Their Long Lost Sister

By lialabspurple

50.2K 1.6K 285

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

CHAPTER 16

945 42 5
By lialabspurple

"Look, kuya Jazy. It's cute, 'di ba?" buong galak na sabi ni Dhianne kay Jazley habang pinapakita dito ang isang aso na nakita niya sa daan.

Maliit na aso pa lang 'yon. Nakita niya sa daan habang naglalakad siya pauwe sa bahay nila. She loves animals that's why kinuha niya ang aso.

Naawa din kasi siya dito kaya kinuha niya na. Naisip niya rin na para may kalaro na rin si Summer kaya inuwe na niya ito. Sinigurado niya rin muna na walang may nagmamay-ari dito.

"Hmm, kasing cute mo. Gusto mo siyang alagaan?" ngiting sabi naman ni Jazley kay Dhianne na hindi mawala ang ngiti sa mga labi.

"Opo, pwede po ba?" Dhianne asked. Nagpuppy eyes pa kay Jazley kaya hindi napigilan ni Jazley ang matawa sa kakyutan ng kapatid niya.

"Of course! Besides, inuwe mo na nga, eh." natatawang sabi niya at ginulo pa ang buhok ni Dhianne na bumusangot lang habang hinahaplos ang balahibo ng aso na buhat niya.

"Naawa kasi ako sa kaniya, kuya, eh. Mukhang hindi siya nakakakain ng maayos kaya inuwe ko na lang siya para maalagaan tsaka para may kalaro na rin si Summer." sabi ni Dhianne na ikinangiti lang ni Jazley.

Nasa isip ni Jazley na baka nakuha ni Dhianne ang pagkahilig niya sa mga hayop, lalo na sa aso. Ayos lang naman kay Jazley kung gusto itong alagaan ni Dhianne. Kung ito ang nagpapasaya sa kapatid niya ay hahayaan niya ito.

"That's good, then." Jazley just said while looking at her sister.

Tawa lang naman nang tawa si Dhianne habang nakikipaglaro na ito sa aso na pinangalanan ng Whinnie ni Dhianne.

Hindi alam ni Jazley kung bakit Whinnie ang ipinangalan ng kapatid niya sa aso pero hinayaan niya na lang dahil alaga naman ito ng kapatid niya at maganda naman ang pangalan.

"Akyat lang muna po ako, kuya. Paliguan ko lang po siya tapos pakainin." maya-maya ay paalam na ni Dhianne.

Holiday ngayon kaya nasa bahay ngayon si Dhianne. Wala silang pasok. Nagpunta lang ng seven eleven sa may labas ng village nila si Dhianne para bumili ng gusto nitong pagkain nang makita ang aso ng pauwe na.

"Hmm, okay. If you need me, nasa office lang ako." sabi din ni Jazley at tumango lang naman si Dhianne at nagpaalam na ulit sila sa isa't isa.

Nang masiguro niyang nakapasok na si Dhianne sa kwarto nito ay doon lang siya naglakad papunta sa office niya para umpisahan na ang trabaho niya.

"Kailangan ko pa lang pumunta ng site bukas para tingnan 'yung ayos ng bahay." bulong niya habang tinitingnan ang floor plan.

He's an civil engineer. Tatlong taon na rin siya sa trabaho niya. Matagal na talaga niyang pangarap ang maging isang engineer kaya sobrang saya niya na nakapasa siya sa board exam at maging legal na engineer na.

Hindi niya nga lang din maiwasan na malungkot dahil hindi niya kasama ang pamilya niya sa mahalagang araw na 'yon para sa kaniya.

Natigil lang siya sa ginagawa nang tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya kung sinong natawag ay kaibigan niya lang pala na si Marcelo.

"Ano naman kayang kailangan nito?" bulong niya bago sinagot ang tawag.

"Oh?" agad na bungad niya pagsagot niya nang tawag.

Rinig niya naman agad ang malutong na mura sa kaniya ng kaibigan niya na ikinatawa niya na lang.

