The Ex-wife Dominant Revenge

By inspirit_keisha14

336 8 1

UPCOMING... "Love feels so right, yet very unpredictable and addictive enough to make you crazy". More

Prologue: Betrayal

100 8 1
By inspirit_keisha14

EX-WIFE DOMINANT REVENGE

Ala una na ng hating-gabi pero hindi pa rin umuuwi ang asawa kong si Francis. Nag-aalala ako nab aka may nangyari na sa kaniyang masama sa daan habang pauwi siya, o kaya nagg over time siya sa company. Kahit nag-away kami nitong mga nakaraang araw at napagsasalitaan na niya ako ng masama ay hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kaniya.

Naiintindihan ko siya. Alam kong busy siya at pagod palagi. At ako? Nasa bahay lang at tanging sa gawaing bahay lang nararapat dahil hindi naman talaga ako maaasahan sa pagta-trabaho. Hindi din ako nakapagtapos sa pag-aaral at kung sakali man na magpumilit akong magtrabaho ay magagalit lamang siya ng husto.

Agad akong napapatayo sa pagkakaupo dito sa couch ng sala, nang marinig ko ang pagparada ng kaniyang kotse sa garahe. Halos takbuhin ko na ang pagitan ng pintuan para lamang mapagbuksan siya.

Kahit naghihirap na maglakad dahil sa medyo may kalakihan ko na rin na tiyan. Yes, I'm 6 months pregnant.

Bago ko pa nabuksan ang malaking pintuan ng entrada ng bahay namin ay naunahan na niya akong buksan iyon. "Hon—" tatawagin ko na sana siya at batiin nang may makita akong babae sa kaniyang likuran. Maganda, makinis at ma-alindog. Nakahawak ito sa braso ng asawa ko, at ang masaklap ay ngumiti pa ito sa'kin na sinabayan ng pag-kaway.

"Ikuha mo ako ng tubig, Celine." Malagong na utos ng asawa ko sa'kin at tuloy-tuloy na pumasok sa bahay. Kasama iyong babae.

Samantalang ako ay nagulat at tila napako sa aking kinatatayuan. Hindi makapagsalita dahil unti-unti ko pang dina-digest ang naging turing ng asawa ko sa'kin despite sa kasa-kasama nitong babae.

"Sandali, Francis." Pigil ko sa kaniya at pinigilan ko rin ang babae sa siko. Marahas ko itong inilalayo kay Francis.

"Hey! What the heck is your problem?!" anggil ng babae sa'kin at marahas na binawi ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. Pero sa ngayon, hindi siya ang gusto kong puksahin.

Kundi ang asawa ko.

Ano ang ibig sabihin nito? Bakit may babae siyang kasama?

Kabit niya ba ito? Nagtaksil ba siya sa'kin?

Ang daming tanong na gusto kong itanong pero humugot ako ng isang malalim na hininga upang kumalma nang sa gano'n ay kalmado ko din siyang makausap. Ayoko siyang pangunahan, kahit na klalrong-klaro na sa nakikita ko ngayon ang sagot.

Okay, nagpapakabulag ako. Pero gusto ko malaman mula mismo sa kaniya ang sagot.

"Alam mo ba kung anong oras na?" puna ko at naglakad patungo sa harapan niya. Nasa may kalapit na hagdan lang kami ngayon, malapit din sa sala.

"Nearly 2 a.m. Why? Does it really matter?" At ang paraan ng pagtatanong niya ay tila nanunumbat at nang-iinsulto.

"Alam kong hindi ako nakatapos ng pag-aaral, Francis. Pero hindi ako bobo para hindi ka maintindihan kahit mag English ka pa. Yes, it really matters. Karapatan kong malaman kung ano ang ginawa mo these past hours at kung saan ka pa nagsusuot bago ka umuwi ng ganito ka late." Hindi ko mapigilan ang sarili na mang-kuwenta. Pero pinupunto ko lang ang point ko dahil asawa niya ko. Hindi ibang tao.

Nagtaas siya ng tingin sa'kin at hindi nagtagal ay nagtagpo ang mga mata namin. Mainit ang tingin niya sa'kin, matalas at halatang hindi niya nagustohan 'yung sinabi ko. "Nagta-trabaho ako, Celine. Kailangan pa ba 'yon ipagtanong, ha?"

