Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]

By Leonna_PHR

13.7K 515 213

Galing si Jam sa pamilya ng mga pulis. Isang forensic expert ang ate niya at senior police officer naman ang... More

Author's Note
CHAPTER ONE: The Guy In The Wishing Tree
CHAPTER TWO: Ang Mga Kintanar
CHAPTER THREE: Ang Pinakapaboritong Bagay Ni Percy Sa Buong Mundo
CHAPTER FOUR: Naniniwala Na Ako Sa Forever
CHAPTER FIVE: The Story Of Creation From The Book Of Genesis
CHAPTER SIX: Pero
CHAPTER SEVEN: The Fight
CHAPTER EIGHT: All For You
CHAPTER TEN: Ang Bulong Ng Damdamin
CHAPTER ELEVEN: Bahala Na
CHAPTER TWELVE: Of Society and Discrimination
CHAPTER THIRTEEN: The Hardest Choice
CHAPTER FOURTEEN: Last Hope

CHAPTER NINE: The General Steel's Suspicion

471 30 4
By Leonna_PHR

CHAPTER NINE

The General Steel's Suspicion


SA MISMONG pagtapak ko sa bahay ay naabutan ko si Papa sa sala. Mag-aalas-kuwatro na rin iyon ng hapon. Kapag ganitong oras ay naonood lang ito ng afternoon news. Well, kahit hindi na]man afternoon ay nanonood ito ng balita.

            Hindi na ako pumasok that day. Pumunta na lang kami ni Pero sa isang clinic at ipinagamot ko ang mga sugat na nagawa ko dahil sa matinding emosyon. Tapos ay kumain na lang kami sa labas.

            Ito ang unang beses na hindi ko pinasukan ang mga klase ko para sa araw na iyon. Okay lang naman dahil nakasama ko naman si Pero. It was more enriching than going to class. Mas lumalalim lang ang nararamdaman ko para dito.

            Inilapag ko muna ang bag ko. Humugot ako ng malalim na paghinga bago ako lumapit kay Papa. Ang kaso, hindi pa man ako nakakalapit, napalingon na ito sa akin. Naramdaman siguro nito na paparating ako.

            "Jambiya," tawag ni Papa.

            Sa lalim ng boses ni Papa ay kahit sino ay mangangatog kapag nadinig ito. Nakaka-pressure. Ang hirap magsimula ng isang conversation dito.

            "'Pa," Lumapit ako sa tabi nito at naupo.

            "Kumusta na ang pag-aaral mo?" agad na tanong ni Papa.

            Napalunok na lang ako. "Ayos naman, 'Pa." Hindi nga ako pumasok kanina, eh.  

            "Pagbutihin mo 'yan. Siyanga pala, ang Tita Diella mo, nandito kanina. Bumisita. Ang sabi ko ay wala ka naman dito dahil may pasok ka."

            "Ahh, sige. Magte-text na lang ako mamaya." Tumikhim ako at muling humugot ng malalim na paghinga bago nagpatuloy sa pagsasalita. "'Pa, may hihingin sana akong favor."

            "Ano iyon, Jambiya?" Mata sa matang tumitig si Papa sa akin. I saw him not as my dad but as General Steel. Titig pa lang nito ay nakakasindak na. Nakakapanlambot ng mga tuhod. Nakakakaba.

            "Kasi, 'Pa... 'Di ba, ang gusto mo ay lagi naming dala ang aming mga kakambal na sandata sa kahit saang lugar kami pumunta?"

            "Dapat lang. Ultimong si Katana Hiroshima nga ay dala nito araw-araw ang katana na ipinagawa ko pa sa kaapu-apuhan ni Masamune noon." Sikat na Japanese blacksmith si Masamune. Sa isang descendant nito nagpagawa sina Papa ng katana na kakambal ni Kuya.

            "Opo nga po," pag-sang-ayon ko. "kasi 'Papa... Na-confiscate ang jambiya ko."

            "Ano kamo?!" Napabulyaw si Papa sa harap ko. Para naman akong singsing-pari na biglang nag-curl sa sobrang takot.

