In the rainy summer of June

By crunchyfita

11 1 0

Xenia is an average student, who can't get rid of the pressure from her family, and herself. As a result, she... More

Notice

Chapter ā… : The month where all classes always start

7 1 0
By crunchyfita

Chapter Ⅰ: The month where all classes always start

June 5, 2017

Monday

X E N I A

WELCOME BACK TO SCHOOL!!

Bungad-bungadan sa gate ng aking school ang isang malaking tarpaulin print na naka-sabit.

Pagka-pasok ko, dumeretsyo ako sa hall at nakita ko ang mga board na may mga naka-dikit na papel at may mga label ng kung anong grade.

Hinanap ko ang board na may label na Grade 10. Nang makita ko, dalawa lang na papel ang naka-paskil doon. Nilapitan ko at isa-isang binasa ang mga pangalan.

"Abad... Bello... Benavide-- YAN! Claridad!" Medyo malakas kong pakasabi ng makita ko ang apelyido ko sa mahabang listahan.

"Saang seksyon nga ba ito-- ahh Carmelites. Sayang, ba't wala kasi saming transferee?" Sabi ko, medyo disappointed na puro lang mga dati kong kaklase ang kaklase ko ngayon.

"Kaya nga 'no? Sawang sawa na ko sa pagmu-mukha niyo."

Napa-lingon ako sa nagsabi non. Nakita ko sa aking gilid ang isang lalaki na naka-uniform at may bag na gray na Hawks at binabasa ang lista sa kabilang seksyon. Nanlakihan ang aking mga mata sa kanyang sinabi.

"Ikaw!"'Di ko makapaniwalang sabi. Agad kong hinanap ang apelyido niya sa boy's list. Sa aking pagmamadali, halos umikot na ng 360 ang mata ko sa paulit-ulit na pag isa-isa sa mga pangalan na para bang naging invisible ang sa kanya.

Natauhan at biglang nag-pokus ang aking paningin nang may isang hintuturo ang tumuro sa hinahanap kong pangalan. Hinanap ko kung kaninong braso ba iyon nagmamay-ari - walang iba kundi yung mismong may-ari rin ng pangalan na aking hinahanap, na siya rin yung nagsalita kanina at nasa tabi ko pa rin habang binabasa pa rin ang lista sa kabilang seksyon. Ilang 'rin' na ba ang nasabi ko?

"Yan, tsk tsk. Ilang taon na tayo mag-kaklase di mo pa rin alam pangalan ko." Sabi niya at saka niya na ako nilingon. Malaki na ang pinagbago niya kung sa itsura, like medyo nag-mature, pero wala pa ring pinagbago na hanggang ngayon pinapakulo niya pa rin dugo ko sa inis.

"Nine ang transferee sa kabilang seksyon. Hindi man lang nila tayo binigyan, tsk tsk. Dapat inagahan nila ang pag-enroll. Stuck tuloy ako dito sa mukha ni--" Sinadya kong putulin ang kanyang sasabihin bago siya humarap sa akin.

"Hindi naman natin kasalanan na may ganoong system na sinusunod itong school natin. Sawa ka na pala sa mukha ko, edi sana sinabihan mo mama mo na late-an ang pag-enroll sayo or wag na. Easy." I flipped my hair bago nag-walkout at naunang lumakad papunta sa classroom.

"Hey, hEY, HEY! HINTAYIN MO 'KO!" Sigaw niya nang makalayo na ako ng unti at humabol siya sa akin.

"Heh, bahala ka jan." Sabi ko, ngunit parang hindi niya naman iyon narinig.

Nang naabutan niya na ako kahit gaano ko pa binilisan ang aking paglalakad, ipinatong niya ang kanyang kanang kamay sa kaliwang balikat ko.

"HEY! You! - ha, - could've just! - haghhhhh... wait for me a bit and go together to our classroom after, right?" Tanong niya sakin habang humihingal at katabi ko siya lumakad ngayon.

"Oo. Yes naman." Sagot ko.

"Then why would you that?" He groaned. Kung maka-reklamo ah, akala mo kung sino.

"Wala lang. Gusto kitang tumakbo, humabol, at mapagod ngayong kauma-umaga. Say thank you for the unplanned exercise you just had." Nilapad ko ang kaliwa kong kamay at saka nagkibit-balikat.

"No, thank you!" He shoved aside my hand na nasa harap niya.

Ilang segundo lang naglipas ang katahimikan nang bigla siyang pumalakpak ng isang beses at nag-salita.

"Challenge!" He exclaimed at lumaki at nag-simulang kuminang-kinang ang kanyang mga mata, na nasi-sinagan pa ng araw.

