Her Savior

By Pijei_bi

1M 39.7K 9.4K

ProfessorxStudent Story!!! More

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 - END
Author's Appreciations
SC - The Epic & Unexpected Proposal
Not an update

Chapter 28

14.7K 611 201
By Pijei_bi

Isa lang ang masasabi ko! Ang OA ni Miss. Sumosobra na siya!

Ni sumama kay Rei, hindi niya ako pinapayagan, unless si Rei ang lalapit sa amin. She never leave her sight on me since earlier na nagumpisa ang tour namin. Buti pa nga si Brielle ay nakakalayo sa kanya kapag niyayaya siya ni Rei na magtingin tingin sa paligid, pero never ako.

Kahit umihi nga ay sinasamahan niya ako sa CR but of course not inside the cubicle. Nako! Ibang usapan na yon pag nagkataon.

Actually, every station na pinupuntahan namin, nagpapa-activity sa amin si Mrs. Solomon. No, scratch that, sa kanila lang pala dahil again, hindi ako pinapayagan ni Miss. Well, kahit naman hayaan niya ako, hindi ako sasali. Ayoko. But what surprised me was bantay sarado ako kay Miss.

Sa sobrang pag-aalaga at pagbabantay niya sa akin ngayon, dinaig pa ang mga paasa! Oo! Paasa si Miss. May pasabi sabi pa siyang stop my feelings tapos heto siya at parang girlfriend ko kung makabakod.

Bukod kasi kay Rei, niyayaya din ako ng iba kong mga kaklasi, pero hindi pa sila tapos magsalita ay pinuputol na sila ni Miss sa malamig niyang "leave" or "leave Mackenzie alone". Alone pero kasama ko siya. 🤦

"Our next destination is one of the famous strawberry farm here in Baguio -- blah blah blah"

Sinuot ko ang earphone ko at pumikit na lang dahil hindi naman ako interesado sa farm na yan dahil hindi rin naman ako kumakain ng strawberry.

Inaantok na ako dahil na rin sa pagod. Kahit naman kasi hindi ako pinapakawalan ni Miss ay hindi naman niya hinahayaang wala kaming gawin.

Kapag nag-aactivity sila, doon kami umaalis ni Miss para maglakad lakad. Minsan naiiwan si Brielle pero madalas ay kasama namin ito. Nagpapaalam naman si Miss Harper kay Mrs. Solomon kapag umaalis kami kaya malaya kami.

I often smile too on the thoughts that we really look like a family.

Patulog na ako ng maramdaman kong may kumandong sa akin kaya napamulat ako.

"I want here po." Bulong ni Brielle at sumandal ng payakap sa akin at pumikit. Aww. Such a cute little girl.

It feels like something has touch my heart on what she did.

Tumingin ako kay Miss Harper na nakatingin din sa amin. Tumango lang ito at pumikit na rin. Lalo akong napangiti dahil doon.

Nasabi ko na bang kahit saang anggulo ay napakaganda pa rin niya? Mukha siyang anghel na pinadala mula sa langit.

Bago pa niya sabihin ang favorite line niya kapag tinititigan ko siya ay umiwas na ako at ang anak naman nito ang tinignan ko. Tulog na ito. Ang bilis naman niya nakatulog. Sabagay ay pagod din siya kakatakbo at kakagala.

Inayos ko ang pwesto nito at pagkatapos ay pumikit na rin. Tahimik na ang sinasakyan namin dahil sa tingin ko, gaya namin ay pagod din sila. May dalawa pang natitirang location ang pupuntahanan namin, pero ramdam ko na ang pagod.

Alas tres palang pero parang alas sais na dahil sa panahon. Hindi kasi mainit, sakto lang, tapos medyo malamig pa.

--

"Mommy pretty, mommy pretty, wake up."

Nagising ako dahil sa pagtapik ni Brielle sa mukha ko. Tinanggal ko yung earphone na nakalagay pa rin sa tainga ko.

"What is it baby?" Paos ko pang tanong.

I yawned and look at the bus only to found out na wala ng tao maliban sa amin. Mabilis akong lumingon kay Miss Harper and good, she's here.

But wait... Asan ang mga tao?

"I want to pee po." Pagkuha ni Brielle sa atensyon ko. Nakakandong pa naman ito sa akin.

"Ganon ba? Teka lang baby, ha?" I said to her. Nagtitingin muna ako sa labas kung may malapit na cr pero wala. Hindi ko naman pweding iwan dito si Miss at baka magwala pag gising at hindi kami nakita.

