Unknown Universe

ihrskye द्वारा

1.8K 57 93

Living in space is magical . . . Rhae is a high school girl who is very curious about astronomy -- about the... अधिक

Dedication
Epigraph
First
Second
Third
Fourth
Sixth
Seventh
Eighth
Ninth
Tenth
Eleventh
Last
Note

Fifth

88 3 4
ihrskye द्वारा


NAPAKAMOT ako ng mga mata ko habang tinitingnan dito sa control/communication system ang oras. 6:46 a.m. Ang aga pa pala, ang aga ko talaga magising kapag sa iba akong lugar natutulog, hindi naman ako nagigising nang ganito sa bahay. Lagi pa nga akong late sa school. Pa'no, lagi kasi akong puyat.

Dahil maaga pa't tulog pa si Keigo. Pagkatapos kong mag-C.R., nagdesisyon akong picture-an muna 'tong buong spaceship, tapos idikit ko sa notebook ko ang pictures. Para may remembrance.

P.S. sa C.R., nagmumog ako gamit ang drink pouch at basahan. Kagabi bago kami matulog ni Keigo, tinuruan niya ako kung paano mag-toothbrush dito sa space. Una, dinidikit namin 'yung toothpaste tube sa pader. Tapos hawak-hawak ko sa isa kong kamay ang toothbrush, at sa kabila kong kamay ang drink pouch. Bale, 'yung drink pouch na may lamang tubig ang ginagamit naming panghugas ng toothbrush at pangmumog—wala kasing lababo rito. Pagkalinis namin sa toothbrush namin gamit ang tubig na nasa drink pouch, pupunasan namin 'yon gamit ang basahan.

Dahil walang lababo, hindi kami dumudura. Kaya humihigop na lang kami ng tubig sa drink bag, at nilulunok namin 'yung toothpaste. Hindi ako sanay, pero sinasanay ko muna ang sarili ko na ganoon, dahil gano'n dito sa space. At kailangan ko munang i-embrace kung paano mamuhay ang isang astronaut, dahil once in a lifetime lang 'to!

Hindi kasi dumadaloy ang tubig dito sa space dahil sa microgravity kaya walang tubig. Kapag maliligo naman kami, pupunasan namin ang katawan namin gamit ang basang twalya na may liquid soap. Sa buhok naman namin, gagamit kami ng waterless shampoo, na hindi na kailangan ng tubig kapag binabanlawan. Tapos gagamit kami ng hindi basang twalya para magpatuyo—at charan, tapos na maligo. Hindi ko pa na-t-try maligo rito, siguro mamaya. Ang cool, 'di ba? Hindi ako sanay, pero ang cool na nararanasan at mararanasan ko 'yung ganoon . . . kung paano manirahan dito sa space.

Hindi rin naman masama mag-try ng something new at umalis sa comfort zone.

Sa pag-ihi't pag-tae naman, may toilet dito na kakaiba-maala robotic din ang style.

Nang tapos na akong mag-picture sa spaceship at idikit ang mga pictures sa notebook, pero hindi pa rin gising si Keigo. Nag-decide na akong paghandaan kaming dalawa ng breakfast.

Dumiretso ako sa kitchen/dining room para maghanda ng pagkain namin. Medyo natagalan pa ako dahil hindi ako sanay, buti na lang nagpaturo ako kay Keigo kahapon nung hapunan namin. Nanonood ako ng mga videos at nagbabasa ng mga article tungkol sa mga ganito, pero iba pa rin pala kapag mismong ikaw na ang gagawa.

Habang gumagawa ng almusal, nag-e-exercise ako. Sabi kasi sa nabasa ko, ang mga astronaut ay dapat nag-w-work out para mabawasan ang loss of muscle at bone mass sa katawan dahil sa microgravity.

Pero siyempre exercise na stretching lang muna ang ginagawa ko gano'n, may gym naman dito. Siguro sabihin ko kay Keigo mamaya na sabay kaming mag-exercise doon.

Inilagay ko ang hinanda kong almusal sa mesa, which is: dalawang orange juice na nasa beverage pouch na may kasama ng straw, mga steak, eggs, at tinapay na naka-pack. Idinikit ko ang mga 'yon sa table na may mga tape.

