Mara Buenaventura: Love Thy E...

By Maxima_Isabelle

190 95 1

At the age of 18 ay tinuruan siyang pumatay. She wants justice for her mom's death. Kahit na maging maid sa h... More

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy
simula
kabanata 1
kabanata 2
kabanata 3
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 6
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
Editing soon

kabanata 10

8 6 0
By Maxima_Isabelle

Mara:

Nabigla ako sa sinabi ni Gabriel at di ko alam kong anong sasabihin ko. Nagkatitigan kami, nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan namin. Hanggang ngumiti si Gabriel ng pilyo. And his biting his lower lip, na parang nagpipigil tumawa.

I immediately withdrew my hands from him. Loko! Kinilig pa naman ako, akala ko totoo na. D*mn! Wala talagang siyang seryosong sinasabi, puro kalokohan nasa isip.

"Ang lakas talaga ng trip mo nu. Ang lakas ng tama mo!" Ngumisi siya sa sinabi ko.

"Yeah.. Ang lakas nga ng tama ko. Ang lakas ng tama ko sayo." Baliw! Wala talagang nagagawang matino itong si Gabriel.

"Maniwala naman ako sayo." Sarcastic na bulong ko.

"Ano?" Tanong niya.

"Wala. Ang sabi ko gwapo ka."

"Salamat." Pilyong ngumisi siya sakin.

Gabriel:

As expected, she's not dressed in expensive clothes. Pero malalaman ko din kung anong lihim mo Marie. Katulad na lang ng nakaraang gabi. Kita kong, i-asinta niya na sana ang dagger niya sa taong nasa dilim. Hindi siya normal na babae, para siyang assassin kung gumalaw.

Pero ang pinagtataka ko lang, bakit siya nandito sa hacienda at ano ang pakay niya?

Di ko din alam kung sino ang tao na yun na nasa dilim. Mga ilang araw ko na siyang napapansin na nakatingin kay Marie. Hindi ko inaasahan na batohin niya kami sa pool. Lakas din ng loob ng lalaki na yun.

Kanina lang napansin ko siyang nakatagu sa kahoy. Hindi lang ako nagpapahalata, pero kitang kita ko siya. Kaya nalamaman ko kanina na palapit si Marie sakin basi na din sa lalaking nakatagu. Alam ko di ako ang puntirya niya, si Marie. Malalaman ko din kung sino ka at anong pakay mo sa kanya.

Kaya ko siya pinapasok na sa kotse dahil sa lalaking nakatingin sa kanya. Magkakamatayan muna kami bago niya gawan ng masama si Marie.

When I said to her that her hands are mine, and she's mine. I mean it. Tumawa lang ako para pagaanin ang paligid, at para mawala ang tensyon.

"Gusto mo makinig ng music?" Tanong ko ng napansin kong tahimik siya.

"Sige." Tipid niyang sagot.

I open the car stereo, I put USB, instead of using bluetooth. Tumunog ang kanta ni Rec Segreto na ang tittle ay Don't Know What to Say. Hindi ko gusto ang ganitong mga kanta, but now... I look at her.

"I think I'm loving this song."


Marie:

Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko alam, mahilig ka pala sa mga romantikong kanta." May halong panunuyang sabi niya.

"Not before. But when your around, I'm loving it." Ayan na naman siya sa pagpapakilig niya. At itong puso ko naman naniwala na tumalon talon pa.

🎶Don't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears
When you pass by, I could fly🎶

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Sa dami-daming kanta yan pa talaga. Dumoble yung pintig ng puso ko.

"Pwede palitan natin yung kanta?" Di ko natiis na sabi.

"Don't you like it?"

"Wala lang. Parang...parang.." nakakailang...

"Parang..?" Kumikislap ang mga mata ni Gabriel na nakatingin sakin.

"Ang pangit kasi ng kanta. Palitan natin." Agad kong sabi.

