Boulevard to Polaris (Virago...

By catarchiv

52.6K 1.1K 349

━━ VIRAGO SERIES #1 | R18+. To hold yourself on a high ground without stepping on somebody else is a mantra t... More

dedications
the only polaris
and her radiance
strike the gazer
'til he rouses
as they recollect
the bliss ignites
the memories last
what was once lost
desist to exist
within his smiles
everything; evanesce
even the odds
refuse to leave
in his glimpse
the world passes
in his solace
thoughts; forgotten
and in his words
a reality awakens
as they meet again
the twain changes
one filled with hatred
queries for the other
still those foils
never changed fates
later in their souls
each is destined
even in faraway
in each other's arms
nothing changed
each are one
from the pleasure
to roughest leisure
until they sunder
until it's obscure
the boundless love
just as the unseen
confuses furthermore
yet lingers forever
it leaves a scar
intentionally shatters
schemes to reign
until it gives over
with all heart's sealed
with ours adrift
wandering to be found
what once exist
beneath our souls
behind our conceals
on the peak of over again
and the embraces of him
polaris and her paths
with his vows' cast
'til end comes near
found at last
note

each of their past

1K 28 11
By catarchiv

━━━━━━━━━━━━━━━━
CHAPTER SIX
each of their past
━━━━━━━━━━━━━━━━

When did I met Gazer again?

Ah, it was almost a few years ago ago where he was recommended by a close friend to be my driver or chaperone because I'm having a hard time organizing my schedule every now and then, and I'm also having difficulties in driving back and forth on my own.

I just flourished my company at that same time, kakasimula ko pa lang nu'n but I bloomed after a matter of years because of my own hardwork. 

Naitaguyod ko rin ang sarili at pamilya ko dahil sa kompanyang pinaghirapan at pinangarap ko and I gained a lot of influences because of that, too.

It was the peak of my adulthood when I met him as well. I was so close to turning thirty, two to three years and so on na lang, so I didn't really mind whatever it is that he has and just accepted my friend's offer kasi nangangailangan din naman daw ang lalaki.

I don't have any rules din naman. I just need a driver, a chaperone, a secretary, and someone who'll assist me throughout the day. I need someone na masipag atsaka malakas and Gazer was enough to meet my standards.

The first time I saw him, I really thought he's not eating and heavens, I doubted if he can serve me properly but nonetheless, I still accepted him because I don't want to waste my time interviewing big men whom I know will never serve me well unless they're paid.

Gazer was so thin back then, too, not that thin but slim rather. His glasses made him look even thinner. He looks like he can't even defend me or protect me but on top of all that, he's intelligent and courageous. Hindi ko rin inaasahan na kahit payat siya, malakas naman pala siya. He can carry tons and tons of things without breaking a sweat pero nagtataka pa rin ako bakit gano'n siya kapayat.

One day, I asked him about that. I was curious somehow kasi kahit payat siya, kahit halos walang laman mukha niya, hindi naman mapagkakailang he has the face. He's fine-looking kahit payat siya pero wala talaga 'ata siyang balak gawin kung hindi magtrabaho lang at pabayaan sarili niya.

"Gazer, you wanna eat with me outside?" I questioned, my eyes never left the documents I was checking while we're here inside my office.

Ramdam kong nakaupo lang siya sa sofa at nagmumuni-muni, wala rin naman siyang cellphone bukod sa Nokia na binili niya the first time that I gave him his wage. Sobrang saya niya pa nu'n kasi napadalhan niya na raw pamilya niya sa Siquijor. Malaki rin naman pasweldo ko sakanya kada buwan kaya kampante akong hindi talaga siya magr-reklamo.

"Hala, Ma'am. Nakakahiya naman po, baka magtaka ang mga tao bakit niyo ako kasama." Agaran niyang pagtanggi, nakuhanan ko pa ng tingin ang mabilis niyang pag-iling at pag-abante sa offer ko pero papayag ba ko ma-reject? Of course, no. I need him to eat with me, baka mamaya sabihin nila inooverwork ko siya rito at hindi pinapakain.

