Agent Series 7: Lady Rogue an...

By wintertelle

84.6K 3.7K 635

Abilio Cryptic is an exclusive agency made for women. It is founded by the government with the purpose of tra... More

Disclaimer and Warning
Agent Series
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Special Chapter 5

Kabanata 3

2.4K 112 10
By wintertelle

'CONGRATULATIONS! You saved my lunch from getting wasted!'

Enigma's corner of her lips twitched as she read the message on his tablet. Nakangisi ang lalaki habang pumapalakpak. Ilang sandali pa ay tinaas nito ang kamay na may hawak na stylus pen at tinuro ang kaniyang dala-dalang pagkain.

Sinenyasahan siya nitong lumapit.

Pero nanatili muna si Enigma sa kaniyang kinatatayuan dahil hindi pa pumapasok sa isipan niya ang nangyari.

First, she was dragged inside the mansion without being properly oriented and now, she was showered a one galloon of milk?! Hindi lang 'yon, humahapdi pa ang kaniyang pisngi dahil sa kutsilyo na dumaplis!

What the fuck is this man?

Nawala naman ang ngiti sa labi ng lalaki nang hindi siya gumalaw sa kinatatayuan. Muli itong nag-type sa tablet at pinakita sa kaniya.

'Are you glaring at me? Or are you just dumb enough not to understand my gesture? I said, come here!'

Napahigpit ang hawak niya sa tray. Nanginginig ang gilid ng kaniyang labi dahil sa inis. Pilit siyang ngumiti.

Gusto niyang bitawan ang tray at alisin ang gatas sa kaniyang magandang mukha pero inuna niya munang maglakad papalapit sa lalaki habang pinaplano na sa kaniyang isipan kung paano niya ito papatayin kung sakali mang bigyan siya ng pagkakataon.

"Good afternoon, sir. Here's your lunch," saad niya sa pinakakalmadong boses at inikot ang tingin sa magulong kuwarto ng lalaki. "Saan ko po ito ilalagay?"

Naghanap siya ng mesa na puwedeng paglagyan ng tray habang kinakabisado rin ang kuwarto. Pinigilan niya ang sariling mapairap dahil hindi niya masikmura ang sobrang kalat. Parang kuwarto ng isang bata. Maraming laruan ang nakakalat sa sahig, pati na sa bintana. Sa kanang bahagi kung saan naroroon ang kama nito ay sobrang kalat din, parang dinaanan ng bagyo.

But there was something off in the room. Most of his toys were puzzles, robots, blocks and construction toys. Kahit na makalat parang sinadya itong ilagay sa kaniya-kaniyang lugar.

Napabalik ang kaniyang atensyon sa lalaki nang tumayo ito at hinawakan ang tray. Napaangat ang tingin ni Enigma sa katangkaran nito.

Kinuha nito ang tray at muli siyang nginitian. Even though he was smiling, his dark, gloomy orbs were saying another thing. And she didn't like it.

She glanced at how his arms raised up. He was planning to slam the tray of food on her face.

What the fuck is wrong with you?

Handa na siyang umilag subalit pinigilan niya ang sarili.

It would be suspicious for a maid to predict and avoid his attack.

Nanatili lang siyang nakatayo hanggang sa masampal na sa kaniyang mukha ang tray ng mga pagkain. Napasinghap siya sa glass bowl na tumama sa kaniyang noo at ang malagkit at mainit na kanin na dumikit sa kaniyang pisngi.

Sinadyang bitawan ng lalaki ang tray. Kasabay ng pagkahulog nito ang pagkabasag din ng mga plato at bowl.

She gritted her teeth as she watched how the man's expression turned into a shocked cat. Napatakip pa ito sa nakaawang na bibig. Tumalikod sa kaniya, inabot ang tablet, nagsulat at saka humarap ulit.

'Sorry, my hand slipped. Peace!'

She could feel her veins popping out.

Never in her whole life she was humiliated like this! Kung may ibubuhos at isasampal man sa mukha niya, pera na lang sana.