Damn. Pano to? Hindi rin naman p-pweding hindi umihi ang bata. Baka magkasakit.

Nag-isip pa muna ako kung anong pweding gawin dahil ayaw ko din naman gisingin si Miss Harper. Mukhang ang sarap pa man din ng tulog. Gamit niya yung pillow neck ko dahil pinagamit ko ito sa kanya kanina since nasa may tabi naman ako ng bintana.

No choice! Saglit lang naman umihi si Brielle, right? Baka kayanin ko naman.

Tumingin ako kay Brielle na nakasandal sa akin at mukhang inaantok pa rin.

"Come on. Let's find a CR." Bulong ko sa bata at binuhat siya.

Dahan dahan akong tumayo at naglakad sa harap ni Miss at pinilit na huwag itong tamaan.

Napangiti ako ng makadaan ako at akmang aalis na sana ng magulat ako dahil may humila nalang bigla sa damit ko kaya agad akong napalingon dito.

"Where are you going?" Eh? Bat gising na agad to? Parang kanina lang ang himbing ng tulog e. Ang lakas naman ng pandama niya.

Hindi ko mapigilang mapangiti ng makita ko ang itsura niya. Ang ganda! Hehe.

Kahit bagong gising lang, sobra yung pagsigaw ng kagandahan niya. Nakakahibang!

"Mackenzie, I'm asking you."

"Ha- eh... iihi daw po si Brielle." Sagot ko dito.

Tumayo naman ito agad at tinanggal yung pillow neck na suot niya at nauna pang lumabas sa amin ng bus. Ibang klase.

Napailing na lang ako at sumunod sa kanya. Pagbaba ko ay nakaabang ito sa amin.

"Brielle, baby, come here." Tawag ni Miss kay Brielle at kinuha sa akin upang siya na ang bumuhat sa bata.

Naglakad na si Miss at sumunod naman ako dito. "Miss, asan po yung iba?" Tanong ko dito.

"Strawberry farm." Simpleng sagot niya.

"Bakit po iniwan nila tayo?" Parang batang tanong ko at nginitian si Brielle na nakatingin sa akin. She wink at me kaya napa tawa ako ng bahagya. Ang cuteee.

"Both you and Brielle were sleeping tight earlier. You even snore, so they did not bothe--"

"I don't snore." Pag putol ko dito.

Pumasok si Miss sa CR na nakita namin at ibinaba na si Brielle. Humarap muna sa akin ito bago sumagot. "Yes you are. You were just so loud earlier." Saad pa nito, at tumalikod muli at dinala si Brielle sa isang cubicle.

Pero hindi naman nakalampas sa akin yung pag angat ng gilid ng labi niya.

Huh! I know she's just teasing me cause I often record my self when I sleep just to make sure that I don't snore. Hehe.

Hindi ko na siya sinagot at sumandal nalang sa may sink.

Good thing walang tao- oh, speaking of.. may pumasok na dalawang babaeng matangkad dito sa loob.

Yung isa maputi at mas matangkad sa kasama, while yung isa, sakto lang. Ang gaganda nila. Hehe. Pero mas maganda si Miss Harper of course.

Naghugas sila ng kamay pagkatapos ay nag-ayos. Nandito naman ako sa dulo, kaya hindi naman siguro nila ako matatamaan or what.

Ang ganda ng mga pormahan nila. Yung mga nauuso ngayon.

Yung maputi, naka trouser ito na pinartneran ng spaghetti sando with sneakers, then may salamin na nakalagay sa may ulo niya. While yung isa naman, naka trouser din ito but short lang na pinarneran niya ng fitted crop top, then rubber shoes and may salamin din na nakalagay sa ulo gaya nung isa.

Medyo lumaki pa ang mata ko ng mapatingin sa akin yung mas matangkad at ngumiti. Nginitian ko lang din ito dahil bigla akong nataranta at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Iiwas ba ako ng tingin or what. Hehe. First time kasi to.

Nang makita nung kasama niya na nakatingin ito sa akin ay tumingin din siya at nginitian din ako. And of course, nginitian ko din siya. Hindi naman sila lumalapit, kaya okay lang. And isa pa.. andito naman sila Miss, so hindi ako mapapahamak.

"You're pretty." Wika niya na nagpagulat sa akin.

"H-ha? T-thank you. You too. Y-you're both pretty." Parehas silang ngumiti muli sa akin.

