong magtrabaho sa coffee shop ni Ate Daisey. Muntik ko na makalimutan kaya pupunta ako sa coffee shop niya ngayon.

Nang makarating ako sa coffee shop niya ay maunti ang tao.

Pumunta ako sa counter at nagtanong kung nasaan si Ate Daisey. Sabi ng personnel doon ay wala si Ate Daisey kaya iyong manager na lang ang kinausap ko. 

Pwede na daw ako mag-start next week. Kailangan ko lang aralin ang mga iba-bake ko para prepared ako kapag magsa-start na ako next week.

Bumili muna ako ng frappe. Hapon na kaya iyan na lang ang in-order ko.

Habang nainom ako ay bigla namang nag-play ang kantang "All I Ever Need" ni Austin Mahone. Napakanta ako habang nagscro-scroll sa phone.

(credits to the owner of album cover)

Nagulat naman ako nang may biglang umupo sa harap ng table ko.

"Hi." Sabi niya.

"Oh? Napapunta ka dito?" Tanong ko sa kanya.

"Tapos na ang klase namin kaya napadaan ako dito. Ikaw?" Tanong niya pabalik.

"Nagtanong ako kung kailan ang start ng work ko dito at next week na daw." Sabi ko.

"Magwo-work ka na pala dito? That's great! Ate Daisey said that I will also start working here next week as a barista." Sabi ni Hikaru. Napatango naman ako.

"Eh may barista na dito ah?" Sabi ko.

"I'll be working kapag peak hours. Marami rin ang na-order dito ano." Sabi niya.

"So hindi lang pala tayo sa school magkakasama kundi dito rin sa coffee shop ni Ate Daisey." Saad ko.

"Yup! And I get to spend more time with you." Sabi niya pero hindi ko na narinig ang huli niyang sinabi kasi binulong lang niya.

"Ano iyon?" Tanong ko.

"Wala. I'll just order." Sabi niya at pumunta na sa counter.

Pagkabalik niya ay may dala siyang dalawang cheesecake. Inabot niya iyong isa sa akin. Napatingin naman ako sa kanya.

"I bought that. Consider it as a treat." Sabi niya at nagsimula ng kumain.

"Oh. Thank you." Sabi ko at nagsimula na rin kumain.

Napansin ko na hindi ko nakita si Dusk ngayong araw. Magte-text na sana ako kaso bigla siyang tumawag.

"Hello?" Sabi ko.

"Nasaan ka?" Tanong niya.

"Nasa coffee shop ni Ate Daisey." Sagot ko.

"Okay. May kasama ka?" Tanong niya.

"Si Hikaru." Sabi ko.

"Oh." Sabi niya.

"I'm sorry I can't meet you today. Kailangan ako sa work ko." Sabi niya.

"Ano ka ba! Okay lang. Good work!" Sabi ko.

"Thanks! See you soon!" Sabi niya saka binaba ang call.

"Sino iyon?" Tanong sa akin ni Hikaru.

"Ah si Dusk." Sagot ko.

"Bakit daw siya napatawag?" Tanong niya.

"He can't meet me today." Sabi ko.

"Wow. Ganoon na ba kayo ka-close as friends?" Tanong niya.

"Yes." Sagot ko.

May sinabi na naman siya pero hindi ko narinig.

Nang matapos na ako kumain ay tumayo na ako.

"Thanks sa treat mo Hikaru." Sabi ko at akmang aalis na ng bigla akong hawakan ni Hikaru sa braso ko.

"Wait." Sabi niya.

"Ano iyon?" Tanong ko.

"Ihahatid na kita." Sabi niya.

"Hindi. Okay na. Malapit lang ang bahay namin from here." Sabi ko.

"Eh 'di sabay na lang tayo maglakad papunta sa inyo? Magpapababa ako ng kinain." Sabi niya. Tumango na lang ako at sabay kaming lumabas ng coffee shop.

