LIVING WITH MY EX

By Thaeryzxia

8.2K 1.2K 3

I didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Final Chapter

Chapter Twenty Five

153 26 0
By Thaeryzxia


Mabilis lang lumipas ang araw at bukas ay pasko na. Halos dito na tumira si Ashna at Veyra dahil ayaw nila sa condo nila at palagi daw silang napapagalitan doon.

"Bakit parang inabandona nyu naman kuya nyu. You know dapat magspend kayo ng time sa kanya kasi minsan lang sya kung umuwi dito." Sabi ko habang kumakain kami ng lunch sa bahay.

"Spend time my ass. Eh wala naman syang ginawa kundi sermonan kami araw araw kahit konting mali lang nagagalit agad feel naman nya perfect sya!" Inis na reklamo ni Ashna.

"True kung alam mo lang kung gaano kastrict si kuya baka mabaliw ka kung kasama mo sya araw araw." Napakunot noo ako dahil feeling ko sila naman ang may mali.

"Ano bang ginagawa nyu at nagagalit si kuya?" Tanong ko.

"Kahit simple lang nangse-sermon agad. Gaya na lang ng mug na pinag inuman namin ni Ashna kapag iniwan lang namin sa mesa nagagalit agad, if were eating some snacks tapos may crumbs na naiiwan, and then the towel—"

"Okay stop." Pigil ko rito at napailing.

"Di nyu ba narerealize na kasalanan nyu rin naman."

"What!?" Sabay nilang sabi. Napakunot noo pa ang mga ito.

"Well siguro dahil nasanay kayo noon na maraming katulong pero malaki na kayo at dapat alam nyu na kung ano ang gagawin. Kahit ako magagalit kapag iniwan lang yung mug sa mesa, dapat pagkatapos nyung gamitin hugasan nyu agad. My god feeling ko naglelecture ako kay Aera. Aray ko!" Sinamaan ko ng tingin si Ashna ng mahinang hinila nito ang buhok ko.

"May katulong naman na pumupunta tuwing linggo." Napanganga ako at napaisip kung ilang araw yung mga kalat nila bago malinis.

"And were busy para maglinis sa loob ng condo." Dahilan ni Veyra.

"Yucks! That's a big turn off." Sabi ko. Tinaasan ko lang sila ng kilay ng tignan nila ako ng masama.

"What? That's true kung ako siguro kasama nyu sasakit ang ulo ko palagi and busy? Excuse me, You are not!"

"Seriously guys you should learn how to clean your mess kasi duh! malalaki na kayo." Sabi ko

"Kasi mom always told us na don't do that don't do this kasi marami namang gagawa nyan."

"Noon!? Pero ngayon iba na." Natahimik silang dalawa at hindi na nakipagsagutan pa.

"Mama can I go with you?" Napatingin ako kay Aera na tumatakbong papalapit sa amin.

"Saan?" Agad na tanong ni Veyra.
"Wala bibili lang ako ingredients kasi gusto kong magluto bukas." Sabi ko, agad na nagtinginan ang dalawa at ngumiting tumingin sa akin.

"No! Wala akong isasama sa inyo feeling ko malas kayo eh. Sa tuwing magkakasama tayong lumalabas palagi na lang may ganap. Mas mabuti pa sigurong ako na lang aalis." Naningkit ang mata ni Ashna at hinampas ako sa braso.

"Okay lang po mama kasama naman po ako." Isa pa to, simula ng makaget over sa trauma nya palagi na lang nangyaya na lumabas.

"Oh gawin nating lucky charm si maldita. Walang mananabunot at magpapakitang monkey snake sa pupuntahan natin."

As always nakabuntot na naman silang dalawa sa akin at ang sabi pa nila busy daw sila pero marami silang time para sumama sa akin.

"Ice cream Mama!"
"No." Napasimangot ito at di na nagreklamo.
"Pringles po!" Turo ni Aera para kunin ko iyon.
"Hindi ka kumain ng kanin sa breakfast." Napanguso ito at tumahimik na ulit.