"What a retarded ill fucking person you are." Her lips wasn't moving when she uttered those words. But her voice was still heard.

Napataas ang kilay ng lalaki sa kaniyang sinabi kaya agad naman siyang ngumiti.

"Ang sabi ko po, medyo magulo po ang penmanship niyo. Hindi ka ba nakakaintindi ng tagalog? Magbibisaya na lang ba ako?" Napakamot siya sa kaniyang buhok.

Muling nagsulat ang lalaki.

'Speak tagalog. I can't understand bisaya.'

"Okay po." She already knew about that. It was obvious that the man was deported her not too long ago. She couldn't be mistaken.

The guy standing in front of her, was the guy she saw three years ago.

'Get me another serving.'

"Okay po," nakangiti niyang sabi.

Pinagmasdan nito ang kaniyang ekspresyon. Nagtataka siguro ito kung bakit hindi siya nagalit, natataranta at nagdadabog sa harapan ng lalaki.

Is this how you treat your maids to quit their job, hm? Sucks for you, kiddo. I don't get easily swayed.

If only it wasn't her job, she had already punched his face and inject a niddle on his eyes.

Tumalikod na siya. Pagtalikod niya, mabilis ding nawala ang ngiti sa kaniyang labi.

Nero Pandora, 25, a mute and a fucking crazy man. I will make sure to use you as one of my subject for torture someday.

---

THREE days had passed and Enigma had been enduring the man's crazy prank that most of the time could put a person's life in a near death experience.

No wonder walang maid na nakatatagal sa lalaki.

Maagang nagising si Enigma at naghahanda na para sa umagahan ng lalaki. Nasa kusina siya at inilalagay na ang mga pagkain sa tray. A glass of milk, a slice of chiken adobo, one bowl of fruit salad and a cup of rice.

Hinaplos niya muna ang kaniyang pisngi na nadaplisan ng kutsilyo no'ng nakaraan. The wound was almost healed, but her anger didn't subside.

Dinala na niya ang tray papunta sa amo niyang may saltik sa ulo. Sinigurado niyang nakangiti siya bago pumasok.

Pinihit niya ang doorknob pabukas. May pagkamabigat ang pinto kaya hindi niya muna inapak ang mga paa papasok at umatras. Tinulak niya pabukas ang pinto hanggang sa mahulog ang bagay na nakalagay sa ibabaw ng pintuan.

Another prank.

But she wouldn't get fooled twice.

Sa loob ng tatlong araw na 'yon, inobserbahan niya rin ang mga larong pinaggagawa nito. Kung paanong ang mga construction toys ay nakapuwesto sa isang partikular na lugar na kapag dumikit lang nang kaunti sa kaniyang paa, paniguradong maaalarma niya ang ibang laruan na nakakonekta ro'n at isa na namang prank ang mararanasan niya.

It's either maliligo siya sa kung ano-anong mga likido o may mga matutulis na bagay na lilipad sa kaniyang mukha kagaya na lang ng kutsilyo.

Like planted bombs, his room was filled with troubles  that she should look out for. A place where Enigma needed to move carefully. The moment she had entered the mansion, she had already trapped herself inside the Pandora's box. Once opened, two things would only great her—misfortune and danger.

"Ay, sorry, nakalimutan ko pala ang kutsara," palusot niya sa kaniyang hindi pagpasok at pagkaligtas sa bumubuhos na isang balde ng tubig.

Bumalik siya sa kusina at kinuha ang sinadya niyang iniwan na kutsara. Nang makabalik sa nakabukas na nitong kuwarto, agad siyang pumasok sa loob habang nakangiti. Ngiting tagumpay at may pang-aasar.

Sinadya niyang tapakan ang isang toy gun at nagpanggap na yumuko para pagpagan ang skirt niya kahit wala namang alikabok para lang maiwasan ang bala ng toy gun na isang steel ng cutter.

"Here's your breakfast, sir." Nilagay niya ito sa kama. "Good morning."

Nakahiga pa ang lalaki sa kama at nakasimangot itong nakatingin sa kaniya.

She smiled at the back of her hand.

