School Trip

By Kuya_Soju

2.7M 53.6K 15.6K

A PUBLISHED BOOK UNDER LIB (Life Is Beautiful) Biktima ng bullying at nag-suicide. Iyan ang nangyari kay Oliv... More

Teaser
Author's Note + Video Trailer
LESSON 1- How to Welcome A Newbie
LESSON 2- Knowing Yoseif's Real Identity in A Glimpse
LESSON 3- Remember: Teachers Are Not Perfect!
LESSON 4- Meeting New Friend
LESSON 5- When The Bully Gets Bullied
LESSON 6- The Suspension
LESSON 8- The Visitors in Red
LESSON 9- Run Devil, Run
Surprise Quiz
LESSON 10- Hell Again
LESSON 11- When Everything Falls Apart
LESSON 12- Fooled
LESSON 13- Jump! Jump! Jump!
Assignment #001
LESSON 14- Behind Those Evil Smiles
LESSON 15- Smoking Kills!
LESSON 16- I Saw Her
Teacher Noah's Announcement About the School Tour
LESSON 17- School Trip
LESSON 18- Big Bang Bus
LESSON 19- Go With The Flow
LESSON 20- Handcuffed
LESSON 21- Knitted Together
LESSON 22- One By One
LESSON 23- Caught!
LESSON 24- A Mother's Tears
LESSON 25- Unveiled
LESSON 26- The Hell They Made
LESSON 27- Chasing Death
LESSON 28- Killing Spree
LESSON 29- Forgive Me For I Have Sinned
Last Author's Note
LESSON 30- Final Exam

LESSON 7- Where is Ysabelle?

70K 1.3K 288
By Kuya_Soju

"AND that's our lesson for today. Class dismissed!" Nagsigawan sa tuwa ang mga estudyante ni Teacher Noah ng sabihin niya ang mga ito.

Class dismissed. Para sa mga estudyante niya ay parang sinabihan mo ang mga ito na walang pasok. Ang salitang iyon ang senyales na makakatakas na sila sa apat na sulok ng classroom na pero para sa kanya ay iba. Class dismissed. Ibig sabihin ay babalik na siya sa tunay na siya. Hindi na siya si Teacher Noah na parang santo. Siya na si Noah. Isang lalaking puno ng kasalanan.

Nagsimula ng maglabasan ang kaniyang mga estudyante. Maiingay pa rin ang mga ito. Akala mo ay mga baboy na pinakawalan sa kural. Inilabas niya ang cellphone at tinignan ang isang litrato ng babaeng naka-save doon. Napangiti siya. Napakaganda talaga ng kapatid niyang babae...Hindi nakakapagtaka na pati siya ay iibig dito...

Muli niyang ibinalik sa bulsa ang cellphone. Lalabas na sana siya ng room ng mapansin niya na nakaupo pa rin sa upuan nito si Maika.

Nilapitan niya ito at napansin niyang namumugto ang mga mata nito. "Maika...Bakit nag-iisa ka?"

"Teacher Noah! K-kayo po pala..." Halata agad niya ang pagkagulat sa reaksyon nito ng makita siya. "Sige po teacher, aalis na rin po ako."

Aalis na sana si Maika ng tawagin niya ito. Natigilan ito sa paghakbang. "Maika...Hindi ba at ikaw ang kaisa-isang kaibigan ni Olivia? Napansin ko lang na hindi ko na kayo nakikitang magkasama nitong mga huling araw? May hindi ba kayo pagkakaintindihang dalawa?"

Humarap sa kanya si Maika at pilit na ngumiti. "Kailangan ko pong umuwi ng maaga Teacher Noah. Buh-bye po..." At tumalikod na itong muli. Alam niya na umiiwas ito na pag-usapan iyon.

