Wish We Never Met

Від strwbrry_hoon

959 92 4

A Story of Celine and Vinn who fall inlove with each other in their High School Life until College. They woul... Більше

Wish We Never Met
Prolouge
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20

12

31 4 0
Від strwbrry_hoon

CHAPTER 12: THE PAST

Janine's POV:

Tama nga sila, walang sikretong hindi nabubunyag.

Sa sobrang tagal kong nagtago ng lihim ko, nalaman na nila ngayon. Hindi ko alam kung kikilalanin pa rin ako ng anak ko bilang Ina niya, sa kabila ng nagawa kong kasalanan sa kaniya.

Alam kong mali ako. Maling mali, at pinagsisisihan ko na 'yon.

*flashback*

"Jan! wait lang naman!" sigaw ni Alice.

Eto si Alice ang una kong naging kaibigan sa University na 'to. At ako ang pinaka-pinagkakatiwalaan niya.

"Ano ba 'yan Alice ang bagal mo talaga, ma-lelate na tayo." natatawa kong sabi sakanya.

"Sorry naman! eto na bibilisan na." naiinis niyang sabi.

Pinipigilan ko nalang talagang matawa sa itsura niya.

"Omg, lagot nasa loob na ang professor natin Jan." sambit ni Alice na halatang nininerbyos.

"Okay lang 'yan, we'll explain." pagpapakalma ko sakanya.

"Fine mauna kana."

Ako naman 'tong no choice kaya nauna na nga ko.

Pagkapasok namin nag explain na kami sa professor namin, mabuti na lang at hindi ito strikto.

"Okay thank you for explaining Ms. Soriano and Ms. Calix, makakaupo na kayo." sambit ni Professor Gerald.

After niya kaming paupuin nag-start na siya ng lesson namin. Math ang itinuturo niya, kaya kailangang makinig ka talaga ng mabuti kung ayaw mong bumagsak.

~*~

"Janine, ah h-hello?" nauutal na pagbati ng kaklase ko sa English subject.
"Hi?..Cedrick."

Si Cedrick, siya naman 'yung guy na nagpapapansin sa'kin ewan ko ba.

"Pwede ba kitang maayang kumain sa labas mamaya?" pag-papaalam nito.

"Pag-iisipan kopa." sagot ko.

Tumango ito at halatang gusto talaga akong makasamang lumabas.

After kami idismiss, hindi ko pa rin siya sinasagot. Gusto ko munang sabihin kay Alice dahil kami ang mag kasabay every after class. History kasi ang subject niya ngayon kaya hindi kami magkasama.

Unexpectedly nagkasalubong kami at may itinuturo siya sa likod ko.

"Janine, hindi mo naman sinabi na kasama mo pala 'yan." sambit ni Alice.
"Ah hindi ah sumunod lang siguro siya sa'kin." sagot ko.
"Eh bakit naman? Hey you anong kailangan mo sa kaibigan ko?" tanong ni Alice kay Cedrick.
"Ahh i just want to ask her if pwede ba siyang lumabas with me." nakangiting sambit ni Cedrick.

Ngumisi si Alice.

"Sure sino ba naman ako para pumigil, dba?" sambit ni Alice.
"Thanks. So what's your decision, Janine?" tanong ni Cedrick.
"Okay then." tipid kong sagot.

Nag-yes pa ito na halos mapalundag sa tuwa.

Many weeks passed nagiging close na kami ni Cedrick at ganon rin kay Alice. Para na kaming mag babarkada.

Suddenly nagkasakit ako at hindi nakapasok for 3 days.

Nung naging okay na ang pakiramdam ko, pumasok nakong muli. Pagpasok ko naman sa English sub ko nakita ko agad si Cedrick. Hindi niya ako pinansin. Bakit kaya?

Agad ko namang tinanong si Alice kung anong nangyari, ang sagot niya naman ay baka nag-alala daw sa'kin.

Later on, kinausap na rin ako ni Cedrick at nag-alala daw talaga siya sa'kin. Kasabay din niyon ang pagconfess niya at gusto niyang manligaw. Pumayag ako dahil may feelings nako sakanya. Lumipas ang ilang buwan lalo kong nagugustuhan si Cedrick.

Ngunit minsan parang pakiramdam ko ay may gusto rin ang kaibigan ko kay Cedrick.
Dahil nahahalata ko iyon sa mata ng isang tao. Nag-kunwari nalang ako na hindi ko nahahalata iyon pag kasama si Alice.

Sa bawat paglabas namin ni Cedrick mas nagiging comfortable akong kasama siya. At napaka-maunawain rin niya, handa ka ring ipagtanggol.

