𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (Self-Publi...

Bởi FancyErah

2.1K 386 220

Isang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula... Xem Thêm

Couh Moch
Prologue
✟ CHAPTER 1 ✟
✟ CHAPTER 2 ✟
✟ CHAPTER 3 ✟
✟ CHAPTER 4 ✟
✟ CHAPTER 5 ✟
✟ CHAPTER 6 ✟
✟ CHAPTER 7 ✟
✟ CHAPTER 8 ✟
✟ CHAPTER 9 ✟
✟ CHAPTER 10 ✟
✟ CHAPTER 11 ✟
✟ CHAPTER 12 ✟
✟ CHAPTER 13 ✟
✟ CHAPTER 14 ✟
✟ CHAPTER 16 ✟ (Alexander's POV)
✟ CHAPTER 17 ✟
✟ Epilogue ✟
✟ Epilogue 1 ✟
✟ Epilogue 2 ✟
✟ Special Chapter (Lukas POV) ✟
✟ Special Chapter 1 (Before The Wedding) ✟
✟ Special Chapter 2 (Before The Wedding ✟
✟ Special Chapter (Michael's POV) ✟
Physical Book Is Coming!!!
Couh Moch Pre-order

✟ CHAPTER 15 ✟ (Alexander's POV)

40 9 4
Bởi FancyErah

Alexander's POV 

ALAS-SINGKO pa lang ng hapon ay umuwi na ako. Maaga ako ngayon dahil naiinis lang ako dahil palagi kong nakikita ang dalawang matanda roon. Nakakabagot dahil puro bangayan lang naman ang inatupag ko roon sa kompanya. Nandoon kasi ang amain ko at ang mommy ko, pinagalitan nila ako ng husto dahil nakatakas si Jessica galing sa mental. Buti nga sa kanila! Grabe ang ginawa nila sa asawa ko, kinawawa nila masyado.

Kaya nga napatay ko si Mang Ricardo dahil sa kagagawan rin nila. Sila ang dahilan kung bakit nagkaganiyan si Jessica. Dahil sa kanila ay nabaliw ang asawa ko. May kasalanan rin ako, dapat ay hindi ko sinabi sa mommy na alam na ni Jessica ang katotohanan tungkol sa kakambal niya. Walong taon nang wala si Mochel pero parang nandito pa rin siya dahil sa mga nangyayari.

Kahit na diseotso pa lamang si Mochel noon ay talagang matigas ang ulo nito. Kasalanan din ng amain ko. Kung hindi niya lang jinowa si Mochel ay wala kaming iisipin ngayon. Ayan tuloy lahat kami nagkaproblema.

Matagal ng inilibing sa limot ng pamilya ko ang pagkawala ni Mochel dahil lahat kami ay may kasalanan sa pagkawala nito. Pero nung nalaman ni Jessica ang pagkamatay nito ay muling nabuhay ang isyu nang pagkawala ni Mochel. 

At ngayon ay nakawala si Yca ay natatakot ang mga matatanda sa puwedeng gawin nito. Pero ako? Nag-alala ako sa asawa ko. Alam kong wala na siya sa katinuan. Tuluyan na siyang nabaliw kaya kailangan niya ang tulong ko.

Alam ko noong una pa lang na magkamukha sila ni Mochel. Kaya nga masungit ako nung una naming pagkikita. Noon ay akala ko lang ay doppelganger lamang iyon ni Mochel pero hindi pala. Magkapatid nga talaga sila. Hindi ko naman alam dahil magkaiba ang apelyido nilang dalawa at sa ibang lugar nakatira si Yca.

Ngayon, ang problema ko ay kung saan ko siya hahanapin. Natagalan nga ako kanina sa mental dahil pati ako ay naghahanap sa kaniya. Sana ay okay lang siya.

Kailangan ko siyang hanapin, dahil alam kong target siya ng amain ko . . . Alam kong siya ang susunod! At ayaw ko mangyari iyon!

