Their Long Lost Sister

By lialabspurple

47.1K 1.6K 284

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

CHAPTER 19

748 37 1
By lialabspurple

Napakunot ang noo nila Jazley, Shawn, Vaxton at Felix nang pagdating nila sa paaralan na pinapasukan nila Dhianne ay maraming tao ang nagkukumpulan.

Hindi sila busy lahat ngayon kaya naisipan nilang sila na ang magsundo sa dalawa. Si Jazley naman ay nahahatid sundo naman na si Dhianne minsan. Gusto Niya mang araw-araw ay hindi pwede dahil may trabaho siya.

Ito rin ang unang beses na susunduin nila Shawn sa paaralan nila Josephine ang pinsan. Wala naman sa kanilang problema doon.

"What's happening?" salubong ang kilay na bulong ni Shawn habang pinapanood ang mga taong nagkakagulo.

"Tabi!" napatingin sila sa sumigaw at nakitang isang lalaki 'yon na tumatakbo habang may buhat na walang malay na babae.

Napadaan pa sa harapan nila kaya nakita nila ang mukha nito nang maayos at ang mukha ng babaeng buhat nito.

"Fuck! It's that Josephine?" Vaxton whispered nang makita ang mukha ng babae na ngayon ay nalagpasan na sila.

"Oo, pre." wala sa sariling sagot ni Jazley at nang matauhan ay napamura na din.

Nang tuluyan ng mag sink in sa utak nilang apat ang nangyayare ay hinabol nila ang lalaking may buhat kay Josephine. Namuo agad ang takot sa kanila.

Pasakay na sana ang lalaking may buhat kay Josephine sa sasakyan nito nang mapigilan siya ni Shawn. Gulat na nilingon naman siya ng lalaki.

"Yes? I don't have time to talk to you, my friend is–" hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang agad na nagsalita si Shawn.

"She's my cousin, what happened to her?" Shawn seriously said and the guy frowned.

"I don't believe you, give me evidence." The guy seriously said too.

"She's Josephine, our cousin. We're not kidding." singit na ni Vaxton kaya napalingon sa kaniya 'yung lalaki.

"Wait, where's Dhianne? Her friend?" singit din ni Jazley nang mapansing wala si Dhianne.

"You know her?" kunot noong tanong ng lalaki.

"Yes, man. Nagsasabi kami ng totoo. 'Yang buhat mo ay pinsan nami– nila and mga kuya ni Dhianne ang kaharap mo." Jazley explained.

"Oh, okay. But can we just talk later? I really need to bring my friend to the hospital." The guy said.

"I'm Flawrence, by the way." Flawrence said then put Josephine on his car.

"I'll bring her to the hospital. Sunod na lang kayo, follow my car. Sorry, but I'm still not believing you all even though you know their names and you told me already that you know her because she's your cousin or whatever it is." Flawrence said at pumasok na sa loob ng kotse niya at pinaandar na 'yon paalis.

"What... the... Did he just... Shit." Shawn whispered then bit his lower lip. Imbis na pansinin ang galit at inis niya ay nagpasya silang sundan na lang si Flawrence.

Sumakay na sila sa kaniya-kaniya nilang mga sasakyan. Naguguluhan sila sa nangyayare kaya kailangan nila itong makausap, lalo na at involve dito si Josephine na pinsan nila.

Hindi rin nila alam kung nasaan si Dhianne kaya kailangan talaga nilang makausap si Flawrence. Nag-aalala silang lahat sa dalawa.

Hindi rin naman nagtagal ang biyahe nila, nakarating agad sila sa malapit na hospital. Matapos ipark nang maayos ang mga sasakyan ay pumasok na sila sa loob ng hospital at hinanap si Flawrence na agad din naman nilang nahanap.

"Hey, you! What really happened?" kaagad na tanong ni Shawn kay Flawrence nang malapitan nila ito. Hindi na rin nito buhat si Josephine na mukhang inasikaso na.

"I don't know. Kakalabas ko lang ng school nang makita ko siyang walang malay sa kalsada. Nang buhatin ko siya, I saw blood on her head that's why I bring her here. We have to wait for her to wake up, so we can really know what happened and I don't know where's Dhianne. Si Josephine lang ang nakita ko." Flawrence explained.

"Fuck, I don't know why, but I'm fucking nervous." Vaxton said and Felix nodded dahil 'yun din ang nararamdaman niya.