"Okay...Akala ko sasabihin mo naiilang ka. Halata kasi sa mukha mo." Kinagat nito ang ibabang labi na parang nagpipigil tumawa.

"Hindi ah!" Mabilis kong sabi. "Di kasi ako hilig sa mga ganyang kanta." Palusot ko.

"Okay e-next mo." He chuckled.

Pinindut ko ang next button pero imbis na nawala ang pagkailang ko, mas sumobra pa sa sunod na kanta. Pumailanlang ang kantang ni Tina Paner na Tamis ng Unang Halik.

🎶Isang saglit nang ubod-tagal
Unang halik ng 'yong mahal
Isang saglit lang, nang matikman
Isang saglit lang, parang walang hanggan
'Yan ang iyong unang halik🎶

I heard Gabriel cleared his throat. Napaiwas siya ng tingin sakin. Ano bang klasing mga kanta yan?

"Ganito ba yung mga kantang gusto mo?" Di ko na napigilang magtanong. Pinagpapawisan ako sa mga kanta niya. Sapul na sapul ako sa mga linya ng kanta.

"It's my dad USB. My mom loves this song so-" nagkibit balikat na sabi nito.

Mga ilang segundo lang ay may kumatok sa bintana. Binuksan ni Gabriel si Lenlen

"A-aah senyorito.." kandautal na naman na salita ni Lenlen.

"Why?" Nagtatakang tanong niya kay Lenlen.

"Ala eh pinapasabi ni manang di daw siya makakasama. Sumakit daw tiyan niya."

Nangunot naman ang noo ni Gabriel. "Sumakit ang tiyan niya?"

"Oo, senyorito. Pinabibigay na lang are ni manang, si Marie na lang daw bahala bumili niyan." Binigay niya kay Gabriel ang papel na listahan ng bibilhin.

"Sige kami na lang bibili nito."

"S-sige senyorito pasok na ko sa loob. Ingat kayo senyorito ni Marie." Ngiting ngiting sabi nito. Panigurado kikiligin na naman yan si Lenlen pagpasok niyan sa loob.

"Sige salamat." Tumingin siya sakin na nag-aalangan. "Marunong ka bang mag grocery?" Biglang tanong niya sakin.

"O-oo naman.." Hindi. Hindi din ako marunong. Mabubuking pa ako nito. "A-akin na yang papel. Titingnan ko."

Ang dami naman nito. Dali lang naman sigurong makita Ito sa grocery. Kung bakit naman kasi di pa ako nagpaturo din paano mag grocery sa mga yaya namin? P*tragis yan oh!

Nang pumasok na kaming grocery di ko alam anong dapat unahin. Tiningnan ko ang  listahan sa papel. Una sa listahan ang dalawang tissue. Tumingin tingin ako kung saan ang tissue makikita. Nang nakita ko na ay kinuha ko at humarap kay Gabriel, para siyang natatawa sa akin. Anong nakakatawa?

"Bakit senyorito?" Nagtatakang napatanong ako sa kanya.

Napakamut muna sa noo niya si Gabriel bago sumagot. "Aren't we get the grocery cart first before getting that one."

"G-grocery cart?" Napatingin ako sa paligid ko at halos ang mga tao ay may dala-dalang basket at ang iba ay yung de gulong. P*ta talaga oh! Bakit ngayon ko lang napansin yan. Nagmukha tuloy akong ignorante dito. Wala na..buking na akong talaga. Natawa sakin si Gabriel.

"Ako na, ako ng kukuha." Nahihiyang napatango na lang ako sa kanya.

Pagbalik ni Gabriel ay dala na niya Ang de gulong na cart. Kinuha niya ang tissue at nilagay doon.

"Anong sunonod bibilhin?" Nakangisi niya tawa sakin.

"Tidbits pineapple?" Magkasalubong na kilay na basa ko sa papel.

"Okay, I think nakita ko yun dun." Umuna na siyang lumakad sakin.

