Turn Back

By JuanKatha

221 41 140

Si Bela at si Dave. Si Dave at si Bela. Bestfriends since bata hanggang sa kasalukuyan. Si Dave ay may tinata... More

Prologue: Alitaptap
Dave | Chapter 1: Notebook
Chapter 2: Walis
Chapter 3: Lakad
Chapter 4: Rooftop
Chapter 5: Keychain
Chapter 6: Room
Bela | Chapter 6.5: Alitaptap?
Chapter 7: Papel
Chapter 8: Kasama
Sam | Chapter 10: Mama

Chapter 9: Ballpen

7 1 0
By JuanKatha

'Di pa rin makapaniwala si Bela sa nangyari, 'di na rin nya alam kung anong paniniwalaan sa puntong ito.

Ang tanging gabay nya lamang sa mundong 'di matakasan, ang tanging nagbibigay sa kanya ng katinuan ngayo'y binigo sya.

Maagang bumalik ang lahat sa unang araw, mas maaga sa inaasahan. Ngayon nasa skwelahan sila kasama si Samantha na wala paring malay.

Inabot nya ang plumang galing sa Cass, at agad nya itong nahawakan.

Inusisa nya ang pluma, tinignan ang bawat detalye. Itim ang kulay na tila gawa sa tinta at may mga nakasulat sa palibot sa lenggwaheng 'di nya maintindihan.

Tuluyan na yata akong nabaliw!

Biro nya sa sarili, pero napaisip nya. Biro nga lang ba?

Inikot ikot nya ang pluma at bigla nalamang ito nawawalan ng hulma, alam nyang solido ito dahil nahahawakan nya ngunit nawawala ang porma na tila ba likido pag ginagalaw nya ang kanyang kamay.

Unti unti na ring nagkakaruon ng malay si Samantha ngunit 'di sya napapansin ni Bela na ngayo'y abala parin.

Pinulot ni Bela ang Cass at itinapat dito ang pluma, bigla na lamang lumaki ang Cass at ang pluma'y unti unting nalusaw sa isang itim na likido at ngayo'y tila sumasanib sa kanyang kamay.

Oh f***! Ano to?!

Sinusubukan nyang alisin ang itim na likido ngunit sya'y bigo. Kinukumpas nya na ang kanyang kamay ng tila konduktor sa isang orchestra pero 'di nya parin ito matanggal.

Mula sa kinahihigaan nya, dahan dahang bumangon si Samantha na ngayo'y puno ng dahon ang mukha. Gulo gulo ang kanyang buhok at may bakas pa ng nanuyong laway sa pisngi.

Inusisa nya ang paligid. Pamilyar na lugar ika nya sa sarili. Dahan dahan na syang tumayo at inayos ang kanyang sarili. Pinagpagan ang alikabok, lupa at mga dahon sa kanyang katawan. Pinunasan nya rin ang tuyong laway sa pisngi.

Nahagip ng kanyang paningin si Bela na ngayo'y tila nagsasagawa ng kakaibang sayaw.

Nabaliw na yata 'to...

Biro nya sa sarili. Nilapitan nya si Bela at nagulat na lamang sya nang...

"AAAAAAAH BA'T AYAW MATANGGAL NITO?!"

Natigil si Samantha sa kanyang kinatatayuan. Nakatitig lamang sya sa kamay ni Bela na ngayo'y nababalot ng kung anong itim na bagay.

"Ano yan Be---"

"AAAAAAAAAAH!!"

Sigaw ni Bela sa gulat, napasigaw rin si Samantha sa lakas ng tili ni Bela.

"Gising ka na pala?!"

Sinabi nya habang winawasiwas parin ang kanyang kamay.

"Oo, namiss mo ba ako?"

Sabay tawa nang sinabi nya ito kay Bela, tinitigan na lamang sya ni Bela na para bang 'di natutuwa.

Lumapit si Sam sa kanya't kinilatis si Bela.

"Ano ba yan?"

Tinanong nya habang nakatitig sa kamay ni Bela habang may roong pandidiri sa itsura. Napakunot na lamang ang nuo ni Sam.

"'Di ko rin alam nakita ko lang sa Cass na mayroong nakadrawing tapos hinawakan ko---"

"Teka teka teka! Anong Cass?"

Tinitigan na lamang sya ni Bela nang itanong iyon. Para bang aso na nakakita ng pusang gala. Ilang oras nalang ay mangangagat na.

