LIVING WITH MY EX

Por Thaeryzxia

8.4K 1.2K 3

I didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong... Más

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Final Chapter

Chapter Nineteen

157 31 0
Por Thaeryzxia

"Ikabit nyu, oh god!" Stress na napatampal ako ng noo dahil nalaglag na naman yung christmas lights.

"I told you kumuha na lang tayo ng magde-decorate dito." Inis na sabi ni Ashna.

"Puro ka ganyan. Ayaw mo talagang nag eeffort no?"

"Bakit ako maghihirap kung hindi naman kailangan. Maraming paraan dyan bakit gustong gusto nyung nahihirapan kayo." Inis nitong sagot.

"Ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo. Basta ang hindi tutulong hindi makakapasok sa bahay na to sa araw ng pasko!" Sigaw ni Veyra. Natawa ako at napapahid ng pawis sa noo. 10 pa lang ng umaga pero naliligo na ako sa pawis. Ako kasi nag ayos ng mga lights kanina sa labas.

"Tita Ash ano pong gift nyu sa akin?" Tanong ni Aera.

"Bahay." Biro nito. Napasimangot si Aera at tumalikod.

"Sa susunod na natin gawin to, malayo pa naman yung pasko." Sabi ni Ashna. Napairap ako dahil kanina pa ito todo reklamo.

"Daddy! Food?" Napalingon ako nakitang pumasok si Karic kasama si Alius at Dyson.

Napataas ako ng kilay ng makitang dumiretso si Alius sa tabi ni Ashna at may sinabi rito. Hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala si Karic dahil bakafocus ako kina Ashna.

"Sila ba?" Bulong ko kay Karic, parang kasi eh. Di kaya secret lang kasi ex ni Ashna si Rius tapos Magkapatid pa si Rius at Alius.

"No, they're more like enemies." Napairap ako dahil yun palagi ang sagot nila kapag nagtatanong ako tungkol kay Ashna at Alius. Hindi naman sila magkaaway, minsan lang naman sila nagsasagutan.

"Gago bakit mo nilagay dyan!? Bitawan mo nga yan, wag kayong mangialam dito. Di naman kayo marunong." Hinampas nito ang kamay ni Alius at tinulak palayo.

"Ikaw marunong ka? Eh rinig na rinig ko yung reklamo mo dun sa labas. Ash yung boses mo abot hanggang gate ng village." Oa na sabi ni Alius.

"O talaga? Singlaki kasi ng parol na to ang butas ng tenga mo kaya rinig na rinig mo." Nakairap nitong sabi.

"Ganun ba kaya pala halos mabingi ako kapag nasa ka—" nanlaki ang mata ko ng bigla nitong lagyan ng tinapay si Alius sa bibig nito.

"Kapag may lumabas pa kahit na isang letra dyan sa bibig mo. Hindi mo ko makikita ng isang buwan." Wow! May paganun?

Natawa si Dyson at napangisi naman si Karic. Napatikhim  si Alius at kinain yung tinapay.

Napatingin ako kay Aera na tahimik na kinakain yung Ice cream nito na dala ni Karic.

"Sweets again." Sabi ko at tinignan ng masama si Karic. Ngumiti lang ito niyakap ako.

"Alis, punong puno ako ng pawis."
"And then?" Walang pakialam na sabi nito.
"Karic." Seryosong sambit ko sa pangalan nito. Napabuntong hininga ito at umalis sa tabi ko. Lumapit ito kay Aera at doon umupo.

"Uuwi ba si tita, bro?" Tanong ni Dyson.
"Knowing tita Kris hindi uuwi iyon. Maybe next year pa. Sa pagkakaalam ko kakarating lang nya sa L.A eh." Sagot ni Veyra.

"How about your parents love?" Tanong ulit ni Dyson.

"Mas gugustuhin nilang magcelebrate ng christmas sa gitna ng dagat, as always."

"True but i think kuya will go home." Napatigil ako sa ginagawa ko at napaangat ng tingin.

"May kuya ka?" Gulat kong tanong. Napakunot noo ito ng napatingin sa akin.

"Yeah, bakit parang di mo alam? Naging professor natin sya noon sa college." Napakunot noo ako at inalala kung totoo ba.

"Seriously you don't remember him, sya yung pinakabata na professor natin noon pero ngayon gurang na sya he's already 30 at wala pa ring asawa." Really? Hindi ko talaga maalala eh.

