Jien Of Grid (M-preg)

By Tatisvibe

284K 11.2K 2.1K

"Jien." - Grid "Po." - Jien "You're my angel, baby." - Grid "You're my lord, then." - Jien 04, 25, 22 More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17 (SPG)
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31 (SPG/R-18)
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 28

6.5K 289 121
By Tatisvibe

Grid

"Mom. Dad." Bati ko sa mga magulang ko nang madatnan ko sila sa baba na kausap si Jien.

Kakaligo ko lang. Ginulo ko ang basa kong buhok at lumapit para maupo sa tabi ni Jien.

"Don't mom, dad us. You didn't call us for a month!" Pagalit na sabi ni Mom.

"Love. Si Jien nagugulat sa sigaw mo." Saway ni Dad kay Mom.

Sabay kaming napatingin ni Mom kay Jien. Ngumiti lamang ito kay Mom at umiling.

Napanguso na lamang ako, buti pa iba nginingitian niya.

Saka lang nalaman ng magulang ko na buntis si Jien noong lumipas muna ang isang buwan matapos naming malaman na buntis si Jien. Nasampal ako ni Mom noon kasi bakit kamakailan ko lamang pinaalam sa kanila habang si Dad ay napapailing na lamang.

"Buksan ko na 'nak." Paalam sakin ni Nay Rita nang marinig namin na tumunog ang doorbell.

"Wala ka naman ngayong nararamdamang sakit Jien?" Tanong ni Mom.

"Wala naman po Tita." Sagot ni Jien.

"Mom or Mommy." Pagtatama ni Mom kay Jien.

"Mommy." Nakangiting sunod naman ni Jien.

"Good. Wag mo kakalimutan na mommy ha."

"Opo."

"I still can't believe Jien is pregnant." Nakatitig na sabi ni Mom kay Jien habang ginugulo ang buhok nito. Lumingon ito kay Dad. "Love sundan natin si Grid? Pero ikaw magbubuntis."

Natawa kaming tatlo nila Jien at Dad.

"Hayst bakit kasi hindi na lang lalaki ang nabubuntis, malalakas naman kayo." Angal ni Mom.

Napatingin kami sa pintuan nang bumukas iyon.

Tumayo ako at binati si Mr. Rivera.

Napatayo rin sila Mom and Dad.

"Mr. Rivera." Bati ni Dad. "It's been a while."

"Mr. and Mrs. Supheres." Mr. Rivera greeted back as they shake hands.

"Have a seat Mr. Rivera." Sabi ko dito bago umupo.

"Do you have a meeting with my son, Mr. Rivera?" Dad asked as he sit back.

"No. I came to visit my son."

"Your son?" Nagtatakang tanong ni Mom.

"Yes, Jien is my son." Sagot ni Mr. Rivera na nakapagpalaki ng mata nila Mom and Dad.

Agad na lumingon sakin si Mom at piningot ako. "Bakit hindi mo samin sinabi."

"Ouch mom, nong isang araw ko lang din nalaman."

Lumapit si Mr. Rivera kay Jien at hinagod ang buhok nito at pinatakan ng halik ang noo. "How are you, son? Maayos lang ba pakiramdam mo?" Tanong ni Mr. Rivera sa anak.

Tumango naman si Jien. "Opo."

"Here, bumili ako ng chocolates." Agad na binuksan ni Jien ang bigay ng ama at nilantakan iyon na ikinatawa naming lahat.

Natauhan si Jien at nahihiyang napayuko.

Nangingiting pinunasan ko ang gilid ng labi niya.

Nagsimula na kaming mag-usap nila Dad at Mr. Rivera.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang mabitawan ni Jien ang medyo malaking plastic. Agad akong humawak sa braso niya.

"What's wrong?" Nag-aalala kong tanong.

Hindi ito sumagot bagkus nakatingin lamang siya sa tiyan niya kaya napatingin rin ako dito.

Mabilis akong lumuhod sa harap niya at nakangiting hinaplos ang tiyan niya kung saan bumabakat ang bawat pagsipa ng baby.

