Drifting with the Waves (Elyu...

By hanmariam

911K 37K 19.3K

ELYU SERIES #1 In the sleepy town of San Juan, La Union, the waves are unrelenting. Sereia Montanez leads a q... More

Drifting with the Waves
Prologue
Part I: The Rise
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Part II: The Fall
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Part III: The Shore
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
Bonus Chapter
Character Profile

Chapter 28

12.5K 678 547
By hanmariam

"Ivo! Ang tangkad-tangkad mo na, ah?!" natutuwang wika ng adviser namin noong fourth year. "Hinay-hinay lang!"

"Ma'am!" ngumisi naman si Ivo at nilapitan siya."Gumaganda ka ata lalo sa tuwing nagkikita tayo."

Tumawa si Madam at hinampas ng papel si Ivo. "Hindi mo na ako kailangang bolahin, hindi na kita estyudante, 'no!"

Nginitian ko din siya at lumapit. Kailangan ko kasi ng recommendation letter kaya napili kong siya ang sumulat para sa akin. Kukuha din ako ngayon ng high school transcript at school report galing sa high school counselor namin.

"Ito namang Raya namin, magin-NYU na! Nakaka-proud ka talaga!" hinila niya ako at niyakap. Nagulat pa ako dahil hindi naman talaga kami close. Sina Lulu at Ivo lang naman ang palaging dumadaldal sa kaniya. Napapansin niya lang ako kapag mataas ang score ko. Alam ko na rin ang buong buhay niya dahil palaging pinapa-kwento ni Ivo sa klase.

"Salamat, Ma'am..."

"Ito ang recommendation letter. Kung sakaling kailangan mo ng soft copy, i-email mo lang ako, ah? Good luck sa iyo!"

I nodded gratefully and smiled at her. Nag-usap pa kami saglit tungkol sa kursong kukuhanin ko at sa mga opportunities na makukuha ko sakaling itutuloy ko ang NYU. Ito nalang kasi ang kulang ko at pwede ko nang ipa-process kay Mama. Mas maalam kasi siya dito kaya ako nalang ang umasikaso sa requirements.

Nagpaalam na kaming dalawa at nagtungo sa guidance office.

"Naalala mo yung na-guidance ka dahil sinuntok mo si Mateo?" natatawa kong tanong kay Ivo habang naglalakad kami patungo roon.

"Paanong hindi ko maalala eh first record ko yun, eh! Buti nga ni-release-an pa nila ako ng good moral certificate. Gago talaga ang Mateo na yun."

Natawa ako dahil ang dami pang sinabi ni Ivo tungkol sa insidenteng iyon. Nang makarating kami doon, bumati ako sa SA at pumasok sa loob.

"Good luck sa NYU, Miss Montanez..." nakangiting wika ng high school counselor namin. "Unang beses kong mag-draft ng school report para sa NYU application. Nakaka-proud naman."

Alanganin akong ngumiti. Even though I'm already processing my requirements, I haven't made my decision yet. Baka mamaya, nakapag-decide akong mag-aral dun tapos hindi naman ako makapasa. Nakakahiya!

Nakipag-chikahan pa si Ivo sa guidance counselor namin kaya natagalan kami doon nang kaunti bago kami tuluyang nakalabas ng school. Sakto namang uwian na ng mga estyudante kaya naroon ulit ang mga nagtitinda ng street foods.

"Kain tayo!" masaya akong hinila ni Ivo sa mga nagtitinda na para bang ngayon lang ulit ito nakakain ng street foods. Napailing nalang ako at sumama sa kaniya, ingat na ingat habang dala ang envelope na naglalaman ng recommendation letters ko.

Habang namimili ako ng bagong lutong fish ball, bigla nalang akong siniko ni Ivo kaya napatingin ako sa kaniya.

"Yan ata yung tricycle kung san ka nag-123, eh. Memorize ko ang plate number. 093006."

