Change Of Heart

By Sabah_sutue

787 166 6

lrish Diaz is a party girl and a brat, she always does what she wants without thinking of others. When she go... More

Change Of Heart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Chapter 3

28 9 0
By Sabah_sutue

"Ate!" napapitlag naman ako sa biglaang sigaw ni Hera. Napatingin ako sa kanya at natagpuan ang mga mata niyang seryosong nakatingin sa akin.

"Kanina pa po kita tinatawag pero parang wala ka pong naririnig."

Tinatawag?! Masyado na ba akong nalunod sa mga tingin ng lalaking 'yon na hindi ko na narinig na may tumatawag pala sa akin o masyado lang talagang malakas ang pintig ng puso ko kaya wala akong ibang marinig kundi ito lamang.

"Pasensya na may iniisip lang," pagpapalusot ko. "Bakit mo nga pala ako tinatawag? May kailangan ka ba?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Hindi na muli ako lumingon sa kinaroroonan ng lalaki dahil baka magwala na naman ang kalmado ko nang puso.

"Tinatanong ko lang po kung anong kurso niyo po," nakanguso nitong sagot.

"Business Ad," sagot ko rito at bumalik ulit sa pagkain.

Hindi ko pa pala nababawasan ang pagkain ko. Huwag ka kasing kung saan-saan tumitingin lrish!

"Balak niyo pong mangasiwa ng business niyo?" tumango lang ako sa kanya.

Kahit ayaw ko ng business ay wala akong choice kung hindi pag-aralan ito dahil ako lang ang inaasahan nila daddy na mangangasiwa sa business namin kapag nag-retire siya, pumayag na lang ako dahil wala naman akong ibang gustong kurso. Mas gusto kong magliwaliw kaysa mag-aral, hindi ko naman kasi kailangang mag-trabaho dahil secure na ang future ko. Kayang-kaya na akong buhayin ng pera namin, hindi ko na kailangang magtrabaho pa para kumita dahil sobra-sobra na ang binibigay na allowance ni daddy sa akin.

Kung may kapatid lang sana ako na pwedeng mangasiwa sa business namin ay hindi ko na sana kailangang pag-aralan ito kaso wala, nag-iisa lang kasi akong anak.

"Gusto ni daddy na ako ang magpatakbo ng business namin kapag nag-retire siya." Tumango naman si Hera at humigop sa ice tea niya.

"How about what you want?" tanong nito. Ang dami namang tanong ng batang 'to!

"I don't have a choice," kibit balikat kong sagot.

"Mahirap pong gawin ang isang bagay na hindi niyo naman po talaga gusto."

Well, maybe she's right. But l don't have a choice l'm their only daughter so l need to operate the business because that's my responsibility as their only child.

Ngumiti lang ako sa kanya at hindi na sumagot pa. Nahagip naman ng mga mata ko ang grupo ng kalalakihan na pumasok kanina, ngayon ay nakaupo na sila sa lamesa sa bandang likod ni Hera kaya tanaw na tanaw ko sila mula rito sa kinauupuan ko. Nakaharap sa banda ko ang lalaking nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam kaya iniwas ko sa kanila ang tingin ko at nagpokus na lang sa pagkain ko para makaalis na kami rito.

"Pre, napakaruming maglaro no'ng nakalaban natin sa kabilang school kitang-kita ng dalawang mata ko na siniko niya si Ares pero hinayaan lang ng isang 'to," sabi ng kasama niya. Ayaw ko mang makinig sa pinag-uusapan nila ay rinig na rinig ko ito dahil sa lakas ng mga boses nila.

"Hayaan mo na, ang importante ay tayo pa rin ang nanalo," sagot naman ng isa pa.

"Nasa sa kanila naman na 'yon kung gusto nilang mandaya, ang importante ay hindi ako ang maruming maglaro." Nabitin sa ere ang kutsara ko pagkarinig ko sa malalim na boses no'ng lalaki, tila kabayo na nag-uunahan sa pagtibok ang puso ko.

Kumalma ka lrish! Hangga't maari ay pigilan mo ang nararamdaman mo! Hindi mo kilala ang lalaking 'yan! At nangako ka sa sarili mo na hinding-hindi ka mahuhulog sa probinsyano! Ayaw mo sa probinsyano, 'yan ang itatak mo sa isip at utak mo!

Mabilis kong tinapos ang pagkain at niyaya kaagad si Hera na umuwi, tumayo ako at kinuha ang camera ko na pinatong ko kanina sa mesa. Ngunit sa pagkuha ko ng camera ay hindi sinasadyang nasagi ko ang isang baso, nahulog ito at nabasag.

Napatingin sa banda namin ang mga costumer sa cafe dahil sa tunog ng nabasag na baso, dahil sa pagkakataranta ay dali-dali akong lumuhod para pulutin ang mga bubog sa lapag ngunit bigla akong nasugatan habang isa-isang pinupulot ang mga ito. Hindi ko inalintana ang sakit at nagpatuloy sa pagpulot sa mga bubog, pinipigilan ako ni Hera pero hindi ko siya pinapansin.

"Ako na po ang maglilinis niyan ma'am," pigil sa akin ng kararating lang na waiter.

Agaran naman akong napatayo nang mapagtanto ko ang ginawa ko. Did l just kneel and pick up the broken glass in front of many people?!

Napatingin ako sa mga tao sa cafe na nakatingin na ngayon sa akin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga mata no'ng lalaki na nakatingin din sa akin partikular sa suot ko, napailing-iling ito na para bang may nakita siyang hindi niya nagustuhan.