Nasa bahay na ako at sinalubong ako ng isang kasambay. Binigay ko sa kaniya ang dala-dala kong susi. Inutusan ko itong buksan ang trunk ng kotse ko at pinalinis ko sa kanila.

Kaagad akong nagtungo sa taas at nung nasa tapat na ako ng pintuan ng kuwarto ko ay binuksan ko agad ito. Biglang  kumunot ang noo ko dahil naka-lock ang pintuan kaya hindi ako makapasok agad. Usually kasi ay hindi ito naka-lock unless nandito si Jessica sa loob ng bahay. Biglang kumabog ang dibdib ko, pakiramdam ko tuloy ay nandito ang asawa ako. 

Kinuha ko na sa bulsa ko ang susi ng kuwarto namin at nag-aalangan pa akong buksan ang pintuan. Parang may humihila sa akin na ayaw pagbuksan ang kuwarto hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot ng hindi sa malamang dahilan. Pero kailangan kong makapasok, kung siya man ito ay dapat marinig niya ang sasabihin ko para matulungan ko siya.

Nagpakawala ako ng hininga bago ko tuluyang mabuksan ang pintuan . . .

Nang buksan ko ito ay wala naman akong nakitang kahinala-hinala. Hindi pa rin humihinto ang kabog sa aking dibdib pero hindi ko na lang pinansin yun. Sadyang napapraning lang siguro ako sa mga nangyayari. Kaagad kong niluwagan ang aking neck tie at inisa-isa kong buksan ang butunes ng aking polo para maligo at makapagbihis ng pambahay. 

Gusto ko muna magpahinga dahil ilang araw na akong hindi natutulog ng maayos dahil sa mga pangyayari. Ilang linggo akong abala sa paghahanap ng asawa ko. Kaya nung tumawag siya ay kaagad akong nagpatulong sa mga pulis.

Hindi ko rin alam kung bakit nalaman nila mommy ang pagkadakip kay Yca at kaagad nila itong nilagay sa mental. Pero—basi sa pinapakita ng psychiatric niya ay may sign of schizophrenia siya. Madalas daw itong nakikitang may kausap sa hangin.

Naglakad na akong papunta sa banyo nang mapahinto ako bigla. Alam kong may tao sa likod ko, nararamdaman ko. Mas lumakas ang kabog dibdib ko. Tiningnan ko ang sahig at may na aninag akong isang anino sa may likuran ko, isang babae. Iyong pagkabog sa dibdib ko ay huminto ng ilang segundo. Hindi pa man din ako nakagalaw ay biglang may isang bagay ang dumapo sa ulo ko dahilan para bumagsak ako sa sahig.

Napahawak ako sa ulo ko at nang tingnan ko ito ay may malapot na pulang likido akong nakita sa kamay ko. Napatingala ako sa may gawa nito. At nakita ko ang asawa ko na halos malalalim na ang mata, buhaghag ang buhok, at mga ngiti nitong pati gilagid ay nakikita na, parang abot na sa tainga ang ngiti niya. Nakikilabot siya tingnan. Hawak-hawak niya pa ang laptop, at sigurado ako iyon ang ginamit niya sa pagpalo sa ulo ko.

Lumapit siya sa akin at inaangat ulit ang laptop. Isa lang sunod kong alam na nangyari, ang pagdilim ng paligid ko.  

💀💀💀

Eight years ago . . . 

Nakita ko ang isang babaeng singkit na patungo sa aking kinaroroonan. Maganda siya pero medyo may pagka-istrikta ang kaniyang aura dahil sa kaniyang kilay na naka-arko dahil sa tintang nilagay sa kilay nito. Alam kong magkaedaran lang kami pero mas matanda siya tingnan dahil sa kolorete na nilagay niya sa buong mukha niya na parang punk star na malandi. Napangiwi agad ako nang makita ko siya. Alam kong hindi ko siya makakasundo. Baka mainis pa ako ngayon dahil sa kaniya.

Ngayon ang araw na makikipagkita at mag-uusap sila ng masinsinan ng aking ina dahil sa pakikipagrelasyon nito sa amain ko. 