"Anong bang pangalan?" Tanong ko na ikinatingin ng masama ni Karic sa akin.

"Im just asking okay?" Agad na depensa ko at baka iba na naman ang iisipin nito.

"Vinzo, professor Silva." Napatakip ako ng bibig at nanlaki ang mata ko.

Damn! He's my one and only Crush. Oh god sya yung kauna unahang crush ko eh.

"Finally remember him?" Napakagat ako ng labi at saka marahang tumango.

"What the heck. Namumula tenga mo" Bulong ni Veyra sa akin. Nanlaki ang mata ko at napatakip ng tenga. Napatingin ako sa iba at hindi naman sila nakatingin sa amin. Except Karic, he's glaring at me right now.

"May gusto ka ba kay kuya?" Nakangising bulong nito sa akin.

"Hindi ko nga masyadong kilala tapos magkakagusto pa ako. Okay ka lang?" Pagsisinungaling ko at lumayo.

"What's that?" Napatingin ako kay Karic ng makapasok ako sa kwarto namin. Akala ko ba sumama sya kina Dyson.
"Ang alin?" Tinignan ako nito na parang bang alam ko na ang tinutukoy nito. Pero tinignan ko ito ng nagtatanong na expression.

"Why did you blush?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"Did I? Baka guni guni mo lang yun." Napakagat ako ng labi ng hapitin ako nito palapit sa kanya. Umupo ito sa kama at napaupo ako sa gitna ng mga binti nito. Halos gahibla na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"K-karic."
"Sinungaling." Napangiti ako ng bigyan ako nito ng halik imbes na mainis o magalit.

"I know you have a crush on him." Nanlaki amg mata ko sa sinabi nito.

"W-what? Saan mo naman nakuha ang fake news na yan?" Napasinghap ako ng humigpit ang hawak nito sa bewang ko.

"I saw it in your eyes, everytime he's talking to us. I can see the emotions that i didn't see when you're with me." Nawala ang ngiti ko ng makitang may dumaan na sakit sa mga mata nito. Napahawak ako sa balikat nito ng binaon nya ang mukha sa leeg ko.

"I still can't understand why did you treat me like that. I feel like Im a fucking air and nobody to you. I am your boyfriend for fuck sake but you treated me like a stranger."

"I-im sorry...." yun lang ang lumabas na salita sa bibig ko. I don't know what to say. Wala akong alam sa mga ganoong bagay noon. Bata pa lang ako nakaukit na sa utak ko ang mag aral ng mag aral. Wala akong kaibigan noon at tanging alam ko lang sa mundo ang magbasa ng mga libro.

Nag angat ito ng tingin at nginitian ako. "Hindi ko alam kung bakit sayo pa? I didn't know how did i survive in that fucking 3 years while I am waiting for you. Damn ilang ulit ko nga bang hiniram ang mga notes mo para mapansin mo ako. I even buy you a lot of books but hell thank you ka lang ng thank you. Seriously aren't you curious why am I doing that."

W-what? Sya yung nagbibigay sa akin? Marami namang nagbibigay sa akin noon ng libro kasi akala ko mababait lang sila at gusto lang nila akong bigyan. May meaning pala yun?

"Alam mo bang malapit nakong magpa-party sa University sa sobrang saya ko ng sagutin mo ako, but fuck bigla ka na lang nawala after two months." Parang may pumisil sa puso ko ng makitang tumulo ang luha nito

"Tangina malapit ko ng isipin noon na kinulam mo ako dahil bakit ganun ako kabaliw sayo?" Tumawa ito ng mahina. Pinahid ko ang mga luha nito at niyakap ito ng mahigpit.

"Im sorry." Paos kong sambit at ako mismo ang humalik sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon. Napatigil ito at di makapaniwalang tumingin sa akin. Ngumiti ako at hinalikan ito ulit. At first di ito gumagalaw pero unti unti itong ngumiti at sinagot ang halik ko.






"Mama!" Napakunot noo ako ng marinig ang boses ni Aera sa labas. Napadilat ako at babangon na sana ng may gumalaw sa tabi ko.

"Shit!" Bulalas ko at napahigpit ang hawak sa kumot na nakabalot sa katawan ko ng maalala kung anong nangyare kanina.

"Karic gising nasa labas si Aera." Umungol ito at humigpit ang yakap sa akin. "Karic ano ba! Gising nasa labas nga si Aera. Bwisit kapag nakita tayo ni Aera sa ganitong sitwasyon I swear—" napatigil ako ng mabilis ako nitong binigyan ng halik sa labi at saka bumangon.