Nanlaki ang mga mata ko at napatingin dun sa tinuturo ni Ivo na tricyle. Tumatawa na siya ngayon.

"Sigurado ka bang memorize mo o pinagloloko mo lang ako?" pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Atsaka, hindi ako nag-123, ah! Nagbayad ako!"

Tumawa lang si Ivo sa sinabi ko. Mukhang hindi pa ata naniniwala!

"Ano gusto mo, kausapin natin si Manong?"

"Gagi, huwag na!" pinagsasapak ko siya dahil aakto pa siyang lalapit dun sa tricycle.

Tumawa si Ivo. "Nagmumura ka pala?"

"Nakakainis ka, eh!" Singhal ko sa kaniya.

Ivo just chuckled and ruffled my hair. Mas lalo pa akong nainis sa kaniya. Parang bata naman, eh!

Pagkarating ko sa bahay, sinabi ko kay Mama na nakuha ko na ang mga recommendation letter. Ilang araw na namin 'tong tinatrabaho para makaabot pa ako sa application.

"Dito, pirmahan mo..." wika ni Mama habang tinuturo ang ibabang bahagi ng papel. Naningkit ang mga mata ko dahil malabo iyon sa paningin ko. Mukhang napansin ata ni Mama dahil inalis niya ang kamay at tiningnan ako.

"May problema ka ba sa mata, anak?"

I quickly looked away. Hindi ko naman kasi pinaalam sa kaniya simula nung dumating siya kaya wala din siyang kaide-ideya.

"Nagpacheck na po ako. Kailangan ko daw magpasalamin."

"Maninibago ka sa salamin, Raya. Tsaka, mag-aaral ka na sa NYU. Dapat komportable ka. Gusto mo bang magpa-lasik surgery nalang?"

Napaawang ang bibig ko sa gulat. Lasik surgery? Eh ang mahal nun!

"Huwag na po—"

"Kapag hindi mo yan inagapan, mas lalong masisira ang mata mo." She said calmly.

Natahimik ako. Hindi ko nga ma-imagine ang sarili kong naka-salamin, at kung sakali mang sagabal ito, masasanay naman na siguro ako.

I bit my lower lip. "Babayaran ko nalang po kayo kapag may trabaho na ako..."

"Raya, hindi mo ako kailangang bayaran. Anak kita, eh. Responsibilidad ko 'to."

Hindi ako nakaimik kaagad. Lumaki kasi akong mulat sa hirap kaya hindi ko akalaing afford na namin ang mga bagay na ito.

"Sa susunod, magsabi ka, ah? Kung anong nararamdaman mo, kung may masakit ba sa iyo. Nandito na si Mama, eh."

Biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Ilang taon ko bang gustong marinig ang mismong mga katagang 'to? Palagi kong ini-imagine kung anong feeling na narito ang nanay at inaalagaan ka. Ito pala yun.

I gave her a polite smile. "Salamat, Mama."

Pagsapit ng sabado, kinakabahan akong nagbihis para sa birthday ni Ivo. Ang sabi ni Papa, mag-tricycle nalang daw kami papunta sa resort pero hindi nagbibiro si Ivo nang sinabi niyang magpapadala daw siya ng sasakyan. Nagulat nalang kaming lahat nang makita ang sasakyan nila sa harap ng bahay namin at may naghihintay pang driver.

"Ate! Halata ba ang tiyan ko dito?" mukhang stressed na si Selena nang pumasok siya sa kwarto ko, suot ang isang floral maxi dress. Off-shoulder iyon at flowy sa baba kaya bumagay sa kaniya.

Umiling ako. "Hindi naman."

Napatingin si Selena sa kalat sa desk ko. Kaagad ko iyong niligpit at tinago sa kaniya.

"Yieee, gift mo ba yan kay Kuya Ivo?"

"Napaka-tsismosa naman." Suplada kong wika sa kapatid.

"Patingin!"