Nang pumasok na siya sa loob sa likod ng kotse ay nagsalita agad ito, akala mo driver niya ako e. "So you are Alexander, are you? Or should I call you, my son?"

Napailing na lang ako sa sinabi niya, "Just shut up! "

"Okay," sabay irap niya sa akin. 

Mayaman naman ang pamilya nitong si Mochel, ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakikipagrelasyon pa siya sa amain ko. Matanda at may pamilya na iyong tao at siya ay bata pa. Malaki ang bahau nila, mansyon pa nga. Kaya napakaimposibling namumulubi ito at gusto lang makahuthut sa sted-dad ko.

"What?" tanong nito na nasa likod ng kotse ko. 

Nakita niya siguro akong tinitingnan ko siya sa may salamin. Hindi ko siya sinagot at nakatuon na lang ulit sa daan. 

Inutusan ako ng mommy ko na ipasundo ang babaeng ito para kausapin na layuan na lang ang asawa niyaa. Kasi kapag nalaman ito ng media ay sigurado akong malaki ang damage at babagsak sa merkado ang negosyo namin. Gayong mga laruan ang minamarket namin sa merkado like, teddy bears, barbie and many more. At malaking kakahiyan iyon sa pamilya ni daddy.

Mayamaya pa ay nakarating na kami sa bahay. Tiningnan ko siya sa salamin at nakita ko pa nga na dinadagan niya pa ng foundation ang mukha niya.

"We're here . . ." mahinang bulong ko. 

Lumabas na ako ng kotse pero hindi pa lumalabas ang bruha, mukhang naghihintay siyang pagbuksan ko at lalatagan ng red carpet. Nakakainis siya, sobra! 

Pinagbuksan ko na lang siya para makaalis na ako kahit labag yun sa kalooban ko. May gusto pa akong puntahan sa mga oras na ito, pinagbigyan ko lang ang mommy ko dahil nag-hehestirical siya sa bahay.

"Thank you, my son . . ." Nakaangat pa ang kaniyang kanang kamay para siguro alalayan ko siya.

Kinunotan ko siya ng noo, "Bumaba ka na riyan para makaalis na ako."

"Oh my . . . Hindi mo ba ako ihahatid sa loob?"

"May maid na naghihintay sa iyo."

Umarko ang kilay niya at padabog na bumaba, at binagsak pa pagkasarado ang pintuan ng kotse ko. 

Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ulit sa loob ng kotse ko. Napatingin ako sa huling sandali kay Mochel na papasok na sa bahay namin at napailing na lang sa ipinakita niyang attitude.

💀💀💀

Iyon ang huli kong nakita si Mochel. 
Naalala ko pa nga after one month ay may pumunta sa bahay namin, mukhang nanay ni Mochel. Nageeskandalo sa may tapat ng bahay namin dahil dapat raw ilabas namin ang anak niya. Doon ko nalaman na nawawala pala si Mochel buhat noong hinatid ko siya. Kaagad ko namang tinanong ang mommy ko pero walang konkretong sagot si mommy.

Hindi na rin ako nag-abala ukol roon dahil nga problema naman nila iyon. 

After eight years ay nakilala ko nga si Jessica; ang kakambal ni Mochel. Hindi ko aakalain na makilala ko ang isang Jessica na magpapabighani sa akin. Ibang-iba sila ng kapatid niya, at first din ay hindi rin ako naniwalang magkapatid sila. Baka doppelganger lang kasi at saka taga-China si Jessica. Siya ang nakuha namin na employee galing sa ibang bansa na Chinese-Filipino. Nakaugalian na kasi ng kompanya na kukuha ng employee galing sa bansang iyon, gayong may branch din kami doon at isa si Jessica sa napili. 

Wala kaming kaalamalam noong una na magkapatid sina Jessica at Mochel. Pati sina daddt at mommy ay nabigla nang makita siya noon.

Kung hindi lang sana nalaman ni Jessica na magkapatid sila ay hindi sana mangyayari ito. Hindi sana mawawala ang anak ko.

