love After Hatred (love me mr...

By hottttiiiiee

443 25 1

Sino nga ba ang makakapagsabi na magiging masaya ang pagsasama pagkatapos ng kasal?. Sino nga ba ang my alam... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10

CHAPTER 11

43 2 1
By hottttiiiiee

Charlotte POV

Kasalukuyang nasa garden ako ngayon at nag tsatsaa. Tulog pa si Louis at di ko naman siya pedeng gisingin dahil magagalit lang yon sakin.

Pag naalala ko ang nangyari kagabi diko maiwasang pamulahan. Ano bang naisip ko at humantong kami sa ganon. Shit. Ang plano ko lang naman ay akit akitin ng konti si louis. Pero ng halikan niya ako kusa na lang akong nagpaubaya

Yung mga haplos niya. Ang mainit niyang halik. At yung.... yung.. yung dila niya. Ohhh gosh. Alipin na lang ba ko ng libido at nadala na akong kaagad sa ganon pa lang. Ang rupok ko naman. Muntikan ko pang isuko ang bataan.

Sa katunayan di naman problema sakin na ibigay ko sa kanya ang bataan. Asawa ko siya at walang masama saka hello 29 nako. Konti na lang ay mawawala nako sa kalendaryo. Pero kasi ayokong ibigay yon sa taong di pako handang mahalin. Naiintindihan ko naman na nadala lang siya sa pagnanasa at kalasingan kagabi kaya ginawa niya kung ano man ang namagitan sa amin di niya kailangang panindigan na kunwari gusto niya ako. Tss. kaya hindi niya kailangang humingi ng tawad sa kapangahasan niya o magpaliwanag sa nangyari. Lalo pa at ginusto ko rin naman.

Pero nasasaktan padin ako sa isiping habang katawan ko ang hawak niya. Habang ako ang yakap niya. Habang ako ang nasa ilalim niya ay si Diane parin ang iniisip niya.

Ganon niya nga ata kamahal si Diane.  Hayyst kung ganon i love my self. Tss kala niya haa. Likas akong mayabang bakita ako magpapadala sa kanya---

"Wala ka bang pasok" habang humihigop ng tea ay agad akong natigilan ng my nagsalita sa likod ko.

Boses niya pa lang ay kinakabahan nako. Muntik ko na maluwa ang iniinom kong tea. Kasabay non ang pagbilis ng kabog ng aking dibdib. Bakit ba kung kelan ayokong makikita niya ako saka niya ko nakikita. Kung kelan naman kailangan ko siya saka siya sa ibang babae pumupunta

Sana na lang limot niya yung kagabi. Magpangap. Tama magpangap. Diko pa kaya harapin ang kahihiyang nangyari kagabi kaya magpangap.

"Ahh oo. Diba sabi ko nga sayo nandon na sa firm si auntie kaya free na free ako ngayon." Ani ko habang nakatalikod sa kanya diko magawang humarap. Shit shit. Bakit di ako makaharap lalo akong namumukang guilty sa bagay na diko alam kung ano.

Narinig ko naman ang hakbang niya papalapit kaya mas napapikit ako. Diko pa siya handang harapin eh. Baliw ba siya. Lahat ng naranasan ko kagabi 1st time. 1st kiss ko nga yon eh. Kaya kahit parang nag balik teenager ay diko masisi ang sarili ko na mag akto ng ganito. Lalo pa at siya ang gumawa non. Knowing kung gano kalamig ang pakikitungo niya sakin tas biglang ganon. Aishh

Maya maya pa ay alam kong nasa harap ko na siya. Nagpangap akong umiinom parin ng tea dahil diko magawa itunghay ang ulo ko. Ayokong tumingin sa kanya. Hiyang hiya ako. This is hilarious. Pakirandam ko mas gugustuhin ko pang kainin na lang ng pesteng lupang to

"Di pako kumakain. Pag hain moko" malamig na ani niya at muntikan nakong maluugan sa narinig ko. Yun lang pala eh. Easy

"Ahh sige" walang sabisabing tumayo ako at tinalikuran siya. Nasan na yung kapal ng muka ko.

Naramdaman ko naman siyang sumusunod sa akin kaya di parin kumakalma ang kabog ng dibdib ko. Ni hindi ko naramdaman ang gantong kaba kapag nasa bingit ako ng kamatayan tapos sa kanya paba. Aishh

Akala ko ay dederetso na siya sa dining area pero nagtaka ako ng sumunod siya pakusina. Kaya naman bumaling ako sa kanya. Agad na nagtama ang mata namin. My kung anong emosyon nakong nakikita don di kagaya ng dati. Tila ba napaka lalim ng titig niya kaya agad akong umiwas na diko naman gawain lalo pa at abogado akong gustong gusto ang makipagtitigan.

