Mara Buenaventura: Love Thy E...

By Maxima_Isabelle

190 95 1

At the age of 18 ay tinuruan siyang pumatay. She wants justice for her mom's death. Kahit na maging maid sa h... More

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy
simula
kabanata 1
kabanata 2
kabanata 3
kabanata 5
kabanata 6
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
Editing soon

kabanata 4

12 7 0
By Maxima_Isabelle

Nanggigil pa rin ako sa kanya. "Ang swerte mo naman Marie, palagi kang inuutusan ni senyorito Gabriel." Parang nagseselos na sabi ni Lenlen.

Saan ang swerte dun? Malas kamu. Tiningnan ko si Lenlen at nakapamaywang sa kanya. "Edi ikaw magdala sa kanya ng drinks at sandwich sa kwarto niya." Tingnan natin kung kikiligin ka pa kung ang daming utos sayo.

"Ala ehh..Kung pwede laang, ikaw yung hinahanap pag kami maghatid sa kanya ni manang Solly." Parang may malisya itong tumingin sa kanya. "Baka gusto ka ni senyorito, Marie." Napairap naman ako sa sinabi niya. Gustong alipustahin siguro. "Maganda ka. Nabigla nga ako ng sinabi ni manang Solly na katulong ka din dine." Ngumiti ako sa kanya.

"Maganda pero pubre." Pagsisinungaling ko kay Lenlen.

"Marie, pinapatawag ka ni senyorito sa kwarto niya." Sabi ni manang Solly. Sila nang dalawa ngayon ang may tinging malisya sakin. Umalis na ako agad. Baka may sabihin pa sila.

***
"Pinatawag niyo daw ako senyorito?" Bungad ko agad sa kanya pagpasok sa kwarto.

"Oo, eh wala kasi akong magawa." Bored na sabi niya. Tinagilid niya ang kanyang ulo. "Ano bang magandang gawin?"

Ano na naman kaya ang plano nito. Pero maganda yung tanong niya chance ko na 'to baka isama ako maglibot kami sa hacienda. "Ikaw lang ba ang gagawa?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Tayo." Ngisi niya parang may pinaplano.

"Ang maglibot sa hacienda senyorito." Para mahanap ko si Gustav...

"Ang maglibot? Nalibot ko na lahat. Wala namang maganda doon puro pananim lang." Walang ganang sabi niya.

"Baka may nagbago senyorito." Pagpupumilit ko paring sabi.

"Wala mga pananim lang nandoon." Ngumisi ito. "How about magtanim tayo?"

Magtanim? Mas maganda nga iyan para makilala ko ang mga tauhan dito. "Sige senyorito." Maligaya kong sagot.

***
"Iyan diyan mo itanim." Pagmamandu niya sakin. Napatingin naman ako sa kanya.

"Senyorito sabi niyo kanina tayong dalawa ang gagawa bakit ako lang?" Naiinis nang sabi ko sa kanya. Dagdag pa ang init ng panahon. Butil-butil na ang pawis ko dito.

"Tinatawag mo akong senyorito. Bakit? Nakakita ka na ba ng senyorito na gumagawa niyan?" Ngisi niya sakin. "Kaya nga ako nandito diba para sabihan ka kung asan itanim? Kaya tayong dalawa ang gumawa." Teka naisahan ako dun ah.

"Bakit naman tayo nandito lang sa hardin ng bahay senyorito. Akala ko ba dun tayo sa tubuhan." Di ko makikita si Gustav dito..

"Ang layu dun at ang init. Maganda dito para mataniman ng bagong halaman naman." Sabi niyang wala lang pakialam.

Mga ilang minuto na akong nagtanim at ang mahal na kamahalan ay nakaupo na lang. Tumayo na ako sa inis at nilapitan siya.

"Sabi niyo senyorito tayong dalawa ang gagawa bakit di na kayo sumusunod dun." Galit ko ng sabi sa kanya.

"Ang dali mo naman akong ma miss. Nandito lang naman ako." He says while grinning and then biting his lower lips. May tao ba talagang ganito ka perpekto. Ang gwapo niya pag ganyan ginagawa niya at ang...

"Ang hot mo.." bulong kong sabi.

"Hah ano?" Para naman itong naguguluhan.

Para naman akong napabalik sa matinong pag-iisip ko. Anong nangyari sakin bakit ko nasabi yun. Nang dahil sa lalaki na 'to nawawala ako sarili kong katinoan.

"Ang sabi ko ang hot ng panahon.. tapos pinapatanim mo ko dun senyorito. Parang di naman tayong dalawa ang gumagawa na nun. Ako na mag-isa."

"Ang haba naman ng sabi mo. Kanina ang bulong mo hot lang ako eh. Ngayon ang dami na." He says while grinning again.

"Narinig mo naman pala. May patanong-tanong ka pa." Sabay lakad ko pabalik sa pagtatanim. Mabuti nang nandito nakabilad sa araw kaysa malapit sa lalaki na yun. Nawawala ako sa sarili ko.

***
"Tapos ko ng itanim senyorito." Pagod kong sabi sa kanya.

"Tapos na ba? Ano pa kaya ang magandang gawin?" Aba't may plano pa akong utusan niya. Alam ko may pinaplano na naman siya eh.

"Magbasa ka na lang ng libro senyorito." Inis na sabi ko sa kanya.

"Good idea. Magbasa nga ng libro." Ngisi niyang sabi. "Kumuha ka ng libro sa library dalhin mo dito." Napatingin naman agad ako sa kanyang di makapaniwala. Pagod pa ako hah galing sa utos niyang pagtatanim.

Pumasok ako sa library at ang una kong nahawakan ay yun ang kinuha ko. Nilagay ko agad sa lamisa niya ang libro.

