Shadow's reborn as Perfect Vi...

By ate_miraG

26.2K 1.3K 85

Shadow is a hidden princess who her father refuses to acknowledge because of the prophecy. She believes that... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 21

536 28 1
By ate_miraG

Rora's Point of View

Pasensya Yesenia, dahil kailangan mo ng gumising sa masayang panaginip mo. Oras na para mamahagi ka ng kaginhawaan sa mga tao.

Tungkol sa butterfly birthmark, hindi ko hahayaang gamitin niyo iyon samin. Hindi muna sa ngayon hangga't wala pa akong mahanap na ipanglalaban ron.

"Bw*sit ka!! Ano bang ginagawa kong masama para sirain ako! Ako ang prophecy princess! Ako, wala ng iba! Totoo ang propesiya kaya kahit pa pahirapan niyo ako ay darating ang liwanag at pupuksain kayong mga galing sa kadiliman! Hindi magbubulag bulagan ang diyos sa mga pambibintang niyo at kasamaan sa nagrerepresenta sa kaniya!" saad niya. Kahit sa gitna ng gulo niya. Kahit na alam na namin ang tunay niyang ugali ay nagawa niya paring baliktarin ang sitwasyon gamit ang salita lang.

Dahil sa mga sinabi niya ay nakalimutan ng mga tao ang ginawa ni Yesenia at ang prinsesa ay naging kaawa awa sa paningin nila.

"Oo, yaan nga ang prinsesa namin. Lumalaban kahit nag iisa lang at maraming kalaban."

"Alam naming kayo ang may gawa nyan at sinisisi lang sa prinsesa namin para hindi matupad ang propesiya!"

Ang mga tao ay mabilis makalimot. Sa mga salitang mabubulaklak ay kayang magpatawad ng kahit anong kasalanan. Likas sa tao ang maging malabot. Ang nakakatawa lang ay kaya nilang tumindig para sa iisang taong nakaloklok sa taas dahil sa mga nakakaawang salita nito. Samantalang walang pakialam sa libong taong namatay. Dahil katulad ko, hindi nila nakita ang mga madudugong sinapit ng mga biktima nito.

Sa pagtatanggol nila sa iisang criminal ay niwawalan ng hustisya ang libo libong mamamayan kasama na ang kanilang sarili.

"Nakakatawa kayo at ayokong kaawaan ang katulad niyo dahil yan ang pinili niyo," saad ko at yumakbang papalapit kay Yesenia. Sa bawat pagtapak ko sa lupa ay ang payanig nito.

"Anong nangyayari? Kagagawan niya ba iyan?"

"Halimaw?!"

"Isa siyang masamang tao at halimaw!"

"Isa siya sa wawasak ng emperyo!"

Hindi ko pinansin ang mga sinasabi ng mag tao hanggang sa makarating ako sa harapan ni Yesenia at walang alin langang sinakal siya gamit ang aking kamay at inangat.

"Bitawan mo ang prinsesa!"

"Bitawan mo siya!"

Rinig ko ang paghihinagpis ng mga nasasakupan nila. Ang mga mga bulag sa katotohanan.

"Bitiwan mo ang anak ko!" biglang may sumigaw mula sa harapan ng simbahan at sa isang kurap ko lang ay nagsipaglitawan ang mga kawal at pinalibutan agad kami.

"Ang Emperor!"

"Sa wakas dumating na ang emperor!"

Parang nakakita ng kaunting liwanang ang mga tao pati na ang tinuturing niyang anak. Nagkatitigan kami pero hindi ko parin binitawan ang anak niya at hinintay na sumugod siya sakin.

"Akala ko sa susunod pa kita makikilala, mahal kong ama. Hindi pa ako nagiging masaya kaya bakit dumating ka agad?" tanong ko na nanghahamak sa kaniya. Kung sa bagay, kahit dumating pa siya ay hindi parin magbabago ang isip ko na patayin ang anak niya.

"Shadow, sa wakas nagpakita karin..." Bigkas niya at akala ko mag aalala siya sa kambal ng anak niya pero nakatingin lang siya ng malamig na parang may masamang balak. Gayunpaman, hindi sa ko kayang maging emotion kahit pa hindi niya ako kilalanin. Ang hindi ko lang mawari ay paano niya nalaman ang code name ko sa past life ko. Nangingilabot ako sa takot at pagtataka.

Shadow...

