Alkia Kingdom: Beyond the Ran...

By Missmaple

3.2M 129K 18.3K

[This is a Virtual Reality MMORPG Story]{Online Game} Denise Raven was one of the top players when it comes t... More

Rules to Survive
Alkia Kingdom: Game Map
Alkia Kingdom: Classes
Prologue
Chapter 1: Tempting Invitation
Chapter 2: Game Crest Organization
Chapter 3: Alkia Kingdom (First Phase)
Chapter 4: Cathedral Restoration Mission
Chapter 5: Shot to Kill Tower
Chapter 6: Dark Fortress Member Search
Chapter 7: Duel Arena
Chapter 9: Killer Bear's Dungeon
Chapter 10: Master Crafter
Chapter 11: No Longer A Secret
Chapter 12: Resurrection Hall
Chapter 12.1 Server
Chapter 13: Gamble City
Chapter 13.1: You are Mine
Chapter 14: Zeus vs. Queen
Chapter 14.1 His Fears
Chapter 15: First Kiss
Chapter 15.1: Caller
Chapter 16: His Childhood Friend
Chapter 16.1: Cold Shoulder
Chapter 17: Kiss of Death
Chapter 18: Gate Keepers
Chapter 19: East Gate Keeper
Chapter 19.1: Weird
Chapter 20: North Gate Keeper
Chapter 21: Defenseless
Chapter 22: Icy Blue Fox
Chapter 23: West Gate Keeper
Chapter 24: Always Want You
Chapter 25: Trust
Chapter 26: South Gate Keeper
Chapter 27: Doors Of Fate
Chapter 28: Lost City
Chapter 29: Pet's Training City
Chapter 30: Binding Ritual
Chapter 31: Rage
Chapter 32: The Truth
Chapter 33: Ice and Zero
Chapter 34: Dragon Island
Chapter 35: Fear
Chapter 36: Impatience
Chapter 37: Black Dragons
Chapter 38: Connected
Chapter 39: Worries
Chapter 40: Log-out
Chapter 41: Trap
Chapter 42: Victims
Chapter 43: Hope
Chapter 44: Time
Chapter 45: End
Chapter 46: Game Master
Chapter 47: Goodbye
Epilogue
Freedom Wall
Alkia Kingdom Reborn

Chapter 8: Midnight

50K 2.3K 568
By Missmaple


DENISE



We headed back inside the duel arena. Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang mga sinabi ni Zero. I'm really wondering why he said those things. Naku-curious na tuloy ako sa magaganap na laban sa pagitan nina Virgo at Phoenix. Ganu'n ba talaga kaespesyal si Phoenix?




Bago na ang NPC announcers. He announced the next match. "The next match will be between Virgo and Phoenix. We still have fifteen minutes break before the match," he said. Parehong lalaki sina Virgo at Phoenix. They both belong to the mage class. They were both holding a staff in their hands. Katulad ni Fire, may pulang gemstone na rin si Phoenix sa staff niya. Level 15 si Phoenix at level 16 naman si Virgo. Kahit lamang si Virgo sa XP tiyak na mapapantayan na rin siya ni Phoenix dahil sa pulang gemstone na meron ito.




Sinabi na ng announcer ang hudyat para magsimula ang laban. Phoenix and Virgo were alert and focus on their fight. Itinaas ni Virgo ang staff niya. He started to chant a magical spell. Meteors of fire started to rain on Phoenix' direction. Phoenix ran away to avoid his attacks. He chanted a spell. He struck Virgo with massive lightning bolts. Nadaplisan lang si Virgo pero bahagyang nabawasan pa rin ang health points niya. Maraming pwedeng pag-aralan na skills ang mga mage. Pero mukhang nakatuon ang pansin ni Virgo sa Fire spells. Samantalang Lightning naman ang kay Phoenix. 




"Ano'ng skills ang pinag-aaralan mo, Fire?" tanong ko sa katabi ko.




"Fire at Earth. But mostly, I act as support so I think Earth will be helpful for us. I'm focusing now on Earth spells," he answered. I nodded. Muli kong itinuon ang pansin sa dalawang naglalaban sa arena. Seryoso silang dalawa at halatang walang balak umatras sa laban. Pero kitang-kita na lamang si Phoenix.