Pumwesto ako sa upuan. Saktong pagkakuha ko ng tinapay, napalingon ako nang makita si Keigo na kalalabas palang ng sleeping room niya. Gulo gulo ang buhok. Nagtama ang paningin namin, napaiwas ako ng tingin sabay sabing, "Kain ka na, Astronaut Keigo."

Ngumiti ako't lumingon ulit sa kaniya. Mula sa tingin niya sa mga pagkain sa mesa, tiningnan niya ako. Siguro sa isip isip ni Keigo, baliw na ako.

Kumuha na lang ako ng itlog, at steak na naka-pack para kainin. Masarap ang tinapay kapag pinalaman sa itlog at steak. "Masarap 'to, tikman mo," sabi ko habang binubuksan ang mga pagkain.

Pumunta naman si Keigo sa harap ko't kumuha rin ng kaniya. Kakagat na sana ako sa tinapay ko nang magsalita siya, "Pupunta tayong Moon." Sinasabi niya 'yon habang sumisipsip ng juice, nakatingin lang sa mga pagkain.

Nabitawan ko ang hawak kong mga pagkain, buti na lang hindi nahulog-lumutang lang. Kaagad kong kinuha ang mga pagkain na lumutang at napatanong, "Seryoso?"

Dinapuan niya ako ng tingin, at tumango.

Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, pero mas lamang ang pagka-excite! Nagtanong ako, "Pero 'di ba . . . Three days pa bago makapunta ro'n?"

Sumipsip siya sa juice niya at tumango, sabay sabing, "Pero baka mamaya makapunta na tayo."

"Huh? Pa'no?" taka kong tanong.

"May speed up," tipid niyang sagot.

Napakurap-kurap ako. "Anong speed up??" tunog ignorante ako.

"Itong spaceship," sagot niya.

Napatango-tango ako. "Ahh."

Pero sa loob-loob ko, nagwawala na ang puso ko. Ibig sabihin ba niya, may speed up 'tong spaceship kaya pwedeng mapabilis ang takbo? Kaya . . . pwede kaming makapunta sa moon nang mabilisan?!

Bago magtanghalian, nagbihis na kami ng spacesuit. Naligo na rin kami. Ang cool ng spacesuit, medyo mabigat, pero ayos naman. Medyo warm din sa loob kapag suot-suot mo, nagsuot kami ni Keigo ng patong patong na damit bago isinuot ang space suit mismo dahil sa radiation, may kasamang tubes in which doon nag-f-flow ang tubig para mag-cool down 'yong katawan namin—kasi kung hindi, maluluto kami ng sarili naming body heat sa loob ng spacesuit.

Imagine? Feel ko astronaut na talaga ako! Ang tagal ko ngang nagbihis ng space suit, hindi ako medyo marunong kung paano maglagay. Buti na lang tinuturuan ako ni Keigo. Ang dami kasing parts ng spacesuit, syempre may pressure garment at may life support system at many more.

Sabi ni Keigo, kagabi pa niya sinet na pumunta 'tong spaceship sa Moon kaya for sure malapit na kami sa moon ngayon—o baka nasa Moon na kami.

Ramdam ang kung ano sa tiyan ko nang naisip ko 'yon. Hindi na ako makapag-intay na makaapak sa Moon! Kasalukuyan kaming nasa control/communication system ni Keigo, may pinipindot-pindot siya sa mga button. Pagkatapos niya ro'n, pumunta siya sa airplane room.

Pagkapasok namin sa airplane room, ramdam ko ang matinding pagtibok ng puso ko na para bang mahuhulog na 'yon sa ribcage ko anumang oras. Tumataas din ang mga balahibo ko! Pumunta si Keigo sa tapat ng bintana, sumunod ako sa kaniya sa kaliwa niya. Pagkasilip ko sa bintana, feeling ko mahihimatay na ako. Nakikita ko na ang Moon mula rito! Bilog na color gray . . . may light gray at dark gray na spots. Tila ba kumikinang.

