𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED)

By FancyErah

2.3K 386 220

Isang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula... More

Couh Moch
Prologue
✟ CHAPTER 1 ✟
✟ CHAPTER 2 ✟
✟ CHAPTER 3 ✟
✟ CHAPTER 4 ✟
✟ CHAPTER 5 ✟
✟ CHAPTER 6 ✟
✟ CHAPTER 7 ✟
✟ CHAPTER 8 ✟
✟ CHAPTER 9 ✟
✟ CHAPTER 10 ✟
✟ CHAPTER 11 ✟
✟ CHAPTER 12 ✟
✟ CHAPTER 13 ✟
✟ CHAPTER 14 ✟
✟ CHAPTER 15 ✟ (Alexander's POV)
✟ CHAPTER 17 ✟
✟ Epilogue ✟
✟ Epilogue 1 ✟
✟ Epilogue 2 ✟
✟ Special Chapter (Lukas POV) ✟
✟ Special Chapter 1 (Before The Wedding) ✟
✟ Special Chapter 2 (Before The Wedding ✟
✟ Special Chapter (Michael's POV) ✟
Physical Book Is Coming!!!
Couh Moch Pre-order

✟ CHAPTER 16 ✟ (Alexander's POV)

35 9 0
By FancyErah

Alexander's POV

MADILIM at masikip ang aking kinalalagyan ngayon. Halos hindi na ako makahinga dahil sa sikip. Ramdam na ramdam ko rin ang mga patak ng aking mga pawis galing sa aking sintido patungo sa akong ilong at bibig. Medyo nalasahan ko na ang maalat na tubig galing doon. Hindi ko makita ang kabuan dahil piniringan niya ang mata ko nung nakapasok na ako sa trunk.

Kung hindi ako makakalabas dito sa mahabang oras baka ay mawalan ako ng malay-tao dahil limitado lang ang nakukuha kong oxygen sa paghinga. Hindi pa ako masyado makagalaw dahil ang liit ng trunk ng sasakyan na ito.

Mahabang minuto ang umaandar ang sasakyan. Hindi na rin ako nag-attempt na gumawa ng ingay o magwala dahil masasayang lang ang lakas ko at baka mahimatay na nga ako.

Mayamaya ay tuluyan ngang huminto ang sasakyan at narinig ko ang pagbukas ng sasakyan. Hindi man lang ako nasilawan. Mukhang hindi kami huminto sa isang open space na makikita ang araw.

Naramdaman ko ang kamay na kumuha sa mga piring ko. Nakita ko si  Jessica o Mochel—pati ako naguguluhan na kong sino ang nasa harapan ko. Kung ang asawa ko ba ito o ang baliw na kapatid niya. Kung si Mochel talaga ito bakit ngayon lang siya nagpapakita? Nasaan na ang kapatid niya na ang asawa ko.

"Lumabas ka riyan!" sigaw niya sa akin.

Tinitigan ko siya ng masama. Kahit na gusto ko na talagang lumabas sa trunk na iyon ay nahihirapan pa rin ako sa sitwasyon ko.

"Lalabas ka ba o . . . " Sabay kuha niya sa may bulsa niya ang baril. Baril ko iyon, talagang nakita niya pa iyon. Biglang kumalabog ang puso ko dahil alam kong kaya niyang pumatay ng tao. Pinatay nga niya ang mga kasambahay sa aming tahanan. Itinutok niya ang baril patungo sa akin.

Nagpumilit akong tumayo kahit hindi ko talaga kayang balansehin ang sarili dahil sa maliit ang lugar at nakatali pa ang mga kamay at paa ko.

Nang tuluyan na akong makalabas ay tinulak niya ako paabante. Muntik pa nga akong matisod.

Nakatingin ako kaliwat-kanan sa destinasyon namin at nasa isang underground parking lot kami. Parang parking lot ito ng kompanya namin. Ano ang gagawin niya rito?

