One Touch, One Love

By MissWordsworth21

225K 6.9K 1.5K

JAGUARS SERIES 4: Elvin Howard "Once you were in my dreams, which came into the reality, and now a memory." D... More

Teaser
Prologue
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15

CHAPTER 16

939 42 19
By MissWordsworth21

Joel's POV

SINIKO ko si Dela Cruz nang mapansing nakasimangot na naman si Howard,nakahiga ito sa isa sa mga bench, nandito kami ngayon sa gym, nakaupo at hinihintay ang ibang Jaguars. Ilang buwan na ang nakalipas simula ng magkasundo ulit sila ni Jane tungkol sa pagiging slave and master kuno ng dalawa. Sabay kaming napa-ngisi ni Dela Cruz at nakaisip ng kalokohan.

"Jane!" Malakas na sigaw ko. 

"Kamusta?" Segunda naman ni Jason. Sabay kaming napahagalpak ng tawa nang mahulog sa pagkakahiga si Howard. Agad itong luminga-linga sa paligid na tila ba may hinahanap.

Hindi kami magkandamayaw ni Dela Cruz sa pagtawa dahil sa naging reaksyon ni Howard. Mabilis itong tumakbo sa direksyon namin kaya naman tumakbo din kami palayo sa kanya. 

"Ako na naman nakita nyo!" Reklamo ni Howard. Nasa ganitong sitwasyon kami nang magdatingan ang ibang Jaguars. May afternoon practice kami ngayon bago umuwi.

"Ano na namang problema mo Howard at busangot na naman 'yang pagmumukha mo?" Tanong ni Young nang makalapit sya kay Howard.

"Yan kasing dalawang unggoy, inaasar na naman ako." Parang batang sumbong ni Howard.

"Kung bakit naman kasi parang pinagbagsakan ka ng langit at lupa?" Natatawang tanong ko bago tuluyang lumapit pabalik sa pwesto nila.

Naupo din ako sa bench nang maupo silang dalawa ni Young. Nagsimula namang magpa-shoot si Dela Cruz ng bola sa basket at ang iba pang Jaguars ay abala naman sa pag-wa-warmn up. Hinihintay nalang si Captain para makapagsimula na kami.

"Kailangan kasi ni panget ng tulong." Pagsisimula ni Howard.

"Tapos?" Tanong ni Young.

"Sinabihan ko s'ya na kung sino ang may kailangan, siya ang lumapit." Himutok ni Howard.

"Tama naman..." Komento namin ni Young.

"Tapos bigla syang nagtanong, paano daw ang mga nalulunod na humihingi ng tulong? Kailangan din daw bang lumapit?"

Sabay kaming tumayo ni Young at iniwan si Howard. Dami ko ng problema, ayoko ng dagdagan pa. Bahala syang mag-isip mag isa.

"Mga walangya kayo, akala ko pa naman tutulungan nyo ako!"

Hindi namin s'ya pinansin at nagsimula na ding magwarm up dahil dumating na si Captain.

Hanggang sa nagsimula ang practice game.

Hindi ko alam pero mukhang may pustahan ang ibang Jaguars base na din sa pinapakita nilang laro ngayon. Seryoso na tila ba nasa isang tournament sila.

Nagkaka-initan na si Montereal at Gibson, nagkakabanggaan na din sila ng balikat. Napahinto kaming lahat ng pumito si Captain at tawagan ng foul si Montereal.

Hindi nakalampas sa pandinig ko ang mahinang mura ni Montereal at ang pinakawalang ngisi naman ni Gibson.

Pota! Hindi ako si Dela Cruz pero gusto ko na talagang tanungin ang dalawang bugok kung ano bang problema nila.

Binigyan ni Captain si Gibson ng dalawang free throw. Pumasok naman ang dalawang tira ni Gibson na lalong ikinainis ni Montereal.

Sumenyas ng time out si Dela Cruz na ipinagpasalamat ko naman dahil gusto ko na talaga malaman kung ano bang problema.

Agad na tinanong ng concerned citizen ng bayan na si Dela Cruz si Montereal nang makabalik kami sa bench namin.

"Xevier yung totoo? Anong problema n'yo ni Gibson?" Hindi na makapag hintay na tanong ni Dela Cruz.

"Problema?" Nagtatakang tanong ni Montereal. Pa-suspense pa ang p*ta!

"Problema na ba ngayon ang magpustahan?" Segunda naman ni Gibson.

"Ano bang pinagpupustahan n'yo? At para bang napaka-importante?" Tanong ko naman.

"Ah nagpupustahan kami kung sino manlilibre ng fish ball!" Sagot ni Montereal. Hindi ko napigilan ang sarili ko at binatukan ko silang dalawa. Tang*na akala ko naman kung ano na pinagpupustahan nila kasi kung umasta sila kala mo buhay ang nakataya.

NATAPOS ang practice game at nagkanya kanya na ng uwi ang bawat isa. Ilang buwan na lang at ga-graduate na kami ng High School. At isang magandang balita dahil kinukuha kami ng Montereal University. 

