BNDASD PART II: The Painful S...

By TheWhelveLady

20.9K 1.2K 170

-Aice The only Daisy among the Wild Thorns The only girl among the boys. They treat her as their Binibini. T... More

DISCLAIMER๐Ÿ“ฃ
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
ANNOUNCEMENT!

Chapter 91

296 17 1
By TheWhelveLady

Assurance.

AICE’S POINT OF VIEW

“Yes, it’s true that you were receiving Death Threats from my father.”

Pakiramdam ko ay tumigil sa pagtibok ng puso ko at binalot ito ng takot at pangamba dahil sa sinabi niya.

Napahawak ako sa railings at nahigit ang paghinga ko.

Nabalot ng pag-aalala ang mukha ni Deive at agad na lumapit sa akin at inalalayan ako.

“B-bakit, D-Deive? A-anong kasalanan ko sa t-tatay mo?” nanginginig labing tanong ko.

Niyakap niya ako. “Wala, wala kang kasalanan. . .” bulong niya. “Dahil ako, Aice. Ako ang may kasalanan at nadamay ka lang.”

Tuluyan nang pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon umiyak.

Dahil pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig niya.

Mukhang naramdaman niya ang pag-iyak ko sa dibdib niya kaya mas lalo niya akong niyakap ng mahigpit na tila ba takot siya na mawala ako.

“I-I’m sorry, Aice. Nang dahil sa akin nanganganib ang buhay mo.”

Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at pinakatitigan siya. “Kasalanan mo naman talaga eh! E’di hindi na ako makakabili sa 7/11 tuwing gabi dahil sa death threats ng tatay mong hilaw?!” ngulngol ko.

Pero seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Nakita ko rin ang pagdaan ng guilt sa mata niya dahil para mapatikhim ako.

Maling word nagamit ko.

“I-I mean hindi mo n-naman kasalanan. Wala kang kasalanan dahil hindi naman ikaw ang nagpapadala ng death threats sa akin,” pagtatama ko.

Umangat ang kamay niya at humaplos sa pisngi ko, marahang hinawi ang hilam na luha sa pisngi ko.

“But still, it’s my fault. Kung pinirmahan ko lang siguro---”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Anong pipirmahan?! Bugok ka ba? Sa’yo ‘yun kaya bakit mo ibibigay sa tatay mo?” singhal ko sa kaniya. “At saka tigilan mo ‘yang self blaming mo ah! Wala kang kasalanan at kasalanan lahat ‘yun ng tatay mo!”

Dahan-dahan siyang napangiti sa sinabi ko. Pero nagulat na lang ako ng pitikin niya bigla ang noo ko.

“Aray ha?! Bakit ka namimitik?” reklamo ko at hinimas ang noo.

Tumawa siya. “Silly, masiyado ka kasing galit na galit. Kalma ka lang, baka ma-highblood ka.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Pero Deive, paano ‘yan e’di hindi na ako makakapunta sa 7/11 tuwing gabi? Paano na kapag nagutom ako at wala akong makain tapos pumunta ako sa 7/11 mag isa tapos biglang akong kidnapin ng tatay mo sa daan---,” natigil ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumawa. “Bakit ka natawa?”

“Stop imagining things and don’t worry, hindi mo na kailangang lumabas pa para bumili sa 7/11. Just call me at padadalhan kita ng pagkain,” biglang seryosong aniya. “Bibilhin ko na rin ang 7/11 sa inyo para sa’yo and also I will hire some bodyguards to protect you kapag lalabas ka ng inyo.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. “Seryoso ka diyan?”

Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Kailan ba ako nagbiro?”

Napatakip ako sa bibig ko. Shuta, seryoso pala siya eh nagbibiro lang naman ako!

“Just tell me whatever you want. Foods and everything that makes you happy. As long as you’re with me, I’m willing to give you everything that makes you happy,” nakangiting aniya. Masuyo niyang hinalikan ang noo ko. “I love you.”

Pinalobo ko ang pisngi ko para pigilin ang ngiting gustong kumawala sa labi ko. Nag-iinit rin ang pisngi ko sa sinabi at ginawa niya.

Ha-ha-ha, kinikilig ako.

Yumakap ako sa kaniya. “Wabyu too.”

***

Lumipas ang oras at narito pa rin kami sa rooftop. Ipinaliwanag niya na rin ang gang at ang main nila. Lahat ipinaliwanag niya, lahat ng tanong ko sinasagot niya. Lahat ng hindi ko maintindihan, ipinaiintindi niya.

Buti na lang talaga mahaba-haba ang pasensiya niya.

“Deive sigurado ka bang hindi pa patay ‘yung lalaki kanina na ipinadala ng tatay mo?” tanong mo sa kaniya sabay subo ng chips na pinabili niya.

Nagpabili siya ng pagkain kanina kina Tristan dahil inaya niya akong mag-date dito sa rooftop.

Friendly date.

