LIVING WITH MY EX

By Thaeryzxia

8.2K 1.2K 3

I didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Final Chapter

Chapter Thirty

147 23 0
By Thaeryzxia


"Babe." Napaangat ako ng tingin at napatigil sa pagsubo ng pagkain.

"Nagrequest ka daw na wag munang papasukin sina Ashna sa bahay."

"Oo nga pala sorry nakalimutan kong hindi ko pala bahay to." Sabi ko at tumayo. Nawalan na ako ng gana bwisit!

"Babe." Pigil nito sa kamay ko at pinaupo ako ulit.

"Anong sinasabi mo na hindi mo bahay to." Malambing nito sabi. "It's also your house okay? You can do whatever you want. Im just curious because they are your friends your always together bakit biglaan ang request mong ganun?" Napairap ako at inalis ang kamay nito sa akin.

"Sabihin mo na lang kung ayaw mo ng request ko ang dami mo pang sinasabi." Inis kong sabi. Napakunot noo ito na parang di ako naiintindihan.

"Okay, I won't ask you about it." Napabuntong hininga ito at hinalikan ako sa noo.

Pagkatapos nitong kumain nagpaalam na itong aalis.

"I love you, Call me if you need anything." Malambing nitong sabi. Hindi ako sumagot at tumango na lang.

"Mam eto na po yung lista." Magalang na sabi ni Yaya Tere. Ngumiti ako at kinuha yung grocery list.

Napatingin ako sa oras at alas 8 pa lang ng umaga. Sana naman walang ganap na mangyayare.

"Just wait me here. Tatawagan ko na lang kayo kapag kailangan ko na ng tagabuhat." Utos ko sa mga bodyguard ko ng makarating sa mall.

Palagi naman silang naiiwan sa labas dahil ayokong may sumusunod sunod sa akin lalo na kapag kasama ko ang dalawa.

Hindi muna ako namili at naglibot libot sa loob ng SM. Nasa thirdfloor na ako ng makarinig ako ng dumadagundong na boses, napatigil rin ang mga tao at napatingin sa pinanggalingan nun.

Napatakip ako ng bibig sa gulat ng makita si kuya Vinzo.

You know kung saan mas nakakatakot si kuya? Sa work kasi hands on sya at super super strict.

"The child almost lost his life because of your stupid performance!" Galit nitong sigaw. Nakakatakot ito at hindi makaangat ng tingin ang mga staff na pinapagalitan nito. Wala ring naglalakas ng loob na sumagot at depensahan ang sarili.

Marami pa itong sinabi na masasakit na salita. Mukhang sa kanya ata yung palaruan ng mga bata na nasa loob ng mall.

Napatigil ito ng mapatingin sa iba hanggang sa magtama ang mga mata namin. Awkward na ngumiti ako dahil parang mali na nakita ko syang ganoon. Hindi ito ngumiti at napaiwas lang ng tingin kaya napakunot noo ako.

Aalis na sana ako ng bigla itong tumakbo sa direksyon ko at hinarangan ako.

"Can we talk?"
"Ah oo naman kuya, hindi naman ako masyadong busy." Sagot ko at ngumiti. Sumunod ako ng naglakad ito papasok sa office nya ata.

"I don't want to ruin your relationship with Karic so let's just forget what happened." Napakunot ang noo ko pero tumango na lang.

Ang ibig ba nyang sabihin ang nangyare kanina? Pero ano naman ang koneksyon nun sa relasyon namin ni Karic?

"I just need to clear it. Walang kahulugan ang pangyayaring iyon." Tumango lang ako kahit na medyo hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin nito.

"Iyon lang po ba? Simple lang naman pong kalimutan iyon, wala po iyon Kuya." Nakangiting sabi ko.

"Yes i know. Because you love Karic so much and i know that." Tumango ito at sinabing pwede na akong umalis.

Para akong tanga na lumabas doon dahil iniisip ko yung sinabi ni Kuya Vinzo. Maapektuhan ba ang pagmamahal ko kay Karic sa pagsigaw nya sa mga staff kanina? Para akong mababaliw sa pagco-connect ng relasyon namin ni Karic sa nangyari kanina.

Namali mali tuloy ang nabili ko at hindi pa kompleto dahil sa gulo ng isip ko.


"Mama! Argh...!" Napaigtad ako sa gulat ng sumigaw si Aera at nagpapadyak ng mga paa nya.