"It's kicking again." Mahinang sabi ni Jien.

"Yeah." Nakangiting pagsang-ayon ko. I can't wait to see our baby.

Pinatakan ko ng halik ang tiyan ni Jien kung saan sumipa ulit ang baby.

Nangingiting hinawakan rin iyon ni Mr. Rivera.

"BABY" Nakasimangot na tawag ko kay Jien. Kanina ko pa siya tinatawag pero ayaw niyang lumingon.

Gabi na ngayon, pareho kaming nakahiga sa kama. Nakatagilid siya ng higa patalikod sakin.

"I know you're awake, kanina ka pa galaw nang galaw." Pagpansin ko dito.

Nilapit ko ang katawan ko at niyakap siya bago pinatakan ng halik ang batok niya. Napangisi ako nang gumalaw ang paa niya.

I let my tongue out and licked his nape.

"Uhhmm!" Kunwaring daing nito habang nakasimangot at tumihaya ng higa.

"I know you're still awake. Cuddle me baby so you can sleep." Hinalikan ko ang tainga niya.

"Baby..." Bulong ko. "Baby... Cuddle me.. "

Dinilaan ko ang tainga niya na nakapagpamulat sa kaniya. I let out a lopsided smile.

"I was about to fall asleep!" Inis niyang sabi.

"Nah. You kept moving. So just cuddle me para makatulog ka na." Sagot ko dito.

"Ayoko."

Napanguso ako dito. "Fine." Ayaw ko namang lalo itong magalit.

Tumalikod ako ng higa sa kaniya.

Pumikit ko at sinusubukang matulog pero ilang segundo lang nang marinig ko ang pagsinghot nito.

Agad na humarap ako sa kaniya at nakitang nagsisiunahan tumulo ang mga luha nito habang nakatihaya.

Mabilis akong napaupo at niyuko ang mukha niya para punasan ang mga luha niya.

"What's wrong baby?" I worriedly ask.

Hindi ako nito sinagot bagkus ay patuloy lamang ito sa pag-iyak habang masama ang tingin sakin.

Humiga muli ako habang nakaharap sa kaniya. Mas lalo akong tumabi dito. Hinalikan ko muna siya sa pisngi at labi bago siya pinatagilid ng higa patalikod sakin para mayakap ko ito nang hindi naiipit ang tiyan nito.

"Ano bang kasalanan ko hmm?" Malambing kong tanong dito at pinatakan ng halik ang ulo niya.

"Y-you don't love me anymore, agad-agad ka ng sumuko kapag sinabing ayoko. Hindi mo na ako pinipilit. You don't love me the same as before." He said while sniffing.

I chuckled to what he said.

Lumingon ito sakin. "See, you're just laughing seeing me crying."

Naiiling kong hinawakan ang baba nito at paulit-ulit siyang pinapatakan ng halik sa labi habang paulit-ulit ko rin sinasabing 'I love you. Mahal kita.'

Nakangiti akong tumigil at tumitig rin pabalik sa kaniya. Hinalikan ko ito sa noo. "Ayoko lang na mas magalit ka sakin kaya tumigil ako."

He turned his head back from me while pouting.

Hinalikan ko muli ang ulo nito bago pumikit. "Sleep now baby."

"YES NAY RITA?" Tanong ko nang tumawag sakin si Nay Rita.

Nandito ako sa office ko ngayon. Napipilitang pumunta dito dahil yun ang gusto ni Jien.

Months had passed. Yung kwarto na tabi ng kwarto namin, yung dapat na uukupahan ni Jien noong unang dating niya dito. Pinaayos ko na agad para sa baby namin kahit na sa kwarto pa muna namin siya papatulugin. Inihanda ko na lahat ang mga bagay na kinakailangan ng baby namin.

"Si Jien Grid, manganganak na! Jusko!" Malakas ang boses na sabi ni Nay Rita.

Natataranta kong pinatay agad ang tawag at kinuha ang coat ko bago naglakad papunta sa bathroom upang lumabas pero agad akong natauhan nang makita ang loob ng bathroom at napapahilamos na tumakbo palabas ng opisina.