Challenge? "Akala ko ba pagod ka na? Ha?" Tanong ko sa kanya.

Ngumiti siyang nakaka-inis. "Naka-warm up na ko. You made me run, diba?" Ah. Yon.

"So? Ano yung challenge?"

"Race tayo. Papunta sa dun, sa room natin" Mabilis niyang sagot.

Ha? "Alam mo, ang gulo mo. Kasasabi mo lang kanina na sabay tayo pumunta dun tapos e-english-english ka pa, tapos ngayon paunahan tayo? Ikaw na mauna, ikaw pala may gusto eh. Wag mo ko isama magpaka-pagod." Ratatatat kong sabi sakanya.

Tumawa siya in reply. "Hush, chill. Masyado pang maaga para uminit kaagad iyang ulo mo." Kinatok niya ang noo ko ng mahina pagkatapos.

"As always, the loser always has a consequence." Sunod niyang sabi.

Tumigil ako sa paglalakad, gayun din siya. "Hm, so in short, alipin." Umisip-isip ng ilang segundo.

"Game, pero sa isang kondisyon."

"Oh?"

● ● ●

Nasa corridor kami ng ground floor. Itinuro ko sa kanya ang dalawang hagdanan na nasa magkabilang-dulo ng hallway. Una kong intinuro ang malapit sa amin na hagdanan.

"Nakikita mo yan?"

"Malamang." Monotone niyang sabi.

"Diyan ako dadaan papunta sa room natin. Ikaw naman dun sa kabilang dulo."

"Ahh sige sig-- HA?! ISN'T THAT UNFAIR? MAS MALAPIT IKAW EH." Malakas niyang reklamo.

Inabot ko ang kanyang balikat at tinapik-tapik saka ngumiti.

"Okay lang yan, nasa gitna naman ang room natin. Bale dalawang room ang lilipasan nating dalawa bago makarating doon sa atin. Ano, game!" I grinned confidently.

"Sigh, game." Matamlay niyang sabi.

Dali-dali akong tumakbo kahit gaano kabigat ang bag ko. Ngayon ko nire-regret ang pagdala ng mga kung ano-anong gamit sa first day of school.

Habang paakyat ako, may mga grupo ng estudyante ang nagsi-babaan papunta sa ground floor nang bigla akong may nabangga dahil sa pagmamadali ng hindi sinasadya.

Nasa harap ko pa naman ang aking bag. Para tuloy siyang sinugod ng kalabaw dahil sa sakit na nasulyap ko sa reaksiyon niya.

Wala na akong natitirang oras pa at ang tanging nasabi ko na lang ay "Pasensya na."

"Wait--!"

Nakarating na ako sa second floor at hingal nang hingal sa unti-unting nararamdamang pagkapagod.

Nangangalay at nanginginig na ang mga tuhod ko na feeling ko ay anumang oras ay babagsak ako.

"Yes hehe, unti na lang." Bulong ko sa sarili ko.

Sa huling hakbang ko ay sakto din ang pag hawak ko sa knob ng pinto para sandalan.

"YES!/YES!!"

"Eh?" Napatingala ako kung saan nanggaling ang boses.

He is grinning from ear to ear.

"Quits tayo? HAH! YES! At dahil diyan, the game's--"

"Nope. I just said YES!! because you finally arrived." He cut me off, still grinning.

" --a draw." Wala sa sarili kong sabi. Nakakainis talaga yang mukha niya, dinagdagan pa niyang loko-loko niyang ngiti.

"7:26 ako nakarating. It's 7:28 already. 2 minutes late." He added.

"Whew~ I really thought na ikaw ang mauuna because of the probability, but wow, meron pa palang natitira saking ka-swertehan" Proud niya pang page-explain habang papasok kami ng room.

Naka-upo ako sa right side ng room, ikatlong row, third from the center. May apat na rows na nagco-contain ng apat na upuan ang dalawang side ng room. Ang dalawang natitirang rows - sa pinaka-likod ng right side ay may isang upuan at ang row naman na nasa pinaka-likod ng left side ay may apat rin na upuan. Bale, 37 kami lahat sa klase.

"Argh, yea yea. Pwedeng tumahimik ka na? Bigla-bigla ka na lang nage-english. May mga estudyanteng pababa kanina kaya medyo na-delay ako. Anyways, I won't lose next time. You've had enough today making my blood boil, also, dahil sayo naubos energy ko." Mahaba kong sabi habang inayos na ang sarili paka-upo sa aking upuan at uminom ng tubig sa tupperware kong inuman.

