Legends of Olympus I

By mahriyumm

2.7M 177K 246K

In Olympus Academy, the first and only school to house Filipino demigods and mythological creatures, students... More

Legends of Olympus
Born Ready
Family
Future Rising
Olympus Academy
The Omegas
Emergence
Game of Thrones
Price of Power
Responsibility
Balance
Spells
Reputation
Thunder Child
Groceries
Skies
Love Story
The Omega Way
Amnesia
Figures
Pandora
Taking the Lead
Languages
Auraic Studies
Ultimate Control
Deep Sleep
Curiosity
Black Market
Frustrations
Top Student
The Tenth
White Knights
Australia
North America
Destined
West Asia
Africa
Europe
Loyalty
South America
East Asia
The Noise
Blackened
Interrupted
Breakthrough
Revived
Crises
First Strike
Reapers
A Stone
The Commander
Aftermath
True Power
Reign
Deadly Relief
Consequence
Parental Guidance
Checklist
Rumors
Wishes
Betelgeuse
Life of the Party
The Strongest Bond
Romeo and Juliet
Closer
Preparations
Annual Olympics I
Annual Olympics II
Entranced
Labyrinth
Imprisoned
One at A Time
Guardians
War of Powers
War of Hearts
Nothing Left To Say
Gifted
Rock Climbing
Masquerade I: Glass and Shield
Masquerade II: Blood and Poison
Masquerade III: Veil and Thorn
Masquerade IV: Riptide and Flame
Masquerade V: Tethered Tempest
Unmasked
Betrayed
Crack of Dismay
Remedy
Mysteries
Isles of the Blessed
Anchors
Sweet Sixteenth (Special Chapter)

Obsessions

23.6K 1.7K 3.4K
By mahriyumm

Bella's POV

Kakainin ko na sana yung sunog kong toast nang bigyan ako ni Reign ng okay sign.

Nasa kusina kami kumakain ng umagahan. Nakaupo siya sa tapat ko, habang nasa tabi naman niya si Paige na nagsalita.

"She's asking if your sandwich is burnt enough," sabi niya.

"Ah..." Tinignan ko ang maitim na sandwich sa kamay ko. "Oo, okay lang."

Sinenyasan ako ni Reign na kainin ito kaya tumakam ako nang hindi inaalis ang aking tingin mula sa kanya.

Pagkatapos, binigyan niya ako ng thumbs up.

Tinignan ko si Paige.

"She's asking if it tastes bitter enough," aniya.

Tumango-tango ako kay Reign na nginitian ako.

Dumating si Amber sa kusina na may dalang card. Inilapag niya ito sa gitna ng mesa at nilingon sina Reign habang tinatapik ito.

Pinandilatan niya ito ng mga mata sabay pindot-pindot ng likuran ng kanyang pulsuhan.

Tinignan ko na naman si Paige.

"Is that the program for the pageant?" tanong niya.

Tumango si Amber.

"What time?"

Inangat ni Amber ang kanyang kamay nang nakataas ang isang daliri. Tapos, dalawa nang kamay ang ginamit niya para ipakita sa'min ang tatlo niyang mga daliri at yung letter o naman sa kabila.

"One-thirty in the afternoon," kumpirma ni Paige na tinanguan ni Amber.

"Hmm!" Malakas na bumagsak ang kamay ni Amber sa copy ng program. Pinaningkitan niya si Reign. "Hmm..." Dinuro niya ito gamit ang dalawa niyang mga daliri. "Hmm." Pinihit-pihit niya ang kanyang kamay para paulit-ulit na ituro si Reign at ang sarili niyang mga mata. "Hmm?"

"Amber says you can't be late for the program," ani Paige. "She'll be looking for you-"

Biglang itinaas ni Amber ang kamay niya at itinutok ang kanyang daliri kay Paige, pagkatapos ay sa'kin.

"I mean, she'll be looking for all of us," sabi ni Paige.

Tumango si Amber.

Kasunod silang napatigil nang biglang may kumalabog mula sa taas.

Gising na ata sila...

"Mukhang gising na si Spooky." Nginitian ko si Reign. "Thank you sa sandwich, Reign! Hihi!" Kinisap-kisapan ko siya. "Sa kwarto ko nalang kakainin!"

