LIVING WITH MY EX

By Thaeryzxia

8.4K 1.2K 3

I didn't hide your daughter, you're the one who hide from your daughter, Karic. "Oo nga at di kita masyadong... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Final Chapter

Chapter Sixteen

190 32 0
By Thaeryzxia

"Mangoes! I can climb Daddy!" Excited na tumakbo si Aera sa puno ng mangga.

"Thaeryxia!" Sigaw ko ng akmang aakyat nga ito. Agad na lumapit si Karic at binuhat ang anak ko. Nakita kong may binulong ito na ikinanguso ni Aera.

"Let's choose the yellow one." Sabi ko ng makalapit. Ito ang kauna unahang prutas na nakita namin. Hindi ko alam kung makakabalik pa ba kami since kanina pa kami naglalakad, well kasama naman namin si Karic so maybe wala namang problema.

Gusto nila na maghiwa-hiwalay kami sa paghahanap para daw marami yung makukuha namin, pero parang imposible naman iyon dahil lahat ng nakikita ko na puno rito hindi namumunga.

"Mama is that kubo?" Napatingin ako sa tinuro ni Aera at may nakita ngang maliliit na bahay medyo malayo sa amin. Napatingin ako Karic na busy ngayon sa panunungkit ng Mangga.

"Okay na yan. Is it safe ba kung pupunta tayo doon." Tinuro ko ang nakitang mga kubo ni Aera.

"I don't know, let's try." Nilagay nito ang mga mangga sa bag na dala namin at saka kami lumapit doon sa may kubo.

Gulat na napatingin sa amin yung matandang lalaki na maghuhukay sa taniman.

"Magandang umaga po, dito po kayo nakatira?" Napakurap kurap ito at hindi nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa akin kaya tumikhim si Karic.

"Merang!" Napaatras ako ng sumigaw ito at saka pumasok sa kubo.

Nagkatinginan kami ni Karic, inakbayan ako nito at hinapit sa bewang.

"Ay susmaryosep mga porener ba to?" Ngumiti ako sa matandang babae na lumabas at nagpakilala.

"Camping?" Tanong nito at saka napakunot ng noo. Napatingin ito kay Aera na ngayon ay tumutulong na kay Mang kanny na manguha ng kamote.

"Hay naku ang mayayaman nga naman oh , hindi naman siguro kayo namutol ng puno?" Agad na napailing ako

"Mang Kanny eto na po yung pin—" nanlaki ang mata ko ng makita si Alius na may dalang mga halaman kasama si Ashna na nakasimangot.

"Luh ginagawa nyu dito?" Tanong nito ng makalapit.

"You know them?" Tanong ko

"Ay kilala nyu si Aloy iha? Mga police rin ba kayo?" Napakunot noo ako sa sinabi ng matanda. Napailing at natawa si Alius.

"Minsan ako napatulog dito habang gumagawa ng mission." Bulong nito sa akin at saka nginitian yung matandang babae.

"Mga kaibigan ko ho Nay! Sabi ko sa inyo nag a-adventure kami rito eh!" Nanlaki ang mata ko nang hinampas nito ng mahina ang matanda na parang magtropa lang ang mga ito.

Kinausap nito ang matanda at pinaliwanag kung bakit kami nandito.

"Saan kayo galing?" Tanong ko. Napataas ako ng kilay ng namula ito at napaiwas ng tingin.

"Basa ka."
"H-huh?" Parang tangang tanong nito. Napaawang pa ang labi nito at wala sa sariling pinagdikit ng todo yung mga binti nya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong nito. Napakunot noo ako dahil parang may kakaiba rito. Si Ashna pa ba to?

"Basa ka, look at yourself basa yung damit mo." Napakurap kurap ito at biglang natawa na parang tanga.

"Ah... is this what you mean? You know may falls doon kung saan nanguha ng gulay si Alius na utos nung matanda." Sabi nito at tinuro yung matandang babae.

"Minsang nagkaroon ng mission dito si Alius about sindicate, dito sila nagtago. Nagpakilalang pulis si Alius dahil di naman nya pwedeng sabihin yung totoo. By the way may mga tao banda roon malapit sa falls." Mahinang paliwanag nito.

"Naligo ka?" Tanong ko pero di naman masyadong basa ang buhok nito.

"Y-yeah..." sagot nito. Napakagat ito ng labi at tumayo.

"Hey maldita what are you doing?" Tanong nito habang papalapit sa pwesto nila Aera.

"May napapansin ka ba kay Ashna?" Tanong ko ng umupo si Karic sa tabi ko. Hindi ito sumagot at yumakap lang sa akin. Parang pipi talaga to, minsan lang kung magsalita.

