Roses And Melody (Under Revis...

By PotatointheCloud

14.9K 459 190

Aryka Alcazar has a past that she wants to forget when she was a kid. That's why to cover up her wounds from... More

Work of Fiction
Warning
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2

Chapter 24

395 11 17
By PotatointheCloud

This will be the last chapter of the story, after this is the epilogue.


1 year later...

Sa mga sumunod na buwan every session with my therapy ay lagi akong present.

Tama. Ganoon lang kabilis na dumaan ang buwan.

Itinuloy-tuloy ko lang ang aking pagpapagamot sa tulong ng mga medikasyon at payo ng therapy na palagi ko rin naman sinusunod.

Hindi ako pumapalya sa kahit na ano, talagang sinusunod ko lahat.

Hindi pa ako tuluyang gumagaling pero alam ko sa sarili kong napakarami ng improvement na nangyayari, madalas na rin akong maging open kahit sa simpleng mga bagay lang, hindi ko na rin pinipigilan ang emosyon ko.

Kapag may gusto o ayaw ako ay agad kong sinasabi sa kausap ko. Hindi ko na rin masiyadong binuburo ang aking sarili sa condo, kung 'di madalas na akong lumabas para aliwin ang sarili na naging malaking tulong naman para sa akin.

Most importantly ay hindi na rin ako nagkaka nightmare na siyang dahilan ng pagkagising ko tuwing gabi at pag-iyak, payapa na ang nagiging tulog ko dahil wala na akong insomnia, at wala na akong naririnig na mga bulong sa isip ko, para bang payapa na ang mga gabi at mga araw ko. At mas lalong lumalabo na sa paningin ko ang mapait na nakaraan kasabay ng pamilya ko, para bang lumalabo na sila sa vision ko.

Sabi ng therapy ko ay hindi naman kailangan madaliin kasi hindi agad maghihilom ang mga trauma ko from the past, lalo pa at sobrang dami at mahirap lahat ng pinagdaanan ko. Normal lang na magtagal ito. Walang mali at walang dapat ipag-alala.

It was never been easy for the past 1 year, may time na nagbrebreakdown ako, naisipan ko nga rin na sumuko at huminto na sa totoo lang. Umiiyak tuwing gabi, nagwawala, nasasaktan ko 'yung sarili ko pero palagi naman nandiyan si Kaiden para daluhan at patahanin ako. Palagi rin nandiyan ang mga kaibigan ko, pati na sila Mr. Kim at ang parents ni Kaiden para palakasin ang loob ko.

Siguro kung dati pa ako nagpagaling maaaring ngayon ay mas maayos na ang lagay ko. Ngunit kahit gano'n ay marami akong natutuhan sa mga pinagdaanan ko sa lahat ng taon na dumaan sa buhay ko. I learned so many things that I can apply in my daily life. That can make me more capable and a strong person.

I was broken into pieces, but now I can say that I am finally healing.

And I guess that's the biggest improvement that I can proudly say and flaunt to everyone.

If we can't learn how to be strong physically, mentally, and emotionally, we cannot face and fight our anxieties in life.

It's not easy, and it will never be easy. Pero hindi naman masama ang subukan kung para sa ikabubuti rin natin. If we do not conquer what we fear, we will lose a lot of opportunities and we'll be stuck in that past. We will be stuck for nothing.

Kung palagi lang tayong matatakot hindi tayo makakapagpatuloy ng maayos at hindi natin mananamnam ang tunay na kahulugan ng kasiyahan, ika nga ni Kaiden.

Kung dati puro dilim lang ang nakikita ko ngayon ay iba na, may liwanag at malinaw na. Makulay at unti-unting nagkakabuhay.

Kung tatanungin din ako kung napatawad ko na ba ang pamilya ko? My answer is no. Maaaring gumaling na ako, o gumagaling na pero hindi ko na sila kaya pang patawarin. Sa lahat ng sakit na ipinaranas nila sa akin ay napaka labo na. At kung nasaan man sila ay sana masaya na sila.

Ang mahalaga siguro ay napatawad ko na ang aking sarili.

Kakatapos lang ng session ko with my psychiatrist at bukas na ang last, medyo matagal pero worth it naman.