Nauna itong magbihis at pinuntahan sa labas si Aera. Namula ako ng makitang nakakalat ang mga damit ko.

Hiyang hiya ako ng makababa ako at nakitang nakangisi ang magkapatid na nakatingin sa akin.

"Akala ko ba maliligo ka lang? Naligo rin naman kami pero nakapagtanghali na at nakabalik sa pagdedecorate." Agad na sabi ni Veyra ng makalapit ako.

"Binigyan ata ng quality time yung pagshampoo at pagsabon. Mukhang nilabhan na rin nya yung damit nya sis." Natawa si Veyra at napangisi naman si Ashna.

"Ano na? Wala bang story telling dyan?"
"What?" Maang-maangan ko.
"Akala ko nga mag aaway na eh. Nakita ba naman ni Karic na namula ka nung marealize mo kung sino si Kuya. Naku! Halos mamatay yun noon kakaselos kay kuya eh."

"Totoo ba talagang crush mo noon si Kuya?" Tanong ni Veyra.

"Oo nga! Ayaw mo kasing maniwala. Kitang kita kaya noon. Kaya nga nagtaka ako kung bakit di nya maalala si kuya, eh crush nya yun noon." Nanlaki ang mata ko na napatingin kay Ashna. Napansin nya rin noon?

"Oh gulat na gulat ka?" Malditang tanong nito.

"Kaya pala inis na inis si Karic noon kay Kuya. Akala ko noon may tinatagong galit yun pala selos. Ano nagalit ba si Karic sayo sis? Ay imposible naman ata. Kaya ba nyang magalit sayo?" Tanong ni Veyra.

"Nakita kong namula ka kanina pero di na kita tinukso kasi nakita ko yung mga mata ni Karic. He's really into you, siguro natrigger yung feelings nya ng mabanggit si kuya kanina." Napatango tango ako. Kaya pala biglang nagdrama kanina.

"Sino ba namang hindi. Itong bato na to na libro lang ang kilala may crush kay kuya, hindi ba matatakot si Karic?" Napairap ako

"Crush lang naman. Crush na hindi pagkakagusto. Hinahangaan ko yung kuya nyu noon kasi naging professor sya sa murang edad. You know gustong gusto ko na kasi noon na magkaroon ng profession. Kating kati na akong grumaduate at magkaroon ng trabaho. Your brother is really smart, akalain nyu yun kakagraduate nya lang nakuha agad sya na professor sa university natin sa sobrang talino nya. Isa sa mga kilala ang school natin noon kaya nakakahanga talaga para sa mga kakagraduate pa lang ang matanggap sa school natin." Mahabang paliwanag ko.

"Huminga ka sis parang di kana makahinga kanina eh. Ang dami mong sinabi. Alam ko naman yun na wala kang gusto kay kuya, yung ibig kong sabihin may nakakuha kasi ng atensyon mo maliban sa libro, pero kasi bakit namula ka pa kanina. Tanga lang?." Sabi ni Ashna.

"Kating kati makagraduate, yan tuloy literal na makati hindi nakagraduate." Nanlaki ang mata ko at malakas na hinampas si Ashna ng unan. Malakas namang napatawa si Veyra at hinampas rin si Ashna ng unan.

"Sinasabi mo bang malandi ako? Excuse me pinilit lang ako ni Hira na uminom para may kasabayan sya kasi nahihiya syang makisabay sa inyo noon." Dahilan ko.

"Nahihiya? Pero may plano na pala ng gabing iyon. I wonder kung kasama ka ba sa plano nya, I mean plano rin nyang lasingin ka ng gabing iyon." Parang nablanko ang utak ko sa sinabi ni Ashna

"Never ba syang napakita ng ugali na naiinggit sayo?" Tanong ni Veyra.

Puro ka libro! Tangina samahan mo naman akong magbar. Hindi ka naman matutulungan ng mga libro kapag may nangyare sayo. Ako tinutulungan kita kung may problema ka, kaya pagbigyan mo na ako please...

Napailing ako at inalis ko sa isipan ko ang bagay na iyon.

Kinagabihan dito na rin sila kumain ng dinner. Halos dito na nga tumira si Ashna at Veyra dahil araw raw sila nandito.

"Bukas let's go shopping ulit ha. Napagod ako sa pinanggagawa kanina. Magspa tayo o kaya magpanails, nasira yung kuko kanina tangina kasi ng Alius na yun." Reklamo nito habang papalabas ng bahay.

