Mara Buenaventura: Love Thy E...

Od Maxima_Isabelle

190 95 1

At the age of 18 ay tinuruan siyang pumatay. She wants justice for her mom's death. Kahit na maging maid sa h... Viac

Mara Buenaventura: Love Thy Enemy
simula
kabanata 1
kabanata 3
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 6
kabanata 7
kabanata 8
kabanata 9
kabanata 10
kabanata 11
kabanata 12
kabanata 13
Editing soon

kabanata 2

12 10 0
Od Maxima_Isabelle

Mara:

One week na ang nagdaan at ngayon ay birthday ko, it's my 18'th birthday. Sanay na ako na di nag celebrate sa birthday ko. Gusto ni papa ipaghanda ako pero ako yung ayaw.

Tinawagan ako ni Boris kanina para bumati sa birthday ko at sinabihan din niya akong pinapapunta ako ni papa sa gusali. Kasama namin siya sa training at katulad ni Alec silang dalawa ang tumutulong sakin pag nahihirapan ako noon.

Paglabas ko sa grand entrance ng mansion ay nakahintay na ang sasakyan sa akin. Nang dumating na ako sa gusali ay sinabihan akong pumasok sa pintoan na hindi ko pa napasukan noon. Pag pasok ko sa pinto ay malayong hallway pa ang lalakarin bago pumasok na naman sa isang pinto.

Pag pasok ko sa pinto ay nakita ko na andun sila Alec, Boris, Betina, si papa at....may nakaupong duguan na parang galing sa bugbog at nakatakip ang kanyang bibig. Nagtatanong ang mata kong napatingin sa kanila.

"Oh, Mara is here." Ngisi ni papa.

"Boss, no. Hindi pa handa si Mara sa-" di natapos na salita ni Betina ng binulyawan agad siya ni papa.

"Then kailan siya handa?! Hah Betina?!"

"Papa, a-ano 'to?" Di ko natiis na tanong sa kanya. "B-bakit-"

"Happy birthday, Mara! My surprise birthday for you.."

Ano daw? Suprise birthday?! Bakit may taong binugbog galing. Ano ito?! Joke?!

Nag ngiting aso ito sa kanya na parang enjoy na enjoy ito. Sa itsura niya ngayon parang kaya nitong pumatay ng tao.

"Alec, bigyan mo ng baril si Mara." Makikita sa mukha ni Alec na nag-alinlangan siya na bigyan ako ng baril. "Now Mara, kill that bastard!" Itinuro niya ang taong nakaupo na nakagapos.

Nagulat ako sa narinig ko. "Papa bakit-"

"Huwag ka ng madaming tanong, patayin mo na!" Galit na sabi niya sakin.

Itinaas ko ang baril na hawak ko at itinutok ito dito, takot ang nakikita ko sa mga mata niya. Ano bang kasalanan niya bakit siya papatayin?

Mga ilang segundo kong itinutok ito sa kanya bago ko ibinaba ang baril.

"Papa hindi ko kaya." Sumusuko kong sabi kay papa sabay tingin sa kanya.

Galit itong napatingin sa kanya.

"Hindi mo kaya?! Di ba gusto mong maghiganti sa mama mo?! Paano ka makakapatay sa pumatay sa mama mo kung di mo kayang pumatay?!" Bulyaw na sigaw nito sa kanya.

"Hustisya ang kailangan ni mama hindi ko kailangang pumatay!" Napaiyak ko ng sabi.

"Cut that justice of yours! Boris!" Tumingin ito kay Boris at tumango at parang alam na ni Boris ang gagawin. He took out his pistol and pointed the gun at me.

"Now Mara chose, buhay mo o buhay ng hayop na 'yan!" I can't believe him. Kaya niya akong ipapatay dahil lang di ko mapatay itong tao na 'to. "Kill him. Now!"

Nanginginig kong itinutok ulit ang baril dito. Takot na takot ang mukha nito. Humihingi naman ng tawad ang mga mata kong napatingin sa kanya sabay pikit ko sa mata ko at ipinutok ito.

Mga ilang segundo lang akong napapikit ng narinig kong may pumalakpak. Ibinuka ko ang mga mata ko at tumingin kay papa. Lumapit naman ito sa kanya.

"Do you still want to be a police woman now? Now that you have killed someone." Humalakhak ito.

Hindi ako makapaniwala sa kanya at napanganga. Para siyang demonyo. Hindi ko na siya kilala.

"Bukas na bukas ay sasama ka samin sa casino para malaman mo ang negosyo natin at kung anong trabaho ang meron tayo." Sabay alis nito.


