Once Upon A Book

By phoeberryah

118 0 0

They first met at the library. Will this place also be their last moments together? More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 34
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48

Part 4

2 0 0
By phoeberryah

"Sino iyong naghatid sa iyo kapatid?" Tanong ng kuya ko pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay.

Ngayon ko lang naalala na nasa bahay nga pala ang kuya ko.

"Kaibigan ko." Sagot ko.

"Sa pagkakaalala ko, walang kotse sina Colette at Kayden so for sure bukod sa kanila ang naghatid sa iyo." Saad ni kuya.

"Uh... nakilala ko iyong kaibigan ko nitong ilang linggo lang." Paliwanag ko.

"Hmmm..." Saad ng kuya ko habang nakalagay ang kamay sa ilalam ng baba.

"Hinatid ka agad dito sa bahay kahit na kakakilala ninyo pa lang." Sabi niya.

Kinabahan naman ako.

"Manliligaw mo ba siya?" Tanong niya,

Ito talagang kuya ko! Diretsahan kung magtanong.

"Hindi ano!" Saad ko habang kinakaway ang aking kamay na nagsasaad na hindi iyon totoo.

"Namumula ang mukha mo Celeste." Sabi niya.

Paktay tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Anyway, kung manliligaw mo siya ay kailangan muna niyang dumaan sa akin at kay mama. Hindi pwede kung sino-sino lang ang magiging boyfriend mo. Mahirap na." Sabi niya.

Mas lalo namang namula ang mukha ko.

Nakita ko na lumabas si mama galing kusina at agad akong pumunta sa kanya.

"Mama!" Tawag ko sa kanya. 

"Kumain ka na ba anak?" Tanong ni mama. Tumango naman ako.

"Saan ka naman kumain? Buti kumain ka na." Sabi ni mama.

"Nagutom kasi ako kaya kumain na ako bago umuwi." Sabi ko.

"Baka kamo kumain ka kasi may kasama ka." Comment ni kuya. Tumingin naman ako sa kanya.

"Oh? Sinong kasama mo? Akala ko nasa library ka?" Usisa ni mama.

"Ah eh opo pero totoo po na may kasama po ako." Sabi ko.

"Ah mabuti iyon. Lagi ka na lang nasa library eh." Sabi ni mama.

"Kumusta naman ang araw mo?" Tanong ni mama.

"Okay lang po. Nakahiram ako ng libro doon sa bago kong kaibigan." Saad ko at saka nilabas ang libro na nasa bag ko.

"Ang dami naman nyan! Buti pumayag ang kaibigan mo na iuwi lahat iyan." Sabi ni mama.

"Oo nga po eh. Ibalik ko na lang daw po kapag tapos ko na basahin." Sabi ko.

"Sino naman kaya iyang bagong kaibigan mo? Babae o lalaki?" Usisa naman ni kuya.

"Lalaki." Sagot ko.

"Ipakilala mo ako sa kaibigan mo sa susunod na magkita kayo." Saad niya.

"Siya iyong nakwento ko sa iyo dati na nagtratrabaho sa coffee shop na madalas naming tambayan kuya." Sabi ko.

"Ah iyong barista doon?" Sabi ni kuya. Tumango ako.

"Ah siya pala. Balita ko kakalipat lang niya dito sa street natin." Saad niya.

Kaya pala niya ako hinatid kasi malapit lang pala siya dito. Isip ko.

"So kapatid. Kumusta naman ang studies mo? Nakakaadjust ka naman sa university na pinapasukan mo?" Tanong ni kuya sa akin.

"Oo kuya. Kaklase ko naman sa ibang subject si Colette kaya okay lang." Sabi ko.

"Mabuti naman." Sabi niya.

Sa ibang university kasi napasok si kuya. Medyo malayo sa amin at tuwing weekends lang siya nakakauwi. Nagdo-dorm siya malapit sa school niya dahil 4th year student na siya. Engineering ang kinukuha niyang course at hanga ako kasi nakakuha pa siya ng scholarship habang may part-time job.