Aistt. Gusto kong sampalin sarili ko dahil nauutal ako. Nakakahiya.

Wait. Kailan ba ko nahiya at nakiusap sa iba? Goshh!

"Mommy!!!" Nanlaki ang mata ko ng bigla nalang lumapit sa akin si Brielle at sumenyas na parang gustong magpabuhat

Luh. Did she called me mommy? In front of Miss Harper?- wait. Bakit masama nanaman siyang makatingin? Ano nanamang ginawa ko?

"I'm done na po. Let's go na." Muling saad ng bata at tinaas muli ang mga kamay para magpabuhat kaya bumaba ako ng kaunti at binuhat siya.

Hinalikan pa niya ako sa pisngi kaya napangiti ako ng malawak.

Humarap ako dun sa dalawang babae para sana tumango - other way of saying goodbye pero nagtaka ako ng makitang nanlalaki ang mata nila na parang gulat. Eh?

"A-anak mo?" Tanong nung mas matangkad. Luh. Mukha na ba akong may anak?

"Ha -- Hin--"

"Yes po. She's my mommy and mommy ko din po yun. They are both my mommies po." Pagputol sa akin ni Brielle at tinuro pa niya si Miss Harper na nakahalukipkip malapit sa may pintuan.

"Eh? How come? They're both girls" Tanong naman nung isa.

"H-huwag mo nalang pansin--"

"London, let's go." Anak ng! Bakit ba ang hilig magputol ng mag-inang to?

Lumabas na ito at hindi man lang kami hinintay ni Brielle.

"Ha, una na kami. Hehe. Ba-bye." Paalam ko sa dalawa na nakatanga pa rin.

Ngayon lang ba sila nakakita ng ganon? Homophobic ba sila? Ha! Bahala sila.

Lumabas na ako ng CR buhat buhat si Brielle pero pagkakita niya sa mommy niya na akala ko ay iniwan na kami, agad itong bumaba at tumakbo papunta kay Miss, nakita ko pang parang tinarayan ako nito bago lumapit sa mommy niya.

Luh. Problema niya? Parang kanina lang nagpabuhat siya at hinalikan pa ako, ngayon tatarayan niya rin ako? Gosh! Harper II ba siya? Bipolar din.

Dahil sa bilis ng lakad ni Miss ay agad din kaming nakabalik sa bus.

Pumwesto muli si Miss dun sa pwesto niya kanina kaya umupo nalang din ako dun sa pwesto ko.

Humarap ako sa mag-ina pero hindi ko alam kung kakabahan ba ako, matatakot, or what.

Kahit kasi nakaharap si Miss Harper sa harap ay ramdam ko yung mabigat na awra niya, idagdag mo pa ang masamang tingin niya.

Bumaba ang tingin ko sa anak nito at gaya ni Miss, masama din itong nakatingin and guess what? Sa akin. Nang magtama ang paningin namin ay bigla ako nitong tinarayan at yumakap sa mommy niya. Problema nila?

King ina, may sumpa ba yung CR don at bigla bigla nalang silang nagtataray paglabas namin? Woah! Kailangan ng ipagiba yung CR na yon. Nakakasira siya ng mood!

Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita. "What happened?" I asked them pero hindi sila sumagot. Si Brielle ay iniwas pa ang tingin sa akin at tinalikuran ako. Anak ng!

"Miss Harper?" Mahinang tawag ko pero hindi pa rin siya lumilingon.

"Did I do wrong? Brielle. Tell me. Are you mad?" I even poked her on her hands pero wala pa rin.

Seriously? Ano bang nangyayari sa kanila?

Kukulitin ko pa sana sila pero bigla nalang nagsidatingan ang mga kaklase ko kaya bigla nalang naging maingay ang kaninang tahimik na bus.

"London! Buti naman gising kana. Sayang hindi ka nakasama. Ang daming strawberries! But don't worry, pinagkuha kita. Wait!" Saad ni Rei pagpasok niya at pumwesto sa harap ng inuupuan namin.

May kinalkal ito sa dala niyang paper bag at maya maya lang ay sumampa siya sa upuan niya at humarap sa akin.

"Here!" Abot nito ng isang lalagyan na may strawberries. Kahit hindi ako kumakain ay kinuha ko pa rin.

"Thanks."

"Hi, Brielle." Masiglang bati nito kay Brielle at kumaway pa.

"Hi po, ate Rei!" What the!

Mabilis akong lumingon kay Brielle ng masigla din siyang bumati kay Rei.