"Wieeee~" Bitbit ang sandwich, panandaliang nandilim ang aking paningin at sa muli kong paghagilap ng kaunting liwanag, natagpuan ko ang aking sarili na nakatayo sa gitna ng aking kwarto, kaharap ang tatlong estudyante na nakatali sa mga upuan at nakabusal ang mga bibig.

Napalitan ng pagtataka ang pananabik ko nang makita ang pang-apat sa kanila na nasa sahig na.

Dahan-dahan kong inangat ang aking mga kamay para kainin ang masarap na sandwich na ginawa ni Reign para sa'kin, at saka minasdan ang estudyanteng lalaki na tinumba ang upuan niya at gumagapang habang nakagapos pa rin.

Sa pagkakatanda ko, siya yung nagtulak kay Zack sa marathon kahapon, ih...

Tinignan ko ang isa pang lalaki na nakaupo at nanlalaki ang mga mata.

Or siya ba yun?

Lumiwanag ang aking mukha.

Hindi! Siya si Philip, yung Beta na binugbog ni Vance kahapon, tapos pinagaling ni Raphael, tapos binugbog ulit ni Vance at pinagaling ulit ni Raphael para bugbugin na naman ni Vance buong umaga!

Pinaningkitan ko siya dahilan na mapasinghap siya.

Teka. Kung si Philip 'tong nasa gitna...

Kasunod kong tinignan ang lalaking nasa kanan niya.

Ibig sabihin, baka ito yung-

Umiling ako.

Hindi rin! Siya yung Gamma na ginalaw yung gulong ng chariot ni Vance!

Humarap ako sa kabila kung saan natakot ko ata ang Gamma rin na isang babae dahil napahikbi siya sa sindak. 

Eh, siya yung naglason sa'kin bago yung championships ng wrestling, ih!

Muling sumayad ang aking paningin sa estudyante na gumagapang pa rin sa sahig, at di ko naiwasang mapahagikgik.

See? Tama ako. Siya nga yung nagtulak kay Zack! 

Masaya akong pumihit-pihit sa kinatatayuan ko habang inuubos yung sandwich ko.

Congratulations to me!

Napalingon ako sa babae na nagtangkang sumigaw. Umiling-iling siya habang nakagapos ang mga braso't binti niya sa upuan.

Umangat ang magkabilang kilay ko. "Hmm?"

Nagsimula na siyang maluha at nagpumiglas mula sa mahigpit na pagkakatali niya.

Inilingan ko siya.

Tumigil siya, saka iniyuko ang kanyang ulo para ipagpatuloy ang kanyang pag-iyak.

"Ba't ayaw niyo na tinatali?" nangunguryuso kong tanong sa kanila. "Gusto niyo ba putulin ko yung mga braso at binti niyo para di kayo makagalaw?"

Napasinghap silang tatlo at mabilis na umiling-iling.

Nagpakawala ako ng isang nadidismayang buntong-hininga. "Si Mommy ko kasi mahilig magpatali kay Daddy, ih, pero ako, mas pipiliin kong maputulan para di na makagalaw..." Nanghina ang aking boses. "O di kaya mapugutan ng ulo..."

"Kaya hanggang ngayon..." Nanliit ang aking mga mata. "Di ko pa rin maintindihan kung bakit mas gusto ni Mommy na magkapasa yung mga kamay at paa niya... minsan leeg..." bulong ko sa sarili. "Kung pwede naman niyang utusan si Daddy na putulin nalang lahat..."

"Diba?" Tinignan ko sila. "Ang wewew-weird..."

"Pero!" Mabilis na nanumbalik ang aking ngiti. "Amazing with a zombie! Dahil nandito sila ngayon para manood ng games!"

"At sabi ni Daddy ililibre raw niya ako sa black market mamaya kapag pinakawalan ko kayo!" nananabik kong sabi sa kanila. "Gusto niyo yun?"

Tumango-tango sila.

"Mmm!" Sumabay ako sa kanila. "Ako rin! Gusto ko rin malibre sa black market! Hihi! Susunduin nga raw niya ako-"

"Isabella."

