Taken by Him

By HunterSiann

14.2K 692 32

Tulad ng araw-araw kong buhay ,nandito sa loob ng klinika ang buhay ko . Isa ako pack doctor na isa ng kalha... More

Emergency
Border
Rouge
Taken
Poison
poison ll
Safe
First Plan
With his Pack
Rain
Run
Strange
Cyra
Mark
Mate?!
Demon Wolf
Marking
awake
unexpected
Jealous
Heat
Message
Smile
Stranger
gone
Given
Seed
Hidden
Visitor
Sign
Target
Trapping
Defeated
Luna Revenge
End
Special Chapter
Special Chapter
Special Chapter

Flower

370 29 0
By HunterSiann

"Lily Pov"

Hindi ko mapigilang hindi humanga sa aking nakikita.

Kakaiba talaga ang epekto ni Luna kay Alpha

Lahat kaming naririto palihim na nakatingin sa kanila,habang nasa hapag kainan.

Maasikaso si Alpha sa aming Luna,pinag hihimay ng isda at nilalagyan ng pag kain ang plato nilang dalawa.

Magkatabi sila harap namin at kanina pa namumula ang mukha ng Luna ,marahil ay nahihiya siya sa lantarang ginagawa ng aming Alpha.
Pinapakita niya saaming lahat kong gaano siya kaingat at matinding pag papahalaga sa aming Luna.

Nag iisa lamang ang kanilang plato kahit pa tag isa na silang nasa harap ng kanilang pinggan.
Kaya lang,itong sila Alpha... masyado.
Pati ang plato ni Luna Liveen imbis na pang isang tao,naki hati pa.

At sa kaniyang ginagawa,hindi ko tuloy maiwasan na kiligin  sa kanilang dalawa.

"Pakiusap,ako nalang ang kakain mag isa,kaya ko.Hindi bali ang kamay ko."si Luna

Pilit na kinukuha ni Luna ang kutsara  ,pero itong si Alpha.Daig pa ang bata na niloloko pa lalo ang Luna.
Itinaas niya at iniwas ang kutsara.

"Ako na,gusto kong pinag sisilbihan kita."
Na may ngisi sa labi

Napapasimangot na  lamang ang Luna .

Tiningnan niya ang pag kain sa harap ,at gamit ang kamay kumain siyang mag isa.

Hindi niya pinansin ang Alpha,at tuloy tuloy na lamang kumain.

"Itigil mo yan,dapat manatiling malinis ang iyong mga palad."sabay agaw nito ng kamay ng Luna.

"Ibigay mo sakin ang aking kutsara,kong gusto mo akong hindi magkamay."
Sabay bukas ng palad na hinihingi ang kutsara.

Umiling ang alpha.
"Bakit pa,kong kaya ko namang pag silbihan kita."

"Pwede bang ibigay mo nalang,kaya ko.
At hindi ako.komportable sa ginagawa mo.
May usapan tayo,kaya sana ibigay mo."

Natigilan ang Alpha,at nakita kong panandalian na umitim ang lahat ng parte ng kanyang mata.
Natakot ako bigla,at mukhang hindi lamang ako.
Dahil sa nakikita kong mga nasa paligid kong kumakain dito,lahat sila naging tensyonado.

Tumikhim ang Luna,at mabilis na kinuha sa kamay ng Alpha ang kutsara,hinayaan naman ito ni Alpha

Nakatingin lamang siya sa Luna,hanggang sa pag pikit niya.
Bumalik sa dati ang lahat...nawala ang mabigat na hangin sa paligid dulot ng pagka di-gusto ni Alpha sa nangyari.

Tuloy tuloy naman na kumakain ang luna na hindi pinapansin ang alpha.

"Bakit hindi kayo kumakain,may problema ba?"tanong ni Luna sa amin ng siya ay napatingin

Umiling ako ,pero may ilan na sumagot sa Luna.
Na walang problema

Nag patuloy na ulit ang lahat na kumain.
Hanggang sa muli nagsalita ang Luna.

