My Everything In His Past (2n...

By VR_Athena

61K 5.7K 2.2K

"I wish I realized much sooner how important you are, my wife, my president, my everything." More

Mood Board
Prologue
Author's Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Author's Note
Chapter 19
Artwork
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Author's Note
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Author's Note
Chapter 57
Chapter 58
Author's Note
Chapter 59
Chapter 60
Wattpad Filipino Block Party: 2022
Chapter 61
Chapter 63
Past Life (WarLyn's Special Chapter)
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Teaser for "My Sin In His Past" (Pedro)
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Author's Note
Chapter 74
Teaser for "My Sin In His Past" (Victoria)
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Author's Note
Author's Note
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Update Question
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Character Inspiration
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
ON-HOLD
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Epilogue
Special Chapter 1: WarLyn's Teaser
Special Chapter 2
Story Playlist

Chapter 62

486 59 27
By VR_Athena

Apple Pie tried closing her eyes and lulling herself to sleep. Pilit niyang pinapatulog ang kuryosidad na nararamdaman dahil sa ingay ng mga tawanan at musika na nanggagaling sa unang palapag ng bahay. 

Tonight was Yohan's grand dinner party. "Grand" para iyon sa kaniya dahil nalaman niya mula sa mga katulong na 50 guests daw ang imbitado. The cook even ranted to her that the party was informed to them at such a short notice. Hindi tuloy magkaundagaga ang mga ito sa paghahanda kanina. Siya naman ay nais sanang tulungan ang mga ito sa kusina ngunit agad namang tumanggi ang mga ito dahil nga sa bilin ni Yohan na bawal siya doon. Sinubukan niyang tumulong sa mga katiwala na nag-aayos ng silid kung saan idadaos ang kasiyahan ngunit nakita siya ni Yohan at napagalitan. Hindi daw siya nito gustong tumulong doon. Buong araw tuloy siyang bored dahil wala si Xav para i-entertain siya. 

Ngayon nga'y gumabi na at rinig niya ang kasiyahan sa ibaba. It was far from her room but it didn't stop the merry-making from getting to her ears. She just sat in her bed (or rather Yohan's because he insisted that she would sleep here from now on) for several hours, listening to the distant sounds of voices and waves of laughter, imagining what was happening downstairs.

She had always been a lover of Historical Romance stories. Noong nasa high school pa lamang siya ay mahilig siyang pumunta sa isang store na may ngalang "Booksale". They sell second-hand books for very affordable prices. Yung mga HisRom na stories na nakahiligan niya na usually ay tig-200 plus ang presyo ay nabibili niya lamang ng bente doon. 

Nabasa at napanood na niya ang mga "ton" parties during Regency period, ngunit ni minsan ay hindi pa niya nalalaman kung papaano ba nagpa-party ang mga tao sa 19th-century Philippines. Na-curious tuloy siya. 

"Gusto kong lumabas . . ." bulong niya sa sarili. Nababagot na siya dahil tila ayaw siyang pagalawin ni Yohan. Kung pwepwede nga na lagi lang siyang nakahiga ay mukhang mas sasaya pa ang lalakeng iyon. Pinilit niyang pigilan ang sarili ngunit hindi na niya kinaya kaya naman halos patalon na siyang tumayo mula sa kama at nagmamadaling naghanap ng maipangtatakip sa kaniyang mukha.  "I'll just take a peek," she promised herself, not wanting to get into any trouble with Yohan but still determined to witness an event that she would surely regret missing.

Nang makapagbihis ng maayos ay nag-aalangan niyang binuksan ang pintuan at nilabas ang kaniyang ulo. She looked at the hallway and confirmed that no one was there before finally going out of the room. Dahan-dahan siyang naglakad at panaka-nakang tumitigil upang pakiramdaman kung may tao bang paparating. Mabuti na nga lang at wala siyang nakasalubong na katiwala o bisita habang pumupuslit siya sa pintuan papunta sa garden. Nasa bandang likuran kasi iyon kaya naman tiyak na walang makakakita sa kaniya.

