"Zemiragh: The Unwanted Princ...

By SsweetySakura

375K 16.9K 3K

"Isang babaeng lumaki at namuhay sa mundo ng mga Mortal kung saan tinatawag ito na mundo ng mga tao o planeta... More

ZTUP S1 - I N T R O D U C T I O N :
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 6
ZTUP S1 - C H A P T E R: 1 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 1 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 4
ZTUP S1 - C H A P T E R: 2 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 2 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 37
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 3 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 4
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 5
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 6
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 7
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 8
ZTUP S1 - C H A P T E R : 5 9
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 0
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 1
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 2
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 3
ZTUP S1 - C H A P T E R : 6 4
ZTUP - C H A P T E R : 6 5
ZTUP - AUTHOR'S NOTE.
ZTUP S1: SPECIAL CHAPTER 1

ZTUP S1 - C H A P T E R : 4 3

4.3K 236 64
By SsweetySakura

[=A=]:

"Prinsipe Lawrence, maniwala ka. Nagawa nong walang kwentang Prinsesa na iyon ang kontrolin ang isipan nina Prinsipe Frost at Prinsipe Ermell upang atakihin ako."

Nilingon ni Prinsipe Lawrence si binibining Ahrimita na kanina pa talak ng talak tungkol sa nangyari kahapon sa harden.

Kahit hindi siya nag tanong kung ano ba talaga ang nangyari sa pagitan nina Prinsesa Zemiragh at ni binibining Ahrimita ay kusa naman itong nag sumbong sa kanya at sinalaysay ang lahat ng pangyayari.

Hinintay pa talaga nito ang paglabas ng Prinsipe mula sa klase nito sa ballar para lang makapag sumbong at para makuha ang gusto niya na magalit ang Prinsipe sa Prinsesang kinamumuhian niya.

"Huwag mo nga baliktarin ang istorya binibining Ahrimita kung ayaw mong ikaw ang babaliktarin ko."

"Hehehehe"

Napatingin naman ang halos lahat na mga Prinsipe at Prinsesa nung marinig nila ang isang medyo kalakasang hagikhik na mula kay Prinsesa Nexzia matapos galit na magsalita si Prinsipe Ermell kay binibining Ahrimita.

Napa iling nalang si Prinsipe Lawrence sa kakulitan ng kanyang kapatid at tinalikuran si binibining Ahrimita na nagpupuyas sa galit dahil sa pagtawa ni Prinsesa Nexzia lalo narin sa sinabi ni Prinsipe sa kanya Ermell.

Kung hindi lang sana kapatid ni Prinsipe Lawrence ang Prinsesang tumawa sa kanya ay kanina pa siguro niya ito binigyan ng leksyon upang respetuhin siya.

Kahit gusto rin niya si Prinsipe Ermell ay naiinis parin siya dito dahil tila mas kinakampihan pa nito ang Prinsesang kanyang itinuring balakid sa kanyang buhay pag ibig para sa mga Prinsipe.

Hindi din niya akalain na magsama-sama ang lahat papuntang Cantena pagkatapos sa ballar na klase.

Akala niya ay masosolo na niya si Prinsipe Lawrence pero kahit na ganon ay ayos lamang din naman sa kanya dahil nasisilayan naman ng ibang mga Prinsipe ang kagandahang taglay niya.

Tinignan niya si Prinsipe Frost na tahimik lamang habang malamig ang mga mata na naka tanaw sa unahan na kahit hindi man siya binalingan nito ng kahit kaunting tingin ay hindi rin niya mapigilang kiligin dahil mas lalo lamang naging ka akit-akit ang Prinsipe para sa kanya.

Kinagat niya ang kanyang pang ibabang labi upang pigilan ang kanyang ngiti habang nakatingin parin sa mga Prinsipe na kanyang kasama ngayon.

Kahit gustohin man niya na siya lamang ang dapat na nag iisang babae na makasama ang mga Prinsipe sa isang lugar ay wala siyang magawa sapagkat laging kasama nito ang mga kapatid na mga babae ng mga Prinsipe na ikinainit lagi ng ulo niya.