***
Mga ilang oras din kaming nagpaikot-ikot sa grocery hanggang natapos na naming bilhin ang inilista ni manang. Papunta na kaming cashier at tulak-tulak ni Gabriel ang pinamili namin.

May nadadaanan kaming mga babae, na humahangang napatingin kay Gabriel. Bumaling ako sa kanya, di man lang niya pansin ang mga babaeng nakatingin. Di ko sila masisi, sa gwapo ba naman ng kasama ko mapapatingin ka talaga.

Nainis lang ako ng nasa cashier na kami. Lantaran kung makalandi kay Gabriel.

"Hala eh Are na ga lahat sir?" Ngumiting nagpapacute kay Gabriel. Sabay lagay sa buhok niya sa may tenga. Tumango lang si Gabriel, at nginitian ang babae. Kaya imbis na ang bibilhin namin ang unahin, mas pinatagal pa niya at malanding ngumiti kay Gabriel.

"Miss pwedeng paki dalian?" Mataray na tinaasan ko siya ng kilay. Napabaling sakin ang haliparot. Nakita kong inismiran niya ako. Abat hinahamun ako ng babae na ito ah. Malandi ka hah, tingnan natin ngayon kung saan aabot ang landi mo. Bigla kong nilagay ang kamay ko sa siko ni Gabriel.  Sandaling nagulat siya sa inasta ko, na agad namang napangiti ng pilyo pagkatapos.

"Paki dalian miss. Kung maka landi ka sa boyfriend ko lantaran hah." Matalim ko siyang tiningnan. Napahiyang yumuko ang cashier.

Pagkatapos bayaran ni Gabriel ay kukunin ko na sana ang pinamili namin, ng inunahan niya ako.

"Ako na magdadala. Baka sabihan pa akong ungentleman boyfriend niyan." Nangingislap ang mga matang natatawa siya sakin.

Pinatunog ni Gabriel ang alarm ng kotse niya at nilagay ang dala niya sa backseat. Pagharap niya sakin ay pinagbuksan niya ako sa front seat. Pumasok na ako agad sa kotse niya. Ngayon nag sink in sakin ang ginawa ko kanina. Nahihiyang napa-iwas ng tingin ako kay Gabriel, ng tumabi na siya sakin.

"I didn't know you were that clingy." He chuckled.

"Hindi ah." Mabilis kong sabi, na napaharap sa kanya. "A-ang bagal lang g-gumalaw nung babae kanina." Napa-iwas ako ulit ng tingin. Sh*t! Why am I stammering?

Nginisihan niya lang ako, ng biglang nag ring ang cellphone ni Gabriel. Sinagot niya naman ito agad.

"Hello, manang?" Sagot ni Gabriel sa tawag ng nakangiti. Nang marinig ang sagot ni manang dito ay nawala ang ngiti niya. Nangunot ang noo nito sa sinabi ni manang sa kabilang linya. "Nandyan si mang Nestor? Bakit daw?...Bakit ano daw nangyari kay mang Idong?" Sa narinig ay bigla akong napabaling kay Gabriel. Dahan-dahan na napatingin si Gabriel sakin. Parang gulat ito sa narinig sa sinabi ni manang sa kanya. "O-okay, manang. Sige babalik na kami agad dyan." Di makatingin si Gabriel sakin ng natapos na silang mag-usap ni manang Solly. Para siyang di makapaniwala sa narinig sa kausap kanina.

"Anong sabi ni manang?" Nagtatanong ang mga mata kong napatingin sa kanya.

Napabaling sakin si Gabriel na may lungkot sa mga mata. "Nagpakamatay daw si mang Idong."

Continue Reading

You'll Also Like

4.2K 114 27
People always say, never be attracted with the angelic face. They were demons. Every year, in every school, there's always a repeater and a transfere...
7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
5M 178K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.
10.1M 121K 20
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...