Napakurap-kurap ako saka umikot paharap kay Daddy na lumabas mula sa isang sulok ng kwarto.

"Still playing with old toys?" tanong niya bago ako lapitan.

"Papakawalan ko na nga, ih!" sagot ko.

Tumigil siya sa tabi ko. "Go change, pumpkin." Nginitian niya ako sabay gulo ng buhok ko. "I'll release them for you-"

"Daddy!" Tinanggal ko ang kamay niya mula sa ulo ko na ikinagulat niya. "Kakaayos ko lang ng buhok ko!"

"Did you?" Kumunot ang kanyang noo. "For who?"

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. "Huh?"

Kinisapan niya ako. "Nothing."

Magtatanong pa sana ako nang bigla siyang umaksyon na kikilitiin ako sa tagiliran ko kaya napalundag ako papalayo sa kanya nang natatawa. "Daddy naman, ih!"

Natawa siya nang mahina at sinenyasan akong umalis na. "Go, change already." Panandalian niya ring sinulyapan ang estudyanteng gumagapang malapit sa paanan ko. "And careful, sweetheart."

Masigla kong nilaktawan ang katawan nito bago nginitian siya. "Okie!" Mabilis akong tumalikod sa kanila at saka lumundag-lundag patungo sa walk-in closet ko.

"Tell me..."

Binalewala ko ang matinding lamig na bumalot sa kinaroroonan nina Daddy.

"Which one of you was stupid enough to poison my daughter?"

"Wie!" Tumalon ako papasok sa closet at mabilis na sinarado yung pinto.




Amber's POV

Napalunok ako habang nakatayo sa harap ng pinto ng mechanical room.

So, bale... una, nagamit ko laban sa huntsmen yung kapangyarihan ko na sabi ni Mama bawal ko pang gamitin kasi di pa namin alam yung sukat ng mapipinsala nito. Pangalawa, naglasing ako sa victory party at na-headline pa. Pangatlo, namura ko siya sa chariot racing kahapon.

Humugot ako ng malalim na hininga at nang ibuga ito ay madahang napailing.

"Patay na ako..." sabi ko sa sarili. "Wala na talaga..."

Naramdaman ko ang isang presensya na papalapit sa kabilang dako ng pinto kaya nagmamadali akong nagtago sa likod ng sulok ng pinakamalapit na corridor.

Sumilip ako mula rito at nakita si Papa na lumabas ng mechanical room. Hinatak niya pagitna ang lapel ng puting coat niya at nang makita siyang inayos-ayos pa ito, unti-unting lumiwanag ang aking mukha.

Putangina! Kinausap nga!

Napatakip ako ng bibig, naiiyak sa ubod ng pagmamahal para sa tatay kong alam na alam kung paano pakiusapan ang nanay kong hindi kasingbait niya.

Kinisap-kisapan ko si Papa na tumikhim bago nagmamadaling tumungo sa direksyon ng clinic.

Kagat-kagat ang aking mga labi, napailing ako at tahimik siyang pinalakpakan.

"Nga naman oh," bulong ko. "Ako nalang ba talaga sa pamilya namin ang walang may gustong makiusap?"

Napabuntong-hininga ako, pero magaan lang dahil hindi ko naman itinuturing na napakalaking problema ang reklamo kong ito.

Ang mahalaga, good mood si Mama bago ako mag-sorry sa sunod-sunod kong pagkakasala sa kanya.

'Salamat Lolo Apo, sa napakatalino at napakabait mong anak na tatay ko...' masinsinan kong dasal kay lolo sa aking isipan. 'Maraming salamat po talaga, kaya mahal ko kayong dalawa...'

At dahil maalalahanin din ako katulad ng tatay ko, naglaan ako ng ilang minuto para kay Mama, bago napagdesisyunang bisitahin siya.

Inayos ko ang aking sarili saka tinulak ang malaking pinto ng mechanical room, kung saan ko naabutan si Mama na may dalang libro at mga papel.

"Amber," sambit niya at naglakad patungo sa mahabang mesa niyang napuno sa manuals at blueprints.

"Magandang tanghali, inay," bati ko sa kanya. "Nakakain ka na po?"