Ako lang ba ang may naalala sa past life ko? Burado na si Shadow, hindi ako nabuhay bilang Shadow!

"Akala ko hindi ka na magpapakita. Minsan iniisip ko na ang anak ni White na si Rora at ikaw ay iisa," saad niya na ikanginig ko.

Anong ibig niyang sabihin?

Tumawa ako ng bahagya at pinigilan ang takot ko habang kaharap siya. "Mukhang sobrang namimiss ako ng aking ama. Nakakalambot naman ng puso na marinig sayong hinintay mo ako ng napakatagal pagtapos mo akong binalak patayin. Wait! Hindi mo ba ako pipigilan na patayin ang iyong anak? Narinig kong mahal na mahal mo siya, kahawig din siya ng aming ina," sambit ko habang may matamis na ngiti sa labi.

"Isa kang basura at mamatay tao kaya bakit pagaaksayahan ka ng oras ng aming emperor?!"

"Oo nga! Maging ako ayoko rin mag aksaya ng oras ko para sayo ama, basura kong ama," panghahamak ko na ikinatawa niya.

"Pero... Hindi ibigsabihin ay palalagpasin ko ang pagkakataon patayin ka. Hindi ko nga lang yuyurakan ng dugo mo ang aking kamay dahil... Iba ang gagawa nun para sakin," saad niya na parang may masamang iniisip. Napalingon ako sa paligid kung may tinanim siyang mga makapangyarihang tauhan niya ngunit wala akong makita. Mga knight lang ito at hampaslupang knight.

"Kayong tatlo na alagad ni Shadow. Sigurin niyo siya," utos niya kanila Midnight, Sunrise at Kieffer.

Mapapatawa sana ako sa kalokohan niya nang biglang humarap sakin sila Midnight at halos mapaluha.

"D. Dawn, h-hindi namin m-magalaw-w ang k-katawan nam-min..." utal utal na sambit ni Midnight habang nakahawak sa espada niya.

"K-Kumakusa ang katawan ko!" Biglang sumugod sakin si Sunrise at pabagalin ang katawan ko.

"Tumigil kayo!" sigaw ko sa kanila at lumayo pero hindi ko napansin ang biglaang pagsulpot ni Kieffer sa likod ko.

"Patayin. S-Shadow." bigkas niya at naglabas ng mga explosion. Sinama sama ko ito sa isang shield barrier at pinasabog sa loob.

"Anong nangyayari? Hindi naman niya inechant ang Butterfly Birthmark pero bakit kayo nagkakaganyan?" tanong ko kaya tumawa ang emperor.

"Mas malakas ako sayo, Shadow."

Oo, dahil siya ang aking ama at sa kaniya ako galing kaya mas malakas siya kaysa sakin. Pero hindi niya kayang makontrol ang mga kadugo niya. Kailangan niya pang bangitin ang pangalan ng isang may dugong Florist bago niya ma kontrol. Pero, kung mas malakas ang human manipulation ng gusto niyang kontrolin ay impossible tumalab.

Ang tanging advantage ko lang sa ngayon ay... Wala akong pangalan.

Ang Aurora Ruby White ay bunga lang ng adaption. Ang buong kaluluwa ko ay hindi tatanggap ng ano mang pangalan. Dahil isa akong Shadow!

"Dawn, umalis kana! Umalis kana! Hindi namin kayang saktan ka!" sigaw ni Sunrise habang inaatake ako at naluha.

"Ayoko. Hindi ko iiwan ang mga kaibigan ko! Magkakasama tayo hanggang sa huli!" sigaw ko pa at sinasalag lang ang mga atake ng mga kaibigan ko habang puma-patungo sa emperor para pugutan ang ulo niya.

"Humanda ka!-"

"Melanie Jung."

Biglang huminto ang katawan ko sa pagbigkas niya ng isang pangalan na hindi pamilyar sakin.

Ano?

Sinong Melanie Jung? Bakit hindi ako makagalaw. Pangalan ko ba iyon? Pero wala akong maalalang binigyan niya ako ng pangalan ng isilang ako. Isa akong shadow sa kwento at hindi maaring magkaroon ng pangalan.

Kaya sinong Melanie Jung!

Hindi ko maipikit ang aking mga mata sa pagtataka at naipon ang aking luha.