~*~

Muling lumipas ang buwan, na umabot na ng taon.

3rd year College na ko ngayon. Balak ko na ring sagutin si Cedrick ngayon.

Nang sagutin ko siya, hindi ito makapaniwala at mababakas ang saya niya sa kanyang mga mata. Then he kissed my forehead.

Habang patagal ng patagal ang relasyon namin, ang dami ng struggles na dumarating lalo na sa studies. Pero kahit ganon kinakaya pa rin namin.

Si Alice naman ay lilipat na raw ng University. Dahil ba sa kami na ni Cedrick? Hindi naman ata tama 'yon, isang taon nalang naman makakatapos na siya rito. Pero wala naman akong magagawa at choice niya 'yon.

Tinawagan naman ako ni Cedrick at may pupuntahan daw kami. Pumayag ako since bakasyon naman na.

Hindi ko in-expect na sa Bar pala kami pupunta. Birthday daw ng kaibigan niya kaya ininvite siya nito.

Nabibingi ako sa lakas ng mga sounds dito sa bar. Habang si Cedrick naman ay masayang nakikipag-inuman.

Uminom rin ako dahil pinilit niya ako. Mabuti at hindi naman heavy ang nainom ko, ngunit 'yung sa kanila ay heavy alcohol.

"Cedrick lasing kana! tama na!" suway ko kay Cedrick na ayaw pa tumigil sa pag-inom.
"Isa nalang Alice pls? Love." pag-pipilit niya sa'kin.

"Hindi pwede, ipapahatid na kita sa dorm niyo." sagot ko.
"Hays okay susunod nako, basta ikaw nalang maghatid sa'kin." sambit niya.

Hindi nako sumagot at nagpa-assist na sa mga kaibigan niya na alalayan siya papuntang sasakyan.

Kinabukasan naalala kong may nangyari sa'min ni Cedrick.

Nagsisisi ako sa nangyari at hindi naman namin sinasadya iyon. Humingi rin ng tawad si Cedrick at hindi niya talaga ginusto iyon. Sana lang walang mabuo.

*end of flashback*

Ngunit may nabuo. Hindi niya ko ma-contact si Cedrick. Tinanong ko rin iyon dati sa mga kaibigan niya. Nagpunta rin ako sa bahay nila ngunit wala siya ron.

Sobra akong nasaktan bakit ba nangyari pa ang lahat ng 'yon. Napakatanga ko. Naisipan ko ring ipalaglag ang anak ko ngunit may pumigil sa'kin. Ang ate ko.

Itinago muna namin ito, mabuti at bakasyon pa kaya maaasikaso namin ito.
Alam kong matitigil ako sa pag-aaral ngunit babalik ako at magtatapos pa rin.

Ipapamukha ko sa kanya na kaya ko kahit wala siya. At wala siyang anak dahil ako, kami ang magtataguyod sa anak ko. Nadala rin ako ng galit kaya marami akong masasakit na salitang binitawan.

Ngayon successful nako sa buhay, at lumaki rin ng maayos ang anak ko. Sa tulong ni Ate Jancheska napakalaki ng utang na loob ko sakanya. Dinala niya rin sa states si Avery nung maliit pa ito.

At nanirahan sila ron for almost 8 years. Talagang itinago namin si Avery sa ama niya, kung sakali mang hanapin niya ito.

But two months ago, nalaman ko kung saang kompanya nagtatrabaho si Cedrick. Dahil one time na nagpunta ako ron binisita ko ang kaibigan ko. Hanggang sa makilala ko kung sino ang CEO nila. Sa sobrang pagkabigla ko, dali dali akong umalis at pumasok sa loob ng kotse.

After so many years, nakita kona ulit siya. Hindi ko na napigilang umiyak that time.

Kinausap ko si ate about dito at sinabing panahon na para ipakilala ko ang anak namin. Kaya naman nagtaka ako dahil may usapan kaming hindi namin ipapakilala si Avery dito.

Ngunit kailangan na raw itong malaman ni Cedrick dahil wala naman siyang ideya na may nabuo noon. Gusto kong ipagdamot si Avery ngunit may katwiran rin naman si Ate. Matagal na rin kasing gusto malaman ni Avery kung sino ang ama niya.

Kaya last month pumunta akong muli sa company niya. Mayroon nakong lakas ng loob para sabihin ito sakanya.

Nung magpakilala ako hindi siya makapaniwala. Niyakap niya rin ako, mabuti nalang at walang nakakita.

Nagpaliwanag ito sa lahat ng pagkakamali niya at humingi ng tawad. Mukhang sincere naman siya kaya pinatawad kona rin. Sabi nga matutong magpatawad ng kapwa.