"Dun kana lang sa lamesa. I hahain ko na lang sayo" habang nakatingin kunwari sa ref ay sabi ko. Tumalikod naman ako sa kanya kasi di siya nagsasalita man lang. Mas lumalim lang ang titig niya kaya napapalunok na lang ako. Lalabas na ata ang puso ko.

Inumpisahan ko initin ang mga naluto ko na kanina habang tulog pa siya pero di siya natinag. Di sinunod ang sinabi ko dahil pinapanood niya lang ako sa ginagawa ko. Bahagya pang nakasandal sa isang food cabinet.

"You look tensed " hindi yon patanong. Pagkukumpirmang sabi niya. Baliw ba siya. Malamang

"Ahhh" tanging usal ko. At nagkunwaring hinahalo ang sabaw.

"Do you remember what happe--" agad akong humarap sa kanya na nanlalaki ang mata. Dahilan para magtama ang tingin namin.

"LOUIS MY DAGAAA" out of nowhere na sabi ko. King ina. Lintek na dahilan. My matching turo pako sa likod niya. Pero imbes na lingunin niya ang daga kuno na sabi ko ay nginisihan niya lang ako.

Wag moko ginaganito louisio ka. Sasakalin kita. Ayoko sa lahat nahihiya ako.

"Is it your 1st?" Tanong nito. Nag umpisa naman itong lumapit sakin. Kada hakbang niya ay bumibilis din ang kabog ng aking dibdib. Diko tuloy magawang ibuka ang aking bibig. Namumula lang akong nakatitig sa kanya at nanlalaki ang mata

"Yeah its your 1st cum. Your 1st kiss also" ani nito habang tatango tango. Tila ba nakumpirma niya ang sinasabi dahil sa pamumula ko at ng malapit na malapit na siya sa kin ay wala akong magawa kundi ang lumakad patalikod. Pero tumama lang ang likod ko sa pader. Paulit ulit akong lumunok ng di siya nakuntento sa lapit. Dahil bahagya niya pa akong kinorner. Nilagay niya ang kamay niya sa magkabilang tabi ko. Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Nanlalamig at nanlalambot ang tuhod.

Binaba niya ang muka hanggang tenga ko at nagtindigan ang lahat ng balahibo ko ng madamdaman ko ang paghinga niya don

"Is it masarap" tanong niya at tila nakuryente ako ng bigla niyang kagatin gamit ang labi ang tenga ko

Masasakal kita Louisio

"Ayy yung niluluto ko" ani ko na lang at bahagya siyang tinulak saka nagpanggap na hinahalo na naman ang sabaw. Napapikit naman ako sa kahihiyan ng tumawa siya. Lakas ng loob niya ahh parang di nangbabae kung ganon ganunin ako.

"Ohh persecutor you taste like honey bee" ani niya kaya naman wala na sa sariling binato ko siya ng sandok. Natatawang sinambot niya naman yon

"Louis ano ba" sigaw ko at natatawa naman niyang tinaas ang kamay niyang may hawak ng sandok pa ang isa. "Umalis ka nga diyan wag mokong ginagalit" ani ko saka tinuro labas ng kusina

"Uumm ok ok" ani niya habang nakataas parin ang kamay na tila sumusuko saka sumunod na sa sinabi ko.

Napabuntong hininga naman ako at muling humarap sa iniinit ko. Kinakalma ang sarili.

"Pero prosecutor gumban seriously you have good tits " pahabol niya at awtomatiko akong bumaling sa kanya at akmang ibabato uli ang sandok pero tatawa tawa natong tumatakbo para lumisan sa kusina. Tanginang yan. Diko matatagalan ang gantong pang aasar niya. Bukod sa di ako sa sanay na ganon siya ay ayoko rin sa pakiramdam na ganitong katinding kahihiyan.

-----

Louis POV.

Kasalukuyang narito ako sa site at sa diko maipaliwanag na dahilan ay ganadong ganado ako sa trabaho, di kagaya nitong nakaraan na lagi akong nakabusangot at basta basta na lang naninigaw.

Tila sinapian ako ng kung sinong anghel at lahat ng magtanong sakin ay sinasagot ko ng ayos at my maaliwalas pang ngiti sa labi. Nababaliw nako.