"You care a lot about what other people would say," I pointed out, contrasting what I just thought of seconds ago, "We're just going to eat for lunch. No buts."

"P-Pero Ma'am-."

"Vuerrero." I called out, darting him a gaze na nagsasabing pinal ang desisyon ko kaya agad siyang natahimik.

Wala rin naman siyang nagawa kasi dinala ko siya agad sa Stonegrill at gaya nga ng sinabi niya ay pinagtinginan talaga kami ng mga tao, napayuko pa siya dahil lang doon kaya mabilis na umangat ang kamay ko para patingalain siya.

"Huwag kang yuyuko sa hiya. Let them give you unwanted attention if they want to, hindi mo naman kawalan 'yun," I commanded, "I'll fire you if you lower your head."

Mahina siyang nataranta sa sinabi ko at hindi na yumuko pa habang binabagtas namin ang daan papunta sa Stonegrill sa Quezon. Halos lumuwa pa nga mata niya ng makita niya ang menu, marahil ay hindi niya inaasahan na ganito kamahal dito kaya ganyan ang reaksyon niya.

Bahagya naman akong nagpigil ng tawa kasi halatang hindi siya bigla mapakali sa upuan. Ang cute niya mag-panic. Akala niya siguro siya pagbabayarin ko, ako naman nag-offer na kumain dito! Ang bait-bait talaga niya kahit kailan.

"Ma'am, hala. Ang mahal po nito," Mahina niyang bulong, halata sa mukha niyang hindi siya komportable, "Sweldo ko na 'ata 'to ng ilang buwan noon sa construction site. Pwede naman po tayo lumipat tsaka mag-fisball na lang sa may plaza atsaka juice. Tagsampung piso tsaka limang piso lang po."

Napamaang ako sakanya, hindi inaasahan na may sideline siyang gano'n before he worked with me pero mas hindi ko naiwasang hindi bahagyang matawa dahil sa offer niyang sa plaza na lang kami kumain. I actually wouldn't refuse to that but I never know how street foods taste so I don't know if I should agree or not.

Tumawag na lang ako ng waiter. Maybe I should order us a food first then puntahan na namin 'yang plaza.

When I was in the province before, I wasn't allowed to go out of our estate house. I didn't get to experience a lot of things because of how strict my parents are before, despite of them being kind. If not for my Tita Avara's guide, I wouldn't have actually experience strolling outside the hacienda.

"So, nagc-construction ka before?" I diverted the topic.

Tumango siya, "Opo."

"Magkano ba isang buwan?"

"Dalawang daan po so kung susumahin, mga pito hanggang walong libo po siya kada buwan." Kibit-balikat niya, halatang nahihiya pa rin sa'kin, "Hindi nga lang po siya nagkakasya pero mapagtitiisan naman po."

I gaped. That's way too low for me! And the fact that they have to work under the sun 24/7, they have to bring their own food, and they have to travel pa pauwi after a long day! Now, I'm contemplating whether I should raise his wage. Twenty-five thousand a month sounded low now.

"I'll raise your wage then. Is thirty thousand a month fine for you? I supposed it can help for whatever you're saving up right now." I offered, "And no buts."

I felt that he was about to refuse but when he heard how stoic my voice is ay napakurap na lang siya sa gulat, siya ring pagdating ng mga pagkain na inorder ko at halos humagalpak ako ng tawa ng makita ko kung paanong saglit siyang nagulat sa plating. 

He's too innocent and he looks so cute! Dagdagan mo pa 'yung glasses niya at kung paano maningkit ang mata niya.

"Ang gagarbo naman dito, Ma'am. Bagay ba ako rito?" Nahihiya niyang tanong, nakatago rin ang dalawang kamay niya sa ilalim ng lamesa at animo'y ayaw niya kunin 'yung kubyertos na nakapatong doon.

I chuckled at his gesture, "As long as you're paying, the restaurant doesn't mind if you look luxurious or not. I know the owner of this resto and rest assure na they're not judgmental at all. I am not wary about the staffs though but anyways, pick up your spoon and let's eat. Huwag ka ng mahihiya kasi ako naman nag-offer."

