Blazing Hearts

By blackgraffiti

1.2K 74 27

For years after Farah Callegro's sister crossed paths with a dangerous elite, she also felt like freedom has... More

Blazing Hearts
Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 1

148 11 2
By blackgraffiti


Pasimple kong tinatakpan ang mukha gamit ang ballcap na suot habang papasok sa isang bookstore. Iniwan ko ang kahit na anong gadget sa bahay, kasama na ang cellphone, para hindi ako ma-track ni Eurus kung sakali mang mapansin niya na wala ako sa mansion.

Bibili lang naman ako ng mga librong pwede kong magamit sa pag-rereview para sa board exam next year. Hangga’t maaga pa, sisimulan ko na ulit ang pag-aaral. I was never a big fan of cramming after all.

Matiwasay naman akong nakapamili kaya nakangiti akong lumabas ng bookstore habang dala-dala ang mga paperbag. Ngayon na lang ulit ata ako nakalabas nang mag-isa lang, iyong walang Eurus na nakasunod.

Dahil nawiwili ako sa kalayaan na ngayon ko na lamang ulit naramdaman, napagpasyahan kong sulitin na ang araw. Sa isang fast food naman ako pumunta, iyong favorite namin dati ni Ate Elora. Ang tagal ko nang hindi nakakapasok sa ganitong kainan dahil puro sa mamahaling restaurant kumakain ang mga Portugal.

I ate everything I missed because I deserve that.

Hindi ko rin pinalagpas ang mga street food sa isang food park sa labas ng mall. Busog na busog tuloy ako nang sa wakas ay tumigil kakakain.

I keep roaming my eyes everywhere. This is the kind of place that Ate Elora and I love before, even our parents. I can’t stop from envisioning our family to the people that I see here. This is what we used to do, this is the kind of life that we used to have...

I still feel nostalgic when it comes to things like this. I miss everything... I am happy for my sister’s new found happiness, but I keep questioning myself if I can live like this forever. What’s sure now is, I could never escape the Portugals. I am family, they are family... My grandparents value me, but it’s different.

Ate Elora might think that I have completely adjusted to this new lifestyle, but I never did. I still find myself questioning reality. Minsan pakiramdam ko, hindi na ako iyong dating Farah. Hindi ko rin naman matanggap ang ganoong pag-iisip. I think it’s the existential crisis that strikes me everytime I realize that everything around me has changed.

“Miss, miss!” Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ’yon. Lumingon ako at nakita ang isang lalaking naka-itim na papalapit sa akin.

“Bakit po?” tanong ko nang tuluyan siyang tumigil sa aking harapan. Matangkad siya at maganda ang pangangatawan, hindi ko nga lang makita nang maayos ang mukha dahil natatakpan ng sumbrero.

“Magtatanong lang sana ako kung ito ba ang lugar na nakalagay dito,” aniya at may iniabot sa aking kapirasong papel. Hindi ko naman ’yon hinawakan at binasa lang ang nakasulat.

“Opo, dito ’yan banda,” sagot ko at muli siyang tiningnan. Kumurba pataas ang labi niya at mas lalong tumungo, tila itinatago pa lalo ang mukha.

“Alam mo ba kung nasaan mismo ang address na ’to? Pwede mo bang ituro sa akin?” Nagpalingon-lingon ako para hanapin ang daan papunta sa street na nakalagay sa papel.

“Dyan po, lumiko lang kayo at maglakad padiretso, pwede rin naman kayong sumakay ng jeep dahil medyo may distansya. May makikita kayong lumang building, sa tingin ko ay abandunado na ’yon pero rati po iyong apartment na nasunog.” Bakit ba siya pupunta ro’n? Ang alam ko ay hindi pa nagsisimula ang renovation noon.

“Ganoon ba? Balak ko sanang mag-inquire dahil may nakapagsabi sa akin tungkol do’n. Nasunog pala?” Tumango naman ako at patuloy siyang pinagmasdan.

“May alam ka pa bang ibang apartment na bukas ngayon para sa bagong tenants? Iyong tahimik sana tsaka maraming puno.” Napaisip naman ako hanggang sa maalala ko ang dating tinutuluyan noong kaklase ko.

“Meron po. Dalawang sakay mula rito—”

“May kotse akong dala, pwede mo ba akong samahan papunta ro’n?” Nawiwirdohan na ako sa kaniya. Sinong tao ang sasama sa hindi niya kilala?

“Pasensya na, pero kailangan ko nang umuwi. Pwede mong ilagay sa google maps ’yung pangalan ng apartment, ayun na lang ang sundan mo.”