Hindi naman talaga maliwanag ang moon. Iyong nakikita natin mula sa Earth na liwanag ng moon? Hindi ang Moon ang gumagawa ng ilaw na 'yon, wala siyang sariling ilaw. Ang moonlight ay sunlight talaga. Nakikita lang natin na maliwanag ang Moon dahil iyong ilaw na nanggagaling sa Sun ay nag-r-reflect sa surface ng Moon.

Sabi nila, sobrang mahal ng Sun ang Moon, na namamatay ang Sun tuwing gabi para makahinga ang Moon.

Napatitig na lang ako sa Moon. At for a moment, suddenly, pakiramdam ko sasabog na ang buong nerves, cells, atoms ko sa katawan habang nakatitig ako ro'n—nag-p-panic ako! Like, totoo ba 'to?! Papasok kami sa Moon! Hindi lang basta tingin!

Pumikit ako, saka huminga muna nang malalim para naman makalma ang sarili. Chill, Abby—mali, si Rhae ka ngayon. Chill, Rhae. Kalma ka lang, Moon lang 'yan. Oo, Moon lang 'to.

"Kinakabahan ka?"

Napadilat at napalingon ako kay Keigo nang tinanong niya 'yon, nakatingin din siya sa akin. Kahit natatakpan ang mukha namin ng helmet, kita ko pa rin ang mga mata niya.

"Medyo . . . pero—"

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang tumingin sa bintana at nagsalita, "'Wag ka kabahan."

Napatitig ako sa kaniya, napatitig ako sa mukha niyang side-view ko lang ang kita at sa mukha niyang natatakpan ng helmet dahil sa suot naming spacesuit. Tumango ako't napangiti, saka ibinalik ang tingin sa bintana.

At halos malaglag na ang puso ko. Dahil saktong paglingon ko sa bintana, saktong pumasok din ang sinasakyan naming spaceship sa Moon. May mga crater at maria sa Moon, hindi siya eksaktong mukhang smooth dahil doon. Tutok na tutok ang mga mata ko, sinusubukang kabisaduhin ang bawat parte nitong magical moment na 'to—na ako, si Rhae, kasama si Keigo ay mag-l-land na sa Moon.

Moon landing. Ang gandang pakinggan, isusulat ko 'to sa notebook ko.

Mahigpit ang hawak ko sa windowsill. Focus lang ang mga mata ko sa labas ng bintana, pinapanood ko kung paanong ang spaceship namin ay dahan dahang dumapo—nag-land sa mismong surface ng Moon.

Nang huminto ang spaceship namin, tumataas ang mga balahibo ko. Aalis na sana si Keigo rito sa airplane room para bumaba na ng spaceship at para makaapak na sa Moon nang hinawakan ko siya sa braso. Nakatalikod siya sa akin. Pinigilan ko siya, "Wait, hintay." Medyo nanginginig ako nang sinabi ko 'yon. Nanginginig ako sa kaba't sa excitement!

Pero biglang humarap sa akin si Keigo, hawak ko pa rin ang braso niya. Humahawak ako sa kaniya dahil ewan! Baka maligaw ako sa Moon pagkababa namin!

Pagkaharap sa akin ni Keigo, tinitigan niya ako. Mata sa mata. Napaiwas ako ng tingin, saka ko naramdaman ang kamay niya sa may bandang likod ko. Noong inangat ko ang tingin sa kaniya, nag-f-focus siya, inaayos niya ang nakasuot na tank sa likod ko, kasama 'yon na isinusuot sa spacesuit. Hindi yata maayos ang pagkakalagay kaya inaayos niya. Ramdam ko bigla ang tibok ng puso ko, mas lumakas pa 'yon nang tiningnan niya ulit ako sa mata dahil tapos na niyang iayos ang tank sa likod.

Inalis niya ang tingin sa mata ko't tiningnan ang kabuuan ko, tila ba chini-check kung may mali o nakalimutan akong ilagay sa spacesuit ko. Pagkatapos no'n, tumalikod na siya. Sinundan ko siya, dali akong sumunod sa kaniya, hawak-hawak pa rin ang braso niya na animo'y isang bata na mawawala kapag hindi ako humawak sa papa niya.