"Still, susundin mo gusto ko for a whole day." Napahinto ako sa sinabi niya.

I turned to him and watched him as he put his bag-which looks empty?-on his chair. What's worse is, WE ARE SEATMATES.

"Hindi mo gagawin? Fine, losers gonna hate. Always." Tumawa siya ng mahina habang ako ay nagpipigil na sabunutan ang buhok niyang parang di sinu-suklayan.

Binaling ko ang aking atensiyon sa aking cellphone na aking hawak.

"When's the day?" Tinanong ko habang nagse-cellphone pa rin.

"Next Monday." Sabi niya bago umalis at tinawag siya ng mga kaklase naming lalaki na dati niya ring kakilala.

Binuksan ko ang calendar na app at tiningnan kung kailan iyon. Napangiti na lang ako ng palihim nang makita ko ang date.

"See you next Monday, Pierce." Bulong ko sa sarili ko. Ito na ata yung urge kung saan gusto ko mag-insert ng evil laugh gaya ng "muahahahahahaha!", "hehehehekekekekeke", "mwehehehehehehe" or something along like that.



Unti-unting na-occupy ang mga natitirang empty seats sa room namin. Alam na ng students kung saan sila uupo dahil may naka-paste sa upuan ng printed na list number. Like ano, for example, sa Girls Class List, ika-7 ako sa lista. So, ang list number ko ay G7.

Nalaman kong random lang pala pag-pili ng seats basta alternate tapos napadpad pa talaga ako dito sa tabi ng olive oil na 'to. At exactly 8 o'clock, nag-ring na ang bell. A teacher came in, from the front door. Unang napansin ko sa kanya ay ang dala-dala niyang maroon covered na class record.

"Good morning class! I'm Yesenia Floramaria Magan Maranan, Ms. Flora for short na lang. I'm your subject teacher for English, as well as this class adviser. I know na sawang-sawa na kayo sa introducing, but we're still going to do it in order to get to know your fellow classmates and all." She started.

Ibinaba niya ang class record sa table na nasa harap habang naka-bukas pa rin ito at umupo bago pumalakpak ng tatlong beses.

"OKAY! LET'S START! Please stand up B8, and introduce yourself." Malawak na nakangiting sabi ni Ms. Flora.

B8? She's calling some random list numbers?! Sino ba si B8?

Napalibot ang paningin ng mga estudyante sa buong classroom, hinahanap kung sino ang nasabing B8 nang biglang may malakas na tunog ng pag-atras ng upuan sa aking likod.

Mabilis akong napatingin, pati na rin ang mga kaklase kong iba sa tumayong student. Malapad siyang nakangiti at maluwag na nagpa-kilala sa klase.

"HELLO EVERYONE! My name is Dane Aryan M. Lopez, you can call me- later. 'De joke lang po. Just call me Dane. 16 years old. I like playing basketball, so guys, alam niyo na ha? Lopez, Number 8 from Yellow Falcon. I'm waiting for your cheers. Yan lang, maam." Kumindat-kindat pa siya sa buong klase nang matapos siya mag-salita.

"Expected namin na panalo ka dapat kung susuportahan ka namin ah?" Pagbi-biro ni maam.

Thanks to him, medyo natanggal ng unti ang mabigat na atmosphere na meron kanina. Natawa pa ang iba dahil sa way ng kanyang pagsasalita.

"I bet he'll be one of the comedians here in the room." Nagulat ako sa pag-bulong ni olive oil sakin.

"Yeah. Me too." Mahina kong pagsang-ayon sa kanya, pero may unting pagka-dumbness siyang ine-emit.

Umupo na siya nang tawagin ulit si Dane. Nagpalitan ng nagtatakang tingin ang bawat-isa sa klase.

"Yes po, maam?"

"Please choose who will be next to introduce. Who would you like to know?" She smiled again.

CHOOSE?! Ms. Flora, wag ka namang ganyan, please. Okay na sana kanina, pinapakaba mo ulit kami ngayon.

Lumingon ako kay Mr. B8 at pumipilit na bigyan siyang signal sa telepathy na si Ms. Flora na lang ang pumili. Napansin niya naman atang kanina ko pa siya matalas na tinititigan at nagka-salubong kaming paningin. Tumango siya sakin at nilipat ulit ang atensyon kay Ms. Flora. Lumingon na ulit ako sa harap at bumulong sa sarili.

"Good. Mabuti naman na mali ang hula ko sayo na dumb ka-"

"Maam, I chose po this girl in front of me." Narinig kong sabi niya.

THE WHO?!