"You're so strict kumain naman sya ng toasted with bacon, okay na yun." Bulong ni Veyra sa akin.

"And she drink her milk." Dagdag ni Ashna. Napabuntong hininga ako at kumuha ng isa.

"Hindi pa sya kumakain ng lunch at inuna pa nyang makipaglaro kay Snow."

"Kasi po ngayon lang ulit ako pinayagan ni Daddy na lumapit kay Snow." Malungkot nitong sabi. Napabuntong hininga ako at kumuha ng isa.

"Bibilhin to ni mama pero kainin mo pagkatapos mong kumain ng lunch." Napangiti ito at agad na tumango.

"Three Mama." Sabi nito kaya kumuha ulit ako ng dalawa.

"Ang tipid mo no? Sumasakit yung ulo ko sayo kasi pinag iisipan mo pa yung mga flavors minsan kung ako sayo bilhin mo na lang lahat! And rami rami ng pera ng pinsan ko para tipirin mo."

"Kasi Ash alam ko ang halaga ng pera yung ibang tao hirap na hirap para lang magkapera, kung hindi ko lang naman kailangan at hindi magagamit bakit ko bibilhin." Umirap ako at tinulak na yung cart.

"Ano naman kaya ang connect ng ibang tao sa pagtitipid mo? Mapupunta ba sa kanila yung mga nasave mong pera?"

"Oo naman po tita! Kapag nagdonate po kayo mapupunta po talaga sa kanila iyon." Sabat ng anak ko.

"Ganun!?" Hindi ko na sila pinansin at nagfocus sa paghahanap ng mga kailangan ko.

"Z-zertyl?" Napalingon ako at nakita si Yira.
"Zertyl oh my god nakita rin kita!" Nagulat ako bigla itong lumapit at niyakap ako.

"Ikaw nga yung nakita kong pumasok sa entrance kaya sinundan kita rito."

"Hey! What the hell are you doing!? Wait, you look familiar." Hindi nakapagsalita si Yira at yumuko lang ito.

"Sya po yung nagbuhos ng drinks sa dress ni Mama." Agad na naningkit ng mata ang dalawa at tinulak si Yira palayo sa akin.

"Zertyl pwede ka bang makausap? Please...." pagmamakaawa nito sa akin.

"No, she can't busy ngayon si Zertyl." Sabi ni Ashna. Si Veyra tahimik lang at hindi ito nakikialam pero masama pa rin ang yingin nito.

"Z-zertyl maawa ka please pinagsisihan ko na yung ginawa ko sayo inaamin kong inggit na inggit ako sayo noon kasi palagi kang napapansin ng mga customer natin kaya masama ang trato ko sayo." Naiiyak nitong sabi. Magsasalita sana si Ashna ng pigilan ko ito.

"Oo at sinadya kong itabig yung drinks mo pero hindi ko naman ideya iyon. Totoong inutusan lang ako ni Kasan."

"Pero ginusto mo pa rin ang utos nya." Malamig kong sabi. Napakagat ito ng labi at guilty na tumango.

"Patawarin mo ako Zertyl please..... please sana pakiusapan mo si sir Karic na tama na." Hindi ko alam ang gagawin ko ng umiyak ito sa harapan ko.

"Nang tanggalin ako ni Miss Alina sa trabaho naghanap ulit  ako ng trabaho pero kahit ni karenderya walang tumanggap sa akin, bigla ring nawalan ng trabaho si papa. Zertyl sobra naman ata to." Napaawang ang labi ko sa mga sinabi nito.

"Pinagsisihan ko na Zertyl please kausapin mo naman si sir Karic please.."

"Are you accusing my cousin to your miseries?" Masungit na tanong ni Ashna.

"Mam si sir Karic lang naman po ang may kakayahan na gawin yun kasi po ginawa na rin po nya iyon sa isang kasamahan namin noon."

"You know what you should take this as a lesson. Kung insecure kayo or what just keep it to yourself hindi yung gagawan nyu ng masama yung tao. Hindi naman kasalanan ni Zertyl na maganda sya para inggitan nyu. Ngayon iiyak iyak kayo kasi huli na para magsisi kayo." Inis na sabi ni Veyra.