"Bakit? Ayoko!" pinandilatan ko siya ng mga mata. "Bumalik ka na nga sa kwarto mo, mali-late na tayo eh."

"May confession ba yan, Ate?"

Pinulot ko ang tsinelas at aaktong papaluin siya kaya agad siyang tumili at lumabas ng kwarto. Narinig ko pa ang halakhak niyang nang-aasar kaya napairap ako.

Ibinaba ko ang tsinelas at tiningnan ang sarili sa salamin. Ang sabi naman ni Ivo, casual lang kaya hindi na ako nag-abalang bumili ng bagong damit. Kulay green na summer slip dress ang suot ko. Asymmetrical ang hem noon at medyo backless din ang likod. Wala kasi akong maisip na ibang susuotin kasi sa beach naman ang party.

Nilugay ko nalang ang kulot kong buhok at nagsuot din ng kulay green na headband. Kinuha ko ang photobook na ginawa ko para kay Ivo at isinilid sa bag ko. Hindi ko pa alam kung paano ko 'to ibibigay sa kaniya mamaya. Baka meron silang lamesa dun na para sa mga regalo talaga. Nakakahiya naman kung ganun!

"Anak, sigurado ka bang ito yung address?" tanong sa akin ni Papa nang makarating na kami sa resort.

"Ito yun! Diba, Kuya?" si Sonny ang sumagot sa akin at binalingan ang driver na naghatid sa amin.

"Ito po yun, mga Sir." Sagot naman niya at may ibinigay sa guwardiya bago kami pinapasok.

"Ang sosyal naman pala dito. Feeling ko underdressed ako," bulong ni Selena sa akin.

Napalunok ako nang makita ang magarang building. Mas maganda ang resort na ito kesa sa kabila na palagi naming pinupuntahan. Mukhang pang-mayaman lang ata talaga dito.

Isa-isa na kaming bumaba sa sasakyan at napatingin sa paligid. Manghang-mangha pa si Sonny dahil first time ata naming lahat makapasok sa ganito ka-garang resort.

"Miss Montanez? This way, please..."

Nagulat ako nang may lumapit na matangkad na babae sa amin. Naka-uniform at naka-heels. Sinundan ko siya at sinenyasan ang mga kapatid ko na sumunod din sa akin. Sina Mama at Papa naman ay nasa likuran.

Nilagpasan namin ang lobby at nagtungo sa malaking function hall. Nanigas ako nang makita kung gaano karaming tao ang naroon. Napapatingin pa ang iba sa amin at kaagad akong yumuko dahil nakakahiya.

"Anak, tama ba 'tong pinasukan natin? Uuwi nalang siguro ako. Ang daming mayayaman, eh!" bulong sa akin ni Papa.

Kaagad kong hinawakan ang kamay niya dahil akmang aalis ito. "Papa, hahanapin ka ni Ivo mamaya, eh. Huwag mo nalang pansinin ang mga tao," wika ko kahit na ako mismo ay nac-conscious na sa kakatingin nila sa amin.

"Sereia!"

Nagulat ako nang sumigaw nang malakas si Lulu. I bit back a sigh of relief when I finally saw a familiar face in this luxurious crowd. Kasama niya ang Mama niyang sobrang ganda na mukhang pageant ang pupuntahan at hindi birthday party.

Lumapit silang dalawa sa amin. Lulu pulled me into a hug. Nakahinga din ako nang maluwag nang makitang summer maxi skirt lang din ang suot niya tsaka crop top na white. Ang dami pang bangles sa kamay niya.

"Mommy, si Sereia, you remember?" nakangiting wika ni Lulu nang maghiwalay kami.

"Of course. How have you been?"

"Okay lang po..." na-aawkward akong tawagin siyang Tita kaya hindi ko nalang dinugtungan. Hindi naman kasi kami close, eh.

Nagpaalam na ang dalawa sa amin dahil doon daw sila sa table nila. Tumango naman ako.