Dalawang dipa na ang layo sa kanya ni Maika ng tawagin niya itong muli. Tumigil naman ito sa paglalakad. "Maika, hindi lingid sa kaalaman ko ang nangyayari sa mga estudyante ko lalong-lalo na ang ginagawa ng grupo ni Bridgette kay Olivia. Ikaw na lang ang meron si Olivia...Sana manindigan ka." Aniya at mas nauna pa siyang lisanin ang room kesa sa nakatulalang si Maika.

Sana ay mai-apply niya sa sarili ang sinabi niya kay Maika. "Sana manindigan ka." Sana nga ay kaya niya rin iyon.






"TALAGA bang iiwan na kita dito?" Napailing si Olivia. Kanina pa kasi siya tinatanong ng tricycle driver na nasakyan niya. Ito ang naghatid sa kanya sa bahay ng kanyang Tiyang Magda.

Nasa harapan na siya ng bahay ng tiyang niya. "Sigurado po ako manong. Tiyahin ko po ang nakatira diyan...Sige na po." aniya at bumaba na siya sa tricycle bitbit ang bag na naglalaman ng ilang damit at personal na gamit.

Umalis na ang tricycle matapos niyang makapagbayad. Medyo nakaramdam siya ng takot ng mag-isa na lang siya. Ala-sais na ng hapon pasado at may kadiliman na rin ang paligid. Medyo liblib rin ang kinatitirikan ng bahay ng tiyang niya. Halos layo-layo ang mga bahay.

Malaki ang bahay ng tiyang niya. Yari iyon sa pawid at kawayan at may ilang bahagi na konkreto rin kaya masasabing matibay din at may panlaban din sa bagyo.

Alam ni Olivia na makakapag-relax siya sa lugar na ito dahil sa hindi alam ng kanyang Tiyang Magda at ni Ysabelle ang tungkol sa eskandalong kinasangkutan niya. Balak na rin nila ng kanyang nanay na dito na lamang sa Quezon manirahan dahil paniguradong magiging tahimik ang buhay nila. Hindi pa nga lang ngayon dahil sa nag-iipon pa ng pera ang kanyang nanay. Ang gusto kasi nito ay may pera sila para sa pagsisimula nila.

Kumatok si Olivia sa gate na yari sa kalawanging bakal. Nabakbak na rin ang kulay green nitong pintura sa tagal ng panahon. "Tiyang Magda! Tiyang Magda? Ysabelle!" tawag niya.

Walang sumagot.

Luminga-linga siya. Wala naman siyang mapagtatanungan dahil walang kapitbahay ang tiyang niya. Tumawag pa siya. Mas malakas pero wala pa ring sumasagot. Nagdesisyon na siyang buksan ang gate. Inabot niya mula sa labas ang pangkalang at tinanggal iyon. Umingit ang gate ng dahan-dahan niyang buksan iyon. Parang matagal ng hindi ginagalaw iyon.

Pagkapasok niya ay napansin niyang bukas ang main door. Hindi na siya nag-atubiling pumasok dahil kilala naman siya ng Tiyang Magda at ni Ysabelle. Naitakip niya ang kanyang kamay ng makaamoy siya ng masangsang na amoy. Amoy ng isang kwarto na matagal nang hindi nalilinis. Bukas ang ilaw sa buong kabahayan kaya naman kitang-kita ni Olivia kung gaano kagulo doon. Napailing siya.

"Tiyang?" Tawag niyang muli. Hindi siya gumagalaw sa kanyang kinakatayuan.

Tatawagin niya sanang muli ito ng makarinig siya ng malakas na kalabog na nagmumula sa isang kwarto roon na ikinagulat niya. Nakarinig siya ng pag-ungol...Parang humihingi ng tulong.

"Uhh...Uhhh..." Biglang gumapang ang kaba sa dibdib ni Olivia ng mapagtanto niyang boses iyon ng kanyang Tiyang Magda.






"PARANG walang buhay pala kapag wala si Bridgette ano?" Nakahalum-babang turan ni Carina habang marahan niyang nilalaro ang carbonara na inorder nito sa canteen.