"Engineer. Ganadong ganado ahh?" Habang nakatingin sa trabahador ay diko namalayan si architect Mandaue. Babae siya at kilala na sa daming project. Sa kanyang linya ay pinaka recommended palagi dahil narin sa magagandang disenyo nito.

"Halata ba" bawi ko sa kanya

"Oo sobra"

"Well what do you need?"

"Ahh wala naman, my nakita lang ako don sa parking, may naghahanap na babae sayo. Ikaw ha babaero ka" agad n nawala ang ngiti ko sa labi ko.

Si diane?

"Sino?" Kunot noong tanong ko

"Uh.. Diane ata? Actually kausap na siya ni engineer topher mukang nag aaway pa nga eh--" ani niya. Si Topher? Oh damn. Wala pa man ay kutob ko ng paalisin ni topher si Diane. No hindi puwede. Kailangan ko makausap si Diane

Wala sa sarili kong iniwan si archi. Mandaue at tinakbo ang sinasabi niyang parking. Napakalayo ng parking pero dahil sa mabilis kong pagtakbo ay agad kong narating iyon. Hinihingal man ay di ako tumigil. Agad kong nilibot ang tingin sa parking at hinanap ng mata ko si topher. At di naman ako nabigo ng makita ko siya. May kausap nga siyang babae. Agad akong napalunok.

Diane.

Wala sa sariling nakaramdam ako ng halo halong emosyon pero lamang ang kagalakan roon.. bumalik siya

Dinahan dahan ko naman ang lakad ko papalapit sa kanila. Gusto ko mapakingan ang pinag uusapan nila.

"Admit it or not, nagustuhan mo yon Diane. Wag kang mag malinis sa harap ng kaibigan mo at ng kaibigan ko. Sinisira mo ang relasyon ng mag asawa," tila natulos ako sa kintatayuan ko sa pilit pinapahina ngunit galit na ani ni topher.

Sa kung anong dahilan ay napatago agad ako sa kotse na puti. Sa kabila non ay silang dalawa na. Kaya naman malinaw ko paring naririnig ang sinasabi nila.

"Binabalaan kita topher, subukan mong sagadin ang pasensya ko, huwag na huwag mong sasabihin kay Louis" boses ni Diane

Ano ang huwag sasabihin sakin. Sa mga naririnig ko ay nakaramdam ako ng kaba. Tila ba my alam kong ikakasakit ko ang pinag uusapan nilang dalawa.

"Oh Diane. Hanggang kailan kaba mag papangap. Paano mong nasisikmura ang lahat" nauubusan ng pasensya na ani ni topher.

"Hanggang kaya ko topher. Hanggang kaya ko. Diko basta ibibigay kay Charlotte ng ganon na lang si Louis. After what i done" galit na sigaw nito. Kumabog naman ng mabilis ang puso ko...

"Hindi mo mahal si Louis Diane. Mahal mo ang kapatid niya na wala kang magawa dahil hindi ikaw ang ginusto kaya si Louis ang ginaganito mo... baliw kana Diane " bigla ay parang tumigil ang mundo ko. Sa narinig nayon ay tila ba nangatog ang tuhod ko.

Parang my kung ano ang biglang sumakit sa dibdib ko.  Anong ibigsabihin nila?... anong dapat kong malaman. Akmang papasok nako sa usapan nila dahil nagwawala na ang sistema ko ng may isang kamay ang pumigil sa braso ko. Akmang sisigawan ko kung sinong pangahas na yon. Pero natigilan ako ng pagbaling ko at makita kung sino yon.

Si Charlotte.....

Di ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya ngunit parang diko na ata talaga kailanganv magsalita pa dahil samut sari emosyon ang pinapahiwatig ng mata niya, tila ba sa pamamagitan non ay nalaman ko na naiintindihan niya parin ako.

Ang nagngangalit kong sistema ay nakalma sa titig niya. Subalit ang emosyon ko ay tila mas nadagdagan lang sa pamamagitan ng tingin niya.

Para naman isa isang nag flashback sakin na tila isang pelikula kung paano kong minahal ng buong puso si diane... mula noon hanggang ngayon. At ang sakit

"Itigil mo na to Diane maawa ka sa kaibigan mo, at kay Louis.."

"Topher. Mahal ko si Louis "

"Si lukas ang mahal mo hindi si Louis. Itigil mo ang kahibangan mo. "

"M-mahal ko silang pareho"

"This is bullshits Diane" sigaw ni topher.