Pero nangyari na. Ang gusto ko lang sana ay matulungan si Yca na makalayo sa mga matatanda. Hindi ko rin kasi alam kung sino ang pumatay may Mochel. Kung si daddy ba o si mommy.

At sigurado ako na may kinalaman sila sa pagkamatay ni Mochel. Isa si Mang Ricardo sa inutusan nila sa pagpatay kay Jessica doon sa Baguio kung hindi ko pa nadatnan sila doon ay sigurado akong iyong hinukay ni Mang Ricardo ay si Jessica ang ililibing kasama ng bangkay na yakap-yakap niya. 

Mabuti na lang at na overheard ko si mommy at Mang Ricardo kaya alam kung may gagawin silang masama sa asawa ko.

Hindi ko rin alam kong ano ang nangayari sa asawa ko nong umalis siya sa bahay patungo sa tiyahin niya. Kinuha ko lang ang baril noon para pang-self defense. Nag-ready na talaga ako sa pwedeng mangyari. Akala siguro niya ay sa kaniya ko gagamitin ang baril na iyon. At isa sa  hindi ko maintindihan kung bakit pinatay niya ang tiyahin at pinsan niya.

Oo, siya ang pumatay sa mag-ina na iyon. Sa kaniya lahat nakita ang fingerprints galing sa kutsilyo na ginamit na nasa kusina na may bakas na dugo pa. Hindi ko nga alam kong bakit nadawit ang pangalan ko gayong umuwi naman ako sa bahay noon. 

Pero gusto ko pa rin siyang tulungan dahil asawa ko siya. Mahal ko ang asawa ko. Alam kong gusto lang niya maghinganti sa pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay. At dapat naman siguro pagbayaran iyon ng mommy at daddy ko pero wala akong ebedinsya para ituro na sila ang pumatay. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang bangkay ni Mochel. 

💀💀💀

Naramdaman ko ang sakit ng aking ulo ng angatin ko ang aking katawan, napakahirap gumalaw. Nakatingin ako sa paligid at nandirito pa rin ako sa kuwarto namin. Nakita ko rin sa may bintana na may naka-awang dun at nakita kong maliwanag na ang labad. Umaga na pala. Nakatali ang aking mga kamay sa likod at aking mga paa. May duct tape rin ang aking bibig kaya hindi ako makasigaw ng tulong sa mga tao sa ibaba.

Habang namimilipit ako sa sakit ay may nakita ko ang mga paa na walang sapin na yuko lang kasi ako nagbabasakali na makawala sa pagkatali. Pagtingala ko ay iyong asawa ko pala— asawa ko o si Mochel? 

Makapal ang kolorete nito sa mukha at ang buhok ay naka-high ponytail. Hindi naman ganoon mag-make up ang asawa ko. Sigurado akong ganitong-ganito ang make-up ni Mochel noon. Para siyang si Mochel.!

Ibig bang sabibihin ay buhay si Mochel? Buhay siya? Paano? At saan ang asawa ko? Nandito ba talaga ang asawa ko? Gusto ko siyang tanungin pero alam kong hindi niya ako maintindihan at halatang wala rin siyang planong tanggalin iyon dahil palakad-lakad lang siya habang tinitingnan ang saril sa maliit na salamin na hawak niya.

Huminto siya, nang makita niyang gising na ako. "Hello, my son . . ." usal niya habang nakangito.

Siya nga si Mochel! Sigurado na ako. .

"I know you are now, confused right now. Hinahanap mo ba ang kapatid kong si Couhrel? Hindi mo na siya mahahanap. Isa pa mas maganda ako sa kapatid ko, walang ka taste-taste iyon sa buhay." 

Pumunta siya sa kama at may kinuha roong lipstick na kulay pula at naglagay siya sa bibig niya. 

"Gusto ko lang naman makuha ang wala sa akin. Alam mo bang sobrang suwerte ng kapatid ko. And yet ako nandito lang sa Pilipinas naghihirap kasama ng nanay kong walang alam sa negosyo. Kaya kailangan kong dumikit sa daddy mo but unfortunately, mas baliw pala ang mommy mo kaysa sa akin. She attempted to kill me. Well she successfully killed me naman. Kaya nga bumalik ako para maghiganti."