Isa-isa na ding dumating ang mga kaibigan namin. Kasama ng kambal ang tatay nila at lolo na intsik rin. Naka-suot pa ng Tang suit ang Lolo niya at si Yari, mukhang napilitan lang din na magsuot ng Cheongsam dress dahil sa simangot sa mukha nito.

Kinawayan ko sila dahil hindi naman ako makalapit. May mga assigned tables kasi bawat pamilya.

"Hindi ko alam na Escarra pala si Primitivo," ani Mama habang nakatingin sa iba't ibang bisita.

I laughed awkwardly. "Ako, matagal ko nang alam pero hindi ko ini-expect na ganito pala."

Nginitian lang ako ni Mama. Mukhang formal party ata ito na may program dahil nakita kong umakyat sa stage iyong Dad ni Ivo. Hindi naman sila magkamukha. Mas nakuha ni Ivo ang mukha niya sa Mommy niya kaya maamo ito. Kulay lang ata ng balat ang nakuha niya sa Dad niya.

"Today, we celebrate two important milestones in the Escarra family. One, the opening of the luxury resort we've been planning for years and two, the 19th birthday of my only son and the heir of the Escarra Corporation, Primitivo."

Nagpalakpakan ang mga bisita nang umakyat din sa stage si Ivo. Parang ayaw pa ata nitong pumunta kaya kinurot pa siya ng Mommy niya sa tagiliran. Nakasimangot siyang tumabi sa Daddy niya. Matangkad si Ivo pero mas matangkad pa rin ang Dad niya. Kahit na loko-loko minsan tingnan si Ivo, kapag tinabi sa Dad niya, napaka-intimidating nilang tingnan.

I sighed. Sabi ko na nga ba. Kahit sulyap lang sa mundo niya, alam kong manliliit talaga ako. Party lang ito, eh. Pero pakiramdam ko, hinuhusgahan ako ng lahat ng taong narito. Paano pa kaya kung tuluyan na akong pumasok sa mundo niya?

May iba pang sinabi ang Dad ni Ivo sa harapan at ikinuwento din kung paano nila itinayo ang resort. I think it was meant to inspire other business owners. Nagulat ako nang makitang may mga media rin na naroon. Nakasuot sila ng ID at mukhang nire-record ang mga speech at iba pang importanteng part ng event.

Napatingin ako sa menu sa harapan at pinulot iyon. It seems they hired one of the best chefs in La Union to cater to this event. Nakalista doon kung anong kakainin pang-appetizer, main course, dessert, at beverages.

"Ang bigat ng kutsara nila, Ate, parang pwedeng isangla..." bulong ni Sonny sa tabi ko kaya siniko ko siya.

Sinulyapan ko ulit si Ivo. May mga kausap na siya ngayon kasama ang Dad niya. Matatanda na ang mga ito at mukhang mga negosyante. Ivo is awkwardly holding a glass of wine while nodding to them. He must've felt the burn of my stare amidst the crowd, or it could simply be a coincidence, but he turned to me. Our gazes met. He waved at me and smiled. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang tinitingnan niya kaya lumingon ako sa likod pero wala namang ibang tao. Binalingan ko ulit siya. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya itinuro ko ang sarili ko.

"Ako?" I mouthed.

Ivo chuckled. Biglaan iyon kaya nagtaka ang mga kausap niya. He excused himself and started walking towards us.

Nag-panic kaagad ako. I smoothened the invisible crease of my dress to give my hands something to do. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

"Raya..."

Tumindig ata lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko ang boses niya sa likuran ko. Natatakot akong lumingon dahil baka ang lapit pala ng mukha niya sa akin kaya pumirme lang ako.

"Happy birthday," I said in a monotone, still not turning to him.

I heard him chuckle again. Hinila niya ang upuan sa tabi ko at naupo tabi sa akin. Sinilip niya ang mukha ko.

