𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (Self-Publi...

By FancyErah

2K 381 219

Isang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula... More

Couh Moch
Prologue
✟ CHAPTER 1 ✟
✟ CHAPTER 2 ✟
✟ CHAPTER 3 ✟
✟ CHAPTER 4 ✟
✟ CHAPTER 5 ✟
✟ CHAPTER 6 ✟
✟ CHAPTER 7 ✟
✟ CHAPTER 8 ✟
✟ CHAPTER 9 ✟
✟ CHAPTER 10 ✟
✟ CHAPTER 12 ✟
✟ CHAPTER 13 ✟
✟ CHAPTER 14 ✟
✟ CHAPTER 15 ✟ (Alexander's POV)
✟ CHAPTER 16 ✟ (Alexander's POV)
✟ CHAPTER 17 ✟
✟ Epilogue ✟
✟ Epilogue 1 ✟
✟ Epilogue 2 ✟
✟ Special Chapter (Lukas POV) ✟
✟ Special Chapter 1 (Before The Wedding) ✟
✟ Special Chapter 2 (Before The Wedding ✟
✟ Special Chapter (Michael's POV) ✟
Physical Book Is Coming!!!
Couh Moch Pre-order

✟ CHAPTER 11 ✟

35 8 1
By FancyErah

(NOTE: Kung nagtataka ka kung bakit biglang ang laki ng gap na nawala ay basahin muna ang isang special chapter na kung saan ay si Lukas ang naka-POV.)

DALAWANG linggo na ako na nandito sa bahay nina Kuya Lukas. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong naisip na solusyon para ituro ang kasalanang nagawa ni Alexander.

May nakuha ring illegal na doktor sina Kuya Lukas na nagpatuloy na kunin na lang ang natira ng batang nasa sinapupunan ko. Malaki ang ibinayad nila Kuya Lukas para hindi rin magsalita ang nag-raspa sa akin. Nangangako rin akong babayarin sila kapag naging okay na ang lahat. Mabuti na lang nariyan sila Kuya Lukas kung hindi ay patay na ako ngayon. Hindi pa rin ako okay ng mga tatlong araw buhat ng raspa pero bumibili naman ang mag-asawa ng gamot para inumin ko para maibsan ang sakit. At ayoko ko ring maging pabigat sa kanila. Kaya kahit papaano ay gumagawa pa rin ako sa mga gawain bahay.

Habang abala akong naghuhugas sa aming pinagkainan ay biglang may kumatok sa may pintuan. Kaagad akong nahinto at nagkatinginan kami ni Ate Sally. Hindi kami sumagot at saglit na huminto sa aming ginagawa para marinig ang boses ng nasa labas ng bahay.

Ako na ang lumapit at pinakinggan ng maaigi kung sino ang nasa labas pintuan. Nakahinga ako nang maluwag ng makilala ko ang boses sa labas. Isang mayuming magsalita: si Veronica. Pero kailangan ko pa ring ikumpima na siya nga ito kaya sinilip ko sa maliit na butas na nasa pintuan. Ang butas na yun singlaki lang ng isang butunes. Ay tama nga ako, si Nica nga ang nasa labas nakatayo.

Kaagad ko itong binuksan at nakita ko sa may kalsada ang Lola niya na nakasakay ng wheelchair.

"Anong ginagawa niyo rito, Nica?"

Hindi ko alam paano nila ako natuntun rito at bakit sila napunta rito pero masaya akong makita silang dalawa.

"Ate, tama nga ang sabi ni lola na nandito ka. . ." Sabay yakap niya sa akin.

"Paano niyo nalamang nandito ako, Nica?" tanong ko kay Veronica.

Lumingon muna si Veronica sa Lola niya na nakatanaw lang ito sa lupa. "Matagal ka ng hinahanap ni Lola, Ate. At, kahapon lamang bigla siyang nagsisigaw nang makita ang mukha mo sa balita. Kailangan ka raw niya makausap para sa importanteng bagay."

"Pero paanong nalaman ni Nana na nandito ako kina Kuya Lukas? Any anong importanteng bagay? "

"Hindi ko rin po alam. Isa lang palagi niyang sinasabi sa akin, Ate. Itong bahay niyo." Sabay duro niya sa bahay na katabi lang ng maliit na bungalow nina Kuya Lukas. "At, dagdag niya pa ay nasa kamay ka raw nina Kuya Lukas."

Lumingon ako sa loob para tingnan si Ate Sally, na kanina pang nakahawak sa aking damit. Parang ayaw niya akong palapitin kina Veronica. Mahina kong tinapik ang kaniyang balikat para siguraduhin sa kaniyang mababait naman sila Veronica.