Ang rason daw kung bakit iniwan niya ako ay dahil sa parents niya. Lumipat sila ng bahay dahil naghiwalay rin pala ang parents niya. Kaya lumipat rin ng University si Cedrick.

After niyang magtrabaho inaya niya ko sa isang coffee shop para doon kami magka-liwanagan.

Inamin kona rin na may anak kami.

Lalo siyang nagulat at nanginig pa.

"Bakit ngayon mo lang ito sinabi?" tanong niya ng may diin.
"Dahil hindi kita magawang makausap, hinanap kita ngunit hindi kita makita." naiiyak kong sabi.

"Pero Janine dapat sinabi mo pa rin." sambit niya.
"Paano nga? eh wala ka naman. At malay koba kung pananagutan mo ko.

Hinawakan nito ang kanyang buhok at sinabunutan.

"Nasaan siya Janine? I want to meet our child." may diin niya muling wika.
"Nasa maayos na kalagayan. Napalaki namin siya ng mabuti." pagmamalaki ko.
"Janine, i'm really really sorry." naluha ito.
"Gusto ko kayong makasama." dagdag niya.

Napansin kong may singsing ito sa ring finger.

"May asawa kana." sambit ko.
"Oo, may asawa kana rin pala." sambit niya.

Gusto kong matawa sa sitwasyon namin.

"Janine, tunay ang pagmamahal ko sayo noon kaya sana mapatawad mo pa ko kahit gaano pa katagal." sambit nito.
"Ganon rin ako sayo pero huwag na nating pag-usapan ang nakaraan, kalimutan na natin 'yon." sambit ko naman.

Parang may bumara sa lalamunan ko.

"Kalimutan? Hindi ganon kadali, Janine."

Natigilan akong magsalita parang tumagos ito sa puso ko at bumalik ang sakit ng nakaraan.

"Alam ko, pero ano pang magagawa natin? May kanya kanya na tayong pamilya ngayon." sagot ko.

Biglang may tumawag sa phone ko at inexcuse ko muna ito.

Umuwi na rin ako dahil may emergency daw.

~*~

Kaya naman this month muli ko siyang pinuntahan. At balak konang ipakita at ipakilala sakanya ang anak niya.

"This is Avery, your daughter." sambit ko kay Avery.
"Avery, he is your..Dad." dagdag ko
"Avery? such a beautiful name." nakangiting sambit ni Cedrick.
"C-Can i hug you?" tanong ni Cedrick.
"Yes you can, my Dad?" sagot ni Avery.

Muli akong naging emosyonal ng magyakap ang dalawa at isinali pa ako.

Ipinagmall pa siya nito ng ama niya at isinama ako. Kumain rin kami sa fastfood restaurant.

Nang nasa parking lot na kami, hindi maiwasang magtanong ni Avery tungkol sa kanyang ama. Kaya ikinwento ko sakanya ang lahat.

Sobrang saya niya sa mga nalaman niya.

~*~

Lumipas ang ilang linggo at nakipagkita naman si Cedrick sa'kin.

Ipinagtapat niya na mahal niya pa rin ako.

Bigla ko siyang nasampal.

"All these years, mahal mo pa rin ako? Paano nangyari 'yun?" pagtataka ko.
"Hindi ko rin alam, pero iyon ang nararamdaman ko Janine." sagot niya.

Muli niya kong niyakap nang mahigpit.

Hindi nako nagpumiglas dahil sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa'kin.

"Cedrick..tam-"
"Janine, gusto kitang makasama together with our daughter." sambit ni Cedrick.
"Hindi pupwede. May pamilya kana ganon rin ako." sagot ko.
"Kahit mag bakasyon lang tayo, puwede ba?" muli siyang nag-tanong.
"Pag-iisipan kopa, Cedrick."

~*~

Tinawagan ko sa telepono si Cedrick at pumayag nako sa gusto niya.

Alam kong mali ito pero may pumipilit sa'king gawin ito. Patawarin sana kami ng nakaka-taas.

Продовжити читання

Вам також сподобається

မခွဲအတူ Від yoonnay177

Підліткова література

215K 10.3K 57
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
seven souls seven sins Від avstroscomet

Підліткова література

48.5K 1K 54
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
مالك الا لي ومالي الا لك Від 7ip743

Підліткова література

43.9K 2.7K 15
الكاتبه : رند السبيعي✍🏼 روايتي الاولى أتمنى تعجبكم واستمتعو...
Young & Turnt . Від ms.notwhoyouthink💕

Підліткова література

239K 7K 51
we young & turnt ho.