Nakahiga ako sa kama habang nakatunghay sa labas ng bintana, narito na rin pala ako sa condo, gusto sana ni Mr. Diaz na sa States ko ituloy ang pagpapagaling at hindi naman tutol si Kaiden doon pero ang sabi ko ay mas gusto ko na dito kaya nirespeto niya ang desisyon ko.

"Young Lady, gutom kana?" Nilingon ko ang pinto na pinanggalingan ng boses.

Nakatayo si Mr. Diaz sa tapat ng pinto. Ipiniling ko ang aking ulo bilang sagot.

Narito na pala ang matanda hinatid niya kasi iyong psychiatrist sa baba.

Bumisita ang pamilya niya dito last month dahil nga sa hindi makauwi si Mr. Diaz, sinabi ko naman na pwede siyang umuwi pero ayaw niya at mas kailangan ko daw siya.

Nakakatuwa rin na mabait ang asawa't anak nito, inalagaan nila ako habang narito sila, hindi ako tinuring na pabigat at iba dahil naiintindihan daw nila ang sitwasyon ko.

Ngayon ko lang nakilala at nakausap ng personal ang mag-ina niya dahil dati ay ilag nga ako sa tao at madalas na mag-isa lang sa bahay noon.

Ang magpinsan naman ay bumibisita dito every Saturday or Sunday lang dahil busy na rin kasi sila lalo pa't may mga trabaho na ang dalawa ngunit kahit gano'n ay 'di sila nalilingat bumisita.

Samantalang si Theo naman ay bumalik na ng Germany last week lang, meron kasing mga projects ang kompanya ng loko kaya kailangan siya doon, babalik siya rito pero hindi ko alam kung kailan. Hindi din siya nakakalimot na tumawag o kaya mag text para kumustahin ako.

"Mr. Diaz wala pa rin po ba si Kaiden?" Paos ang boses na tanong ko sa matanda na nasa pinto pa rin.

Malungkot siyang umiling.

Kung si Kaiden naman ang tatanungin ay hindi ko alam, ever since I started my session he said goodbye for a while. A while nga ba ang isang taon?

Ang sabi niya aalis muna siya at kapag magaling na ako ay babalik na siya, ni hindi ko alam kung nasaan siya, hindi rin niya ako kinokontak man lang.

Isang taon na mula ng makausap at makita ko siya. Sobrang miss ko na ang gagong 'yon.

Wala akong ideya kung ano ang tumatakbo sa isipan niya.

Hindi niya sa 'kin sinabi ang dahilan kahit anong pilit ko kaya wala naman akong nagawa.

I miss him so damn much.

Is he thinking about me too? O baka naman nakahanap na siya ng iba.

Babalik pa kaya siya?

Sumikdo ang puso ko dahil sa isiping iyon.

Sa totoo lang sa tuwing nagkakaroon ako ng ganitong isipin ay pilit kong iwinawaksi dahil alam kong hindi niya magagawa iyon. He believe and trust me, so do I.

Maghihintay ako kahit gaano pa katagal, basta ba sa akin pa rin siya uuwi.

"Kailan kaya siya babalik?" Muli kong tanong sa matanda.

Damn it, I am very impatient when it comes to this.

"I'm sorry young lady, but I don't know."

"Can't you find him?"

"Ginawa ko na pero nabigo ako. Nangako naman siya na babalik pagkatapos ng pagpapagaling mo hindi ba? May bente kwatro oras ka pa para hintayin siya."

Sigurado na ba iyon? Akala niya yata ay isang linggo lang siyang umalis.

Bakit naman kasi kailangan niyang umalis ng gano'n katagal? Naiirita ako.

Hanggang sa dumating na lang ang gabi ay nakatunghay lang ako sa bintana, wala akong ganang bumangon.

"Young lady, it's time to sleep." Tumingin ako sa orasan. Alas syete palang ng gabi.

"Ginagawa niyo naman po akong bata niyan."

"Syempre, ayaw mo na inaalagaan ka noong bata ka that's why I will treat you as a kid now."

"Sige po ito na." Umayos na ako ng higa at pinatay na ang ilaw.

Mabilis lang akong kinain ng dilim dala na rin siguro ng pagod.