"Kanina ka pa dumating eh pero hindi nyu po ako pinapansin! Is it because of last night? Im sorry na Mama please pansinin nyu na po ako." Nagmamakaawang sabi nito at hinawakan ako sa panga. Napanguso ito nagpuppy eyes.

"Im sorry anak magulo lang yung isip ko. Ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Sabayan mo po akong maglunch. Mamaya baka dumating na si master Jisu hindi pa ako naka-kakain." Pagmamaktol nito at tumalon talon sa inis.

Tumayo na ako at dinala na ito sa dining room. Inalis ko na lang sa isipan ko ang sinabi ni kuya Vinzo at baka mabaliw lang ako hindi ko pa rin mahanapan ng sagot iyon.

Pagkatapos kong pakainin si Aera tumambay lang ako sa kwarto at nag aral ulit para ready ako kapag bumalik na ako sa pag aaral. Sinigurado ko na ring handa na ang lahat na kakailanganin ko para wala na akong po-problemahin.

Napatigil ako sa pagscroll sa laptop ng tumunog yung phone ko.

You are the real definition of whore. Wala ka man lang pili at lahat pinapatulan mo. Nakakadiri ka! I don't know why Karic still don't want to leave you.

I wonder if you already have a disease for fucking everyone.

Napakuyom ako ng kamao at agad na blinock ang number at saka dinelete ang message nito.

"Sige gawin mo lahat ng gusto mo hanggang magsawa ka at marealize mong pinapagod mo lang ang sarili mo." Inis kong sabi at pinigilan ang sarili kong wag itapon ang cellphone ko.

Talagang nag e-effort ka pang magedit para siraan ako huh. Well sorry ka na lang at hindi mababayaran yang effort mo at baka makarma ka pang gaga ka!

Lumabas ako at naghanap ng ice cream para mabawasan ang inis ko sa babaeng iyon.

"Yaya hindi po ba nakapunta sina Ashna ngayon?" Tanong ko.

"Hindi po Mam hindi ko rin po nakitang bumisita sila sa kabilang bahay." Sabi nito na tinutukoy ang pinapagawang bahay nila Dyson.

Mga gagang yun talagang di ako kakausapin o magso-sorry man lang. Did i overreact? Ako ba ang may kasalanan?

Kasi naman, akala ko ba magkaibigan kami bakit pa nila ako tinanong ng ganun tapos iba pa yung tono ni Ashna. Inis na ginulo ko ang buhok ko at napahilata sa sofa.

"Mama!" Napabangon ako ng marinig si Aera. Tumatakbo ito papalapit sa akin nakauniporme pa.

"Tapos na class mo?" Tanong ko. Tumango ito at umupo sa tabi ko. Nakikain pa ito ng ice cream na nakalimutan ko na. Mabuti at hindi pa masyadong tunaw.

"Kanina pa po Mama, pero nakipaglaro pa po ako kay Snow kaya hindi pa po ako nakakapagpalit." Sabi nito. Nagulat ako ng makitang wala na yung laman ang ice cream.

"Basta talaga matatamis ang takaw mo no." Sabi ko at pinisil ang pisngi nito. Ngumiti lang ito at nagpaalam na magbibihis.

"Mama punta tayo kay lolo." Sabi nito at tumigil sa gitna ng hagdan.

"Nope magstudy kana lang anak o kaya makipaglaro dyan sa mga alaga mo." Napasimangot ito at bumalik sa akin.

"Pero mama matagal na po tayong hindi nakakapunta doon. Hindi nyu po ba namimiss si lolo? Gabi lang po kayo nagkikita eh."

"Sinagot mo rin ang tanong mo. Bakit ko mamimiss si papa eh gabi gabi nga kami nagkikita." Napanguso ito at nagsalubong ang mga kilay. Pinagcrus pa nito ang kamay habang nakatingin sa akin.

Maldita talaga.

"Sige na, magbihis kana doon." Mabilis na nagbago ang expression nito at masayang ngumiti at saka tumakbo.

"Aera be careful at baka mahulog ka!" Sigaw ko. Napatigil naman ito sa pagtakbo pero mabilis pa ring umakyat sa hagdan.

Hindi ako naghintay ng matagal dahil ang bilis nitong magbihis dahil sa excitement.

"Bakit di ka na lang magpabili ng computer kay Daddy anak at hindi mo na kailangan pumunta kay Papa para maglaro." Napasimangot at ilang beses na umiling.

"Gusto ko maingay at may kasama sa paglalaro. Kapag ako lang mag isa parang tanga naman ako nun!"