"Napapansin mo ba palagi silang nag aaway pero palagi rin naman silang magkasama." Natawa ito.

"I don't know anything babe." Napaismid ako at tumayo.

"Mama they said na pwede daw tayong magdala nito." Nakangiting pinakita nito sa akin ang kamote. Napangiwi ako ng makita ang kamay nito na punong puno ng dumi at mukhang ginamit pa nito pamunas sa noo nito dahil may dumi rin doon.

"Karic." Tawag ko rito. Tumayo ito at lumapit sa amin. "Do you have some wipes or towel?" Tanong ko. Umiling ito at napatingin kay Aera.

"What did you do young lady?" Natatawang tanong nito at nilabas ang phone. Anak ng! Nang-picture pa nga...

"Don't worry let's just wash ourselves doon sa falls..... dali!" Excited na sabi ni Ashna at inaya kaming sumunod sa kanya. Nagpaalam muna kami doon sa matanda at sinundan si Ashna. Naiwan doon si Alius dahil parang may ginagawa ito sa likod ng kubo.

"We're here na, see maraming tao dito. Doon sa hindi masyadong malalim maraming naglalaba doon." Turo nito sa malayo. "Don't worry hindi naman napupunta sa pinapaliguan yung tubig na nilalabhan nila dahil sa iba naman yung agos ng tubig doon papunta." Tumango na lang ako dahil wala naman akong pakialam.

"Where's my sister?" Nagkibit balikat ako at tumapak sa bato batong daanan na may tubig na.

"We can already wash ourselves here but mas maganda kung doon tayo." Excited namang sumama si Aera kay Ashna. Napalingon pa ito sa ama na may pangamba.

"I won't go anywhere." Sabi ni Karic kaya naman sumama na ng tuluyan si Aera kay Ashna.

"Don't you want to go there?" Tanong nito habang nakamasid sa anak.

"Wala akong dalang damit ayokong maglakad pabalik na basang basa." Sagot ko at umupo sa malaking bato. Hanggang tuhod lang yung tubig sa pwesto namin kaya niroll ko pataas yung pajama na suot ko. Nagulat ako ng may tumalsik na tubig sa amin.

"Ayy sorry po." Malanding sabi ng babae habang nakatingin kay Karic. Nagtawanan ang mga ito at parang mga tanga na nagtulakan.

Napakunot noo ako ng makitang lumapit ang mga ito kay Karic at kunwari naglalaro ng tubig.

"Hala sorry po ulit." Natawa ako ng sarcastic dahil kitang kita naman na sinasadya nila iyon. Napataas ako ng kilay ng naghagikgikan ang mga ito at tinulak yung isang babae malapit kay Karic. Tatayo na sana ako ng simpleng umiwas si Karic at di sinalo yung babae kaya natumba ito sa tubig. Napakagat ako ng labi para pigilang mapangiti. Di ko alam kung matatawa ba ako o ano.

Blankong tinignan lamang sila ni Karic at saka tinalikuran. Lumapit ito sa akin at inaya akong puntahan si Aera kaya tumayo na ako. Hinapit ako nito sa bewang at inalalayan sa paglalakad.

Napalingon ako at nakitang nakatulala lang sila habang papaalis kami. Nanunuyang nginisihan ko ang mga ito kaya sinamaan nila ako ng tingin. Natawa ako ng mahina at napailing.

"Daddy!" Napatingin sa amin ang lahat ng sumigaw si Aera. Nakita kong nagbulungan yung ibang naliligo.

"Susmeyo marimar, kay gwapo naman!" Rinig kong sabi ng nanay.

Binuhat nito si Aera kahit na basang basa ito. "Are you done? We need to go back now." Napasimangot si Ashna ng marinig ang sinabi ni Karic.

"Nagsisimula pa nga lang kami eh, hindi pa namin naeenjoy yung tubig." Reklamo nito habang umaahon.

"Sinabi ko bang kasama ka? You can stay here if you want. We are not forcing you to leave." Napaawang ang labi nito at naningkit ang mga mata nito. Natawa ako ng inis na sinabuyan ni Ashna ng tubig si Karic.

"Hoy tangina ba't ang tagal nyu." Napalingon ako at nakitang papalapit si Alius. "Magtatanghali na pero wala naman tayong nakuhang mga pagkain, ikaw bakit ka naligo ulit di pa ba sapat yung nangyare sa likod ng falls—" napatigil ito ng itulak ito ni Ashna sa tubig kaya nahulog ito.

"Putangina!" Agad na mura nito ng makarecover sa paghulog.