Gusto ko siyang tanungin ngunit naka-duct tape nga ang aking bibig. Kaya napalingon lang ako sa kaniya habang tulak-tulak  pa rim niya ako patungo sa isang elevator doon.

Pinindot niya yun at ilang segundo pa lang ay bumukas na ito.

Paakyat na kami at alam kong saan kami patungo dahil sa pinindot niya na floor. Floor 20, yun ay secret room lamang ng pamilya ko. Kami-kami lang pamilya ang nakakapasok dun. Bukod sa sekreto siya ay may face recognition ito na naka-install. Ako, si daddy at mommy lang nakarehistro. Alam ni Yca ang tungkol sa kuwartong yun. Hindi ko alam kung paano nalaman ni Mochel.

Tumunog na ang elevetor at nasa destinasyon na kami. Itinulak niya ulit ako kaya natisod ako sa may bunganga ng elevator. Hinila naman niya ako na parang pusa patungo sa loob ng malaking kuwarto na naroon. Pagkapasok namin doon ay nakaupo lamang ako sa sahig na may malaking fur mat doon.

T'saka kumuha ang baliw na babae sa harapan ko ng cellphone. Itinapat niya sa mukha ko at saka nag-open ang cellphone ko. Kinuha niya na rin ang duct tape sa bibig ko.

"Kung gusto mo akong patayin, Mochel ay sabihin mo muna kung ano ang ginawa mo sa asawa ko?"

Ngumisi ito sa unang tugon ko, "At ang kapatid ko pa talaga ang una mong iniisip, Alexander? Ganoon mo ba ka love ang kapatid ko?"

"Baliw ka Mochel, dapat ay namatay ka na lang talaga!"

"Sssh, be quite tatawagan ko ang may gawa sa akin nito."

Saka niya pinakita ang ang cellphone na ang caller Id ay ang mommy ko.

"Oh, hello there, mommy? How are you?" nilalaro niya ang boses na para bang ang sweet ng boses niya.

"Mommy huwag kang maniwala diyan. Hindi si Jessica iyan!" Hindi ko na napigilan at napasigaw ako.

"Hello? Son? What did you do to my son, Jessica? You witch! Baliw!" rinig ko sa kabilang linya. Parang sinasadya niyang i-loud speaker ito upang marinig ko ang pag-uusap nila.

"Wala pa nga akong ginagawa. Ang atat mo naman . . ."

"Where are you?"

"Good question, Lourdes. Nasa secret room kami ng kompanya niyo kaya kung gusto mong iligtas ang anak mo ay dalhin mo pati ang asawa mo kapalit ng anak mo. At huwag na huwag kang magsusumbong sa mga pulis. Kundi ay sasabog ang bungo ng anak mo, Lourdes."

"Huwag, Jessica maawa ka sa anak ko. Ako ang may kasalanan sa pagkawala ng kapatid mo kaya—"

"Huwag na puro kuda! Pumunta na kayo ni Don Miguel, m1aghihintay ako."

Tapos tinapon na niya ang cellphone sa sahig. Nakita ko pang nabasag ito.

"Hindi ka magtatagumpay sa binabalak mo Mochel!"

Dahan-dahan siyang lumingon at biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. Na para bang naluluha at parang—si Jessica.

"Mahal, tulungan mo ako," tumulo na ang luha nito.

Kumunot ang noo ko, hindi ko n maintindihan ang nangyayari.

"Jessica? Pero, paa—no?"

Dahan-dahan siyang ngumisi na parang sinasapian ng demonyo. At tumawa na parang walang hanggan. Baliw na ang babaeng ito! Pero naguguluhan ako, si Mochel ba talaga ang kaharap ko ang asawa ko?

"Sino ka bang talaga!?" sigaw ko.

Lumapit siya sa akin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinawakan niya pa ang baba ko na may pwersa. Nakipagtagisan ako ng titig sa kaniya. Hindi siya ang asawa ko, hindi ko makita sa kaniyang ang maamo nitong mga mata. Pero nasaan na ang asawa ko?