Sabay silang tumira sa isa't isa. Breaths of fire and sharp lightnings were almost covering them. Their power were colliding. Napapaurong silang dalawa dahil sa malakas na puwersa na nagmumula sa kapangyarihan nila. Pinagpapawisan si Virgo at napapangiwi dahil nahihirapan siya. Napapaurong siya dahil sa ginagawa ni Phoenix. Kumunot ang noo ko dahil patuloy ang paglakas ng kapangyarihan na inilalabas ni Phoenix na imposibleng mangyari. Natatalo na ang apoy ni Virgo at paliit na ito nang paliit. Nasasakop na ng kapangyarihan ni Phoenix si Virgo. 




Nakapagtataka dahil dapat magkaroon ng cooldown si Phoenix na ten seconds bago siya muling gumamit ng kapangyarihan niya. That cooldown limits the release of powers and skills of the player. Pero ang nakapagtataka patuloy na lumalakas ang kapangyarihan niya. It was not normal. Napansin ko na nagtataka rin si Fire sa tabi ko. Nakakunot ang noo niya at halatang inaalam kung ano ang ginagawa ni Phoenix. 




"Is it a cheat?" takang tanong ni Ice. 




"Imposible 'yon. Paano naman niya gagawin 'yon? Maybe he is using some special items," kunot-noong sagot ko kay Ice. Pero hindi ko sinasabing mali si Ice. Phoenix' lightnings pierced through Virgo's fire defense. It was a critical hit for Virgo. Tumalsik siya palayo at tumama ang likod niya sa wall ng arena. Napasigaw siya at napangiwi dahil sa sakit. His health points was now down to color orange. 




Halos masunog ang katawan ni Virgo. Pinilit niyang tumayo at ginawa pang tungkod ang staff na hawak niya. Masamang tingin ang ipinukol niya kay Phoenix. Napansin kaya ni Virgo kung ano ang ginagawa ni Phoenix? Tumakbo si Phoenix patungo kay Virgo. Phoenix attacked him continuously with lightning bolts and balls. I wonder where he got such tremendous power. Virgo released a massive wall of flames to protect himself. He ran away to avoid Phoenix' attack. Pero nasundan siya agad nito. Pinaulanan siya ng sunud-sunod na kidlat na halos bumutas sa lupa ng arena kung saan ito tumatama.




"Something was really off," Fire whispered. I agreed. But I couldn't figure out how Phoenix was doing it. It's impossible to cheat on this game. How? Kaya ba sinabi ni Zero na piliin ko si Phoenix? Gusto ba niyang bantayan ko ang bawat kilos ni Phoenix?




"We can't prove that he was cheating," komento ni Ice. She's right. We don't have any valid evidences. Phoenix was recharging his mana but the cooldown time was not taking effect on him. Hindi ito masyadong napapansin ng mga manonood dahil masyado silang naaaliw sa laban. Pero hindi niya kami pwedeng lokohin.




Lumalaban si Virgo pero hindi sapat ang skills na inilalabas niya. Kahit may pagkakataon na tinatamaan niya si Phoenix, hindi ito sapat upang mapatumba niya ito. Sa huli, hindi na naiwasan ni Virgo ang walang tigil na pag-atake ni Phoenix. He lost the duel. 




"For the third match, Phoenix won! Congratulations!" masayang wika ng announcer. Lumabas na kami nina Fire sa arena.




"Sino ang pipiliin mo?" tanong ni Fire.




"Phoenix," maikling sagot ko.




"What? I don't want to play alongside with a cheater," pagmamaktol ni Ice.




"Don't judge him. Wala tayong matibay na ebidensiya. Maybe Zero has a plan," I said. Sumimangot si Ice at hindi na nagsalita. 




"Kung ganu'n alam niya. Ano'ng pinag-usapan ninyo?" Fire asked.




"Saka ko na sasabihin sa inyo. Hindi pa malinaw sa 'kin ang lahat," seryosong sabi ko. We meet Phoenix, Angel and Scithe outside the duel arena. I clicked onto my dashboard and accepted them as party members. Kumpleto na kaming lahat. The duels were already over. Pero nag-iisip pa rin ako dahil sa match nina Phoenix at Virgo. Hindi kami nagtanong kay Phoenix at nagpanggap kaming walang alam o napansin sa mga nangyari.




"Magla-log out na ako. Wala akong balak magpuyat sa unang araw natin sa laro. You can still play if you want. I already accepted Angel, Scithe and Phoenix as party members. Pag-usapan na lang natin bukas ang mga hakbang na gagawin natin sa mga party quests," seryosong sabi ko. Fire and Ice said that they will stay for a while. Ganu'n din sina Angel. Pumasok ako sa inupahan naming silid. Nag-log out na ako.