After ng pag-uusap namin ay umakyat na ako sa kwarto ko. Inayos ko ang mga libro na pinahiram sa akin ni Dusk at tiningnan ito isa-isa.

Grabe ang ingat sa gamit ni Dusk. Mukhang brand new pa itong mga libro.

Nagbukas ako ng isang libro at binasa ito. Hindi ko na namalayan na nakalahati na ako ng pagbabasa ng libro nang may mag-text sa akin.

Napangiti naman ako sa text ni Dusk sa akin.

Kinabukasan ay pumunta ako sa grocery store para mamili ng ingredients sa paggawa ng brownies. May napanood kasi ako na video sa YouTube at natakam ako.

After ko mamili ay dumaan ako sa bagong coffee shop na malapit lang sa amin,

"Whoa! Ang daming tao ah!" Sabi ko at pumasok.

Habang nakapila ako, may namukhaan ako.

Dusk?

Tanong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung siya nga ba iyon kasi nakatalikod siya at may kausap na babae.

Pagkatapos kong mag-order ay aalis na sana ako kaso nakita ko na tumayo iyong lalaki at si Dusk nga ito. Dumiretso siya sa counter at nag-order. Nakatingin lang ako sa kanya at sa babaeng kausap niya kanina.

Maganda iyong babae na kausap niya.

Nang tapos na mag-order si Dusk ay napatingin siya sa gawi ko.

"Oh Celeste! Naandito ka pala!" Sabi ni Dusk. Lumapit naman ako sa kanya.

"Naandito ka rin pala! Napadaan lang ako dito kasi kakabukas lang nitong cafe tapos sakto na galing ako sa labas." Sabi ko sabay taas ng mga pinamili ko.

"Buti't napadaan ka dito. Iyong ate ko ay may franchise ng coffee shop na ito. Sakto naandito siya. Gusto mo ipakilala kita sa kanya?" Tanong niya.

Nahiya naman ako. "Uy huwag na! Nakakahiya!" Saad ko.

Nagulat naman ako na dumating iyong babae na kausap ni Dusk kanina.

"Nasaan na iyong kape ko Dusk?" Tanong ng babae kay Dusk. Napatingin naman iyong babae sa akin tapos tumingin ulit kay Dusk na parang nagtatanong.

"Uh ate this is my friend Celeste. Celeste, my ate." Pagi-introduce ni Dusk sa akin at sa ate niya,

Ngumiti naman ako sa ate niya. "Hello po." Nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman pabalik ang ate niya. "Hello! I am Daisey, Dusk's older sister. Nice to meet you Celeste!" Magiliw na sabi ng ate ni Dusk.

"Oh, you bought coffee from our shop! Kung pinakilala ka agad ni Dusk sa akin, libre na iyan." Sabi ni Ate Daisey.

"Okay lang po. Congratulations po pala sa kakaopen po ng coffee shop po ninyo." Sabi ko.

"Thank you!" Sabi niya.

Bumalik na ulit ang ate niya sa table kasi dumating na ang order nilang coffee.

"Gusto mo ihatid kita sa inyo? Mukhang ang dami mong bitbit na gamit eh." Pagvo-volunteer ni Dusk.

"Huwag na! Hinihintay ka na ng ate mo oh!" Sabi ko.

"Okay lang. Napadaan lang naman ako dito." Paliwanag ni Dusk.

Pumunta muna si Dusk sa ate niya at nagpaalam na aalis na siya. Tumango naman ang ate niya at tumingin sa akin at ngumiti. Ngumiti ako pabalik.

Nang makarating si Dusk sa akin ay  inabot niya ang ibang eco bag na dala ko. "Akin na." Sad niya.

Habang naglalakad kami ay napatingin ako sa kanya. 

"May coffee shop na ang ate mo. Bakit hindi ka doon magtrabaho?" Tanong ko sa kanya.