"Let's go, iwan na natin yan." Sabi ni Ashna at nauna ng naglakad.

Tutulungan ko sana si Alius sa pag ahon nang hawakan ni Karic ang kamay ko at hinatak na paalis.

"Tito Alius faster po!" Sigaw ni Aera na nakangisi habang buhat ni Karic. Napailing ako at umalis na rin. Walang dalang jacket si Karic kaya naman hinubad na lang nito ang t shirt na medyo basa na rin at pinasuot iyon kay Aera dahil nilalamig ito kapag humahangin.

Napatikhim ako at umiwas ng tingin dahil wala na itong suot pantaas. Nagulat yung mga matanda ng makabalik kami.

Nang makabalik kami sa bahay ng matanda pinadalhan nila kami ng kamote at iba pang mga gulay. Binigyan rin nila kami ng mga saging, hinog na papaya at buko.

Doon sa dinaanan namin halos walang puno na namumunga pero dito sa kanila. Maraming prutas dahil hilig magtanim ng mga puno yung matandang babae.

"Bukas iha susubukan ng asawa ko na makahuli ng mga isda, balik kayo sa susunod." Nakangiting sabi ng matanda. Nagvolunteer akong tutulong pero ang sabi malayo daw yung kinukuhanan nila kaya wag na lang.

Inabutan sila ni Karic ng pera para sa mga pagkain na pinadala nila pero ayaw nila itong tanggapin.

"Bata pa ako ng itanim ko ang mga punong iyan. Nakikita ko na kapag mapagbigay ako sa bunga nila. Masasarap at dumadami yung bunga nila." Natawa si Ashna sa sinabi ng matanda kaya pinaningkitan ko ito ng mata.

"Totoo iyon iha, kapag maramot ka. Umaasim yung bunga o kaya hindi masyadong namumunga." Totoo ba yun? Yun rin ang narinig ko sa kapitbahay namin sa probinsya eh, pero sa mangga naman iyon. Lahat ba ng prutas ganun?

"Jinojoke time lang ata tayo nung matanda." Sabi ni Alius habang naglalakad kami pabalik.

"Hayaan nyu na, ganun talaga sila marami silang pinaniniwalaan." Sabi ko.

"Totoo naman na maraming bunga yung puno nila kaysa sa iba."

"Masagana kasi yung lupa nila dito girl kaya ganun." Kontra ni Ashna.

"Maging grateful na lang po tayo kasi nagbigay sila ng foods." Sabat ni Aera na kumakain ng saging.

"See...Listen to my daughter Ash. She knows how to be grateful and appreciate small things unlike you." Ashna just roll her eyes.

Ng makabalik kami nandun na si Dyson at Veyra na tanging langka lang ang dala nila.

"What's that?" Tanong ni Ashna at kinuha yung langka at inamoy. Nagkibit balikat si Veyra.

"Gaga di mo alam? Bakit nyu kinuha, pano kung di pala pwedeng kainin to?" Lumapit ako at kinuha sa kamay ni Ashna yung langka.

"Yung seeds po pwedeng kainin. Ilalaga lang tapos pwede na pong makain. Minsan po ginagawang adobo ni lolo yung langka."

"Ang dami mong alam no? Tatawagin ka na ba naming master?" Natawa ako sa sinabi ni Dyson.

"It's true guys, we can eat it later. Mamaya sa hapunan ako na ang magluluto dahil wala naman akong aasahan sa inyo." Napahawak ng dibdib si Alius at nasasaktang tumingin sa akin.

"Ang sakit mong magsalita." Pagda-drama nito. Binatukan ito ni Ashna at inutusang kumuha ng tubig sa ilog.

"Si Rius naman! Anak ng kakarating lang natin inuutusan mo agad ako." Reklamo nito pero tumayo pa rin at kumuha ng timba.

"Hoy samahan mo ako!" Sigaw nito kay Rius. Tahimik na tumayo ito at kumuha ng container at saka sumunod kay Alius.

"Gagawa akong juice, may gatas ba dyan?" Tanong ko at kinuha yung hinog na papaya.  Tumayo si Karic at may kinuha sa cottage.

"Don't you need a blender?" Tanong ni Veyra. Nakakunot ang noo nito habang pinapanood ako sa paghiwa ng papaya. Umiling ako at kinuha kay Karic ang gatas.

Kumuha ng kutsara si Ashna at tumabi sa akin. Kumuha ito papaya at diretsong sinubo iyon.

"Shit! Ang tamis." Nakangiting sabi nito at sumubo ulit.

"Let's just eat this, wag mo ng gawing drinks."