"You want strawberries? Here." Tsk. Hindi pa nga sumasagot kung gusto e.

"Wow! Thank you po." Sagot nito at lumapit kay Rei at hinalikan siya.

What the fuck! Seryoso! Naiinis na ako. Bat ganon? Kay Rei, okay siya. Hinalikan pa. Tapos ako, hindi ako pinapansin?

Naiiyak na ako!

I hate being ignored!

I mean.. okay lang sana kung iba... Pero sina Miss at Brielle? Ibang usapan na yan. Ayoko!

"Bri--"

"Mommy you want?" Tanong niya sa mommy na nagpaputol sa pagtawag ko sa kanya.

Okay, fine!

Nakita kong nakaharap pa rin sa amin si Rei at nagtataka ata kung bakit hindi ako pinapansin ni Brielle

Tinarayan ko lang din siya at binalik yung strawberries sa kanya.

"I don't eat strawberries." Malamig kong saad at sumandal sa may bintana at pumikit.

"Luh! Huy. Pinitas ko talaga to para sayo, tapos hindi mo kukunin?" Rinig kong reklamo niya pero hindi ko na siya pinansin.

Hayss. Bakit ganon? Wala naman akong ginawa diba? Bakit nila ako ini-ignore? I hate this! Feeling ko maiiyak ako.

I remembered one time, ni-prank ako ng buong pamilya, hindi nila ako pinansin.. and I think, sobrang nagsisi sila non, sinong bang hindi? Almost 3 days ata akong hindi lumalabas ng kwarto ko. Hindi rin ako kumakain o umiinom man lang. Umiiyak lang ako at natutulog na dahilan kaya nagkasakit ako. Nadehydrate din.

Kaya since then, never na nila akong in-ignore.

Kahit prank lang ay ayaw ko pa din. I still feet hurt. Parang ang bigat sa pakiramdam.

And now, nauulit nanaman yun. But this time, I know it's not prank. Miss Harper and Brielle are seriously ignoring me. I felt my chest tightens. Arghhh!

Kasalanan talaga ng CR yun e. Dapat hindi nalang kami pumunta don.

Kinuha ko ang phone ko at nag text kay daddy.

To: Daddyow 🦍
"Dad."

From: Daddyow 🦍
"Why, princess?" 

Ay good. Mabilis siyang mag reply.

To: Daddyow 🦍
"Find my location now. Faster, bago pa umandar ang bus."

From: Daddyow 🦍
"Got it."
"You okay? What happened? What will I do with this?"
"You're fine and safe right?"
"Princess, mag reply ka kung ayaw mong sa sofa ako matutulog mamaya. Are you okay there?"

Tsk! Takot talaga.

To: Daddyow 🦍
"Find the CR on the left side. Ipagiba mo. Then, build one on the other side or anywhere. Basta ipagiba mo lang yon. May sumpa siya daddy."

From: Daddyow 🦍
"What? Why?"

To: Daddyow 🦍
"Just do it dad. I'm serious."
"And oh! Ipa-bless mo nalang yung bagong ipapatayo, para walang sumpa ang pumasok don."

From: Daddyow 🦍
"What happened ba? What sumpa?"

To: Daddyow 🦍
"Nevermind that. Have to go na. I miss you. I love you. Thank you."
"I want it done tomorrow and don't tell this to mommy, dad. Or else I'll tell her you stalked one girl on tiktok."

From: Daddyow 🦍
"Are you serious?"
"Okay, fine. Just don't tell that to your mom, I might sleep on the sofa, if ever."
"Bye. I miss you too, and I love you too. Take care."

Napangisi ako sa sagot niya pero hindi ko na siya nireplyan at pinatay na ang phone ko at ibinulsa.

Napadako muli ang tingin ko sa mag-ina pero masama na naman ang tingin nila sa akin lalo na si Miss.

Hayss! Bahala sila. They ignored me earlier without me knowing the reasons and it's fucking freaking me out.

Hayss! Bahala na nga.

~~~~~

Continue Reading

You'll Also Like

14.2K 1K 35
I promise to myself na hinding hindi na ako magtatrabaho na ikakapagod ko ng husto. I promise that I will treat myself better. I promise to myself th...
96.7K 4.1K 14
Universities Series #2
139K 3.9K 54
(Under Editing All parts) Date of write: February 2020 Date publish: June 28 2021!!!! End: May/28/2022 Mafia series 2
31K 1.7K 76
In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early...