While Jazley, pilit niyang tinatawagan si Dhianne pero nagri-ring lang 'yon at doon na siya kinakabahan. Pakiramdam niya ay may masamang nangyare.

Nahinto lang siya sa pagtawag sa number ni Dhianne nang may lumapit sa kanilang doctor.

"The patient is now okay. No need to worry, hindi naman malala ang pagkauntog niya, but I need to bandage her head dahil may sugat." The doctor said.

"Okay. Thank you, Doc." Flawrence said and gano'n din sila Shawn. Tinanguan at nginitian lang sila ng doctor saka ito nagpaalam sa kanilang aalis na.

"Here." biglang sabi ni Felix at sabay abot ng cellphone niya kay Flawrence. Kunot noo lang naman siyang tiningnan ni Flawrence.

"Anong gagawin ko diyan?" Flawrence asked.

"Evidence that we know them." Felix answered then kinuha na rin ni Flawrence ang phone nito para tingnan ang kung ano mang nandoon.

Agad niyang nakita doon ang litrato nilang lahat kasama nga sila Dhianne at Josephine. Pare-parehas may ngiti sa mga labi.

Kahit naman kasi alam ng mga ito ang pangalan ng dalawa ay hindi niya pwedeng basta na lang ibigay si Josephine sa kanila dahil kaibigan niya si Josephine at baka niloloko lang siya ng mga ito. May trust issues siya sa mga ganito.

Pero sa nakikita niya sa picture ay mukhang legit naman ang mga ito. Na hindi nagsisinungaling ang mga ito sa kaniya.

"Okay. Sorry for what I did earlier. I just want my friend safe." Flawrence said at binalik na ang cellphone kay Felix. Tumango lang naman ang apat sa kaniya.

"It's okay, we understand. But hindi mo ba talaga alam kung nasaan si Dhianne?" Jazley asked and Flawrence immediately nodded.

After a while, they decided na puntahan na si Josephine sa room nito na sinabi ng doctor kanina bago ito tuluyang umalis.

Nag-aalala sila sa pinsan nila at hindi nila alam kung paanong ipapaalam ito sa mga magulang ni Josephine. Siguradong sobrang mag-aalala ang mga 'yon. It's normal dahil anak nila ang napahamak.

Pagdating sa room ni Josephine ay nakita nila itong mahimbing na natutulog. May benda nga ang ulo. Kumirot agad ang puso nila dahil sa nakitang sitwasyon ng pinsan.

"My Josephine." Felix said and walked towards her cousin and held her hand.

"Ano bang nangyayare? And where's Dhianne?" Jazley whispered worriedly.

Habang nag-aabang na magising ang pinsan ay tinawagan na ni Shawn ang magulang ni Josephine para ipaalam dito ang nangyare. Wala din namang nagsasalita sa kanilang lima ngayon.

Hindi rin naman gano'n katagal ang pag-uusap nila Shawn dahil agad na ring binaba ng mga magulang ni Josephine ang tawag dahil sa pag-aalala at hintayin na lang daw sila sa hospital kung nasaan sila para doon mag-usap nang maayos.

Saktong paglagay ni Shawn ng cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon ay siya ring pagbangon bigla ni Josephine na ikinagulat nilang lahat.

"Dhianne!" Josephine screamed. Hinihingal pa, akala mo ay tumakbo ng ilang kilometro.

"Josephine! You're awake! How are you? Are you okay? May hurt ba sa body mo? Tell us." Felix immediately said to her cousin.

Doon rin narealize ni Josephine na nasa hospital siya at nasa harapan niya sila Flawrence at mga kuya niya.

"Where's Dhianne? Nandito ba siya?" natatarantang tanong ni Josephine. Hindi na pinansin ang tanong ng pinsan.

Doon napakunot ang mga noo nila. Nagtataka sa ikinilos ng pinsan. Kanina pa sila kinakabahan dahil hindi rin nila nakita si Dhianne pero mas lalo silang kinabahan at natakot dahil sa ikinikilos ngayon ni Josephine.

"Hindi ba kayo magkasama? What happened ba? Bakit hindi mo siya kasama at nagkaganiyan ka?" takang tanong na rin ni Jazley.