            "K-kasi, 'Pa... Ip-p-inagtanggol ko lang 'yong k-kaibigan k-ko." utal na usal ko. "Hindi naman ako nanaksak, pero ginamit ko lang ito para takutin ang mga kaaway. Ngayon, nalaman sa school na may dala akong isang deadly weapon. Nakumpiska tuloy, pero nakuha ko rin naman."

            "Ano ang problema ngayon?" Medyo nag-lie low naman ang tinig nito.

            "Iyong kaibigan ko ang umako ng kasalanan ko. Iniligtas ako nito sa security head namin. Nagpanggap ito na ito ang may-ari ng jambiya. Ang ginawa ay na-expel ito sa university. 'Pa, ako dapat ang mae-expel at hindi si Pe—Percy."

            "Percy?" takang wika ni Papa.

            "Oo, ' Pa. Si Percy ang best friend ko. Tulungan mo ako, 'Pa." Lumuhod pa ako sa harap ni Papa. Kailangan kong gawin iyon.

            "Tumayo ka riyan, Jambiya." Si Papa pa ang umalalay sa akin para tumayo. Tumabi ako rito at doon ay kinausap ako nito. "Natutuwa ako sa narinig ko sa 'yo. Natutuwa ako, hindi dahil ikaw ay napaawaay. Natutuwa ako dahil ipinakita mong isa kang lalaking malakas at walang takot."

            He even stressed the word 'lalaki'. Right then and there, I knew I wasn't really a straight guy. Percy was the reason I became a guy who fancied someone like me.

            "Huwag kang mag-alala. Bukas na bukas ay tutungo tayo sa DATU." Umakbay pa si Papa sa akin. We were never this close since I was a child.

            "Are you sure, 'Pa? Kaya mo bang makabiyahe?" You see, lagi na lang itong nakaupo sa sofa dahil sa pagkalumpo.

            "Oo. Kayang-kaya ko. Dadalhin natin ang kotse. Ikaw ang magmamaneho. Naka-wheelchair naman ako. Teka, sino ba ang kailangan nating puntahan?"

            "Si Dr. Javier Gapuz po. Ito po ang acting head ng Office of the Department of Security and Order sa school." tugon ko.

            Napangiti si Papa. Ang ngiting iyon ay tila may mensahe na nakatatanggal sa aking pag-aalala. "Maliligtas na ang kaibigan mo. Hindi na ito mae-expel sa university."

            "Talaga, 'Pa?" My eyes brightly shone, full of hope.

            "Sabihan mo ang kaibigan mo na sumama sa atin bukas na bukas para makapagpatuloy na ito sa pag-aaral."

            "Thank you, 'Pa!" Sa sobrang kagalakan ko ay niyakap ko si Papa. Yumakap din ito sa akin. I never felt so happy in my entire life like this one. Parang nawala ang lahat ng mga inhibisyon ko nang yumakap ako kay Papa.


"GENERAL STEEL?"

            Napanganga na lang ako nang makita ang ekspresyon ni Dr. Javier Gapuz nang humarap kami ni Papa dito. Siguro ay kahit saan ay kilala si Papa dahil matagal ding nanungkulan ito sa gobyerno. O talagang iba lang ang presensya nito sa kahit sinong kumakausap dito. Ultimo ngang ako na anak nito ay natatakot pa rin sa tuwing kauusapin ko ito.

            Wala naman akong pasok ngayong araw kaya hapon na kami pumunta ni  Papa. Wala rin namang traffic kaya hindi ako nahirapang magmaneho. Wala rin naman akong nakikitang problemang mangyayari sa ngayon. Tanging ang suliraning ito lang, na susubukan namin ni Papa na maayos ngayon.

            "Javier," banggit ni Papa. Sabay halos na nagtaas ng mga kamay ang mga ito at sumaludo sa isa't isa.

            "Pasok ho kayo, Sir." Parang tutang umamo bigla si Dr. Gapuz nang makita si Papa. Itinulak ko ang wheelchair ni Papa patungo sa loob ng tanggapan nito, saka ako naupo sa receiving chair sa kanan.

            "Javier, naririto ako dahil sa kaso ng aking anak. Kahapon kasi ay naririto sila ng kaibigan nito, tama ba?"