Palabas na ako ng gate nang mapansin ko si Howard at Jane na nagtatalo sa tabi ng daan. Nag-aaway na naman sila, tinalo pa nila ang aso't pusa. Lalapitan ko sana sila kaya lang naalala ko hindi nga pala ako si Dela Cruz kaya di bale nalang. 

----

Mnemosyne's POV 

"PANGET ano ba talagang problema mo?" tiningnan ko ng masama si Elvin. At ang lakas pa talaga ng loob n'ya na tanungin ako kung anong problema ko. Wala sa sariling inihampas ko sa kanya ang bag n'ya. 

"Ikaw ang problema ko!" bulyaw ko sa kanya at tinalikuran na ito ng tuluyan. Makauwi na nga, kainis!

Mas naiinis ako sa sarili ko. Bakit nagagalit ako ng ganito? Bakit apektado ako?  Dati naman kahit may kausap s'yang ibang babae, wala lang sa'kin pero bakit ngayon parang abot langit ang inis ko sa kanya. 

Nababaliw na talaga ako. Hindi ko na alam kung ano itong inaasal ko na 'to. Mabilis akong sumakay ng jeep at hindi na lumingon pa kay Elvin. 

Pagbaba ko ng jeep, sumalubong sa akin ang amoy ng mga pagkain dito sa kanto. Pero higit na nakakuha ng pansin ko ay ang kwek kwek na niluluto ni manong. Agad akong lumapit sa cart nya at masayang kumuha ng stick at tumusok ng kwek kwek.

Nasa kalagitnaan ako ng masayang pagkain nang biglang sumulpot si insan sa gilid ko.

"Bakit di mo ako hinintay?" Reklamo nya habang tumutusok ng fish ball.

"Akala ko kasi may gagawin ka pa." Palusot ko na di naman niya pinansin at matamang nakatingin lang sa'kin.

"Bakit ganyan na naman ang buhok mo?" Tanong nya at sumubo na ulit ng fishball. Napahawak naman ako sa buhok ko.

"Bakit? Magulo ba?" Tanong ko dahil maayos naman ito.

"Oo! Mukha ka na namang si Alice Bungisngis sa hilatsa niyang pagmumukha mo." Sagot nya at mataman akong tinitigan.

"Nag away kayo ni Fafa Elvin 'no?" Kunot noong tanong ni insan.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at nagbayad na kay manong ng mga nakain ko.

"Uy bayaran mo din 'yong sa'kin." Hindi ko na pinansin si insan at nauna na akong umalis sa kanya papasok sa looban ng village.

"Ano ba talagang problema Jane?" Pangungulit ni insan ng maabutan nya ako sa paglalakad.

Huminto ako at hinarap sya.

"Oh! Teka! Wag kang aatungal ng iyak dito sa labas.." pigil niya sa'kin at hinila ako ng mabilis pauwi sa bahay.

Napahinto kami ni insan sa labas ng bahay namin nang mapansin namin ang isang magarang sasakyan.

Nagkatinginan kami ni insan dahil parang may kakaibang kabog akong naramdaman sa dibdib.

Mabilis na pumasok sa loob ng bahay si insan at iniwan akong mag-isa dito sa labas. Nilapitan ko naman ang sasakyan at sinilip silip ang bintana nito pero di ko maaninag ang loob, nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Ngumiti ako ng bahagya saka nagdesisyong pumasok sa loob.

"April, Jane buti nandito na kayo, kanina pa namin kayo hinihintay" agad na bungad sa'min ni tita pero sa akin sila lahat nakatingin. Napatingin din naman ako sa mga bisita.

Hindi ko alam pero iba ang kabog ng dibdib ko, may halong takot at pangamba.

Naupo ako sa kabilang bahagi ng sofa dahil parang matutunaw ako sa paraan ng pagtingin sa akin ng ginang na nandito.

"Jane anak!" Para akong binuhusan ng yelo ng magsimulang humagulhol ang ginang na kanina pang nakatitig sa akin.

Ibinaling ko ang tingin kina tita, tito at insan na umiiyak na din ngayon.

Parang ayaw pang tanggapin ng puso't isip ko ang mga nangyayari. Para bang gulong gulo ako sa mga nangyayari. Muli akong tumingin kay tito at tita, na ngayon ay nakangiti na habang may luha sa kanilang mata. Sabay silang dalawa na tumango sa'kin.

"Jane anak!" Mabilis ang naging paglapit sa akin ng ginang at lumuhod sa harap ko at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko. Hindi ko na din mapigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napakarami kong tanong sa buhay. Napakarami kong bakit sa isipan. Bakit nila ako iniwan? Bakit ngayon lang sila dumating? Bakit mayroon akong sumpa?

"Jane anak, patawarin mo kami..." Hagulhol ng ginang.

"Sino po ba kayo?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot, gusto ko lang marinig sa kanila ng deretso.

"Kami ang mga tunay mong magulang." Sagot ng ginoo na naka-alalay sa ginang na nakahawak sa kamay ko. Inalalayan nitong makaupo ang ginang sa tabi ko. Mukhang alam ko na kung kanino ako nagmana ng ganda.

"Marami kaming gustong sabihin sa'yo." Sabi ng ginoo na sa palagay ko ay ang aking ama.