"Bored ka na?"

Napanguso ako. Hindi naman sa bored. Hindi lang talaga ako sanay na ganito! Hindi ako komportable na napapaligiran ako ng mga mayayaman at mas lalong hindi ako komportable na sobrang bigat ng kutsara at tinidor nila! Tama nga ang sinabi ni Sonny, baka pwede 'tong isangla.

Tipid akong ngumiti kay Ivo at umiling. "Hindi ako bored, 'no. Siya pala ang Mommy mo? Ang ganda niya," komento ko nalang.

He nodded. Inilapag niya ang wine glass na mukhang hindi man lang nagalaw. Pakiramdam ko ginamit niya lang 'tong props habang nakikipag-usap sa mga kaibigan ng Dad niya.

"Happy birthday, Primitivo. Nakakahiya naman, inimbita mo pa talaga kami dito," ani Papa habang tumatawa.

"Anong nakakahiya dun? Si Tito talaga..." tumawa rin si Ivo.

"Oo nga, Kuya, mga shala ang mga tao rito eh," dugtong naman ni Selena.

Walang sinabi si Mama pero nakangiti lang din siya kay Ivo. He just laughed and reassured them that everything's fine.

"Umuutot at tumatae pa rin sila kaya hindi tayo iba sa kanila, 'no." sabi pa niya kaya napailing ako.

Hindi rin naman siya nagtagal sa table namin dahil hinahanap na siya ng mga magulang niya. Bumalik si Ivo dun sa harapan habang sini-serve ang appetizer.

"Paano ba 'to kainin, Ate?" reklamo ni Sonny habang nakatingin sa platito niya. "Ano ba 'tong pagkain ng mga mayayaman, hindi ko maintindihan!"

Pagkatapos naming kumain, pinapunta ulit si Ivo sa harapan para mag-speech at pasalamatan ang mga taong pumunta rito. Akala ko trip-trip lang niya ang speech niya pero mukhang pinaghandaan ata. He spoke in English fluently, like a real businessman, and every word that rolled from his mouth is laced with authority and dignity that draw the attention of the crowd. I could already imagine him running their business.

Ipinalabas din ang AVP ng bagong resort at nagsalita ulit ang Dad niya. Ivo went back to their table. Sinundan ko ng tingin ang lalaki at napagtantong may isang babae din pala dun sa table nila bukod sa Mommy niya.

It was Elaina. Sobrang kinis ng balat niya na para bang hindi pa ito nadadapuan ng lamok sa tanang buhay niya. Her hair is cut short this time. Nakasuot ng mamahaling damit at tahimik na kumakain sa tabi ni Ivo at sa tabi naman niya ay isang matandang babae na kamukha niya rin.

Hindi naman nagpapansinan sina Elaina at Ivo sa table. Ivo turned away from her, talking to his mother. Si Elaina naman ay mukhang bored na din at gustong umalis sa lamesa.

"And to make this day even more special, we have an announcement to make..." his father cleared his throat and scanned the crowd. Bumagsak ang tingin niya sa anak at sa katabi nitong babae. "My son, Primitivo, is engaged to Elaina Cojuangco."

Para akong sinuntok sa narinig. Kami lang ata ang nagulat dahil tuwang-tuwa ang iba at nagpalakpakan pa ang mga ito. Napatingin sa akin si Mama, nangungusap ang mga mata. Kaagad akong nag-iwas ng tingin habang sumasabog ang dibdib ko.

Engaged? Sa isang Cojuangco?

I took a deep, shaky breath. Wala na akong maintindihan sa sunod na mga sinabi ng Dad ni Ivo. Pinaakyat silang dalawa sa stage at pinagtabi pa. Nakaakbay naman ang Dad ni Ivo sa kaniya at tuwang-tuwa pa habang kinukunan sila ng litrato ng media. Alam ko namang mayaman si Elaina dahil sa pananalita at pananamit nito, pero hindi ako nag-akalang Cojuangco pala siya at mas lalong hindi ko inakalang engaged na sila ni Ivo.