Nilingon ko ulit si B8 and gave him a death glare. Binabawi ko yung sabi ko sakanya. He is such a dumb clueless potato. Ngunit hindi ata sa kanya tumatalab ang glare ko kaya binigyan niya akong thumbs-up with wink as reply.

I heard someone snort at hinanap ko kung sino at saan iyon nanggaling ngunit tinawag na ako ni maam.

"Ms.? Can you tell me your list number para malagyan ko ng mark dito sa record?"

"G7 po."

Sumulat muna siya ng ilang segundo bago niya ako pinatayo at pinasalita.

"You can now start, iha."

"Thank you po, Ms. Flora. Hi everyone, I'm Xenia Eden N. Claridad. Just call me by my given first name. Calling me by my second name will be considered a threat. 15 years of living. My main hobby is overthinking po. I dislike frogs and like cats po. Looking forward to working with you all. That's all."

"Thank you, Ms. Xenia. What a pretty name." Pag-compliment ni maam sa pangalan ko.

"It is."

Rinig kong sabi ng isang boses ngunit hindi ko na-recognize kaagad. Sino ba yun? Baka nagsasalita na yung inner self ko.

"Mr. B7? Who is B7?" Tanong ni maam sa buong klase which made me cut my own thoughts and put it aside.

Biglang tumayo ang katabi ko. "That's me."

Nagsimulang magbulong-bulungan ang mga estudyante, at karamihan dito ay mga kababaihan. May mga nabubuong mahihinang tili mula sa kanila. Napansin ko rin na lahat sa kanya nakatingin. "Hindi ba sila nagkaka-stiff neck?" Tanong ko sa sarili ko.

Nilipat ko ang atensyon sa katabi kong nakatayo. Pasimple ko siyang siniko ng mahina. "Huy, mag-salita ka, olive oil." Bulong ko. Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago nagsalita.

"Pierce Oliver F. Gibson. 16. I dislike this situation right now. Thank you." Saka siya umupo ulit.

POT- YUN LANG? Nagtataka akong tumingin sakanya at ganoon din ang buong klase.

"O-Okay, thank you for your very heartwarming and life inspiring introduction, Mr. Pierce." Sarkastikong comment ni maam. Nagpatuloy si maam tumawag kung sino ang susunod na magpapakilala and so on.



Naubos ang dalawang oras namin at recess na. Bumuhat na ako sa aking pwesto at malakas na tumawa. "AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Nagulat yung ibang natitirang students sa room pati na rin ang katabi kong olive oil. "Hey, what's with you toda-" Hindi niya napatuloy ang kanyang sasabihin dahil sa tawa ko.

"VERY HEARTWARMING DAW AHAHAHHAHAHAHAHAHA NAKS, NAKAKAINSPIRE PALA ANG TINUSOK NA OLIVE OIL" Patuloy kong nilabas ang tawang pinipigilan ko kanina. Binigyan niya akong naiinis na tingin.

"Oh. I wonder kung sino kaya yung ayaw sa palaka? Saka yung natalo kanina sa race? Yung hobby ang mag-overthink? Kilala niyo ba yun?" Natigilan ako sa sinabi niya at nakita ko ang kaninang naiinis niyang mukha ay napalitan ng nang-aasar.

Tumayo siya at tinitigan ako. "Dead or alive, right? As long as palaka pa rin naman nung pagkabuhay hanggang sa pagkamatay." He then started walking, headed to the back door of the room.

Nag-loading ako ng ilang minuto at bumalik ulit sa aking senses. Nanlaki ang aking mga mata sa na-realize at dali-daling hinabol siya at binatukan.

"Ow! What was that for?" Sabi niya.

"Para yun sa sarili ko, tinusok na olive oil." Saka naunang lumabas sa room kesa sa kanya, ngunit tumago muna sa isang gilid.

"Tinusok na olive oil? Natutusok ang olive oil? Anyways, DID YOU ALWAYS CALL ME THAT, YOU SPOILED EDEN CHEESE?!" Mabilis siyang lumabas sa pinto at halatang tatakbo na para habulin ako, ngunit bigla kong ginalaw ang aking paa pa-sulong na naging dahilan ng kanyang pagka-tisod.

"How dare you call me spoiled and threaten me at the same time." Sabi ko at nagsimula na ulit lumakad patungo sa cafeteria.

I froze when someone suddenly spoke near my left ear. "I think you'll like a Cuisses de grenouilles en sauce for lunch."

"And what is that? Let's share when that happens." Naglakad ulit ako.

"Sauced frog legs." Seryoso niyang sabi.