"Puntahan mo nga ako dito, pre. Tangina, nasiraan ako ng sasakyan." inis na sabi ng kaibigan niya na ikinailing niya lang.

"Ayoko nga. Besides, I'm busy. Tawag ka na lang ng iba." pang-aasar niya sa kaibigan.

Pupuntahan niya naman ito, inaasar niya lang talaga. Gusto niya kasing iniinis ang kaibigan.

"Gago mo naman, pre. Kapag nahingi ka ng tulong sa 'kin, tinutulungan naman kita tapos kapag ako na, busy lagi. FO na lang tayo, tangina mo." napahagalpak siya nang tawa sa pag-iinarte ng kaibigan niya.

"I'm just kidding, pre. Kalma ka lang, on the way na ako. Saan ka ba? Galit na galit ka na agad, eh. Chill lang haha." sabi niya habang natawa at mas natawa pa nang murahin lang siya nang murahin ng kaibigan niya.

"Text ko na lang sa 'yo. Bilisan mo, ah? May meeting pa akong kailangang puntahan. Please lang, umayos ka. H'wag mo akong paghintayin dito." sabi pa ni Marcelo. Mukhang asar na asar na. Badtrip kasi si loko.

"Oo na! Just chill, tatanda ka ng maaga niyan, eh." pang-aasar pang muli ni Jazley kaya muli siyang nakatanggap ng mura sa kaibigan.

"Kingina mo, Marcelo. Parang hindi ka Attorney, ah. Wagas ka kung magmurang hayop ka." dugtong pa ni Jazley.

"Ano naman? Wala kang pake. Bawal bang magmura mga attorney, ha?! Bilisan mo na nga lang, bye." Marcelo said and dropped the call. Napailing na lang si Jazley at tumayo na para umalis.

"Oh, Dhianne." gulat na tawag ni Jazley kay Dhianne nang makita niya ito sa sala na nakikipaglaro kay Summer at Whinnie.

Paakyat kasi sana siya para puntahan si Dhianne sa kwarto nito at magpaalam nang makita niya ito sa sala. Nasa baba lang kasi ang office niya.

"Hello, kuya. Kinuha ko pala si Summer, ah? Sorry po." agad na sabi ni Dhianne.

Ngumiti lang naman si Jazley at naglakad palapit sa kapatid saka ginulo ang buhok nito.

"It's okay, don't worry. Enjoy lang kayong tatlong babies ko, ah? Aalis muna ako, puntahan ko lang si kuya Marcelo mo." paalam na niya kay Dhianne.

"Sige po, ingat po kayo." ngiting sabi ni Dhianne at hinalikan pa sa pisnge si Jazley na napangiti lang.

Wala na dito ang Mommy at Daddy ni Jazley sa bahay nila dahil agad ding umalis ang mga ito. Isang linggo lang nanatili sa bahay nila dahil kailangan na ring umalis agad.

After magpaalam sa isa't isa ay umalis na ng tuluyan si Jazley pero bago pa siya makasakay sa kotse niya ay nakita niya pa sina Shawn kaya hindi natuloy ang balak niyang pagsakay sa kotse niya at nilapitan ang mga ito.

"Hey, why are you here?" nakangiting tanong ni Jazley sa tatlo. Binati pa muna nila ang isa't isa bago sinagot ang tanong ni Jazley.

"We want to visit Dhianne that's why we're here. Is she's inside?" Shawn said.

"Yes, nasa may sala siya. Nakikipaglaro sa mga aso, puntahan niyo na lang siya. Aalis kasi ako." Jazley said and the three nodded.

"Okay, thank you. Ingat." sabi naman ni Shawn at gano'n din ang dalawa kay Jazley na ngumiti.

"Thank you din, enjoy." masayang sabi ni Jazley at tinapik pa sa balikat ang tatlo bago tinalikuran ang mga ito at sumakay na sa kotse niya at umalis na ng tuluyan para puntahan ang kaibigan. Natanggap na rin kasi nito ang text nito kung nasaan ito ngayon.