"Wala ka lang maaway eh." Bulong ko at napailing.

"Ang hilig mo sa away baka paglaki mo basagulera ka." Nanlaki ang mata nito na parang di tanggap ang sinabi ko.

"Hindi ako nang aaway Mama. Mabait kaya ako sabi ni Daddy. Sila yung may problema hindi ako!" Yeah right maniwala ka sa kunsintidor mong ama. Ang sarap nyung pagbuholin.

Agad na tumakbo ito palabas ng kotse ng makarating kami roon. Ang hilig talagang tumakbo kaya palaging nadadapa eh.

"Lolo!" Nagulat si Papa at walang nagawa at agad na binuhat si Aera ng tumakbo ito sa kanya. Mukhang kinakausap nito yung trabahador nya na naka-assign sa photocopy at print. Nasa labas iyon at nasa tabi lang ng canteen. Makikita agad iyon pagkapasok pa lang.

At dahil hapon na maraming estudyante ang nasa loob lalo na sa loob ng canteen.

Binati ko si Aling Dalya na busy dahil ang daming bumibiling estudyante. Halos babae ang naroon. Pinanood ko ang mga ito na mag usap habang yung iba nagpapaganda. Naghihiraman ng suklay. Hingian ng pulbo at cologne. Sumakit pa tuloy yung ulo ko sa iba't ibang amoy ng cologne.

Yung iba crush nila ang pinag uusapan yung iba naman school works. Tumayo ako at pumunta sa kids section. Nakita kong nakikipag usap si Aera sa batang babae doon dahil walang bakante na computer.

"Umalis ka dyan! The zombie is coming!" Tumili si Aera kaya nataranta yung bata at nakalimutan ang gagawin.

"Game over hahaha that's fun! Can i try?" Natawa ako at napailing dahil napakaplastic ng tawa nito. Gusto lang nyang agawin yung computer eh. Mabait naman yung bata kaya agad na tumango.

Napatingin naman ako kay Papa na busy sa malaking computer nito. Talagang dito pa sa kids section nya nilagay ang kanyang pwesto kahit na sobrang maingay.

"Ako naman." Napabalik ang tingin ko sa dalawa ng magsalita yung batang babae.

"Last na last na promise." Tinaas pa nito ang right hand na parang nanunumpa.

"Aera." Saway ko rito.
"Last na Mama." Balewalang sabi nito.
"Thaeryxia." Napanguso ito at agad na lumayo ng konti para makalaro yung bata. Napakunot noo ako ng tumakbo ito palabas at pumasok doon sa mga teenagers.

"Ako po bahala Mam." Nakangiting nag thumbs up yung boy ni Papa na syang nagbabantay doon. Tumango ako dahil may tiwala naman ako sa mga nagta-trabaho dito.

"Open mo na lang yung door para makita ko si Aera." Tumango ito pinatiling bukas yung pinto. Pero mukhang masamang ideya iyon dahil kahit nasa labas ako at malayo parang mabibingi rin ako sa ingay.

"Okay lang ba?" Tanong ko dun sa mga babae na nag aassist ng mga photo copy.

"Okay lang po Mam sanay na po kami." Nagpapaumanhing tumango ako at sinilip mula sa pwesto ko si Aera. Mabuti at doon sya pumwesto sa hilera na straight sa pintuan.

Nakaakyat ito sa upuan at nakatayo habang seryoso na nanonood ng laro. Minsan napapatingin sa kanya yung mga naglalaro at parang nadidistract pa.

"Ang galing! Teach me how to play!" Napatampal ako ng noo dahil mang iistorbo pa.

"Sa kabila yung games na para sayo, bakit ka narito." Napakunot noo ako dahil ang siga ng tono nito. Lumapit naman yung boy ni Papa at may binulong sa lalaki.

"Ganito talaga ako magsalita bro! Natakot ka ba bebe girl? Pasensya na po Mam!" Sigaw nito at nilingon ako sa labas. Ngumiti ako para iparating na okay lang.

"Kayo na lang po kuya teach me po." Sabi nito sa boy. She spread her arms na parang nagpapabuhat, nagdalawang isip naman yung lalaki pero sa huli binuhat pa rin si Aera pero wala pa isang segundo agad rin nitong binaba ang anak ko.

Natawa ako dahil mukhang nabigatan. Iginiya na lang nito si Aera sa bakanteng computer na naroroon.

