Authors Note:
Salamat doon sa mga nag comment na ituloy ko ang story na to. Akala ko po kasi walang kwenta na talaga yung story kaya wala sana akong balak na ituloy. Pero may mga taong nagpalakas nung loob ko na ituloy. Salamat sa inyo. Huhu. Tama na nga to. Baka maiyak ako. hehe
Raine's POV
Papunta na ako sa bar nang biglang mag ring ang phone ko.
Mommy Calling ...
"Hello Mommy may problema po ba?" tanong ko agad kay Mommy.
"Wala naman. Papunta kasi diyan ang kapatid mo si Russel. Malapit na raw siya. gusto ka niyang makilala." sabi ni Mommy
"Oh sige po Mommy. sabihin mo tawagan niya na lang ako." sabi ko kay Mommy.
"Okay sige!"
Hinintay ko na makarating si Russel. Isasama ko na rin siya sa bar para makilala na rin siya ni Brix.
Maya maya ay nag ring ulit ang phine ko.
Unknown Calling ...
"Hello?" tanong ko.
"Raine? ako to si Russel. Andito na ako sa entrance ng resort. Nasaan ka?"
"Hintayin muko palabas na ako diyan" sabi ko.
First time namin magkita ni Russel.
Lumabas ako nang gate. At may nakita akong nakatalikod sa may tabi nang gate.
Hinawakan ko ang balikat niya.
"Russel?" tanong ko.
Bigla siyang lumingon. Dapat ba akong magulat?
Alam ko nagkita na kami.
Kung nagulat ako. syempre nagulat din siya.
"Ikaw?" sabi niya "Wow! Im not expecting na ikaw pala ang kapatid ko." sabi niya pa.
Tumawa ako.
"Ako rin. Diko ini expect na kapatid ko pala ang naisakay ko sa kotse nung papunta ako dito sa Ross Resort." sabi ko rin sa kanya.
"Haha. Kaya nga eh!" sabi niya.
"So ano magtatagal ka ba dito?" tanong ko sa kanya.
"Medyo. Depende nalang siguro.", sabi niya.
Napakunot ang noo ko.
Depende?
"Sumama ka nalang sakin sa Ross Bar. Pupuntahan ko yung kaibigan ko." sabi ko.
Tumango nalang siya.
Dalawang kotse na ang dala namin papunta sa bar. Syempre tag isa kami.
Pagkarating namin ay nandun na si Brix. Nakaupo sa isang table.
Nang makita niya kami ay kumaway siya sa amin. Dumiretso naman kami ni Russel doon.
"Raine andito kana wait magpapakuha lang ako ng maiinom" sabi sa amin ni Brix. Sumenyas ito sa isang waiter para magdala nang maiinom. At saka ito muling bumaling sa amin. "Sino tong kasama mo Raine?" tanong sa amin ni Brix.
"Ayy oo nga pala. Kapatid ko si Russel. Russel si Brix kaibigan ko." pakilala ko
Nag shake hands kami.
"Hindi ko alam na may kapatid ka pala Raine!" tila naguguluhan na sabi ni Brix. Kunsabagay ang alam niya ay nag iisang anak lang ako.
"Kapatid niya ako sa ama!" sagot naman ni Russel.
Tumango nalang si Brix.
Dumating ang waiter at binigay sa amin ang isang bote ng wine.
"Wag kayong mahiyang uminom. Treat ko yan. Drink all you can. Walang bayad." sabi sa amin ni Brix.
Tumango nalang kaming dalawa ni Russel sa sinabi ni Brix.
Umiinom kami nang mapansin ko si Russel na parang hindi mapakali sa upuan niya. At parang may hinahanap ang mga mata niya na hindi mahagilap.
"Russel?" tawag ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin.
"Huh?" sabi niya.
"Kanina kapa hindi mapakali diyan sa inuupuan mo. May hinahanap ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Hinahanap ko kasi si Andrea. Dito siya pumunta, dito ko siya hinatid sa Bar na to bago ako pumunta nang resort." sabi sa amin ni Russel
"Andrea?" sabay naming tanong ni Brix. Napatingin ako kay Brix.