Si Prinsipe Xavion naman ay nandidiring tinignan si binibining Ahrimita mula ulo hanggang paa na nakatigtig kay Prinsipe Frost at kita niya sa mukha ng babae ang pinipigilan nitong kilig.

Bigla siya umikot ng kaunti para umiwas ng tingin dahil tila na susuka siya sa hitsura ng babae nong kinagat pa nito ang sarili nitong pang ibabang labi upang pigilan ang pag ngiti.

Kaya nga ayaw niya talaga na ma dikit ang kahit balat niya sa kanyang kamay sa mga lahi ni binibining Ahrimita dahil sa nandidiri talaga siya sa mga asal linta nito.

Agad nalang siya patakbong naglakad patiuna at medyo sumabay kay Prinsipe Lawrence upang hindi niya makita ang mukha ng babaeng kinadidirian niya.

Sumunod naman ang lahat ng mga Prinsipe at Prinsesa ng makita nilang medyo distansya na si Prinsipe Lawrence sa kanila.

Nasa tuntunin kasi ng mga bughaw na dapat kung sino yung susunod na uupo bilang Emperador sa kaharian ng Llum ay dapat hindi nila ito sabayan sa paglalakad upang pagbibigay respito sa nakakataas sa kanila at dapat din na hindi rin sila masyadong nasa luhihan.

Binangga naman ni Prinsesa Nexzia ang balikat ni binibining Ahrimita at binelatan ito at tumakbo upang sumunod sa kanyang kuya.

Galing naman sa kilig na nararamdaman ni binibining Ahrimita ay napalitan nalang bigla nang galit at inis dahil hindi man lang siya iginalang ng Prinsesa.

Gusto niya na respituhin siya ng lahat dahil isa siyang anak sa nangungunang Opisyal sa kaharian ng Llum.

Si Prinsesa Ellezna, Prinsesa Ellezbeth at si Prinsesa Allikya naman ay palihim namang napa ngiti sa kanilang nakita sa ginawa ni Prinsesa Nexzia kay binibining Ahrimita habang si Prinsesa Quinta naman ay napataas kilay nalang.

Kahit magpinsan silang dalawa ni binibining Ahrimita ay hindi naman sila laging magkaka sundo isa pa, ang kinaiinisan niya ay ang laging paglapit nito kay Prinsipe Lawrence na kanyang mahal.

Ayaw na ayaw pa naman niyang may lumalapit na ibang babae sa kanyang iniibig dahil buo parin ang tiwala niya na darating din ang araw na magkaka balikan sila nang Prinsipeng kanyang minahal.

Kaya malakas ang loob niyang may nararamdaman pa ang Prinsipe sa kanya dahil sa suot pa nito ang ibinigay niyang pulseras.

Napaangat ang gilid ng kanyang labi dahil tila hindi talaga siya makakalimutan ng Prinsipe kahit may nagawa pa siyang pagkakamali.

Sumunod narin siya sa paglalakad at inirapan ang kanyang pinsan na mabilis din nag lakad upang mahabol ang nauna at makapal talaga ang pagmumukha nito dahil sa sumabay pa talaga ito kay Prinsipe Lawrence sa pag lalakad at nag sasalita na naman ng ano-ano patungkol sa babaeng akala niya ay kanya nang napatay.

Pero tila totoo talaga ang kasabihan na ang masamang damo ay matagal mamatay.

Subalit hindi naman huli ang lahat para maisakatuparan niya ang utos ng nakakataas na patayin ang Prinsesa sa kaharian ng Genezers.

Pagkapasok ng mga Prinsipe at Prinsesa sa pintuan ng Cantena ay bigla nalang nanlaki ang kanilang mga mata sa kanilang nakita sa paligid.

Gulong-gulo ang mga upuan at mga mesa lalo na ang mga pagkaing nagkalat sa sahig.

"ANO ANG NANGYARI DITO?!!"

