THE HEALER KNIGHT [Published...

By DreamGates

718 42 1

[FANTASY COLLABORATION SERIES | COMPLETED] Sa mundong hindi nakikita at naririnig ng mga tao, isang binata an... More

Kabanata I (Fort Galen)
Kabanata II (Pagbabalik sa Narcissus)
KABANATA III (Helianthus)
KABANATA IV (Pagsusulit)
KABANATA V (Kahilingan)
KABANATA VI (Sinag)
KABANATA VII (Resulta)
KABANATA IX (Kasinungalingan)
KABANATA X (Malaya)
KABANATA XI (Malaya Trese)
KABANATA XII (Mababaw na Pangarap)
KABANATA XIII (Ang Baliw ng Badhira)
KABANATA XIV (Blangko)
KABANATA XV (Liwanag at Dilim )
KABANATA XVI (Hinirang)
KABANATA XVII (Alab)
XVIII (KKK)
KABANATA XIX (Halimuyak ng Dugo)
KABANATA XX (Bangungot)
Chapter XXI (Bantay ng Lansangan)
KABANATA XXII (Ang Katotohanan)
KABANATA XXIII (Pag-asa)
KABANATA XXIV (Himlay)
Epilogue

KABANATA VIII (Hellebore)

17 2 0
By DreamGates

Saksi ang dalawang pares ng mga mata sa kung paanong ang nakakatakot na anino ng hindi malamang nilalang ang sumulpot sa likuran ni Fort.

Marahang nabuo ang nakahihindik at kakaibang hitsura ng nilalang na iyon na naging solido na ang anyo sa paningin nina Persia at Bank. May katangkaran ang nilalang na may paa ng tao, ngunit ang pang-itaas na bahagi ay mayroong struktura ng hindi maipaliwang na hayop. Naaagnas ang kan'yang nangingitim na laman at nanunuot sa kanilang pang-amoy ang masangsang nitong amoy. May butas sa tapat ng kan'yang dibdib kung saan marahang lumalabas ang mga underworld maggots. Kapansin-pansin rin ang mga garapata, linta, at gagambang kumakayap sa katawan nito. Tumutulo ang halos nangigitim nang dugo at kapansin-pansin ang dalawang pares ng sungay ng kakaibang nilalang.

"Fort Galen!" ang nasambit ng kakaibang nilalang na tila uhaw sa presensya ni Fort.

Natigilan si Fort na kaagad na nilingon ang pinanggalingan ng pamilyar na tinig, na siyang tila nagbura ng kulay ng kan'yang balat. Wala rin siyang nagawa nang mabilis na inilabas nito ang kan'yang nakadidiring galamay mula sa kan'yang buto't balat na tadyang na mabilis na gumapos kay Fort.
Nakita iyon nina Persia at Bank na halos hindi makakilos sa kanilang kinatatayuan.

"Anong nilalang iyan?" ang nasambit ng mga labi ni Bank. Nanlalaki ang kan'yang mga mata nang makita ang kabuuan ng nakakatakot na nilalang sa harapan nila at sa pakiwari niya ay nanunuyo ang kan'yang lalamunan. Isang mabilis na paglingon ang ginawa ni Bank sa babaeng kasama niya at ganoon rin ito, na tila pareho ang iniisip.

"Persia, umalis na tayo," ang saad ni Bank na mabilis na naipihit ang katawan upang takasan ang isang buwis-buhay na sitwasyon. Subalit mabilis siyang napigilan ni Persia sa balak nitong pagtakas.

"Ano bang iniisip mo? Ikaw ang Senior Commandant ko. Hindi n'yo ako pwedeng iwanan dito," ang saad ni Persia ng buong tapang.

"Makinig ka Persia. May mga sitwasyon na kailangan mong harapin at kailangang takbuhan. At sa pagkakataong ito, kailangan nating tumakbo para mabuhay!" ang sagot ng kan'yang Senior Commandant.

Umiling si Persia.

"Kailangan niya ng tulong. Knight tayo at may sinumpaan tayong tungkulin," ang saad ni Persia habang nakatitig sa kan'yang mga mata.

Matapang na hinarap ni Persia ang nilalang na ngayon lamang niya nakita. Malinaw ring rumehistro sa kan'yang pupilahe ang nagpupumiglas na si Fort Galen.