Nanginginig akong nagmaneho. Napamura ako sa gitna ng pagmamaneho nang matauhan na hindi ko alam kung nasaan si Jien, kung nasa bahay pa ba o dinala na sa hospital. Mabilis ang takbo ko habang pumipindot sa cellphone para tawagan muli si Nay Rita.

"N-nay Rita, wala bang lalaki dyan na tutulong kay Jien? Ang traffic dito. Nandyan ba si Mr. Rivera?"

Tumingin ako sa unahan at ni isang sasakyan ay wala pang umuusad.

Agad kong binaba ang bintana at nilabas ang ulo ko. "P*TANGINA! ANO BANG MERON AT WALA PANG LUMALARGA!" Sigaw ko.

Napatingin sakin ang traffic enforcer. Naglakad siya papunta sakin pero malayo ang kinatatayuan nito kaya sumigaw akong muli.

"MAY BUNTIS DITO! MANGANGANAK NA!" Galit kong sigaw.

Imbis na dumiretso sakin ay naglakad ito papunta sa mga kasamahan niya at kinausap ang mga ito.

Agad silang gumalaw. Pinasok ko na ang ulo ko nang magsimula ng umusad ang mga sasakyan.

Lahat ng nasa unahan ko ay gumilid kaya malaya akong nakalarga ng mabilis.

"Calm down Grid, ako to si Josh. Hindi si Nay Rita ang natawagan mo. Kumalma ka at tawagan mo si Nay Rita para malaman kung nadala na ba si Jien sa hospital. Sabihin mo agad sakin kung nasaang hospital kayo kapag nalaman mo na, pupunta kami."

"T-thank you Josh, inform Kuya Dred about this." Tumutulo na ang pawis ko pero hindi ko na magawang punasan ito. Pinatay ko ang tawag at tinawagan naman si Nay Rita.

"Nasaan po kayo Nay? Nasa bahay parin po ba?"

"Nasa hospital na nak..." Narinig kong may kinausap ito sa kabilang linya. "Neng  anong pangalan nitong hospital?... Sige salamat..." Muli ako nitong kinausap. "Laxinton hospital 'nak, kumalma ka, ayos lang si Jien." Sagot nito.

Agad na binaba ko ang tawag at lumiko para dumiretso sa Laxinton Hospital.

"Nay Rita!" Sigaw ko at hinihingal na tumakbo palapit dito. "Si Jien po?"

"Nasa loob. Kumalma ka Grid, jusko kang bata ka, punasan mo ang pawis mo."

"Ayos lang po ba talaga si Jien? Buhay pa rin po sila ng anak namin mamaya diba? Makakasama ko pa rin sila." Nag-aalala kong tanong.

Napalingon ako nang may tumawa sa likod ko. "Xincheng." Sabi ko. "Why are you here?"

Natatawang napailing ito sakin. "Masyado kang overthinker Grid, makakasama mo pa mag-ina mo i mean mag-ama. Kung nagp-pray ka na lang. Wipe your sweat tapos magpray ka."

"Why are you here?" I asked as I took out my handkerchief from my pocket to wipe my sweats.

"I just wanna visit you then I saw your ahm what is this? Nanny. Oh nay rita. I saw her panicking, I went to her when she started shouting for help and then there I saw ahm Jane? Jien right? Nakahawak siya sa stomach niya habang namimilipit sa sakit."

"Thank you Xincheng, thank you so much." Pasasalamat ko dito.

Napakamot ito sa batok. "Yeah haha... Y-you don't mind if I touched him? I carried him Grid. Nataranta lang rin ako so don't blame me. I mean kahit hindi naman ako nataranta bubuhatin ko parin siya. Alangan tingnan ko lang siya right."

"You don't need to explain Xincheng. It's okay. Thank you again."

Itinaas ko ang kamay kong hawak ang cellphone at nanginginig ang daliring pumindot dito para tawagan si Josh.

Napatingin ako kay Xincheng nang agawin niya sakin ang cellphone.