Nanatili akong nakatitig sa mata ni Charlotte. At diko alam bakit diko magawa alisin ang titig ko sa kanya kahit pa ramdam ko na ang sarili kong luha ay pumapatak na...

Kalmado lang siyang nakatitig sakin. Tila ba inaaral ang muka ko. Malamlam ang mata niya at halatang nauunawaan niya ang nararamdaman ko ngayon.

"Pero mas mahal ko si lucas. Pero mahal ko rin naman si Louis topher " ani ni Diane. At ng akmang hihikbi nako ay agad akong hinila ni Charlotte saka niyakap.

Tahimik niyang yinakap ako. Wala naman akong nagawa kundi ang isiksik ang muka ko sa leeg niya at yakapin nadin siya. Masakit. Sobrang sakit.

Alam kong nagsasalita pa si Diane pero diko na yon magawang mapakingan ng takpan niya ang tenga ko habang tahimik akong umiiyak sa balikat niya.

Ang hirap umiyak ng tahimik. Pero masarap sa pakiramdam pag may iniiyakan ka. Mahigpit niya akong niyakap. Wala siyang emosyon sa muka at tila napakatibay niyang sandalan at pupuwede ko siyang iyakan ngayon.

Maya maya pa ay kinakas niya ang pagkakayakap ko saka hinila ako kung saan. Nagtago kami sa isang pader at habang tahimik akong nakatingin sa kanya ay sumilip siya sa pader para matingan ang kinaroroonan namin kanina. Siguro ay paalis na si Dianne kaya para hindi nila makita ay nagtatago kami.

"Bakit ka nandito?" Malamig na tanong ko. Naramdaman ko namang natigilan siya saka tumingin sakin.

"Bakit mo yon ginawa?" Tanong ko pa

Pero ramdam kong nakatingin lang siya sa akin kaya naman nag angat nako ng tingin sa kanya at tinitigan siya sa muka. Walang expression ang muka niya pero libo libong emosyon naman ang makikita mo sa mata niya.

Para bang sinasabi ng mata niya na kahit hindi na ako mag sabi sa kanya ay nauunawaan niya ako kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanya ng maramdamang naluluha na naman ako

"We made love everytime you're not around, im not treating you right, i hurt you by words and physical sometimes , i didn't care of what you've been through. I make you suffer. I make you're life miserable, so stop acting that everything are ok to you" diko alam bakit ko yon sinasabi.

Di ako makatingin sa kanya. Pero ramdam ko ang malalim na pagtitig niya sa akin palatandaan na nakikinig siya. Pero wala siyang sinasabi o ginagawang action. Parang handa lang siyang. Makinig sa akin

"I hurt you, physically, mentally and emotionally." Dagdag ko at napatungo nako.

"I hate you that bad. So why you're not hating me back?" Para akong batang nabunutan ng tinik. Siguro nga matagal na yung tanong nayon sa isip ko na hindi ko lang masabi sa kanya.

Di parin siya kumilos o mag sabi ng kung ano ano. Kaya naman nakaramdam ako ng pagkailang at kakaibang bilis na naman ng tibok ng puso

"Is hating someone hates me is necessary?" Tanong niya kaya napatunghay ako sa muka niya. At tila mas kumabog ng mabilis ang dibdib ko ng magtama ang aming mga mata. Kung anong panlulumo at pagkalito sa mata ko ay siyang kabaliktaran ang makikita sa kanya
" Yes I did marry you for some reason na diko gusto, and  i also didn't love you. But i can't hate you because you're hating me, I vow that I'll be loyal to you, to be with you and to take care of you that's why im doing this, but it didn't mean it doesn't  hurt anymore. But you know one thing i learn to you?"

"What?"

"Hatred can be shown to your action, but denial also, i know mr. Louis you're in denial. I know you care for me too, that's why i also care for you"

"Baliw kana" napangiwi na ani ko dahil diko maunawaan ang sinabi niya. Pero bigla ay ngumisi siya

"Baliw sayo" malokong ani niya at aminin ko man o hindi ay kinilig ako tangina.

"Are you flirting with me?"

"Asawa naman na kita bakit hindi?" Tanong niya sabay kindat at malakas ang dating non sakin. Di ako nakaimik parang saming dalawa ako pa ang ginawa niyang babae sa ganyang mga pag banat niya

"Sige na balik kana sa trabaho mo, wag mo na lang muna pansinin yung kaibigan mo, or wag mo nga muna kausapin. Tas uwi ka ng maaga kasi my gagawin tayo"

"A-anong gagawin natin?"  Bigla ay nautal na sabi ko. Ano bang nangyayari sakin. Kala ko ba masakit, dapat ay umiiyak ako at hindi kinikilig..