Andress Buenaventura:

Pag-alis ko sa sa kwarto ay sumunod sakin si Betina.

"Andress!" Sigaw niyang habol sabay hablot sa braso ko. "Bakit mo yun ginawa? Bakit mo tinuruan pumatay si Mara?!"

"Tinuruan ko lang siya, na maging katulad natin. Makapagsalita ka parang di mo rin yun ginagawa."

"Oo, ginagawa ko yun! Pero ibang usapan na yun kay Mara.." mahinang diing sabi nito, "Binigay ko siya sayo dahil sinabihan ko siya noon na tutulungan ko siya sa paghihiganti, para sa mama niya para sumama siya sakin. Na ayaw ko na gawin niya! Pero anong ginawa mo? Tinuruan mo siya?"

Ngumisi ako sa sinabi niya.

"Ayan..dahil din dyan..ikaw ang nagturo sa kanya ng paghihiganti. Alam mo bang gusto niyang maging police dahil sa lintik na hustisya na yan!" Halatang nabigla si Betina sa sinabi niya. "Ngayon, sabihin mo sakin.. mali ba yung ginawa ko?! Isa tayong sindikato tapos gusto niyang mag police? What a joke?!" Sarkastikong sabi ko sa kanya.


Boris:

"Mara..." Bulong ko ng nakita ko siyang nakaupo at nakatingin lang sa binaril niya kanina. "I-im sorry.." utal kong sabi sa kanya. Tumingin siya sakin ng walang emosyon. Di ko siya makayang tingnan. Anong ginawa ko? Nang dahil sa litsing utang na loob ko sa boss namin, tinutukan ko siya ng baril. "M-mara..." Gusto ko siyang lapitan, yakapin, humingi ng tawad ng paulit-ulit pero nawalan ako nang lakas ng loob..

"Ako ng bahala kay Mara, Boris." Sabay hawak ni Alec sa balikat ko. Makikita sa mata ni Alec na kahit ito'y di sang-ayun sa nangyari kanina. Pero wala kaming magawa dahil utos ni Andress Buenaventura. "Alam mo ng gagawin dyan." Sabi nitong nakatingin sa binaril ni Mara kanina. Tumango lang ako ng wala sa sarili.

"Mara, hali ka na.." kinuha ni Alec ang kamay ni Mara at inakbay sa braso niya. Ang kamay nito ay nasa beywang ni Mara. Walang emosyon pa ring tumingin si Mara sa kanya ng dumaan sila sa harap ko.

I'm sorry Mara.. Ipapangako ko sayo.. ikaw ng susundin ko hindi na si Andress Buenaventura...


Mara:

Nasa kotse ako na binigay ni papa sa akin sa 18th birthday ko. Nung araw na una akong nakapatay. 4 years have past at parang bago lang ang nagdaan. Tiningnan ko ang mga kamay ko. Ang kamay ko na dami ng napatay. Oo, isa na akong mamatay tao. Pagkatapos ng nangyari sa 18'th birthday ko ay marami pang sunod na ipinapatay sakin si papa na nasanay na din ako. Nalaman ko na din na ang papa ko ay boss ng sindikato.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko planong umuwi na ng mansion ng tumawag si Boris. Matagal kong tiningnan ang tawag niya. Four years..nang dahil sa pagtutuk niya sakin ng baril noon nag-iba ang turingan naming dalawa. Ang dating masiglang turing ko sa kanya ay naging malamig ang tingin at tono at pananalita ko. I breathe first before answering his call while driving and put bluetooth headphone on my ear.

"Yow!" Bungad nito.

"What Boris I'm driving." Pagod kong sagot sa kanya.

"I have good news for you." Sa boses niya nahalata kong nakangisi na naman ito ngayon.

"What?" Walang ganang sagot ko sa kanya.

"Nakita ko na ang kapatid ni Gustav and his here sa hideout. Ginapos ko." Napatawang sabi nito. Napa brake agad ako ng kotse sa narinig ko at dahil nasa highway pa ako ay may bumangga sa likud ng kotse ko.

Kahit masakit ang leeg ko sa pagpangga ng nasa likuran ng kotse ko ay hindi ko ito pinansin. Nabigla pa ako sa sinabi ni Boris. Bumaba naman ang driver ng nasa likud niya na bumangga. "Hello..hello... You there?" Dinig kong boses ni Boris sa kabilang linya.