It was already eight in the evening. I sighed. Wala akong ginawa sa araw na ito kundi ang maglaro at kumain pero pakiramdam ko pagod na pagod ang buo kong katawan. Nanghihina na humiga ako sa kama. I blankly stared on the white ceiling. Marami na agad nangyari sa unang araw pa lang. But I enjoyed the game. I smiled and closed my eyes. Saka ko na iisipin kung anong tricks ang ginawa ni Phoenix. As long as he was not laying his hands on us, he will not be a problem.




Hindi ko alam kung ilang oras akong natulog pero nagising ako dahil sa ingay ng bumukas na pinto mula sa labas ng kwarto ko. Kumunot ang noo ko dahil alas dose na pala ng gabi. Kinusot ko ang mga mata ko at bumangon. I opened my door and curiously looked at the hallway. Mula sa di kalayuan ay nakita ko si Prius na naglalakad papalayo. Sumakay siya sa elevator. Out of curiosity, I followed him. Sumakay ako sa kabilang elevator.




Nakita ko na lumabas siya ng building at sumakay sa isang taxi. Kumunot ang noo ko dahil patungo siya sa main building ng Game Crest Organization, sa pinakagitnang isla. I checked my pocket. Mabuti na lang hindi ko inalis sa bulsa ko ang wallet ko kanina. Pumara ako ng isang taxi at sumunod kay Prius. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinusundan. Kinakabahan din ako sa ginagawa ko. Hating-gabi na at nakapagtataka ang mga ginagawa niya.




Ibinaba ako ng taxi malayo dahil bawal na silang lumapit pa sa building. Nagbayad ako. Kumunot ang noo ko dahil sa dalawang guwardiya na nakaupo sa isang upuan at natutulog. Natutulog nga ba o wala ng malay? Sobrang taas ng building na nasa harapan ko. Nawala na sa paningin ko si Prius at hindi ko na alam kung saan siya nagpunta.




Dahil hindi ko alam ang dapat gawin sa oras na ito, lakas-loob na pumasok ako sa loob ng building. Isang mahabang pasilyo ang bumungad sa 'kin. This building looks more like a research laboratory. Tahimik ang buong paligid at walang katao-tao sa pasilyo. Maybe they're already sleeping or they were really busy with their works? Ipinagpatuloy ko ang paglalakad. May mga glass window ang bawat silid. Makikita ang naglalakihang computer screens sa loob. May ilang tao na naroon kaya agad akong umiwas para hindi nila ako makita. Maybe they are software developers or engineers. Ang ilan sa kanila ay halatang inaantok na. Ang ilan naman ay walang pakialam sa paligid nila. They were really focus on their works.




Nataranta ako nang may marinig akong yabag ng tao na patungo sa direksiyon ko. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o magtatago. Ang problema, nanigas ang mga paa ko at hindi ko maihakbang ang mga paa ko.




"Who are you?" sigaw ng isang lalaki mula sa likuran ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ako gagalaw. Dahil sa kakaibang kaba, nagawa kong tumakbo palayo at hindi siya nilingon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta tumatakbo ako sa bawat pasilyo na pwede kong daanan. Naghanap ako ng silid na pwedeng pagtaguan pero wala akong makita. Hinahabol ako ng lalaki na patuloy pa rin sa pagsigaw. Pinapatigil niya ako sa pagtakbo. Hinihingal na ako pero wala akong balak tumigil. Sumasabay pa sa mabilis kong pagtakbo ang puso ko.




Lumiko ako sa isang pasilyo pero nagulat ako sa sunod na nangyari. May biglang humila sa 'kin papasok sa loob ng isang madilim na silid. Isinara niya agad ang pinto. He locked it. Sisigaw sana ako nang malakas dahil sa pagkagulat pero agad niyang tinakpan ng kamay niya ang bibig ko. He pushed me against the wall near the door. We were inside a dim-lighted room. Walang window glass ang silid na kinaroroonan namin pero may isang maliit na ilaw na nakapatong sa mesa sa 'di kalayuan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. At hindi ko pa kilala ang lalaking kasama ko ngayon. Baka kung ano ang mangyari sa 'kin kaya nagpumiglas ako sa mariing paghawak niya sa isang braso. I wanted to escape badly.