Napangisi siya sa biglang naging reaction ko, kung kanina siya ang inaasar asar ko mukang babawian niya ako sa itsura palang ng ngisi niya

"Something hot.. uhm mga r18 " sabay kagat labi na ani niya

"L-loko ka ah" sagot ko na kinatawa niya. Tinapik niya naman na ko sa balikat

"Joke lang sige na. Napadaan lang talaga ako. Nakita ko lang din si Diane at sinundan ko. Diko naman akalain na dito siya pupunta eksakto naman nakita rin kita. Dun kana dumaan sa kabila para di mo makita si Diane baka umiyak kana naman tss cry baby" sagot nito saka nginisihan ako sa huling pagkakataon. Saka tumalikod

Napatigil naman ako at prinoproseso pa ang lahat ng kanyang sinabi.

"Hoy teka" pag habol ko sa kanya pero kinawayan niya lang ako patalikod

"Sige na... ayusin mo trabaho mo. Wag ka paapekto" sagot nito na di manlang ako nililingon. Patuloy lang sa pagkaway patalikod.

Natahimik nalang ako at pinagmasdan siya habang naglalakad siyang patalikod. Napahawak naman ako sa dibdib ko.

****

CHARLOTTE POV

what the hell im saying? Anong r18? Nakakahiya ghosh i never imagined this day come where i start to flirt with someone. Asawa ko naman Si Louis. Wala naman masama? Aisshh nakaka frustrate.

Im with carolina right now. Inayos ko na agad ang documents niya sa lalong madaling panahon na walang hirap ko din namang nagawa dahil bukod sa connection ay abugado din ako.

Katapos tapos lang namin mag shopping ng gamit niya. Pinaglaro ko din siya sa mall at bakas na bakas sa muka ng bata ang saya na tila ba ngayon niya lang uli naramdaman. Magaan din ang loob ko sa kanya kaya naman walang magiging problema tanging si Louisio nga lang talaga.

Nasa sasakyan kami pauwi. At napakadaldal na bata ni carolina dahil wala atang minuto o segundo na tumigil ang bibig niya kaka kwento ng kung ano ano kaya mas nakakatuwa siya napakabibong bata

"At alam niyo ba attorney sinapak ni papa yung bad guys"

"Really?"

"Opo. Ganto nga po ehh" ani niya habang pakunwari na nagsasapak sa ere.

"Tas yung mangagatcho walang nagawa ehh. My black eye siya.. para nga po kayo si papa. Pareho po kayo nag aano ng mga bad guys". Napangiti ako

"Were here " ngiti ko habang pinaparke ang sasakyan

"B-bahay niyo to attorney?"

"Yes... and it will be yours also"

"A-akin po?"

"Yes... carolina lazarte gumban"

Napatikom naman ng bibig ang bata at maluha luha na nakatingin sakin

"K-kung gayon po m-mama na po kita"

"Of course baby"

Nagulat ako ng bigla na lang siyang umiyak. Anong gagawin ko. Diko alam bat siya bigla umiyak kaya naman nataranta ako. Hinawakan ko ang noo niya. Normal naman. Tiningan ko din ang mga braso niya at ang hita pero di naman namumula

"Why?. May masakit ba? Tell to mommy" ani ko at mas lumakas ang iyak niya. Napakagat labi naman ako

"M-mommy huhu thank you po" ani niya saka sumpa sa akin sa driver seat at niyakap ako nung una ay natigilan ako. Diko malaman kung ano ang gagawin ko subalit patuloy parin siya umiiyak sa balikat ko kaya napabuntong hininga ako saka dahan dahan hinaplos ang likod niya ng palad ko

"Shhh" pagpapatahan ko sa kanya "do you want to meet your daddy?" Ani ko kaya natigilan siya

"D-daddy." Namumula mula ang muka niya. Humiwalay siya sa pagkakayakap sakin saka tumingin sa muka ko. Natatawa naman ako sa itsura niya kaya pinunasan ko ang mga luha niya

"Yess kung my mommy ka syempre my daddy ka din" ngiting ngiti na ani ko

"Talaga po" nagnining ning ang mata nito. Kaya napangiti ako ng mas malawak

"Talagang talaga" ani ko at muli siyang yumakap para mas umiyak.

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...