Parang gusto kong matawa sa sinagot niya, kasi OO alam kong parte ng araw-araw niyang Gawain ay magtatrabaho. "Hindi na ba pwedeng magtanong sa asawa ko, sa'yo, Francis? Alam kong hindi tayo maayos nitong nakaraang araw at aaminin ko may pagkakamali rin ako. Pero hindi naman tama na kahit pagod ka ay sa'kin mo isisisi at ilalabas. Buntis ako, sa anak mo. Kahit na nandito lang ako sa bahay ay naghirap din ako. Pero kahit pagod ako, hindi ako naninisi—" hindi ko natapos ang pagpapaliwanag ko nang sumingit siya.

Marahas siyang napapaksi ng hiningi, "Hindi naninisi, pero ngayon nagku-kuwenta at ako pa ang tinuturoan mo? Do you think my role was just a simple thing?!"

"Alam ko nga 'yun, Francis! Pero ang punto dito, kung pagod ka dapat nagpapahinga ka. Kung wala ka sa mood, hindi mo sana ibinubunton sa'kin, but instead, pag-usapan natin para gumaan ang loob mo." Sumunod din ako sa panunumbat niya agad, ramdam ko 'yung lakas ng tibok sa puso ko, animo'y na-stressed sa kaniya. Pero binalewala ko. "So, hanggang ngayon galit ka pa? Siguro, matatanggap ko pang galit ka pa, pero itong pagdadala mo ng babae sa bahay natin? It will never be valid. And then, who is this girl?" sabay turo ko sa babae at binalingan ito ng nakakamatay na tingin.

With her presence, naiirita na ako sa kaniya. Mukha siyang malanding pot ana gusto kong ilibing ngayon. Ewan ko, pero ang tindi ng galit at iritasyon ko ngayon.

"You're asking kung sino ako? Well..." singit ng babae sa malanding boses, sabay dikit at kunyapit sa asawa ko na parang lanta. "Pasensya na kung natagalan ako sa pagpapakilala sa sarili ko. I'm Penelope. Your husband's secretary and his office warmer which his wife disabled to fulfill."

Mas lalong nagngitngit ang pakiramdam ko sa babae, lalong-lalo na sa asawa ko na ngayon ay parang uod na tahimik. Nagpigil ako, gusto ko siyang sapakin.

Humugot ako ng malalim na hininga dahil ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. "Totoo ba ang sinasabi ng babaeng 'to, Francis?" sinikap ko pang hindi mautal at maiyak kahit sa kabila ng pagdudurugo ng puso ko ngayon sa sakit.

Paano niya ito nagagawa sa'kin?

Sinalubong niya ang aking paningin, wala akong ibang nakita doon kundi pagmamalaki. "She's just my secretary. Not my mistress." Wika niya. Tila ba binibilog niya ang ulo ko.

"Secretary lang, pinaglololoko mo ba ako?!" sigaw ko sabay tulak at hampas ko sa kaniya. My tears flowed itself as my sobs followed. "Kabit mo ang babaeng 'yan! At habang hindi ko napupunan 'yang pangangailangan mo ay nakikipaglampungan ka sa kaniya?! Napaka-walanghiya mo, Francis! Anak mo ang dinadala ko, tapos may dangal ka pa talagang magtaksil sa'kin?!" napaka-sakit. Hindi ko maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman ko, pero nasasaktan ako ng sagad sa kaluluwa ko.

Pinaghahampas ko siya, maging ang babae niya ay sinabunotan ko. "Ang hayop mo! Minahal kita, at naging tapat ako sa'yo! Ano ba ang kulang at ibinigay ko naman lahat, ha?!" walang humpay sa pag-agos ang mga luha ko, nanginginig ang katawan ko sa pighati at puot. Nagsusumigaw na rin ang kabit niya sa sakit at nanghingi ng tulong sa kaniya.

"Potang-ina, Celine! Tumigil ka na!" bulyaw niya, halos mabingi ako. Marahas niya ring hinuli ang mga braso ko. Ramdam ko ang diin at sakit sa pagkakahawak niya sa'kin. "You're asking me why I'm fvcking like this?! It's because you're fcking boring! A sh'tty wife na masyadong maraming alam! Pakealamera at hindi marunong makuntento!" marahas niya rin akong binitawan na halos ika-tumba ko.

Napaawang ang bibig ko sa mga sinabi niya.

Akala ko ba mahal niya ako?

Nasaan na 'yong Francis na kilala ko at minahal ko?