“Hindi kasi ako nagtitiwala sa google maps, ilang beses na akong naligaw dahil dyan,” aniya at nagkamot ng ulo.

“Ah... Siguro bumalik ka na lang bukas at mag-commute, automatic na kasing alam ’yon ng mga driver. Gabi na rin eh, baka hindi na sila tumatanggap ng bisita. Mauuna na ako.” Nginitian ko siya at tumalikod na. Medyo nakokonsensya ako dahil hindi ko siya matutulungan papunta ro’n, pero mas okay pa rin ang nag-iingat.

“Wait, Miss.” I jolted when I felt that he touched my wrist in attempt to stop me. I immediately took my hand back from him. Bakit niya ako hinahawakan ng walang pahintulot ko?!

“Sorry... Gusto ko lang magpasalamat. Pasensya na sa abala.” Sa wakas ay nakita ko ang mukha niya nang mag-angat na siya ng tingin sa akin. Mayroon siyang tattoo malapit sa mata kaya bahagya akong napaatras. Saan ko nga ulit nakita ang ganiyang tattoo?

“Uh... Okay lang. Sige, bye.” Nagmamadali na akong umalis at pumunta sa sakayan ng jeep.

That was weird.

Ako iyong klase ng tao na madalas i-overthink ang mga nangyayari sa akin. Kaya naman hindi ko makalimutan iyong lalaki kanina. What if kalaban ’yon nila Ate Elora? Baka minamanmanan niya ako? Baka akala niya uto-uto ako kaya sinubukan niya kung kusa akong sasama sa kotse niya? Anong gagawin niya? Papatayin niya kaya ako—

“Lourdes! Oh, Lourdes! May bababa ba?” Agad na akong bumaba ng jeep nang marinig ang driver.

Mahigpit akong napahawak sa paper bag na dala habang nagpapalinga-linga sa paligid. Madilim na... Paano kung sinundan ako nung lalaki?

Ramdam ko ang paggapang ng kaba sa aking sistema. I should have became more careful... They already warned me to not converse with suspicious strangers. But the man seemed like he was just really asking innocently at first... Not until he asked me if I can accompany him to go to that apartment.

Mabilis akong naglakad papunta sa village. Mahaba-haba pa ang lalakarin ko dahil wala nang pinapayagang papasuking public transportation banda rito.

Panay ang paghinga ko nang malalim habang maya’t-mayang lumilingon. Ginusto ko ’to... Ginusto kong iwan ang cellphone sa bahay para hindi ako mahanap ni Eurus. Wala akong masisisi kun’di ang sarili kapag may nangyaring masama ngayon...

“Ay gago!” sigaw ko nang biglang may bumusina sa akin. Parang lalabas na ang puso ko dahil sa kaba dahil do’n.

“What the fuck are you doing?” Nanlaki ang mata ko nang makita si Eurus na bumaba mula sa sasakyan. Napayakap ako sa dala-dala at bahagyang umatras.

Dapat na ba akong makahinga nang maluwag dahil nandito siya o mas matakot dahil mukha siyang mangangain?

“Farah?” he called on a threatening way. I bit my lip and stopped stepping back. Hindi dapat ako natatakot sa lalaking ’to.

“Ano? Saan ka galing? Bakit ka nandito?” pagtatanong ko bago niya pa maitanong sa akin ang mga ’yon.

Tumiim lang ang bagang niya at tuluyang lumapit sa akin. Bigla niyang kinuha ang mga dala ko at inilagay ’yon sa loob ng sasakyan. Tsaka niya ako muling binalikan.

“Don’t you dare run,” he said as he touched my forearm.

“Anong ginagawa mo?”

“Did someone touch you?” He looks like he’s inspecting something on my arm.

“Oo, boyfriend ko. May problema ka ro’n?”

“Other than your so called boyfriend, did a stranger touch you?” Sinubukan kong bawiin ang braso pero hindi niya binibitawan. Bakit ba siya nagtatanong?

“Wala naman eh—”

“Are you sure?” Mariin niya akong tiningnan kaya tiningnan ko rin siya pabalik. Bigla kong naalala na nahawakan nga pala ako sa palapulsuhan noong lalaki kanina.

“Fine, meron. Dito,” itinaas ko ang kaliwang kamay at itinuro ’yon sa kaniya. Marahan niyang hinawakan ang kamay ko habang may kinakapa malapit sa pulso.

“I told you to contact me if you’re leaving the house,” he nagged again. Inis lang akong suminghal.