♪♪♪

Tulad kahapon ay natapos na ang huling session ko, ilang pagsusuri na lang ang kinunsulta sa akin kaya nandito kami sa ospital.

I've been trying to escape my dark past for a very long time, and now I can say that I am free.

I'm not living in fear anymore.

Ang mga naramdaman ko dating takot dahil lagi kong iniisip na nalulunod ako sa madilim na karagatan habang nakatali ang mga paa sa kadena at patuloy na sumisigaw pero walang nakakarinig sa akin. Ang mga hiyaw na pinapakawalan ko sa ilalim ng madilim na basement ngunit walang pumapansin sa akin. Ang patuloy na pagtama ng latigo sa likuran ko na wala akong ibang magawa kung hindi ang umiyak bilang isang batang paslit. Pati na rin ang pagpatay ng mga taong wala namang kasalanan sa akin dahil kailangan kong sundin ang isang utos. Ngayon ay nakalaya na ako.

Malaya na si Aryka.

Wala na ang kadenang nakakagay sa paa ko para pigilan akong maging masaya.

I thanked God for everything. Dahil sa gabay niya ay nakayanan ko ang lahat.

"Girl!" Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Nasa may bukana kami ng entrance ng marinig ko ang boses ni Alea.

Ngumiti ako dito hanggang sa makalapit na ako sa kanila.

"Congratulations girl, you finally made it. We are so happy and proud of you." Yumakap sila sa akin na malugod kong tinanggap.

Kung dati ay iniiwasan ko ang yakap nila ngayon ay pakiramdam ko safe ako. At aaminin kong gusto-gusto ko nito.

"Kain muna tayo bilang celebration, sayang lang wala si bayaw." Si Ash.

"Hayss.. Oo nga."

"At bakit, miss mo na?"

Pinamulahanan si Alea. Napangisi ako, alam ko na kasing siya pala ang boyfriend niya.

That freaking damn guy is his boyfriend.

Sinabi niya sa 'kin nung umalis ang lalaki. Nagdadrama nga siya sa akin tuwing tatawag at miss na daw ang lalaki.

Aaminin kong medyo nabigla ako ng malaman iyon dahil hindi naman kasi gano'n ang type ni Alea, yata? I'm not sure since hindi ko naman siya gaanong kilala.

Tulad nga ng nabanggit ko dati womanizer si Theo kaya medyo may pangamba akong nadama, pero bilang kaibigan at susuportahan ko na lang siya, may tiwala naman ako kay Alea.

Basta pag pinaiyak ng mokong na iyon ang kaibigan ko, iitakin ko talaga ang bayag niya.

"Si Kuya Kaiden bumalik na ba?" Natigilan ako sa tanong ni Alea.

Mahina akong umiling.

Hindi naman na nagtanong ang babae, nakaramdam 'ata.

Natapos kaming kumain at naghiwa-hiwalay na rin kami dahil may pasok pa sila sa trabaho.

Pagka-uwi ay sa may balcony ako dumiretso at matamang nakatitig sa kalangitan. Maganda naman ang panahon pero feeling ko ang tamlay nito.

Bakit kasi pinaalala ni Alea si Kaiden 'yan tuloy biglang mas na miss ko siya.

Imbes na masaya ako ngayon, eh.

Tapos na ang pagpapagamot ko 'di ba dapat nandito na siya niyan?

Sa gitna ng katahimikan ay nabasag ito ng sigaw.

"Young Lady!!" Patakbong tinungo ako ng matanda.

Dahil sa pagkabigla ay nataranta ako.

"Bakit po? Anong nangyari? Bakit kayo nag mamadali?!"

"S-si Ka-kaid-!" Humahangos ito kaya hindi ko maintindihan.

"Ano po? Huminga muna kayo."

Nakakatakot baka bigla siyang atakihan jusmiyo walang maglalakad sakin papuntang altar.

Anyway, 'yun kasi ang last wish niya para sa akin.

"A-ayon nga, ang taong matagal mo ng hinihintay tumawag siya sa akin."

"You mean Kaiden?" Siya lang naman kasi ang hinihintay ko.

"Yes, Iha."

"Ano pong sabi niya?" Excited kong tanong.