Pagkatapos ay lumapit ako sa aking Nana. Nang nasa tapat na ako ng kaniyang inuupuan na wheelchair ay nakatungko akong nakaharap sa kaniya. Bigla niyang hinaplos ang aking mukha ng makita niya ako at nakitang may namumuong mga luha nito. Parang nasasabik siyang makita ako at may halong pag-alala ang mga mata nito.

"Nana, paano niyo po nalamang narito ako? At ano po ang gusto niyo pong sabihin sa akin?" nakatitig ako sa mga mata niya habang tinatanong ko siya.

"Si Mochel, Si Mochel ang may kagagawan ng lahat, anak . . ."

Nabigla ako sa kaniyang sinabi. Si Moch? Paanong si Moch, eh matagal ng patay ang kakambal ko? "Ano po ang ibig niyo pong sabihin, Nana? Matagal na pong patay ang kapatid ko," mahinahon kong sambit dito.

"Gusto ka niyang kunin, Couh . . ." halos pabulong na sagot ni Nana.

"Po? Pero, siya po ang tumutulong sa akin ng mga oras ng aking kagipitan. Siya ang nagturo sa akin na si Alexander ang pumatay sa kaniya at kinikilala kong kamag-anak."

"Patibong lang iyon. Couhrel—" Sabay hawak niya ang aking mga kamay. "Naalala mo ba ang sumpaan niyong magkapatid nang bata pa kayo? Iyong sumpaan niyo bago kayo pinaghiwalay ng mga magulang niyo."

"Sumpaan?" tanong ko.

"Sa ilalim ng basement, Couh. Kailangan mong putulin ang sumpaan niyo bago tuluyang ka niyang kunin."

Pero anong sumpaan ang sinasabi ni Nana? Bakit sa lahat ng memoryang bumalik sa akin ay iyong sumpaan pa ang nakalimutan ko. Tumayo muna ako sa pagkakatungko sa harapan ng matanda bago nagsalita," Hindi ko po nalalala ang sumpaang iyon, Nana."

Hinawakan ng matanda ang aking kamay ng mahigpit dahil sa sinagot ko. "Dahan-dahan ka na niyang nilalamon, Couhrel!" nahihirapang sigaw ng matanda. Halos namamaos na siya sa pagsasalita dahil siguro katandaan niya. Kahit pa diin pa ang kaniyang hawak ay hindi iyon masakit para sa akin.

"Nana, huwag ho kayong mag-aksaya ng enerhiya, matanda na po kayo."

"Kaya kailangan mong magmadali, Couh. Dahil balak niyang agawin ang buhay na mayroon ka," usal niya pero hindi na siya nakahawak sa akin.

"Ano ang gagawin ko?"

"Kailangan mong hanapin ang bagay na itinago niyo sa basement at putulin ang sumpaang iyon."

"Pero wala po akong maalala na sumpang ginawa namin ni Mochel?"

"Puntahan mo sa loob ng bahay niyo, Couh at hanapin mo sa basement."

"Hindi ko alam kong ano ang hahanapin ko, Nana . . ."

"Kailangan mong hanap—" biglang natigilan ang matanda.

"Nana, anong pong nangyari sa inyo?"

"Nandiyan na siya!"

"Po?"

"Veronica, umalis na tayo rito. Iyan lang ang maitutulong ko sa iyo, Couhrel."

Kaagad namang tumungo si Veronica kay Nana. Kaagad niya itong tinulak papalayo sa akin ang nagtungo sa sasakyan para ipasok sa loob. Tinulungan na rin ng kasama pa nilang nurse yata ng matanda. Habang nasa loob na sila ng kotse ay muli akong nagsalita.

"Nana, hindi ko po alam kong ano ang hahanapin ko," pero wala na akong narinig na tugon.

"Pasensya na po, ate pero kailangan na naming umalis. At kapag ganito na po siya na hindi nagsasalita ay hindi na po natin siya makakausap."

"Tawagan mo ako kung ano man ang sasabihin ng lola mo, Nica. Ito ang number ni Ate Sally." Inabot ko sa kaniya ang cellphone. Nasa bulsa ko ang cellphone ni Ate Sally, hiniram ko kanina.

Kinuha niya naman ito, atsaka niya kinopya sa cellphone niya. Pagkatapos ay binalik na niya sa akin at kaagad na nag-babye sa akin. Nakatanaw lang ako habang palayo na ang kanilang sasakyan.

