A Change of Heart

By Dreamerearth

2.2K 110 21

El Belamour Series #4: A Change of Heart --- Lykadine is the family breadwinner and an ambitious person who a... More

DISCLAIMER
El Belamour Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40

Chapter 12

32 3 0
By Dreamerearth

UMAGANG-UMAGA pa lang, malawak na ang ngiti kong nakapaskil sa labi. Hindi ko man siya naalalayan na pumasok sa kuwarto niya at para doon matulog, at least nakapagnakaw ako ng ilang minuto para titigan siya mula sa sinag ng ilaw sa balcony.

Balak ko pa sanang panoorin siyang matulog dahil natutuwa lang akong pagmasdan ang maamo niyang mukha, pero baka maalimpungatan siya at mahuli nila ako ma'am.

Huminto ako sa pagwa-walis, hinintay kong dumaan sa akin. Nakangiti lang akong pinapanood ang pagmartsa niyang nakapamulsa at gaya ng dati, itim lahat ang suot niya. Pero napansin kong tila nakusot na papel ang mukha niya.

Binalewala ko at kumaway sa kaniya. "Good morning," masayang pagbati ko nang dumako sandali ang tingin niya sa akin.

Umawang lang nang maliit ang labi ko, nakita pa sa gilid ng mata ang pagtayo nang maayos ni Ate Ana at sinundan ng tingin si Aquilla.

Dinaanan lang niya ako na para bang tuyong dahon lang sa hardin nila. Huni ng gate ang kumalabit sa akin para lingunin ang ginagawa niya.

Inilabas niya ang isang kamay. Nag-away ang susi at iba pang nakasabit sa paraang nagbabanggaan. Busina ng kotse niya ang pumainlanlang at pagsara ng pinto ng kotse ang ginawa. Hindi man lang siya nagbalak tumingin kahit segundo bago pumasok sa loob.

Wala akong maaninag pero nanatili akong nakatingin. Bawat atras niya, nagwawalis din ako.

"Mababasag iyang bintana ng sasakyan, Lyka."

Dumilat akong nailing sa boses ni ate sa tabi ko. Binalingan ko siya. Nakatingin lang din sa lumalabas na kotse.

"Magbihis ka na. Hindi ba sabi mo uuwi ka sa inyo?"

Napatango ako. Mabuti pinaalala niya dahil muntik ko na namang makalimutan. Kinuha niya sa akin ang walis tingting.

"Dalawang araw ka roon?"

"Isang gabi lang, ate. Uwi rin ako bukas," sagot ko habang nagmamartsa palayo.

Tinatamad akong umuwi sa amin pero kailangan dahil nasabi ko sa kanila. Kung hindi ko siguro narinig iyong usapan nina Maritoni at papa, excited akong umuwi.

Nakakawalang-gana ang umuwi. Baka harap-harapan na sa aking sabihin na kulang ang perang iniabot ko. Kung sa bagay, nagtatrabaho naman ako para sa kanila.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit kaya pa nilang unahin ang bisyo nila kaysa sa mahahalagang bagay?

Masaya bang unahin ang bisyo? Ano'ng mayroon at hindi nila maisip na dahil sa ginagawa nila ay kaya kami mahirap?

Ano kaya ang pakiramdam ng magulang na walang bisyo? Masaya kaya? Siguro hindi kami ganito kahirap kung walang bisyo sina mama at papa. Siguro masaya kami. Siguro nga talaga.

Bumuntonghininga akong nakihalo sa agos ng mga tao. Imbes na dumiretso sa sakayan at umuwi na sa amin, iba ang pinuntahan ko.

Iwinagayway ko ang mga palad na parang luyloy na. "Bili na kayo, mga suki! Bili na!" malakas kong pagtawag sa mga dumadaan.

"Bangus! Bangus! Bili na, bangus kayo diyan!" sigaw noong ale na nasa tapat ko.

May bilao rin siya kung saan naka-display ang bangus na benta niya. Sa tabi niya, may isang malaking palanggana na naglalaman ng tilapia. Sumulyap ako sa tatlong timba sa tabi ko.

Ubos na iyong isang timba. Mas malakas ang bentahan kapag mga pasikat pa lang ang araw kasi mas maraming namamalengke ng ganoong oras. Kapag ganitong malapit na mag-tanghali, marami naman pero mga barat na ang mga namamalengke.

"Magkanoo isang kilo?" tanong ng babaeng tumigil sa tapat ko.

Tumingala ako. "One hundred seventy pesos, ma'am."

"Isang daan na lang. Dalawang kilo kunin ko," sabi niyang ikinailing ko.