BRIX POV
"May kilala ka bang Andrea?" tanong sa akin ni Raine.
Ano ba sasabihin ko?
"Ha? aah ano. Me-meron. kapitbahay namin." sabi ko.
Napatingin ako kay Russel
"Talaga? Pakilala mo naman ako sa kanya? Baka pwede mo akong tulungan sa kanya?" sabi ni Russel sa akin.
Shocks! Dapat pala sinabi ko na hindi ko kilala si Andrea.
"Next time nalang Russel. Kasi ang alam ko ano eh. may lakad sila ng family niya. Oo tama! Pupunta silang France mag babakasyon." sabi ko nalang kay Russel.
"Ganun? sige. Salamat ha? Pakiramdam ko kasi na love at first sight ako sa kanya. Ang lakas ng dating niya sa akin. Tapos ang ganda niya pa!" sabi ni Russel.
Maganda naman talaga si Andrea eh!
Sabay kaming napatingin ni Russel kay Raine ng bigla itong tumawa.
"Hahahaha. Grabe tol! Lakas tama mo dun sa Andrea a." sabi niya saka hinawakan ang isanh balikat ni Russel "Tol susuportahan kita diyan. Lovelife na yan tol. Haha. Pumapag ibig kana." dagdag pa ni Raine.
Paano kaya kung malaman niya na si Anne ang gustong ligawan ni Russel?
Im sure mag aaway sila.
Magpapaubaya kaya si Russel?
Basta ako. Hindi ako magpapaubaya. Hindi ko ibibigay si Anne kay Raine hanggat wala pa siyang naaalala.
Pagkatapos namin uminom ay bumalik na sila sa resort.
Ako naman ay dumiretso na sa bahay.
Habang nasa biyahe ako ay hindi ko mapigilan na hindi isipin yung nagawa ko kay Anne kanina. Ayoko naman gawin yun. Natatakot lang ako na mawala siya sakin. Sinasamantala ko na nga lang yung pagkakataon na makasama siya tapos mapapabilis pa.
Nakarating nako sa bahay. Pagkapasok ko ay dumiretso ako sa may tapat nang pinto nang kwarto ni Anne. Kumatok ako.
"Andrea?" tawag ko sa kanya.
"Pasok ka!" sabi niya.
Pumasok naman ako at nakita ko siyang nakaupo sa kama niya. Tumabi ako sa kanya.
"Andrea?" sabi ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Sorry kanina ha?, Hindi ko sinasadya. Nag alala lang kasi ako na pumunta kang mag isa sa bar. Sana next time sabihan mo ako. Sorry talaga!" hinging paumanhin ko sa kanya. At saka ko hinawakan ang kamay niya
"O-okay lang!" sabi niya
Tinitigan ko siya. Hindi ko alam kung dala lang ba talaga ng alak kaya ko naisipan na halikan si Anne.
Anne/Andrea POV
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla ko nalang maramdaman ang mga labi ni Brix sa labi ko.
She's kissing me.
Yung halik niya ay naglakbay hanggang sa may leeg ko.
Napapikit ako dahil sa sensasyong yun.
"Ohhh!!" ungol ko
"Raine?" sabi ko
Biglang napatigil si Brix. At saka tumayo
"Sorry! Magpahinga kana ANDREA!" sabi niya
Teka? Ano ba sinabi ko kanina?
Hi-Hindi ko alam kung ano ang lumabas sa bibig ko
Ano bang sinabi ko?
Sino ba ang tinawag ko?
Hindi ko alam kung ano ang lumabas sa bibig ko kanina.
BRIX POV
"Damn it!" naitapon ko ang basong hawak hawak ko.
Si Raine ang nasa lumabas sa bibig niya habang ako ang nasa harap ko.
Shit! Masakit yun. Masakit para sa akin.