Kinuyom ko ang kamay kong may sugat at hinila si Hera palabas sa cafe. Mabilis ang mga hakbang ko palabas na halos madapa na si Hera dahil sa pagkakahila ko pero hindi ko siya binitawan, ang tanging gusto ko lang sa mga oras na ito ay ang tuluyan ng makalayo sa lugar na ito.

Saktong pagkalabas namin ay may paparating na trycicle. Hindi na ako nag-inarte at agaran itong pinara, hindi ko inalintana ang sugat sa kamay ko at dali-daling humawak sa metal kagaya ng ginawa ko kanina.

Walang imik si Hera habang pauwi kami sa bahay. Pinagpasalamat ko naman 'yon dahil ayaw ko munang sagutin ang mga katanungan niya ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko kanina. Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?! May mga waiter naman para maglinis do'n sa mga bubog?! Dahil siguro sa sobrang taranta ko kanina hindi na ako nakapag-isip ng tama! Nakakahiya!

Mas nakakahiya dahil nakita niya ang ginawa ko at parang nanliliit ako sa klase ng tingin niya sa akin kanina. Kung pwede lang magpalamon sa lupa ay ginawa ko na para lang makatakas sa kahihiyang ito.

Pagdating namin sa bahay ay naabutan namin si lola sa sala na nagtatahi, lumapit kami ni Hera sa kanya at nagmano.

"O nandito na pala kayo, kumusta ang lakad niyo? Nag-enjoy ka ba, apo?" tanong nito sa akin, tumango naman ako at pinilit na ngumiti sa kanya.

"Opo lola, marami po pa lang magagandang pasyalan dito," sabi ko habang nakangiti pa rin. Ayaw kong mahalata ni lola ang kalooban ko ngayon.

"Marami talagang magagandang pasyalan dito. Mabuti naman at nag-enjoy ka," nakangiti nitong sabi. Gustong-gusto ko ng umakyat sa kwarto at magmukmok pero ayaw ko namang maging bastos.

"Dalawa lang po ang napasyalan namin lola dahil napagod po si ate. Sa susunod na lang po kami pupunta sa iba pang mga pasyalan dito," sabi ni Hera kay lola.

"Hindi niyo naman kayang puntahan lahat ng mga pasyalan dito ng isang araw lang. . . Kailangan niyo ng mahabang panahon para magawa 'yon," nakangiting ani lola habang nakatingin sa aming dalawa.

"Sige na at magpahinga na kayo, bumaba na lang kayo mamaya kapag hapunan na." Tumango naman kami sa sinabi ni lola, pagod din kasi si Hera dahil medyo mahaba-haba rin ang nilakad namin kanina habang nag-iikot.

Pumanhik kaagad ako sa kwarto ko at naupo sa kama, nakatulala lang ako sa sahig at inalala ang nangyari sa cafe kanina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang hiyang nararamdaman ko.

Binaba ko ang camera na dala ko sa study table, nang dahil sa camera na ito kaya nangyari ang kahiya-hiyang pangyayaring 'yon sa buhay ko.

Pumunta ako sa banyo para maligo, umaasang mahihimasmasan ako sa nangyari kapag nakaligo ako. Isa-isa kung hinubad ang suot ko bago sumalang sa shower.

Pagkalabas ko sa banyo ay dumeretso kaagad ako sa walk in closet. Kahit hindi naman masyadong malaki ang bahay na ito ay kumpleto pa rin naman ito sa mga rooms at gamit, tanging aircon lamang ang kulang dito dahil hindi pinalagyan ni lola. Malamig naman daw dito sa Batangas, pero ang mga kagaya kong sanay sa aircon ay naiinitan dito. Hindi ko na lang 'yon sinabi kay lola at mabuti na lang din at hindi rin 'yon sinabi ni Hera dahil ayaw kung isipin ni lola na maluho ako at hindi sanay sa hirap kahit 'yon naman talaga ang totoo.

Nagsuot lang ako ng pajama at loose t-shirt. Pagkatapos kong magbihis ay pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer, humiga ako sa kama nang tuluyan na itong matuyo para magpahinga.

"Ano kayang iniisip ng lalaking 'yon sa akin?" tanong ko sa sarili ko.

Nababaliw na yata ako dahil pati sarili ko kinakausap ko na! Ganito katindi ang epekto ng lalaking 'yon sa akin na kahit hindi ko siya nakikita ay siya pa rin ang laman ng isip ko, ni hindi ko pa nga siya kilala tapos ganito na ang epekto niya sa akin? Paano na lang kapag lubusan ko na siyang makilala?! Pigilan mo ang nararamdaman mo lrish dahil walang maidudulot na mabuti 'yan sa 'yo!

Hindi naman ako magtatagal dito dahil sigurado akong hindi ako matitiis ni daddy. Mawawala rin ang galit niya sa akin dahil ganoon naman palagi si daddy, nagagalit pero umaamo rin kalaunan. Kapag tuluyan na akong nakaalis sa lugar na ito ay mawawala rin itong nararamdaman ko.

Hindi ko hahayaan ang sarili kong mahulog sa lalaking 'yon, hangga't maari ay pipigilan ko itong nararamdaman ko. Panandalian lamang ito at lilipas din ito kalaunan.

Continue Reading

You'll Also Like

358K 24.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
5.5M 276K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
1.1M 24.2K 35
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
20.5K 416 34
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...