"Ay, hindi, ma'am. Wala pa akong panigo."

Umalis siya, lumipat sa ale na katapat ko at doon siya nakabili. Kumibot ang labi kong nagwisik-wisik ng tubig sa bilaong nasa ibabaw ng may lamang mga bangus na timba.

"Mga suki, bili na kayo! Fresh na fresh pang gaya ko!" sigaw ko, iwinagayway ang palad para tawagin sila.

May bumiling isa, at isa pa, tapos nasundan pa ulit ng isa hanggang sa naka-apat pa akong benta. Biyayaan sana ng maraming pera ang mga hindi barat dahil alam nila ang hirap naming mga naglalako.

"Pakilinisan na mo na lang din, ading."

Tumango ako at tinanggalan ng palikpik ang isda, kaliskis at hasang.

Sigaw lang ako nang sigaw, nakikipagtagisan sa mga kapuwa ko naglalako rin. Palakasan kami. Ginagamit ang palad bilang pamaypay para tuyuin ang lumalabas na butil ng tubig sa noo ko, sa patilya at sa leeg. Naghahalo-halo ang lansa ng samu't saring klase ng isda.

Isang ale ang tumapat sa akin matapos niyang ikutin ang bawat tindera at tila nakikipagpatawaran siya, pero hindi pinagbigyan. Ako na lang yata ang naiwang alas niya para pagbilhan ng isda.

Nakangiti ito sa paraang nagmamakaawa pa dahil nahuli ko ang pagkinang ng mga mata niya.

Tumango siya. "Isang daan na lang, neng. Pag-sukian na natin."

Umiling ako nang nakangiti. "Hindi, ate. Mahal ang isda ngayon."

*

Kapag nasa bayan kang naglalako, hindi mo talaga mapapansin ang oras. Punuan na ang bus papunta sa amin. Makikipagsiksikan na naman akong parang sardinas at mangangawit naman ang paa ko dahil sa haba ng pila.

Maayos kong itinali ang plastic ng pinamili kong mansanas at saka ipinasok sa tote bag na sukbit ko.

Dadaan muna ako kay Sabina para magpalit at mag-shower. Pagkaangat ko ng tingin, umawang ang labi kong naging hugis holen pa ang mga mata sa laki.

Kinusot ko ang mga mata. Kumurap ako sabay dilat nang maayos. Totoo ba itong nakikita ko?

Isang kulot na lalaki ang nakasandal sa pinto ng kotse niya habang ang isang kamay ay nakatago sa bulsa ng pantalon, samantala, ang isang kamay ang hawak niya ang phone at nakatingin siya roon.

Inilapit ko ang ilong sa kuwelyo ng suot kong pink na t-shirt. Napapikit ako sa amoy. Pagdilat ko, inamoy ko rin ang manggas ng t-shirt ko pati ang palad at pulsuhan.

Ganito niya ako makikita? Nakakahiya. Lumingon ako sa kanan sabay sulyap sa kaniya. Kung tatakbo ako, mapapansin niya ako. Kung tatayo lang ako, mapapansin pa rin niya ako kapag naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya.

Nagpakawala ako ng hangin. "Sir Aziel?" patanong kong pagtawag sa kaniya kahit sigurado akong siya ito.

Pagkaangat niya ng tingin, nagpaulan ako ng magkasunod na tanong, "Bakit ka nandito? May hinihintay ka?"

"I am waiting for you." Ngumiti siya.

Namulagat akong itinuro ang sarili. Tinititigan ko siya nang maigi kung lasing ba siya o hindi pa nahihimasmasan, pero napakaaliwalas naman ng mukha at nakangiti pa. Ano'ng nakain niya?

"I just assumed you would be here," simpleng sabi niya at umalis sa pagkakasandal.

Binuksan niya ang pinto ng kotse at may dala na siyang paper bag pagkaharap sa akin.

"I want to give you this."

May guhit sa noo kong tinanggap iyong iniabot niya. Sosyal ng paper bag. Duda akong para sa akin talaga ito. Baka magpapatulong na iabot ko sa taong napupusuan niya.

"Nag-abala ka pa." Sinilip ko kung ano ang laman sa loob. Nandilat ako at bumilog ang labi kong tumingin pabalik sa kaniya. "Sigurado kang akin ito?"

Tumango siya. Ibinaba ko ang isa pang tote bag na bitbit sa lupa at isinandal ko sa binti. Dinampot ko ang itim na bag. Hindi ordinaryong chain lang iyong strap dahil sobrang bigat niya at hindi madaling kalawangin. Alam kong hindi tunay na ginto, pero sobrang kinang.