Palihim ko ito muling sinundan gamit ng tingin

"Alvierd kumain ka narin.
Ayaw ko ng pinapanood akong kumakain."
Reklamo ng Luna

Naiintindihan ko siya ,dahil sino nga naman ang may kagustuhan nang ganon

"Mas gusto ko pang panoorin ka."sagot ng Alpha

"Kumain ka"matigas na utos ng Luna

At nagulat ako ng kumilos ang alpha,nakita ko ang pag kuha niya ng kutsarang nasa tabi niya at naki-kain sa plato ng Luna.

Sa ngayon,kumakain na ang lahat,at magkasalo sila ngayon sa isang plato nang walang ingay o pag tatalohan.

.......


Hapon na ng muli akong tinawag ng Luna,upang siya ay samahan mamitas ng dahon sa harden ng pack house

Hindi naman ito kalayuan,pinagawa ito ng Alpha,simula ng dumating ang luna saamin.

Ginawa niya ito ,para di na lumayo pa ang Luna sa pag hahanap ng mga pinag aaralan niyang mga dahong gamot

Ako naman ang taga pag bantay sa aming Luna,
Kaya kong saan man siya nais pumunta,nandon rin ako.

"Luna,ito na po ang mga bagong dating na halamang gamot"sabay pakita sa kanya ng mga nakahilerang halamang gamot galing sa mga inutosan ni Alpha

"Lily,napansin ko lang..bakit ang lahat ng mga halamang ito.
Ay may kakaibang gintong guhit sa bawat taniman."

Sabay haplos sa lagayan.

Napatingin ako dahil sa sinabi ng Luna.
Maging ako nag taka ng makita ko ito.

"At ngayon ko palang nakita ang ganitong halaman.
Sa tagal ko ng pinag aaralan ang bawat halaman may napansin din akong kakaiba.Tila ba kakaiba ang lahat ng halamang ito.
Na hindi ko pa minsan lang kahit sa aklat natagpuan.Sabihin mo,saan ito nangagaling?may alam ka ba?"

"Luna,hindi ko po alam tanging alam ko lamang .may isang karwaheng sasakyan ang nag dadala ng lahat ng mga ito."

Tumango ang Luna,at humarap sa kanya halaman na kumikintab ang bawat dahon.
Kulay rosas din ito.

Dahan dahan na hinaplos ng Luna ang dahon nito.
Maya Maya pa ay,isang tila may maliit na usok ngunit mabilis na lumabas sa halaman.
Kay Luna ito,tumama.

Napaatras ang Luna ngunit naabot siya ng usok na kulay rosas.

"Luna!ayos lang ba kayo?"tanong ko na agad dinalohan.

Napahawak siya sa kanyang ulo para bang nasaktan.

Namumula rin ang kanyang mukha.

"A-yos lang ako..mukhang napagod lamang ako.
Lily ,gusto ko munang matulog.inaantok ako dal---"bigla na lamang siyang bumagsak

Mabilis ko namang siyang sinalo at matagalan ang pag bagsak niya.

"Luna! Saglit!!Luna gumising ka!"kinakabahan ako hindi ako maaaring magkamali.
Ang pulang halaman ang may kagagawan nito.

Agad na tinawag ko sa mindlink ang Alpha

Natatakot ako ,hindi siya sumagot pero alam kong patungo na siya rito.

Sa isang iglap ,kasabay ng hangin na dumaan .
Bumigat ang hangin sa paligid.Ito ang dala ni Alpha na lakas.
at hindi ko alam ang gagawin,natatakot ako.

Nasa harap ko siya , segundo lamang nakuha na niya ang katawan ni Luna saakin.

"Anong nangyari dito"hindi si Alpha nag nasa harap ko ngayon,kundi ang kanyang lobo.