"L-Ladies room lang po ako..." paalam ko at kaagad na tumayo dahil hindi ko sila kayang makita dalawa.

Hindi pa ako nakakaabot sa cubicle ay nagsituluan na ang mga luha ko. I cursed myself and took a deep breath. Pumasok ako at ini-lock ang pinto saka naupo sa nakasarang toilet bowl. Ihinilamos ko ang mukha sa mga palad at tahimik na naiyak.

I should've known. Elaina was always with him the entire time. pareho sila ng kursong kinukuha at ng landas na tatahakin. They were giving hints all this time that they're going to end up together but I chose to ignore it.

Mas lalo pa akong naiyak sa iniisip ko. I felt betrayed. Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Arranged marriage ba? Para ba sa business nila? I know it's wrong to throw him the blame but I could've done something about my feelings if I know he was going to get engaged soon.

"Raya?"

Tumahimik ako nang makarinig ng boses. Rinig na rinig ko ang mga bangles bracelet ni Lulu habang gumagalaw kaya alam kong siya iyon.

"Nandito ka ba? Kung nandito ka, magparamdam ka..."

Umatras ata ang mga luha ko sa sinabi ni Luanne.  I sighed and wiped my tears away. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng cubicle. When she saw me, her face fell.

"Oh, come here..."

Niyakap niya ako nang mahigpit. There were no words to be said. Alam kong alam niya ang nararamdaman ko para kay Ivo. Matagal na ata niyang pansin iyon pero hindi niya pinoint-out sa akin dahil alam niya sigurong id-deny ko lang.

"Hindi ko alam..." I cried on her shoulders.

"I know, I know..." she said soothingly, rubbing my back.

Iniyak ko nalang iyon sa balikat ni Lulu habang pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Hindi ako pwedeng bumalik sa table namin na ganito ang hitsura. Malamang mag-aalala ang mga magulang ko sa akin.

Ilang minuto kaming nanatili doon ni Lulu. Ini-lock pa niya ang mismong pinto ng ladies' room para daw walang makapasok. I sat on the sink and leaned against the wall.

"You really love him, don't you?" she asked me softly.

Marahan akong tumango. Lulu sighed.

"Hindi ko rin alam. I don't even know Elaina that much. Hindi naman siya gaanong pinapansin ni Ivo kaya hindi rin ako naghinala. But if you'd ask me, it's probably just a ridiculous arranged marriage to unite the two families. They just opened a luxurious resort and Tito plans to expand internationally. Kakailanganin nila ang tulong ng mga Cojuangco."

Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya. I don't know how business works. Akala ko, sa mga movies lang nangyayari ito. Pati rin pala sa totoong buhay.

Kinuha ni Lulu ang mga kamay ko at mahigpit itong hinawakan.

"I'm sorry, Raya... kung alam ko lang, sana may nagawa pa ako."

Kaagad akong umiling. "Wala ka namang kasalanan. Ang tanga ko, eh... nahulog sa kaibigan."

"Ivo never saw you as a friend." She said quietly. Gulat akong napatingin sa kaniya. Lulu just smiled at me sadly. "I'm sorry... nevermind it."

Tinulungan ako ni Lulu na ayusin ulit ang makeup ko bago kami bumalik doon sa function hall. Iniwan na niya ang Mommy niya kasama ang mga amiga nito sa table nila at tumabi sa akin. Wala namang umimik sa mga kapatid ko, pati na rin sina Mama at Papa pagkakita nila sa mukha ko. They were very careful with their words. Tatlong beses din akong tinanong ni Papa kung gusto ko nang umuwi pero umiling ako. Tatapusin ko lang ang party, ibibigay kay Ivo ang gift ko, at magpapaalam na. I decided to that he'd be the first to know about my decision.