"OK nga eh. Walang masyadong nagdidikta..." Makahulugang sagot ni Emma. Tumingin kay Emma ang lahat. "Why? Did I say something wrong?" ani nito habang sumisipsip sa orange juice nito.

"You just told na parang dinidiktahan tayo ni Bridgette. You just said it..." sabi ni Thea.

"Nah! I don't mean that. Anyway, asan ba ang mga boys?" tanong na lamang ni Emma.

"Puffing. Sa likod ng old building."

"OK. After we eat, punta tayo dun..." pagtatapos pa ni Emma.

Pagkatapos nga noon ay nagtungo na sila sa likod ng naturang lumang building. Malayo pa lamang sila ay napansin na agad nila na parang nagkakagulo na sina Ford, Jacob, Steven at Matthew. "Oh my God! Anong nangyayari doon?!" Sabi ni Thea at nagtatakbo silang tatlo papunta sa kinaroroonan ng mga lalaki.

Pagpunta nila doon ay nakita nilang halos nakahiga na si Matthew sa lupa at tila nahihirapang huminga.

"God! Bakit tinitignan niyo lang si Matthew?!" sita ni Emma. "Inaatake siya ng asthma niya! Hanapin niyo iyong gamot niya sa bag niya!"

Niluwagan ni Emma ang suot na vest at polo ni Matthew para makahinga ito ng maayos.

"Here!" Sabay abot ni Carina kay Emma ng isang bote na may laman na mga capsules ng gamot. Kumuha ng tatlo si Emma at ipinainom iyon kay Matthew...






"TIYANG MAGDA!" Malakas na sigaw ni Olivia ng makita niyang nakabulagta sa sahig ang kanyang tiyang. Nakatirik ang mga mata nito at nanlalaki. Bumubula din ang bibig nito. Agad niya itong nilapitan at hinawakan sa magkabilang kili-kili. Hinigit niya ito at dinala sa kama nito. Inihiga at pinaypayan.

"Ano pong nangyari sa inyo Tiyang?" Nag-aalala niyang tanong. Medyo natataranta na rin siya. "Ysabelle! Ysabelle!" Tawag niya sa pinsan.

Maya-maya ay dahan-dahang sumara ang mga mata ni Tiyang Magda. Pinakiramdaman ni Olivia ito. Salamat sa Diyos at buhay pa ito. Napansin niya na parang mabaho ang tiyang niya. Tila matagal ng panahon ang nakalipas bago ito huling naligo. Malagkit na rin at gulo-gulo ang mahaba nitong buhok. May awa na hinaplos niya ang mukha nito.

Hinayaan niya muna itong matulog.

Gabi na pala at kailangan na niyang magluto para sa hapunan nila. Medyo nababahala na rin siya dahil hindi pa niya nasusumpungan sa bahay ang anak ng Tiyang Magda niya na si Ysabelle.

Nagtungo na siya sa kusina. Mabuti na lamang ay may bigas pa doon at puno ng pagkain tulad ng gulay, karne at isda ang refrigerator na naroon. Habang nakasalang ang sinaing ay nag-iisip na siya kung ano ang uulamin nila. Binuksan niya ang ref at napangiti siya. Paborito ng Tiyang Magda niya ang adobong baboy. Kumuha siyang karne na nakalagay sa malaking tupperware at hinugasan iyon. Sabay niyang niluto ang adobo at ang kanin.

Matapos makapagluto ay pinuntahan na niya ang kanyang Tiyang Magda sa kwarto nito. Gising na ito. Nakaupo sa gilid ng kama at nakatulala. Blangko ang ekspresiyon ng mukha nito.

Nilapitan niya ito. "Kakain na po tayo Tiyang..." Yaya niya. Tumayo ito pero hindi nagsalita. "Tiyang, asan nga po pala si Ysabelle?"

Matalim na tumingin ito sa kanya pero hindi nagsalita.