Hindi siya ito...

"To sum up everything, total masyado kang kuryuso ay sasabihin ko na." may diin niyang asik at tinawid ang pagitan naming dalawa, sabay hawak ng mariin sa aking baba. Halos sinasakal niya na ako. Mas lalo akong napaiyak. Rinig ko pa ang tawa ng kabit niya. That I deserve to be beaten up like this.

Kahit kailan ay hindi pa ako nagawang saktan ni Francis. Anong nangyari sa kaniya at naging ganito siya. Hindi ko maintindihan.

"Hindi kita mahal." Sa tatlong salita na 'yon, tila nabingi ako, kasabay ng pagtigil ng oras sa paligid ko. Paulit-ulit na parang boomerang sa aking tenga.

Wala sa sariling umiling-iling ako. Despite sa situation ko, ayaw ko pa ring maniwala. "Hindi totoo 'yan. Sabi mo no'n, mahal mo a—"

Ngumisi siya at kinalaunan ay tumawa na parang demonyo. Pinaparating din sa'kin kung gaano ako ka tanga at katawa-tawa. "You're really fvcking naïve are you?!" pati kabit niya ay nakikitawa. These faces, ang tumatak sa isip ko. Mas lalo akong nasaktan, hindi dahil sa pamimisikal niya sa'kin, kundi sa puso kong nagdurugo. "Who would like to be in love to someone like you?! Wala namang attractive sa'yo. You're not even beautiful at maid lang kita noon. Pinag-tripan lang kita kasi tingin ko ang dali mong mauto, and I'm indeed right!"

Ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod ko sa kaniyang siniwalat. Ito 'yung totoo sa kaniya, samantalang paniwalang-paniwala ako. Humikbi ako at pilit na kumawala sa kaniyang pagkakahawak. Gusto ko lumayo. Nandidiri ako sa sarili ko.

Binitawan niya naman ako, at agad akong napapalayo sa kaniya. Yakap ko ang sarili ko habang hindi na halos makahinga ng maayos. Ang paningin ko ay tila bulag na dahil sa mga luhang hindi matigil-tigil.

"Tumigil ka na sa kaka-elusyon mo, Ma'am Celine. Laruan ka lang ni Francis at parausan. I mean, baby bank para sa tagapagmana niya, and the rest, you're a trash!"

Ayaw ko ng makarinig pa ng kung ano-ano pa. Gusto kong tumakas, tama na. Ngayong alam ko na ang katotohanan... bakit ganito... nagtatalo ang kaloob-looban ko sa nangyari.

Tinalikuran ko sila at kahit nahihirapan ako ay nagtungo ako sa hagdan para umakyat na sa kuwarto. Gusto ko mapag-isa.

Parausan n-niya lang ako?

B-Baby bank?

Inuto?

Ang mga katagang 'yun ay siyang nagwala sa lahat ng mga memoryang akala ko ay totoo. Ang mga matatamis niyang salita. Ang mga panliligaw niya. Ang pagpapasaya niya sa'kin, lahat-lahat!

Hindi 'yun totoo. Pakiramdam ko para akong pinatay ng paulit-ulit. Dahil alam ko sa sarili kong mahal na mahal ko siya! At ang katotohanan na mula mismo sa bibig niya nagmula ay tila sampal sa'king pagkatao.

Nagsisisi ako.

Nasa kalagitnaan pa ako ng hagdanan nang may marahas na kamay ang sumakal sa'kin mula sa batok. Hindi ko napansin na nakasunod na siya sa'kin. Oo, si Francis ito. Masyadong napuno ang isip ko sa lahat. Nagpumiglas ako, dahil masakit ang pananakit niya. Nakawala naman ako.

"Huwag mo kong hawakan!" Singhal ko, kahit pumipiyok pa. "Di'ba masaya naman akong paglaruan kasi mula una, trip mo lang ako! Hindi mo ko mahal! Masaya ka na di'ba? Kaya pwede bang tama na!"

Ayokong magmakaawa. Never ko iyong gagawin.

Hindi rin ako 'yung tipong uulit-ulitin pa ang mga naibunyag na, kasi alam ko sa sarili kong pagod na ako. AYoko na. Tama na.

"Tama na? I'm not even done yet, Celine. Nagsisimula pa lang ang laro natin. Kaya wala ka sa pwesto para mag desisyon kung kailan ako titigil!" akmang huhulihin niya ang braso ko, pero agad akong umiwas at itinulak siya. Bumangga ang likuran niya sa railings. "The nerve you've got to fight back, huh?!" ngayon ay hindi na ako nakaiwas at tuloyan niyang nadakip ang aking mga braso.