"Yung papel! Basta! Alam mo na yun!"

Nahinto na lamang si Samantha, at 'di na sumagot. Baka madagdagan pa ang galit ni Bela.

Napansin nya na may hawak na papel si Bela at naalala nya na.

"AAAAAH CASS! OKAY GETS!"

Inirapan na lamang ni Bela ang nakangiting si Samanth, pinigilan lamang ni Sam na matawa.

"Ano ka ba, normal lang yan! Siguro?"

Paniniguro ni Sam kay Bela, na tila 'di nakatulong. Mas nangibabaw ang pagnanais ni Belang manapak.

"Hala tignan mo oh!"

Nataranta naman si Bela't agad na tinignan ang kanyang kamay.

Unti-unting kumakawala ang itim na likido sa kanyang kamay.

Natigilan na lamang si Samantha na ngayo'y nakanganga.

'Di naman sya masisi ni Bela na ngayo'y wala ring magawa.

Lumutang ang likido't tila may binubuong kung ano.

Lumayo ang dalawa ng ilang hakbang.

'Di nila pansin na hawak na pala nila ang kamay ng isa't isa.

Unti-unti nang mayroong nabubuong higis.

Hugis ng isang...

"Ballpen!"

Sabay nilang sigaw na tila may pagkadismaya sa tinig.

Nang matapos na ito sa huling anyo'y agad na bumagsak sa madahong lupa.

Nagtitigan na lamang ang dalawa na para bang nagtuturuan kung sino ang dalat isakripisyo.

Ballpen lamang iyon pero animo'y mabingis na hayop kung ituring nila.

"Bato-bato-pik?"

Suggestion ni Samantha, agad naman itong tinaggap ni Bela.

Nanalo si Samantha.

Dismayadong tinitigan ni Bela ang piniling bato. Humakbang na sya papalapit sa ballpen ngunit sya kumaripas pabalik kay Sam.

"Best of 5! Best of 5"

Sumulyap si Sam sa ballpen at pabalik sa ngayo'y tila nagpapakyut pang si Bela. Pinigilan nya na lamang ang sarili na matawa at pumayag din sa gusto ni Bela.

Dalawang beses pa, dalawang beses na sunod sunod na natalo si Bela. Dismayado napabuntong hininga na lamang sya't nagtungo sa dangerous object ika nya.

Sa likod nya'y chinicheer sya ni Sam.

"Go Bela! Kaya mo yan wooh! Todo na 'to!"

'Di na malinaw ang pinagsisigaw ni Sam sa kanya. Naisip nya nalang sa mga sandaling ito ay si Dave, yung gabi na kasama sya habang pinalilibutan sila ng mga alitaptap.

Dahan dahan nyang inabot ang ballpen, tila bumagal ang lahat. Ang ihip ng hangin, kaluskos ng mga dahon, paglilad ng mga ibon, maging ang walang humpay na pagsuporta ni Sam.

Nahawakan nya na ang ballpen, at walang nangyari. Kinuha nya ito mula sa lupa ngunit wala pa rin.

"Yun kang yun?"

Dismayadong komento ni Sam, tinitigan na lamang sya ni Bela.

Kalma self, kasama mo sya! Kalma!

Ibinaling na ni Bela ang tingin sa ballpen. Hinayaan naman sya ni Sam at naupo sa paanan ng isang puno.

Iba na nag desenyo, mula sa makalumang pluma naging makabagong ball-point pen na ito. Ngunit 'di yung munurahing nabibili sa canteen. Yung ballpen na narerefill.

Inusisa nya ang bawat parte, kulay itim parin ito, may mga engraving na silver sa baybayin.

ISABELA

Nakasulat ang pangalan nya sa ballpen, nanigas na lamang sya sa kanyang pwesto.

Napansin naman sya ni Samantah at agad na nagtungo sa kanya.

"Anong mero... Ang ganda nyan ah! Mamahalin!"

'Di nya naririnig ang tinig ni Samantha, nakatuon lamang sya sa ballpen.

"Try mong sulatan yung papel!"

Mungkahi ni Sam, tinignan na lamang sya ni Bela.

"Sinubukan ko na dating sulatan ang Cass pero 'di naman masulatan!"

Sagot nya kay Sam na tila may pagkainis sa tinig.

Hinawakan na lamang ni Sam ang balikat ni Bela't nginitian sya.

"Ika mo galing yan sa Cass diba? Baka gumana."