Tumango siya, nahihiya pa rin at kahit halatang hindi siya sanay sa ganitong klase ng lugar ay pinulot niya pa rin ang kubyertos niya bago siya tumikim ng putaheng ipinahanda ko. Saglit pa siyang napakurap-kurap, parang naninibago sa lasa at kapagkuwan ay kumain din naman. Sinabayan ko naman siya.

I actually planned to go to the Plaza since it's Friday now and I don't have any apparent schedule after this. Minsan lang din naman akong free sa trabaho kaya susulitin ko na, madadamay nga lang 'tong si Gazer kasi parang maalam siya sa street foods na hindi ko pa kahit kailanman natikman.

Well, I lived in luxury ever since I was a kid. I'm also prone to allergies and illnesses every now and then kaya siguro gano'n na lang alala lagi nina Mama na huwag akong palabasin.

Mabilis lang naman kami nakatapos, binayaran ko na rin 'yung kinain namin kahit Gazer was insisting na ibawas ko na lang sa sweldo niya 'yung kinain niya. Loko-loko talaga siya, ako nga manlilibre pero sobrang persistent pa rin.

"Is this the Plaza?" I asked Gazer ng huminto kami sa may harapan ng malawak na lugar na maraming tao. May mga stall din sa paligid at malinis ang lahat tignan kahit na parang may mga pulubing nakatira sa gilid-gilid.

Gazer nodded at me kaya binuksan ko na ang pinto ng kotse atsaka lumabas. Sinundan niya naman ako at sinamahan maglakad papasok pero bago 'yun ay dumukot muna ako ng iilang pera sa bag ko bago binigay do'n sa isang matanda na nanghihingi ng pera sa gilid.

"I am unaware if this is allowed since it has come to my concern that giving money to beggars could get you arrested but here. Bumili po kayo ng makakain at maiinom." Nakangiti kong saad doon sa matanda na halos lumuwa rin ang mata ng bigyan ko siya ng isang libo. 

Katulad na katulad ng reaksyon niya ang reaksyon ni Gazer kanina, nagtataka pa siya at parang hindi naintindihan ang sinabi ko pero ipinagsawalang-bahala ko na lang 'yun kasi baka ibalik niya ang pera.

"Bili po kayo ng makakain." Ngiti ko at ng tumalikod ako sakanya ay halos ilang beses ako mapakurap ng makita ang mga batang pulubi na nasa likod ko na, parang nanghihingi rin sila ng pera at naalala ko bigla 'yung mga bata sa probinsya dahil sakanila kaya walang pag-aatubili ko silang iginiya sa may mga stall.

"Pili lang kayo, ako na magbabayad." Ngiti ko kaya kanya-kanya rin 'yung saya nila. And oddly, that warmed my heart because I've never done this before except now kasi ngayon lang din naman ako nakapunta rito.

Well, if I can help then why not, right?

Bahagya pa akong nahiya kasi kanya-kanya silang cheer at halos nakaagaw na rin sila ng atensyob mula sa ibang bumibili at sa mga tindera't-tindero ng street foods. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pasimpleng pandidiri ng iba sakanila at parang gustong umikot ng mata ko dahil doon.

"Why are you guys just staying outside? Don't you have a family?" Tanong ko sa isa sa mga bata. Napakamot naman siya ng ulo.

"Ate...hindi pa po ako nakapag-aral kaya hindi ko po naintindihan ano po sinabi niyo." Sagot niya kaya napakurap naman ako.

"Oh. I-I mean, bakit kayo nandito? Wala ba kayong pamilyang inuuwian? Nasaan si Mama't Papa niyo?" Sunod-sunod kong tanong. Nakita ko pa na bahagyang nalungkot ang bata pero pilit niya 'yun itinago gamit ang malawak na ngiti.

"Patay na po Mama't Papa ko 'e. Wala na rin po kaming magulang lahat dito. Galing po kasi kami sa Mindanao tapos namatay po pamilya namin 'nung may nangyari roon na gyera raw po. Hindi na rin po kami nakapag-aral." Magiliw niyang saad, he's even fidgeting his fingers na parang nahihiya siyang sabihin 'yun kaya napatingin ako kay Gazer na malungkot lang na nakatingin sa'kin.