"Ano bang gagawin mo so I could do it." Tanong niya.

"Call your brother in law. Josh and tell him where hospital we are at right now and also call Mr. Rivera and My Dad to inform them."

Tumango ito.

Hinila ako ni Nay Rita paupo sa mga nasa gilid na upuan at hinagod hagod ang likod ko.

"Buti na lang talaga nandyan si Chinese. Ano bang pangalan non?"

"Si Xincheng po."

"Oo si Xincheng. Nagpapasalamat talaga ako na dumating siya kundi napatagal ang pagdala dito kay Jien."

Tumango ako sa kaniya at tumitig sa puting pader na nasa tapat namin hanggang sa matulala ako.

Natauhan ako nang makarinig ng tunog pero napayuko rin ako.

Habang nakayuko at nakatitig sa sahig ay ang daming tanong na pumapasok sa isip ko.

Ayos lang kaya si Jien? Yung baby namin? Wala naman sigurong magiging problema.

Paano manganganak si Jien.

D*mn it! Bakit hindi ko man lang inalam kung paano lalabas si baby. Normal delivery kaya but how? Maybe cesarean.

Cesarean? F*ck! I hope he's okay.

Napaigtad ako nang biglang may yumakap sakin.

Ngumiti ako kay JC, binuhat ko ito at pinaupo sa hita ko.

Tumingin ako sa kanila May at Josh na naiiling na nakatingin sakin habang hawak ang triplets kasunod nila si Ate Leigh at Kuya Dred. Si kuya Dred ay parang natutuwa pang makita akong miserable.

Niyakap ko ng mahigpit si JC. "JC magkakaroon ka na ng pinsan."

Hinawakan niya ako sa pisngi at inangat ito. "Talaga po?"

Nakangiting tumango ako.

"Sana po hindi niyo kamukha. Ang pangit mo raw po kasi sabi ni Papa." Sabi niya na ikinatawa ng malakas ni Kuya Dred. Hinampas naman ito ng asawa niyang si Ate Leigh.

Natawa rin si Josh at May sa sinabi ni JC.

Sinamaan ko ng tingin si Kuya Dred. Muli akong tumingin kay JC at tinanong ito. "JC gusto mo ako na lang papa mo? Your father is crazy, ayaw lang kitang mahawa sa kaniya."

Ako naman ang sinamaan ng tingin ni Kuya Dred. Lumapit agad ito sakin at binuhat palayo sakin si JC.

"Anak ko to g*go." Hinalikan nito sa pisngi si JC. "Kay Papa ka lang ha? Gwapo tayo."

"Upo muna kayo." Alok ni Nay Rita sa kanila.

Tahimik lang ako na naghihintay habang ang mag-asawang Herrera at sila Ate Leigh, Kuya Dred pati si Nay Rita ay nag-uusap usap.

Napatingin ako kay Xincheng na umupo sa tabi ko at naglahad ng tubig.

Kinuha ko naman ito at uminom.

"Tumawag sakin ang asawa ko kaya nagtagal ako sa labas." Sabi sakin ni Xincheng. "By the way, Mr. Rivera and your parents  are on the way na raw." Dagdag niya.

Hindi pa straight ang pagtatagalog nito.

Kasabay nang pagdating ni Mr. Rivera ay ang paglabas ng Doctor.

Agad na tumayo ako at lumapit dito.

Ngumiti ito samin. "It's successful. We'll just transfer them to the recovery room. Two can go now inside. Many isn't allowed."

Lumapit sakin si May. "Gusto ko na silang makita."

Pinapasok na kami ng doctor ni May. Agad na napatingin ako sa nurse na may hawak na baby bago sunod na napatingin kay Jien na natutulog.

Naaawang tumingin ako dito. Nilapitan ko ito at marahan na hinalikan sa noo.

"Ang cute." Napatingin ako kay May na malapit sa nurse na hawak ang baby namin ni Jien.

Lumapit ako sa mga ito at tiningnan rin ang anak ko.

Pumikit ako nang maramdaman ang gilid ng mga mata ko na nag-iinit. He's really cute. Kamukha siya ni Jien.