Disappointed? Apparently, your games won't last that long for me.

"Ayaw niyo bang kumain, sir?" she asked, trying to sound worried. She looked at him with full of concern. "Are you not feeling well? Or do you want me to feed you?"

Inabot niya ang kutsara para subuan ang lalaki pero agad naman nitong tinampal ang kaniyang kamay kaya napabitaw siya.

Tinuro siya nito. Sunod naman ang sofa na nasa kaniyang bandang likuran.

"Gusto mong umupo ako ro'n?"

He nodded.

Sinunod naman niya ang sinabi nito. Naupo siya habang pinagmamasdan ang lalaki na nagsimula nang kumain. Hindi ito bumangon at nakatagilid lang ang katawan na kumain, ang isang kamay ay nakasuporta sa ilalim ng ulo nito.

Lazy ass kid.

She wanted that life too. She wanted to be served and do nothing.

"Masarap ba?" tanong niya dahil panay ang pagsulyap sa kaniya ng lalaki.

Since the day she arrived at the mansion, he was observing her. The bachelor's son was keen and suspicious to everyone. That was what Enigma could conclude in the past three days.

She wasn't able to gather much information about the place because her duty to serve and to stay alive from the pranks of the man took all her time.

Binitawan nito ang kutsara at inabot ang tablet na nasa ibabaw ng unan.

'Huwag mo 'kong tignan, white lady.'

The corner of her lips twitched in annoyance.

White lady? How dare he call a beautiful woman like her a white lady?!

As usual, she concealed her pissed-off nature by a smile. "You mean a fine white lady?"

Umakto naman itong nasusuka dahil sa kaniyang sinabi. Bumalik na ulit ito sa pagkain at hindi siya pinansin.

Itutuon niya na lang sana ang tingin sa ibang bagay pero nakuha ng atensyon niya ang isang brown teddy bear na nasa kama ng lalaki. Nakasandal ito sa headboard.

Sa lahat ng laruan nito, ang teddy bear lang ang nakatuntong sa kama.

"Sir Nero," tawag niya.

Tinignan naman siya nito.

"Bakit hindi ka na lang po mag-sign language? I think it would be faster for us to communicate rather than typing in your tablet."

Yumuko naman ito at nagsulat sa tablet gamit ang stylus pen.

'Huwag mo 'kong utusan. You're just a maid.'

"Nagsu-suggest lang naman."

'I don't need your suggestion,' he replied with three exclamation marks at the end to highlight his shouting.

"Okay po," she said and didn't bother to start an argument with him.

Sinandal niya na lang ang katawan sa sofa at saka pumikit habang inuulat sa isipan ang bawat kuwarto na nadaanan niya sa buong mansiyon. Three rooms on the third floor, five on the second and first, and one big room for the basement.

Enigma quickly sense an incoming stylus pen to hit her head. Hindi siya umiwas at hinayaang matamaan ang kaniyang noo.

"Aw!" Mabilis siyang napabangon at nagkunyaring gulat na gulat sa tumama sa kaniyang noo.

"Did you throw this on me?" tanong niya at inis na pinulot ang stylus pen.

Tumaas lang ang isang kilay ni Nero. Ilang saglit pa ay inirapan siya nito at muling kumain.

She smiled at the back of her head. If she could guess, Nero was trying to deduce whether her avoidance of his pranks today were just mere luck and not a skill.

She may be the one looking like a captive in this place, but she could play well. After all, she had a mission that she needed to accomplish.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
221K 9.9K 49
Pacifico Trilogy #1: Pirate's Stella "A pirate, an heiress and a treasure that holds the key to their fate." *** Avyanna is a rich daughter of a suc...
7.2K 1K 29
BITE YOUR TONGUE. DON'T SCREAM OR ELSE... The detective is shrouded in a veil of mystery due to her enigmatic past. While she had previously maneuve...
25.2K 648 15
[ READ SEASON 1 FIRST ] After being cursed and losing her memory, Celestial Beryl remained with the Royals in the Kingdom of Eufrata. Meanwhile, the...