"Calm down," naiinis na bulong niya sa tainga ko. Pamilyar ang tinig ng lalaki. Sobrang lapit ng mukha niya at ramdam ko ang mainit na hininga niya sa gilid ng pisngi ko. Alam kong kailangan kong kumalma pero mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala ko siya. Nanlalaki ang mga mata ko at pilit na inaaninag ang mukha ng lalaki. Gusto kong makasigurado na si Prius nga ang lalaking kasama ko. 




"Why are you here?" seryosong bulong ni Prius nang tumigil na ako sa pagpupumiglas. Inalis niya ang kamay niya sa bibig ko. He looked at me intently. Napakaseryoso ng mga mata niya. At hindi niya nagugustuhan na makita ako sa lugar na ito. Alam kong nararamdaman niya ang panginginig ng tuhod ko dahil sa sobrang takot. I couldn't even answer him.




"Your shaking is pathetic," he whispered. He put his arms around my waist to support me. Pakiramdam ko kasi anumang oras ay mapapaupo na ako sa sahig. Hinihingal pa rin ako. May mga nagmamadaling yabag kaming naririnig mula sa labas ng silid na kinaroroonan namin. Mahigpit na humawak ako sa damit ni Prius. Tiyak na gusot na ito dahil sa hawak ko.




"Hindi ka dapat pumunta rito," naiinis na sabi ni Prius. Iritable siya. And he looked troubled. Naiinis na tumingin ako sa kanya. In the first place, siya naman ang may kasalanan kung bakit ako pumunta rito. Na-curious lang ako dahil hating-gabi na kung saan-saan pa siya pumupunta. At bakit ba siya narito?




"I just followed you. You're acting suspicious. What are you doing here in the middle of the night? Are you looking for a cheat?" nagdududang tanong ko sa kanya. At siya ba ang nagpatulog sa mga guards? Gusto ko sanang itanong pero hindi ko magawa. Kumunot ang noo niya. His face was too close. I could almost smell his sweet breath and masculine perfume.




"I won't do such a thing," naiinis na sabi niya. "Hindi ka ba natatakot sa mga security camera na nasa loob at labas ng building. Tiyak nakilala ka na nila. You will be disqualified because of your carelessness," pananakot niya sa 'kin. Natigilan ako. May punto siya. Gumuhit ang pag-aalala sa mukha. Tiyak na nakita nga nila ako. Paano na? Uuwi na ba ako bukas sa Pilipinas nang luhaan? I was too nervous with that thought.




Sumimangot ako nang marinig ang mahinang pagtawa ni Prius. Siguro pinagtatawanan na niya ako dahil sa katangahan ko. Tiyak na iniisip niya na nabawasan na ng isa ang mga kalaban niya.




"Kung nakita ako, edi nakita ka rin!" naiinis na sabi ko sa kanya.




Tumawa pa rin siya at hindi niya pinansin ang mga sinabi ko. Naaaliw na tumingin siya sa 'kin. "Hindi ako papasok sa lugar na ito kung alam kong mapapahamak ako," nakangising sabi niya. Naiinis na sinuntok ko ang dibdib niya. Mahinang umaray siya pero hindi pa rin nawala ang nakakalokong ngiti niya sa labi. Naiinis ako dahil tila pinaglalaruan niya ako. Tumigil na ang panginginig ng tuhod ko. Marahas na inalis ko ang kamay niya sa baywang ko. Nagtaka siya dahil sa ginawa ko pero hindi siya nagreklamo.




"There's no use in staying here anymore. I'll go and talk to them. Para hindi na lumala ang lahat ng ito," naiinis na sabi ko. Akmang maglalakad na ako patungo sa pinto pero pinigilan niya ako at isinandal sa pader. I couldn't move. He was holding my hands tightly above my head. I glared at him. His body and face was too close. He was grinning at me.




"I won't let you. Kapag ginawa mo 'yon, mapapahamak din ako," he said. Sumeryoso siya. "Binibiro lang kita kanina. Naka-freeze ang mga security cameras kaya hindi nila makikita na pumasok ka sa loob ng building. Pero tiyak na nalaman na nila dahil sa komosyon na ginawa mo. Magtataka na sila kung bakit hindi ka nila nakita sa camera. Now, be a good girl and stay still," sabi niya.