Umirap naman si Prinsesa Nexzia kay binibining Ahrimita na siyang sumigaw dahil tila umasta pa talaga ito na parang siya ang nakakataas sa kanilang lahat at inagawan pa ang kanyang kuya sa posisyon nito.

Nanlaki naman ang mga mata ng ibang Prinsesa at Prinsipe nang makita nila ang ilang mag aaral na nakatihaya na puno ng dugo ang mukha at wala nang malay.

"Ahhhhhh!!!!!"

Ganun nalang ang pagkagulat nila ng sumigaw ng pagkalakas-lakas si binibining Ahrimita at nakita nalang nila na lumipad ito pabalik sa labas ng Cantena.

Nakita naman nila na si Prinsesa Zemiragh na ang nakatayo kung saan naka pwesto kanina si binibining Ahrimita habang naka angat ang kanang paa pa nito sa hangin at may ngiti sa mga labi na nagbigay kilabot sa kanila lalo na at nakita nila ang mga dugo sa mukha at sa mga kamay nito.

.

.

.

.

.

.

.

[=Miragh=]:

Pagkakita ko sa mukha ng mangkukulam na impakta ay hindi ako nang dalawang isip na lapitan siya ka agad kung saan siya naka tayo habang masama ang pagkaka tingin sa akin.

Hindi ko man alam kung bakit tila nag laho ako bigla sa aking pwesto at agad naka lapit sa kanya pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil sa sabik na akong makita ang mukha niya na duguan.

Kita ko naman ang gulat sa kanyang mukha ng makita niya agad ako sa kanyang harapan na nginisihan ko lang ng isang napakatamis na ngiti.

"Hi bitch."

Pagkatapos ko bumati sa kanya ay agad ko siya binigyan ng isang napakalakas na sipa sa kanyang tyan.

"Ahhhhhh!!!!"

Mas lalo akong napangisi nang may dugong lumabas agad sa kanyang labi habang lumilipad siya palabas ng Cantena.

Bangis naman gusto ko rin ng ganyan yung maka lipad na walang pakpak pero ayaw ko lang makalipad sa pamamagitan ng sipa.

"Hehehehe"

Napabungisngis ako at agad na inisip na makalapit agad ako sa kanyang pwesto at namangha naman ako ng natupad nga ang inisip ko.

Dinungaw ko siya habang pilit niyang nilalaban ang pag pikit ng kanyang mga mata habang patuloy parin ang pag labas ng dugo mula sa kanyang bibig.

Ayos ah. Hindi agad nahimatay.

"Hehehehe"

Hindi ko ulit mapigilang mapahagikhik nang nasisiyahan ako dahil sa medyo may ibubuga rin pala ang katulad niya.

Good girl, dahil hindi ka masyadong boring.

"H-hay-yo-p k-ka p-pa-p-pata-y-yin t-a-tala-ga ki-k-kita."

"Hehehehe"

Natutuwa talaga ako sa hitsura niya nang pinipilit pa niyang magsalita kahit may lumalabas na dugo sa kanyang bibig.

Mukha na tuloy siyang ngu-ngu at isang batang nag sisimulang magsalita dahil putol-putol ito.

Hangkyut naman.

Hehehehe.

Kaso ang tanda na niya para hindi marunong mag salita ng tuwid.

Baka maliit lang siguro ang kanyang dila kaya ganon.

Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil sa umubo ulit siya ng dugo.

Napakasakitin naman nito tapos masama pa ang ugali.

Hayyyy!! Paano nalang kung mamatay siya dahil sa sakit eh hindi siya makarating sa langit dahil masama ang kanyang pag uugali.

Tsskk!! Tskkk!! Dapat talaga bumait na siya eh.

Nang muli kong pinagmasdan ng mariin ang kanyang mukha ay muli kong naalala ang masamang ginawa niya sa akin kahapon kaya napangiti nalang ako ulit at sinakyan ang kanyang tiyan.

Naku!! Muntik na yown ahh.

Buti nalang at hindi ako ulyanin.

"Alam mo bang masama ang panaginip ko dahil sa ginawa mo sa akin kahapon?"