Tumalikod na ako at humarap sa may pintuan. Nakita ko pa rin si Ate Sally na naghihintay sa akin. Sinalubong ako ni Ate Sally, "Ano ang sabi ng matanda?"

"Kailangan ko raw putulin ang sumpa."

"Sumpa? Anong sumpa iyan, Couhrel?"

"Hindi ko po alam, ate. Hindi ko nga naiintindihan si Nana. Ang alam ko dapat ay tulungan natin si Mochel na manahimik para hindi na niya ako guguluhin pa."

"Ano ang gagawin natin?"

Bigla akong napalingon sa bahay namin. Ano nga ba ang gagawin ko? "Hindi ko alam, ate. Tara na't pumasok baka may makakita pa sa akin rito."

"Mabuti na lang maliblib dito, Couhrel," sagot naman sa akin ni Ate Sally.

💀💀💀

NAGLALAKBAY ako sa kawalan na halos puting usok lamang ang aking nakikita. Anong lugar ito? Panaginip ko ba ito? Nandito kaya si Mochel? Nagsimula na akong maghanap ng lagusan para makaalis sa lugar na iyon. Marahan akong naglakad sa malawak at punong-puno ng usok.

"Mochel? Nandito ka ba-ba-ba? Ano ang kailangan mo sa akin-kin-kin?" sigaw ko sa malawak na lugar na ito. Naka-echo pa ang sinasabi ko.

Bigla kong narinig na may kumakanta at humming. Pamilyar sa akin ang kantang yun.

(Note: nasa comment section ang sounds, just click this 👉🏻)

Wala akong sagot na narinig kundi isang tapik lamang sa aking balikat. Kahit na palagi ko siyang nararamdaman n'ong nakaraan ay tumatayo na ulit ang aking mga balahibo. Ni hindi ko nga maigalaw ang aking ulo para suriin kong siya nga ba iyon. "Mochel, ikaw ba iyan?" tanong ko pero hindi pa rin ako nakaharap sa kaniya.

"Couhrel, samahan mo na ako . . ." bulong niya sa kanan kong tainga.

Iyan ang palaging ibinubulong niya sa akin. At hindi ko rin siya maiintindihan sa mga bulong niya. "Ano ang ibig mong sabihin? Saan kita sasamahan."

"Nangako ka sa akin na hindi tayo maghihiwalay pa, Couh. Hindi mo ako iiwanan," usal niya.

Napagpasyahan ko nang lingunin ko siya para makita ko siya. Dahan-dahan kong iginalaw ang aking ulo. At Sa pagharap ko sa kaniya ay nakita ko siyang nakatayo na may dalang bitbit na maliit na kahon. Parang nakikita ko ang sarili ko na diseotso anyos pa lamang. Bata pa nga talaga siyang namatay.

Kung noon ay ang naagnas niyang kaanyuan ang nakikita ko. Ngayon ay maaliwalas niyang porma.

"Marami na akong problema, Mochel. Hayaan mo na lamang ako at tulungan kitang matahimik."

Inangat niya ang ang kaniyang mukha na nakayuko lang kanina. Inangat niya ang mukha niya at nakita ko ang kaniyang buong mukha. Ang maaliwalas niyang mukha kanina ay unti-unting naaagnas ang mga ito, parehas nong nakita ko siya noon. Pero ang pinagkaiba ay mas klaro na ang mukha niya. "Sasamahan mo ako!" Sigaw niya at may malakas na hangin ang paparating sa akin kaya napapikit ako.



MAY naramdaman akong tapik sa aking balikat, dahan-dahan ko namang ibinuka ang aking mga mata para makita kung sino iyon. Nakita ko si Kuya Lukas. Kaagad akong bumangon at naramdaman ko na basa ang aking likod.

"Okay ka lang ba, Couh?" tanong sa akin ni Kuya Lukas.

"Opo," maikli kong sagot. Binabangungut na naman ako. Baka siguro dapat ko nang putulin sumpa namin ni Mochel. Pero ano ang sumpang puputulin ko? Paani ko gagawin yun? Hindi ko alam!

"Uminom ka muna ng tubig." Sabay abot sa akin ni Kuya Lukas sa tubig na nandoon lamang sa tabi ng hinihigaan ko.

"Salamat po."

"Ano ba ang nangyari, Couh?"