“Ano bang ginagawa mo— Ouch! What the hell?!” Bigla siyang may hinugot na kung ano sa balat ko at medyo masakit ’yon. Nang tingnan ko ’yon ay para iyong manipis na karayom at may transparent na pabilog sa dulo na siyang hinahawakan ngayon ni Eurus. Biglang may umilaw na kulay pula sa dulo naman ng karayom pero agad din na nawala.

“Ano ’yan?” tanong ko at akma rin sanang hahawakan ang bagay na ’yon. Agad niya ’yong inilayo sa akin at tinabig ang kamay ko.

“This is what I’m telling you. Do you get it now? You’re lucky that he only planted a tracker inside your skin, you could have been killed if the worst thing happened.” Parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa narinig. Tracker... Ang bagay na ’yan?

“Are you serious? Are you sure? Baka natusok lang ako kung saan,” kabado kong sabi. Wala naman akong masakit na naramdaman noong hinawakan ako nung lalaki. Dapat ay ramdam ko kung papasok ang bagay na ’yan sa balat ko!

“Bakit niya ako lalagyan niyan?” kalauna’y mahinang tanong ko.

“Let’s go, iuuwi na kita,” ang tanging naging sagot niya sa akin. Nagpaubaya naman ako dahil parang lumulutang pa rin ang isip ko pagkatapos ng nalaman.

Am I really an easy target? I felt that he was suspicious, but I didn’t expect that he would do something like that. I sensed that something’s wrong, and still I wasn’t able to think deeper to further assess the situation I’m in. Ni hindi ko man lang namalayan na may kung ano na sa loob ng katawan ko.

Kaya ko ba talaga ang sarili?

“Eurus, please don’t tell this to my sister,” I said after a while. She’ll worry even more... There are lots of things in her mind right now, I just want to stop adding to their problems.

“Why? So you can pull this kind of stunt again? If you don’t really want to worry your sister, start appreciating what she does for you instead of constantly whining about how I always follow wherever you go.” Inis akong lumingon sa kaniya. Mas gusto ko pa ata na wala siyang sinasabi kapag magkasama kami.

“Sana rin maintindihan mo na pakiramdam ko preso ako na laging may nakasunod na pulis tuwing kasama kita. I already asked you to make yourself less noticeable if you are following me, but your ego can’t just take a favor from me.”

“You were trying to command me, and you’re not someone who can demand anything from me. I am not making myself look like a fucking stalker behind you.”

“Wow, hindi ka pa ba mukhang stalker sa lagay na ’yan?!”

“I still keep my distance, I try not to talk to you at all, Farah. What else do you want?”

“I want you gone in my line of sight!” nanggigigil kong pahayag. Paulit-ulit na lang ako.

“Then you shouldn’t have told the Portugals that you want me instead of your own men.”

“You know I didn’t do that for myself! Why are you even talking to me, huh? Huwag mo nga akong kausapin!”

“You opened your mouth first.”

“I regret it! Ang hirap mong pakiusapan, I fucking hate you.” Hindi na siya nagsalita kaya padabog akong sumandal sa inuupuan. Maaga siguro akong magkakaroon ng high blood pressure dahil sa kaniya. Ang taas lagi ng anger issues ko kapag si Eurus ang kasama ko.

* * *

“Farah, I suggest you to leave the city for now. You’re preparing for the board next year, right? Can you do me this favor and just enroll to a review center online? At least for the mean time,” Ate Elora said. My forehead immediately creased because of that.

“Why? May panibago na naman bang problema? Ate, are you in danger again?”

“No, you know I can handle myself. It’s just that, things are getting serious. You don’t have to be involved so don’t think about it too much. I just want you to be extra careful. Hahayaan naman kita pumili kung saan mo gustong pumunta.” Mataman ko siyang pinagmasdan at hindi nakatakas sa akin ang mga eyebags niya.

“Hindi ba’t mas safe ako kila Abuela?” Umiling siya at sumandal sa inuupuan.

“I know... Pero hindi ka rin mapipigilan na lumabas-labas dito. At least kapag nasa ibang lugar ka, malayo ka rin sa mata ng mga kaaway. Alam ko kung anong nangyari nung nakaraan, muntik ka nang mapahamak dahil sa tracker na ’yon.” Talagang sinabi ni Eurus ang tungkol do’n...

Napahinga ako nang malalim at tumango. “Okay... Kasama si Eurus?” Kinagat niya ang labi at nag-aalangan pa akong tanguan.

“Ano pa nga ba. Bakit hindi mo na lang ako patirahin sa kaniya, Ate Elora? Tutal halos hindi na kami maghiwalay,” sarkastiko kong sabi. Napaalis siya sa pagkakasandal at nanlalaki ang mata sa akin.