Hindi niya ako binalingan ng tingin habang inaayos ang desk niya. 

"Ba't nakakapagsalita ka na?" tanong niya. "Di ba bawal? Pagkatapos kayong bigyan ng gamot ng Papa mo para sa boses niyo?"

"Opo," sagot ko. "Pero sabi ni Papa isang oras lang daw ang kailangan namin tas babalik na sa dati yung boses namin."

"Gagong 'yon," bulong niya. "Ang sabi ko huwag kang bigyan ng gamot."

"Pero Ma..."

Humarap siya sa'kin. "Ano ba talagang pinunta mo rito?"

"Ano..." Kumawag-kawag ang labi ko. "Gusto ko sanang mag-sorry..."

Napahalukipkip siya ng mga braso.  "At alin naman do'n yung pinagsisihan mo?"

"Umm..." Humakbang pa ako papalapit sa kanya. "Lahat?"

Tinapunan niya lang ako ng tamad na tingin.

"Mama naman, eh!" nag-aalangan kong sabi at tuluyan na ngang lumapit sa kanya. "Sorry na kasi!"

Hindi siya sumagot kaya malakas akong nabapuga ng hangin.

"Eto na nga, oh!" Itinupi ko ang isa kong tuhod at akmang luluhod. "Luluhod na-"

Bigla niya akong binatukan nang malakas dahilan na mapaikot ako't sumampa sa mesa.

"Aray!" reklamo ko. "Child abuse, amputa!"

"Sinong minumura mo, Alexandra?" nangangalit niyang sabi. "Yung nanay mong muntik nang atakihin sa'yo at siniraan mo ng tiwala para sa'yo?"

"Teka-" Tinulak ko ang aking sarili mula sa mesa at paharap sa kanya. "Ba't para sa'kin lang? Ba't hindi rin kay Ash-"

Padabog na naman akong nasampa sa mesa pagkatapos niya akong hampasin padiin dito.

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko. "Ma!"

"Pinapaalala mo talaga sa'kin kung bakit ikaw lang yung napapalo sa inyo ng kambal mo, eh!" sigaw niya. "Tangina ka talaga, Sandra!"

"Ma! Sarili mo yung tinutukoy mong ina sa tang-" Napatili ako sabay takbo nang biglang magliyab ang kanang kamay niya.

Yumuko ako para iwasan ang bola ng apoy na tinapon niya sa direksyon ko at nagmamadaling nagtago sa likod ng malaking makina na nasa gitna ng mechanical room.

"Hayop kang bata ka!" Umalingawngaw ang boses ni Mama. "Pasalamat ka ako ang nagluwal sa'yo! Kasi kung hindi kanina pa kita binalik sa sinapupunan ng nanay mo!"

Ayos. Isang beses lang niya akong binatuhan ng apoy.

"Tapos may patanong ka pa kung kumain na ba ako?!" sigaw niya. "Eh, ilang beses ko nang pinaalala sa'yo na huwag kang pumunta rito nang hindi pa nakakain!"

"Inuna kita, eh!" sagot ko.

"Tangina mo! Lumabas ka na diyan!"

"Ayoko!"

"Putangina! Labas!"

Humakbang ako palabas mula sa likod ng makina.

"Mag-sorry ka ulit!" aniya. "Ayusin mo."

Kumisap-kisap ako sa kanya. "Sorry, Ma."

Pinandilatan niya ako. "Ulit."

"Sorry, Mama," sabi ko. "Hindi na mauulit."

Umangat ang magkabilang kilay niya.

"Sorry, Mama, hindi na po mauulit."

Matagal-tagal niya akong tinitigan, bago sulyapan ang kamay kong wala sa sarili kong pinipilipit.

Ilang sandali pa'y napabuntong-hininga siya. "Nasaktan ba kita?"

"Di naman tumama yung ulo ko..." sagot ko.

"Sa susunod tatama na," pagbabanta niya. "Kaya umayos-ayos ka diyan, Alexandra."

"Sabi ko nga..." mahina kong tugon.

"Yung kapatid mo, nakakain na?" tanong ni Mama.

"Pinakain na po ata ng isa pang nanay niya..." malumanay kong sabi.