Binitawan na niya ang kamay ko. Naiinis na hinaplos ko ang pulsuhan ko dahil sa higpit ng paghawak niya rito. May dinukot siyang cellphone sa bulsa niya. Malapit pa rin siya sa 'kin. Nag-dial siya sa cellphone niya at hindi inalis ang tingin sa mukha ko. He put his cellphone on his ears.




"I'm in trouble," he said seriously.




Tumawa ang kausap niya sa kabilang linya. I could hear their conversation clearly.




"I know," he said. Kumunot ang noo ko dahil tila pamilyar ang boses ng kausap niya. Hindi ko lang maalala kung saan ko narinig ito.




"She's stubborn. She's giving me a headache," he said. Masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya. Muling tumawa ang lalaking kausap niya na tila naaaliw.




"She really likes to meddle on someone else's business. Huwag mo munang ituloy ang plano. Your first priority now is her safety. Tiyakin mong walang makakakilala sa kanya. I'll back you up. Escape," he said. Kumunot ang noo ko. Hindi ko makuha ang mga sinasabi nila sa isa't isa. Ano'ng plano ang pinag-uusapan nilang dalawa?




"Who are you talking to? Ano'ng plano?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin. 




"So, my safety doesn't matter here?" kunot-noong tanong ni Prius. Nakatingin pa rin siya sa 'kin at sumenyas na tumahimik ako. Umismid ako sa kanya at tumingin na lang sa ibang direksiyon. Hindi ko na kayang tagalan ang mga tingin niya sa 'kin.




"You can surely take care of yourself but I'm sure she can't. I'll send you the directions. Lilituhin ko muna ang mga naghahanap sa kanya. I'll give you the signal to go afterwards," he answered. Napalingon ako kay Prius. He firmly held my hand. He was telling me that I must to be ready to run.




"Will there be a problem if I hit on her?" Prius said and grinned at me. "She must be punished. Nasira ang diskarte ko dahil sa kanya."




Hinila ko ang kamay ko mula sa kanya dahil sa narinig. Pero mas lalo niyang hinigpitan ang paghawak sa kamay ko at tila naaaliw pa. Pervert!




"She's cute when she's mad," Prius said casually. The guy on the other line laughed.




"Don't say that in this kind of situation. But don't dare. I'll surely follow you in the depths of hell. You have ten minutes to leave. I already sent the directions. It's almost time. Move!" he said. Biglang naputol ang linya. Agad na tiningnan ni Prius ang direksiyon sa cellphone niya. Ilang segundo lang 'yon. Hinila na niya ako nang masaulo niya ang ibinigay na direksiyon ng kausap niya. Tumakbo kami palabas ng silid. Ilang pasilyo ang nilikuan at tinakbo namin bago kami nakalabas sa building. Wala kaming nakasalubong at walang aberyang nangyari. Sumakay agad kami sa taxi na naghihintay sa 'min sa malayo.




Umandar agad ito at ihinatid kami sa kabilang isla. Pakiramdam ko kilala ni Prius ang taxi driver at kasabwat niya ito sa lahat ng mga nangyayari. Naghihinalang tingin ang ipinukol ko sa kanya na napansin naman niya.




"Don't look at me like that," he said. He looked away and focused his gaze on the road. Mabilis lang ang byahe. Agad kaming bumaba sa taxi. Sabay na rin kaming sumakay sa elevator patungo sa mga silid namin. Walang nagtatangkang magsalita sa 'min. Binuksan ko na ang pinto ng silid ko. Bahagya niya akong itinulak papasok ng silid ko pero halos madapa na ako. Pumasok din siya at isinara ang pinto.




"W-What are you doing? Get out of my room!" kinakabahan na sabi ko sa kanya. He just grinned and walk towards me. 




"Do you really think that I will let you go that easily? You will surely cause me problems in the future. I have to make sure that you will keep your mouth shut," he said. Kinabahan ako dahil sa kakaibang ngiti niya sa labi. Hindi ko napansin na sofa na pala ang nasa likod ko kaya bigla akong napaupo. Itinuon niya ang dalawang kamay sa sofa sa magkabilang gilid ng balikat ko. His face was too close to mine. Itinulak ko siya pero pakiramdam ko naubos na ang lahat ng lakas ko dahil sa mga nangyari. Hindi man lang siya natinag. He smiled because of my helplessness. He leaned closer kaya umurong ako. Napasandal na lang ako sa likod ng sofa.




"I promise. I won't tell anyone," nanghihinang sabi ko. Kinakabahan ako dahil sa ginagawa niya. Ito na lang ang tanging nasabi ko.