            "Oho, Sir." balisang wika ni Dr. Gapuz. Ako naman ay nanonood lang sa mga ito habang nag-uusap. "Hindi ko ho alam na anak niyo po si Jambiya Kintanar."

            "Javier, naaalala mo pa ba ang mga panahong nasa PMA pa tayo?" tanong ni Papa dito.

            Papa used to be one of the instructors in the Philippine Military Academy in the limelight of his years as a high-ranked soldier. Marahil ay isa si Dr. Gapuz sa mga estudyante nito noong mga panahong iyon kaya ganito na lang ang reaksyon nito nang pakiharapan kami ni Papa.

            "Yes, Sir." diretsahang anas nito.

            "Naaalala mo pa ba nang nagkaroon tayo ng isang practice kung saan pinapili ko kayo ng isang sandata na gagamitin niyo para ipagtanggol ang inyong mga sarili?"

            "Yes, Sir. Isang bolo po ang kinuha ko no'n." sagot ni Dr. Gapuz.

            "Isang bolo na itinago mo sa iyong silid, dinala mo sa kahit saang lugar ka magpunta at inalagaan mo." pagtutuloy ni Papa.

            Tumungo-tungo si Dr. Gapuz. "Tama po kayo, Sir."

            "Bakit sa tingin mo ay ipinagawa ko sa inyo ang exercise na iyon?"

            "Para po ipagtanggol ang aming mga sarili sa kahit sinong umatake sa amin sa kahit anong oras o kahit saang lugar na makarating kami." tugon ni Dr. Gapuz. "Sa inyo ko po natutunan iyon, Sir."

            "Ngayon, Javier... Sino sa tingin mo ang dapat na maparusahan sa nangyari? Ang aking anak na si Jambiya o ang kaibigan nito na si Percy?

            What? Papa! Ano ba ang gusto mong mangyari? Gusto kong isigaw ito sa harap ng mga ito. What was he thinking? Gusto ba akong mapahamak ni Papa? Gusto ba ako nitong matanggal sa college? Was he going back again to the issue of my course, that I did not take criminology or did not study in PMA because I love art?

            "Si Jambiya po," saad ni Dr. Gapuz.

            "Ano sa tingin mo ang maaaring gawin natin kay Jambiya? Siya ang dapat na parusahan, tama ba?" Walang kaemo-emosyon si Papa habang winiwika iyon. 

            Papa! Is this the way of getting back on me dahil ayaw mo ang course ko? Ayaw mo ang landas na tinatahak ko? Ayaw mo ang buhay na ginusto ko para sa sarili ko at hindi ang ginusto mo para sa akin? Nangangatog na ang aking mga tuhod. Mukhang ilalaglag ako ni Papa kay Dr. Gapuz! No way!

            "Pero..." Napayuko si Dr. Gapuz sa aming harapan.

            "Pero ano, Javier?" kalmadong wika ni Papa. "Alam mo na sa akin nanggaling ang sistemang iyon. Ginawa ko rin iyon sa aking mga anak para maging handa ang mga ito sa pakikipagtunggali kapag dumating ang oras na kailangang subukin ang kanilang angking nalalaman sa pakikipaglaban. Sigurado ako na ang kaibigan ni Jambiya ay walang kinalaman dito."

            "Yes, Sir. I realized that." Napabuntong-hininga si Dr. Gapuz. Ako naman ay naghahabol ng hininga at palipat-lipat ang tingin sa dalawang ito. Si Dr. Gapuz ay parang hindi rin mapakali. Si Papa naman ay blangko ang mukha. Kahit ako na anak nito ay tila hindi alam kung ano ang iniisip nito base sa ekspresyon ng mukha nito.

            "Then, my son should be expelled, and not his friend." dikta ni Papa kay Dr. Gapuz.

            "Papa!" Napasigaw na lang ako.

            "Pero, Sir... Hindi ko magagawa iyon." Pinagdaop ni Dr. Gapuz ang mga kamay nito at napabagsak na lang sa mesa nito ang ulo.

            "At bakit naman?" tanong ni Papa.