"Ako ang asawa mo, mahal!" Pagkatapos ay tumawa ulit siya sa harapan ko.

"Hindi ikaw ang asawa ko!"

Binitawan niya ako at tumayo. Tumalikod siya sa akin at kinuha ang baril at hawak-hawak ulit niya ang baril ko habang pinaglalaruan niya lang ito.

"Paano kong sabihin ko sa iyong wala na ang asawa mo, Xander?"

"Hindi totoo iyan!" kahit posible naman ang sinasabi niya.

Ayoko maniwala! Kung totoo man ay baka mababaliw na ako. Hindi ko kayang mawala si Yca sa akin.

"Simula ng umalis si Couhrel ay kinalimutan na niya ako . . . Pati si daddy iniwan lang ako sa nanay ko at hindi binigyan ng mana! Alam mo bang kung bakit kailangan kong kumapit sa matanda mong tatay? Dahil sa pera niya, pero biglang uminsert kayo ng mommy mo. Tapos ngayon inasawa mo pa ang kakambal ko" tumawa siya, "Ang lakas naman ng amats mo, boy!"

Nahinto si Mochel sa pagsasalita dahil biglang tumunog na ang pintuan. Kaagad niyang tinutok ang baril sa pintuan at saka iniluwa sina mommy at daddy. Hindi pa yata nangangalahati ang oras ay dumating na sila.

"Wow, at last we are here to be united!"

Awang-awa ang mga mata ng mommy habang tinitingnan akong nakagapos. Habang ang amain ko naman ay blanko ang mukha parang wal siyang pakialam sa nangyayari.

"My son are you okay?" sabin ni mommy.

Pahakbang na sana ang mommy ko papunta sa akin ng biglang pinutok ni Mochel ang baril sa may binti nito. Kaya bumagsak ito sa may sahig at kaagad naman napaupo ang amain ko patungo sa asawa niyang natumba. Bumilog lang ang mata ko sa ginawa ni Mochel. Halang na talaga ang kaluluwa niya.

"Tama na ito, Jessica! Ano ang kailangan mo, pera? Magkano? Dahil bibigyan kita!" sigaw ni dad.

"Manahimik ka!"

"You are just a cacroach like your sister! Sana pinigilan na lang namin si Alexander na maging parte ng pamilyang ito!"

Nakita kong ngumisi lang si Mochel sa sinabi ni Dad. Inangat niya ulit ang kaniyang baril at tinutok niya ito kay dad.

“You deserve to die!” halos bulong na sabi ni Mochel.

Isang alingawngaw ulit ng putok ng baril ang aming narinig. Mayamay ay narinig ko ang sigaw ni mommy na siyang namimilipit pa rin sa tama niya sa binte.

Para akong na-estatwa ng makita ang amain kong nakahandusay sa sahig at may tama sa ulo nito. Nakadilat pa rin ang mga mata nito kahit halatang wala na itong buhay.

"Gusto ko pa sanang pahirapan si Don Miguel but he talks to much! Alam kong hindi rich ang kapatid ko pero hindi siya katulad ko na nagkakandarapa sa pera."

"Y-You a-are c-crazy!" gatol na pagkasabi ni mommy.

"I really am! But you are the most crazy out of all the crazy people. You killed my sister!"

"Deserved niyang mamatay! At kung may pagkakataon man akong patayin ka ay ginawa ko na noon pa! Ngunit mahal ka ng anak ko!"

"M-Mom?" nabigla ako sa narinig ko.

Naguguluhan ako!

Hindi ko maintindihan ang mga narinig ko. Kung may namatay man ay sino? Si Mochel ba o ang asawa ko?

"I'm sorry, son. Kailangan kong utusan si Ricardo para sana ipapatay si Jessica dahil ayoko kong malaman ni Jessica ang ginawa namin ng daddy mo kay Mochel."