Napatango-tango si Mama. "Kaya huwag kang magpalipas," aniya. "Lalo na't pareho kaming busy ng Papa mo at wala ka pang pares na mag-aasikaso sa'yo."

Pinadalhan ko siya ng nangungusisang tingin. "Hinahanapan niyo na ako ng jowa?"

"Aba, malay ko," sabi niya. "Akala nga namin ng tatay mo meron ka na, eh. Magpipitong taon ka na dito sa Academy tapos ikaw pa yung captain ng cheerleading."

Nagkasalubong ang kanyang kilay. "Ba't nga ba wala pa?"

Nakarinig kami ng katok mula sa pinto kaya sabay kaming napalingon dito.

Pumasok si Vance at napatigil nang makita kaming dalawa ni Mama na nakatingin sa kanya.

"Wrong time?" tanong niya.

Wrong timing. Putangina.

"Vance?" ani Mama. "Ba't ka naparito?"

"They're going to announce the most valuable player later in the program. She's-" Panandalian niya akong sinulyapan. "She's supposed to be escorting me."

"Galing," namamanghang puna ni Mama. "Ikaw yung MVP?"

"I..." Nginitian siya ni Vance. "I just got informed as well."

"Ba't nga ba naman hindi?" Marahang natawa si Mama. "Yung chariot race mo ang pinag-usapan ng lahat simula kahapon."

Pinandilatan ko si Vance.

"Ah, oo nga pala," ani Mama. "Di pa nakakain 'yang anak ko, eh."

Kusang bumukas ang aking bibig sa sinabi niya. "Huh?"

"Pwede mo bang samahan?"

Nakaharap pa rin ang ulo ni Vance kay Mama nang tignan niya ako na umiling-iling, para ibigay sa kanya ang karapat-dapat na sagot.

Muli siyang tumuon kay Mama. "I don't-" Bigla siyang napatigil.

Putangina...

Ilang segundong kumunot ang kanyang noo bago sumagot. 

"I don't believe I have anything else to do," kampante niyang sabi. "So, why not?"

Dahan-dahan akong napatingin sa malayo.

Ayoko na...

Nilingon ako ni Mama. "Amber, sasamahan ka raw ni Vance-"

Labag sa loob akong umalis mula sa kinatatayuan ko at nagmartsa palabas ng mechanical room nang hindi sila binabalingan ng tingin.

"Uuwi nalang po ako sa dorm para kumain," walang-gana kong paalam sa kanila.




Vance's POV

"Parang kanina lang minumura-mura pa ako ng batang 'yon, ah..." puna ni Tita Thea pagkatapos kaming iwan ni Amber.

Nakapamulsa ako sabay buntong-hininga. 

"Nag-away kayo?" usisa niya.

Gumuhit ang isang nabibigong ngiti sa aking labi. "Mmm."

Natawa siya nang mahina. "Hayaan mo na," aniya. "Mapipilitan din 'yang harapin ka, at kung ano man 'yang pinag-awayan niyo."

"Auntie," mahina kong sambit. "What does Amber usually do when she's not... fixing things?"

"Hmm..." Naglibot-libot ang kanyang paningin. "Bumibili siguro ng laruan..."

"Of course," sang-ayon ko. "She's still obsessed with those rangers."

I squinted my eyes when I suddenly remembered something.

Today's the last day of the intramurals. 

It's a Saturday.

"I actually need to go somewhere," paalam ko kay Tita. "Can I?"

Kumibit-balikat siya, saka sinenyasan akong mauna.

Napangiti ako bago umikot at lumabas ng mechanical room.

"Hi, Vance!"

"Congrats!"

Glancing at the students who continued to extend their greetings, I made my way through the Academy's hallways and exited in the park where more students awaited me with smiles and a few acknowledgments for my yesterday's win.

Dumiretso ako sa campus mall.

Luminga-linga ako habang maingat na naglalakad para masigurong walang Omega na nakakakita sa'kin.

Binilisan ko ang aking mga hakbang nang maabutan ko pa si Jane, na isang aurai, bago yung lunch break niya.

Pumasok ako sa pinakamalaking toy shop ng mall at nakita nga siyang nasa likod pa ng cash register at katatanggal lang ng makulay niyang apron.