Nang mawala sa paningin ng tatlo ang kotse ni Jazley ay pumasok na sila sa loob at doon nga ay nakita nila si Dhianne na nakikipaglaro sa dalawang aso.

"She's so cute." Felix said while staring at her sister.

Hindi na nila napigilang mapangiti habang naririnig nila ang nakakatuwang tawa nito.

After a while ay nilapitan na rin nila si Dhianne. They really want to bond with their sister that's why they're here. Hindi lang nila kasama ang magulang nila dahil abala ang mga ito sa inaasikaso nila sa organization.

"Hi, Dhianne." Vaxton said kaya natigil si Dhianne sa pakikipaglaro sa mga aso at nag-angat ng tingin para tingnan kung sino ang nagsalita.

Nang makita ang tatlong lalaking hindi niya inaasahang nandito ay agad nanlaki ang mga mata niya at napatayo. Nakaupo kasi siya sa may sahig.

"H-hello po." nahihiyang bati niya at bahagya pang yumuko na ikinangiti lang ng tatlo.

"How are you, Dhianne?" Shawn asked and Dhianne immediately answer it with a smile on her lips.

"Okay lang po. Kayo po, kumusta?" si Dhianne naman ang nagtanong na masaya ring sinagot ng tatlo.

"We're also fine, Dhianne." Shawn said kaya nakangiting tumango naman si Dhianne.

After no'n ay inaya niya ang tatlo na maupo sa sofa at kinuha muna ang dalawang aso para ilagay ito sa kwarto niya para makapag-usap sila ng maayos.

Hindi niya inaasahan ang pagdalaw ng mga ito sa kaniya kaya gano'n na lang ang gulat niya. Hindi rin siya handa kaya medyo kinakabahan at natataranta siya.

"Heto po, tinapay po muna tayo." sabi ni Dhianne pagbalik niya.

Naghanda na pala siya ng tinapay at juice matapos niyang ilagay ang dalawang aso sa kwarto niya.

"Thank you." buong pusong pasasalamat ng tatlo nang kunin ang inihanda ni Dhianne.

Sure silang si Dhianne ang naghanda no'n para sa kanila kaya kakainin nila 'yon.

"Bakit po pala kayo napadaan dito?" maya-maya ay tanong na ni Dhianne. Nakaharap lang siya sa tatlo.

"We just want to visit you, Dhianne. Are you not happy that we are here?" Vaxton said.

"Masaya naman po. Nagulat lang po ako na nandito kayo, hindi ko po inaasahan 'to. Sa totoo nga po niyan ay namiss ko kayo, eh." Dhianne said and chuckled.

Natuwa naman ang tatlo sa narinig kaya hindi nila napigilan ang mapangiti. Miss rin kasi nila ito at gustong makita at makabonding kaya binisita na nila.

Nag-alala din sila dahil sa sinabi sa kanila ni Josephine na inatake ito ng hika kaya gusto rin nila itong puntahan ay para makumusta ang kalagayan nito.

Inuumpisahan na rin nilang alamin kung sino ang mga babaeng bigla na lang nanggulo sa kanila.

"Nabanggit pala sa 'min ni Josephine 'yung about sa tatlong babaeng sumulpot na lang bigla at no'ng inatake ka ng hika. Are you fine now?" tanong ni Shawn na ikinagulat naman ni Dhianne.

"Opo, ayos naman na po ako. Thank you po sa pag-aalala." ngiting sabi ni Dhianne.

"That's good, then. By the way, nagpakita na ba sila sa inyo ulit?" muling tanong ni Shawn. Umiling lang naman agad si Dhianne.

"Hindi pa po." napatango-tango lang sila sa sinagot nito at maya-maya ay natahimik na. Ramdam nila ang awkwardness ng isa't isa.