"Tama na." Mahinang sabi ko at hinarap si Yira.

"Kakausapin ko si Karic pero hindi kita maassure na babalik ang trabaho mo sa restaurant ni Alius." Ilang beses na tumango ito.

"Alam ko Zertyl."
"Kung si Karic nga talaga ang dahilan kung bakit nawalan ng trabaho ang papa mo. I'll assure you na mababalik agad iyon."

"Salamat Zertyl napakabuti mo." Tinanguan ko ito ng magpaalam na itong aalis.

"Di kaya scam iyon at talagang sinusundan ka, kasi paano ka nya nahanap dito, of all place sa supermarket pa talaga." Di pa talaga tumitigil si Ashna, mukhang sya pa yung mas galit kesa sa akin.

"She's holding a brown envelop maybe she's applying for a job here." Sabi ni Veyra.

"Mama." Napatingin ako Aera na hinila na ang skirt ko para tawagin ang atensyon ko.

"Im hungry na po tapos na yung drama can we eat na?" Natawa ako pinisil ang pisngi nito.

"Yes baby tapusin lang ni mama to konti na lang baby." Sabi ko.

"I wonder kung anong klaseng drama ang mangyayare sa susunod na lalabas tayo." Sabi ko ng makauwi sa bahay.

"Lolo!" Napalingon ako at nakita si Papa na kausap si kuya Vinzo.

"Uh oh! Nandito si kuya." Nagkatinginan ang dalawa at agad na naglakad paalis.

"Maaga kayong nagsara Pa?" Tanong ko.
"Where's my sisters? I know they're here." Tinuro ko sa taas kaya agad na umalis ito.

"Kamukha ni Artus." Sabi ni papa habang sinusundan ng tingin si kuya Vinzo.

"Sino ho Pa?" Tanong ko ulit.
"Yung bestfriend ko noon." Napatango ako at napatitig sa mga mata ni Papa.

"Miss nyu?" Biro ko. Ngumiti ito at inakbayan ako.

"Hindi anak! Highschool pa lang ng nagkahiwalay kami kasi nag aral sa ibang bansa galante rin ang pamilya nun eh." Nakangiting sabi nito.

"Kuya wait!" Napatingin kami kay Ashna na hinahabol si kuya Vinzo nakasunod si Veyra dito.

"Maglilinis na ako kuya I can even do the laundry or do the dishes magva-vacuum rin ako just don't throw my bags. Oh god you can't throw it kuya." Parang mamatay naman tong si Ashna kung makapagsalita. Halos lumuhod na ito para pigilan si kuya Vinzo.

"Okay sabi mo yan huh. Kapag hindi mo nagawa lahat ng yun hindi kayo makakapunta rito bukas para sa pasko." Nanlaki ang mata ni Ashna at inis na hinampas si kuya Vinzo sa balikat.

"Ikaw rin naman dito ka rin naman magpapasko!"

"Then?" Hindi na sumagot si Ashna at inis na umalis ito at hindi na nakapagpaalam.

Nagpapadyak pa ito na parang bata kaya rinig na rinig sa buong bahay ang tunog ng heels nito.

"Ang you Veyra your towel in your bathroom should—"

"Yes kuya yes!" Agad na pigil ni Veyra dito.
"These kids." Napailing na sabi ni kuya ni Vinzo.

"We're not kids!" Sigaw ni Ashna na narinig  pa ang sinabi ni kuya.

"Yeah right." Bored na sabi ni kuya at napailing na lang.

"What are you doing here again?" Masungit na tanong ni Karic na kakarating lang. Nilapitan ko ito at palihim na kinurot aa gilid.

"Wag ka ngang ganyan." Saway ko rito.
"Don't worry Zertyl sanay na ako sa gagong yan."

"Where's my princess?" Tanong nito at di pinansin si kuya Vinzo.

"Baka natutulog na, napagod ata sa paglalaro sa mall. Nagvideoki pa sila ni Ashna hanggang sa mawalan sila ng boses."