"Ah sige po. Tara na po tiyang sa hapag...Alam niyo po ba na masaya po ako at nakita ko kayong muli. Gusto rin po sana na sumama ng nanay kaya lang may trabaho po siya," kwento ni Olivia habang papunta sila sa komedor. Pagdating doon ay sinilbihan niya ito ng pagkain. Napansin lang ni Olivia ang pagiging walang kibo at tamilmil kumain ng Tiyang Magda niya. Nakapagtataka naman...

Gusto niyang itanong muli kung nasaan si Ysabelle pero baka magalit ito. "Masarap po ba ang luto kong adobo?" Bagkus ay tanong na lang niya.

Wala pa ring sagot.

Hindi na siya makatiis. "Tiyang...S-si Ysabelle po ba nasaan?"

Natigilan ang tiyang niya sa pagsubo at tumingin sa kanya. Sabay itinuro nito ang refrigerator. Napapitlag si Olivia. "T-tubig? Gusto niyo po ng tubig?" Tumayo agad siya at kumuha ng pitsel na may lamang tubig sa ref. Nagsalin siya sa baso at ibinigay iyon sa Tiyang Mada. "Heto po Tiyang..." At ininom nito iyon pero wala siyang nakuhang sagot dito kung nasaan si Ysabelle kahit hanggang matapos na silang kumain.







"DAPAT po tiyang maliligo kayo araw-araw ha? Wag po kayong mag-alala, hanggang andito ako, ako muna ang mag-aasikaso sa inyo Tiyang Magda..." Nakangiting sabi ni Olivia habang pinapaliguan niya ang Tiyang Magda niya sa banyo. Nakalublob sa lumang bath tub ang Tiyang Magda niya habang siya ay nakaupo sa gilid ng tub. Nakatalikod ang tiyang niya habang kinukuskos ng bimpo ang likod nito.

"Magiging presko na ang pakiramdam niyo bago matulog dahil nakaligo na po kayo..." aniya pa.

Nakatulala pa rin ang tiyang niya. Walang ekspresiyon ang mukha.

Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung nasaan ba talaga si Ysabelle? Umalis na ba ito ng Quezon o nilayasan na nito ang ina? Wala talaga siyang alam...Pero sana ay nasa mabuti itong kalagayan.

Bago matulog ay masuyo niyang sinuklayan ang mahabang buhok ng kanyang Tiyang Magda hanggang sa ito ay matuyo. Bago siya lumabas ng kwarto nito ay sinigurado niyang mahimbing na itong natutulog.






SA kwarto ni Ysabelle napagdesisyunan na matulog ni Olivia. Kapag bumibisita siya noon dito ay talaga naman na magkasama silang natutulog dito ng kanyang pinsan. Pero ngayon ay nakakapanibago. Dati bago sila matulog ay naghaharutan pa sila at kapag pagod na ay nagkukwentuhan na lang sila ni Ysabelle hanggang sa kapwa na sila antukin at makatulog.

Nakakapagtaka rin ang kinikilos ng Tiyang Magda niya. Oo nga at mahilig itong mag-isa pero hindi tulad ngayon. Hindi na ito nagsasalita at parang wala ng pakialam sa sarili. Maraming katanungan ang naglalaro sa utak ni Olivia...

Ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sana sa paggising niya bukas ay makita na niya ang kanyang pinsan na si Ysabelle...

Continue Reading

You'll Also Like

113K 4.8K 18
Every school has its own creepy tales...
329K 10.1K 25
PUBLISHED UNDER LIB (DARK). GRAB YOUR COPIES NOW AT YOUR NEAREST PRECIOUS PAGES CORP. STORES [08-02-19]. • BOOK 1 • Horror • Mystery • Thriller • P...
1.2M 24.4K 31
(NOW A PUBLISHED BOOK UNDER LIB) Sasama ka ba sa LAST trip? Muling damhin ang IMPYERNO sa huling pagkakataon... Class resumes!!!
152K 4K 32
Behind those sweet little faces and sweet little praises, lies a demon behind them. A reunion that will change their lives. Prepare to scream, to run...