"Babe." Gulat na napalingon ako at nakita nga si Karic na papasok. Akala ko kaboses lang. Lumapit ito at hinalikan ako sa pisngi at tumingin sa pintuan ng pambata.

"Where's my princess?" Tanong nito at papasok na sana sa loob ng pigilan ko ito.

"Nandyan sya." Turo ko sa nakabukas na pinto. Napakunot noo ito agad na pumasok doon.

"Daddy Im still playing!" Reklamo ni Aera na buhat na ni Karic palabas.

"You can't play that kind of games it's for boys only." Napanguso si Aera at sinamaan ng tingin ang ama.

"Who said that? Lahat kaya ng games pwedeng laruin ng boys at girls basta marunong ka lang." Inis na sabi nito at nagtatampong yumakap sa leeg ng ama.

"What are you doing here? Maaga kang natapos sa work?" Tanong ko.

"I can go home whenever i want babe. Umuwi na ako sa bahay at nalaman kong pumunta kayo rito."

"I still want to play!" Napabuntong hininga si Karic at pumasok sa kids station.

Nakita kong kinausap nito ang batang lalaki at binigyan ng pera kaya agad na umalis. Napailing na lang ako dahil noong nakaraang gabi ko lang ito pinagsabihan sa pagspoiled kay Aera pero eto na naman, ginagawa na naman nya.

"Babe mauuna na ako." Napalingon ito sa akin at napakunot ng noo. Kinausap muna nito ang anak at hinalikan sa noo bago lumabas.

"Let's give her a minute to play babe then we'll go home."

"Ulol minute ka dyan. Isang oras pa matatapos ang isang yan." Ngumiti lang ito at umupo sa tabi ko.

"Did you fight with my cousins?" Tanong nito habang hinahaplos ang bewang ko.

"Hindi ko alam baka ako rin may kasalanan nagover-react ata ako."

"Wag na nating pag usapan yun. Malapit na pala birthday mo. Saan mo gustong magcelebrate?" Pinigilan ko ito ng yayakap sana ito.

"Babe maraming bata dito." Napabuntong hininga ito at inakbayan na lang ako.

"I don't care about my birthday-"
"What? It's your birthday bakit wala kang pakialam doon. Nabanggit pa ni Ashna noon na minsan nakakalimutan mo raw birthday mo."

"Yeah, well its not that important babe." Hinampas ko ito sa braso at sinamaan ng tingin.

"We will celebrate your birthday in a beach resort dahil yun ang gusto ni Aera pero depende pa rin naman sayo kung gusto mo iyon. Pero mas prefer ko kung sa bahay na lang para hindi masyadong magastos." Hindi ito sumagot at tumatango lang sa sinasabi ko.

"Anong gusto mong regalo?" Tanong ko.
"What am i a kid? Just kidding, just give your yes-" inis na hinampas ko ito. Tumawa lang ito at niyakap ako.

"Babe wag muna please."
"Okay no pressure." Napairap ako at inalis ang yakap nito.

"No pressure daw pero minsan kapag may chance palaging sinisingit ang bagay na yun." Tumawa lang ito at hinalikan ako sa sentido.

"Lolo yung time po!" Sigaw ni Aera at napatayo.

"Anak ng! Wag kang sumigaw hindi ako bingi at ang laki na ng utang mo dito huh, hindi ka marunong magbayad."

"Daddy will pay you nga eh! Si daddy singilin mo. Argh... Nashut down na tuloy."

Tumayo ako at lumapit dito. "That's enough na anak let's go home." Napasimangot ito pero hindi na nagreklamo.

"Umuwi kana at wag ka ng bumalik dito malulugi ako sayo." Sabi ni Papa na hindi naman nakatingin dahil busy ito sa ginagawa.

"Lolo!" Tawag ni Aera. Napaangat naman ng tingin si Papa at tumingin sa direksyon namin.

Aera stick out her tongue and put her to hands in her ear and made a face. Napailing na lang ako ng agad na tumakbo ito palabas ng akmang tatayo si Papa para puntahan ito.

"Daddy let's go!" Rinig kong sigaw nito kaya lumabas na rin ako.

"What happened?" Nagtatakang tanong ni Karic.

"Wala nag aasaran lang sila ni Papa." Sagot ko

Continue Reading

You'll Also Like

101K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
201K 5.2K 35
HALOS matumba ako sa lakas ng sampal ni mama sakin. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa oras na iyon.Its all my fault kong bakit nagkaka ganito kami. ...