"Daddy!" Nanlaki ang mata ko ng makita ito  sa taas at nakangiting kumakawat sa amin.

"Anak ng! Akala ko ba natutulog na yan." Sabi ko at naglakad papuntang hagdan, habang papalapit ako nakita kong may hawala itong ipad.

"Your mama told me that you're already sleeping." Sabi ni Karic ng makaakyat kami. Binuhat nito si Aera at pumasok sa kwarto namin.

"It's too early to sleep Daddy hindi pa nga po gabi eh. Nagbasket po kami ni tita Veyra and I won!" Masayang pagke-kwento nito sa ama.

"Aera did you eat chocolates again?" Tanong ko dahil napakahyper nito. Kanina halos magpakarga na ito sa akin dahil sa pagod. Tapos ngayon hindi ko man lang makitaan ng pagod ang mukha nito.

"Sinong nagpakain sayo?" Hindi ito sumagot at nakatingin lang sa akin. Lumabas ako at pumasok sa kwarto nya.

"What the! Kailan pa to?" Tanong ko sa dalawa na sumunod sa akin.

Meron ng mini refrigerator sa loob ng kwarto ni Aera.

"Bigay po ni Daddy para may lalagyan po   ako ng chocolates ko." Mahinang sagot ni Aera. Tinignan ko ng masama si Karic at saka galit na lumabas ng kwarto.

Nililimitahan ko na nga ang pagkain ni Aera ng chocolates tapos naglagay pa sya doon ng mini refrigerator. Hindi ba nya naiisip ang masamang epekto nun sa anak nya.

Tamad pa namang magtoothbrush ang isa.
"Babe." Bago pa ito makapasok sa kwarto pinagsarhan ko na ito ng pinto.

"Anak ng! Magpapasko na bukas nag away pa talaga kayo." Sabi ni Ashna na kakarating lang.

"Ayoko lang na kinukunsinti nya si Aera. Masama sa bata ang kumain ng chocolates araw araw." Naiinis kong sabi.

Natapos ang araw ng hindi ko pinapansin si Karic.

"Babe morning." Malambing ako nitong hinalikan sa pisngi. Agad na sinamaan ko ito ng tingin at tinulak ng mahina.

"Come on. Im sorry inalis ko na para hindi ka na magalit. Im really sorry babe I just want to spoil her."

"Spoil? Hindi maganda yang ginagawa mo Karic lalaki ang ulo ni Aera." Napabuntong hininga ito at hinalikan ulit ako.

"Im sorry." Bulong nito.
Napabuntong hininga ako at tumango na lang. Christmas ngayon ayokong masama ang loob namin sa isa't isa. I mean ako lang pala

"Okay fine. Just talk to your daughter Karic. Malaki na si Aera nakakaintindi yun kapag pinagbawalan sya, wag ka lang magpadala sa pagpapaawa nya." Napangiti ito at binigyan ako ng maliliit na halik. Natawa ako at tinulak ito ng mahina.

"Merry christmas babe."
"Merry christmas alis na dyan at maliligo ako. Kailangan ko pang magluto." Sabi ko at kinalas ang yakap nito.

"Merry chrismas!" Sigaw ni Ashna.
"Mamaya pang 12 ang christmas." Sabi ko. Ngumiti lang ito at inabutan ako ng apron.

"Christmas pa rin ngayon."

"Anong ginagawa nyu?" Tanong ko dahil may mga harina pa sa mukha nito.

"Were baking." Sagot ni Veyra na lumabas sa kusina.

"Mama good morning po!" Nakangiting tumakbo ito sa akin at hinila ako paupo.

"Im sorry na po Mama! Take this as my peace offering. Merry christmas po." Napangiti ako ng bigyan ako ng maliit na cookies.

"Tikman mo dali." Excited na sabi ni Ashna.

"Hmm....walang lasa." Biro ko. Agad na nawala ang mga ngiti nila.

"Joke lang haha masarap sinong nagbake?" Tanong ko.