"Hmmm?" Nang-aasar na tumingin siya sa 'kin.




"I told you! Hindi ko sasabihin kahit kanino! Totoo! Kaya lumayo ka na sa 'kin!" namumulang sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa kanya.




Sumimangot siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. Lumayo siya sa 'kin at sinagot ang tawag. Tumabi siya sa inuupuan ko. Akmang aalis na ako pero pinigilan niya ako. Masamang tingin ang ipinukol niya sa 'kin na tila nagbabanta na hindi ko magugustuhan ang gagawin niya kapag umalis ako.




"Hey! Why did you enter her room? Sinabi ko na sa 'yo—" Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin niya dahil nagsalita na si Prius.




"Alam ko. Huwag mo na akong pagsabihan. I'm talking to her nicely. We're getting along really well. At sigurado ako na sa susunod, hindi mo na kami mapipigilan sa gusto naming gawin," he mischievously said. I glared at him. Magsasalita na sana ako pero inilagay niya ang hintuturo niya sa labi ko at pinatahimik ako.




The caller sighed in defeat. "Seryoso ako, Prius. You have five minutes to leave her room," sabi nito. Naputol na ang tawag. Nakangising umiling si Prius. Tumayo na siya at seryosong tumingin sa 'kin.




"What's your username?" he asked. Kinabahan ako. Ayokong sabihin sa kanya. Tila nahalata niya ang pag-aalinlangan ko dahil kumunot ang noo niya.




"I will not be able to trust you if you don't want to tell me," he said.




"What's yours? I'll tell you if you did. At bakit mo ba itinatanong?" sunud-sunod na tanong ko.




"Okay. I'm Zero," seryosong sabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. Bahagyang umawang ang labi ko dahil sa narinig. Tiningnan ko siya nang mabuti. Walang bakas ng pagbibiro sa mukha niya.




"Totoo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Halos hindi ko rin mahagilap ang boses ko. I was dumbfounded. Paano ko sasabihin na ako si Zeus? Baka pagtawanan niya ako.




"Yes. So, what's yours?" interesadong tanong niya. Naging malikot ang mga mata ko.




"Bakit ba kailangan mong malaman?" I said and bit my lips.




"I'll watch over you. And maybe I can ask you to be my partner in the game. As a couple," diretsong sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What? We can't. Lalaki ako sa game. "Bilisan mo sa pagsagot. Nauubos ang oras ko," he said.




"Why do you need a partner?" pag-iiba ko ng usapan. Halatang napansin naman niya na umiiwas ako sa tanong niya kaya sumimangot siya.




"It will be easier to gather more allies through that. Pwedeng magtulungan ang mga parties natin at madadagdagan din ang mga quest nating dalawa. Now, answer my question," naiinip na sabi niya.




Lumunok ako nang ilang beses. "I-Ice," I answered. He looked at me intently. Tila sinisigurado niya na totoo ang mga sinabi ko. He sighed. Hindi na siya nagsalita at tahimik na lumabas sa silid ko. Nakahinga ako nang maluwag pero may malaki akong problema. 




Agad kong kinuha ang cellphone ko at nag-text ako kay Faye na nagpanggap ako bilang si Ice. Humiga ako sa kama at hindi mapakali dahil sa mga nangyari. Tumayo akong muli upang i-lock ang pinto. Hindi ko na alam kung ano ang mga mangyayari bukas. Kinakabahan ako. Mukhang may pakakasalan na si Ice sa Cathedral. Pabagsak na humiga ako sa kama at ginulo ang buhok ko. Hindi ko alam kung anong oras na ako natulog dahil sa pag-iisip ng kung anu-ano. Alam kong malaking problema ang pinasok ko. Kapag nagkataon, wala akong magagawa kundi hayaan si Ice na magpanggap na ako. May pagkabaliw pa naman siya. Hindi ko tuloy ma-imagine ang maaaring isipin sa 'kin ni Prius. Babatukan ko talaga si Ice kapag ipinahiya niya ako! Ito-torture ko siya at isasabit sa puno!





—————————————————


TO BE CONTINUED... 



Hahaha! Ang kulit lang. Anyways, ang sipag kong mag-update? Ngayon lang ito. Wala ng update ngayong week. Ibang stories naman ang ia-update ko hahaha! Pero depende, baka magbago ang isip ko. Thanks!

Continue Reading

You'll Also Like

9.6M 527K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
24.2M 984K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...