One Hundred Fifty

By Rigggell

457 114 48

Fifty, Fifty, Fifty A writing challenge for myself is to create fifty poems, fifty essays, and fifty one-shot... More

POETRY
01 - Sky is You
02 - Unknown Shepherd
03 - 8 Letters
04 - The Purple that got Away
05 - March to Revolution
06 - Fireflies
07 - I'm a Girl
08 - Stoned Place with a Cross
09 - Unbeliever Says
10 - Above All
11 - Paddle Away Ginger Fur
12 - Too Much
13 - Starry Starry Night
14 - Essence
15 - It's hard when you're lazy
16 - It's hard for a first step
17 - It's hard when you have dreams
18 - Thoughts, no title
19 - Sleepy Moon
20 - Baloon
21 - Holes in our Clothes
22 - Paghihintay
23 - Jealousy, Jealousy
24 - Piles of Darkness
25 - My Sleepless Night
26 - Under the Box
27 - The First Bloom of Season
28 - Your enemy
28 - The Late Visitor
29 - Under the Stars
30 - How does love bloom?
31 - Like a Candle
32 - Worthy is Your Name
33 - Weep of a Sheep
34 - Depth of an Ocean
35 - Like a Hypocrite
36 - People Around Me
37 - The Girl with A Beer
38 - The Edge of the Rainbow
39 - Words in Flesh
40 - It's Been Awhile
41 - Nostalgic Raindrops
42 - Why I Escape Writing
43 - What if?
44 - Mirror
45 - You're not kind, you're a fool
46 - My Art
47 - During the Moment I Killed Myself
48 - It Was Love, Until I Saw You Naked
49 - Seventeen
50 - Pangakong Pula
51 - Dito sa gantilyo
52 - Once Upon a Time
53 - I Want To Go Back
54 - Grieve
55 - Life is not simple anymore
56 - Keep my Flower Alive
57 - My Father as an Army
58 - Vanishing Me
59 - Ballistic
60 - Where are you?
61 - She Fell First
62 - Disgrace
63 - Hole Hole Hole
64 - ???
65 - Her Spotlight
66 - Forgotten
67 - backwards
68 - I remember the Rosary
69 - More
69 - on the bus
70 - Look at me... please
71 - Maroon is Underrated
72 - Terza Rima "I"
73 - My Leaf of Ages
74 - Roses became blue
75 - Vilanelle "Row Row"
76 - Turning pages of Anne Frank
77 - Winter when thou will come?
78 - Sunsesoro
ONE SHOT
01 - Paulo's Penitence
02 - Stars Grant Wishes
03 - Boulder
04 - Eiffel Tower
05 - Soldier's Diary
06 - Depression with a Cat
07 - Coronation
08 - Father's Day
09 - Writer's Block
10 - Between The Smoke
11 - See Through Hands
12 - Eel with Soysauce
13 - Judgement Bites
14 - Feelings
15 - What The Sword Can't Break
16 - That's all that Matter (Feelings .2)
17 - Against The Wind
19 - The Singing Bird
20 - Inside the Car, Inside the Computer
21 - Stefano
22 - Your Beauty
23 - Turn Off the Lights
24 - A Serenade at a Sea
25 - Isang Sapad ng Dahon
26 - Three Hours
27 - A Novice Wish
28 - Tidal
29 - As a Stranger
30 - Stages of Suppression
31 - The Art of Letting Go
32 - What's the Difference?
33 - Who Needs Help?
33 - Magic Box
34 - The Tree of Estrella
35 - My Blood
36 - Beauty and the Beat
37 - Efflorescence
38 - My Girlfriend, Monica
39 - Just One Day
40 - Pack of Cigarettes
41 - The Clueless Writer
42 - Windows
ESSAY ENTRIES
01 - Writer's Voice
02 - Fiction: The Land of Daydreaming
03 - Rock Bottom of Faith
04 - Tips For Lazy People?
05 - Success is the Enemy
06 - The Puzzle Love Theory

18 - Free to Go

0 0 0
By Rigggell

Agad kong sininghot ang simoy ng hangin at tinignan ang mga nagsasayawang bulaklak, mga tuyong dahon na nahuhulog mula sa matayog na puno at ang sinag ng araw na ilang taon ko ring hindi nakita.

'Eto na pala ang Pilipinas.

Lumingon ako sa pinanggalingan ko, sumaludo sa mga pulis at nginitian ang mga ito. Sa wakas... Malaya na ako.

Una ay wala na akong mga kamag-anak, kung meron man ay sigurado akong hindi na ako makikilala o kaya naman ay hindi na ako gugustuhin pang naroroon. Pagkatapos ba naman ng anim napung taon na pagkakakulong dahil sa ilang beses na murder na ginawa ko ma'y dahil naman sana sa kabutihan...

Ngunit walang naniwala, hindi rin naman kasi kapanipaniwala.

"Espiritu, buti at nakalaya ka na."

"Anong sunod, Sir?" Tanong ko sa sinaluduhan kong pulis.

"Wala. Mag hanap trabaho, makakain?"