Binalingan ko ulit siya. Halos hindi ko na siya makita dahil ang daming taong nakapalibot sa kaniya. All of them are congratulating them. Nakarinig pa ako ng putok ng confetti at mga tawanan. Mas lalong kumirot ang puso ko.

Pagkatapos ng party, pinauna ko na ang pamilya ko. I wanted to find Ivo and talk to him. Kalmado naman na ako kaya okay lang. I clutched the photobook in my hand tightly and put on a brave face when I saw him walking towards me.

I put on a smile while my heart is breaking into pieces.

"Happy birthday, ito regalo ko..." inabot ko sa kaniya ang photobook.

Tahimik niya iyong kinuha at binuklat. He didn't even smile. May nanunuod sa aming ibang mga bisita kaya lumingon-lingon si Ivo. May tinapik siyang isang attendant at inutusang ilagay sa hotel room niya ang regalo ko saka ako binalingan.

"Tara, labas tayo."

My heart was thumping when I glanced at the people looking at us. Maybe it was just my imagination, but I could see the muted accusations in their eyes. I know they're already judging me by simply being with him. Who is that filthy girl? Why is she with Ivo? Ganunpaman, tahimik kong sinundan si Ivo sa labas.

Dahil bagong bukas pa naman ang resort, walang tao sa dagat kundi kami lang dalawa. Nakasiksik ang dalawang kamay ni Ivo sa mga bulsa niya habang nakatingin sa dagat. Hindi ko alam kung anong gusto niyang pag-usapan dito pero tumabi ako sa kaniya at ngumiti.

"Mami-miss ko 'to..."

He turned to me. "Anong ibig mong sabihin?"

I just shook my head with a sad smile on my face. "Hindi naman kasi habambuhay tayong ganito, eh. Engaged ka na at may responsibilidad ka sa business niyo. Malamang, magiging busy ka na—"

"It's just a stupid arrange marriage, Sereia." He said through gritted teeth. "I don't remember agreeing to this."

"Kahit na. Magpapakasal pa rin kayo, diba? Hindi naman siguro mahirap matutunang mahalin ang babaeng katulad niya. Nabanggit din sa akin ni Lulu na malapit ang mga pamilya niyo."

Ivo let out a frustrated sigh. "It's nothing. Ni hindi ko nga alam na ia-announce pala ni Dad ngayon. Ni hindi man lang hiningi ang permiso ko."

Tumahimik ako. Ngayon ko lang ata siya nakitang nagalit, sa birthday pa niya. I don't know anything about his relationship with his parents so I can't say if it's something that they've been fighting over with.

"Ivo, ito ang mundo mo, eh..." I sighed. "Hindi naman pwedeng talikuran mo ang mga magulang mo at negosyo niyo dahil lang dito. Atsaka, kilala ko naman si Elaina, alam kong—"

"Putangina naman, pwede bang huwag nating pag-usapan ang ibang babae?!" he groaned. Gulat akong napatingin sa kaniya.

"Bakit...?"

He looked at me helplessly.

"Mahal kita, Raya."

Napaawang ang bibig ko habang nakatingin sa kaniya. Ivo took a shaky breath. Itinutok niya ang mga mata sa akin.

"Limang taon na kitang mahal, alam mo ba yun?" he laughed sarcastically. "Pucha, ni hindi ako makaamin."

"Ivo..." I shook my head. Tumulo ulit ang mga luha ko. "Huwag mong gawin sa akin 'to..."

"Ano?" he was blinking back his own tears while looking at me. "Hindi mo ba ako mahal? Kahit gusto man lang? O kahit kaunting pagmamahal lang, Raya. Ako na ang bahalang pumuno—"

"Mahal kita, okay?!" I screamed. Natigilan siya at napatingin sa akin. "Mahal na mahal kita pero, Ivo... please..."

"Bakit? Anong problema?" Ivo took my hand. "Mahal kita, Raya, naririnig mo ba ako?"