"Marami naman sis, okay lang yan." Sabi ni Veyra at ginaya yung kapatid nya.

Ng makarating yung kambal. Nagsimula na ako sa pagluluto.

"Hugasan nyu yung mga gulay. Dyson can you cut that one?"

"Karic tingnan mo nga kung may manok pa dyan sa cooler."

"Marami pa dyan sis!" Sabat ni Veyra.

"Pakihiwa na lang agad, Alius pwede mo bang balatan yung langka. Ash magsaing ka, marunong ka na diba? Veyra pakitignan kung marami pang kahoy dyan." Mabuti naman at wala silang reklamo sa utos ko. Lahat kami busy at may ginagawa habang yung anak ko. Nakaupo lang na nakatingin sa amin at kumakain ng mangga.

Walang tigil ako sa kakautos hanggang sa maluto yung ulam.

"Gosh Im so tired." Pagod na umupo si Ashna sa loob ng cottage. Nilapag ko sa harapan nila ang mga ulam.

"What is this again?" Tanong ni Veyra.
"Monggo na may kalabasa! It's delicious po." Excited na sagot ni Aera at umupo sa tabi ni Karic.

"Kita mo na hindi na makikita yung manok. Sabi sayo dapat malaki yung hiwa eh, pinahirapan mo pa kami sa paghiwa ng maliit." Reklamo ni Dyson. Kung makareklamo to, eh konti lang naman yung nahiwa nya, halos si Karic ang gumawa ng lahat eh.

"Kumain na nga lang tayo, nagugutom na ako." Inis na sabi ni Ashna at nauna ng kumuha ng kanin.

"First time kong matitikman to, dapat masarap." Sabi ni Alius, tinikman nito ang ulam. Nanlaki ang mata nito at nagthumbs up sa akin.

"Sarap! Pwede na kitang pakasalan bukas." Natawa ako sa sinabi ni Alius.

"Really? Then you can't eat this." Kinuha ni Karic ang ulam sa harapan ni Alius.

"Gagii nag bibiro lang bro." Pagkatapos naming kumain. Nagaaway away pa sila kung sino ang maghuhugas nga mga pinggan. Tahimik lang ako at di nakisali. Bahala sila ako na nga ang nagluto ako pa ba ang maghuhugas.

"Itapon na lang po natin tapos mamaya sa dahon ng saging po tayo kakain." Natahimik ang lahat sa sinabi ni Aera. Nakahiga ito sa kandungan ng ama dahil pinapatulog ito ni Karic.

"Fine, I'll do the dishes." Sabi ni Rius at tumayo.

"Sige bro tamang behavior yan. Swerte natin kamay ng isang bilyonaryo ang maghuhugas ng pinggan natin." Napangisi ako sa sinabi ni Alius at napailing.

Nang makatulog si Aera ay nilipat ito ni Karic sa loob ng tent namin.

"Anong oras na?" Tanong ko habang naghahanap ng damit.

"It's 2 o'clock babe, where are you going?" Tanong nito ng lalabas ako ng tent.

"Maliligo ako, bantayan mo si Aera dito. Kasama ko si Veyra at Ashna." Magsasalita pa sana ito ng lumabas na ako ng tuluyan. Hindi naman ito makasigaw dahil tulog ang anak nito.

"Wag na kayong sumama. Maliligo kami." Sabi ni Veyra.

"Sasama ako." Seryosong sabi ni Dyson.

"Oo nga sasama kami, paano kung may mambastos sa inyo doon, manlalaban kayo tapos hahampasin kayo ng kahoy sa ulo. Mahihimatay kayo, tapos kukunin nila kayo at di na kayo makakabalik dito." Napaawang ang labi ko sa bilis ng pagkakasabi ni Alius.

"Idiot." Rinig kong sabi ni Rius.

"Nakainom ka ba ng gamot mo? Nababaliw ka na naman eh."

"Baliw sayo." Wala sa sariling napangiti ako kaya napaiwas ako ng tingin.

Shocks! Bagay sila......

"Gago! Umalis na nga tayo." Agad na tumalikod ito at naglakad paalis.

"What the hell is that, Alius?" Huling rinig ko habang papalayo na kami ni Veyra.

Continue Reading

You'll Also Like

202K 5.2K 35
HALOS matumba ako sa lakas ng sampal ni mama sakin. Tanging iyak lang ang nagawa ko sa oras na iyon.Its all my fault kong bakit nagkaka ganito kami. ...
9.6K 61 40
Bakit sa dinami rami ng pwedeng maging boss ko siya pa? I don't have any problem with anyone sa office aside sa naging boss ko. Anong gagawin ko?
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...