            Tumayo si Dr. Gapuz at tumungo sa harap ni Papa at lumuhod. "I owe you my entire life, Sir. Dahil sa inyo ay nakapagtapos ako sa PMA. Dahil sa inyo ay naipagpatuloy ko ang mga nais kong gawin sa buhay. Dahil sa inyo ay naging isa na akong doktor ng pilosopiya. Ipinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para ibalik sa inyo ang kabutihang inyong ginawa."

            Nagsalubong naman ang mga kilay ko. Ano ba ang nangyayari? Ano ang mayroon sa nakaraan na nangyari sa pagitan ni Papa at ni Dr. Gapuz?

            "Javier, Javier." Tinulungan ni Papa na tumayo ito. "Naririto ako para sabihin sa iyo na gawin mo ang sa tingin mo ay tama. Hindi kita sinisingil sa kung anumang kabutihan ang ginawa ko sa iyo noon."

            "Hindi, Sir. Hindi po. Ito po ang nais kong gawin. Gusto ko talagang maibalik sa inyo ang ginawa niyong sakripisyo para sa akin. Alam ko na hindi ako isang magaling na sundalo. Lampa ako. Wala akong binatbat. Madalas na ako ang laging napagti-trip-an ng mga kapwa ko sundalo doon. Kahit ang mga leader namin ay madalas akong pag-initan. Subalit kayo ang naniwala sa akin na kaya ko palang maging isang malakas at maabilidad na sundalo, habang ang lahat ay naniniwalang wala akong ibubuga."

            "Nakita ko ang sarili ko sa iyo noong ako ay nagsisimula pa lang, Javier." pag-amin ng aking ama. "Kagaya mo ako noong nagsisimula pa lang ako. Walang kadiska-diskarte. Walang kalakas-lakas. Walang maipagmamalaki. Pero, pinatunayan ko sa lahat na hindi ako magagapi ng takot sa sarili at mga pangungutya. Nagpakalakas-lakas ako, at sinubukan kong aralin, pag-isipan at isapuso ang ginagawa ko. Dahil dito, nagtagumpay ako. Kaya ang sinabi ko sa sarili ko nang nakita kita na lagi na lang sinasaktan, 'Tutulungan ko ang batang ito hanggang sa makatapos ito, sa kahit anong paraan pa.' At nakapagtapos ka nga. Masayang-masaya ako noon, Javier, dahil naging isang matagumpay kang tao, kahit hindi ka dumiretso sa pagsusundalo."

            At that moment, I felt like I was melting. Ito ang unang beses na nakita ko si Papa na may soft spot pala. Hindi ko alam na may ganitong kuwento pala si Papa.

            "Jambiya here, my youngest son, hindi siya nagsundalo. Sinuway niya ang aking kagustuhan. Pero, ipinagmamalaki ko siya dahil nanindigan siya sa kung ano ang talagang gusto niya sa buhay." Napatingin sa akin si Papa. Hindi ito nakangiti, pero ang kaamuhan ng mukha nito ay nakakapagdala ng kasiyahan sa akin. Ito ang unang beses na naringgan ko si Papa na proud ito sa akin.

"Ngayon, Javier... Ikaw ang magdesisyon bilang isang direktor ng paaralang ito. Huwag mong hayaang ang utang na loob mo ang manaig kundi ang itinuro ko sa iyo na mga prinsipyo para maging isang sundalong may paninindigan."

Bumalik si Dr. Gapuz sa harap ng mesa nito at naupo. Pinagdaop nito ang mga kamay ay itinukod doon ang ulo. Sa ilang sandali ay umangat ito at humarap muli sa amin.

"Iuurong ko na po ang expulsion na ibinigay ko kay Percival Enriquez, ang kaibigan ni Jambiya Kintanar." saad ni Dr. Gapuz.

Lumiwanag ang aking mukha. "Talaga po?"

"Nais kong malaman ang dahilan, Javier. Bakit mo napiling iabsuwelto ang dalawang ito?" tanong ni Papa.

"Hindi po utang na loob ang dahilan, Sir." Tumayo ito at tumungo sa isang estante. May kinuha ito sa likuran ng mataas na lagayang iyon. "Ito po ang dahilan."

Hawak ni Dr. Gapuz ang isang malaking bolo. "Hanggang ngayon po ay nasa akin pa rin ang bolong ito, Sir. Ito po ang simbolong nagsasabi na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin po ako sa lahat ng mga naituro at naitulong niyo sa akin."