"Hi," bati ko sa kanya. "Still have the time?"

"I thought you're going to be busy this week for the intramurals," natatawa niyang sabi.

"Not too busy for this," I insisted.

"Mmm." She hummed before signaling me to follow her.

I gave my surrounding one last look before following her to the back room that's limited to only the executive patrons of the store.

"Anything new this week?" tanong ko pagkapasok namin.

The private room was painted black, containing limited editions of a few toys. Some were displayed in glasses and some, cushioned due to its delicateness.

It was also a bit dark and cold, because the lighting and temperature were specifically adjusted for the toys that only a number of people are allowed to see and buy.

"Stay there," tugon niya sa'kin. "I'm going to get it."

Tumigil ako sa gitna ng silid.

Nasa kalagitnaan ako ng paglilibot ng aking paningin nang lumabas si Jane mula sa fragile room na may dalang isang itim na box.

I glanced down at the red and shining glass-like figurine cushioned inside it.

"Shotaro Ishinori's company just collaborated with the rare gemstone company to make four of these," pagbibigay-alam niya. "It is one hundred percent carved from ruby, and it's eyes are made of diamonds, as you can see."

Shotaro Ishinomori is the creator of Super Sentai, the Japanese superhero series where the Power Rangers were originated from.

"You didn't get the pink one?" tanong ko.

"You mean the one made from pink sapphire?" aniya. "The only pink one of the four?"

"You have it, don't you?"

"I knew you would say that," sabi niya. "Wait."

Sinundan ko ng tingin si Jane na bumalik sa fragile room at ilang sandali pa'y may dalang puting kahon.

"The red one, we bought from the manufacturer," pagbibigay-alam niya. "But this one..."

She showed me the same figurine, but one that's pink, and cushioned on more thicker padding.

"This one we bought from an auction," dugtong niya. "It just arrived two days ago."

"How special is it?" usisa ko.

"This is the only one in the world," sagot niya. "And if it isn't, then it's the first."

Pinaningkitan ko ang maliit na action figure.

"We've got you the rarest of the rarest, Vance," dagdag pa niya. "As we always have."

"As you should," puna ko. "After providing me with nothing for a whole month."

She chuckled. "The last one you bought was the latest collection, wasn't it? The set that we flew from Japan?"

Sighing, I answered. "Almost four weeks ago, yes."

"Alright." She closed the box. "Please wait at the desk."

I turned around and walked to the wooden desk on one corner of the room. I sat to wait for Jane who was probably recording the sale.

After a while, she returned with the box and a clipboard on top of it.

She gently put it on the table and sat behind the desk.

Naglabas din siya ng isang pen sabay baba ng clipboard sa mesa.

"Vance..." she whispered my name as she wrote it on the paper. "Omega..."

"Still the same recipient?" tanong niya.

"Yes," sagot ko.

"When do you want this to be called and delivered?"

"Call her on Monday, after class, and have it delivered by Wednesday."

"As for the payment..." aniya. "Should we get it from your Inter-realms bank account or your normal bank account?"

"Whichever."

"So, how much are we going to charge her for this?"

My brows furrowed after remembering that all our allowances were cut in half, including hers'.

"How much does it cost?" tanong ko.

"Ninety-five thousand dollars."

"Charge her ninety-five thousand pesos for it," utos ko. "I'm sure she'll buy it."

She shrugged and continued to record. "If you say so."

"And..." Inangat niya ang kanyang tingin sa'kin. "You're still the secret dealer?"

Nginitian ko siya. "Still am."

Continue Reading

You'll Also Like

60.5K 2.1K 87
Si Lauranie ay nag-iisang anak ng mag-asawa na sina Joseph at Estilla. She lived a luxury life dahil parehong mayaman ang angkan ng kaniyang mga magu...
7.2K 513 39
The cruelty of the royalties, the bloody crown, and a woman who is feared by the death itself. In an empire where power is everything, people are di...
21.7M 783K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
4.9M 117K 46
Wild, untamed and fierce- that's Tatiana Faith Follosco. Para sa kanya, chill lang ang buhay. She loves to party with her friends and make crazy dare...