Dahil sa kanya ay nalaman kong isa pa lang multo ang bruhang Niavh na iyon at muntik pa akong kainin nito.

"Kaya papatulugin din kita para ikaw naman ang managinip ng mutlo. Ulol na impaktang mangkukulam."

Agad kong pinagsasapak ang kanyang mukha kahit wala na siyang ulirat dahil sa ididiritso ko agad siya sa bahay ng mga multo.

"Sigi. Isa pa ate Xhandria. Sapakin mo pa. Ayan, Wala na siyang ilong. Sapakin mo rin ang kanyang dede."

Napatigil naman ako sa kakasapak kay Arinola nang marinig ko ang isang sigaw at palakpak ng isang babae.

At kita ko ang pagtatalon ni Zia na akala mo ay pumusta lang nang isang manok na nagsasabong dahil sa kanyang pag sasaya.

Hanep din ang batang to, nag susugal ng tanghaling tapat.

"Ay bakit ka huminto ate Xhandria. Baka babangon pa yan kung titigilan mo siya sa pagsapak. Sigi na ate sapakin mo pa, isali mo rin ang kanyang dede kasi nilalandi niya si kuya."

Aba'ttt nilalandi pa talaga nitong impakta ang itlog na iyon?

Dahil sa sinabi ni Zia ay muli kong sinapak ang mukha nitong impakta na ito at hindi ko alam kung bakit nainis ako sa narinig ko mula sa kanya na nilalandi nito ang kanyang kuya.

Baka dahil sa isa siyang impakta tapos ang lakas pa ng loob na lumandi sa isang itlog.

Inangat kong muli ang aking kamao at sasapakin ko na rin sana ang kanyang dede pero agad nalang umaangat ang katawan ko mula sa pagkaka upo sa tiyan ni Arinola.

"Ibaba mo ako itlog dahil sasapakin ko pa ang kanyang dede."

Bwesit na itlog bigla-bigla nalang nambubuhat at sa kili-kili pa talaga ako hinawakan.

Ano akala niya sa akin isang bubwet?

Kabwesit. Hindi porket napakataas niyang lalaki ay gagawin na niya akong isang maliit na babae.

Agad ako ibinaba nito at babalikan ko na sana ang babaeng naka handusay sa lupa pero bigla naman ako hinawakan nong itlog sa aking balikat at ipinaharap sa kanya.

Napakunot noo naman ako nang tinignan ako nito mula ulo hanggang paa at hinawakan pa nito ang aking pisngi at ipinabaling baling sa kaliwat kanan.

Abay, baliw to ah. Babaliin ba niya ang leeg ko?

Mumurahin ko na sana ito nang kita ko ang pag alala sa kanyang mga matang sinalubong ang aking paningin.

Problema nitong itlog na ito.

"Ayos ka lang ba, Miragh?"

Sasagot na sana ako upang tanungin kung ayos lang din ba ang utak niya nang lumapit ka agad sa akin ang ibang itlog na mga Prinsipe at hinila ako mula sa pagkakahawak kay itlog na pinuno nila.

"Ayos ka lang ba, Prinsesa Zemiragh?" -itlog Frost na nakahawak sa aking kaliwang kamay at nag alala tinignan ang braso kong hawak-hawak niya.

"May masakit ba sayo, Prinsesa Zemiragh?" -itlog Ermell na nakawak sa aking kanang kamay at sinuri din nito ang aking braso.

"Papatayin na ba namin si Ahrimita?" - itlog Allaister na naka hawak sa aking pisngi ang dalawa niyang mga kamay habang kita ko naman ang kuya ni Miragh sa likod nila na hindi alam kung makikisali paba ito sa mga kagaguhan ng mga itlog o hindi na.

Bakit ba ako ang tatanungin nila eh si Arinola naman ang na bugbog.

Mga abnormal din pala ang mga itlog na ito eh.

Wala namang lumapit dito sa amin kahit isa sa mga mag aaral dahil napanganga nalang silang palipat-lipat ang tingin mula sa akin at kay Arinola na nasa damuhan.

"Ehhhhh??????!!"