"Ano yan? Bakit ko na naman narinig pangalan ko, maghintay ka mamaya babanggitin mo rin pangalan ko ng paulit ulit—Fuck!" Sigaw nito ng sipain ito ni Ashna ng malakas sa binti.

Napakunot noo ako dahil di ko magets ang sinabi ni Alius.

"Reklamo ka kasi ng reklamo wala ka namang ginawa simula ng makarating ako. Ako sumalo lahat ng gawain mo." Dagdag pa ni Alius. Napataas ako ng kilay at tumingin kay Ashna. Nagyabang pa kanina na sila tumapos ng pagdecorate.

Inirapan lang nito si Alius at humalik sa pisngi ko bago nagpaalam na aalis na. Nginitian ako ni Veyra at nagpaalam na ring aalis.

Kinabukasan maaga pang pumunta sa bahay si Ashna, nag aaya ng magmall. Malala na ang sakit nito sa pagshoshopping.

"Seryoso ka? Hindi pa ako nakakapagsuklay ng maayos, hindi pa ako nakakapagkape at breakfast tapos mall agad?" Matamis na ngumiti ito at tumango.

Napabuntong hininga ako at nilagpasan ito. "Bakit ba ako ang kinukulit mo ngayon? Nasaan na kapatid mo?" Tanong ko.

"Maagang kinidnap ni Dyson." Napasimangot ito at tumabi sa akin.

"Manang ako rin please...." malambing nitong utos sa kasambahay namin ng makitang binigyan na ako ng breakfast.

"Hindi ka pa nagbre-breakfast?" Tanong ko. Umiling ito at nagpasalamat kay Yaya Esi ng mabigyan na ito ng breakfast.

"Si maldita nagka-klase na?" Tumango ako at sumubo ng pancake.

"Mam excuse me ho pero may bisita ho kayo sa labas." Napakunot noo ako at tumingin kay Ashna.

"Bisita? Wala naman na akong kilala maliban sa inyo." Nagtatakang sambit ko.

"His or her?" Ashna ask.

"P-po!? Ah.... h-his po Mam." Natawa ako ng mahina ng biglang nagpanic yung katulong.

"Dis you ask his name ba?" Tanong ulit ni Ashna.

"Rigon daw po Mam yung palaging nagpapadala ng bulaklak kay Mam Zertyl." Napakunot noo si Ashna at nagtatanong na tinignan ako.

"God! It's your fault" inis kong sabi ng maalala ang matandang yun.

Napataas ito ng kilay at tinuro ang sarili." What did i do?" Tanong nito.

"Kung bakit mo pa kasi binigay yung adress ko." Napakunot noo ito unti unting nanlaki ang mata. Napahagalpak ito ng tawa na ikinairap ko.

"Seriously!? Damn he's crazy." Di makapaniwalang sabi nito.

"Ang tagal na ah." Napailing ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Papasukin mo." Nanlaki ang mata ko at agad na pinandilatan ng mata si Ashna.

"What? This is fun." Natatawang sabi nito. Gaga nasaan ang fun doon? Buti na lang at maagang umalis si Karic ngayon.

Napatingin ako ng makitang pumasok yung matanda. Nakanganga ito habang pinapalibot ang tingin sa bahay.

"H-hi!" Gulat nitong sabi ng makapasok sa sala.

"Wow your boss house is so big!" Napatigil ako sa pagsubo sa sinabi nito. Nabulunan naman si Ashna at natawa ng makainom na ng tubig.

"Oh you're also here, is she your boss?" Tanong nito at tumingin sa akin. Mas lalong natawa si Ashna at napahampas pa sa mesa.

"Am i wrong?"

"Babe!?" Nanlaki ang mata ko at kinabahang napatingin kay Ashna. Napatigil ito sa pagtawa at napatakip ng bibig.

"What's wrong who's that?" Naguguluhang tanong ng matanda.

Seguir leyendo

También te gustarán

4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
202K 5.2K 35
HALOS matumba ako sa lakas ng sampal ni mama sakin. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa oras na iyon.Its all my fault kong bakit nagkaka ganito kami. ...
236K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
49.9K 1.5K 38
Siya dapat ang tatay pero para siya ang nanny. Siya dapat ang nanny pero siya pa 'tong parang baby. At higit sa lahat siya ang baby pero para sila na...