The F- Buddies

By LenaBuncaras

2.4M 69.2K 18K

Hindi si Eunice ang klase ng babaeng naniniwala sa forever kahit pa taken siya. At kahit pa apat na taon na s... More

The F- Buddies
1. The Struggle is Real
2. All Out of Love
3. The New Guy
4. The Project
5. Breakup
6. Heart Reacts
7. Akyat-Bahay
8. Maldita
9. The Romance Novelist
10. Walang Poreber
11. Marupok
12. Tamang Hinala Club
13. Job...less
14. The Fan
15. Award
16. Fan Boy
17. House Raid
18. Garden of Peace
19. Gregory Troye
20. #DatingTheIcePrincess lol
21. Loveless Writers
22. Tale of Two Tragedies
23. Missing Peace
24. Character Adjustment
25. Outlines
26. Brainstorming
27. Type. Edit. Delete
28. Warning
29. Lunch Break
30. So Real, So Good
31. Smut
32. Walwalan Time
33. Roller Coaster Ride
34. Conditioned
35. #WalangMagpapaiyakSaBabeKo
36. Buddy-Buddy
37. Disturbance
38. Drafted Love Story
39. The Nightmare
40. Painstaking
41. Fucked-up
42. Messed Up
43. Heart/Break
44. Foreshadow
45. Babe
46. GT's Main Conflict
47. The Falling Action
48. So Much For My Happy Ending
49. Book Review
50. Hello and Good Bye
Officially His
Gregory Troye Excerpt
The F- Buddies (GT version applied)
Gregory Troye

SPECIAL PART

14.1K 456 38
By LenaBuncaras

The first time someone asked me kung na-in love na ba ako, sinagot ko iyon noong mga panahong hindi pa ako nagkaka-boyfriend.

An online stranger asked me that question, random comment lang during an interview noong nanalo ako bilang grand champion sa writing contest a few years ago.

Wala akong idea kung paano ba magkaroon ng romantic relationship. Single ako that time e. Pero kapag nae-encounter ko ang tanong na iyon, may isang tao talagang pumapasok sa utak ko—at walang iba kundi si Gregory Troye.

Tapos na ang pustahan nina Justin that time. Wala rin akong kaalam-alam na magiging kami pala na legal sa parents ko. Kasi noong mga panahong iyon, walang-wala ako. Walang barkada, walang kahit sinong ka-close. Hindi naman loner, wala lang talagang solid circle.

And there was Gregory Troye. Alam naming tao siya at nag-e-exist siya, pero wala siyang mukha. Para siyang random voice somewhere na naririnig mo pero hindi mo alam kung saan nagmula.

Sa isip-isip ko nga noon, gaano kataas ang possibility na magpakita sa iyo ang isang faceless identity? Kumbaga, isa siyang concept na nonexistent pa pero binubuhay mo na.

And I definitely looked forward to seeing Gregory Troye someday, hoping na makita sa personal ang malaking dahilan kung bakit nagtagal ako sa field na ito. After all, kung hindi rin dahil sa kanya, hindi ako magkakalibro.

Kaso minsan, nakaka-in love lang ang konsepto. Kasi ang struggle ay naroon na kapag na-in love ka sa totoong tao.

"Parang ang sarap mag-isip dito. Tahimik," sabi ko, palakad-lakad sa stage ng clubhouse ng subdivision nila.

"Ngayon lang tahimik dito. Sa weekend pa kasi ang next schedule ng activities nila," sagot ni GT.

Dinala ako ni GT sa clubhouse na malapit-lapit sa bahay niya. Malaki ito pero dumoon kami sa bandang likuran, sa may stage. Kulay chocolate and mocha ice cream nga ang pintura, nagugutom na naman tuloy ako.

Umupo ako sa harapan ng stage sa pinakagitna. Nakapamulsa lang si GT habang nasa harapan ko at palingon-lingon sa paligid na sobrang tahimik.

"Di ba, sabi mo, gusto mo sa tahimik para nakakapag-isip ka," sabi ko habang nangunguyakoy. "Magko-conceptualize ba tayo ngayon kaya mo ako dinala rito?"

Tumabi si GT sa akin, pero nag-stay siya sa ibaba. Nakatayo siya at ipinatong ang siko niya sa stage. Nakatitig lang ako sa kanya habang doon siya nakatingin sa damuhan sa harapan namin.