Pagharap ko, may magkabilaang letrang "c" ang magnetic lock. Makintab siya at tila balat pa ng isang hayop ang ginamit. Pagtingin ko sa loob ng bag, naghugis diyamante yata ang mga mata ko. Matigas sa loob. Tumutunog kapag kinakatok ko.

Binusisi kong maigi. Makintab siya, masyadong mahal para gawing panghampas sa mga tao.

Tumingin ako. "Talagang para sa akin ito?"

"An apology for my behavior this morning."

Lumapad ang ngiti ko. "Alam mo," natutuwang sabi, ibinalik sa loob ng paper bag ang binigay niya. "Ayos lang na magtampo ka basta may laging ganito." Kumindat ako pero dalawang mata ang pumikit dahilan para matawa siya sandali.

Niyakap ko ang paper bag sabay langhap ng mamahaling amoy. Ayaw kong gamitin kaya ibebenta ko ito kapag nangangailangan ako.

Araw-arawin na lang niya para laging may regalo ako. Mapapakinabangan ko pa dahil malaki ang kikitain.

"I acted like that because it's my grandparents' anniversary."

Sumeryoso ako sa narinig. Kaya pala mukha siyang nagmamadali at parang wala sa sarili kanina. Nabanggit din pala niya kagabi ang tungkol dito.

Lumiit ang ngiti ko pero hindi ko ginawang pilit. "Hindi mo sila nakikita pero sigurado akong nasa tabi mo lang sila."

Kinagat ko ang labi. Mali yatang nagsalita pa ako. Pumalakpak ang hangin habang nakatingin lang siya sa akin.

Natuwa ba siya sa sinabi ko? Wala yatang epekto sa kaniya.

"You're going somewhere?" pagpansin niya nang mapadako ang tingin sa bag na bitbit ko.

"Uuwi ako sa amin. Nangako kasi akong matutuloy na ako," sagot kong isinabit sa balikat ang paper bag.

"I suppose I don't need to go home today."

Nag-angat siya ng kamay, inaabot ang bag na inilapag ko kanina pero agad din niyang binawi.

"Let's go?"

"Ha? Saan?"

"To your house."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sasama ka?"

Pasimple siyang tumango. Hinawakan ang strap ng bag na nakapulupot sa daliri ko. "I don't want to go home." Iniangat niya iyong bag kaya sumama pati ang kamay ko.

Inagaw ko ang bag sa kaniya. "Ah . . . eh . . ." Ngumiti akong sinulyapan ang kotse. "Ang bango ng kotse mo, hindi bagay sa tulad ko." Yumuko ako at dahan-dahan kong hinawi ang mga daliri niyang nakayakap sa tali.

"Huh? Why?"

"Amoy isda ako. Kagagaling ko lang maglako." Iminuwestra ko ang sarili. Imposibleng hindi niya ako naaamoy.

Dumikit pa man din ang amoy sa damit at balat ko. Imbes na ang malanghap niya ay mabango, magiging malansa. Isa pa, ayaw kong makaabala sa kaniya.

"I don't care about the smell." Kinuha niya ang bag sa akin at binuksan ang pinto sa likod at pinasok doon ang bag ko.

Inilahad niya ang kamay, gumalaw ang mga daliri niya na para bang pinapalapit ako. Itinuro niya ang tote bag.

Humigpit naman ang kapit ko sa tali ng nakasukbit na bag sa balikat.

"Mayroon pa ba?" kunot-noong tanong niya.

Segundo kong kinagat ang pang-ibabang labi. "Hindi kasi nila alam na nagtatrabaho ako sa inyo."

Wala siyang narinig. Kinuha pa rin niya iyong bag ko at pinasok sa loob. Lumapat ang kamay niya sa balikat ko 'tsaka marahang itinulak paabante.

"Then permit me to apologize by taking you there." Itinulak niya ako ulit at pinaharap sa kabilang pinto ng kotse niya.

Umiling ako. "Okay na ito. Sobra na."

"I'll go home later at night. Just let me go with you."

Ngumiti akong nakalabas ang ngipin. "Maalikabok doon at saka maraming taong tsismosa. Baka makarating sa kanila ma'am na pumunta ka roon."

"It's none of their business." Pilit niya akong pinayuko pagbukas ng pinto.

Tikom ang bibig kong ngumiti. Wala na akong nagawa noong siya mismo ang magkabit ng seatbelt. Umikot siya at sa likod niya inilagay ang paper bag, kasama iyong iba ko pang dala.

