Ancient Romance (God's series...

By Sillent_eater

20.9K 1.3K 342

Arcadia is a happy fairy, but when her feet set foot in God's palace, her destiny will begin to change, will... More

Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41

Chapter 17

394 29 14
By Sillent_eater

Arcadia's Point Of View

Chapter 17

Napahawak ako sa aking Balakang matapos kong magbunot ng mga damo, Sa ilang buwan kong pananatili dito sa  Gintong lawa ay Masasabi kong ito ang pinaka-magandang Lugar na Nakita ko.

" tapos kana?? " Sumalubong sakin si lily na may dalang Pagkain simula rin ng umalis na ako sa palasyo ni Yair ay lagi nya ako binibisita dito upang Kamustahin at dalhan ng pagkain. Kami kasi ang huling nagbibigay ng pagkain dahil Malayo kami sa Palasyo.

" Kakatapos ko lang, kumain kana ba?. "  tanong ko dito matapos mag-hugas ng Kamay.

" Oo, Sumabay nga ako sa mga Dyos kanina. at Hindi ko talaga aakalain na masasabayan ko sila sa pagkain. "  Bahagya nalamang akong ngumiti sa Binalita nya. Mabuti naman at maayos ang lagay nila.

" Pasensya na Arcadia, Hays nakakainis talaga ang Bunganga na ito hindi manlang tumikom. " Ani nya. Ginulo ko nalamang ang buhok nya dahil don.

Matapos Naming kumain ni lily umalis narin sya kaya naiwan nalamang akong mag Isa dito. Nagpa-ngalum baba nalamang ako dito sa Hardin meron kasing Maliit na upuan dito.

Napapikit ako ng sumalubong sakin ang  malamig na hangin.

" Sumunod ka sakin. " 

Wala sa sarili akong napatayo dahil sa Bulong ng hangin, Guni Guni ko lamang ba yon o hindi? ramdam na ramdam ko ang dampi ng hangin sa balat ko.

" ikaw nga... "  napalingon ako sa nagsalita Isa ito sa mga tagapaglingkod dito sa Gintong lawa.

" bakit may kailangan kaba? " tanong ko Ngunit Ganon nalamang ang gulat ko ng Sakalin ako nito, Agad nya akong inangat sa ere ka mas lalo akong nahirapang huminga, sino ba ang babaeng ito? anong kailangan nya sakin? Hindi ko naman sya naka-away..

" W-wag... "

" Dapat kang mawala, Anong karapatan mong bumalik,matagal kana dapat nahimlay... "  Sigaw nito, Bigla nalamang may lumabas na malakas na kapangyarihan sa katawan nya kaya nakaramdam ako ng takot. Mamatay naba ako.? anong gagawin ko.?

Nakatingin lamang ako sa mata nyang Punong puno ng emosyon Galit,puot,Lungkot

Mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ko kaya Nakaramdam na ako ng panghihina,. ngunit Isang silaw ng ilaw ang nakapag patigil sakanya tila nang hina sya dahil don at napagtanto kong iyon ang kwintas na ibinigay sakin ni indra...

Habol hininga ako ng mabitawan nya ako Bigla nalamang nawalan ng Malay ang babaeng sumakal sakin.

Napayakap nalamang ako sa sarili ko dahil sa matinding takot na nararamadaman ko, Ngayon ko lamang naramdaman ang Ganoong pakiramdam,. nakakatakot.

Muli akong napatingin sa babaeng walang malay sa Lupa mas maganda sigurong Umalis nako dito baka mamaya kung ano pang magawa nya kapag Nagising sya.

Lily's Point Of View

Napakalamig ng hangin ngayon, Bakit kaya? May Kakaiba kayang Mangyayari? hays. sana naman ayos lang si Arcadia madali pa naman iyong magkasakit kapag malamig ang panahon.

" ay punong dyos.. " halos mawalan ako ng Malay dahil sa kung sinong sumulpot sa harapan ko, Nag-aalalang mukha agad ng punong dyos ang sumulpot sakin, at Teka? bakit naman sya pupunta dito Eh Hindi naman sila Ganoon Malapit ng Kamahalang Yair.

" bakit po kayo Nandito?, "  Tanong ko sa punong dyos.

" Ang kaibigan mo, Nagkita ba kayo kanina? " Eh? bakit tinatanong nya Sakin si arcadia Ngayon, Teka baka gusto na nyang pabalikin ang kaibigan ko.

" Opo, Ngunit Kanina pa po iyon. "  Sagot ko Teka may Napapansin ako sa punong dyos parang hindi sya mapakali Ngayon Kakaiba, Ngayon ko lang sya Nakita na ganito.. may nangyari kaya??

Napa-kurap kurap nalamang ako nang umalis na sa Harapan ko ang Punong dyos, Napailing nalang ako dahil sa naiisip ko. imposible namang may gusto ang Punong Dyos Kay arcadia parang Hindi nga papatol ang Punong sa mga babae. mas gusto nya pang kasama ay mga lalaki.

Arcadia's Point Of View

Ang sabi ko Aalis lang ako sa lugar na iyon, Ngayon ay Hindi kona ma-aalala ang daan pabalik don. kanina pa ako paikot-ikot dito Ngunit Hindi parin Nagbabago ang destination ko. 

" nakakainis naman.. " Napasabunot nalamang ako sa sarili dahil don Bumaba ang kamay ko sa leeg ko na sa tingin ko ay may karma ng sakal nung babaeng kauri ko.

Hindi ko alam kung nasaan akong sulok ng palasyo Ngayon, Gagamitin ko nalamang ang teleportation ko para Mabilis akong makabalik sa gintong lawa.

" Bakit ayaw gumana? " agad akong Nagtaka dahil nandito parin ako sa pwesto ko at Hindi manlang gumalaw, Mahina naba masyado ang kapangyarihan ko kaya ba hindi nako makagamit ng teleportation.?

" Anong ginagawa mo dito? "  Napaigtad ako dahil lsa nagsalita Pamilyar sakin ang boses nya, hindi ko akalain na dito pa kami magkikita.

Unti-unti akong Humarap Kaya naman kitang kita ko ang Maaliwalas nyang Mukha Hindi parin Nagbabago ang pananamit nya natural ngunit bagay na bagay sakanya, lagi parin nyang suot-suot ang seryoso nyang Mukha.

" paumanhin kamahalan Pa-alis narin sana ako Ngunit nakalimutan ko ang daan papunta sa Lugar kung saan dapat ako namamalagi ngayon. " Magalang kong saad, Katahimikan lamang ang naring ko Kaya't nag angat nako ng tingin.

" meron kang teleportasion Ngunit, bakit hindi mo iyon ginamit? "  Mahigpit akong napahawak sa aking damit dahil sa tanong nya,.

" H-hindi ko po magamit ang Teleportasion ko Punong Dyos.. "   Nakaka-ilang Kahit malayo kami sa isat-isa Nakakaramdam ako ng sobrang pagkailang, Gusto ko parin ba sya? Paghanga lang  naman iyon.

" Nandoon ang palabas sa Lugar na ito,. "  itinuro nya ang Isang malaking Pintuan na syang Sinasabi nya Tumango nalang ako dahil don.,

Nagsimula na akong Maglakad ngunit Napatigil ako ng marinig muli ang boses nya,.

" Anong nangyari sa leeg mo? "  napahawak ako sa Leeg ko, Napansin nya ba? Malamang napansin nya kaya nga nya tinanong e.

" Wala po ito kamahalan, " Tugon ko sa tanong nya, Kumakabog narin ang dibdib ko ng napakabilis kaya kailangan ko ng maka-alis dito.

" Ipag paumanhin nyo po kamahalan, Aalis napo ako. "  Ani ko at lalagpasan na sana sya ngunit halos matigil ako sa aking paglalakad, ramdam ko ang paghawak nya sa kamay ko ramdam ko rin ang init nito na lalong nagpakabog sa dibdib ko.

ano ba itong nangyayari sakin? nababaliw nako.

" iniiwasan moba ako arcadia.? "  Ngayon ko lang sya narinig na tinawag ang pangalan ko ang sarap pala sa pandinig.?

" ha? bakit ko naman kayo iiwasan kamahalan? "  

" dahil iniiwasan mo ako. Galit kaba sa ginawa ko sayo nung nakaraan g buwan?. "   Ha. bakit naman ako magagalit? e halos ibalita nya sa buong Mundo ang pag papa-alis nya sakin sa palasyo.

" Hindi ah.. bakit naman ako magagalit? e kumpara sakin Walang Wala ako. "  Ani ko, Napayuko naman ako ng tignan nya ako.

" Kung ganon, sabihin mo muna sakin.. anong nangyari sa iyong leeg? meron bang umaaway sayo sa Lugar kung saan ka tumutuloy?. "   teka? Ang haba ng sinabi nya. totoo ba ito? Hindi kaya sya magagalit kapag pina-ulit ko sakanya ang sinabi nya?

" W-wala po ito. siguro nakamot ko lang kaya namula. "   Ani ko, Hindi ko pwedeng sabihin sakanya Ang totoong nangyari, ayoko ng ginulo pa ang sitwasyon.

" kung Ganoon, may sasabihin ako sayo.. " nakahinga naman ako ng maluwag dahil don.

"  Nais kong sabihin sayo na maari ka ng bumalik sa palasyo,. " 

eh???....






Continue Reading

You'll Also Like

165K 8.2K 49
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
38.9K 1.2K 15
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
231K 3.8K 59
𝐈𝐍 𝐖𝐇𝐈𝐂𝐇 𝖬𝖺𝗂𝗌𝗂𝖾 𝖦𝗋𝖾𝖾𝗇, 𝖺 𝗐𝖾𝗅𝗅-𝗄𝗇𝗈𝗐𝗇 𝖼𝗈𝗇𝗍𝖾𝗇𝗍 𝖼𝗋𝖾𝖺𝗍𝗈𝗋 𝗂𝗌 𝖽𝖾𝗆𝖺𝗇𝖽𝖾𝖿 𝗍𝗈 𝗉𝖺𝗋𝗍𝗇𝖾𝗋 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝖬...
63.2K 1.6K 76
an eighteen-year-old boy, trying his best to save his ass from being whipped by his soon-to-be husband, and at the same time, he wants to get away wi...