"Pupunta ako dyan-" napatigil siya sa sasabihin niya sana ng may kumatok sa bintana ng kotse niya. Ibinaba naman niya ang bintana niya ng hindi tumitingin sa kumakatok.

"Miss, why did you-" itinaas ko ang kamay ko para patigilin siya sa sasabihin niya na hindi tumitingin sa kanya.

"Hello... May boses lalaki sino yun?" Tanong ni Boris sa linya.

"Ah wala. Pupunta ako dyan Boris. Huwag-" di ko na naman natapos ang sasabihin ko sana ng may nagagalit na boses sa may labas ng kotse ko.

"Miss!" Dun na ako napika.

"I'll call you later Boris may asungot dito." I turned off the phone call and looked at the man outside the car. "What?! can't you see I'm talking to-" napanganga ako.

Ang gwapo niya. Sobra naman perpektu ang mukha nito. His hair is arrange in a messy fashion way. Ang kilay nito ay bumagay sa nakakaakit niyang mga mata. Ang ilong niya ay mataas at well proportion. Ang panga niya na bumagay sa mukha nito na lalong nakahatid ng kagwapohan lalo dito. Ang hot niya.. I've seen a lot of handsome faces but never been this kind of aura before. At ang kanyang labi habang nagsasalita ang sarap halikan.

"Miss..miss.. Look, kanina pa ako salita ng salita dito." Napabalik ako sa matino kong pag-iisip. Wait, why am I admiring him? "Miss, pwede ba bumaba ka muna dyan." Nakapamaywang na sabi niya sakin.

Bumaba naman ako ng sasakyan. Matangkad siya hah. He wears black cardigan with orange t-shirt and black jogger. Ang sapatos niya ay color white at ang bango niya, he smells like bergamot. Like a clean and uplifting scent blends with woodsy smells, for a fresh, yet manly, fragrance at sa bango pa lang niya para na akong naakit.

"Bakit ano bang meron?" Masungit kong sabi sa kanya.

Akala mo hah porket gwapo ka at ang bango mo. Hindi mo ako madadala sa karisma mo.

Tiningnan naman siya nitong hindi makapaniwala.

"Your unbelievable. You stop your car in the middle of the highway and look what you've done in my bumper." Tiningnan ko naman ang kanyang kotse. Wasak nga ang bumper niya.

Ang mahal ng kotse hah Ferrari 812 competizione. Tiningnan ko ulit siya ng parang wala lang pakialam.

"So, what now? Pababayarin mo ako niyan?" Itinaas ko ang kilay ko sa kanya. Mahal niyan hah di ko afford.

"Miss-" di niya natapos ang sasabihin niya ng may police na papadating.

"Hoy, ano yan!" Napabaling naman ako sa likud ko at nakitang papalapit ang police sa amin. Humarap uli ako sa lalaki.

"Pag tinamaan ka nga naman ng malas, oh!" Bulong kong sabi.

Nanggigil kong tiningnan ang lalaki kung di ka lang gwapo eh naku! Bumaling uli ako sa likod ko at nakita kong may bumaba sa kotse ng nito na maganda. Girlfriend siguro niya 'to, ng may naisip ako. Napangisi akong tumingin sa kanya siya naman ay parang naiinis pa rin sa pagkasira ng kotse nito.

"Oh ano 'yan?" Sabi ng police nang nasa harapan na namin siya.

Agad akong humarap sa police baka maunahan akong magsalita ng lalaking katabi.

"Sir, ito po kasing boyfriend ko nahuli ko nagloko na naman." Paiyak-iyak kong sabi.

Saktu namang dumating ang girlfriend nito.

"Gabriel, matagal pa ba yan?" Tila naiinip na sabi ng girlfriend niya.

"Siya po!" Sabay turo ko sa babae.

Napaturo naman ito sa sarili niya.

"Me?" Maarting tanong niya sakin na parang naguguluhan.

"Siya po ang kabet ng boyfriend ko. Ika apat na beses mo na 'tong ginawa..." sabay baling ko sa lalaki. Ano nga ulit yung pangalan niya...

"Gabriel, is it true?!" Tanong ng girlfriend nito. Ahh, oo Gabriel pala.

Napangisi ako kay Gabriel at di siya makapaniwala sa sinasabi ko.

"Buntis ako Gabriel tapos ng babae ka. Minahal kita, binigay ko sayo lahat tapos ano? Hah?! Nambabae ka na naman!" Paiyak-iyak kong sabi para di mahalata. Naguguluhan pa rin ito sa sinasabi niya.

Lumapit ang girlfriend nito sa kay Gabriel.