Agad naman akong napangiti. Bitbit ang kulay brown kong suitcase na freebies sa kulungan. Nakapagpaalam na ako sa mga naging kaibigan ko na nag bagong buhay na, sana ay mag kita kita kami at malapit na rin ang paglaya nila. Siguro mga limang taon nalang rin.

Napatingin ako sa paglalakad ko, lahat ay may sukbit na bagong teknolohiya, cellphone. Touch screen. Dati ang naabutan ko palang ay ang Nokia na cellphone na nagmamakaawa pa ang mga pinsan kong kailangan na kailangan daw nito pero gusto lang naman ng text mate.

Noong panahon ay may naka-text rin akong kaklase ko bago ako nasabak sa ganitong gawain. Ang pag paslang sa mga taong gumagawa ng illegal na bagay, binabayadan ako kapalit ng buhay ng mga taong pinaghihigantihan nila. Bago ko naman iyon gawin ay inaalam ko muna ang totoong kwento saka ko huhusgahan kung karapa't dapat ba talaga ang kamatayan dito.

Pero nagkamali ako.

Mali na nilagay ko ang hustisya sa mga kamay ko.

Dahil hindi ibig sabihin na pinatay mo ang taong nag dulot ng pasakit saiyo ay namatay narin ang pasakit na naiwan nito. Dahil hindi. Patuloy ang galit, patuloy ang hinanakit, gaano ka man matuwa sa nangyayari sakanilang karma, hindi mawawala noon ang sugat sa puso mo.

Walang magandang dulot ang paghihiganti. Napagtanto ko ito ng minsang ako na ang gumawa nito. Nang minsang ako na ang nagalit, namatay man s'ya, hindi parin nawala ang galit sa puso ko.

Hanggang sa tinanggap ko nalang ng paunti unti. Na hindi perpekto ang tao, at walang makakasakit sa'yo ng walang permiso mo. Kung kaya't kusa na akong sumuko at sinumbong rin ang mga nagbayad sa'kin...

Ngayon ay matanda na ako. Sa edad na 75, hindi ko alam kung may tatanggap pa ba sa'kin.

Ano nga ba ang bagong laya sa mundong ito? Totoo bang malaya na ako?

"Lolo kasi, ano ba yan! Ako na nga lang gagawa!" bulyaw saakin ng manager ng restau matapos kong hindi maaninag ang baso sa pagsasalin ko ng lemonade mula sa pitcher.

"Pasensya na po." Sagot ko naman...

Sa dalawang linggo kong pag hahanap ng trabaho ay 'eto lang malaki laki ring karindirya ang tumanggap sa'kin. Paano ay dadalawa nalang sila at nalaman ko na kung bakit. Masama ugali ng manager. Sigaw dito, sigaw doon, mura dito, sumpa doon. Sinong gaganahan magtrabaho? Mabuti nalang at sanay na ako. Sa mga preso ba naman sa kulungan na asta sindikato dahil sindikato naman talaga. Wala lang ito sa'kin.

Pero nakakamangha lang. May mga tao parin kasi talagang ugaling preso kahit nasa labas ng rehas o kailanma'y hindi pa nakulong.

"Alam n'yo Lo, kung hindi lang ako naawa saiyo naku, walang tatanggap saiyo. Walang kasing bait ko ang tatanggap sa layang preso, tapos matanda pa! Pabigat pa! Ayusin mo naman trabaho mo Lo, naku. Wala ka bang pambili ng salamin??"

Napailing nalang ako habang naghuhugas ng mga pinggan. Inalis ko na ang apron at saka nito inabot saakin ang 250 na sweldo mula sa maghapon. Ang baba pero ano pa nga ba ang aasahan ko para sa isang ex-convict?

Naglakad na ako pauwi, may nakuha akong mababa lang ang renta na 2000, pwede kong pag ipunan ng isang daan kada isang buwan, may one thousand pa ako. Tapos ay may 150 pa para sa mga gastusin ko, libre naman na ang pagkain sa karindirya na pinagtatrabahuhan ko. At sapat na ang buhay.

Sa paglalakad ay napagmasdan ko ang binti ko na puno na ng kulubot at ugat. Bakas ng katandaan. Bakas ng karanasan. Napakarami kong napagdaanan sa kulungan, napaaway, muntik ng mamatay, nadagdagdan ang sistensya, puro kaharasan. Kung kaya't ang paglalakad sa matinong daanan na ito, ang marahang pag kislap ng buwan at ng bituin sa kalangitan na kay itim ay pinagpapasalamat ko na sa Diyos.

Kung hindi dahil sa mga pari na nagmimisa sa loob ng kulungan ay hindi ako magkakaroon ng kaliwanagan kung ano nga ba ang tunay na kapayapaan.

May biglang tumama sa ulo ko.

Pag tingin ko sa kung anong nahulog sa baba ay isang latang walang laman.

"Ay, sorry tanda. Paabot nalang sa trash can."

"Hoy siraulo ka."

"Shh, dati yang nasa kulungan ano ka ba."

"Hoy takbo. Murderer yan baka ikaw ang sunod na biktimahin!"

"Eh di wow."