"You want to carry him Ma'am?" Tanong ng nurse kay May.

Umiling si May. "Father first. Buhatin mo na Grid." Parang nanunudyong sabi ni May.

Agad na umiling ako ng maraming beses na ikinatawa nila. "Si Jien muna ang gusto kong makahawak sa kaniya saka nanginginig pa ako baka mabitawan ko."

Tinitigan ko muli ang baby namin ni Jien. Pinunasan ko ang kanang mata ko gamit ang hinlalaki ng maramdaman may tumulong luha doon.

"I love you baby." Mahinang sabi ko sa baby namin habang nakatingin sa kaniya.

"God Grid ang nakuha niya lang sayo ay yang makapal mong kilay saka katangusan ng ilong mo. Ang pointed oh." Namamanghang sabi ni Ate May habang nakatingin sa baby namin ni Jien.

"Yeah." Tugon ko at tumawa. "Mas gusto kong kamukha niya si Jien."

Hindi ko maalis ang titig ko sa anak ko.

Anak ko...

Kumurba ang ngiti sa labi ko.

Jien

Pinikit dilat ko ang mata ko nang magising. Inilibot ko ang tingin nang maging malinaw ang vision ko.

"Where am I?" Bulong ko.

Ang huli ko lamang na natatandaan ay ang pagsakit ng tiyan ko at may bumuhat sakin na lalaki.

Nang may marealize ay agad na napunta ang kamay ko sa tiyan ko.

"Jien!" Rinig kong sigaw.

Napatingin ako kay Ate May na nakangiting naglalakad palapit sakin.

"My baby?" Nanghihina kong sabi dito. 

Napatingin ako sa kaliwa ko nang may tumayo dito.

"Baby..." Grid mumbles softly.

"Grid..."

Napunta ang tingin ko sa nurse na papalapit sakin habang hawak ang baby ko na ikinangiti ko.

Ibibigay niya sana ito sakin nang umiling ako. "I don't know how to hold a baby... Baka mahulog siya."

Narinig ko ang mahinang tawa ni Kuya Josh. Nailibot ko ang tingin at halos lahat ay nandito sila maliban lang sa ibang kaibigan ni Grid. Si Xincheng lang ang nandito. Naaalala ko na, siya ang bumuhat sakin.

"Paano niyo bubuhayin ang anak niyo nan kung pareho kayong ayaw humawak ng baby?"

"He might slip from my arm/ He might fell." Sabay naming sabi ni Grid na ikinatawa nilang lahat.

"Aalalayan po kita Sir." Nakangiting sabi ng Nurse sakin.

Dahan-dahan nitong ibinaba sa dibdib ko. "Put your palm on his back softly." Agad na ginawa ko ang sinabi ng nurse.

Nang maayos na itong nasa dibdib ko ay tinitigan ko ito. "Hey baby..." Mahina kong sabi habang nakatingin dito ng nakangiti.

"Yes baby?" Sagot ni Grid na ikinatawa nila Ate May.

"It's me your moth---- no your father." Tumingin ako sa nurse. "Am I a father?"

Napatingin ako kay Papa na lumapit sakin. Hinalikan ako nito sa noo na ikinapikit ko. Namiss ko ang halik ni Papa sa noo ko.

"I am the father, baby." Grid said, pouting.

"Natatawa ako sa inyo. Naiimagine ko na buhay niyo sa bahay kasama ang anak niyo." Si Kuya Dred na tumatawa.

"Sino daw ba kasi yung ama." Natatawang dugtong ni Kuya Josh.

"You can be both father." Si Ate Leigh na nakangiti sakin.

"I'll be the mother." Sagot ko sa mga ito. "Para may matawag na Mommy at Daddy ang anak namin ni Grid, para na rin isipin niya na perpekto ang pamilya niya, may nanay at tatay." Nakangiting sabi ko.

"You already are a perfect family even if you're both a father Jien." Si Ate May na naiiling sakin.