"Iyan din ang sabi sa akin ni ate pero mas gusto ko doon sa pinagtratrabahuhan ko ngayon kasi wala doon ang ate ko." Saad ni Dusk. Natawa naman kami pareho.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Eh 'di araw-araw kong makikita ang ate ko. Ayaw ko pa naman na siya ang boss ko." Sabi niya. Napatango namana ako.

Nang makarating na kami sa harap ng bahay namin ay sakto na lumabas ng gate si kuya na dala ang backpack niya.

"Oh kuya! Saan ka pupunta at dala mo ang gamit mo?" Tanong ko.

"Kailangan ko ng makapunta sa dorm ko ngayon kasi may aasikasuhin pa ako." Saad niya. Napatingin naman siya sa katabi.

"Sino siya?" Tanong sa akin ni kuya.

"Ah siya si Dusk. Iyong bagong kaibigan ko na nagpahiram sa akin ng mga libro kahapon." Paliwanag ko.

Tumango naman si kuya. Nag-hello naman si Dusk sa kanya. "Ah so ikaw pala ang naghatid sa kapatid ko kagabi?" Tanong ni kuya kay Dusk.

"Opo." Sagot ni Dusk.

Tumango naman si kuya. "Sige. Mauna na ako Celeste. Paalam sa inyo." Saad ni kuya.

Bago umalis si kuya ay parang may binulong siya kay Dusk at tumango  naman si Dusk.

"Ano iyong tinanong ni kuya sa iyo?" Tanong ko nang makaalis si kuya.

"Wala." Sagot ni Dusk. Tumango na lang ako at naiwan ng may naguguluhang mukhang.

"Salamat sa paghatid sa akin." Sabi ko nang maibaba namin lahat ng dala namin.

"Bakit ang dami mong binili? Para saan ang mga iyan?" Tanong niya.

"Ah. May gagawin kasi ako." Sagot ko.

Wala si mama sa bahay. Araw-araw kasi ay nasa palengke siya para magtinda doon ng mga gulay.

"Gusto mo tulungan kitang ilagay ang mga pinamili mo sa lagayan?" Tanong ni Dusk.

"Nako huwag na! Umupo ka na lang doon sa sofa. Bibigyan kita ng meryenda." Sabi ko saka tinuro siya papunta sa sala. Binuksan ko rin ang TV para maaliw siya.

"Pwede mong ilipat ang channel kung ayaw mo ng pinapalabas sa TV." Sabi ko at pumunta na sa kusina.

"Oh ito." Sabi ko sabay lapag ng juice at tinapay. Kinuha naman ito ni Dusk at nagsimula ng kumain.

Pagkatapos kong ayusin ang mga pinamili ko, pumunta ako sa sala at nakita na may tinitingnan si Dusk na picture frame.

"Ikaw ba ito?" Tanong niya sabay kuha ng isang picture frame. Tumango naman ako.

"Ang cute mo noong bata ka pa." Saad niya. Namula naman ang mukha ko.

Kinuha naman niya ang isa pang picture frame.

"Nasaan nga pala ang tatay mo?" Tanong niya.

Wala kasi sa mga pictures ang tatay ko.

"Nasa abroad siya." Sagot ko. Tumango naman si Dusk.

"Ah kaya pala wala siya sa mga pictures." Saad niya.

"Ilang taon na iyong tatay mo na nagtratrabaho doon?" Tanong ni Dusk.

"Mga libing-limang taon na rin siguro." Sagot ko.

"Ang tagal na pala." Sabi niya.

"Nauwi naman si papa tuwing Christmas tapos mga two weeks siyang naandito." Saad ko.

Pumunta na ulit siya sa sala at nanood ng movie.

Naalala ko nga pala na gagawa ako ng brownies kaya pumunta ulit ako sa kusina.

Sumunod naman sa akin si Dusk.

"Anong gagawin mo?" Tanong niya habang hinahanda ko ang mga gagamitin ko sa pagba-bake ng brownies.

"Magba-bake ako ng brownies." Sagot ko.

Napatango naman si Dusk. "Gusto mo tulungan kita? Marunong din akong mag-bake." Saad niya. Tumango ako.