Bigla nalang ako napatili nang umangat ulit ang aking katawan at nanlalaki ang aking mga mata ng maramdaman ko ang mga braso na nakapulupot sa aking tyan lalo na ang malakas na pintig ng puso sa taong may hawak sa akin.

"Ayos lang siya kaya huwag niyo na siyang hawakan. Ako na ang bahala sa kanya at kayo na rin ang bahala kay binibining Ahrimita."

Halos magtayuan ang lahat ng balahibo ko sa aking katawan ng tumatama sa aking tenga ang mainit niyang hininga.

Napapikit nalang ako dahil sa nakikiliti ako at kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan.

"A-ano ba ang ginagawa mo Z-zeus?"

Halos wala nang lumabas na tunog mula sa aking bibig at ramdam ko rin ang pag init ng aking mukha dahil sa kanyang ginawa.

Pero bigla nalang napabaling ang aking mukha pakaliwa at ramdam ko ang hapdi mula dito.

"Wala kang karapatang saktan ang aking pinsan, Zemiragh."

Napamulat ako upang tignan ang mapangahas na babaeng sumampal sa akin.

Kita ko ang galit at selos sa mga mata ni Quinta na nakatingin sa akin at kay itlog na naka yapos parin sa akin.

Bwesittt!! Ano ba ang problema nila sa akin at binibwesit nila ako.

Pero tila bigla nalang kumirot ang aking puso hindi dahil sa sampal ni Quinta kundi dahil sa bigla nalang ako binitawan ni Zeus at medyo dumistansya sa akin.

Tinignan ko siya na may pagtataka at napakunot noo dahil sa biglang pag bago ng kanyang emosyon.

"K-kayo eheem. Kayo na ang bahala kay Prinsesa Zemiragh at kay binibining Ahrimita, Prinsipe Ermell."

Bigla nawala ang emosyon sa aking mukha nang malamig itong nag salita habang naka tingin sa akin na tila hindi ako nito kilala.

Ano ba ang pinagsasabi nitong itlog na ito at bakit siya ganyan maka tingin sa akin.

Inaano ko ba siya.

Kita ko naman ang medyo pag lamlam ng mga mata nitong binalingan ng tingin si Quinta na nasa aking likod at muling lumamig ang paningin nito nang magtapo ang aming mga mata at tumalikod ito upang maglakad sa hindi ko alam kung saan lupalop siya pupunta.

"Ate Xhandria, ayos ka lan-.."

"Ayos lang ako Zia."

Kita ko na parang maiiyak na si Zia habang nag alalang nakatingin sa akin pero binabaliwa ko lang at tinignan si Quinta na naka taas kilay na tumingin sa akin.

Hindi naka ligtas sa akin ang kanyang pag ismid na ginantihan ko lang ng isang ngisi.

"Idadag ko lang sa listahan ang utang mo, Quinta."

Binigyan ko agad siya nang isang malamig na ngisi na ikinaatras niya.

Iniisip ko na sana makabalik ako sa silid nang aking dorm na hindi naman ako na bigo ng bigla na ibuga ni Radya ang kanyang kinakain sa pagmumukha ni Navah dahil sa gulat sa aking biglaang pag sulpot na naka tayo sa gilid sa maliit na mesa kung saan sila kumakain.

Binabaliwa ko nalang sila at agad nag tungo sa aking silid upang makapag ligo dahil sa tila gusto ko lumamig ng literal ang aking buong katawan.

Pati na ang pag iinit ng aking mga mata sa hindi ko malamang dahilan.

.

-------------

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 123 11
"Everything must take its place. This has been written in their fates." Lahat tayo ay may kalalagyan. Lahat tayo ay may kanya-kanyang papel dito sa b...
78.2K 4.1K 47
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man. Language used: Tagalog and English Status: Ongoing Date Started:...
50K 1.8K 41
Akala ko noon ang magic ay kathang isip lang. Akala ko noon ako lang ang may kakaibang mata at buhok sa lahat. Pero hanggang akala lang. Not until...
20.9M 766K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...