Nakalabas naman siya ng ligtas sa may side garden kaya naman ang hiningang kanina pa niya pinipigilan ay kaniya ng napakawalan. She took a deep breath again before slowly walking towards the lighted side of the house. Nasa West side ng mansyon ginaganap ang kasiyahan. Kitang-kita mula sa kaniyang kinatatayuan ang repleksyon ng mga ilaw na nagmumula sa mga daang-daang kandila na sinindihan ng mga katulong kanina. Being here in the garden would be perfect because she can see what was happening inside, but they won't notice her easily.

Maingat siyang naglakad papunta sa may halamanan at tinago ang sarili doon. She looked at what was happening inside and can't help but feel amazed by the grandness of the party. It looked so striking and majestic. The buffet table was adorned by lumpiang shanghai, pancit, palabok, batchoy, crispy pata and even a freaking lechon, the young one. Sa may gilid naman ay nakita niyang may mga buko pie, biko at cassava cake. The place was lit up by hundreds of lighted candles that adorned every wall. Some were even placed in a chandelier-like holder and hung overhead. The room was flooded with thousands of flowers and she even heard from one of the maids that Yohan instructed for the finest china that they have.

The place was fully-packed with rich-looking guests. The men were wearing white baro and white trousers and the ladies were equally exquisite with their Filipiñianas. They were all laughing and conversing, having the fun of their lives. 

Palihim na lamang siyang napangiti habang pinapanood ang mga ito lalong-lalo na ang ibang mga binibini na naroon. She saw several women with their fans hanging on their right hand and remembered what Xav told her. Sabi nito ay kakaiba ang usapang-ligawan sa panahong ito. Courtship in this times were more tame and indirect, teasing even. Ibig sabihin niyon ay hindi diretsuhan ang usapang-ligawan. There would be phases and stages even before a man and a woman can officially declare themselves as a "couple".

The woman that hung her fan on her right hand was indirectly saying to everyone that she was available and looking for a man. If sa kaliwa naman iyon nakalagay ay ibig sabihin ay taken na ang puso ng isang binibini. This was the sign that men uses to know if they can court a woman or not. Nakakainggit nga dahil sa panahon niya ay ang raming mga paasa. Kung ganito lang kasimple yung paghahanap ng jowa edi sana masaya ang lahat. 

Single and ready to mingle? Edi sa right hand ilagay ang pamaypay.

It's complicated pero mahal ko yung gago? Edi sa left hand ilagay ang pamaypay.

Ang sabi pa nga ni Xav sa kaniya ay hindi lamang pamaypay ang maaaring gamitin upang mai-convey ang nais sabihin kahit hindi magsalita. She can also use her handkerchief and even flowers. Ang talagang tumatak sa kaniya ay yaong isa pang tinuro ni Xav sa kaniya. He said that if she folded her fan abruptly and with force, it meant that she hates the person that was in front of her. Napag-tripan niya si Yohan at lagi niyang ginagawa iyon sa harapan ng lalake. Yung pagsarado niya kasi sa pamaypay ay parang yung clapping board na ginagamit sa pag-film ng mga movie. Tinataas niya talaga tapos isasarado sa mismong harapan ni Yohan. Nagreklamo tuloy yung dragon at laging nagtatanong kung anong kinagagalit niya.

Napatawa na lamang siya dahil sa natandaan. Aliw na aliw siya habang pinapanood ang mga naggagandahang binibini na talagang dini-display ang mga pamaypay ng mga ito na nakalagay sa right hand ng mga ito. It was equally entertaining to watch other binibinis hide their fan on their pockets which she knew meant that they were not entertaining any suitors. Kaka-amaze lang dahil kahit pa man ang layo niya sa mga ito ay alam pa rin niya kung ano ang nangyayari.

Matapos iyon ay nilibot naman niya ang mga mata sa ibang panig ng silid at umaasang makita sina Kuya Zy at si Xav, ngunit ang nahagip ng kaniyang atensyon ay si Yohan at ang nililigawan nitong binibini. She was dressed in a luxurious camisa with bell sleeves, pañuelo, silk saya and dark tapís. Ang ganda-ganda nitong tignan.