"Puwede rin," sagot niya at tiningnan ako. Eksakto na ang height namin ngayon kahit nakaupo lang ako. "Gusto ko lang talaga sa tahimik. Nakaka-enjoy ring mag-stay sa imagination. Tamang daydreaming lang habang nagfo-formulate ng concept."

"Kaya siguro ang dami mong naisulat na books. Ang broad ng vocabulary mo, nakaka-amaze."

Tumawa siya nang mahina saka tumango sa sinabi ko. "Kapag mahilig kang magbasa, natural lang. Marami kang matututuhang bago kasi willing to learn ka rin namang matuto kahit walang personal teacher."

Kung sa bagay. Sa bahay ko naman, tahimik din naman. Mas gusto ko rin ng tahimik. O kung may maingay man, malamang kasi nagbabasa ako. Binabasa ko nang malakas, para nalalaman ko kung alin ang awkward sabihin para sa voice consistency ng narrative.

"Do you enjoy this, GT?" tanong ko habang nakatingin sa blangkong damuhan sa paligid namin. "Yung tahimik lang. Tatanaw sa malayo."

"Yeah. Why not?"

Bigla akong nabalisa. "Si Justin, ayaw niya ng ganito e. Boring daw. Gusto niya 'yong mga party-party." Bumalik na naman ang sama ng loob ko nitong umaga lang.

Harap-harapan kay GT, tinalikuran ako ni Justin. Although, hindi naman bago na bigla na lang siyang aalis kapag nabubuwisit ako sa kanya. Two years na ngang nangyayari iyon. Pero kasi . . . nasa bahay kasi si GT. May audience kaming dalawa sa kung ano ba talaga kami in reality bilang mag-boyfriend-girlfriend.

"Alam mo, palagi ko siyang ini-ignore sa mga chat o kaya text niya," dismayadong kuwento ko habang nakatanaw sa malayo. "Kasi iniisip ko, kapag ginawa ko 'yon, makakaganti ako sa ginagawa niya sa 'kin. Inisip ko nga, kapag hindi ko siya pinansin, papansinin niya na ako. Kasi, di ba, mararamdaman mo naman 'yon? Hanggang sa nagsawa na lang ako, nakasanayan ko na. Lagi niya namang sinasabing magiging okay rin ako bukas. Tapos—"

Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko, hinawakan ako ni GT sa sentido saka ako ipinasandal sa balikat niya. Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko, as if namang umiiyak ako at kailangang patahanin.

"Hindi mo kailangang paabutin ang bukas para maging okay, Eunice."

Sa sobrang sanay ko nang tawagin niya akong babe, nagki-cringe na ako kapag Eunice lang ang tawag niya sa akin. Ang weird tuloy sa feeling.

"Sana kaya ko ring maging gaya ng mga 'friend' ni Justin," sabi ko habang nakatitig sa damuhan sa harapan namin. "Lagi kong iniisip kapag mag-isa ako na sana friendly din ako gaya nila."

"Hmm." Napaayos ako ng upo nang biglang kumilos si GT. Inabangan ko kung ano na ang gagawin niya, pero napatingin agad ako sa kamay kong bigla niyang kinuha. "Tara, babe. Bookstore tayo."

*********** mababasa ang ibang parts sa TFB paperback copy ***************

(This is Althea Doe's POV, mababasa ang POV niya rito sa The F- Buddies paperback copy. Mababasa rin itong part pero sa POV naman ni GT sa Gregory Troye, free naman iyong mababasa rito sa Wattpad. And, by September naman ang release ng paperback.

Sa mga maghahanap ng TFB duology copy, by September po, ilalabas both books)

Continue Reading

You'll Also Like

28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
1.4K 274 32
Imagine: A younger former KPOP idol now living in the Philippines just confessed that he likes you.
8K 367 55
BEAUTY INSIDE : THE TRUE MEANING by cutenixA A Tagalog-English story. Arceli Christine better known as Model and Actress AC. She has the beauty that...
179K 4.9K 49
• 𝗢𝗡-𝗚𝗢𝗜𝗡𝗚 ┊ 𝗣𝗢𝗦𝗧𝗘𝗗: 𝟮𝟬𝟭𝟱 - •