"Napanaginipan ko na naman ulit si Moch, Kuya. Gusto niya raw na samahan ko siya. Hindi ko siya maintindihan. May problema pa ako sa asawa ko dahil pinapatay niya ang mga mahal ko sa buhay tapos ngayon si Mochel na naman. Tinulungan naman niya ako sa pagturo sa pagpatay ng tiyahin at pinsan ko. At ang hindi ko maintindihan bakit sa lahat ng memorya ko noon ay ang sumpaan pa namin ang hindi ko maalala. Mababaliw na yata ako nito, Kuya Lukas. T-Tulungan niyo po ako," halos maiyak-iyak ko na itong sinabi sa kaniya.

Kaagad akong niyakap ni Kuya Lukas, "Papasok tayo sa bahay niyo para hanapin ang sinabi ni Aling Austria. Huwag kang mag-alala, Couhrel nandito kami ng Ate Sally mo para tulungan ka."

Dahil sa sinabi ni Kuya Lukas ay mas humagalhul ako sa pag-iyak. Nakita ko na ring pumasok si Ate Sally sa loob ng maliit ng kuwarto na hinihigaan ko. Nang makita niya akong humagulhol sa pag-iyak ay kaagad siyang nagtungo sa akin para yakapin din ako.

Nang matapos ang eksenang iyon ay kaagad kaming lumabas tatlo sa labas ng bahay para nagtungo sa malaking abandonang bahay namin. Naunang pumasok si Kuya Lukas sa loob at nakasunod rin kami ni Ate Sally. Nagtungo agad kaming tatlo sa basement dahil iyon ang sabi ni Nana Austria. May dapat daw akong hanapin sa loob ng basement na ito. Hindi na pinailaw ni Kuya Lukas ang sala ng bahay dahil kapag ginawa namin yun ay baka may mag-report pa sa mga pulis. Kaagad na kaming pumunta sa basement. Nagtaka rin ako bakit may kuryente pa rin sa bahay gayong matagal naman silang wala dito. Pero ang sabi ni Kuya Lukas ay palagi naman daw sila nagbabayad dahil baka nga uuwi pa si Mochel. Hindi nga lang nila nalinisan ang kabuan ng bahay.

Sa basement lamang ang pinailawan namin para makita ang loob nito. Kasi malawak ang basement na ito. At ito ang paborito naming lugar ni Mochel sa bahay na ito. Dito kami palaging naglalaro n'ong bata pa kami pero ang hindi ko maintindihan kong bakit hindi ko maalala ang tungkol sa sumpa na ginawa namin.

Nagsimula na kaming naghalughug ni hindi namin alam kong ano ang hinahanap namin. Sa mga cabinet, sa sofa at mga iilang gamit ni Mochel sa loob. Habang naghahalungkat kami sa mga gamit ay biglang naalala ko na naman ang mga panaginip ko. Ang mukha ni Mochel na nakakatakot at ang dala-dala nitong maliit na kahon. Teka, ang maliit na kahon—

"Ate, kuya, parang alam ko na kung ano nag hinahanap natin . . ."

Napahinto sila sa kanilang ginagawa at lumapit sa akin. "Ano iyon, Couhrel?" tanong ni Ate Sally.

"Maliit na kahon po. Iyon ang palagi kong napapanaginipan at iyon ang palaging dala-dala ni Mochel kung nagpapakita siya sa akin."

"Nalala mo ba kung saan nakatago?"

Saan nga ba iyon nakatago? Bakit hindi ko maalala? Kailangan ko itong maalala. Kaya napapikit ako para pilitin itong alalahanin. Habang ginagawa ko iyon sumasakit ang ulo ko. Pero kalaunan ay may nakikita akong isang eksena . . . dahil sa pagpumilit kung aalahanin ang senaryong yun ay naalala ko ang araw kung saan bumaba kami sa basement at tinago ang kahon sa tinatawag naling time capsule.


Naalala ko na kung saan namin inilibing ang kahon na may buhok naming magkatali.

💀💀💀

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 355 41
#Plagiarism is a Crime My poem collection, Is my way showing my imperfection, That can be your inspiration, To unlock the light of your vision... #2n...
72.9K 2.2K 36
[Formerly known as Four Princes and I] Si Joy Palmes ay isang promdi na nag-aaral sa isang prestihiyosong unibersidad sa siyudad ng Liazarde. Masaya...
GAME OF THE DEVIL By SLSNT

Mystery / Thriller

3.9K 140 39
【PHOENIX MAFIA SERIES #2】 Naois Ivanov is a psychopath... and is the 2nd Mafia Executive of the powerful and notorious Phoenix Mafia. Also, he loves...
11.6K 627 49
Anastasia has everything, mayroon din syang kakaibang kagandahan bukod dun ay isa din syang mapagmahal na anak. she only has one dream, and that is t...