"Alpha...Ang halaman ang sanhi ng lahat.B-bigla na lamang itong nagsaboy ng kakaibang usok."
Nanginig ang tinig ko,sobra akong natatakot pero pinilit kong ituwid at sabihin ang nalalaman ko

"Anong halaman"sabay na lumabas ang mahinang angil

Itinuro ko ang halaman sa taniman.Ngunit sa aking pag harap sa lugar nito,wala na ito sa dati niyang pinag lalagyan.

Napa singhap ako,ng makitang wala ito.
Nanginig lalo ang aking katawan sa takot.

"Alpha,naroroon lamang ito kanina,ngunit ngayon wala na ito., maniwala kayo Alpha hindi ako nag sisinungaling.
Hindi ko magagawang linlangin kayo."sabay luhod sabay sa harap niya

Umungol ito ng may pagbabanta

"Dravio,puntahan mo ako ngayon na"utos na narinig ko mula sa Alpha

"Ikaw,natatandaan mo pa ba ang anyo ng halaman."agad na akong tumango tango.

"Kong ganon,sabihin mo ang lahat ng detalye ng halaman."

"Masusunod,alpha"
Sagot ko


........



Ng dumating si Dravio agad na kilala ko siya

Sya ang kasama ni Alpha ng oras  ng na lason si Luna,.
Ang gumamot dito

Mabilis itong kilos,at inasikaso ang Luna na ngayon ay mahimbing na natutulog

Nang natapos siya agad siyang humarap kay Alpha,

"Alpha,nasaan ang halaman"

Nagulat ako ng tanungin niya ito ng wala pa sinasabi si Alpha na kong anong naging sanhi.

Tumingin sakin si Alpha.

"Sabihin mo"utos niya sakin na agad ko namang naunawaan.

"Isa halaman,na kulay Pula.at may mga tinik ang dulong bawat bahagi ng dahon.
May kakaiba din itong halimuyak .Ng hawakan ito ni Luna,may bigla itong ibinugang usok.
At naging sanhi ng pagkawalang malay ng Luna."paliwanag ko

Tumango siya

"Alpha,magiging maayos rin ang Luna.
Pansamantalang papatulugin lamang siya ng ilang oras .
At sa pag gising niya...dapat ikaw lamang ang makikita niya,alpha"rinig kong sabi ni Dravio

Pero bakit si Alpha lamang?

"Ano ang iyong ibig iparating."
Tanong ni Alpha

"Alpha ,nag kanyang halamang na amoy ay isang kakaibang halaman.
May epekto,para pabilisin ang heat ng bawat nilalang na makaamoy nito."

Napanganga ako sa narinig.

Napatalikod ako sa gulat..

Ibig bang sabihin nito...magkakaroon na sila ng tyansa na magkaron ng supling.

Tumingin ako sa langit,kong tadhana itong ipinagkaloob ng Mahal na Dyosa.
Ipapagpapasalamat namin iyong lahat.

Hindi ko mapigilang hindi matuwa ng palihim

Continue Reading

You'll Also Like

56.3K 2.8K 102
EMPIRE SERIES 3 Sabi nila ang pinaka masayang parte ng buhay ng isang Lycan ay ang makita o makilala nila ang kanilang fated mate. Pero papano kung n...
1.8M 52.9K 56
Isang Alpha King na matagal ng ninanais na magkaroon ng mate pero sadyang hindi yata madinig ng Dyosa ng Buwan ang kanyang mga panalangin dahilan par...
467K 14.7K 65
「COMPLETED」「UNEDITED」 Eyes is what we used to see everything. Ngunit sa panahon ngayon ginagamit ang mata upang manlait lang ng kapwa. Maraming tao a...
1.2K 102 12
Ang pagtakas ang aming naging daan upang kami ay magtagpo. Inakala kong isa siyang kalaban,at itinuring masamang kalaban. Pero nag kamali ako,dahil i...