Tinitigan nya ni Sam ng ilang saglit, ibinaling naman ni Sam ang kanyang tingin sa ballpen.

"Sige na Bela! Subukan mo!"

Napabuntong hininga nalamang si Bela na tila nagiipon ng lakas sa kanyang kaliwang kamay hawak hawak nya ang Cass at dahan dahan itong itinaas.

Bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso, tulad nung panahon na kasama si Dave sa menro.

Habang palapit ng palapit ang ballpen sa Cass ay sya namang pagbalik ng alaala nya kasama si Dave.

Napapikit na lamang si Samantha, tila batang natatakot sa mga paputok tuwing bagong taon. Ngayon mas humigpit pa ang pagkakakapit nya kay Bela.

Lumapat na ang bola ng pluma sa papel. Walang nagyari.

Dahan dahan nilang binuksan ang kanilang mga mata at nagmasid muna sa kapaligiran. Walang nagbago.

Pagtingin naman nila sa Cass ay laking gulat nila na nagmarka ang tinta mula sa ballpen.

Nagtitigan sila't nagpatuloy naman si Bela sa pagsulat. Ang tuldok naging linya at ang linya naging hugis.

Ang unang hugis na kanyang ginawa'y parisukat.

Nanatili ang hugis sa papel tinitigan itong mabuti ng dalawa.

'Di parin makapaniwala sa kanilang nasasaksihan.

Napatingala si Samantha at nanlaki ang mata sa nasilayan...

"P*T* TIGNAN MO BELA!"

Nagmamadali nyang sinabi kay Bela, agad namang tumingin si Bela sa direksyon na itinuturo ni Sam.

"Wala naman ah!"

Inuusisa lang ni Bela ang direksyon na itinuro ni Sam nang sya'y nagsimulang humalakhak.

"Isssaaprank!"

Sabay halakhak habang pinapalo-palo ang balikat ni Sam.

Inner peace! Inner peace!

Kumbinsi ni Bela na 'wag sapakin si Sam.

Naglakad na lamang papalayo si Bela, sumunod na agad si Sam ngunit natalisod nya ng bato.

Bumagsak sya sa likuran ni Bela na ngayo'y 'di na maipinta ang itsura.

Agad namang tumayo si Sam at pinagpag ang damit ni Bela.

Mula sa pagkalagapak ay dahan-dahang naupo si Bela, masakit man ngunit tila wala na syang nararamdaman.

Pagtingin nya sa Cass ay wala nang nakadrawing duon.

Inikot nya pa ang papel ngunit wala talaga.

Tumayo na lamang sya't ibinulsa ang Cass at ang ballpen.

Sa kanyang paghakbang tila may natapakan syang nabali.

Nung una'y akala nya sanga lang yung gumawa ng ingay, maging si Samantha ganun din naiisip.

Pagtingin nya sa baba'y mayroong kung anong bahay syang natapakan.

Dahan dahan inabot ang bagay na ito, nabalot ng tensyon ang paligid na tila ba ambigat bigat ng hangin.

Maging si Sam, ngayon nakatago parin sa likod ni Bela, ay takot na takot sa maaring lumabas sa ilalim ng mga dahon.

"AAAAAAH!"

Sigaw ni Bela, sya namang laking gulat ni Samantha na napalundag pa sya.

Agad namang tumawa si Bela.
"Sawakas nakaganti din, kala mo ha!"

'Di nalamg umimik si Sam, tinitigan nya nalamang ang direksyon ng bagay. Agad namang sumunod si Bela at muli na itong inabot.

Dahan dahan nyang itinaas ang bagay, isang parisukat na kulay itim.

Agad nanlaki ang mata nilang dalawa't...

PU--

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

301K 21.9K 26
Avantika Aadish Rajawat Aadi, with his fiery nature, adds intensity and excitement to their relationship, igniting a spark in Avni. Avni, like the ca...
178K 6.5K 81
Not many people understood 12 year old Jessica, as a person and an individual. That doesn't include, however, her older sister, who Jessica adores w...
490K 17.3K 195
(Fan TL) Won Yoo-ha, a trainee unfairly deprived of the opportunity to appear on a survival program scheduled to hit the jackpot, became a failure of...
Cecilia By Anastasia

General Fiction

30.8K 733 27
Cecilia's father, a well-known and successful lawyer, was tired of her problems. Tired of the issues she had been causing for the family and it's nam...