"Ang sabi niya check mo daw ang phone mo after 5 minutes."

Ano ba 'yan ang daming arte. Kailangan ko pang maghintay.

"Sige po uminom kayo doon ng tubig." Mabuti't sumunod siya.

Patakbo akong tumungo sa kwarto at dinampot ang selpon.

Ginawa kong maghintay at eksaktong limang minuto ay nakareceived ako ng message.

Kultong pogi:
Wait for me at the beach.

Ito lang ang nakasulat sa message.

Anong beach? Manghuhula ba ako? Tanginang Kaiden ito, imbes na nami-miss ko siya ay nabwibwisit na ako.

Nakasimangot akong lumabas.

"What happened, did you receive his message?"

"Opo, kaso sinabi niya lang doon na hintayin ko siya sa beach, hindi ko naman alam kung saan." Malungkot na saad ko.

"Ayon siguro ang place na sinabi niya sa 'kin kanina, nagtataka nga ako bakit sinabihan niya ako no'n."

"Saan pong beach?"

"Islas de Gigantes. Sa Iloilo iyon Iha."

"Ano po ang estimated time arrival?"

"Mahigit limang oras, kung ngayon tayo pupunta magagabihan na tayo."

"Ako na lang po mag-isa ang babyahe at magpahinga na lang po kayo dito."

"Are you sure?" Tumango ako.

Nagbihis ako ng simpleng white dress na tinirnuhan ng white sandals din.

Nang makalabas ng condo ay may sumalubong sa aking naka itim na lalaki.

"Pinapasundo po kayo ni Sir Kaiden, tara na po?"

Pabigla-bigla naman siyang sumusulpot.

Mukha namang nagsasabi siya ng totoo kaya sumama na ako.

Dito kami sa rooftop huminto, napaawang ang aking mga labi ng makitang may chopper dito.

Iginaya ako nitong makasakay at ng masiguradong ayos na ay nagsimula ng umandar ang sasakyan.

Umabot na nga ng gabi bago kami makarating, ibinaba ako ng mga ito sa mismong tabi ng dagat tapos umalis na, wala man lang silang sinabi. Anong gagawin ko dito habang mag-isa?

Peste talaga ang Kaiden na 'yon, gustong-gusto pa akong pahirapan hindi na lang magpakita kung gusto.

Kapag talaga nakita ko siya ay pipilipitin ko ang leeg niya sa sobrang inis!

Nag ring ang cellphone na hawak ko kaya sinagot ko agad kahit na unknown number nabwibwisit na ako, eh.

"Hello?!"

Gigil na sagot ko rito pero ilang sandali ay wala naman akong naririnig mula sa kabilang linya.

"Trip mo ba ako? Kung prank ito papatayin na kit- este 'yung tawag!"

"You are still short-tempered, Ari."

Nanigas ako sa pagkakatayo at natutop ang sariling bibig.

Kahit mahigit isang taon ko ng hindi naririnig ang boses niya ay kilalang-kilala ko pa rin kung sino ito.

"K-Kaiden is t-that you?"

"What do you think?"

"Nasaan ka?"

Nilibot ko ng tingin ang buong paligid pero ako lang talaga ang nandito.

"I'm just right here watching you."

"Magpakita ka na lang kaya ano?"

"I will, but you need to answer my questions, first."

"Pinanganak ka ba na dumaan sa mahigit isang libong proseso?"

"Why?"

"Kasi andami mong inarte at ka chenahan!"

"Sige, kung ayaw m–"

"Ano ba kasi 'yang tanong mo?!"

"Did you miss me?"

Natahimik ako, kung alam mo lang kung gaano kita kamiss na gago ka.

"Hmm?"

"Oo na kaya magpakita ka na."

"I'm not done yet."

"Meron pa? Osya itanong mo na lahat ng gusto mong itanong."

"Do you think about me every time you miss me?"

"Alangan, natural ikaw ang nami-miss ko 'tapos si Theo ang iniisip ko. Baliw kaba?"

Utak nito may munggo.

"Do you still love me?"

"Kailan ba naging hindi? Ikaw naman palagi, eh."

"Galit ka sa 'kin?"

"Bakit ako magagalit?"

"Kasi umalis ako at hindi sinabi kung bakit."