Siya ang nag-measure ng mga ingredients sa measuring cups habang ako naman ang nami-mix.

"Magaling ka palang mag-bake!" Sabi ko pagkatapos naming mailagay ang tapos na na mixture ng batter.

"Syempre naman! Natuto akong mag-bake sa free time ko."  Sabi niya.

"Si ate kasi nagba-bake rin siya eh minsan may mga sobra siyang ingredients kaya natuto rin akong mag-bake." Sabi pa niya.

"Ano naman ang mga na-bake mo na?" Tanong ko.

"Macarons, cookies at chocolate cake pa lang." Saad niya. Natakam naman ako sa sinabi niya.

"'Di bali next time, magba-bake ulit ako tapos bibigyan kita." Sabi niya.

"Sige ha! Sabi mo iyan!" Saad ko.

Naghintay kami ng thirty minutes at nang matapos na ito ay nilabas na namin ang luto na na brownies.

"Palamigin muna natin ito bago hiwain at tikman." Sabi ko.

Nanood muna kami ng TV sa salas. 

"Ano ang gusto mong panoorin?" Sabi ko ng makapunta ako sa Netflix na app na nasa TV.

"Kahit ano." Sabi niya.

May bago nga pala akong nakita na movie at hindi ko pa napapanood ito kaya iyon na lang ang pinili ko.

"Wow! May part 2 na pala ang The Witch?" Saad ni Dusk.

"Oo! Kakakita ko lang kanina eh hindi ko pa napapanood kaya iyan ang napili ko." Sabi ko.

Pinanood namin iyong movie hanggang sa matapos ito.

"Grabe ang ganda! Sana may part 3 pa kasi nabitin ako!" Sabi ko.

"Oo. Mukhang maganda itong part 2." Saad naman ni Dusk.

Pagkatapos ng panood namin ng movie ay hiniwa ko na ang brownies at pinatikman ito kay Dusk.

"Anong lasa? Tama lang?" Tanong ko.

Tumango si Dusk. "Tama lang ang lasa. Hindi masyadong matamis." Sabi niya.

Tumango naman ako at tinikman ang brownies. "Masarap nga!" Sabi ko.

"Pero mas masarap pa ito kung bukas kakainin." Saad ko. Napatango naman si Dusk.

Kumuha ako ng container at tali ng paglalagyan ng brownies na ibibigay ko kay Dusk.

"Oh. Bakit ka naglalagay sa lagayan ng brownies?" Tanong niya.

"Para sa iyo ito." Sabi ko habang naglalagay ng brownies sa apat na container.

"Para kanino iyong tatlo?" Tanong ni Dusk.

"Iyong isa para sa ate mo, kay Colette saka ay Kayden." Paliwanag ko.

"Bakit meron pa si ate? Pwede namang share kami doon sa isang box." Saad niya.

"Gusto ko meron ding sarili ang ate mo eh. Saka marami naman tayong binake kaya okay lang iyan." Sabi ko.

Kumuha pa ako ng isang container para may maabutan pa si kuya na brownies pagkauwi niya.

"Oh ito." Sabi ko sabay abot kay Dusk ng dalawang box ng brownies.

"Salamat." Sabi niya. May nilagay pa ako na letter para doon sa ate niya.

"Matutuwa si ate nito. Favorite niya ang brownies eh." Saad ni Dusk. Natuwa naman ako.

"Salamat sa paghatid at pagtulong sa akin sa paggawa ng brownies ha." Sabi ko.

"Wala iyun! Basta ikaw." Sabi niya. Namula naman ang mukha ko.

"Sige. Mag-iingat ka ha. I-text mo ako kapag nakauwi ka na sa inyo." Sabi ko. Tumango naman siya at naglakad na.

After mag-send ng message ko ay saka ko lang napansin na may heart sa dulo ng text ni Dusk sa akin. Kinilig naman ako.


Continue Reading

You'll Also Like

26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
24.2M 708K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
33.9M 672K 49
Published Under Summit Media (Pop Fiction) Are you prepared to fight for your own feelings for someone even though you know you can't? #BSS2