"Bitiwan mo ko! Ah!" sigaw ko.

"I was the one who fed you, dressed you, sheltered you and this is what you'll going to pay?!" nagtangis ang panga niya, ang mga mata ay nagliliyab lalo sa galit.

Ni kahit katiting na senyales ng pagpapahalaga at pagmamahal na palagi kong nakikita sa kaniya noon ay hindi ko na nakita.

"Hindi ko hiningi sa'yo 'yon! Kusa mo 'yung binigay! Walang may sabi na lapitan mo ko, akitin at paibigin. Kung nasasakal ka sa'kin bilang asawa mo, kasalanan mo 'yun!" kahit nagmumukha akong maliit sa paningin niya, gusto ko pa ring ipaglaban ang sarili ko. Kung gano'n mang nagsisisi siya at ganito siya maburo sa presensya ko, kasalanan niya 'yon.

"Shut up!" bulyaw niya.

"Ma'am Celine, tumahimik ka na lang please? Mas lalo mo lang pinapainit ang ulo ng Mister natin eh." Pang-iinsulto ng babae ni Francis, habang nilaro-laro ang dulo ng mahaba niyang buhok.

Nakaramdam ako ng pandidiri sa sinabi niyang mister 'namin' to think na palipat-lipat ng ilog ang asawa ko, mas lalo akong na-imbyerna. Hindi pwede ito.

"Kung alam ko lang na ito ang totoo mong kulay, Francis. Sana hindi ako nagpauto sa'yo!" tinulak ko siya, pero para siyang pader na masyadong matigas at hindi matinag-tinag.

Marahas niya akong itinulak sa railings. Ramdam ko ang sakit no'n sa aking balakang abot hanggang sa gilid ng aking tiyan.

"Kasalanan mo yan, dahil bobo ka! Uto-uto at masyadong ilusyunada! Hindi ka ba masaya dahil pinatikim ko pa sa'yo ang sarili mong gamot?"

Ang luha ko ay tila nagsi-atrasan. Demonyo siya. Kaya sa galit ko sa kaniya, nawala saglit yung sakit at nagkaroon ako ng lakas upang lumaban. Mabilis akong kumilos at kinagat siya sa kamay. Nabitawan niya naman ako dahil sa diin ng pininsala ko. Nalasahan ko pa ang dugo niya na idinura ka sa mukha niya.

"Wala kang modo! Demonyo ka at hindi tao! Maghiwalay na tayo at magsama kayo ng kabit mo linta! Simula ngayon, wala ng Celine ang hahabol-habol sa'yo. Wala ng Celine ang makikialam sa'yo! Yung mga damit na pinamili mo, at itong bahay mo. Sayo na. Hindi ko naman kailangan." bago ko siya tinalikuran ay malakas ko siyang sinampal sa mukha.

Nagmamadali kong tinahak ang itaas, pero hindi ko pa man naabot ang tuktok ay nahablot na niya ang buhok ko. Napadaing ako sa sakit, nanlaban ako at kahit nahihirapan ay buong lakas kong inalis ang kamay niya.

Pero ang kasunod na nangyari ay ang hindi ko inaasahang mangyari sa'kin.

Nahulog ako sa kahabaan ng hagdan. Pain was like assaulting daggers to my body habang gumulong-gulong ako pababa.

"Celine!" I even heard him calling my name.

Mapakla akong natawa at napaiyak nang marating ko ang dulo at naramdamang umagos ang preskong dugo mula sa aking kaangkinan pababa sa aking hita.

'Patawarin mo si Mama anak, kung hindi kita maisisilang. I'm very sorry.' Bulong ko sa kawalan bago ako nilamon ng dilim at nawalan ng malay.

Continue Reading

You'll Also Like

244K 14.7K 16
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...
263K 30.1K 76
#Book-2 of Hidden Marriage Series. πŸ”₯❀️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
457K 25.9K 44
The story continues to unfold, with secrets unraveling and new dangers lurking in the shadows. The Chauhan family must stay united and face the chall...
798K 46.7K 38
|ROSES AND CIGARETTES Book-I| She was someone who likes to be in her shell and He was someone who likes to break all the shells. "Junoon ban chuki ho...