“Oo nga no? Ang alam ko ay may bahay si Eurus malayo rito sa syudad. Gusto mo ba? Mas convenient ’yon dahil magkasama kayo sa iisang bahay.”

I just looked at my sister in disbelief. “Ate, sarcasm ’yon. Okay ka pa ba? Hahayaan mo akong tumira sa bahay no’n? What if may gawin siya sa akin?”

She laughed and rolled her eyes at me. “Farah, para namang hindi mo kilala si Eurus. He won’t touch you if it’s unnecessary. He sticks to his job, you know that he’s professional. Pinagdududahan mo pa rin?”

“Malay ko ba. Tingnan mo nangyari sa inyo ni Kuya Vor nung nagsama kayo sa iisang bahay, hindi ba bumigay ka? Nawala angas mo,” pang-iinis ko pa. Totoo naman kasi, halatang-halata kapag dinadala ako ni Kuya Vor sa mansyon niya rati para magkita kami ni Ate Elora.

“Sinasabi mo bang mangyayari sa inyo ang nangyari sa’min ni Vor? Bibigay ka kay Eurus?” seryoso nang aniya.

“Huh?! Hindi ’yon ang sinasabi ko! What if lang ano...” Pilit kong inisip ang maayos na term para hindi niya na ma-misinterpret. Hindi naman kasi ’yon ang tinutukoy ko! Lalaki pa rin naman si Eurus, what if, what if...

“Ano? Do you like him?”

“No! Ayoko na nga sa kaniya ’di ba?”

“Eh ano?” Umiling ako at kinagat na lang ang labi. Baka kung ano pang masabi ko na iba ang dating sa kaniya.

“Ayun naman pala eh. Tsaka hoy, magustuhan mo na si Kade, although wag na rin kasi may sira rin sa utak. Basta ’wag lang si Eurus. Hindi ka sasaluhin no’n, umayos ka.” Nalukot ang mukha ko sa narinig. Ako? Magugustuhan si Eurus? Mukha niya.

“Ayoko sa kanilang dalawa, okay?”

“Good to know. So, settled na? Sa bahay ka na lang ni Eurus? Sasabihin ko sa kaniya—”

“Ate, sarcasm nga ’yon! Akala ko ba ako ang mamimili kung saan ako pupunta?”

“Pero maganda na nga ’yung naisip mo.”

“Ayoko sa bahay niya. Baka ma-stress ako lagi, hindi naman kami magkasundo.” Buti sana kung magaling makipag-usap si Eurus. Kapag bumubuka ang bibig niya, inis lang ang nararamdaman ko. Ang talas kasi magsalita, kaya hindi ko siya feel.

“The man’s trying to keep you safe, try to get along, can’t you? Sige bahala ka kung saan mo gusto, but think about residing with him, Farah. Huwag mong masyadong pahirapan si Eurus, maraming trahaho at problema sa buhay ’yon. Buti na nga lang at pumapayag na bantayan ka. Let’s be thankful ’no?” Ngumuso ako at inisang lagok ang juice na nasa harap.

“Ate Elora, mag-iingat ka lagi. Ayokong mapahamak ka ulit... I just couldn’t take it anymore. I’m tired of seeing you with wounds and bruises.” Ngumiti siya at naupo sa tabi ko para yakapin ako.

“Don’t worry about me, you know what I can do. Ang sarili mo ang alalahanin mo.”

“Is it time for me to learn more about martial arts? Kaya ko nang makipaglaban incase may mangyari, but I’m nowhere to level your skills. Kung nasusugatan ka pa rin sa galing mo, paano pa ako?” seryoso kong tanong.

Kahit pa anong pagkumbinsi ko sa sarili na hindi ako madadamay sa gulo na meron sila, alam kong niloloko ko lang din ang sarili para lang makahanap ng dahilan para makawala kay Eurus.

Hinding-hindi ako mamumuhay nang normal hangga’t hindi ako nakakawala sa mga Portugal... Hindi ko rin kayang iwan si Ate Elora. Ito na ’yung kapalit sa marangyang buhay na meron kami ngayon.

“Should I tell Kade to help you again?”

“Okay... Kung free siya. Gusto ko na rin matutong humawak ng baril.” Napahiwalay siya sa akin at kinunutan ako ng noo.

“Baril? Bakit?”

“In case of emergency.”

“Nakakatakot kang pahawakin ng baril, Farah, baka kung saan mo gamitin.”

“Huh? Hindi naman ako papatay! For self-defense lang.” Lahat ng nakapaligid sa akin marunong humawak ng bagay na ’yon. Noon, ayos lang sa akin na hindi ako marunong dahil wala naman akong pakialam. Pakiramdam ko rin kasi unti-unti kong papasukin ang mundo nila oras na matuto ako.

