THIRD PERSON'S POV
MALAKAS na sigaw ng isang lalake ang umalingawngaw sa loob ng isang maliit na cabin.
"Tang-na niyong lahat!" pinagsusuntok nito ang mesa hanggang sa masira at tinatapon lahat ng kaniyang mahawakan
"Pinadali ko na ngalang ang mga gawain niyo tas palpak pa!" Nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa mga taong nasa harapan niya
lahat ng nasa harapan niya ay walang nagawa kundi ang yumuko na lamang.
Bumuntong hininga ang lalake at kinuha ang litrato na nasa sahig "manmanan niyo siya, hinatayin niyong magsabi ako kung kelan niyo siya dapat patayin." itinapon nito sa sahig ang litrato at inapak-apakan bago padabog na umalis.
lahat ng taong naiwan sa loob ay nagkatinginan bago binalingan ng tingin ang litrato
"Our next mission is to eliminate him."
SAMANTHA'S POV
Madilim, napakadilim na silid.
hindi ko alam kung gaano na ako katagal dito, basta ang alam ko matagal na.
Wala akong makita kahit ni isang liwanag wala
nakakabulag ang kadiliman.
tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagsimulang maglakad kahit hindi alam kung saan paroroon
napapikit ako, tanging tunog lang ng sapatos ko habang naglalakad ang naririnig dito.
parang walang hangganan ang silid na to
nasaan ba ako?
"Ah!" Napaluhod ako sa sahig at agad na napahawak sa ulo ko
"aahh!" Napahiga na ako habang hawak hawak pa din ang ulo ko
napakasakit..
parang nabibiyak ang ulo ko sa sakit.
ano to?
anong meron?
"aaahhh!" napaluha na ako habang hawak pa din ang ulo
"Dayanna nga kasi" napalingon ako sa babaeng nakaupo sa sahig
"ok?" Nakangiwi kong sagot
"I like you, let's be friends." nakangiting saad nito.
_
"may kapatid ako" I looked at her, shocked.
"we"
"meron nga haha si kuya David, mabait yun reto kita?" Nangaasar na saad nito
ngumiwi naman ako "gaga ka ayoko nga, study first to" Saad ko at kumagat na sa sandwich na hawak hawak ko.
tumawa ito at hinampas ako sa balikat "aray, mapanakit ka talaga"
_
"Ang weird mo na" biglaang pagbasag ko sa katahimikan
lumingon ako sa kanya pero hindi man lang ako nito binalingan ng tingin.
"sorry" nangunot ang noo ko pero pinabayaan ko na lang siya.
napalingon kami parehas sa bag ko ng bigla itong tumunog, agaran ko iyong kinuha at agad na kinuha ang cellphond ko.
"Hello dad?" Pagsagot ko sa tawag
"Sam, your mom is dead" nang marinig ko iyon ay nanigas ang katawan ko at nabitawan ang cellphone na hawak ko.
Your mom is dead..
your mom is dead..
Dahan dahang tumulo ang mga luha ko habang paulit ulit na bumabalik sa utak ko ang mga salitang binitawan ng papa ko.
"Sam?" Bumalik ako sa reyalidad at agad na dinampot ang bag ko pati cellphone at mabilis na tumayo
"una na ako yanna" mabilis na saad ko at tumakbo ng mabilis
-
"Pinatay siya Sam" napayuko lang ako habang hinahayaang magsalita sa harapan ko ang papa ko
"Hindi ko man lang siya naligtas" patuloy lang ako sa pagiyak habang hawak hawak ang damit ng mama ko
"Kasalanan mo to lahat" mahigpit akong napahawak sa damit ni mama
I gritted my teeth.
"kung hindi mo ginawa yun edi sana buhay pa siya" nanlilisik ang mata ko habang nakatingin sa kanya
"are you really my dad? Kasi nalilito na ako, you're not the dad that I used to love." Nakita ko kung paano nahulog mula sa mata niya ang luha niya
pero hindi ako naawa.
Mahal ko ang papa ko pero galit ang nararamdaman ko ngayon.
"DADDY si Momma"naluluha parin ako habang nakaupo sa sofa at yakap-yakap ang lalagyan ng abo niya
"l-let's not talk about her Sam—"
napantig ang tenga ko at agad na sinamaan si Dad ng tingin
"bakit?kasi nakukonsensiya ka?!"sigaw ko at inilapag ang lalagyan ng abo ni mama sa ibabaw ng round glass table
"oh? bakit tila naputulan ka ng dila?"mapakla akong tumawa
"nakukonsensiya ka na ba?!ha?!"sigaw ko ulit
pero nanatili lang siyang nakatingin sa mga dyaryong hawak niya.
"Dad!"sigaw ko ulit at sa pagkakataong 'to dinuro ko na siya
"I-ikaw..ikaw ang dahilan kung bakit nawala si mama—"
"Oo! kasalanan ko! kasalan ko kasi hindi ko siya na-protektahan at oo.. nakukunsensya ako Samantha, kung sana'y nandito ako nun at hindi nagpapakabaya'y nandito pa sana ang mama m—"
"Wala nang mangyayari! hindi na maibabalik si mama kahit na ano pang gawin natin dito..."suminghot ako at agad na pinulot ang backpack ko na nasa sofa lang katabi ko.
"I'm so close, malapit na, malalaman ko na rin kung sinong pumatay kay mama—"mabilis akong tumakbo palabas ng living room pero bago pa ako makalabas nang tuluyan ay narinig ko pa ang pagtawag sakin ni Dad pero nagpatuloy parin ako sa pagtakbo.
just wait ma..malalaman ko din, at maipaghihiganti rin kita mama-
__
"Ahhh! Maa" nanginginig ako
Patuloy lang ako sa pagiyak habang inaalala kung paano siya pinatay.
__
"tanging pagpigil ng hikbi lang ang nagawa ko habang ginagahasa nila ang kaibigan ko"
"No! P-please maawa kayo" napatakip ako sa bibig ko.
"w-why?" Nanginginig ako habang dinig na dinig ang pagmamakaawa ni Dayanna
"I like you, you're so pretty" nandiri ako nung marinig ang boses na yun.
nakakadiri ka.
sa lahat lahat ba naman ng tao ikaw pa.
"Please s-stop" agaran kong kinuha ang camera ko at kinuhaan ng litrato ang ginagawa nila
agad din naman akong napatigil ng may humarap sa camera ko
Agaran akong tumayo ar kumaripas ng takbo.
I'm sorry Dayanna.
__
"Hayop ka!" Sigaw ko dito
"mas masahol pa ako sa hayop samantha" I glared at him.
"Ano? Nagulat ka ba?" Tumawa ito na parang demonyo
nagulat nga ako.
"bakit mo to ginagawa?"umiiyak na tanong ko.
litong lito ako sa mga nangyayare.
nawawala si Dayanna tapos ngayon ako naman.
Hinawakan nito ng mahigpit ang panga ko
"sayang ka" dinuraan ako nito at sinipa sa tiyan.
"a-ahh" impit akong sumigaw.
nakarinig naman ako ng paghikbi
"inabandona nila ako para lang sayo" napatigil ako at napatingin sa kaniya.
"Kasalanan mo to eh" umiiyak ito
bakit? Anong kasalanan ko?
"kung hindi nabuntis yang putanginang nanay mo edi sana masaya ako ngayon!" binato ako nito ng baso at tinamaan ang noo ko
"aw" ramdam ko ang pagdaloy ng dugo mula sa noo ko pero di iyon ang iniisip ko kundi ang mga pinagsasabi niya.
"inabandona niya kami.."