Napapikit ako para pigilan ang mga luha pero patuloy pa rin itong umagos. Mas lalo akong napaiyak sa sinabi niya. I pressed my knuckles against my mouth habang paulit-ulit niyang sinasabi na mahal niya ako.

"Aalis ako."

"Tutuloy ka sa NYU?" I saw a tear fell from his eyes. Mabilis niya itong pinalis. "Eh, ano naman? Pwede namang LDR—"

"Ivo naman, eh!" I couldn't contain my emotions. "Nakita mo naman kung anong nangyari kina Mama at Papa, diba?! Naghiwalay sila kahit na kasal na sila at may mga anak! Gusto mo bang mangyari din sa atin yun?!"

"Hindi naman tayo maghihiwalay. That fucking distance doesn't matter, Sereia. Kahit na awayin mo ako araw-araw, okay lang sa akin. Hahabaan ko ang pasensiya ko. Iintindihin kita araw-araw. Kung gusto mo, susunod ako sa iyo sa NYU. Sisiguraduhin kong makakapasa ako. Sabihin mo lang, gagawin ko kahit anong gusto mo..."

"Ah, pucha..." I wiped my tears away but they just kept on flowing. Halos hindi na ako makahinga dahil sa kakaiyak. "At ano, magiging kabit ako?! Engaged ka nga, eh!"

"Hindi naman totoo yun!" frustrated na din si Ivo ngayon at napasabunot na sa sariling buhok. "Bakit ba hindi ka naniniwala sa mga sinasabi ko?"

I stood there, crying. Nanghihina ako. "See? Ngayon pa lang, nag-aaway na tayo. We can't make this work."

"Fuck..." he muttered under his breath. "Alam mo ba kung gaano kahirap, Raya? I can't even do more than the bare minimum dahil natatakot akong matakot ka sa akin... palagi kong pinipigilan ang sarili ko pagdating sa iyo. Hindi ko alam kung paano ko natagalan 'to."

"Gusto kong piliin ang sarili ko..." yumuko ako para hindi na niya makita ang mukha ko. "Kahit ngayon lang. Gusto kong habulin ang mga pangarap ko, Ivo. Napapagod na akong mag-sakripisyo para sa iba. Ako naman sana..."

Umupo si Ivo sa buhangin at isinubsob ang mukha sa mga palad. His broad shoulders broke into a series of sobs. Dahan-dahan din akong naupo at hinawakan ang balikat niya. Para akong napaso kaya agad kong inalis ang kamay ko. I took a deep breath.

"I'm sorry..." I whispered. "Hindi ko sinasadya na saktan ka nang ganito. Ayos na 'to kesa subukan natin at pareho pa tayong masira. Nagsisimula pa lang akong matuto na mahalin ang sarili ko, Ivo... ayokong masira din kita. Hindi ko kayang gawin sa iyo yun."

Hindi siya sumagot sa akin at patuloy lang na umiyak.

"S-Siguro, kapag handa na ako... kapag okay na... siguro pwede nating subukan. Pero hindi ko talaga kaya ngayon. Ayokong gawin 'to sa iyo..."

I slowly stood and wiped my tears. Ni hindi man lang ako tiningnan ni Ivo.

"I'm sorry, Primo, happy birthday..." I whispered.

-

#HanmariamDWTWChap28

Continue Reading

You'll Also Like

506 109 35
One Last Series Book # 2 Subtitle: One Last Kiss (Raw Chapters Ahead. Un-edited, and On-Going.) Growing up with a broken family, EJ always thought i...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
6.6K 144 6
Complexity of Us Sequel
209K 2.9K 24
[ PUBLISHED UNDER LIFEBOOKS | Wattys 2019 Romance Winner ] THIS STORY IS INCOMPLETE. THE PUBLISHED BOOK IS AVAILABLE IN BOOKSTORES NATIONWIDE. For P...