"Di bale, babalikan ko kayo rito. Stay lang kayo rito lagi at mag-iingat kayo, ayos ba 'yun? Ngayon, kain ka muna ro'n at mukhang gutom ka na talaga." Ngiti ko bago tinuro 'yung inihain ng tindera na hindi ko alam ang pangalan. Lumipat naman ulit tingin ko kay Gazer pagkatapos mabilis na tumango at tumakbo ro'n ang bata.

"What's that?" Tanong ko sakanya habang tinuturo ang kinakain ng mga bata na parang sabaw tapos may karne at noodles.

"Pares 'ata 'yan, Ma'am. Masarap 'yan. Gusto niyo po tikman?" Magiliw niyang saad. Tumango naman ako.

"Ipapatakeout ko lang. Dadalhan ko sina manang sa bahay." Ngiti ko, "But... uh, can you order for me?"

"Sige po ba!"

Hindi ko napansin na hindi pala siya nakahingi ng pera at namalayan ko na lang na nagbayad siya ng limang pares para sa lahat; para sa'kin, sa tatlong manang ko sa bahay, at sakanya. 'Nung binigyan ko naman siya ng pera ay agaran niya 'yun tinanggihan but I insisted.

Binayaran ko na rin 'yung pares na kinain ng mga bata at nagtatalon ang puso ko sa tuwa ng makita kong sobrang saya nila habang nagpapasalamat at kumakain.

"Ate, pabigyan na rin po sila ng tubig o softdrinks. Heto po bayad tapos 'yung sukli po, pakibigay na lang po sakanila." Sabi ko bago nag-abot ng isang libo sa tindera. Nagkatinginan naman sila ng kasama niya habang napapatingin sa'kin.

"Kaganda mo po tapos ang bait mo pa." Nakangiti niyang komplimento pero mabilis ko 'yun na inilingan at pinasalamatan na lang bago bumaling sa mga bata na busog na busog na.

"Ate, salamat po!" Sabi ng isa.

"Ma'am, salamat po!"

"Salamat po, ate!"

"You- I mean, walang anuman! Basta nabusog kayo, ah?" Ngiti ko na siya namang sinang-ayunan nila. Hindi na rin ako nag-atubiling mamaalam at umalis kasi naengganyo akong tikman 'yung ibamg street foods dito gawa rin ng excitement ni Gazer habang nag-oorder kanina.

"Ano ba tawag dito?" Turo ko sa isang kulay kahel na bilog. Tumabi naman si Gazer sa'kin atsaka ngumiti.

"Kwek-kwek po 'yan. Tapos heto, isaw, tapos fishball, flat na fishball, kikiam, dynamite, atsaka tempura, may fries rin, Ma'am." Sabi niya habang tinuturo isa-isa ang mga nakahain pero dahil parang masarap naman lahat ay inutusan ko siya na mag-order ng tiglilimang batch bawat isa. Bahagya pa siyang nagulantang pero sumunod din naman siya.

I picked a card from my wallet atsaka naman 'to binigay sa tindera bago pa ko maunahan ni Gazer pero napakurap ako ng sabi nila hindi raw sila tumatanggap ng black card.

"Hala! Wala pong credit card dito, Ma'am. Local Plaza lang kasi, cash lang po tinatanggap nila." Sabi ni Gazer, napakamot pa siya ng ulo.

Napakurap naman ako bago dumukot ulit ng isang libo sa bag ko at binigay 'yun sa tindera, "Oh. Oh my, I'm so sorry. I didn't know."

"Ayos lang ho 'yun. Nakita po namin ginawa niyo ro'n sa mga bata. Ay, kabait niyo pong tao atsaka ang ganda niyo pa." Puri niya habang may malaking ngiti sa labi pero gaya ng kanina ay mabilis ko lang siyang winala bago kinuha ang mga inorder namin.

Iginiya rin ako ni Gazer sa isa sa mga bench. Binigay ko rin sakanya 'yung tig-iisang baso ng kwekwek, isaw, fishball at lahat-lahat.