"Ayokong lait-laitin ang anak ko Ate May kapag nalaman nila na parehong lalaki ang magulang niya."

"As if I'd let them bully my apo." Sabat ni Papa.

Ayos na kami ni Papa pero may kaunting ilang pa rin ako sa kaniya.

"Us too." Sila Mommy at Papa Greg. Magulang ni Grid.

Napangiti na lang ako sa mga sinabi nila bago tumitig muli sa anak namin ni Grid. Habang nakatitig dito ay unti-unting namuo ang luha sa mata ko hanggang sa sunod-sunod itong nagsituluan na ikinatayo ni Grid.

"Baby." Hinaplos niya ang buhok ko.

"Our son, Grid." Nakangiting kong sabi sa kaniya habang tumutulo pa rin ang mga luha ko.

"Yeah. I love you and our son." Sagot niya.

"May pangalan na kayo sa kaniya?" Tanong ni Mama.

"May pangalan ka na sa kaniya Baby?" Tanong rin ni Grid at pinunasan ang mga luha ko.

"Mayroon pero gusto ko rin marinig yung sayo." Sabi ko dito na ikinangiti niya.

"Gren, I just combined our name." Natatawa niyang sagot. "How about yours? Wag mo alalahanin yung sakin, sayo pa rin yung gagamitin."

"Grix or Gris." Sagot ko sa kaniya.

"You named him after me." Grid said while looking at me softly.

Ngumiti lamang ako sa kaniya. Mas gusto kong malapit ang pangalan ng anak namin kay Grid.

"How 'bout Greece? Sa pangalawang anak na lang natin yung Greeks?" Suhestiyon niya na ikinaiwas ko ng tingin.

"Ay may balak." Natatawang sabi ni Kuya Dred.

"Greece? How do you spell it? Greece as in name of a country?" Si Kuya Josh.

Natawa ako don at umiling. "Gris. G-R-I-S."

"I also thought the name of a country." Natatawang sabi ni Grid.

"What about the Greeks one?" Tanong ni Papa Greg.

"G-R-I-X po, Papa Greg." Sagot ko dito.

"Pwede rin Greeks and Greece. Group and a country." Sabi ni Ate May.

Sumimangot ako dito. "Pero gusto ko 'I' pareho kay Grid."

Natatawang pinisil ni Ate May ang pisngi ko. "Oo na. Hindi naman halatang mahal na mahal mo si Grid."

Umiwas lamang ako ng tingin dito na ikinatawa nila.

"So ano? Gris na lang?" Tanong ni Kuya Dred.

Tumingin ako kay Grid. "Gris na lang? Sa susunod na lang yung Grix?"

"May balak talaga." Pang-aasar ni Kuya Dred. Tumingin ito kay Ate Leigh. "Love, sundan na natin si JC?" Nakakuha lamang ito ng hampas sa balikat mula kay Ate Leigh.

"What if babae ang susunod niyo?" Medyo baluktot na tanong ni Xincheng.

"Griz, letter Z." Sagot ko na ikinatawa nila.

"Ayaw talaga pakawalan si Grid." Natatawang sabi ni Josh.

"I love you too baby." Bulong sakin ni Grid at tumingin kay Baby Gris. "I love you my Gris." Tumingin muli ito sakin. "I wanna add your name after Gris, Gris Jien?"

"Bagay, Gris Jien." Komento ni Mommy.

"Gris Jie." Napatingin kaming lahat kay Papa sa sinabi nito.

Muling tumingin sakin si Grid na nakangiti. "Yeah Gris Jie. Kahit wala ng N basta medyo parehas sayo."

"Gusto mo talaga yon?" Tanong ko dito.

Ngumiti ito at tumango. "Pero siyempre sayo parin ang masusunod."

"Okay Gris Jie it is." Sabi ko dito na ikinalawak ng ngiti niya.

Napatingin kami sa pinto nang bumukas ito at iniluwa si Nay Rita kasama ang triplets pati si JC.

Napatingin ang mga bata kay Baby Gris.

"Can I see my cousin Kuya Jien?" Cute na tanong sakin ni JC.