Hindi ko na nilingon ang mga halatang kabataan pa lamang. Bakit ganoon?

Nasa kulungan man ako ay walang nagduda doon sa mga pagbabago na ginawa ko...

Napabuntong hininga nalang ako. Kahit sa mga pinag-applya-an ko na trabaho ay agad na umiiling kapag nakikita ang record ko. Masisisi ko ba sila? Bakit pa kaya ako pinalaya ng gobyerno kung wala man lang silang balak na akuin ulit ako?

"Huling sweldo mo na yan."

Agad na ininangat ko ang paningin sa Manager. "Ho?" Tanong ko ng may galang kahit mas matanda pa ang boses ko.

"Umuunti ang costumer! Paano ay usap usapan na bagong laya ka kaya ayaw na dito mag sikain!" Nakakunot na noo nito.

Tumango tango ako. May magagawa pa ba ako? "Sige. Pero pag isipan mong mabuti, Rury, baka dahil talaga d'yan sa bunganga mo at umaayaw sila. Puno ng tsismis ang karindiryang ito na maski ako ay nagdududa kung paano nila kinakayang makakain dito ng malaya."

"Aba, Lolo! Sumusobra ka na!"

Tinalikuran ko nalang ito at saka agad na umuwi. Nilapag ko ang maleta na una kong dala sa pagkalaya ko. Kung ano man ang reaksyon ko noong una kong pagtapak sa labas ay taliwas sa muka ko ngayon.

Anong gagawin ko, mamalimos? At ano? Makaramdam nanaman ng pagmamalupit mula sa husga ng mga tao na akala mo naman ay binasa ka mula sa umpisa hanggang dulo?

Mapaaway hanggang sa hulihin ako at ibalik... sa kulungan?

May parang ideya at bumbilya na lumabas mula sa utak ko!

Agad kong kinuha ang patalim mula sa maalikabok na banig na binenta saakin sa halagang bente pesos.

Umalis ako ng bahay na mukang hindi ko na marerentahan pa.

Dumiretso ako sa isang gasolinahan. Sakto ay tulog ang boy at tanging ang cashier na babae na nasa convenience store ang kasalukuyang naglilinis ng mga table sa loob. Agad ko itong pinasok, pumunta sa likod ng cashier at niyakap ito sa may balikat, saka tinutok ang patalim sa leeg.

"S-sir... Maawa po kayo sir. Wala pa po kaming benta Sir."

Hinigpitan ko ito at bahagyang nagkasugat ang leeg nito, dumugo. Pasensya ka na, walang personalan.

"Tumawag ka ng pulis."

"Opo! Hindi ako ta- po?"

"Sabi ko tumawag ka ng pulis!" Pinakawalan ko ito at tinutok parin ang kutsilyo sakan'ya. S'ya naman ay nagaalangan, nakataas ang dalawang kamay habang umaatras papunta sa counter.

"Dalian mo!"

Napapitlag ito at tumango tango, hawak hawak ang dumudugong leeg. Nako napalalim ko siguro yung sugat.

Mayamaya pa ay nakatutok lang ang patalim ko sa muka n'ya. Nakatitig lang rin ito saakin, takot na takot.

"B-bakit n'yo po t-to ginagawa?"

"Sa tingin mo?"

"Gusto n'yo pong makulong?"

Ngumisi lang ako at tumango ng marahan. "Oo hija. Kaya wag kang mag-alala at hindi ako kukuha ng benta, ni patayin ka ay hindi. Kailangan ko lang itong gawin para sa CCTV, isumbong mo 'ko na may balak akong kunin ang pera, isama ka at kunyari ay re-reypin pa kita."

Kita ang pag-aalangan sa muka. Nilamigan ko ang titig ko sakan'ya. "Naiintindihan mo?"

"Opo opo."

Ilang minuto pa ay tumunog ang sirena. Kahit kailan ay huli sila. Kung totoo ang ginawa ko kanina ko pa siguro nasimot ang tindahan na ito at marahil ay napatay ko na ang dalaga.

Tinutukan ako ng baril ng dalawang pulis pero sumuko nalang ako agad. Mahirap na kung mag aasta pa akong nag iinarte at mapaputokan pa, matamaan pa si ineng.

"Welcome back, Ito!"

"Ba't ka bumalik? Ta's wala ka man lang pasalubong!"

Natawa ako at pinagha-high five-an ang mga nasa selda na nadaanan namin.

Eto talaga. Itong mga taong 'to ang walang husga saakin. Marahil ay dahil sila ang pinakanahusgahan kung kaya't sila ang mas nakakaintindi.

Hinarap ako ng pamilyar na pulis. "Dito ka sa dating selda mo, Espiritu."

"Nadagdagan ang sistensya mo at sinaktan mo ang babae, sabi pa ay may balak ka pa daw reypin s'ya. Kay malas mo naman."

Napangiti ako.

Yes!

Continue Reading

You'll Also Like

151K 3.4K 60
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
22.6M 795K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
3.9M 158K 69
Highest rank: #1 in Teen-Fiction and sci-fi romance, #1 mindreader, #2 humor Aaron's special power might just be the coolest- or scariest- thing ever...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...