Malambot ang upuan, pero matigas iyong sandalan. Malamig at tahimik, tapos parang hindi nila maririnig kapag sisigaw ako sa loob, maliban na lang kung buksan ko iyong bintana. Maraming pipindutin sa harap at may maliit na screen. Map yata ang naka-flash. Amoy bulaklak din.

Umayos ako ng upo pagpasok niya sa loob. Kinain ko ang dila ko. Hindi ako nagsalita hanggang sa mapansin kong nasa kalsada na kami, nakabuntot sa kotseng nasa harap.

Itinuon ko lang ang buong atensyon sa labas ng bintana. Saka lang ako lumingon sa kaniya noong mapansin kong bumagal ang takbo at napupunta sa gilid iyong kotse. Tuluyang nawala ang tunog ng makina, mas lalong naging tahimik.

Sumulyap ako kung saan kami tumigil. Maraming naka-display na tinapay at cake. Binuksan niya ang pinto.

"Saan ka pupunta?"

"Wait here. I don't want to go empty-handed." Isinara niya ang pinto.

Sinundan ko ng tingin ang pagpasok niya sa loob. Turo lang siya nang turo sabay bunot ng wallet sa bulsa niya sa likod ng pantalon.

"Akala ko ba ihahatid mo lang ako?" nagtataka kong tanong.

Inilapag niya sa harap iyong binili kaya nangibabaw ang amoy ng tinapay kaysa sa pabango ng kaniyang kotse.

"Can I not come to your house to visit your parents?" Bumuwelo ito ng ikot, sumingit sa linya ng mga kotse sa kalsada.

"Hindi naman . . ." Ngumiwi ako nang maliit. "Magulo kasi sa bahay-hindi naman sobrang magulo, pero kasi . . ." Kinamot ko ang siko. "Complicated iyong sitwasyon ng pamilya ko."

Matipid akong ngumiti sa kaniya noong balingan ko. "May misunderstanding na hindi nila alam at hindi ko rin alam na mayroon pala." Nagkibit-balikat ako. Gumawa pa ng tunog iyong pabagsak kong pagdapo ng palad sa nakabukas kong kamay na nasa ibabaw ng hita.

Nagkamot ako ng noo. "Basta ganoon. Ang hirap ipaliwanag. Magulo." Ngumiti ulit ako, sinulyapan ang mga kamay sabay baling sa sasakyang nasa unahan.

"Kaya mo ba silang i-handle kapag nakita ka nila?" tanong ko.

Gusto kong tumanggi at sabihing ihatid na lang niya ako sa sakayan ng bus, pero nakalampas na kami. Maraming taong naghihintay, pila-pila. Libre na rin ito, hindi na ako mamamasahe at idadagdag ko na lang sa ipon ko.

"Well, let's see."

"Ayaw lang kitang idamay. Hindi pa kasi nare-resolve iyong problema." Itinupi ko ang palad pero nasa ibabaw pa rin ng hita ko. "Gusto ko kapag bumisita ka, okay ang pamilya ko para hindi nakakahiya sa'yo."

"It's okay. I won't insist. Just let me drop you off there." Sobrang liit ng ngiti niya. "And give them this bread in my honor." Tinapik niya ang nakasupot na tinapay sa harap habang nakatingin sa akin.

Ngumiti na ako at sinamahan pa ng pagtango. Bumalik ang atensyon niya sa kalsada nang umandar ang kotseng nasa harap.

Hindi ko inalis ang tingin sa kaniya. Bumaliktad na yata ang mundo. Kinakausap na niya talaga ako.

Tandang-tanda ko pa iyong dati na halos hindi siya magsalita sa akin kahit kinakausap ko siyq. Naalala pa kaya niya ako? Alam niya kayang naging magkaklase kami sa maikling panahon?

Sana hindi matapos ang mga ganitong araw. Kahit kausapin ko lang siya dahil alam ko namang wala akong pag-asa sa puso niya. Ayaw kong ipahalata at sana hindi niya napapansin iyon.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 22.2K 58
Tris Aiden Mendoza... a name that women actually hate but women ridiculously love. They hate him for being a heartbreaker and veteran in popping a wo...
1M 25.5K 51
Highest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that t...
33.5K 924 36
Paano nga ba kapag ang amo mo ang makakatuluyan mo? At paano nga ba kapag dumating ang araw na pinaghiwalay kayo ng tadadhana sa hindi inaasahang pan...
7.2K 323 43
[COMPLETED] After all that happened, Amora was still in pain but she forced herself to continue. She got a new job and she also continued her studies...