"M-magkasama kami kanina, palabas ng school. Naglalakad na kami papunta sa lugar kung saan niyo kami susunduin nang may bigla na lang v-van na huminto sa gilid namin at pilit na k-kinukuha si Dhianne. I tried to stopped them, but they pushed me and nawalan na ako ng malay. After that, hindi ko na alam kung anong nangyare. Kuya's, si Dhianne. Kinidnap si Dhianne! I'm sure na nakuha nila si Dhianne. Oh my gosh! My Dhianne cutie. Shit, we need to save her, kuya's. She needs us." sunod-sunod na sabi ni Josephine habang naluha na.

Natigilan naman ang mga lalaki sa narinig. Tama nga ang hinala nila na may masamang nangyare sa kapatid nila.

* * *

Nagising si Dhianne nang may nagbuhos sa kaniya ng tubig. Napaubo-ubo pa siya dahil may pumasok pa sa ilong niya.

Akmang pupunasan niya ang mukha niya nang maramdamang nakagapos ang mga kamay niya.

"Finally! You're awake. How are you, princess?" Someone said at doon nag-angat ng tingin si Dhianne.

Bumungad sa kaniya ang isang lalaking hindi pamilyar sa kaniya. Agad siyang kinilabutan sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya.

Ang bilis-bilis din ng tibok ng puso niya dahil sa kaba at takot. Kung ano-ano ng pumapasok sa utak niya. Doon niya din naalala kung ano bang nangyare sa kaniya at sa kaibigan niya.

At nang maalala ang kaibigan ay agad siyang nag-alala sa kalagayan nito. Iniisip na kung ano ng nangyare dito, kung kumusta na ito, kung may tumulong na ba dito.

Hindi niya rin alam kung nasaan siya o kung gaano katagal na ba siya sa lugar na 'to.

"S-sino ka po?! Ano pong kailangan niyo sa 'kin? Please po, pakawalan niyo na po ako. Wala po akong pera kung 'yun po ang habol niyo sa 'kin." kinakabahang sabi niya pero tinawanan lang siya ng lalaki at bahagyang yumuko para mapantayan siya.

Agad siyang umiwas ng tingin. Magkalapit lang ang mukha nilang dalawa. Napasinghap siya ng bigla na lang hawakan nang mahigpit ng lalaki ang panga niya at pilit na pinapaharap sa kaniya. Naiwas kasi siya ng tingin.

"I don't understand what you're saying, but I don't care what it is." sabi ng lalaki habang nakatingin sa mga mata ni Dhianne na nangingintab dahil sa mga luha.

The guy chuckled and pinunasan ang mukha ni Dhianne para alisin ang luha nito pero patuloy lang sa paghikbi si Dhianne.

"All I have to do now is to kill you, to see your families struggling with grief and pain." dugtong pa na sabi ng lalaki na nagpatindig ng balahibo ni Dhianne.

Takot na takot na siya ngayon at gusto ng makaalis sa lugar na 'to at umuwe sa kuya Jazley niya. Hula na rin niya ngayon na alam na nitong nawawala siya at nag-aalala siyang baka ano ng nangyare dito dahil sa paghahanap sa kaniya.

"You are their weakness, so I will do everything I want to do to you, so that I can see them hurt over and over again like I did to them before with their eldest." muling sabi nito na nagpapataka kay Dhianne.

Wala siyang naiintindihan sa sinasabi nito. Naguguluhan din siya dahil wala naman na siyang mga magulang. Hindi niya maintindihan kung anong pinupunto nito.

Nakakaintindi siya ng english. Ang hindi niya lang naiintindihan ay ang sinasabi nitong siya daw ang weakness nila at kung bakit gusto siya nitong patayin.

Buong akala niya ay dahil lang sa gusto nitong nakawan siya kaya siya kinidnap at mukhang nagkamali siya. Besides, hindi rin naman ito mukhang magnanakaw.

"Pakawalan niyo na po ako! Please po! Gusto ko na pong umuwe!" sumisigaw na sabi ni Dhianne na ikinainis naman ng lalaki.

Dhianne gasped when the man slapped her. Ramdam niya ang sakit no'n at hapdi ng pagsampal sa kaniya. Sa sobrang hapdi at sakit nga ay napaiyak na lang siya.

"Shut the fuck up! I don't want to hear your voice for now!" The man exclaimed then sinipa pa siya dahilan para mahulog siya sa kinauupuan niya.