"Oh, basahin mo." Walang galang na sabi ko sa kanya. Aalis na sana ako ng magsalita ito.

"Book of agriculture?" Napaharap naman ako agad sa kanya at nakapamaywang.

"Huwag mong sabihing ayaw mo niyan basahin. My God! Pagod ako sa pagtatanim tapos pakukunin mo ako ng libro na hindi ko alam kong anong gusto mo! Tapos aarti ka?!" Galit ko ng sabi sa kanya.

"Galit ka na niyan." Natatawang sabi niya.

"Ayy hindi. Natatawa ako. Ang dami mong utos." Gigil kong sabi.

"So nagrereklamo ka ba?" Ngising sabi niya

Huminga muna ako ng malalim. Baka mapatay ko 'to eh. "Ayy hindi po senyorito nangangatwiran lang." Ngiti kong pilit sa kanya. "May gusto pa ba kayong ipagawa senyorito?" Isa pang utos at mapapatay na kita..

"Wala na. Galit ka na eh." He says while biting his lips. Para itong nagpipigil ng tawa sakin.

***
Bumangon ako sa higaan ko ng mapansin kong tulog na tulog na si Lenlen. Alam ko ganitong oras nasa kwarto na ang lahat at tulog na.

Nagpalit ako ng damit na kulay itim na t-shirt na hapit sa katawan at pinares sa leggings. Pinusod ko ang buhok ko at bago nilagay ang dagger sa may gilid ko. Kailangan ko ng gumalaw. Wala lang akong nagagawa dito. Alam kong may mga nakatagong impormasyon dito sa mga trabahador. Hinay-hinay kong binuksan ang pinto para di magising ang kasama ko sa kwarto.

Una kong pinasok ang masters bedroom. Wala namang natutulog dun. Kaya madali lang ang lahat sa pagpasok. Kahit nakalock ang pinto ay nabuksan ko ito. Maraming naituro ang trainings namin na pinapagawa ni papa kaya sisiw lang ang pagbukas ng pinto kahit may code pa yan.

Pumunta agad ako sa cabinet at tiningnan ang loob doon. Nang walang nakita ay pinuntahan ko agad ang tukador. Wala ni isa akong nakitang papel para sa mga trabahador sa hacienda.

Lumabas na ako ng masters bedroom ng wala akong mahanap. Kung wala sa masters bedroom nasa opisina. Sa pagkakaalam ko ang opisina nila dito sa bahay nasa library. Bakit di ko naisip agad 'yun. Inuna ko pa talaga ang masters bedroom.

Pumunta ako sa library at pinihit ko ang seradora nakalock. Bukas pa ito kanina ah. Kinuha ko ang pin ko at mga ilang segundo lang ay nabuksan ko na ito. Ibubukas ko na sana ang pinto ng may nagsalita sa likud ko.

"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Gabriel.

Sh*t! May nakakita pa talaga sakin at siya pa talaga. Bakit gising pa siya? Mga ganitong oras tulog na ang lahat o baka ang mga katulong lang ang tulog siya lang yung hindi. Nanggigil ako sa taong ito mabubuking pa ako. Humarap na ako sa kanya ng nakangiti.

"Bakit gising ka pa senyorito?" Sabi kong hawak sa gilid ng dagger ko.

Isang pagkakamali mo lang ngayon. Papatayin kita istorbo ka sa mga plano ko. Pinapatagal mo ang paghahanap ko kay Gustav..

Tinagilid nito ang kanyang ulo "Tinanong kita. Tanong din yung sagot mo." Lumapit siya sa akin.

Sige lapit lang at mapapatay na kita para mapadali lang ang lahat.

Huminto siya ng nasa malapitan ko na siya. Tiningnan niya ako sa paa mula sa ulo at mapang-akit na tumingin siya sakin.

Huwag papaakit Mara. Huwag! Sigaw na ng isip ko. Napahawak ako sa dagger ko ng mahigpit.

"Kasali ka ba sa membro ng akyat bahay gang?" Ngisi na nitong sabi.

Ano daw akyat bahay gang ako? Pinagloloko ako ng loko na 'to ah.

"Sa kwarto ko ayaw mo ba pasukin?" Kagat labing sabi nito.

"Gabi na senyorito.." bigla kong nasabi. Hindi ko alam kong anong meron sa lalaki na 'to. Nawawala ako sa katinuan ko.

Lumapit pa siya sakin at bumulong.

"Alam mo maganda pag gabi. Madaming nangyayari sa gabi na hindi nagagawa sa umaga." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

Parang may laman ang sinabi niya ah. Ako ba pinaparinggan nito o nambabastos na naman 'to. Magsasalita pa sana ako ng biglang tumunog ang cellphone nito. Sinagot naman nito agad ang tawag na di nilulubayan ako ng tingin.

"Yes dad.." sagot nito sa tawag. "Nandito na ako sa library... Yeah kukunin ko.. Okay, I call you later.." kagat labing pinatay niya ang tawag. Napatingin naman si Gabriel sa pintoan at dahil nakaharang ako hindi siya makadaan. "Papasok ka ba sa loob o dun tayo sa kwarto ko?" Ngising sabi niya sakin.

Loko-loko! Sinamaan ko siya ng tingin at agad akong bumalik na sa kwarto. Istorbo sa plano kainis!

Continue Reading

You'll Also Like

479K 10.3K 72
Siya si Crystal Ice Lee. Isang babaeng cold,Hindi nagpapakita ng emosyon, walang awa,brutal at kinatatakutan ng lahat. Isa siyang gangster queen at m...
6.3M 326K 99
Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey Manelli. Dahil dito, hindi naging madal...
7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
5.9M 193K 62
Tammy Pendleton has three goals. 1. To become King 2. To bring honor to her school 3. To find her childhood friend, Blue This is Tammy's adventures t...