"A-Ano? Naguguluhan na ako, mom? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Noong ihinatid mo si Mochel sa bahay ay may aksidenting nangyari. Nagakasagutan kami ni Mochel hanggang dumating kami sa punto na nagkasabunotan kami. Dahil sa galit ko sa kaniya ay naitulak ko siya at bagok ang ulo niya sa mesa dahilan ng pagkamatay niya. Kaagad akong tumawag sa daddy mo sa nangyari kaya si Ricardo ang nagligpit ng bangkay ni Mochel."

"You mean, Mochel is dead?"

So, sino itong kasama namin ni mommy sa kuwartong ito? Si Jessica lang ba ito na nagpapanggap na si Mochel?

"Tama na ang drama! Ngayon ako na naman ang tatapos sa mga buhay ninyo!" sabad ni Jessica.

"At kung mamatay man ako ag magkikita pa rin tayong dalawa sa impyerno!" sigaw ni mommy!

Ngumisi siya sa tugon ni mommy, “Alam mo bang wala na ang thrill kung papatayin ko kayo? Dapat kasi ay nag-eenjoy akong nakikitang nasasaktan habang naghihingalo sa mga buhay ninyo!"

"Hindi ka tao Jessica!"

"Wow, coming from you? Sa tingin mo tao ka ba? Ha! Lourdes? Walang awang pinatay niyo ang kapatid ko."

At tinutok na ulit ni Jessica ang baril sa noo ni mommy.

"Please, Jessica. Come to your senses at once. Puwede naman nating ipakulong na lang si mommy at magbagong buhay tayong dalawa?" sabi ko. Baka sakaling magbago ang isip niya.

Lumingon siya sa akin saka tumawa. "Wala ma rito si Couhrel, Xander . . ."

"Mahal, alam kong ikaw iyan. Maghulos-dili ka . . . Mahal na mahal kita."

"Manahimik ka!" saka niya ibinaling sa akin ang baril.

Kaagad namang marahang tumayo si mommy kahit nahihirapan. Habang gigil na si Jessica na nakatutok sa akin ang baril.

"Pinatay mo ang mga mahal ko sa buhay!"

"Hindi ako ang pumatay sa kanila kundi ikaw, Jessica."

"Manahimik ka! Ikaw ang dapat kong huling papatayin pero ang ingay mo!"

Puputukin na sana ni Jessica ang baril pero nakalapit na si mommy kay Jessica. Nag-aagawan si sa baril mabuti na lang at hindi ito pumutok. Wala naman akong magawa dahil nakagapos ako.

Nag-try akong tumayo. Ilang segundo pa nung nakatayo ako ay nakita kong nakuha ni mommy ang baril saka ito tinutok kay Jessica.

"Mommy, huwag!"

"Baliw iyang asawa mo! At hindi ako makakapayag na ipapakulong niyo ako dahil kasalanan naman ni Mochel ang lahat!"

"Ikaw ang baliw sa atin, Lourdes! Hindi si Mochel ang may kasalanan ng lahat ng ito kundi ikaw! Pinatay mo siya at dinamay mo pa ang mga mahal ko sa buhay!"

"Ikaw ang pumatay sa mga taong iyon, Yca! Ang mag-lola lang ang pinapatay ko dahil parang may alam ito sa kasong ito at alam kung tinutulungan ka nila."

Pinatay ni mommy ang mag-lola? Sino ang mga iyon?

Biglang nanlilisik ang mga mata ni Jessica ng marinig iyon.

"Walang hiya ka! Bakit pati matanda at bata ay pinatay mo! Wala kang awa Lourdes! Si Nana na lang ang huli kong pag-asa para mawala ang sumpa na nakadikit sa amin ni Mochel!"

"Pareho lang tayong baliw, Yca. Pinatay mo ang mag-inang iyon at ang mag-asawa? Ako may motibo ako sa pagpatay sa kanila, ikaw kaya? Bakit mo pinatay ang mga taong tumutulong sa iyo?"

"Hindi, h-hindi ako ang pumatay sa kanila. S-Si. . . Si Alexander! Siya ang pumatay sa kanila."