"Kaming tatlo of course." Sagot ni Veyra.
"Ang aga nyung nagising." Sabi ko at sinuot na yung apron na bigay ni Ashna.

"Of course! First time kasi to eh. Last year bumili lang kami ni Ash ng cake at natulog lang pero ngayon iba na kaya dapat mag effort tayo para magkaroon ng masayang pasko!" Napangiti ako at tumulong na sa pagluluto.

"Good morning ladies." Napalingon kami at nakitang pumasok si Alius at Dyson na may mga dalang regalo.

"What are you doing here? Nandoon sa salas yung lagayan ng mga gifts. Doon na kayo." Pagtataboy ni Ashna sa mga ito.

"You've been eating a lot of sweets these past few days." Sabi ko kay Veyra na kumakain ng cookies.

"See napansin rin ni Zertyl, sinabi ko rin sa  kanya iyon." Sabi ni Ashna.

"Really? Kaya siguro nagkakaroon na ako ng baby fats." Sabi nito at napahawak sa tyan.

Baby bump you mean?

Busy kaming lahat buong maghapon kaya pagkarating ng gabi pagod na kami at naisipang matulog at gumising sa 12 ng gabi.

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na alarm sa buong buhay na sinet up ni Ashna.

"Merry christmas everyone, come on and get up!" Nakakarindi pa dahil boses nya iyon. Agad na nagbihis kami at lahat kami ay nakared.

"Merry christmas oh my god ang sarap pala sa feeling na magcelebrate ng ganito kapag marami." Masayang sabi ni Ashna at niyakap.

"Merry christmas rin, bukas na tayo mag bukas ng mga regalo. Kumain na tayo." Lahat sila sumang ayon dahil gutom na rin siguro. Hindi kami naghapunan kanina at diretso na agad sa kama dahil sa pagod.

"No wine for you." Nakangiting kinuha ko sa kanya ang wine.
"What? Why?" Nagtatakang tanong nito.
"Ah... kasi.... ang daming cookies na kinain mo kanina tapos puro cake pa yung kinain mo ngayon kaya hindi pwede." Pagdadahilan ko kahit di ko naman alam kung hindi ba pwede iyon.

"Ganun ba yun? Okay fine mag tu-tubig na lang ako since ayokong uminom ng juice ang pangit ng lasa."

"No alcoholic drinks okay?" Paalala ko rito. Ngumiti ito at nagthumbs up habang naglalakad paalis.

"Bakit nagbabawal ka na ngayon Zertyl?" Nagulat ako ng bigla na lang nagsalita si Alius sa tabi ko. Kanina nasa labas pa ito nagpapaputok ng kung ano ano.

"Wala." Sagot ko. Ayokong ipagsabi sa iba dahil hindi rin naman ako sure at isa pa ayokong pangunahan si Veyra.

"Mama fireworks!" Sigaw ni Aera at hinila akong papuntang glass door.

"Ang ganda!" Tuwang tuwa ito nagpapapalakpak pa.

"Okay everyone let's cheers!" Sigaw ni Ashna at tinawag kaming lahat. Napatingin ako kay Veyra at nakahinga ng maluwag ng makitang tubig ang hawak nito.

"Here, ngayon lang Zertyl." Sabi nito ng tanggihan ko yung wine na binibigay nito.

"Fine." Ngumiti ito at binigyan rin yung iba.

"Merry christmas!" Sigaw naming lahat at nagcheers. Napangiti ako ng nagtawanan ang lahat at masayang nag uusap.

Napatingin ako kay Karic ng hapitin ako nito sa bewang at binigyan ng halik sa labi.

"Merry christmas I love you."
"I love you too." Nakangiting sagot ko. Nanlaki ang mata nito at napaawang ang labi. Lumuwag rin ang pagkahawak nito sa bewang ko.

"W-what?" Di makapaniwalang sabi nito.
Ngumiti ako at hinila ang mukha nito at saka hinalikan ang labi nito.

"I love you."

Continue Reading

You'll Also Like

8.7K 208 22
How can you love someone in a small amount of time?
2M 25K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...