"Ubusin mo 'yan." Utos ko, "Joke. Just eat what you can. Huwag kang mahihiya. Gayahin mo 'yung mga bata kanina."

Napatawa naman siya atsaka kumain na lang, "Nakakatuwa rin po sila."

"Yeah. It kinda saddens me that that happened to them at such a young age. Poverty really is dangerous especially here. I might just participate on a charity or sponsor them if I have time." Kibit-balikat ko bago sinubo 'yung orange na bilog kanina. May itlog din pala siya sa loob at nagningning 'ata mata ko sa sarap 'nung manguya ko na siya.

"Ang sarap pala nito." Bulong ko.

"Ayon nga po. Marami talagang mahihirap sa bansa, Ma'am. Lalo na mga magsasaka tsaka mangingisda. Hindi kasi sila pinupuhunan ng gobyerno minsan tapos inaalmahan pa ng iba na tamad daw sila kaya mababa sweldo nila." Malungkot na saad ni Gazer bago sumubo sa kwek kwek na binili niya gamit sarili niyang pera. Ayaw na raw niyang pagastahin ako kahit piso sakanya.

Tumango naman ako sa sinabi niya, "Poverty is scary. But what's scarier is the people neglecting them. Those people could get themselves in danger din dito if things won't go well minsan."

"I might just really sponsor all of them quite some time. I just need to a free schedule." Sabi ko.

"Alam mo, Ma'am. Nagtataka talaga ako bakit ka tinatawag na 'maldita' ng mga kasama mo sa trabaho. Hindi pa po nagtatagal serbisyo ko sa inyo pero alam kong mabait kayo 'e." He opened up na siya namang ikinatawa ko nang bahagya.

Yeah, I got called "bossy" and "maldita" most of the times by my staffs because I'm strict. But I don't mind it because I want an efficient work to be done. Ayoko ng palpak sa trabaho at mas lalong ayoko umulit-ulit kasi sayang 'yun sa oras.

"Ayos lang sa'kin 'yun." Sabi ko, "It doesn't matter as long as I know who I am."

Natahimik naman si Gazer 'nung sinabi ko 'yun kaya nilingon ko siya at napansing nakatingin sa'kin 'yung halos kulay itim niya ng mata. Dark brown 'ata mata niya pero hindi pa rin halata kasi may glasses siya. Bahagya pa siyang napakurap ng mahuli ko siyang nakatingin sa'kin.

"Ang lakas niyo po, Ma'am." Puri niya, namumula pa ang tenga habang pilit na iniiwas ang paningin sa'kin.

Ang cute niya talaga mag-react! Hindi niya matatago lahat ng ekspresyon niya kaya bahagya pa akong nakaisap ng kademonyohan dahil do'n.

"Malakas ako sa'yo?" Biro ko bago natawa dahil mas lalong namula ang tenga niya, umabot pa nga sa leeg niya!

"Joke lang, Gazer. Kumain ka na lang diyan. Mangyayari ulit 'to kaya asahan mong need ko ulit ng assistance mo when it comes to this kind of foods. Ang sarap pala nito." Sabi ko bago sumubo ulit.

"Asahan niyo po ako riyan, Ma'am!" Magiliw niyang sambit. Sumaludo pa siya na parang panungkulin niya iyon kaya tuluyan akong natawa. Saglit ko pang nakalimutan mga problema ko sa trabaho dahil sa kompanya niya.

Gazer Vuerrero never fails nga.

Continue Reading

You'll Also Like

314K 3.4K 32
Life is unfair. That's it. Klariziee Riela Cuevas, an innocent girl who's willing to do everything to achieve her dreams and finish her studies despi...
8.6K 689 44
"Nang dahil sa pagmamahal na naramdaman ko, naramdaman niya at naramdaman naming lahat. Maraming nasira, maraming nagulo." - Naffera Date Started: M...
40.3K 977 34
As a Lawyer, you justify the truth and fight for it. You obey almost all rules and laws, how about the Law of Love? Meet Atty. Ainah Silvestre, a gor...
444K 10.5K 87
I may not be the epitome of a perfect guy, but I promise to be the best father for her and no one will ever love, care, protect and cherish her bette...