"So... how's school?" Tanong niya sa akin.

"Okay lang naman. So far wala pang pinapagawa dahil kakatapos lang ng exam." Sabi ko.

"Ikaw? Kumusta naman ang pagiging irregular student?" Tanong ko sa kanya.

"One year pa lang akong irregular pero nakapag-adjust na ako ng mga ilang weeks ng first semester. So far I like the course I shifted to." Sabi niya.

"Ano palang course ang kinukuha mo ngayon?" Tanong ko sa kanya.

"HRM." Sagot niya.

"Oh. Kaya pala kinuha ka ni Ate Daisey as a barista sa kanyang coffee shop." Saad ko.

"Yup. Ang una kong kinuha ay architectural drafting pero I got to tired to the point na hindi na ako natutulog ng ilang araw dahil sa dami ng plates na pinapagawa that's why I decided to take a course na gusto ko rin pero hindi masyadong nagta-take ng sleep schedule ko." Paliwanag niya at tumango ako.

"Sabagay." Sabi ko.

Pagkarating namin sa tapat ng bahay namin ay nagpaalam na ako kay Hikaru.

"Thank you sa paghatid kahit na nagdahilan ka na magpapababa ka ng kinain mo." Sabi ko. Parang isang piece of cake at coffee lang ang in-order niya kanina eh.

"No worries." Sabi niya at naglakad na paalis.

Naalala ko na mayroon pa nga palang mango graham float na nasa ref namin. Ibibigay ko na lang sa kanya tutal nilibre niya ako ng cheesecake kanina.

"Sandali!" Tawag ko kay Hikaru. Lumingon naman siya pabalik sa akin.

"Dyan ka lang. May kukunin lang ako." Sabi ko at pumasok sa bahay.

Lumabas ako ng may dalang box. Inabot ko ito sa kanya.

"Gift ko sa iyo. Since you treat me a cheesecake kanina, ito mango graham float." Sabi ko. Kinuha naman niya ito.

"Mukhang masarap ah. Gawa mo ba ito?" Tanong niya.

"Yup. Iyan ang gift ko kay Ate Daisey noong birthday niya eh napadami ang gawa ko." Saad ko.

"Thank you." Sabi niya.

"Sige una ka na." Sabi ko.

"Ingat!" Sabi ko pa.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nanood lang ako sa Netflix ng Kdrama. Naghanap ako ng Kdrama na mapapanood at napili ko iyong Extraordinary Attorney Woo. Ang ganda ng first two episodes!

After ko manood ay saka ako nag-dinner. Hinintay ko si mama makauwi para sabay kaming mag-dinner.

After ko mag-dinner ay naglista ako ng mga ingredients na ipra-practice kong i-bake bukas. Wednesday naman bukas kaya may oras pa akong mag-practice.

After kong maglista ay natulog na ako.

Kinabukasan ay naggayak na ako para pumasok sa school.

Wala naman masyadong nangayari sa school kaya after classes ay namili na ako ng mga ingredients.

Pumunta ako sa grocery at binili lahat ng kailangan ko. Gagawa ako ng macaroons kanina. Ganito ang hitsura nila.

Macaroons

(credits to the owner)

Bumili din ako ng ingredients para makagawa ng croissants.

Croissants

(credits to the owner)

Nag-search kasi ako ng mga kadalasang mga tinitinda na pastries sa mga coffee shops at iyan ang gusto kong i-try na recipe.

Nang makauwi ako ay nagsimula na akong mag-ayos ng mga ingredients. Ang uunahin ko munang gawin ay croissants dahil mas matagal itong gawin kaysa sa macaroons. Mahaba ang proseso nito compared sa macaroons.

Habang nagkne-knead ako ng dough ay may tumawag sa akin.

"Buksan mo iyang camera mo." Sabi niya.

"Saglit." Sabi ko at nag-bun. Napunta iyong buhok ko sa mukha ko kaya hindi ako makapag-concentrate ng maayos.