"Marami din po akong tanong." Tugon ko naman na mabilis naman nilang tinanguan.

Napagpasyahan na isasama muna ako ng mga magulang ko kung saan sila tumutuloy ngayon. Napag-alaman ko na sa Australia pala sila nakatira ngayon pero sa isang kamag anak sila tumutuloy ngayon.

"Masaya ako para sa'yo insan, pero babalik kapa naman hindi ba?" Tumango ako kay insan.

"Sasama ako kasi gusto kong malaman lahat ng sagot sa mga tanong ko." Sa mga tanong na hindi nasagot ni lola noon, at kung totoo ba ang mga sinabi ni lola.

---
Elvin's POV

"Nakasimangot kana naman." Bungad ni Joel at naupo sa tabi ko. Walang ganang ibinato ko ang bola sa court dala na din ng pagkainis.

"Wala pa rin ba?" Tanong niya na ang tinutukoy ay si Panget. Isang linggo na kasi itong hindi pumapasok. At ayaw naman sabihin nung pinsan nya kung bakit.

May pinuntahan lang daw at babalik din naman. Pero di ako kumbinsido sa sagot ng pinsan ni Panget.

"Baka naman ayaw kanang makita kaya di na pumapasok si Jane." Pang-aasar ni Joel dahilan para tapunan ko sya ng matalas na tingin.

"Nung huli ko kasi kayong nakita nag aaway kayo sa gilid ng daan." Naalala ko na naman yung huling araw na kasama ko si Panget, nag-aaway kami sa di ko alam na dahilan basta nalang sya nagalit sa'kin at di ko alam kung bakit.

"Tawagan mo nalang pare" suhestiyon ni Joel.

"Di sumasagot." Walang ganang sagot ko. Pilit kong binabalikan sa isipan ko kung may nasabi o nagawa ba akong dapat ikagalit ni Panget.

"Howard si Jane!" sabay kaming napatayo ni Burns sa sigaw ni Dela Cruz. Hingal itong lumapit sa amin. 

"Problema mo?" tanong ni Burns. 

"Si Jane nakikipag-away sa may canteen." abot ang paghingang balita nito. Parang nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko at mabilis na tumakbo palabas ng gym papunta ng canteen.

Pagkarating ko sa canteen, madami na ang kumpulan ng mga tao. Nakipagsisikan ako at bumungad sa'kin ang umiiyak na si Panget. 

"Tang*na! Ang tagal mong nawala tapos eto agad ang salubong mo sa'kin" napatingin sya sa direksyon ko.

Parang umakyat lahat ng dugo ko sa utak nang makita ang dugo sa pisngi nya. Tiningnan ko ng masama ang lahat ng tao dito sa canteen. 

"Sinong may kagagawan nito?!" umalingawngaw ang malakas na boses ko dahilan ng pag-atras ng karamihan. 

Nang walang umamin kung sino ang nagsimula ng gulo, hinawakan ko si panget at tinulungang makatayo pero isang marahas na pagtapik sa kamay ang binigay nya sa'kin. 

"Okay lang ako, wag ka ng mangialam pa dito." malamig ang boses at tinalikuran ako. Parang may kung anong pumiga sa puso ko. 

Nag-igting ang panga ko sa sobrang inis at hinila sya palayo sa karamihan. Nang  malayo na kami naramdaman ko ang pagbawi nya sa kamay mula sa pagkakahawak ko. 

Kinagat ko ang labi ko para kalmahin ang sarili. Ayokong mag-away na naman kami tapos bigla na naman syang mawawala ng matagal. 

"Layuan mo na ako." sapat lang para marinig ko ang sinabi nya. 

"Mnemosyne, may nagawa ba akong masama?" 

Humakbang ako palapit sa kanya pero umatras naman sya palayo. 

"Layuan mo na ako Elvin!" parang may sumasaksak sa dibdib ko sa pagkakasigaw niyang 'yon sa'kin. 

"Ano ba talagang problema mo?! Kung nagagalit ka sa mga pang-aalipin at pang-aasar ko sayo, sige bumawi ka. Alipinin mo ako! Asarin mo ako! Pero wag mo namang hilingin na layuan kita!" halos sumabog ang dibdib ko sa tensyon sa pagitan naming dalawa. Di ko alam bakit nag-aaway kami ngayon ng ganito. 

"Bakit?" tanong n'ya. Di ko alam ang isasagot. Bakit nga ba ayokong tinutulak nya ako palayo? Bakit ayokong layuan sya? 

"Di ba iyon naman ang gusto mo umpisa palang? Ang layuan ka. Di ba ayaw mo na nadadamay sa kawirduhang dala ko?" 

"Layuan mo na ako, please..." umiiyak na makaawa nya.

Ngumiti ako ng mapakla. 

"Pasensya na panget pero di ko matutupad ang gusto mong mangyari." 

"Bakit nga?!" malakas na sigaw nya dahilan para sumabog ako. 

"Dahil mahal kita!" malakas na sigaw ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagbilog at paglaki ng kanyang mga mata, pero bago pa man sya makapagsalita ay sinakop ko na ang labi n'ya.

To be continued....



Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...