May kaniya-kaniya silang iniisip na apat ngayon. Ang tatlo ay iniisip kung paano bang mawawala ang awkwardness na nararamdaman nila at mapalapit sa kanila si Dhianne. Si Dhianne naman ay iniisip kung paano mapapasigla ang atmosphere.

Maya-maya ay pumasok sa isip ni Dhianne na makipagbonding sa mga kuya niya. Gusto niya rin kasing mapalapit sa mga ito kaya gusto niyang makipag bonding dito.

"Kuya's, marunong po ba kayo mag painting?" pangbabasag ni Dhianne sa katahimikan.

"No, ikaw?" Felix asked at nakangiting tumango naman si Dhianne.

"Painting po tayo, turuan ko kayo. Gusto niyo po? Bonding po tayo. Nandito na rin po kasi kayo, eh at gusto ko rin pong mas mapalapit pa sa inyo kaya po gusto ko kayong makabonding, okay lang po ba?" nahihiyang sabi ni Dhianne na ikinatuwa naman ng tatlo.

"Of course! We want that too." excited ding sabi ng tatlo.

Halata ang tuwa sa mga mukha. Agad na pumasok sa isip nila na nakuha nito ang pagpinta sa Mommy nila. Mahilig kasi ang Mommy nilang magpinta at sila ng Daddy nila ay hindi.

"Sige po. Wait lang po, kukunin ko lang po ang mga gamit." paalam ni Dhianne at tumakbo na paakyat sa kwarto niya ulit.

Nagkatinginan naman ang tatlo matapos non. Natutuwa sa mga nangyayare. Matagal nila 'tong hinintay. Ang maka bonding ang kapatid nilang babae kaya nang nangyayare na ay tuwang tuwa sila.

"I hope we can do this forever with her, kuyas." Felix said with a smile on his lips.

"Of course, just wait a little bit more. For today, let's just enjoy this." Vaxton said and Shawn nodded.

Hindi rin nagtagal ay bumalik na si Dhianne bitbit ang mga gamit na kakailanganin nila. Medyo marami 'yon kaya tumayo na ang tatlo at tinulungan ang kapatid.

Nang matapos sa pag-aayos ay nagsimula na sila. Habang tinuruan sila ni Dhianne ay tawa sila nang tawa dahil halatang hindi nga sila marunong.

Tuwang-tuwa si Dhianne sa pinta ng tatlo. Hindi man 'yon maayos ay okay lang. Hindi niya lang talaga maiwasan ang matawa kaya hiyang-hiya na ang tatlo pero nakangiti pa rin.

May mga pinta na rin ang mga katawan at mukha nila pero wala lang 'yon sa apat. Masyado silang nag-eenjoy sa ginagawa nila. Wala na ding pakealam ang tatlong lalaki na madumi na ang mamahalin nilang damit.

Sinabihan sila ni Dhianne kanina na magpalit na lang muna dahil madudumihan ang mga damit nila pero umayaw ang tatlo. Ayos lang naman daw 'yon. Ang mahalaga ay masaya silang apat.

Sa sobrang tuwa nga nila at enjoy ay hindi na nila namalayan na may nanonood na sa kanila. Tuwang-tuwa pa silang nagpupunasan na ng pintura sa isa't isa. Rinig na rinig sa buong bahay ang malakas nilang halakhakan.

"So this is what you are doing here in the Philippines, huh? And it is true that you already have seen your one and only princess." Someone whispered with a smirk on his lips.

"Just have fun for now, I'll let you. And I will make sure this is the last time she will be with all of you." sabi pa niya ulit, hindi nawawala ang ngisi sa labi habang pinapanood pa rin ang magkakapatid na masayang nagtatawanan.



Lia

Continue Reading

You'll Also Like

197K 7.7K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
279K 17.3K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
44.4M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
16.4M 546K 35
Down-on-her-luck Aubrey gets the job offer of a lifetime, with one catch: her ex-husband is her new boss. *** Aubrey...