Mula sa bulsa ng vest niya ay kinuha niya ang isang tarot card kung saan naka-imprinta ang isang uri ng mahiwagang wand. Lumutang ang tarot card sa harapan niya at sinambit ang mahiwagang salita.

"Dimitto!" ang sigaw ni Persia. Mula sa isang tarot card ay lumutang ang hawakan ng isang magic wand na mabilis niyang hinugot.

Walang pag-aalinlangang inatake ni Persia ang halimaw sa harapan niya habang mabilis namang tumakas ang kan'yang Senior Commandant.

Gumuhit ang isang nagliliwanag na hiwa sa likuran ng nilalang na iyon na nagpa-angat ng sulok ng labi ni Persia. Kumpyansa siya na kaya niyang talunin ang halimaw na iyon kahit mag-isa siya.
Ngunit nabigla siya nang sumulpot sa harapan ng mga mata niya ang mga galamay nito na siyang nakapagpatalsik sa kan'ya at nagpagulong sa kan'ya sa lupa. Nagtamo siya ng sugat sa kan'yang balikat na naging dahilan para magising ang nauupos na buhay ng mga mata ni Fort.
Tila isang kulay berdeng apoy ang nagliyab sa mga mata niya at nagpalabas ng nakasisilaw na berdeng nimbus sa katawan ni Fort.
Nasaksihan pa ni Persia ang pag-atungal ng nakakatakot na nilalang, nang sa pakiwari ni Persia ay nasunog at naabo ang mga galamay nito dahilan para makalaya ang binata.
Sinamantala rin ng ginoong manggagamot na lumapit kay Persia habang hindi pa nakakabawi si Hellebore sa naging pinsala sa kan'ya.
Nabuhayan naman ng loob ang dalaga at pilit na bumangon upang muling ipagpatuloy ang laban. Pinulot niya ang kan'yang wand at pinadaloy ang kulay asul na nimbus sa kan'yang espada.
Tumakbo siya at itinutok ang kan'yang wand sa deriksyon ng nilalang na nasa harapan nila at para suportahan si Fort Galen na makalapit sa kan'ya.
"Ignis!" ang bulalas ni Persia. Isang kulay lila na kidlat ang siyang kumawala sa maliit at mahiwagang wand na gawa sa puno ng oak. Ngunit nanlaki ang mga mata ni Persia nang makita niyang hinigop lamang ng nilalang na iyon ang kapangyarihan niya.
"Ano bang akala ninyong mga tao? Kaya ninyo akong puksain dahil may kapangyarihan kayo?" ang tanong ng nilalang na may malaki at nakakakilabot na tinig.
"Masyado kayong emosyonal. Masyado kayong mahina," ang dagdag pa nito.
"Kahit kailan ay hindi mo iyon maiintindihan, Hellebore!" ang nasambit ni Fort habang pilit na tumatayo.
"Dahil wala kang puso," ang dagdag pa niya, dahilan upang mapukol ang paningin ni Persia sa butas, sa tapat ng kan'yang dibdib.
"Hellebore?" ang nasambit ni Persia sa kan'yang isipan dahilan upang bumalik sa kan'yang alaala ang ilang bahagi ng kan'yang nakaraan.
Nasa murang edad pa lamang noon siya. Malamig ang gabi dahil sa malakas na ulan na pumapatak sa bubong ng kanilang bahay. Ang dilim ay paminsan-minsang nagliliwanag at umiingay dahil dahil sa salitang pagkulog at pagkidlat.
Nagising siya at madaling hinagilap ang paborito niyang teddy bear, regalo sa kan'ya, sa kakatapos lamang niyang ika-pitong kaarawan. Hinila niya ang bukasan ng dekuryenteng lampara, ngunit hindi ito nagbukas.
Nakaramdam siya ng takot ngunit pinilit niyang maging matapang. Marahan niyang pinihit ang siradora at lumabas siya ng kan'yang silid. Sa madilim na pasilyo, ay nakita niya ang liwanag mula sa nakaawang na pintuan ng silid aklatan ng kan'yang mga magulang. Marahang naglakad ang kan'yang mumunting mga paa upang silipin ang lugar na hindi siya basta hinahayaang pumasok.
"Gawin na lang natin ang gusto n'ya," ang wika ng kan'yang ina habang pinapahid ang mga luhang sumasagana sa kan'yang mga mata. Natigilan ang batang si Persia na mas piniling makinig sa pag-uusap nila.