Yohan and Binibining Carmelita were on the dance floor, dancing in rhythm with the soft music that the musicians were playing. The people around them were watching in envy because the two exudes a "perfect couple" vibes. Yung tipong isang tingin mo lang ay alam mo ng bagay sila. 

They looked so perfect and her heart started aching.

Alam naman niyang wala siyang panama sa babaeng iyon. Para kaya siyang siga kaya naman tiyak na nakakahiya siyang dalhin sa kung saan-saan. Ang mas masakit pa ay tila pinapaasa lamang siya ni Yohan. 

He was giving her mixed signals and she doesn't even know how to comprehend it. He was acting like he needed her, even telling her that she should sleep next to him from now on. Pero bakit ngayon ay masaya itong sinasayaw si Binibining Carmelita.

Or maybe she was right . . .

Maybe he needs me but he loves her.

Ganito na ba sila ngayon? Ito na ba ang parusa ni Yohan para sa kaniya? 

Giving her that slightest hope that they could be together again because he knew that she still love him very much. Alam pa rin ng lalake na mahal na mahal pa rin niya ito kaya naman siguro pinapaasa siya upang masaktan rin siya sa huli.

Is he planning to make me his own personal "puta"?

Siya ba yung babaeng pagsasawaan muna nito habang hinihintay na maikasal sa malinis at walang kabahid-bahid nitong mahal. Yung babaeng itatapon lamang sa gilid dahil wala ng halaga. 

Does he need me? 

Maybe yes. Maybe she was just here so he can have someone to kiss and fuck while his true love remain pure and untouched. A woman he would be willing to get entangled underneath the sheets but not in the church. 

She knew how much attraction they both have for each other. Sa isang buwan ng pagsasama nila sa iisang bubong noong kaka-graduate pa lamang niya ay masasabi niya talaga na marami silang nagawa at na-try sa isa't-isa. They were wild for each other . . . physically.

Maybe hanggang doon lang talaga sila. Maybe kaya siya laging pinipilit ni Yohan na makatabi ay dahil nagplaplano na itong alukin siya ng physical relationship. Syempre siya namang tanga ay kaagad na sasang-ayon dahil aasa siya na baka maaayos pa ang relasyon nila. But he would suddenly dump her ass when the time comes to marry his "binibini".

Hindi niya napansin na lumuluha na pala siya kung hindi lang biglang tumulo ang isang butil sa kaniyang mga kamay. Agad siyang napadungo doon at nakita ang pagsunod-sunod ng kaniyang mga luha. She was about to wipe her face when she suddenly heard a manly voice from her back.

"Binibini? Kailangan mo ba ng tulong?" Rinig niya ang nag-aalalang tinig ng isang ginoo sa kaniyang likuran kaya naman agad-agad siyang napatayo habang mabilis na pinupunasan ang mga luha. She dusted her saya first before glancing at the stranger, hoping that he would inquire no further and would just let her go. Paglingon naman niya dito ay agad siyang nagulat dahil ang lalakeng iyon ay ang puting ginoo na bumisita rito sa mansyon kasama si Binibining Carmelita. The man that she bumped into and the man who kept going back here, begging Yohan to let him talk to her. "Binibining Christina?" gulat nitong tanong na para bang hindi nito inaasahan na makikita siya ngayong gabi. Hindi naman niya ito masisisi dahil parang bakal na rehas si Yohan kung makabantay sa kanilang dalawa.

"Magandang gabi po, Ginoong . . ." bati niya rito ngunit agad niyang natandaan na hindi nga pala niya alam ang pangalan nito. Mukhang agad na naintindihan ng binata ang daing niya dahil agad itong nagpakilala sa kaniya.

"Heneral Cristobal Perez de Castro . . . iyan ang pangalan ko."

So I am right, he is indeed a general.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala ngunit kailangan ko na pong bumalik sa aking silid. Baka may makakita sa akin rito," nagmamadali niyang ika habang palingon-lingon pa sa paligid. Kung nakita siya ng Heneral rito ay tiyak na may malaking tiyansa na may ibang tao rin na umaaligid-aligid rin sa hardin. 