"Melanie Jung, ang shadow na nanumpa bilang tagapagligtas ng emperyo. Hindi mo kailangan mag rebelde dahil ikaw ang pumili ng kapalaran mo at hindi ako. Gawin mo ang tungkulin mo, huwag kang magpakakontrabida sa kwento," malalim niyang saad na medyo ikinataka ko. 

Kung. Kung ako lang ba ang may alaala? Ako lang ba ang nakakaalam na kwento lang ito, na nasa libro kami? Ako lang ba? Kung hindi ako nag iisa, ilan kaming may alam at sino sino?

"Kung may pangalan ako. Isa nalang ang alas ko... Ang maging mas malakas sayo!" sigaw ko at pumikit.

'I come from a well known family of Florist, the descendant of those who save the world and founded the empire. A second princess. Hindi ko ito ginamit ngayong second life ko pero... for the sake of my people as a Florist descendant it's my duty to protect my people.

I summoned the spirit that manipulates everything. Glass Butterfly!'

Dumilim ang paligid at new evolved na Glass Butterfly. Ang karaniwang glass butterfly na kayang mag manipulate ng tao ay kulay asul pero ang lumabas sa katawan ko ay kulay dilaw na kumikinang na parang bituin.

Halos mawalan ako ng lakas sa pag summon ko pero hindi parin nawala ng ngiti sa labi ng aking ama na may matang panghahamak.

"Yan lang ang kaya mo? Ngayon ipapakita ko sayo ang bagsik ng tunay na emperor ng emperyong ito!" sigaw niya at inilapat ang kamay niya sa ere at maya maya lang ay nagsipaglaho ang mga sinumon ko.

"A-anong nangyayari?" pagtataka ko at sumobra ang pagbaba ng enerhiya ko na parang may kumakain o nagnanakaw ng lakas ko. Hindi na nakayanan ng katawan ko kaya napasuka ako ng dugo kasabay ng paghina ng binti ko.

"Tanggapin mo ang kapalaran mo at sumuko. Melanie Jung," saad niya pa kasabay ng pagbikas sa misteryosong pangalan. Biglang kumusa ang katawan ko at kahit mata ko ay hindi ko na magalawa para tingnan ang nasa paligid ko.

"Ngayon ay nanalo na ako. Mas malakas ako sayo," saad niya at lumapit sakin para bumulong.

"May sasabihin ako sayong sikreto ko, kanina ka pa napalibutan ng mga invisible glass butterflies ko. Kinakain nila ang lakas mo at mas malakas sila kaysa sayo," bulong niya na ikinagulat ko pero huli na. Huli na dahil talo na ako katapusan ko na.

"Melanie Jung, inuutusan kita... PATAYIN MO ANG SARILI MO!" utos niya at kumusang mag summon ang katawan ko ng espada at tinutok sa tyan ko.

"Dawn! Huwag!"

"Dawn! Gumising ka!"

"Mas malakas ka sa kanila! Ikaw ang master namin!"

"Huwag mo kaming iwan!"

"TUMAHIMIK KAYO!"

Habang minamanipula ang katawan ko ay naririnig ko ang mga boses nila Sunrise pero para akong manika. Literal na puppet ng emperor at ito na siguro ang wakas ko.

"Rora!" isang boses ang bumasag saking pandinig. Ang boses ni Dion.

"Magaling, nagsilabasan na ang mga taksil sa emperyo! Mga mamamayan! Nakikita niyo ang mga hayop na iyan! Ang Legendary Duke at ang Archduke ay nagsama para pabagsakin ang emperyo!" sigaw ng emperor at hinatak ang buhok ko at pinaharap ako kay Dion at sa dad ko.

"Nakikita mo yan? Tinawag ka nilang Rora. So, tama ang hinala ko. Nasa tabi tabi ka lang pala, sana pinatay na kita agad," bulong ng emperor sakin.

Gusto kong makausap ang tumiring saking anak at ang tumayong asawa sa tabi ko. Sa maikling panahon, nakita ko kayo at tinuruan ako paano ngumiti. Maraming salamat.

"Ikaw. B-Bitawan mo ang anak ko. KUNG AYAW MONG BUMAHA NG DUGO RITO!" sigaw ni dad at tinutok ang espada niya sa emperor.

Ang katapatan niya ay nasa emperyo lang pero alang alang sakin, na kaniyang anak. Handa ni dad o nilang putulin ang ugnayan nila sa emperyo? Deserve ko ba ang proteksyon niyo? Ito ba ang sinasabi nilang pagmamahal? M-May nagmamahal sa akin?



Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...