"Nagtatampo lang ako kaya magpakita ka na para mawala na ang tampong nararamdaman ko. Dahil kapag hindi mo pa ginawa ay talagang magagalit na ako sa 'yo."

"I'm just here behind you, Ari."

Agad na lumingon ako sa likuran ko at nakita ang nakatayong bulto ng lalaki dalawang metro ang layo sa 'kin.

Natulala ako at parang ang lahat ng sasabihin ko ay naitangay na ng hangin.

Wala man lang nagbago ng huli ko siyang makita, instead mas gumwapo ang lintek na lalaking ito.

He is dressed in his typical ensemble of a dark blue long-sleeve polo, that neatly folded the sleeves until his elbow, black trouser, and penny loafers.

His messy curtain hair that never changes, those brown eyes that are full of emotion as they look at mine, the perfect bridge of his nose and thick brows, and his kissable red lips. He is so freaking good-looking.

Ahhh, hindi nakakasawa ang hitsura niya, mas lalo lang akong nahuhulog dito.

I don't even know what to say.

"Why are you just standing there? I thought you missed me."

"Bakit ngayon ka lang?" Malungkot na tanong ko.

"Because I need to stay away from you for a while."

"Anong reason mo nga?"

"Can I tell you later?"

"That's a promise, okay?"

Nakita kong tumango siya.

"Hindi ka galit hindi ba?" Tanong niya pa ulit bilang paninigurado.

"Nope."

"Good."

Pinatay niya ang tawag at ibinukas ang kamay habang senesenyasan akong lumapit sa kanya at yakapin siya.

"Come here, Ari."

Patakbo akong lumapit at yumakap sa kanya. Gumanti rin siya ng yakap pero mas mahigpit.

"Damn, finally you're on my hands again. I'm holding my universe again."

Hindi ko lubos maisip na mahuhulog ako sa lalaking kinaiinisan ko dati.

All my insecurities and overthinking are gone now.

"I miss you, baby. God knows how much I miss you."

"I miss you too. Hindi ka na ulit aalis."

"Hindi na. Pangako."

"I love you, my kultong pogi."

"I love you too, mio caro."

As long as I am with him, I will be fine.

♪♪♪

"How is my baby doing?"

Nilingon ko agad ang pinanggalingan ng boses at mabilis na tumayo para salubungin siya.

"Kaiden! Kanina ka pa ba?"

"Kakarating ko lang." Humalik siya sa labi ko at yumakap.

"I'm home."

"Yeah, welcome home."

Mas humigpit ang yakap niya at humalik-halik sa leeg ko.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya ng humiwalay siya sa akin.

"Wala naman, nagbabasa lang habang hinihintay ka."

"Nag dinner ka na?"

"Hindi pa, ikaw?"

Ipiniling niya ang kanyang ulo. "Sabay tayo."

"Okay, tara na."

Hawak kamay kaming lumabas ng kwarto at bumaba papunta sa kusina.

"Anong niluto mong ulam?"

"Paborito ko atyaka paborito mo." Ani ko habang nagsasandok ng pagkain.

"Adobo and Pakbet?"

"Yes!"

"Sure ako, maiingit si Mommy kapag nalaman niya 'to."

Natawa ako. Paborito rin kasi ni Mommy Genevieve ang pakbet lalo na ng matikman niya raw ang luto ko. Sa tuwing bibisita tuloy kami sa mansion ay naglalambing siya sa akin na ipagluto ko siya. Sino ba naman ako para humindi?

"Ipinagluluto ko naman siya tuwing bumibisita tayo, at isa pa ay hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin."

"Kumusta ang araw mo sa work?" Dagdag ko.

"Just a normal day. Nakakapagod sa sobrang daming ginagawa."

"Osya, pagkatapos natin kumain ay maligo ka na at magpahinga para naman may lakas ka nanaman bukas."

"Pero hindi na ako pagod."

"Ha? Akala ko ba ay sobrang pagod ka."

"Nakauwi na kasi ako. Sino bang hindi mawawala ang pagod kung may bubungad sa 'yong yakap at halik? Tapos ang ganda-ganda pa ng sasalubong sa akin."

Natigilan ako sa pagkain at naubo.