Tumungo-tungo si Papa. "Naiintindihan ko, Javier."

"As per Percival Enriquez, Jambiya, papuntahin mo na lang siya rito." Ibinalik ni Dr. Gapuz ang bolo sa likod ng estante kung saan nito ito kinuha. "Gusto ko siyang kausapin at i-congratulate dahil isa itong tunay na kaibigan. Kahit pa mapasama ito ay pinagtakpan ka pa rin nito, para hindi ka mapahamak."

That's my Pero. Napangiti na lang ako. "Maraming maraming salamat po, Dr. Gapuz." Tumayo ako at kinamayan si Dr. Gapuz.

"General Steel," Muling sumaludo si Dr. Gapuz kay Papa.

Sumaludo rin si Papa dito. "Hanggang sa muli, Javier."

"Thank you po, Dr. Gapuz." muling pagpapasalamat ko.

Tumayo ako nang buong kagalakan at nakipagkamay pa ako rito. Ganoon din si Papa nang lapitan ni Dr. Gapuz ito. Ito pa ang nagbukas ng pinto para sa amin.

Sa mismong pagbukas ng pinto ay bumulaga si Pero na tila balisa at nalulungkot ayon sa ekspresyon ng mukha nito.

"Pero!"

"Pero?" tanong ni Papa na hindi ko na nasagot. Dumiretso ako sa kinatatayuan nito at bigla kong niyakap ito. I felt so light, like I was floating on air. Well, somehow ay kailangan kong umangat talaga dahil sa katangkaran nito.

Yumakap din naman sa akin si Pero. "Jam, I missed you, kahit kahapon lang kita huling nakita."

"Pero, masayang-masaya ako." Ear to ear ang ngiti ko dahil gustong-gusto ko nang ipaalam dito ang magandang balita.

"Bakit naman?" Hinawakan niya ako sa pisngi, sanhi ng pag-iinit nito. Sigurado ako na namumula iyon ngayon.

"Makakabalik ka na dito sa DATU. Hindi ka na mae-expel!" proud na wika ko.

Lumiwanag din ang mukha nitong nasadlak sa kalungkutan. "Talaga?"

"Oo!" pagsang-ayon ko. Then, he embraced me once more. Kung wala lang kami sa university ay hindi ako bibitiw sa pagkakayakap dito.

"Jambiya," tawag ng isang tinig sa aking likuran. That call almost shattered my everything.

Mabilis pa sa alas-kuwatro ang pagbitaw ko kay Pero. "Papa, si Pero—Percy nga pala. Siya ang kaibigan kong pinagtakpan ako kay Dr. Gapuz."

"Magandang araw po—" Akmang kakamayan ni Pero si Papa, ngunit dumiretso ang tingin ni Papa sa daan.

"Jambiya, tayo na. Wala na tayong dapat pang ipagtagal dito sa paaralan mo. Gusto ko nang umuwi." dikta ni Papa.

Pumagitan ang daan-daang katanungan sa aming mga tingin. Wala na akong nagawa kundi itulak ang wheelchair ni Papa palayo sa kinatatayuan nito.

            Istrikto si Papa sa lahat ng bagay. Firm ito. Sobrang higpit. Pero hindi ito bastos makipag-usap.

            Now, I am sensing danger. Something that would probably make me and Pero separate...

            Ito na ang simula ng matinding takot sa buhay ko, lalo pa't si Papa ang makakalaban ko.

Continue Reading

You'll Also Like

68.9K 3K 41
[BoyXBoy|Yaoi] ~Rain.Boys V~ Sa panahon na akala natin ay ayos na ang lahat, na everything falls in their perfect place, at wala nang hindi magandang...
206K 7.4K 37
Si Chase Montevista ang pinaka popular guy sa campus, lahat ng tao ay humahanga sa binata dahil sa maliban sa magaling sa lahat ng sport ay sobrang t...
331K 8.9K 31
Kakaibang drama ni Kash at Kylan. || HEART SERIES: Pounding Heart (boyxboy) [Completed] Copyright © All Rights Reserved.
923K 4.8K 6
[COMPLETED] Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin...