The Great Wall of Karina

By WinterMelon_High

110K 4K 2.8K

Akala ni Winter yung wall lang ng china ang strong mas strong pala yung wall, pader, bakod, fence sa kanya ni... More

Drawing
Body
Number
Blonde girl
The girlfriend
Bardugalan 2k22
Gutom
Tol
Sharpay
Kinikilig
Jelly
Karina
Inuman
What they think
Her Dad
AN
Someone
Sino sya?
Keychain
She...
Hugs and kisses
Walls and fences
Ang ma-attitude na si Heejin
Messages
Water park
Always
The Kiss
Heejin
Special Chapter
Let's take some time
Winter needs an explanation
I'm here
Chance
The great wall of Karina
Special Chapter
Special Chapter #2
Special chapter #3
Special Chapter #4
Special Chapter #5
Special chapter #6
AN

Special Chapter #7

2.7K 74 32
By WinterMelon_High




Change is Inevitable.

Hindi mo pala talaga maiiwasan ang pagbabago. Pagbabago sa sarili, sa buhay, sa minamahal, sa mga kaibigan at sa kung ano-ano pa. Minsan malulungkot ka na lang kasi kahit masaya ka sa isang bagay kailangan may mag bago para mag-grow pa lalo ito, ikaw. Thinking about how i was 7 years ago when I was just planning for my college. Yung pagdating ni Karina. Ang daming nagbago sa buhay ko. May mga masasaya may mga hindi. Siguro, parte ito ng tinatawag na growing up.

Minsan nakakatakot na magbago yung isang bagay na nakasanayan mo na. Yung pamilyar ka na. Nakakatakot magbago yung isang bagay kasi everything kailangan mag-adjust. Ang hirap parang minsan gusto mo the situation remains the same o yung bagay o yung tao na yun remains the same. Pero wala ka namang magagawa kasi hindi mo kontrolado ang lahat.

Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Parang tanga lang na ginagawa kong malungkot ang sarili ko. Ganito lang lagi ang epekto ni Karina sa tuwing wala sya sa bahay at naiiwan akong mag-isa maghapong naghihintay sa kanya.

Siguro ganito lang talaga ako kasi hindi ko pa fully na-eembrace ang buhay dito sa America. Sa pilipinas kasi less lonely ka kahit na maiwan kang mag-isa sa bahay. Hindi ka makakaramdam ng gaanong lungkot kasi may mga kapitbahay kang chismosa, mga tambay sa kanto na maiingay at may kaibigang laging mapupuntahan.

Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako masaya rito sa America kasama si Karina. Siguro nakakaramdam lang talaga ako ng ganito kasi hindi ako sanay sa ganito.

Nakaka-miss lang yung kapag mag-isa ako sa bahay pupunta lang ako kila Gi tapos tatawagan namin si Ning at si Ryujin. Tapos maghapon na kaming magda-daldalan.

Miss ko na rin talaga ang mga bruhang yun. Kahit na may pagka-siraulo ang mga yun mahalaga sa'kin ang mga bruhildang yun.

Nakaka-miss lang ang maarteng pagsasalita lagi ni Gi tapos yung mga reklamo nya sa baranggay namin. Si Ningning din. Miss ko na yung pagmama-ganda nya lagi. Tsaka kashungahan ni Ryujin.

Mag-chikahan kaya kami ni Sungchan? Mabait naman yang neighbor ni Karina eh.

Ang buhay talaga parang life.

Umangat ang tingin ko sa wall clock na nasa itaas ng pinto. Maya-maya naman ay nandito na rin si Karina.

Naging permanent na kasi si Karina sa company nila. She's a woman in action daw. Naalala ko na naman tuloy yung sinabi nya kay Tito nung minsang mag-dinner kami rito sa bahay.

"Inaalagaan ko sya Dad ng mabuti. And I don't want her to work, ayoko yung napapagod o nahihirapan sya." tinignan nya pa ako bago magpatuloy sa mga sinasabi nya. "If work lang ang pag-uusapan, I can do all that. Mas gusto ko pang makita sya dito sa loob ng house na naghihintay sa'kin na dumating ng bahay from work. And we'll hug each other everytime na bubuksan nya ang pinto para salubungin ako."

Tumayo na ako sa pagkaka-upo ko sa may hagdan.

Agad na uminit ang mga pisngi ko habang sumasagi na naman sa isip ko ang bagay na yun.

Para na talaga kaming mag-asawa.

Kinikilig na naman tuloy ako.

Saglit na tinignan ko sa kusina yung maaga kong prinipare na hapunan para sa'ming dalawa. Iinitin ko nalang ulit to mamaya.

Nililinis ko lang ulit yung dining table ng marinig ko na ang tunog ng sasakyan ni Karina sa labas ng bahay. Agad akong napangiti at patakbong pumunta ng pinto.

Pagkabukas ko nito ay nakita ko si Karina na madaling sinasara yung pinto ng kotse nya.

Mabilis syang nakarating sa harap ko at kaagad akong niyakap.

"Tol, I miss you."

Yan lagi ang sinasabi nya sa tuwing dumarating sya ng bahay.

"Na-miss din kita." sabi ko.

Binitiwan nya ako at hinawakang mabuti ang mukha ko. Paulit-ulit nya lang naman akong hinahalikan. Sa pisngi, sa ilong, sa lips ko.

"Tol—"

Oh sige, kiss me all you want Karina.

Joke lang.

Nakakahiya noh baka may bigla nalang dumaang kapitbahay masabihan pa kaming eskandaluso.

"Tol, pasok muna tayo sa loob." sabi ko na.

Pinanggigilan nya muna yung pisngi ko tapos mabilis na kiss ulit sa labi ko bago nya isara yung pinto at hinila ako paakyat ng kwarto.

"How's your day here?" tanong nya habang naghahanap ng pamalit sa closet nya.

Naupo lang ako sa may dulo ng kama at pinagmamasdan sya.

"Nakakabagot." sabi ko.

Tumigil naman sya sa ginagawa nya at mabilis akong nilapitan.

"Nalulungkot ka na ba rito?" nag-aalalang tanong nya.

Umiling ako at nginitian sya.

"Hindi naman. Ano lang talaga, nakakabagot lang, ganun. Pwede ko bang chikahin dyan sa tapat si Sungchan?"

Sumimangot agad yung mukha nya.

"Toh naman simangot agad." sabi ko. "Gusto ko lang ng kausap. Tsaka friendly naman yung tao eh."

Tahimik lang syang nakatingin sa'kin at parang pinag-iisipan pa ang mga sinabi ko.

"Fine." mapaklang sabi nya. Hindi ko naman mapigilang hindi mapatawa sa kanya.

"But don't be too close to him ha? If he touch you magagalit talaga ako."

Pabirong umirap nalang ako sa banta nya.

"Oo na po. Mag-bihis ka na para maka-kain na tayo." sabi ko.

Ngumiti na rin sya at binalikan na yung damit na pamalit nya. Hindi pa nga ako nakaka-alis ng kwarto ay walang abiso na sinimulan nya agad tanggalin ang suot nyang white button down blouse.

Natigilan ako bigla sa kama. Mabilis ko rin namang inalis ang tingin sa kanya.

Nang-aakit na naman ba si Karina?

"Tol," malambing na tawag nya.

"Mas maganda ang view dito sa harap mo. Don't you wanna stare?"

Hindi ako natinag. Mas lalo ko lang tinignan yung imitation painting ng starry night ni Van Gough sa may dingding.

"Tol naman eh!" pag-whined ko. Ramdam ko kasing lumalapit sya sa pwesto ko.

"I'm not doing anything, tol." painoseteng sabi nya.

Wag ako Karina. Alam ko na yang mga galawan mo na yan.

"Mag-bihis ka na. Aantayin nalang kita sa baba." akmang tatayo na ako ng magsalita ulit sya.

"Sabay na tayo, tol. Wait mo lang ako."

"Sige dyan lang ako sa may pinto." sabi ko.

Parang ewan naman syang nag-drama bigla.

"You're seriously hurting my pride tol." madramang sabi nya. "Maganda naman ang katawan ko."

"Wag mo akong inaano dyan Karina ha. Mag-bihis ka na."

"Ouch." mahinang daing nya.

Nakangiting lumabas na ako ng kwarto.

Ito talagang jowa ko ang lakas ng trip sa buhay.









"Gusto mo bang umuwi muna?"

"Saan?" tanong ko habang inaayos yung higaan namin.

"Sa Philippines. We can pay a visit sa kanila. Like parang vacation." sagot nya. Ipinatong nya muna yung phone nya sa bedside table bago lumapit sa'kin.

She hug me from the back.

"Kasama ka?"

"Of course!" maagap na sagot nya. "Baka pag hindi ako sumama di mo na ako balikan dito."

Baliw talaga to.

"Sira. Sa tingin mo kaya ko?" sinandal ko yung likod ko sa kanya.

"Busy ka pa eh. Tsaka na kapag wala ka na masyadong gagawin." sabi ko. Ayoko namang maging pabigat lalo noh. Binubuhay na nga ako rito ni Karina tapos guguluhin ko pa sya sa work nya. A big NO.

Naramdaman ko na naman yung panggi-gigil nya.

"Silly. We own the company Winter. Maraming sasalo sa ginagawa ko."

Napairap ako sa sagot nya.

"Sira ka ba? Dadagdagan mo pa trabaho ng iba. Hindi porket kayo may-ari magga-ganyan ka na." panga-ngaral ko sa kanya.

Humigpit yung mga braso nya sa bewang ko tapos bumaba na yung chin nya sa balikat ko.

"I just want to make you happy." mahinang sabi nya.

"Masaya naman ako tol." hinarap ko sya. "Don't worry, okay? Masaya naman ako." paninigurado ko sa kanya.

Tinignan nya muna ako ng maiigi. Tapos bumuntong hininga sya at pilit nalang na ngumiti.

Mabilis kong hinalikan ang pisngi nya.

"Matulog na tayo." aya ko sa kanya.

Umiling sya.

"Not yet."

Kumunot ang noo ko.

"You didn't kiss me yet, sa lips." ngumuso pa sya.

Ito na naman po sya.

Mabilis ko nalang syang hinalikan para makatulog na kami. Inaantok na rin kasi ako.

"Tol?" kunot noong tanong ko. Ayaw nya kasing alisin ang mga kamay nya sa bewang ko.

"The kiss I want is yung ganito."

Huli na para makapag react pa ako. She captured my lips agad-agad.

Hi twirly agad.

Parang gusto ko tuloy ng ice cream.






_______________________________








Ayokong masyadong magpaka sad gurl sa nabasa kong ff. Kaya ito, special chap ng mag-tol.

STREAM GIRLS!✊

Continue Reading

You'll Also Like

19.2K 666 72
My first wlw story writen years ago re-writen for DarLentina/JaneNella
19.5K 794 48
A DarLentina/JaneNella Fanfiction where Narda Custodio has been infatuated with co-actress Regina Vanguardia but end up hiding her feeling for her be...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
9.1K 392 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...