Nakaupo kasi siya sa isang upuan habang nakagapos ang mga kamay niya sa likuran niya. Ramdam niya ang sakit ng katawan niya pagbagsak niya, lalo na at semento pa naman ang pinagbagsakan niya na may matutulis pang bato.

Napahiyaw na nga lang siya sa sakit. Patagilid kasi siyang napahiga sa semento. Tumatawa lang naman sa kaniya ang lalaki. Tuwang-tuwa sa ginagawa niya kay Dhianne.

Napakagat labi na lang si Dhianne para tiisin ang sakit. Hindi niya alam kung bakit nangyayare 'to sa kaniya ngayon.

"Stay here. I'll just talk to your family to inform them that you're here with me." He said with a smirk on his lips before he left Dhianne there alone.

Nang tuluyang makaalis ang lalaki ay nanghihinang napasubsob ng mukha si Dhianne sa sahig at doon muling umiyak.

Hindi niya alam kung sinong pamilya ba ang tinutukoy nito pero natatakot siya para doon. Pinagdadasal niyang sana maging ayos lang ang mga pamilya niya.

She knows that she's weak and she hates that. Naiinis siya dahil hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya sa mga ganitong sitwasyon.

Habang nasa gano'ng position ay pumikit siya habang naluha pa rin at doon pumasok sa isip niya ang masasayang moments nila ng kaibigan niya. Nang kuya Jazy niya, kuya Marcelo, nila Shawn. Lahat ng mahahalaga sa buhay niya.

Mas napaluha siya sa nasa isip. Nasasaktan siya sa ka-dahilanang mukhang saglit niya lang makakasama ang mga ito. Ang mga taong tinuring siyang pamilya at tinuring niya ring pamilya. Iniisip niyang katapusan niya na ngayon.

Kung alam niya lang na mangyayare ito sa kaniya ngayon ay sinulit niya na sanang kasama ang mahahalagang tao sa buhay niya.

Nasasaktan siya dahil hindi pa niya nasusuklian ang kabaitan sa kaniya ng kuya Jazy niya, ng mga kuya ni Josephine at ni Marcelo sa kaniya. Nang lahat sa kaniya.

Iniisip na rin niya ngayon kung katapusan na ba niya ay hiniling niyang sana maging maayos ang buhay ng mga taong mahalaga sa kaniya.

Nasa isip na rin niyang baka ito na ang oras na susunduin na siya ng nanay niya katulad ng gusto niya noon nang hindi niya pa nakikilala ang mga ito. Pinaramdam lang ata sa kaniya panandalian ang saya ng pagkakaroon ng pamilya.

Kung dati ay gustong-gusto na niyang mawala sa mundo, na sunduin na siya ng Mama niya ay nagbago na 'yon ngayon dahil sa kaibigan niya at sa mga kuya niya, sa lahat.

Gusto na niyang mamuhay nang masaya kasama ang mga ito. Kung kailan ayaw na niyang mawala sa mundo ay saka naman ito nangyayare sa kaniya ngayon.

Iyak lang siya nang iyak ngayon dahil hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paanong makakatakas. Nasa isip niyang wala na siyang magagawa para makatakas pa.

"Kapag namatay man ako ngayon. Sana po, Lord maging maayos lang po sila. Bantayan niyo po sila para sa 'kin. H'wag niyo po silang pabayaan. Mahal na mahal ko po sila. Kayo na pong bahala sa kanila, Lord, ah? I trust you po." pagdadasal ni Dhianne. Sumusuko na.

Hindi na rin niya pinapansin ang sakit ng pisnge at katawan niya. Ramdam niya ang hapdi at sakit pero hinayaan na lang niya.

"Kayo na pong bahalang ipaalam sa kanila na mahal na mahal ko po sila at kung gaano po akong nagpapasalamat na nakilala ko sila." She continued.

Gusto mang punasan ang mukha ay hindi niya magawa dahil nga nakagapos siya.

"Thank you po for everything, Lord. Salamat po sa pagbibigay niyo sa kanila sa 'kin kahit na sa konting panahon lang. I love you po." She continued again hanggang sa muli na lang siyang nakatulog dahil sa sakit, pagod at panghihinang nararamdaman.



Lia

Continue Reading

You'll Also Like

1M 22.6K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
1.1M 62.6K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
172K 1.1K 34
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
109K 3.4K 32
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...