Naguluhan ako sa sinabi niya.

Naglakad ulit siya patungo sa harapan ko at hinawakan ang mukha ko. "Grabe, marunong rin pala ang kapatid ko pumili ng boylet. Ang guwapo mo na ngayon, unlike eight years ago . . .  ang baduy ng aura mo may pa salamin ka pa noon."

Tapos tumayo ulit, wala akong ginawa kundi ang kumilos na parang uod baka siguro sa ganoong paraan ay makawala ako sa mga gapos na ito. 

"Kahit anong gawin mo, Alexander hindi ka makakawala riyan. At huwag kang mag-alala hindi ikaw ang unang papatayin ko today. Dahil ang gusto ng kapatid ko na si Couhrel ay ikaw ang huling mamatay."

Nahinto ako saglit sa sinabi niya. Tumingin ulit ako sa kaniya na parang pinatay ko na siya sa titig ko. 

Lumapit naman siya sa akin at tinanggal ang duct tape sa bibig ko. 

"Anong ginagawa mo rito? Nasaan ang asawa ko!?"

Alam kong may alam siya kung nasaan ang asawa ko.

"My sister  is nandito siya tabi ko nakatingin sa iyo," at tumawa na siya na parang baliw. 

"Ahhhhhhhhhh, tulong! Tulong!" sigaw ko.

"Do you think I'm stupid, Alexander? Kahit anong sigaw ang gagawin mo ay walang makakarinig sa iyo." Sabay ngisi niya.

Bigla akong kinalabutan!

Bumilog ang mata ko sa sinabi niya. Ibig ba sabihin nito ay— pinatay niya ang mga tao rito?

"Yes, tama ang kutob mo. Pinatay ko na lahat ng tao na nandito sa bahay. Nakakatuwa nga silang tingnan dahil takot na takot sila sa akin."

"Baliw ka, Mochel! Ibalik mo ang asawa ko."

Ngayon ko napagtanto na kaya niya ring may gawing hindi maganda sa asawa ko.

"Mahina ang kapatid ko Xander. Kaya pinaubaya na niya sa aking ang gusto niyang paghihiganti . . ."

Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Nasaan na ba ang asawa ko?

"Wala kang awa, pati ba naman kapatid mo ay kaya mong kitilin ang buhay? Nasaan siya!? "

"Huh, sinong may sabing patay na ang kapatid ko? Bakit ko siya papatayin?"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Hindi ba ang sabi mo sa akin nasa tabi mo lang siya? So, pinatay mo nga ang asawa ko! Walang hiya ka, Mochel!"

Tumawa siya sa sinabi ko at kumuha ulit ng duct tape at nilagyan nga niya ako nito. Pinatayo na niya ako at dahil nakatali ang binti ko ay patalon-talon sumusunod sa kaniya palabas.

"Bilis, kung hindi ipapagulong kita riyan sa may hagdanan."

Pagdungaw ko sa baba ay nakita ko ang nagkalat na mga dugo. Tadtad ng saksak ang mga kasambay ko, at sigurado akong lahat sila ay wala ng buhay. 

Nakababa na kami ng hagadanan kahit nahihirapan ako. Dinaanan lamang namin ang mga bangkay na naroon, yung iba ay nakabuka pa nga ang mga maga. At sa paglabas namin ay binuksan niya ang trunk ng sasakyan. Doon niya ako pinapasok

💀💀💀

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.8K 184 63
Anxiety,depression,family problems.... Si Yesica ang uri ng tao na hindi nawawalan ng problema. Simula ng ipanganak sya may problema na sya.At halos...
257K 1.7K 7
Demon Derius Lopez AVAILABLE IN DREAME
72.9K 2.2K 36
[Formerly known as Four Princes and I] Si Joy Palmes ay isang promdi na nag-aaral sa isang prestihiyosong unibersidad sa siyudad ng Liazarde. Masaya...
20.2M 452K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...