"Yca, hindi ako ang pumatay sa kanila. Isa lang ang pinatay ko at si Mang Ricardo lang napatay ko."

"Hindi! Kayo ang pumatay sa kanila!"

"At dapat ngayon, Yca, ikaw lang ang dapat sumunod sa kanila. Sumama ka na sa kapatid mo!"

"Mommy, huwag mommy!” sigaw ko.

Pero mukhang desidido na nga ang mommy na patayin si Jessica. Pumikit ito at saka kinalabit ang gatilyo. Sa pagkalabit niya ay kaagad akong tumalon-talon patungo sa harapan ni mommy. At sa isnag putok na iyon ay naramdaman ko ang isang bagay na nakabaon sa aking kanang dibdib.

Naramdaman ko ang sarili ko na natumba sabay sa pag-agos ng pulang likido sa may dibdib ko. Hinarangan ko ang bala at ako natamaan nito.

Napalingon ako at nakita ko si Jessica na bumilog ang mata sa aking sitwasyon hindi niya siguro akalain na kaya ko siyang iligtas.

Mahal ko si Jessica, hindi ko alam pero kaya kong ibuhis ang buhay ko para sa kaniya. Wala na ang tunay kong ama dahil alam kong may kinalaman doon ang amain ko. Alam kong siya ang dahilan ng pagkamatay nito kaya wala rin akong pakialam kong namatay man siya.

Nasilaw si mommy sa kayamanan ni daddy kaya siguro naaksidenti niyang napatay ang kapatid ni Jessica.

Walang ibang kagustuhan si Jessica kundi ang paghihiganti sa mga taong gumawa sa kapatid niya. Kaya naiintindihan ko siya.

Napabuka ulit si mommy sa mga mata niya at halos lumuwa ang mga mata niya sa nakitang kalagayan ko. Halos nanginginig na ang kaniyang buomg katawan habang na napatakip siya sa kaniyang bibig dahil sa pagkabigla.

Natuon ang pansin ko kay Jessica kung saan tumayo ito at kinuha ang isang ballpen sa may mesa. Lumapit siya sa mommy ko na nasa state of shock pa rin.

"J-essica . . ." halos pabulong ko ng tugon.

Nang nasa harapan na siya ng mommy ko ay kaagad niya itong sinasak sa leeg ng tatlong beses. Dumaloy ang pulang likido sa sahig at nakadilat ang mga mata ni mommy na medyo nakaharap sa aking kinaroroonan.

Biglang tumulo ang mga luha ko sa mga nangyari. Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman.

Habang si Jessica naman ay palapit ulit sa aking harapan at nakatingin sa akin habang dala ang ballpen na puno ng dugo. Ang mukha, kamay at damit nito ay nadumihan na rin ng pulang likod galing sa pagsaksak niya sa aking ina.

"Jessica, tama na . . ." halos pabulong kong sinabi sa kaniya.

Umupo siya at inilagay ang ulo ko sa may hita niya. At dahan-dahan niya akong hinalikan sa labi.

Tumulo ulit ang mga luha ko. Alam ko na ang susunod niyang gavawin . . .

"Mahal kita. Ngunit, paalam . . ." sambit niya.

Pumikit na lang ako habang inangat niya ang ballpen. At naramdaman ko ang isang bagay na nakabaon sa aking may leeg. Hindi ko na binuka ang aking mga mata dahil ayoko makitang ang babaeng mahal ko ang pumaslang sa akin . . .

💀💀💀

Continue Reading

You'll Also Like

2M 105K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
9.4M 396K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...
3.2M 95.8K 55
|COMPLETED| Not all mafias are heartless, they also deserve to love and to be loved. MAFIA BOSS: SAVED BY HIM *** She- Venice Ithalia Watson experie...
2.1M 42.9K 69
"Anong gagawin mo kung minumulto ka ng matalik mong kaibigan? Humihingi ba siya ng tulong? O kasama ka sa mga nagkasala sa kanya?" Highest Rank: #1...