Pagkabukas ng front door, ang hagdan paibaba ang sumalubong sa amin. At sa baba ng hagdan, nandoon ang color gray na surface ng Moon. Tumaas bigla ang balahibo ko, ramdam ko ang panginginig. Nang humakbang paibaba si Keigo, humakbang din ako paibaba. Hanggang sa . . . nakaapak na kami sa Moon.

Oo, ako—si Rhae, at si Keigo—nakaapak sa Moon ngayong araw. Napangiti ako, ramdam ko ang pamumuo ng luha ko dahil sa saya. Inikot ko ang tingin sa paligid, marami ring mga color gray na bato rito. Color black ang langit.

Napabitaw ako sa hawak ko kay Keigo't dahan-dahang naglakad. Saka ko ibinuka ang dalawa kong braso na tila ba mga pakpak at umikot. At umikot ulit. At umikot ulit. At ang sarap sa pakiramdam.

Pagkatapos, tumakbo ako pabalik kay Keigo, nakatingin siya sa paligid. Tila ba kinakabisado ang bawat detalye rito sa Moon, at ang mga mata niya ay nahihiwagaan. Parang mga mata ko.

Napangiti ako't tinanggal ang camera na suot ko sa leeg. Pagkahila ko ng selfie stick at pagkaposisyon ko ng camera sa direksyon namin, sinabi ko sa kaniya, "Picture tayo."

Tumingin naman siya sa camera with his poker face-innocent look.

Pagkalabas ng picture sa camera, hinipo ko ang mga mukha namin doon. Sa picture, ang color gray na surface ng Moon at ang black na langit sa itaas ay nasa kaliwang part, kami ni Keigo ay nasa kanan—nakasuot ng helmet at complete spacesuit outfit. Napangiti ako.

Pinicture-an ko rin ang spaceship namin—kasama namin ang spaceship na nakaapak sa Moon ngayong araw. Sunod ay pinicture-an ko rin ang Moon.

Pagkatapos kong picture-an ang buong Moon, napalingon ako kay Keigo na nasa kanan ko nang biglang inilagay niya sa surface ng Moon ang isang flag. Color white ang flag, may stick 'yon na medyo makapal—ang color brown na stick ng flag ang itinanim niya sa surface ng moon. Sa color white na flag, nakasulat,

Welcome to the Moon.

Greetings from Keigo & Rhae.


Feeling ko na-istatwa na ako sa kinatatayuan ko nang nabasa ko 'yon. Napatitig ako sa flag sa tapat namin. May naka-drawing na Philippine flag sa gilid. Nakasulat sa flag ang mga salitang iyon sa color black na tinta, ang ganda ng handwriting. Alam kong si Keigo ang nagsulat no'n—siguro kagabi. Nung nakita ko siyang may sinusulat siya sa mesa't hiniram ko ang isa sa mga space pen niya. At masaya ako . . . na sinama niya ako . . . na siya ang kasama ko rito sa Moon.

Milyon milyong kilometro ang layo namin rito sa space.

Napatitig ako kay Keigo, nakatitig lang siya roon sa flag sa tapat namin. Ang flag na iyon ay sumisimbolo na ako—si Rhae, at ang lalaki sa harap ko—si Keigo, ay nakapunta sa Moon. At in the future, kung sino man ang makapunta rito sa Moon at mag-explore, pwede nilang makita 'yon.

"Thank you . . . " bulong ko sa kaniya't napangiti.

Napatingin siya sa akin, saka sinabing, "Thank you rin."

Noong araw na iyon, umupo kami sa Moon, suot suot ang spacesuits namin, habang ako ay nakayakap sa mga binti ko. Pareho kaming nakatingin sa itaas—sa parang walang katapusang color black na langit, tinitingnan namin iyon na tila ba may mga stars doon. Magkatabi kami, at magkasamang nahihiwagaan.

Tapos humiga ako. Maya-maya, ramdam kong humiga rin si Keigo sa tabi ko. Nakatitig lang ako sa itim na kalawakan, na para bang hinihigop ako no'n. At for a moment, pakiramdam ko naging isa ako kasama ng universe.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

School War Online Reynald द्वारा

कल्पित विज्ञान

5.2M 267K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
RUN FOR YOUR LIFE Ice Bear is Cool द्वारा

कल्पित विज्ञान

6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
56.6M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...