Pero iba na ngayon. Madalas kong makitaan ng dugo ang damit si Eurus, ibig sabihin ay ang dalas niya ring masangkot sa mga laban. Alam kong may pwedeng mangyaring masama sa hinaharap, gusto ko lang din maging handa. In case na madamay talaga ako...

“Sa lagay mo ngayon, baka si Eurus ang pagpraktisan mo kapag natuto ka,” natatawang aniya.

“Sure naman akong kaya niyang umiwas,” matabang kong sabi. Hindi ko itatangging magaling makipaglaban ang lalaking ’yon. Ilang beses ko nang nakita ang combat skills niya, at nakakatakot siya kapag lumalabas ang side niya na ’yon. Para siyang nagtatransform bilang ibang tao. Ang kalmado niya kasi madalas tapos biglang ganoon.

“Ako na mismo ang magtuturo sa’yo kung gusto mo talaga. Bago kayo umalis ni Eurus, tuturuan na kitang umasinta. Let’s meet again tomorrow?”

“Bukas na agad?”

“Ayaw mo?”

“Gusto.” Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko.

Umuwi na rin ako pagkatapos ng pag-uusap namin. Wala si Eurus ngayon kaya tauhan ni Kuya Vor ang naghatid sa akin pauwi. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya, at hindi naman ako interesadong malaman. Buti nga ’to at hindi ko siya nakikita.

Naging pareho lang ang takbo ng gabi ko katulad sa mga nakaraan. Sabay-sabay kaming kumain nina Abuelo, nag-usap saglit pagkatapos kaya nalaman kong pareho sila ni Abuela na lalabas ng bansa bukas. Mawawala sila ng dalawang linggo kaya pinayagan na rin akong umalis muna ng syudad.

Nang makaakyat ako sa kuwarto ay agad kong itinapon sa kama ang laman ng bag na dala. Nakagawian ko nang gawin ’to pagkatapos ako mapuslitan ng tracker sa loob pa ng katawan ko.

Itinabi ko ang mga personal na gamit pagkatapos masiguro na walang nakadikit na kung ano ro’n. Akala ko ay wala ulit akong matatagpuan katulad ng dati, pero isang pulang papel ang nakaagaw sa pansin ko.

Kumabog agad ang dibdib ko nang marealize na hindi sa’kin ang papel. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ’yon at binasa ang nakasulat.

Your head seems like it’s going to be a good decoration to my collection.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 149K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally โฃ๏ธ Cover credit...
236K 16.3K 19
#2 IN HIS SERIES ๐•๐ข๐ค๐ซ๐š๐ฆ ๐’๐ข๐ง๐ ๐ก ๐‘๐š๐ญ๐ก๐จ๐ซ๐ž The elder son of the Rathore family and the future King of Rajasthan, he was cold, arrogant...
1.9M 141K 63
"แ€›แ€พแ€„แ€บแ€žแ€”แ€บแ€แ€ผแ€„แ€บแ€ธแ€”แ€ฒแ€ทแ€žแ€ฑแ€†แ€ฏแ€ถแ€ธแ€แ€ผแ€„แ€บแ€ธแ€€แ€ผแ€ฌแ€ธ แ€กแ€œแ€ฝแ€พแ€ฌแ€•แ€ซแ€ธแ€•แ€ซแ€ธแ€œแ€ฑแ€ธแ€€แ€ญแ€ฏแ€–แ€ผแ€แ€บแ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€แ€ซแ€”แ€ฎแ€ธแ€™แ€พแ€ฌแ€™แ€พ แ€„แ€ซแ€™แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ทแ€€แ€ญแ€ฏแ€…แ€ฝแ€”แ€บแ€ทแ€œแ€ฝแ€พแ€แ€บแ€แ€แ€บแ€–แ€ญแ€ฏแ€ท แ€žแ€„แ€บแ€šแ€ฐแ€”แ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€แ€ฒแ€ทแ€แ€šแ€บแŠ แ€œแ€ฐแ€แ€ฝแ€ฑแ€€ แ€žแ€ถแ€žแ€›แ€ฌแ€™แ€พแ€ฌ แ€›แ€ฑแ€…แ€€แ€บแ€›แ€šแ€บแŠแ€แ€‹แ€บแ€€แ€ผแ€ฝแ€ฑแ€ธ...
217K 15.5K 20
"YOU ARE MINE TO KEEP OR TO KILL" ~~~ Kiaan and Izna are like completely two different poles. They both belong to two different RIVAL FAMILIES. It's...