Since may death threats nga akong natatanggap, mas maigi na dito na lang kami mag-date kaysa sa labas pa kami mag-date. Delikado at hindi namin alam kung kailan susulpot ang mga tauhan ng tatay ni Deive.

Kaya ito, naglatag na lang siya ng blanket dito sa sahig at dito kami naupo habang kaharap ang papalubog na araw. May mga pagkain rin sa latag na siya naming kinakain.

“Tss, buhay pa ‘yung mokong na ‘yun. Hindi ko naman pinatama lahat ng bala sa kaniya,” aniya sabay higop sa chuckie na hawak.

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. “Mabuti naman dahil ako kakatay sa kaniya.”

Natawa siya sa sinabi ko. Nagulat na lang ako nang bigla siyang humiga aa hita ko.

“H-hoy, a-ano bang ginagawa mo?”

“Humihiga, ano pa ba?”

Sinamaan ko siya ng tingin bago pitikin sa noo. “Eh bakit sa hita ko pa?”

“Gusto ko rito,” ungot niya. “Pero mas gusto kita.”

Ay, gumaganon?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko rin ay namumula ang pisngi ko. “Corny mo po.”

Natawa siya. “Sa’yo lang po.”

Natawa na lang ako at hinayaan siya na mahiga sa hita ko.

Paminsan-minsan kaming nagkukulitan pero hindi ko kinaya ang pagiging clingy niya like shuta, may ganito pala siyang side?

“Please, Aice, comb my hair. I like the way you combed my hair. So satisfying and relaxing,” aniya na ikinangiwi ko.

“Mukha ba akong suklay?” kunwaring inis na sabi ko sabay suklay sa buhok niya.

Ano kayang shampoo niya?

“Hindi pero may kamukha ka,” aniya.

“Sino naman aber?”

“Kamukha mo ‘yung future wife ko,” banat niya sabay ngiti sa akin na para bang proud na proud siya.

“Ay ewan ko sa’yo,” tanging nasabi ko dahil ang bilis nang tibok ng puso ko.

Tama na kababanat please baka mag-palpitate na ako.

Tumawa lang siya sa akin bago bumangon mula sa pagkakahiga sa hita ko.

“Oh bakit ka bumangon? Akala ko ba gusto mo dito?”

“It’s your turn.”

“Huh? Anong it's my turn?” takang tanong ko.

Hindi siya sumagot at tumabi kang sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong isandal sa balikat niya.

“Feel comfortable?” tanong niya at naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa beywang ko.

Pakiramdam ko ay may mga paro-paro sa tiyan ko dahil sa ginawa niya. Ang bilis rin ng tibok ng puso ko sa ginawa niya at mas lalo pa itong pinalala ng amoy niya.

He smells like home, my home.

Napangiti na lang ako bago ihilig pa lalo ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman pa ang paghalik niya sa buhok ko.

Tuluyan nang nakalubog ang araw ngunit ang ulap ay nanatiling nasa iba’t ibang kulay. Tila ba ito ay isa sa pinakamagandang larawan sa oleo.

Ilang minuto kaming nakatitig roon hanggang bumaba ang tingin ko sa kamay ni Deive na hawak ang isang pamilyar na colored paper.

“Remember this, Aice? ‘Yung chocolate na ibinigay mo sa akin?”

Nanlaki ang mata ko. Kaya pala pamilyar sa akin ‘yung papel!

“H-hindi mo pa kinakain?” gulat na tanong ko. Umayos ako ng upo saka bumaling sa kaniya.

Umiling siya bago umiling. “I won’t eat this without you. Ikaw ang nagbigay sa akin kaya kasama kira sa pagkain nito.”

“P-pero sa’yo ‘yan,” sabi ko.

“Ang sa akin ay sa iyo rin,” aniya na nagpalambot ng puso ko.

Binuksan niya ang papel at tumambad sa kaniya ang tatlong piraso ng mumurahin na chocolate bar.

Hindi ko maiwasang mamula nang maalala ko kung anong dahilan kung bakit ko ito ibinigay.

Kinuha niya ang isang chocolate bar at iniabot sa akin. Kinuha ko naman iyon at binuksan. Ganon rin ang ginawa niya sa hawak niya.

Nabigla ako nang bigla niya akong isandal muli sa balikat niya at ilagay ang kamay niya sa beywang ko.

Napailing na lang ako bago kagatan ang hawak ko. Tahimik kaming kumakain hanggang sa bigla siyang gumalaw kaya napaayos ako ng upo.

“Picture tayo for memories,” aniya sabay dukot sa cellphone niya.

Agad ko namang inayos ang buhok ko at ang mukha ko dahil baka mukha akong losyang sa picture.

Kailangan dapat maganda ka.

Ini-open niya ang camera bago iharap sa aming dalawa. “Smile, Aice!”

Ngumiti ako sa camera kasunod ng pagpindot niya. Naka-ilang take pa kami. May nakakagat sa chocolate bar na hawak namin, may naka-wacky, may naka-oppa sign at nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan sa pisngi kasabay nang pagpindot niya sa camera.