"Ayan. Kita mo na ako?" Tanong ko kay Dusk.

"Yup." Sabi niya.

"Woah. Naabala ba kita?" Tanong niya.

"Hindi naman." Sabi ko at nagfo-fold na ako ng dough ngayon para sa magiging outcome ng croissants.

"Anong bina-bake mo?" Tanong niya.

"Croissants. Nagpa-practice na ako kasi next week na ang start ng work ko sa coffee shop ni Ate Daisey." Sagot ko.

Napatango naman si Dusk. "Next week na pala ang start mo? Eh 'di makaka-work mo pala si 'insan." Sabi niya.

"Oo. Nasabi niya sa akin kahapon." Sabi ko.

"Tinanong ko nga siya kung anong course ang kinukuha niya ngayon at HRM daw. Kaya pala siya kinuhang barista ni Ate Daisey." Kwento ko.

"Nagkwentuhan pala kayo ni Hikaru kahapon." Sabi niya.

"Oo naman! Nilibre pa nga niya ako ng cheesecake eh. In return, binigyan ko siya ng mango graham float para quits kami." Sabi ko at natawa.

"Wow! Marunong palang manlibre si 'insan! Never ako nilibre nyan!" Sabi niya.

"Eh? Sabihin mo ilibre ka minsan." Saad ko.

"Baliktad ang nangyayari. Ako ang nanlilibre sa kanya kasi coffee shop daw ni Ate Daisey iyon." Sabi niya at napasimangot siya. Natawa naman ako sa facial expression niya.

"Mukhang naabala yata kita dyan. Gusto mo ibaba ko na itong call?" Tanong niya.

"Ano ka ba okay lang! Ikaw ba? Tapos ka na sa work mo?" Tanong ko.

Napatingin naman ako sa orasan at 8 pm na.

"Closed na ang coffee shop. Bukas na ulit." Sabi niya. Tumango naman ako.

Nagkwentuhan kami hanggang sa mailgay ko na ang nagawa kong dough sa oven namin.

"So... do you want to watch a movie?" Tanong sa akin ni Dusk habang hinihintay ko na maluto ang croissant.

"Sige. Anong papanoorin natin?" Tanong ko.

Naghanap kami ng mapapanood at nahanap namin ang Minions: The Rise of Gru.

"Ang cute talaga ng mga minions!" Sabi ko habang nanonood kami ng movie.

"Mas cute si Gru!" Sabi naman ni Dusk.

"Parehong cute ang minions saka si Gru!" Sabi ko at natawa kami pareho.

Nang tumunog na ang alarm ay sinabi ko kay Dusk na kukunin ko lang ang croissants. Pinause muna namin ang movie at saka ko nilabas ang croissants mula sa oven.

"Ang bango!" Sabi ko nang mailapag ko sa lamesa ang dalawang tray ng croissants.

"Wow ang bango nga!" Saad ni Dusk pero hindi naman talaga niya naamoy ito. Natawa na lang ako.

"Gusto mo dalhan kita nito bukas? Taste test? Tikman mo kung masarap?" Tanong ko sa kanya.

"Sige ba. Two days na rin tayong hindi nagkikita in person." Sabi niya at namula naman ang mukha ko.

"Sige. Papalamigin ko muna ito tapos saka naman ako magsa-start gawin ang macaroons.

Nagpatuloy ulit kami sa panonood ng movie.

Pagkatapos matapos ng movie ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Mga two hours rin kaming nag-video call ni Dusk.

Continue Reading

You'll Also Like

46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
1.8M 35K 23
FORTALEJO•BILLIONAIRE SAGA #1 Highest Rank: #5 in GenFic (10.15.16) Paano kung Mahulog ang loob mo sa isang babaeng akala mo ay bayaran? Isang babae...
15.1M 584K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
33.9M 672K 49
Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even though you know you can't? #BSS2