"Ewan ko sa 'yo."

"Ikaw ang pahinga ko, Ari. Kapag umuuwi ako sa 'yo ay nawawala na ang pagod at madaming iniisip ko."

"Maybe it was true when I said that you bewitched me."

"Sige na po. If you really considered me as your tahanan and pahinga, I'm completely okay with that."

"Good."

Itinuloy ko na lang ang pagkain at ng makatapos magligpit ay nagpahinga muna kami sa sala.

Talking about how was our day.

Ganito palagi ang seat up namin. Nandito lang ako sa bahay, buhay prinsesa talaga ako. Siya naman ay nasa opisina para magtrabaho, weekends lang siya natao rito sa bahay.

Kahit sobrang busy niya ay hindi pwedeng hindi siya tatawag sa akin para tanungin kung kumain na ba ako, o kung ayos lang ako. At kahit gaano pa siya ka busy sa trabaho ay palagi siyang naglalaan ng oras sa tuwing aayain ko siya lumabas.

Naalala ko pa nga last week lang na nasa meeting siya no'n para sa isang billion peso contract pero dinrop niya iyon dahil lang tumawag ako at gusto kong lumabas kasama siya.

Kung alam ko lang naman kasi na may meeting siya ay hindi naman ako tatawag eh, pero ayos lang naman daw dahil kayang-kaya niya 'yung mabawi agad.

Sa tuwing naman uuwi siya ay ganito. Pagkatapos kumain ay magkwekwentuhan sa nangyari sa mga kaniya-kaniya naming araw hanggang sa makakatulog na lang kami.

Sa isang buwan na magkasama kami, pagkatapos magkahiwalay ng isang taon ay palagi niya akong binibigyan ng oras, at binibigay ang lahat ng kailangan ko. Gusto niya raw kasing bumawi kaya gano'n.

At para sa akin ay sa loob ng isang buwan na 'yon ay ang pinakamasayang buwan ko.

Madami kaming mga ginawa at mga napag-usapan. Mas nakilala pa namin ang isa't isa na tiyak na malaki ang tulong para mas mapatatag pa namin ang relasyon namin.

"Ti amo tanto amore mio."

Bumalik ako sa reyalidad ng dahil sa malamlam na boses ni Kaiden.

"Mahal din kita. Palagi."

It was an italian language which means "I love you so much, my love."

Hinaplos niya ang pisngi ko at matiim na tinitigan ang mga mata ko.

"Ari..."

"Hm?"

"Don't leave me, okay? But if you're already sick of me, please tell me the reason why, and I will gladly accept it. Just don't. Just don't disappear without saying a word. That will hurt me so damn much."

"Wala akong salitang sasabihin Kaiden, kasi hindi naman ako aalis. Tanga na lang siguro ako kapag iniwan kita."

"Thank you."

"For?"

"For giving me a chance to stay by your side."

Inilapat ko ang aking labi sa mga labi niya pagkuwan ay humiwalay.

"If you're really thankful just stay by my side."

"Roger that, Ma'am." Sumaludo siya.

Humagikgik ako. Napakaseryoso naman ng lalaking ito.

"You're so adorable and beautiful, mio caro. I love that side of yours."

Namula ako at bumilis ang pintig ng puso.

"A-ang random mo talaga."

"Random? Na masiyadong maganda ang girlfriend ko? No arguments on that one. Never."

Mahinang pinalo ko siya sa dibdib at tumayo na.

"Tara na nga, matulog na tayo." Tatawa-tawang sumunod na lang siya.

Gosh, this man talaga.

Siya lang ang kayang magpapula ng mukha ko at magpabilis ng tibok ng puso ko.

"Wait for me, Ari"

Hindi ko na siya pinansin at umakyat na.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 277 46
First Generation #2 Are you ready let go of the love that keeps you going and be selfish to choose your happiness even for once or let it slide for a...
1.7K 98 22
A side story of Louie Razzle Astaril and Wight Silent Fuegeras. *** How many years has been passed but Wight and Louie were still together. They're r...
4.1K 166 16
Kyle And Shaina is a couple that met But not destined, Five years later unexpectedly they met again at a campsite, Accedently they were left by the s...
3.4M 218K 93
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...