Agad na napatingin ako sa nurse na nangingiti lang na nakikinig at nakatingin samin. "Pwede pong pabuhat para makita ng mga bata." Paalam ko sa nurse.

Agad na nakangiting tumango ito at kinuha sa dibdib ko si Gris Jie.

"Can you teach me how to carry him? Gusto ko rin siyang buhatin kahit natatakot ako para ako ang magbantay sa kaniya." Sabi ni Grid na agad na tinanguan ng nurse.

"Put your arms on his back carefully Sir." Umpisa ng nurse.

Nanonood lang kami habang nakatingin sa kanila hanggang sa matutunan ito ni Grid at masayang masaya na nakatingin kay Gris na nasa braso niya.

"I know now baby Gris." Malawak ang ngiting sabi ni Grid habang nakatingin sa anak.

"Can I see him now Uncle?" Tanong muli ni JC.

Dahan-dahan na umupo si Grid sa mababang upuan kaya agad namang lumapit ang mga bata dito.

"May pinsan na ako yehey!" Tuwang tuwa na sabi ni JC habang nakatingin kay Gris.

"Ang cute niya po. Same kami." Komento ni Daniella na ikinatawa ng mga magulang niya.

Matagal silang nakatingin kay Gris ng nakangiti hanggang sa magsawa ang mga ito at lumayo na bago pumunta sa kaniya kaniyang magulang maliban kay Gecko na natitili lang sa kinatatayuan at seryoso lamang na nakatingin kay Gris Jie.

Nagulat kami sa sunod nitong ginawa. Dumukwang ito at hinalikan nito sa labi si Gris.

"Gecko!" Galit na sigaw ni Grid. Tumingin ito kay Josh. "Josh! Yung anak mo ilayo mo sakin!" Dagdag nito.

Agad na takot na lumayo si Gecko kay Grid.

"Grid." Saway ko kay Grid.

Hindi ako nito pinansin at naiinis lamang na nakatingin kay Gecko na ngayon ay buhat-buhat na ni Kuya Josh.

"Ako dapat ang unang hahalik kay Gris!" Naiinis na sabi ni Grid na ngayon ay nakatingin na sa anak.

"You shouldn't have kissed him Gecko. Kalalabas palang ng baby bawal siya halikan." Saway ni Kuya Josh kay Gecko na nakapagpayuko kay Gecko. "Don't do it again hmm?"

"He's cute po Daddy. I want to have one too." Malungkot na sabi ni Gecko.

Nakangising lumingon si Kuya Josh kay Ate May na pinanlakihan siya ng mata. "Hon. You've heard that right? Should we make one?"

Nakatanggap lamang ng malakas na hampas si Kuya Josh kay Ate May.

"Grid." Tawag ko kay Grid na busy sa pagtitig kay Gris habang nakanguso.

"Yes baby?" Lingon agad nito sakin.

"Come here... I want to see Gris before I fell asleep."

Agad na maingat itong tumayo at lumapit sakin.

Nakangiting kong tinitigan si Gris bago muling tumingin kay Grid. "Take care of him."

Kumunot ang noo ni Grid na nakatingin sakin.

Inaantok na talaga ako kaya hindi na nakayanan ng mata kong pumikit at tuluyan ng kainin ng dilim.

*********
Don't forget to vote mwa ilysm 💜💚 Pasensya na kung isang linggo ang inaabot bago ako makapag update.

Continue Reading

You'll Also Like

188K 8.5K 106
In the vast and perilous world of One Piece, where the seas are teeming with pirates, marines, and untold mysteries, a young man is given a second ch...
164K 11.6K 61
BOOK #2 They say love heals scars, but Seokmin's scars were lessons-bitter reminders that twisted him into a creature of darkness. His life was a ser...
6.9K 153 6
He is one of the most powerful vampire in their entire family..He wont show mercy to those people who enter his territory he will kill it instantly w...
214K 9.6K 59
Orm Kornnaphat's feelings for Lingling Sirilak have undergone a transformation over time. Initially, at the age of 11, Orm held an unromantic, platon...