"Sounds disgusting to me." Komento ko.



Nakarating na kami sa labas ng cafeteria at lumapit sa isang machine na parang size lang ng calculator, na naka-attach sa wall malapit sa may pinto. Kailangang i-insert ang ID at pumili from 1 to 3 kung ilang ticket ang kukunin. 1 ticket is equivalent to one meal. Any kind of drinks ay hindi na kailangan ng ticket.

Kinapa ko ang aking ID ngunit yung cord lang ang aking naramdaman. Palihim kong itinago sa bulsa at sinadyang ilabas ng kaunti ang cord ng ID. Tumingin ako sa aking likod at nakita kong parami na ng parami ang mga tao. Nilipat ko ang tingin kay olive oil.

"Pierce. Ikaw na muna. Mauna ka na sa loob." Sabi ko sa kanya as I stepped aside.

Binigyan niya akong nagtatakang tingin bago nagsalita. "Nakakuha ka na?"

"Hindi pa, I mean, hindi." Sabi ko, unti-unting humahakbang pabalik.

"What do you mean hindi? Your ID's in your pocket naman." Nang matapos niyang kumuha ng ticket, gumilid din muna siya para hindi magkaroon ng mahabang pila.

"May baon pala ako dun sa bag, hehe. Ikaw na lang kumain sa loob. Sama ka na lang kila..."

-nilibot ko ang paningin ko at naghanap ng kakilala at nakita ko ang grupo ng mga lalaki na kasama roon si B8, na siyang itinuro ko-

"YUN! Sama ka na lang kila B- este Dane, pala ahaha! Mauna na ako ha?" Tinapik ko ang kanyang kanang balikat bago tumalikod at tumakbo paalis.



"Saan ba yun nahulog ha?" Maigi kong tintingnan ang sirang dulo ng ID cord ko. Hays, kailangan ko na tuloy magbago ng panibagong cord tapos wala man lang ditong lost and found place. Hindi talaga masasabing first day of school kung walang katangahan na nangyayari.

"Imposibleng matatanggal na lang yun ng mag-isa." Sabi ko sa sarili ko habang naglalakad pa rin. Kailangan ko yung mahanap, kung hindi, haha fasting tawag dun.

Natigilan ako sa naalala at dali-daling pumunta sa hagdan kung saan tinakbuhan ko kanina.

"Nasan ka na ba, umayos ka ID at ang panibago mong cord, kadenang ginto na. Tsk tsk, natatanga na ko dito." Naka-ilang beses na akong libot, pataas at pababa, sumilip pa ako sa malapit na basurahan pero wala pa rin.

Umupo ako sa isang step-mga apat na step paakyat-sa gilid lang ng hagdan, malapit-lapit sa ground floor. "Ano kaya kung humingi na lang sana ako kay olive oil? Ay kaso wag na, mamaya niyan bumawi siya sakin sa consequece ko sa Lunes. Tama, tama."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan.

"AGHHHHHHHHHHHHHH ID KO!!! TANGIN-"

"Ms. Xenia Eden?" Mabilis kong tinikom ang aking bibig when I'm suddenly called by a guy's voice. Tumayo at nilibot ko ang paningin at nagulat ako nang may nakatayo sa aking likod.

"Ay! -" dahilan nang muntik na akong mahulog at mabiyak ang aking ulo nang mabilis na naihablot ang aking kanang kamay ng nakatayo.

"Ah, salamat." Sabi ko at binitawan na ang kanyang malamig na kamay.

"Perhaps, this is your ID." Nakita kong itinaas niya ang isang rectangle na may picture at pangalan ko. Medyo nakakahiya tuloy na may ibang taong nakakita ng picture ko sa aking ID. Hindi ko masasabing maayos ako sa picture, basta ang alam ko, hindi yun papasa sa word na 'maayos'.

Pinagpagan ko ang aking pang-upo at hinarap ang kausap, saka kinuha ko na ang ID ko. "Ehem, yes po it is, Thanks again, Mr... er"

Nilahad niya ang kanyang kamay para makipa-shake hands at saka sinabi ang kaniyang pangalan.

"Criston. Criston Saiden H. Acosta."


#ITRSOJ

crunchyfita

Continue Reading

You'll Also Like

193K 7.5K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
298K 5.6K 40
Sophie is just an average girl with simple life. Until one day, she finds herself caught in a complex love triangle between two popular guys at her u...
8.7K 555 22
[ SAALVADERA SERIES # 1 ] Summer Elena Gonzales always believe that romantic love is not for her. As marriage didn't work with her parents and betra...
563K 6.4K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2024