"Demonyo si Hellebore! Pinatay na niya si Chiron at ang asawa nitong si Reselda. Maging ang mga anak nila ay hindi nakaligtas. Ayokong matulad ang pamilya natin sa kanila. Bata pa sina Persia at Perseus," ang saad ng kan'yang ama na mababakas ang pangamba. Napatakip siya ng bibig sa sobrang takot na kumayap sa kan'yang buong katawan.
Akala ng mga magulang niya ay mananatili silang buhay sa pagsunod nila sa utos ni Hellebore. Marami nang nangyari sa pamilya nila at ang wakas, na ayaw nang balikan ni Persia.
"Nag-iisa na lang ako," ang nasambit niya sa kan'yang isipan habang nakatitig sa kakaibang nilalang na nasa harapan nila.
"Dahil sa isang katulad mo," ang dagdag pa niya. Napahigpit ang hawak niya sa kan'yang mahiwagang wand.
"Hindi ka tao!" ang bulalas ni Persia kasunod ng pagtutok niya ng kan'yang wand sa deriksyon ni Hellebore. Binigkas niya ang kan'yang mahiwagang salita kung saan kumawala ang isang kulay asul na apoy. Ngunit katulad ng nangyari kanina sa pag-atake niya ay hinigop iyon ng katawan ni Hellebore. Sa pakiwari pa niya ay nadagdagan ang lakas nito dahil sa mabilis na pagtubo ng mga galamay nito na inabo ng kapangyarihan ni Fort.
Nagwawala ang mga galamay na iyon na nakakonekta sa tadyang ni Hellebore. Mga galamay na sa tingin niya ay nakakadiri dahil sa malagkit na laway na nahuhulog rito sa bawat pagkislot nito. Tila ba may mga sariling buhay ang mga iyon at nag-uunahan sa paghahahanap ng susunod nilang mabibiktima.
Nagulat pa si Persia nang biglang humaba ang mga galamay niya at tila ba nag-uunahan papunta sa deriksyon nila ni Fort.
Hindi siya ganoon. Sa bawat laban ay kalmado ang kan'yang isipan at puso. Pero iba sa pagkakataong iyon. Tila ba tumigil sa paggana ang kan'yang isipan at sa pakiramdam niya ay naparalisado ang buong katawan niya.
"Mahina ka Persia," isang di kilalang tinig mula sa bahagi ng kan'yang nakaraan.
Tila nanlamig ang kan'yang buong katawan. Ngunit nang maramdaman niya ang mainit-init na haplos ng kung sino ay kaagad siyang natauhan. Tila ba naging alalay iyon ng kan'yang mga kamay para itaas iyon at itutok ang kan'yang wand sa deriksyon ni Hellebore.

"Kumalma ka lang Persia," ang narinig niyang saad ni Fort kasunod ng kakaibang kapangyarihan na dumaloy sa kan'yang katawan patungo sa kan'yang wand. Sa pakiwari niya ay nakakita siya ng magkakakambit na perpektong hexagon na may ilang sanga at letra. Binubuo iyon ng magkatulad na molecules na binubuo ng atoms na may dalawa o mas maraming chemical elements. Kung hindi siya nagkakamali ay imahe iyon ng chemical structures.

Nabigla pa siya nang makitang maglabas ng kulay berdeng liwanag ang kan'yang wand na sumalpok sa mga di mabilang at nagwawalang galamay ni Hellebore. Halos maabo ang kan'yang mga galamay. Napuno ng pagkamangha ang mukha ni Persia. Sa unang pagkakataon ay gumana ang pag-atakeng ginawa niya laban kay Hellebore sa tulong ng binatang manggagamot.
Nagkatinginan ang dalawa at awtomatikong sumilay ang ngiti sa kanilang dalawa.
Subalit mabilis nilang nilingon ang direksyon ni Hellebore nang marinig nila ang nakakahindik na paghalakhak nito.

"Fort Galen, kaya interesado talaga ako sa'yo! Mas higit ang iyong kakayahan sa ama mo!" ang saad ni Hellebore na bumalik sa anyong anino dahil sa pag-atakeng ginawa nila.

Hindi na nabigla si Fort dahil simula pa noon ay alam na niyang hindi madaling talunin si Hellebore. Inaasahan na niya na makakaligtas ito sa pag-atakeng ginawa nila.
Ngunit ang pumigtas ng kan'yang kakalmahan ay nang bahagyang iluwa ni Hellebore ang isang lalaki. May edad na iyon hindi katulad nang huling beses niyang nakita ito. Ngunit kilala pa rin niya ang taong iyon. Kaagad na namula ang mga mata ni Fort nang mangilid ang luhang pilit niyang pinipigilan nang muling masilayan ang mukha niya.