"Gabriel, tell me. Is it true?!"

Di naman makapagsalita ito. "I... Ahh.." para parin itong naguguluhan. "Miss-" di natapos ang sasabihin sana ni Gabriel ng bigla itong sinampal ng girlfriend niya. Napasinghap naman ako at napatakip sa bibig ko sa gulat.

"You cheater! Break na tayo!" Sabay alis nito.

Yun na yun? Di man lang hinabol? Napatingin ako sa kanya at kita kong inis siyang nakapamaywang sa akin. Napatingin si Gabriel sa police at maging ito ay dalang dala sa acting niya. Para itong nanood na ng drama.

"You know what? Forget it!" Galit na sabi niya sakin sabay sakay sa kotse nito.

***
Pumasok ako sa pinto kung saan si Boris. Pagppasok ko naabutan kong binubogbog niya ito. Napatigil naman siya ng nakita ako.

"Mara, natagalan ka?" Pagod akong tumingin kay Boris.

"Wala may naka engkwentro lang." Sabay tingin sa nakaupong nakagapos. "Kumanta na ba 'tu?" Sabay turo sa nakagapos.

"Wala pa eh, kaya nga binubogbog ko kanina. Ayaw sabihin kong nasaan ang kapatid niya." Ngumingising sabi ni Boris.

Binunot ko ang baril ko at ikinasa ito at itinutok sa kapatid ni Gustav.

"Nasaan si Gustav?" Tumingin ito sa kanya.

"Hindi ko alam." Pinutok ko ang baril ko sa paanan nito.

"Huwag mo ubosin ang pasensya ko. Nasaan si Gustav?!" Takot na ang makikita sa mukha nito.

"H-hindi ko alam." Iling-iling nito.

"Alam kong alam mo! Asan siya?!" Galit ko ng sabi dito.

Itinutok ko ulit dito ang baril.

"H-hindi-" pinutok ko ang baril sa paa nito. "Aaahh!" Napa sigaw naman ito sa sakit ng tama ng baril.

"Tatlo ang nilagay kong bala sa baril ko. Ngayon isa na lang ito, at sisigurohin ko na sa ulo mo na ito tatama. Kaya ngayon, sabihin mo na! Asan, si, Gustav?!" Diin kong sabi sa kanya.

Itinutok ko ulit dito ang baril. Nanginginig ito sa takot ng napatingin sa kanya.

"N-nasa B-batangas... N-nagtratrabaho siya s-sa..h-hacienda d-doon." Pautal-utal na na sabi nito sabay ngiwi sa tama niya ng baril sa paa.

"Anong pangalan ng hacienda?" Tanong ko ulit dito.

"H-hacienda C-consuelo." Kinalabit ko ang gatilyo ng baril at napaihi ito sa takot.

"Pasalamat ka dalawa lang ang bala ng baril ko." Ngisi kong sabi dito sabay tingin kay Boris. "Ikaw na bahala dyan."

"Masusunod, babe." Sabay kindat nito na ikina-ismid niya.


Gabriel:

"What happen to your car Gabriel?" Timping galit na tanong ng daddy niya. Di ako tumingin sa kanya. Kahit naman sabihin ko sa kanya ang totoo di naman siya maniniwala. "Siguro nag drug racing ka na naman! Kasama ang mga kaibigan mo!"

Ayan dyan siya magaling ang magbintang. "Kailan ka ba titino hah?!" Di pa rin ako tumingin sa kanya. "The other day may ginawa kang katarantaduhan! Ngayon ang kotse mo na naman ang sinira mo!" I scrab my ear in frustration. Nakakarindi na ang ingay.

"Tapos ka na dad? Gusto ko ng pumunta sa kwarto." Sabi ko sa kanya sabay tayo na di tumitingin sa kanya. Bubuksan ko na sana ang pinto ng magsalita ito.

"Bukas na bukas pupunta kang Batangas. Dun ka sa hacienda hanggang tumino ka!" Napatingin naman ako dito agad.

"No way! Ayaw ko dun.."

"Dun ka, sa ayaw at sa gusto mo. Hindi ka babalik dito hanggang di ko nakikitang nagbabago ka!" Makikita sa mukha ng daddy niya seryoso ito sa sinabi nito.

Bwesit! Nang dahil sa babae na yun eh. Makita ko lang yun ulit, lagot talaga sakin yun!

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

5M 178K 18
Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen.
20.1M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
23.3M 778K 60
Erityian Tribes Series, Book #3 || Cover the world with frost and action.
10.1M 121K 20
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...