Akma na sana niyang tatalikuran ang heneral at maglalakad na pabalik sa pintuang pinaglabasan niya ngunit mabilis siya nitong pinigilan. "Sandali, Binibining Christina!" She quickly glanced back at him and he might have saw her panic because of his loud voice. "Pagpasensyahan mo na ngunit maaari ba kitang samahan hanggang sa makapasok ka ng ligtas sa mansyon?" bulong nito, mukhang naiintindihan na ayaw niyang may makakita sa kanila. Syempre bawal ang ganitong pagtatagpo sa panahong ito. Babae siya, lalake ito at wala silang ibang kasama.

Kitang-kita niya ang determinasyon sa boses nito kaya naman wala na siyang choice kundi sumang-ayon. Ihahatid lang naman siya sa may back door. Hindi naman iyon malayo kaya hindi rin magtatagal ang pagsama nito sa kaniya. She nodded her head and he immediately smiled upon seeing it.

Ang cute . . . parang golden retriever ang lalakeng ito.

Nagsimula na siyang maglakad habang ang lalake naman ay sinigurado na may tamang layo lamang ito sa kaniya. She was hoping that they would not converse and would only remain quiet until she gets inside. All hope was lost when he started talking to her.

"Pagpasensyahan mo na ngunit may nais sana akong itanong sa iyo," pauna nito. Malakas siyang bumuntung-hininga bago ito nilingon. Hindi na niya kailangang sumagot at mas piniling hintayin ang sasabihin nito. "Pamilyar kasi sa akin ang iyong mukha ngunit hindi ako sigurado kung saan ba tayo nagkita," pagpapatuloy nito.

Agad namang bumilis ang kabog ng kaniyang puso nang maisip na baka isa si Heneral de Castro sa nakakaalam ng kaniyang mukha. Maybe the Zaldua family gave her description or even a sketch of her face to the heneral.

"Pag-Pagpasensyahan niyo na po Heneral ngunit wala po akong maalala mula sa nakaraan ko. Hindi ko po kayo matutulungan." She tried avoiding his inquiries but her answer made him even curious.

"Wala kang maalala?" tanong nito.

"Nabagok po ang ulo ko," tipid niyang sagot sabay iwas sa kaniyang mukha papunta sa kabilang direksyon. Mariin kasing nakatitig ang heneral sa kaniya. Nako-conscious pa naman siya dahil ang gwapo nito.

"Kaya ba ang higpit-higpit sa iyo ni Eduardo?" he curiously asked, just from the tone of his voice, she already knew that the general was a good friend of Yohan. Mukhang nagkaaway lamang ang mga ito dahil sa kaniya.

"Opo . . ."

Finally, they arrived at the door where she secretly exited. Lumapit siya roon at binuksan iyon bago nilingon muli ang heneral. "Salamat sa paghatid sa akin rito, Heneral De Castro."

"Ako ang dapat magpasalamat dahil pinayagan mo akong makausap ka kahit sandali lamang." He smiled and she actually thought that he would leave now, but she was taken aback when he suddenly reached out for her right cheek. Using his thumb, he carefully wiped the remaining tears that she wasn't able to dry earlier. "Hindi bagay sa isang magandang binibining tulad mo na umiyak, para kang rosas na binasa ng ulan."

"Uhm . . ." nauutal niyang ika ngunit bago pa man siya makahuma sa sinabi nito ay maingat naman nitong kinuha ang kaniyang kanang kamay at hinalikan iyon.

"Isang karangalan na makilala ka, Binibining Christina. Sana'y magkaroon ng pagkakataon na tayo'y magkitang muli . . . kahit palihim lamang."

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 90K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...
68.9K 5.7K 30
Kuwento ng isang makulit na Aristokrata at ng crush na crush niyang Mr. Principal. Latest Book Cover: Coverymyst Image Credits: Jeon Ji-hyun and Lee...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.6M 293K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...