"Ama?" ang nasambit niya at humakbang papalapit kay Hellebore. Subalit naging listo si Persia.

"Huwag kang lalapit sa kan'ya Galen!Hindi mo alam kung siya talaga ang ama mo!" ang bulyaw sa kan'ya ni Persia. Pero nawala na sa tamang katinuan si Fort at nangingibabaw sa kan'ya ang pangungulila at ang emosyon niya.

"Galen, gumising ka!" ang sigaw ni Persia pero hindi siya nakinig.

"Anak?" ang sabi ng matanda na idinipa ang kan'yang mga braso habang inaabangan si Fort. Mas bumilis pa ang paglakad ni Fort upang yakapin ang kan'yang ama. Isang mahigpit na yakap na nararapat niyang maramdaman pagkatapos ng tatlong taong pagkakakulang sa selda ng underworld market.

Subalit nanlaki ang mga mata ni Persia nang masilayan ang biglang pagsulpot ng galamay sa tadyang ng matandang Ginoo na tinutukoy ni Fort na kan'yang ama. Mabilis iyong tumusok sa kalamnan ni Fort na siyang nagpasuka sa kan'ya ng dugo.

"Fort!" ang mahabang sigaw ni Persia nang mabigla sa nangyari.
Muling humalakhak si Hellebore nang makita ang kahangalan ni Fort Galen.
"Sinabi ko na sa inyo, ang pagiging emosyonal ang kahinaan ninyong mga tao," ang wika ni Hellebore.

Tinitigan ni Fort ang matanda na inakala niyang ama niya. Pero naging sampal sa kan'ya ang katotohanan, nang unti-unting nalusaw sa harapan niya ang balat nito at sumiwalat sa kan'yang paningin ang tunay na hitsura ng halimaw na nagmula sa specimen ni Hellebore.

Isang imperfect mutant na pinag-eksperimentuhan ni Hellebore. Sumiwalat rin ang masangsang nitong amoy nang mawala ang balat nito.
Muling itinutok ni Persia ang kan'yang wand sa direksyon ng imperfect mutant at binanggit ang kan'yang mahiwagang salita, dahilan upang bitawan nito si Fort. Nakahinga rin siya ng maluwag dahil naging epektibo ang pag-atake niya sa mas mababang klase ng halimaw na pinalabas ni Hellebore.

Pero ang mas nagpangiti sa kan'ya ay nang makita ng mga mata niya ang isang maliit, bilog, at pulang liwanag mula sa kung saan, na siyang tumapat sa ulo ng mutant.
"Sniper," ang nasambit niya sa kan'yang isipan.

Wala pang segundo nang mamataan niya ang ga-tuldok na pulang liwanag ay sumabog ang ulo nito.

"Nandito na sila," ang bulong niya at saka inilibot ang paningin niya sa buong paligid.

Tila hinahanap ng kan'yang mga mata ang Ginoong milya man ang layo sa kanila ay nagagawa pa rin nitong umasinta ng kalaban. Ang sniper ng Helianthus, si Zhou!

Pero ang mas nagpakilabot sa kan'ya ay ang presensya ng hindi inaasahang back up nila sa delikadong sitwasyon na kinasangkutan nila ng manggagamot na si Fort Galen.

Continue Reading

You'll Also Like

2.6K 127 15
Natalia Levine De Loughrey. A woman who got high expectations from the people around her, where the ladies gets jealous of how perfect her life is. T...
103K 367 1
Tatlong syudad na bumubuo sa Magical World. Tatlong lahi na nagkaisang protektahan ang mundong kinalakihan. Bawat isa ay may kakabit na misyong gagam...
971K 41.5K 131
She keeps souls but where? (COMPLETED) Rank #4 in Fantasy (Feb. 18, 2021) Rank #4 in Fantasy (April 13, 2021) Rank #1 in souls Rank #1 in stories (Ju...
Soulless Corpse By ꪀic

Mystery / Thriller

59.1K 2.5K 31
"The biggest risk, is not taking any risk. So... tara?" I said while slowly opening the car's door and tightly gripping the crowbar in hand. A wave o...