Tatawa-tawa naman niyang ipinakita sa akin ang picture namin at nakita kong nanlalaki ang mata ko habang nakahalik siya sa pisngi ko.

“Hoy, i-delete mo ‘yan! Ang pangit ko diyan!” utos ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.

“Hindi kaya, ang cute mo kaya dito!” natatawang giit niya.

Napasimangot ako at hinayaan na lang siya.

Cute naman daw ako kaya sige na.

Itinago niya ang cellphone niya bago bumaling sa akin nang may ngiti sa labi.

Iyong ngiti na totoong masaya kaya napangiti rin ako.

“Hope that this won’t be the last sunset with you.”

“Hindi ‘yan. Kung gusto mo araw-araw tayong manood ng sunset?” nakangiting suhestiyon ko.

“Kung puwede lang, Aice. . .” buntong hininga niya.

“Bakit naman hindi?” kunot noong tanong ko.

Nguniti lang siya sa akin bago tumayo at ilahad sa akin ang kamay.

“Tara na, gabi na. Malamig at malamok na rin dito kaya baka magkasakit ka,” aniya kaya tinanggap ko an ang kamay niya. “Saka baka pagalitan ka na rin ni bayaw kapag ginabi ka pa lalo.”

Natawa naman ako. “Bayaw ka diyan, eh hindi pa naman tayo mag-asawa. Advance ka masiyado.”

“Doon rin naman ang punta natin. Ini-advance ko lang,” sabi niya.

Napailing na lang ako. Ang akala ko ay aalis na kami ngunit bigla niya na lang akong hapitin at yakapin nang mahigpit.

“Do you trust me, Aice?” biglang tanong niya.

“O-oo naman, bakit?” walang pag-aalinlangan kong sagot.

“Trust me with all your heart, I will protect you till death do us apart,” parang nanunumpang aniya. “As our love story starts, let our feelings counterpart.”

“Po-protektahan kita, Aice. Kahit pa kalabanin ko ang tatay ko, basta para sa’yo. . .”

Lalaban din ako para sa’yo.

“Ikaw lang ang mamahalin ko dito at sa kabilang mundo. Hindi ako mangangako ng kahit na ano, pero ipapangako kong sa’yo lang ang puso ko, sa’yo lang titibok ang puso ko. . .”

Ipapangako kong sa’yo lang ako.

“Wala mang tayo pero mananatili akong loyal sa’yo. Wala mang tayo pero ibibigay ko sa’yo ang assurance na deserve mo. Wala mang tayo pero ikaw pa rin ang mamahalin ko. . .”

Ikaw, ikaw lang ang tanging mamahalin ko.

“Mahal na mahal kita, Aice. I love you my beautiful sunset. ‘Ti amo mia signora spericolata’.”

Mahal na mahal rin kita, Deive.

Kasabay ng pagpatak ng luha mula sa aking mata dala ng sobra-sobrang kasiyahan ay ang paghalik niya sa aking noo na nagdala ng iba’t ibang emosyon sa akin.

Hulog na hulog na ako. At ayoko nang umahon pa.

“Mahal na mahal rin kita, Deive.”

Mamahalin kita hanggang sa huling sunset na masasaksihan natin sa huli nating hininga.

———————————————————

~Please don't forget to vote and comment💖

Continue Reading

You'll Also Like

2.5K 869 23
STORY (FANTASY) NO. 04 Mizelicia Neva is a princess of the Sage Frost Kingdom who has the capability to use ice magic. Princess Mizelicia can only us...
156K 7K 59
แ€แ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€žแ€™แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Šแ€ญแ€ฏ ร— แ€žแ€…แ€นแ€…แ€ฌแ€™แ€พแ€ญแ€ฏแ€„แ€บแ€ธแ€œแ€ฝแ€”แ€บ แ€กแ€›แ€ฑแ€ธแ€กแ€žแ€ฌแ€ธแ€™แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€ธแ€แ€ผแ€„แ€บแ€ธแŠ[+]แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€™แ€ปแ€ฌแ€ธแ€™แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€™แ€ปแ€ฌแ€ธแ€…แ€ฝแ€ฌแ€•แ€ซแ€แ€„แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€€แ€ญแ€ฏแ€šแ€ทแ€บแ€กแ€แ€ฝแ€€แ€บแ€˜แ€ฌแ€กแ€€แ€ปแ€ญแ€ฏแ€ธแ€™แ€พแ€›แ€™แ€Šแ€บแ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€แ€ฒแ€ทแ€…แ€ฌแ€–แ€ผแ€…แ€บแ€žแ€Šแ€บแ€”แ€พแ€„แ€ทแ€บแ€กแ€Šแ€ฎ แ€™แ€€แ€ผแ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€œแ€ป...
83.8K 4.3K 65
"Bakit ba lagi na lang ako pinag aagawan?." Skylie
802K 70.5K 37
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...